Babasahín sa Kultural na Malayuning Komunikasyon [2 ed.] 9786218064119

Nakakanlong ang komunikasyon sa isang proseso ng paglikha ng kaalaman na pinangangalagaan hindi lámang ang integridad ng...
Author: J
1 downloads 118 Views 4MB Size
SANGGUNIANG AKLAT

BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

SANGGUNIANG AKLAT

BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

JOSEPH T. SALAZAR EDITOR

MARK BENEDICT F. LIM KATUWANG NA EDITOR

Edisyong Limitado at Eksperimental BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON Karapatang-sipi © 2017 ng introduksiyon ni Joseph T. Salazar, ng mga indibidwal na awtor ang mga artikulo, at ng indibidwal na mga tagasalin ang mga salin. RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala. Editor: JOSEPH T. SALAZAR Katuwang na Editor: MARK BENEDICT F. LIM Disenyo ng Pabalat: ANGELI NARVAEZ Disenyo ng Aklat: R. JORDAN P. SANTOS Ang Pambansang Aklatan ng Filipinas CIP Data Rekomendadong lahok: Sangguniang aklat : babasahin sa kultural na malayuning komunikasyon / editor: Joseph T. Salazar. – Maynila : Komisyon sa Wikang Filipino ; Filipinas Institute of Translation ; Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, 2017. pages ; cm ISBN 978-621-8064-11-9 1. Communication – Study and teaching (Higher) 2. Communication – Social aspects.3. Communication and culture. 4. Culture in literature. 5. Filipino literature. I.Salazar, Joseph T. 153.7 BF6975.S432017

P720170114

Inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Maynila 1005 Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525 [email protected] • www.kwf.gov.ph at ng Filipinas Institute of Translation AB5-402 Hardin ng Rosas, UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon 1101 Tel. 547-1860 • Fax: 981-8500 lokal 2250 [email protected] • www.fit.org.ph sa tulong ng grant mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining 633 Kalye Heneral Luna, Intramuros, Maynila 1002 Tel. 527-2192 to 97 • Fax: 527-2191 to 94 [email protected] • www.ncca.gov.ph The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The ncca promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as a dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).

NILALAMAN 7

INTRODUKSIYON: ANG MALAYUNIN SA MALAYUNING KOMUNIKASYON JOSEPH T. SALAZAR

85

PAGPAPAKILÁLA SA MGA PILÎNG SANAYSAY ALEJANDRO G. ABADILLA

91

SAPAGKAT ANG PILOSOPIYA AY GINAGAWA ROQUE J. FERRIOLS

101

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO BIENVENIDO LUMBERA

115

PAKIKIPANULUYAN: TUNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON ERLINDA NICDAO-HENSON

128

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN MIRA ALEXIS P. OFRENEO CRISTINA JAYME MONTIEL

152

ANG PAGSASASALITA SA LAMÁN: ILANG PANIMULANG SILIP AT HIPO SA DISKURSO NG PORNOGRAPIYA BENILDA S. SANTOS

162

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD FERNAN L. TALAMAYAN

177

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS (ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS) GENEVIEVE L. ASENJO

193

LOBAT JELSON ESTRALLA CAPILOS

201

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS EULALIO R. GUIEB III

230

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM ROLANDO TOLENTINO

245

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKAS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN JOSE EDGARDO A. GOMEZ, JR.

261

ANG PAGSASAKATUBO MULA SA LOOB/KULTURAL NA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITÂNG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKONG ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA JAYSON D. PETRAS

292

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNSOD NG MAYNILA MICHAEL D. PANTE

311

ANG “MALAYÀNG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA JUDY TAGUIWALO

330

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA JEMA M. PAMINTUAN

346

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO ROLANDO B. TOLENTINO

367

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS EULALIO R. GUIEB III

383

SILABUS NG KURSONG KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

391

SANGGUNIAN

INTRODUKSIYON: ANG MALAYUNIN SA MALAYUNING KOMUNIKASYON NI

JOSEPH T. SALAZAR

B

INUO ANG AKLAT na ito para sa mga mag-aaral na Filipino sa antas tersiyarya na nag-aaral sa ibá’t ibáng disiplina. Ipinakikilála nitó ang kursong Malayuning Komunikasyon, ang kasaysayan at kontekstong pinag-ugatan nitó, kung paano ito maaaring iangkop sa kontekstong Filipino upang makalikha ng mga kasangkapang pangkomunikasyon na naglalayong transpormahin ang karanasan at kaalamang lokal sa pormal na kaalaman, at ang implikasyon nitó sa pagsulat ng sanaysay para sa pananaliksik. Binibigyan ng diin ang papel na gagampanan ng mag-aaral bílang tagapamagitan mula sa kaniyang tungkulin bílang bahagi ng edukadong uri na pinagtatagpo ang ibá’t ibáng larang hanggang sa kaniyang kakayahang makipagtalastasan sa Filipino, Ingles, at ibá pang mga wika upang lumikha ng ugnayan sa mga kaalamang lokal, pambayan/pambansa, at pandaigdig/global. Nilalayon ng aklat na magsilbing gabay sa pag-aaral ng mga prinsipyo ng Malayuning Komunikasyon. Alinsunod sa layuning ito, ituturo hindi lámang ang mga estratehiya na makatutulong sa pagsasagawa ng maayos na palítan ng kaisipan; sa halip, itataguyod ang mga prinsipyong ito nang may paninindigan sa tungkulin ng mag-aaral bílang propesyonal na tumatayông tagapamagitan sa ibá’t ibáng proseso, kultura, sistema, larangan, pananaw, at paraan ng pamumuhay. Kabílang sa mga tungkulin bílang tagapamagitan ang sumusunod:

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ang pagpapahayag ng mga kaisipan at teknikal na kaisipan sa kaniyang larangan sa isang paraang mauunawaan ng ibáng tao lalo na ng mga táong walang katulad na pagkakasánay; Ang pumagitna sa magkakasalungat at magkakaibáng identidad, pangkat, at ideolohiyang hindi kadalasang nagtatagpo ang pananaw at ang karanasan sa pamamagitan ng mga sulatín, babasahín at ibá pang uri ng komunikasyong hihikayat sa diyalogo at pagpapalalim at pagpapalawak ng diskurso tungkol sa magkakaibáng suliranin at usapin; Ang humanap ng paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga nása mardyin sa pamamagitan ng paglalathala ng mga ulat, pananaliksik, artikulo, at ibá pang sulatín na may kamalayan sa nagbabago-bagong konteksto, kasaysayan, at karanasan. Upang maisagawa ito, binibigyan ng diin ang potensiyal ng mag-aaral sa antas tersiyarya bílang bahagi ng edukadong uri na aktibong pumapagitna sa mga uring panlipunan, sa dominante at marhinalisado, sa mga wikang katutubo at banyaga, sa mga puwersang lokal at global, at sa marami pang usaping nangangailangan ng paninimbang ng isang intelektuwal na nakauunawa sa potensiyal ng sariling kultura at kung paano ito maitatanghal at aalagaan sa tabí ng malalawak na prosesong ekonomiko at politikal na mabilisang binabago ang nakagawian nating pamumuhay. Ang mag-aaral ng Malayuning Komunikasyon ay hindi lámang lilikha ng mga kasangkapang pangkomunikasyon na sumusunod sa daloy ng mga popular na konsepto ng modernisasyon at progreso, nauunawaan niya ang politika sa likod nitó at ang pangangailangang lumikha ng alternatibong pamamaraan at pananaw gámit ang pormal na kaalaman mula sa mga disiplinang tutulong sa kaniyang pagkatuto at pagkadalubhasa sa kaniyang larangan, at lalo na mula sa mga karanasang partikular sa kaniyang kaligiran, konteksto, at kasaysayan na bumubuo sa isang natatanging kultura na kailangan pang pag-aralan, pagyamanin, at itanghal sa tabí ng mga dominanteng sistemang nagpapagalaw sa lipunan natin. DISENYO NG AKLAT Hindi nakatuon ang kurso sa pagbuo ng mga kasangkapang pangkomunikasyon para sa ibá’t ibáng pagkakataón. Nakatuon ito sa politika ng komunikasyon upang hindi ito maging kasangkapan ng patuloy na pagkakalupig sa ilalim ng umiiral na kaayusang pampolitika. Upang isagawa ito, hinahati ang aklat sa dalawang bahagi. Sa unang bahagi, at kaugnay ng introduksiyong ito, inilalatag ang mga prinsipyo ng Malayuning Komunikasyon at kung bakit ito kailangang baguhin lalo na sa

8

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

konteksto ng pinag-ugatan nitóng developmentalismo. Nililinaw ang mga prinsipyong may kinalaman sa mga uring panlipunan, kulturang nása mardyin (tinatawag ding laylayan), at ibá pang usapin tungkol sa proseso ng produksiyon ng kaalaman upang bigyan ng diin ang pangangailangang lumikha ng diskurso sa pagsulat ng mga komposisyon at artikulo, pagbuo ng ulat, pagbabahagi ng kaalaman, at lalong-lalo na, sa mga talakayan sa silid-aralan upang mahikayat ang kapuwa mag-aaral at guro na magpalítan ng kuro-kurong nakasandig sa masusing pananaliksik ng kaalaman bílang ensayo tungo sa pagpapayaman ng kabuoang diskurso ng propesyonalismo sa bansa. Tumitiwalag na ang aklat na ito sa preskriptibong uri ng pagkatuto, at sa halip ay nakatutok sa pagbibigay sa mag-aaral ng mga modelo ng pananaliksik na interdisiplinaryo. Kayâ naman unang mapapansin sa aklat ang pag-iwas nitó na gumámit ng mga talaan, listahan, at balangkas, o kayâ mga tuntuning nakahiligang ipamemorya sa mga mag-aaral. Ipinagpapalagay na ang mga tuntuning ito ay nailapat na sa bagong edukasyong K-12, kayâ minarapat na iangat nang kaunti ang antas ng pagkatuto ng komunikasyon sa kolehiyo sa pamamagitan ng pamimilosopiya, pamumulitika, pagsasakasaysayan, at pagsasakonteksto sa ibá’t ibáng sistema ng komunikasyon upang maging tapat sa atas ng intelektuwalisasyon ng Filipino sa ibá’t ibáng larangan. Sa ikalawang bahagi, itinatanghal sa aklat ang isang serye ng mga sanaysay na bunga ng pananaliksik upang magsisilbing modelo ng pagsusuri at pag-aaral na maaaring isagawa ng mag-aaral anuman ang kaniyang larangan at propesyon. Itinatanghal sa mga naturang sanaysay ang pagsasanib-sanib ng kaalaman mula sa ibá’t ibáng larangan gámit ang ibá’t ibáng paraan at pamamaraan hábang nananatiling maláy sa proseso ng globalisasyon at tapat sa paglikha ng kaalamang nakaugat sa kultura at tradisyong Filipino. Sa ganitong paraan, hinihimok nitó ang mag-aaral na timbangin at pagmunian din ang mga impormasyon at kaalamang kaniyang inilalakip sa ibá’t ibáng proseso ng komunikasyon upang mamalayan kung paano siyá tumatayông kasangkapan at/o hadlang sa di-pagkakapantay sa sariling lipunan, at sa di-mabílang na mga komunidad na may lantad at di-lantad siyáng ugnayan. Kayâ bagama’t hindi lahat ng mag-aaral sa kolehiyo ay papasok sa mga propesyong kinakailangan ang pananaliksik, pinaninindigan pa rin ng aklat na ito na himukin ang bawat mag-aaral na magsagawa ng pananaliksik upang maensayo ang kaniyang mga kasanayang kritikal. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na ehersisyo ng pagtatanong, pagdisenyo ng mga paraan at pamamaraan, paglalatag ng mga kaisipang teoretikal, paglikom at pagsuri ng datos, at pagbibigay ng rekomendasyon para sa ibayo pang pag-aaral na siyáng pagsisimulang muli ng panibagong proseso ng pagtatanong ay nabibigyan ang mag-aaral ng kritikal na kakayahang suriin ang mga sitwasyon na kaniyang kinapapalooban at bumuo ng

9

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

angkop na tugon upang mas bumuti ang mga kondisyong ito para sa kaniyang sarili at para sa mga kultura at identidad na kaniyang nirerepresenta. Bago maisagawa ang mga layuning ito, hayaan munang tutukan ang mga pundamental na pangangailangang binibigyan ng katuturan sa kursong Malayuning Komunikasyon. TUNGO SA ISANG MAPAGPALAYÀNG KONSEPTO Ayon sa CHED (Commission on Higher Education) Memorandum Order 20 ng 2013, ang Malayuning Komunikasyon ay “pagsulat, pagsasalitâ, at paglalahad para sa ibá’t ibáng madla at ibá’t ibáng layunin” (p. 6). Sa ngayon, wala nang ibáng opisyal na depinisyong lumilitaw hinggil sa kurso kayâ maraming paglilinaw ang kailangang suriin upang maging higit na espesipiko ang bubuuing lapit o pasok sa kurso. Bagama’t ito ang dominanteng depinisyong nakasaad sa patakaran, kailangang punahin ang mga limitasyon nitó sa konteksto ng mga pagbabagong pang-edukasyon na isinabatas ng naturang tanggapan ng pamahalaan na isáma ito bílang kursong panlahat sa antas tersiyarya sa isang panahong ipinakikilála pa lámang ang sistemang K-12. Ngunit kung ganito naman palá ang ugat ng pangangailangang baguhin ang mga tradisyonal na kursong komunikasyon at panitikan sa mga wikang Filipino at sa Ingles, marapat ding tanungin kung paano naiibá ang saklaw nitó sa mga umiiral na kurso sa mga pamantasan sa Filipinas. Bunga ng kawalang-linaw ng konsepto sa kurso, ipinaliwanag sa isang artikulo sa peryodiko ni Isagani Cruz, tagapangulo ng sangay ng Edukasyong Panlahat sa CHED, na ang Malayuning Komunikasyon ay isang multidisiplinaryong kurso. Aniya, The term “purposive communication” has a particular meaning in scholarly discourse. Hebb and Thompson’s classic “The Logical Analysis of Animal Communication” (1954), for example, says that “the essence of purposive communication is that the sender remains sensitive to the receiver’s responses, during sending, and by modification of his sending shows that his behavior is in fact guided by the intention (expectancy) of achieving a particular behavioral effect, in the receiver.” Purposive communication cannot be appreciated without behavioral science (Cruz, 2014). Nakakanlong, kung gayon, ang komunikasyon sa isang proseso ng paglikha ng kaalaman na pinangangalagaan hindi lámang ang integridad ng impormasyon mula sa isang larangan, kundi nagbibigay din ng pansin sa proseso ng pagtanggap ng

10

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mambabasá, tagapakinig, o tagatanggap ng isang mensahe na siyáng naisasaalangalang ng pagkakaensayo sa mga kasanayán sa mga agham panlipunan (sikolohiya, sosyolohiya, antropolohiya, atbp) bílang repositoryo ng mga kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. Sa ganitong modelo ng Malayuning Komunikasyon, mainam na itinatanghal ni Cruz ang partikularidad ng mga disiplinang sosyolohiko at kung paano ito maaaring iangkop sa proseso ng pakikipagtalastasan. Gayumpaman, sa ganitong tuon ng Malayuning Komunikasyon, iminumungkahi ang pangangalaga sa isang tungkuling inaasahang taglay ng manunulat, tagabigkas, o tagalikha ng impormasyon na pangibabawan ang mga proseso ng pagkilos at pag-iisip ng kaniyang madla at gumawa ng angkop na mga hakbang upang mapanatili ang integridad ng impormasyong kailangang ipaabot sa kanila. Hindi naman ito masamâ. Ang problema, hindi rin naman ito naiibá sa dáting mga konseptuwalisasyon ng komunikasyong itinuturo ng tradisyonal na kurso sa wika at panitikan, lalo na ang mga kaisipang nagpapalaganap sa henyo ng manunulat, na dáti’y siyá lámang may monopolyo sa pagpapahayag ng kaniyang mensahe. Kung babalikan ang mga teorya ng post-estrukturalismo, matagal nang nalansag ang ganitong modelo ng komunikasyon. Para kina Derrida, Lacan, Baudrillard, Foucault, Deleuze, at Butler, ang nais na pagpapakahulugan ng isang manunulat ay pumapangalawa na lámang sa pagpapakahulugang ipinapása at pinaiigting ng mambabasá. Anumang pagpapakadalubhasa ang gawin ng manunulat para kilalánin ang kaniyang mambabasá ay laging hahantong sa pagtiwalag ng isang identidad na itatangi ang kaniyang sarili para lumikha ng panibagong teksto kahit pa ang paglikhang ito ay kinapapalooban ng pagbaluktot sa orihinal na teksto at, kung gayon, malayòngmalayò sa orihinal na intensiyon ng manunulat. Bagama’t nagbunga ng sari-saring paglalaro ng kaisipan ang naturang prosesong ito na napakahirap seryohin, manakanaka’y may lumilitaw na lehitimong pagpapakahulugan na nagbibigay ng alternatibong pananaw at pamamaraan sa mga tanong at usaping inilalatag ng manunulat. Hindi naman kataká-taká kung bakit sa ganitong bista lámang ipinipiit ang proseso ng Malayuning Komunikasyon. Sa naturang sanaysay ni Cruz, babanggitin din niya na: Nowadays, purposive communication is sometimes even identified with Development Communication, which is taught by Departments of Communication rather than Departments of English or Filipino. A 2011 article in the “Global Media Journal,” for instance, is entitled “Development Communication: A Purposive Communication with Social Conscience – an Indian Perspective.” (Ibid)

11

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa pag-ugat nitó sa Komunikasyong Pangkaunlaran (Development Communication), lubos na mapapansin ang kahinaan ng pinaiiral na depinisyon ng Malayuning Komunikasyon. Sa ganitong pormulasyon, ginagámit na kasangkapan ang komunikasyon para madaliin ang pagkakaangkop ng mga sityo o lokalidad na nangangailangan ng tulong ekonomiko mula sa mga sistema at kalakarang makapaghahatid ng pagbabago. Malalim ang naging aplikasyon nitó lalo na pagdatíng sa pagtatalaga ng mga hanggahan ng Una at ng Ikatlong Daigdig (First and Third Worlds). Muli, wala din namang masamâ sa ganitong adhikain. Paano din naman ba maaaring masamain ang pagpapalaganap ng ekonomikong pagbabago sa mga lunan na labis na nangangailangan nitó? TALAKAYIN • Paano naiibá ang Malayuning Komunikasyon sa mga asignatura ng Filipino sa mataas na paaralan? • Ano ang ipinagpapalagay ng Development Communication tungkol sa ugnayan ng manunulat at ng tumatanggap ng mensahe? Saan umuugat ang ganitong ugnayan ng dalawa? MALAYUNING KOMUNIKASYON PARA SA IKATLONG DAIGDIG Para sa maraming kritiko ng developmentalismo, nakakanlong ang maraming diskurso ng kaunlaran sa pagtatalaga sa Kanlurang Europa at ang pagsasakasaysayan ng Enlightenment dito bílang namamayaning modelo ng kaunlaran na pilit ipinagagaya sa maráming bayang bahagi ng Third World. Sa aklat na Encountering Development: the Making and Unmaking of the Third World (1995), pinuna ni Arturo Escobar na ang mga hakbanging nakapaloob sa diskurso ng pag-unlad ay lalong nagpapalalim sa pagkakalugmok sa kahirapan ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig. Sa pagtatanghal sa kanilang ekonomiya at lipunan bílang nangangailangan ng reporma na makukuha lámang sa Unang Daigdig, lalong napaiigting ang kanilang subordinasyon sa ilalim nitó na siyáng kokondisyon sa tahasang pagbabago ng ekonomiya at kultura ayon sa mga nakamit ng Kanlurang Europa. Sa ganitong proseso, pinapatay ang sariling mga sistema ng Ikatlong Daigdig. Sapagkat ipinalalagay ng maraming proyekto ng developmentalismong Europeo at Kanluranin ang kailangang isagawa sa kanilang mga lunan, lalo lámang napatitindi ang imahen ng mga bansang mahihirap bílang likás na may kakulangang intelektuwal, kultural, at ekonomiko. Mamamalas ang ganitong ugnayan sa paglaganap ng kapangyarihan ng World Bank sa mga bansang naghihikahos. Hindi aambunan ng pera ng World Bank ang anumang bansa sa Ikatlong Daigdig kung hindi ito susunod sa mga itinalagang kondisyon ng pag-unlad na itinakda ng kasaysayang Europeo.

12

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Pigura 1. Imaheng unang nalathala sa Chicago Tribune (1914), pinupuri ng Estados Unidos ang sarili para sa kaunlarang dalá nitó sa mga bago nitóng kolonya na nakuha mula sa España. Bahagi ng sákop ng Malayuning Komunikasyon ang pagsiyasat sa ugnayan ng mga usapin ng kaunlaran sa kasaysayan ng panlulupig. Maraming sistema na pinapaksa ng maraming komunikasyon sa kasalukuyan ang kailangang timbangin bílang produkto ng nananaig na kaalaman na nagtatalaga sa kapangyarihan ng mga mas makapangyarihang bansa. (https:// commons.wikimedia.org/wiki/File:Free_ from_Spanish.jpg)

Kayâ kahit wala na sa ilalim ng mga imperyong kolonyalista ang maraming bayang nabansagang Third World, patuloy pa rin ang panghihimasok ng Europa sa kani-kanilang mga sistema. Ang dáting pisikal na presensiya na pinanghahawakan ng mga lumang imperyo ay nalípat sa World Bank na nakaposisyon para panghimasukan ang mga patakarang ekonomiko at politikal ng mga naghihirap na bansa. Kailangang rebisahin ang konsepto ng Malayuning Komunikasyong nakakiling sa Komunikasyong Pangkaunlaran. Sa naturang umiiral na modelo ng komunikasyon, nangingibabaw ang pagpapabilis ng paglapat ng mga adhikaing pangkaunlaran. Ang kaisipang post-estruktural na tahasang humahámon sa pagsesentro ng diwa sa manunulat ay maaaring gamítin upang punahin din ang diwa ng developmentalismo: Paano kung ang diwa ng pagbabagong naturingang progresibo ay muling nanunumbalik sa kapangyarihang Kanluranin? Higit sa lahat, maaari kayâng magtalaga ng konsepto ng kaunlaran na nakaangkla sa sariling karanasan at hindi sa imposisyon ng mga kaisipang Kanluranin? Kailangan ding idesentro ang konsepto ng Malayuning Komunikasyon mula sa manunulat, mananalumpati, tagapag-ulat, tagapamahayag, atbp na sa ibá’t ibáng paraan ay maaaring tumatayông mga ahente ng Kanluraning konsepto ng progreso. Ang komunikasyon ay hindi isang linear na prosesong nagsisimula sa nagpapahayag ng impormasyon at nagtatapós sa tagatanggap nitó. Kayâ sa aklat na ito, itinatanghal ang Malayuning Komunikasyon bílang magkakawing na prosesong kapuwa pinagsasaluhan ng pinanggagalíngan ng impormasyon (ang

13

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

manunulat, manlilikha, tagapagsalitâ, atbp) at ng pinag-aalayan ng impormasyon (ang mambabasá, tagapakinig, atbp). Kapuwa silá tinatanaw bílang magkatuwang sa pagbuo ng mga diskursong nakatimo sa mga proseso ng komunikasyon. Sa ganitong konseptuwalisasyon ng Malayuning Komunikasyon, ibinabalik ang ahensiya sa tumatanggap ng impormasyon at ipinalalagay na may kakayahang kritikal siyá upang pagmunian, suriin, at timbangin ang mga implikasyon ng kaalaman at impormasyong ipinapása sa kaniya. Higit sa lahat, ang prosesong ito ay hindi dinodomina ng iisang tao o pangkat ng tao; ito ay kinatatampukan ng lahat, lalo na ng mga táong mababago ang pamumuhay sa pag-ampon ng mga iminumungkahi at pinalalaganap na kaisipan. Sa pamamagitan ng paglinang ng kanilang kritikal na kasanayán, kailangan ding isakatuparan ng Malayuning Komunikasyon ang paghubog sa mga tagatanggap ng impormasyon bílang aktibong ahente ng mga sumusunod na salik: Ang sariling ekonomiya, politika, at kultura na laganap sa kaniyang paligid, pati na ang mga ugnayang panlipunang umuugat mula dito; Ang mga diskursong lumilitaw sa ibá’t ibáng disiplina, kapuwa sa mga larang na dalubhasa siyá at sa ibáng mga disiplinang nakapag-aambag ng kaalaman at kaagapay sa pagpapayaman ng kaniyang espesyalisasyon; at Ang mga namamayaning kaisipan, usapin, at kamalayang kolektibo, pambayan, at pandaigdig na nagtataglay ng mga usaping ipinaaangkop sa kaniya.

TALAKAYIN • Ano ang enlightenment? Ano ang konteksto na pinag-uugatan nitó nang nangibabaw ito sa Europa? Bakit ganoon na lámang ang impluwensiya nitó sa ibáng bahagi ng mundo? • Ano ang kinalaman ng enlightenment sa pagtatalaga ng pagkakaibá ng Una at ng Ikatlong Daigdig? Ano ang nangyari sa Ikalawang Daigdig? • Malinaw ang ahensiya na ibinibigay sa manunulat at ibá pang táong lumilikha ng impormasyon at pinanggagalíngan ng komunikasyon. Bakit kailangan ding ibalik ang ahensiya pati sa mga tumatanggap ng komunikasyon?

ANO ANG MALAYUNING KOMUNIKASYON? Sa aklat na ito, binibigyan ng katuturan ang Malayuning Komunikasyon bílang pagsasalikop ng mga proseso ng patuloy na pagtimbang at pagsuri ng impormasyon mula sa pagbuo, pagpapakalat, at pagtanggap ng mga sulatín, ulat, babasahín, tekstong pangmidya, at ibá pang kasangkapang pangkomunikasyon upang pahintulutan ang

14

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

partisipasyon ng ibá’t ibáng pangkat, kultura, kasarian, at uring panlipunan sa pagbuo ng mga patakaran, batas, tuntunin, at ibá pang prinsipyong gagabay sa direksiyon ng indibidwal at kolektibong pamumuhay. Iginagálang ng Malayuning Komunikasyon ang kaibhan sa isa’t isa ng mga nasabing pangkat, at tinatanaw ito hindi bílang balakid tungo sa pagbuo ng nagkakaisang tugon sa mga suliranin at usaping hinahangad na malampasan o mahigitan, kundi mga pagkakataon para lumikha ng mga natatanging tugon at taktika para harapin ang ibá’t ibáng suliraning nakakaharap natin sa isang paraang dinamiko, sistematiko, mapanuri, at maláy sa mga katangiang partikular sa isang lunan o pangkat ng tao. Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa papel ng mag-aaral, mananaliksik, manunulat, at tagapamahagi ng impormasyon bílang tagapamagitan, inaasahan na gagamitin niyang kasangkapan ang komunikasyon sa pagpapabuti ng kondisyon ng kaniyang kinakausap—hayag man o hindi ang pag-uusap na ito—upang pahintulutan siláng makibahagi sa pagbuo ng mga pagpapasiyang makakaapekto sa mga sistema at kalakarang makakaapekto sa kanilang pamumuhay. TALAKAYIN • Paano naiibá ang depinisyon dito ng Malayuning Komunikasyon sa mga proseso ng komunikasyong inaasahan sa tradisyonal na kurso sa Komunikasyong Pangkaunlaran? • Paano nakakatulong ang ganitong depinisyon ng Malayuning Komunikasyon sa identidad at kultura ng Filipinas na bahagi ng Ikatlong Daigdig? DALAWANG PRINSIPYO Sa pagbibigay ng ganitong kahulugan sa Malayuning Komunikasyon, kailangang ilatag ang magiging implikasyon nitó sa ibá’t ibáng aspekto ng pakikipagtalastasan. Sa ganitong paraan, higit na lilinaw sa mag-aaral na ang proseso ng komunikasyong ineensayo niya ay hindi tumitigil sa paglikha at pagpapalaganap ng impormasyon kundi nagpapatuloy sa pag-anyaya sa ibá na makibahagi sa pagbibigay ng artikulasyon sa masasalimuot na sistemang panlipunan at kung paano ito maaaring itanghal bílang mga simulain ng ibá’t ibáng kalakarang maaaring isaisantabi ng mga preskripsiyong Kanluranin na kasalukuyang nagtatalaga ng marapat na pamumuhay para sa atin. Sa isang bandá, ang kurso ay isang ehersisyo sa pagpapayaman ng tinatawag ni C. Wright Mills na “imahinasyong sosyolohiko” (sociological imagination). Hindi maiiwasang balikan ang pundamental nitóng kaisipan na humihiling sa sinumang mag-aaral ng sosyolohiya na iugnay ang sarili sa mga nagaganap sa lipunan. Kailangan itong sinumang mag-aaral na nagsasagawa ng pananaliksik upang makita kung ang mga suliraning nakaaapekto sa kaniya ay mayroong kaugnayan sa mga pangyayari sa kaniyang paligid. Ayon kay C. Wright Mills:

15

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

“The sociological imagination enables its possessor to understand the larger historical scene in terms of its meaning for the inner life and the external career of a variety of individuals. It enables him to take into account how individuals, in the welter of their daily experience, often become falsely conscious of their social positions. Within that welter, the framework of modern society is sought, and within that framework the psychologies of a variety of men and women are formulated. By such means the personal uneasiness of individuals is focused upon explicit troubles and the indifference of publics is transformed into involvement with public issues” (1959, 5). Ang anumang pagtatangkang unawain ang lipunan at ang masalimuot na daigdig na kinabibilangan natin ay kailangang manumbalik sa isang pagtatangkang unawain ang sarili. Hindi nagkakaroon ng bisà ang proseso ng pagmumungkahi ng solusyon kung wala ding kamalayang pansarili ang naghahain nitó lalo kung ang sariling ikinikilos ay sumasalungat sa kaisipang kaniyang binibigkas at sa kaniyang pagdanas sa kaniyang paligid. Kayâ hinahámon din ng kurso ang mag-aaral na hanapan ng kaisahan ang sarili sa kaniyang lipunan at sa kaniyang mundo. Sa mga proseso ng komunikasyon, madalas paburan ang pinanggagalíngan ng impormasyon bílang may natatanging subhetibidad. Ngunit madalas, higit na napangangalagaan ang pagigiging natatangi ng subhetibidad na ito sa halip na iugat ito sa obhetibong batayan ng realidad. Sa “Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa,” naghain si Roque J. Ferriols ng isang pilosopikal na sanaysay na naglalayong kathain ang ugnayan ng ganitong pagmumuni-muni sa paggawa. Aniya, Ang buong pag-unawa ng tao ay sumasapandamá; ang buong katipunan ng pandamá ay sumasapag-unawa. Kayâ’t nagigisnan ng buong tao ang buong daigdig. Nagigisnan ng buong tao ang buong daigdig. Hindi sapat na sabihin ito. Kailangang matauhan ka. Danasin mo. Upang magkaroon ng saysay ang anumang kaalaman, kailangan itong iugat sa isang subhetibidad na hindi lámang maláy sa kaniyang sarili, kundi maláy din sa mga ipinadadanas sa kaniya ng ibá at ng daigdig.

16

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

TALAKAYIN • Si C. Wright Mills ay isang sosyologo at si Roque J. Ferriols ay isang paring pilosopo. Kahit magkaibá ang mga larangan at bayan na kanilang pinanggalíngan, masasabi bang may kaisahan ang kanilang mga kuro-kuro tungkol sa ugnayan ng indibidwal at ng lipunan? Ipaliwanag. • Paano kayâ ipinaliliwanag ang ugnayan ng tao at ng lipunan sa ibáng mga larang? Tutukan ang sariling larang o kurso, sino-sino ang mga táong nagtaguyod ng mga prinsipyo nitó at paano nilá tinatanaw ang ugnayan ng tao at ng lipunan? FILIPINISASYON NG MALAYUNING KOMUNIKASYON Katulad ng una nang nahiwatigan, kailangang isaalang-alang ng Malayuning Komunikasyon ang pagbibigay ng puwang sa isang kritikal na kamalayan laban sa pananaig ng mga sistemang Europeo sa ating pamumuhay. Bukod sa karanasan ng kolonyalismo na siyáng naging pangunahing salik sa pagkakatalaga ng mga katutubong sistema bílang mahinà, kailangan ding maging salik ng epektibong komunikasyon ang pagkilála sa imposibilidad na makamit ang isang uri ng kaunlaran gámit ang mga pamamaraang Europeo. Sa “Five Stages of Growth” (1988), pinabulaanan ni Walt Whitman Rostow ang integridad ng mga sistemang Kanluranin lalo na ang mga inilalakò sa Ikatlong Daigdig bílang natatanging paraan para makamit ang tinatamasang kaunlaran. Para sa kaniya, kailangang tandaan na ang tagumpay ng Europa ay hindi nakamit sa pamamagitan ng Enlightenment, katulad ng laging ibinibida, kundi sa pamamagitan ng malawakang transpormasyon ng mga kolonya tungo sa isang pabrika ng mga alipin at wala halos pagpapahalagang ipinása sa kanilang trabaho o labor maliban sa kakatiting na probisyong kailangan para sustentuhan ang pagkain upang maipagpatuloy ang pagtatrabaho. Epektibong ginagámit ang kasaysayan ng pagkakamit ng kaliwanagan o enlightenment sa Europa upang pagtakpan ang karahasang isinasistema nitó sa mga dáting kolonya. Mauulinigan sa pagsusuring ito ni Rostow ang matagal nang ipinaglalaban ng mga teoristang bumubuo sa oryentasyong kung tawagin ay postkolonyalismo. Para sa postkolonyalismo o pag-aaral na postkolonyal, may mabigat na pangangailangang balikan ang karanasan ng kolonyalismo at imperyalismo sapagkat lumikha ito ng kakaibáng kultura ng subordinasyon at panlulupig na hindi pa lubos na nabibigyan ng paliwanag kahit may ilang dekada o siglo nang nakalayà ang maraming mga kolonya sa dáti niláng mga imperyo. Sa ganitong pananaw, ang kasaysayan ng Kanlurang Europa ay kasaysayan din ng kaniyang mga nasákop, at anumang tagumpay ang inaangkin nitó para sa kaniyang sarili ay kailangang isakonteksto sa usapin ng pagsasamantala hindi lámang sa dangal ng trabaho ng tao kundi pati sa kaligiran at kamalayan ng mga nasákop. Ang agwat na umiiral ngayon sa Una at sa Ikatlong Daigdig ay produkto at likha, higit sa lahat, ng pagkamkam ng Kanlurang Europa sa likás na yaman at

17

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

trabaho ng kaniyang mga nasákop. Bagay itong nagbunga ng di-pagkakapantay noon at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Isa sa mga ugat ng di-pagkakapantay na pinapansin ng postkolonyalismo ay ang pagkakalupig ng katutubong kaalaman sa ilalim ng mga kalakarang isinasistema ng ibá’t ibáng uri ng developmentalismo. Sa kaniyang impluwensiyal na sanaysay na “Can the Subaltern Speak?” (1988), tinalakay ni Gayatri Chakravorty Spivak na sadyang nakasandig ang kaalaman ng mga dáting kolonya sa reproduksiyon ng kaalaman ng imperyo. Sa ganitong proseso, hindi kukulangin sa dalawang ulit na alyenasyon o pagkatiwalag mula sa lipunan ang pangkat ng mga tao—ang tinatawag niyang subaltern— na wala na ngang partisipasyon sa pagbuo ng kaalaman ng kolonya ay ninanakawan pa ng pagkakataóng makibahagi sa mga kaalaman ng kaniyang bayan matápos ang liberasyon mula sa kolonyal na kapangyarihang dáting naghari dito. Sa isang antas, kailangang maipabatid na kung isasalin ito sa usapin ng Malayuning Komunikasyon, nabibigyang-daan ang pangangailangang tutukan ang pagbibigay ng representasyon at tinig sa mga táong hindi karaniwang isinasali sa proseso ng pagbuo ng batas, patakaran, at ibá pang mga institusyong lumilikha ng kolektibong pagpapasiya. Gayumpaman, hindi simpleng usapin lámang ng representasyon ang tinutukoy ni Spivak. Sinusuri niya ang kondisyon ng mga subaltern bílang isang higit na matinding alyenasyon, sapagkat sa kabilâ ng mga pagkakataóng binubuksan ang mga proseso ng ibá’t ibáng institusyon para sa kanila ay kapansin-pansin pa rin ang alyenasyon mula sa mga sistemang hinihikayat siláng makibahagi. Para kay Spivak, ang kawalang-kakayahang makibahagi sa mga sistemang ito ay bunga ng oposisyon ng lokal na kultura na may sariling paraan ng pagpapahayag at pagsasadiwa ng kaniyang mga sistema na hinding-hindi kailanman nagkakasiya sa wika at mga paraan ng mga kolonyal na sistema. Anuman ang huwisyo at dunong na taglay ng sinumang katutubo ay laging natatabunan ng pangangailangang iangkop ito sa tradisyonal at Eurosentrikong wika ng mga patakaran at kalakarang kolonyal. Sa kasamaang-palad, marami sa mga nananaig na kasangkapang pangkomunikasyon ng developmentalismo ay nakaprograma para panatilihin ang integridad ng impormasyon sa pinakamabisàng paraan ng pag-aabot nitó sa madla. Hindi ito nakaprograma para pakinggan ang anumang daing na maaaring mayroon ang pinagdadalhan ng mensahe at unawain ang ugat ng kaniyang idinadaing. Anumang pagtatangka na isalin ang katutubong kaalaman, lagi at lagi itong iuuwi sa metaporikal na pagsákop sa kaisipang katutubo ng wikang banyaga—laging pinupuna ang kakulangan ng katutubong wika, bagay na magbibigay-daan sa muling paggámit ng katutubong kaalaman para ipagpatuloy ang mga estereotipo ng katutubong kultura sa halip na bigyan ito ng partikularisasyon. Mababanaagan ang mga problemang ito sa ibá’t ibáng paraan. Halimbawa, madalas ipagpalagay na hindi angkop na wika ang Filipino sa pagtalakay ng agham at matematika

18

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

kung kayâ’t wala pa ring aktibong pakikisangkot ang maraming siyentista ng bansa na gamítin ang Filipino sa pagtuturo ng mga nasabing asignatura sa kabilâ ng mga ulat ng UNESCO, Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS), at ng mga bansang katulad ng Hong Kong, Japan, Singapore, at Taiwan na naninindigan sa bisà ng sariling wika sa pagtuturo ng anumang asignatura. Gayumpaman, posibleng may katuturan ang inaakalang kahinàan ng Filipino: Paano nga ba naman isasalin ang mga salitâng katulad ng parabola, osmosis, quadrilateral at polymerization? Ngunit sa aklat na Science in Translation (2000), idinetalye ni Scott Montgomery ang masalimuot na negosasyon sa pagpilì ng mga salitâ at mga wika pati na ang mahabàng kasaysayan na nakaambag sa paglago ng agham sa kasalukuyan nitóng anyo. Ayon sa kaniya, Knowledge, whatever its contents, has always been a mobile form of culture. However one cares to define it—as a body of fact and hypothesis, the product of a specific labor, or an instrument of domination—human understanding, literary or scientific, has undergone enormous passages between peoples and places over the span of history [. . .] The mobilization of knowledge has taken place suddenly, during brief historical periods. It has occurred, more quietly and perhaps more profoundly, across the creep of millennia, as an elemental feature of daily life along national and linguistic borders, both within and between cultures (2). Sa madalîng salitâ, walang wika ang agham. Amalgamasyon ito ng ibá’t ibáng wikang klasikal at kontemporaneo; ng Griego, Latin, Hebrew, Hindi, Norse, Español, Aleman, at marami pang wika na pinag-ugatan ng mga payak na karanasang sinikap sa mahabàng panahon na maging pormal na kaalaman. Tumawid at pinatawid ito sa ibá’t ibáng wika at mga bayan hindi upang mapanatili ang integridad ng mga wika, kundi para hamúnin ito na angkupin ang diskursong siyentipiko sa ibá’t ibáng wika. Kung tutuusin, ang pagpigil sa agham na tumawid sa ibáng wika ay maituturing na isang pananabotahe o paninirà sa larangan sapagkat napatunayan na, “examined in light of its historical complexities and importance, translation reveals itself to be a formative influence in the making of scientific knowledge” (Montgomery, 253). Sa konteksto ng agham sa Filipinas, may malakíng kawalan na nangyayari sa pagpupumilit na ibahagi ito sa nakasanayang wika ng Ingles, na bumabalik sa obserbasyon ni Spivak tungkol sa kondisyon ng subaltern na pinahihintulutan lámang sumali sa diskursong pang-agham kung isasagawa ito sa wikang Ingles. Hindi lámang siyá ang inaalyena mula sa kanluraning agham at

19

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sa kaniyang sariling kultura na maaaring nagpapamalas ng katangiang siyentipiko; inaalyena din mismo ang larangan ng agham sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman sa mga wika at kulturang hindi pa ito lubos na inaangkop. Bukod sa agham, pansinin kung paano maaaring linangin ang kaisipang postkolonyal sa mga sumusunod na halimbawa: Dahil ba nakakaboto ang maraming Filipino ay sapat na sabihing gumagana sa Filipinas ang demokrasya? May sariling wika ang mga palengke ng Filipinas lalo na pagdatíng sa pagsúkat: dangkal, bungkos, lapad, atbp. Paano kayâ maisasalin ang mga súkat na ito sa Ingles? Popular sa sikolohiya ang paggamit ng mga terminolohiyang gáling kay Freud katulad ng id, ego, superego, atbp. Paano ito umaakma sa konseptuwalisasyong katutubo na nakababad sa mga konsepto ng pagkatao, pagpapakatao, pakikipagkapuwa-tao, atbp?

TALAKAYIN • Ano ang ipinagkaibá ng pag-angkop ng kaalaman mula sa paggaya ng kaalaman? Magbigay ng mga halimbawa sa konteksto ng Filipinas para ipamalas ang kaibhang ito. • Ipaliwanag: ano ang nagagawa ng pagsasalin sa pagpapayaman ng kaalaman? • Pag-isipan ang inyong kurso o larangan. Sino-sino ang mga tao o pangkat ng mga tao ang pinakaimpluwensiyal sa inyong larangan? Saan nakakiling ang mga kaisipan nilá? Tapat ba ang mga kaisipang ito sa mga konteksto at karanasang Filipino?

SANGGUNIAN Commission on Higher Education (CHED), “CHED Memorandum Order No. 20 (2013).” Cruz, Isagani. “Purposive Communication.” Philippine Star, 4 September 2014. Web. (http://www.philstar.com:8080/campus/education/2014/09/04/1365213/ purposive-communication#sthash.YjPSp8xv.dpuf ) Escobar, Arturo. Encountering Development: The Making and Unmaking Of the Third World. Princeton: Princeton University Press, 1995. Mefalopulos, Paolo. Development Communication Handbook: Broadening the Boundaries of Communication. Washington, DC: The World Bank, 2008. Mills, C. Wright. The Sociological Imagination. New York: Oxford University Press, 1959. Print. Montgomery, Scott L. Science in Translation: Movements of Knowledge Through Cultures and Time. Chicago: University of Chicago Press, 2000.

20

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Rostow, Walt Whitman. “The Five Stages of Growth.” Development and Underdevelopment: The Political Economy of Global Inequality. Seligson M. A. and Passe-Smith J.T., eds. Boulder: Lynne Rienner Publishers, 1988. 203-210. Print. Spivak, Gayatri Chakravorty. “Can the Subaltern Speak?” Marxism and the Interpretation of Culture. Nelson, C.& Grossberg, L., eds. Champaigne: University of Illinois, 1988. 271-313. Print. ANG SANAYSAY Maraming anyo na maaaring gamitin para sa Malayuning Komunikasyon: mga retrato’t pintura, film, rekording, video, salaysay, tula, dula, atbp. Ngunit sa pasulát na paraan, malimit na ginagámit ang sanaysay. Kayâ kailangan ang angkop na introduksiyon sa sanaysay. At hindi ito madalî. Ang sanaysay ang isa sa mga pinakamahirap na anyo na bigyan ng tiyak na kahulugan o hanggahan. Ayon pa nga kay Michael Hamburger, ang sanaysay “ay hindi isang anyo, kundi, higit sa kung ano pa man, isang estilo [salin mula sa Ingles]” (5). Ibig sabihin, maaaring magkaroon ng mala-sanaysay na bahagi ang isang nobela o ang isang tula. Sa katunayan, itinuturing nga ni Theodor Adorno na mahalagang sandalî ng pagsasanaysay (pagsa-sanaysay) ang ilang bahagi ng Remembrance of Things Past ni Marcel Proust, na hinihirang ng maraming iskolar bílang isa sa mga pinakadakilang nobela ng ika-20 siglo (8-9). Gayundin, hindi maaaring agad tukuyin bílang sanaysay ang anumang tuluyang makatotohanan o dikathang-isip, na siyáng madalas na simplistikong pakahulugan para dito. Nagsimula ang anyo ng sanaysay kay Michel de Montaigne nang sinimulan niya ang kaniyang proyekto na Essais na unang nalathala noong 1580. Sa Frances, “mga pagtatangka” ang kahulugan ng pamagat. Dito pa lámang, mahihiwatigan na ang isang katangian ng sanaysay: na hindi ito naghahangad na makapag-ambag ng katotohanang hindi mapapasubalian kailanman. Sumusubok lang ito, nagbabakâsakali. Ani Ullrich Langer, “hindi sinasabi ni Montaigne na mga katibayang unibersal ang mga pahayag niya; iginigiit niya na produkto lámang ang mga ito ng kaniyang paghaka, at maaaring magkaroon ng salungat na haka ang ibá” (3). Sa paggigiit niya na pagtatangka lang ito ng kaniyang sarili, at sa kaniyang sarili lang ito nagmumula, iginiit din niya na ang kapangyarihan ng indibidwal— na maaaring bumuo ng sariling pagtatáya, na ibá sa o binabago ang mga naunang nalikhang kaalaman. Subalit, alinsunod nga sa naunang nabanggit, hindi naman ito nangangahulugan na ang bawat sabihin ng isang indibidwal ay hindi na mababalì. Ayon kay Alvin Yapan, “Para kay Montaigne, ang halaga ng kaalamang nabubuo sa pagsusulat ng sanaysay ay wala sa katayugan nitó bílang di-matitinag na kabuoan, kung hindi sa mismong pagiging personal. . . Ang mga kongklusyon ng sanaysay ay para lámang sa indibidwal, na bihag din ng isang partikular na lugar at panahon” (ix).

21

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Kung sa mismong salitâng Filipino na “sanaysay” naman babalik, may ibá pang mahihiwatigan. Unang tinalakay ni Alejandro G. Abadilla ang naturang salitâ bílang “pagsasalaysay ng isang sanáy, o nakasulat na karanasan ng isang sanáy na pagsasalaysay” (ix). Lumilitaw sa kahulugang ito ang hindi gaanong lantad kay Montaigne: na nangangailangan ang sanaysay ng kasanayán mula sa manunulat. Mainam na ginamit ni Abadilla ang salitâng “sanáy” sapagkat mahihiwatigan na rin dito ang aktibong proseso ng pagsasánay. Upang makapagsulat ng sanaysay, kinakailangan ding magsánay muna ng manunulat—sa sining man ng pagsulat o sa kaniyang pinapaksa—at hindi basta-basta sumusuong sa pagbuo ng sariling pagtatáya. Gayundin, may kaunting kaibhan ang isang sanáy sa isang dalubhasa. Higit na mahihiwatigan sa nauna ang pagbabad ng indibidwal sa kaniyang pinapaksa. Sapagkat kapag sinabing sanáy na ang isang tao sa isang bagay o kaalaman, nangangahulugan ito na palagian na niya itong nararanasan, nasasaksihan, at/o napag-iisipan. Makikita sa Talahanayan 1 ang ibá’t ibáng batayang katangian ng sanaysay. Talahanayan 1. Essais at Sanaysay. Essais Sanaysay • Pagtatangka • Salaysay ng isang sanáy • Hindi naghahangad ng unibersal na • Kinakailangang sumailalim sa katiyakan; nagtataya pagsasánay ang manunulat • Mula sa indibidwal na bihag ng lugar • Babad ang manunulat sa kaniyang at panahon pinapaksa Kung pagsasamahin ang lahat ng katangiang nabanggit, magiging malinaw na ang sanaysay ay isang anyo o estilo ng pagsulat na naghahangad na makabuo ng partikular na katotohanang nakaugat sa espesipikong lugar at panahon, kung kayâ’t pinahahalagahan nitó ang tinig ng nakapagsánay na indibidwal na may kakayahang maranasan nang lubos ang isang bagay o kaalaman. TALAKAYIN • Bakit mahalaga na hindi sinusubok ng sanaysay na makabuo ng unibersal na katiyakan? Hindi ba’t ang hangarin ng pag-aaral at pananaliksik ay matuklasan ang mga unibersal na katotohanan? • Bakit mahalaga na sanáy na sanáy o babád na babád ang indibidwal sa kaniyang pinagaaralan? Hindi ba sumasapat ang pagbabasá o panonood niya hinggil sa pinag-aaralan? • Bakit mahalaga na may pagsasánay ang manunulat? Ano ang ipinagkaibá ng isinusulat ng di-sanáy sa sanáy?

22

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ANG SAYSAY NG SANAYSAY Mahalagang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa sanaysay sapagkat ang kasalukuyang yugto ng kasaysayan ang maituturing na panahon ng pamamayani ng retorika ng sarili o ng “ako.” Noong sinimulan ni Montaigne ang pagsasanaysay, bagong-bago ang makapangyarihang pagwika ng sarili, sapagkat nagmumula siyá sa panahong namamayani pa ang sistema ng diskurso ng Edad Medya, na nagtuturing sa mga nauna at sinaunang kaalaman bílang mapagkakatiwalaang awtoridad hinggil sa anumang paksa (Good 2-3). Noon, maliit ang lugar ng indibidwal upang makapagsabi ng bago o taliwas sa mga naunang kaalaman. Sa kasalukuyan, ang indibidwal ang malimit na pinagmumulan ng sariling kuro, at ito pa nga ang masaklaw na sistemang umiiral. Sa mga popular na midyum ng panlipunang pagpapahayag, tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram, ang paglikha ng isang (birtuwal na) sarili ang lumilitaw na lubos na mahalagang sangkap ng artikulasyon. Libo-libong Filipino ang gumagámit sa mga ito araw-araw upang ilabas ang kanilang samâ ng loob at ipahayag ang kanilang kuro-kuro hinggil sa mahahalagang isyung panlipunan at pambansa. Sa introduksiyon ng bagong midya ay binigyan ang karaniwang tao ng lugar sa publikong diskurso: makasulat ng liham sa patnugot ng isang peryodiko, tumawag sa isang programa sa estasyon ng radyo, hintaying maabutan ng isang reporter sa kalsada. Ngayon, higit nang makikita ang mga talakayan sa social media, at kahit sinong may account sa mga ito ay maaaring makisawsaw sa anumang popular na pinag-uusapan. Ngunit hindi mga panlipunan at pambansang isyu ang pangunahing laman ng social media. Kasabay ng mga ito ang laksa-laksang profile picture, cover photo, selfie, retrato ng kinain kamakailan, at album ng bakasyon kasáma ang mga kaibigan o pamilya. Sumusulpot-sulpot ito sa pagitan ng mga ibinabahaging artikulo na karaniwang may kinalaman sa pagtuklas ng pagkatao at kaganapan ng sarili, pagbalik sa inaakalang napakasayáng kabataan na hindi na umano mararanasan ng kasalukuyang henerasyong babád sa kultura ng gadyet, o pag-unawa sa kasawian sa pag-ibig sa pamamagitan ng mga de-numerong payo, kuwentong inspirasyonal, at baluktot ngunit napakapopular na uri ng sikolohiya. Nagbago na ang diskursong panlipunan. May naganap na modipikasyon sa moderno at humanistikong konseptuwalisasyon nitó noon. Nilikha ng panahong iyon ang konsepto ng indibidwal, na masasabing umuugat nga din sa kasaysayan at hálagáhan ng sanaysay. Itinanghal ang sekular at liberal na indibidwal, ang rasyonal at lohikal ang pag-iisip na may likás na mga karapatan, at may kalayaang mabúhay ayon sa kaniyang nais. Gayumpaman, upang maging indibidwal, daraan din ang tao sa mga institusyon ng kapangyarihan tulad ng pamilya, paaralan, mainstream media, at pamahalaan na maaaring magpulis sa kaniyang identidad. Sa kasalukuyang panahon ng globalisasyon at neokolonisasyon, may panibagong naratibo ng indibidwalisasyon o ng pagiging sarili. Sa naratibong ito, bagaman hinihirang pa rin ang indibidwal na may sariling tinig, nag-

23

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

iibá na ang anyo ng kaniyang pagsasatinig; sumisidhi at kumakawala (nang bahagya) sa mga modernong institusyong nakatakdang humubog sa kaniyang pagkatao. Posible pang makalikha siyá ng sariling salungat sa sariling umiiral sa materyal na mundong binabalangkas ng mga naturang modernong institusyon. Kung nakakasakal sa materyal na mundo—ipinapataw sa kaniya ang normal, ang dapat, ang wasto—may ipinapangako namang uri ng kalayaan ang internet sa kaniya. Sa naratibong ipinapalaganap ng internet at social media, tanggap ang lahat ng uri ng kaakuhan; may espasyo siyáng matatagpuan, gaano man siyá kakaibá.

Pigura 2. Napupulsuhan ba ng bílang ng “like” ang saloobin ng lahat? Screen capture ng website ng isang kompanya na ang tanging espesyalisasyon ay bantayan ang mga like ng kanilang mga kliyente sa social media.

Kung pagbabatayan ang paggámit ng edukadong Filipino sa social media, hindi mahirap sabihing wala sa bisà at kapangyarihan ng internet ang pagpapalayà ng sarili at pagbuo ng makabuluhan at pluralistikong publikong diskurso. Gayumpaman, may kalayaang umiral dito ang mga Neo-Nazi, ang Ku Klux Klan, ang mga maka-Marcos at ang mga anti-Marcos, ang mga pedophile, ang mga naghahanap ng kabit, at kung anoano pa. Umiiral din sa internet ang kultura ng mga gamer na mambabastos ng mga babae. Dito rin nailalabas ng ilang Filipino ang mga rasistang opinyon nilá hinggil sa mga Chino-Filipino, o ang mapangdaot na saloobin nilá tungkol sa mababàng uri na tinatawag niláng jologs, jejemon, o iskuwater. Sa halip na resolbahin ang kaibhan ng magkakaibáng identidad sa isang tanghalang panlahat, lalo lámang napatitindi ang hidwaan at di-pagkakaunawaan. Ganito ang salimuot at kontradiksiyon ng kasalukuyang yugto ng kasaysayan. Hindi man babád ang lahat sa internet at social media, hindi lahat ay may akses dito. Ang indibidwal na aktibo sa birtuwal na mundo ang napapalaganap bílang ideal na mamamayan ng bansa at ng globalisadong mundo.

24

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Bagaman panahon nga ng “ako” ang kasalukuyan, hindi pa rin masasabing panahon na ito ng sanaysay. Kung babalikan ang nabanggit na kahulugan ng sanaysay, ibá ang konsepto ng indibidwal nina Montaigne at Abadilla sa kasalukuyang konseptuwalisasyon nitó. Lubhang tiwala sa sarili ang laksa-laksang artikulasyon sa social media. Kapansin-pansin ito sa cyberbullying, at tuwing may isyung nagiging viral at ibinabahagi ng karamihan kasáma ang kani-kaniyang kuro-kuro. Agad natitiyak na tamang-tama ang paninindigan ng mga post o tweet. Ibá ito sa indibidwal ni Montaigne na laging nagtatangka lámang at hindi nagnanais na makabuo ng unibersal na katiyakan. Ibá rin ito sa sinasabi ni Abadilla na mapagkumbabâ ang sanaysay. Aniya, ang sanaysay ay “makatao, maalam umunawa, mapagpaumanhin, palabati, at di malakihin” (xiv). Mahalagang tingnan ang paglalarawang ito ni Abadilla lagpas sa moralidad o kabutihan ng indibidwal. Higit nitóng pinatutungkulan ang retorika at politika ng isinusulat ng indibidwal. Sa aspektong iyon higit na nagkakaibá ang indibidwal ng kontemporaneong anyo—i.e., social media—sa ideal na indibidwal ng tradisyonal na sanaysay. Madalian ang nabubuong pangangatwiran sa social media, dahil na rin sa pagpapahalaga ng anyo nitó sa maiikling pahayag. At ang nabubuong retorika ay agarang paghatol at panghuhusga. Sa kaso ni Abadilla, nangungusap na sanaysay ang hinahangad niya—sanaysay na hindi nag-aangat sa manunulat kundi nagsasaalangalang sa mambabasáng marahil ay ibá ang opinyon, pinagmulan, sensibilidad, o pagkatao. Sa katunayan, alinsunod kina Montaigne at Abadilla, at maging sa postestrukturalistang pagtingin sa indibidwal ang pagpapakahulugan sa kontemporaneong sanaysay. Para kay Rachel Blau DuPlessis: [A]n essay is arguably a very un-narcissistic mode, for it maintains a notion of service, of the exemplary use of the ego or its testing dissolution within a cultural project. What people mean when they claim “the personal” is often the reverberation of collectivity. The essay is . . . “positional”; positionality, not personality is central. The essay expresses community, even when apparently singular, and hence allows us to apprehend communitarian yearnings via what seems to be a private play of thought. Far from being exercises in narcissism, in gaining a personal voice, essays are practices in multiplicity, in polyvocality, in other opinions intercutting, in heterogeneous, faceted perspectives. In short, essays are not a way of “gaining a voice” but of losing one in the largeness of something else. (41-2)

25

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Kahit na hindi naman nawala sa pagpapakahulugan ng sanaysay ang pagpapahalaga sa personal na tinig, naitatampok na ngayon ang depinisyon ng sarili na lagpas sa indibidwalidad at patungo na sa kolektibidad. Tuwing ipinahahayag ng manunulat ng sanaysay ang kaniyang sarili, hindi niya ito inihihiwalay sa lipunan, bagkus ay higit pa niya itong inilalapit sa kaniyang kapuwa. Nagiging bahagi siyá ng lipunang punô ng ibá’t ibá ring sarili, ibá’t ibáng tinig, ibá’t ibáng posisyonalidad. Ang sanaysay, sa ideal nitóng pagpapakahulugan, ay hindi lámang pagpapahayag ng sarili. Isang kinakailangang pagpapahayag ito ng mga sariling ikinokondisyon at sa maraming pagkakataon, isinasantabi ng mga makapangyarihang ideolohiya at institusyon ng lipunan. Ang pagsulat ng sanaysay, kung gayon, ay isang politikal na pagpoposisyon upang, una, maging maláy sa ugnayan ng ibá’t ibáng sarili sa ilalim ng puwersa ng lugar at panahon, at, ikalawa, mapalitaw at subuking mapalayà ang magkakaibá, plural, at nagsasalimbayang identidad na madalas ay napatatahimik dahil sa indibidwalisasyong nagtatampok lámang sa iisa, tiyak, panatag, at nagmimistulang unibersal na depinisyon ng pagiging tao. Mula kina Motaigne at Abadilla hanggang kay DuPlessis, ang pag-aaral at pagsulat ng sanaysay ang makasusuri, makasasalungat, at makababalikwas sa namamayaning naratibo ng indibidwalidad na pinapaniwalaan ng karamihan upang maipahayag ang kanilang sarili ngunit nakapagbibigay lámang ng espasyo sa iisa o iilang uri ng pagkatao. Ito ang saysay ng sanaysay. TALAKAYIN • Paano maiaangkop sa sariling karanasan ang kaisipan na lagi lámang pumoposisyon ang indibidwal sa mga diskursong panlipunan at pangkapangyarihan? Mayroon kayâng mga pagkakataóng hindi ito nangyayari? • Bakit magkakapareho o iisa ang uri ng identidad na kadalasang lumilitaw sa Facebook at Twitter? Dalá kayâ ito ng mismong midyum? • Sa anong anyo, bukod sa kontemporaneong sanaysay, maaaring marinig, mabása, o mapanood ang tinig ng mga nása mardyin?

ANG “SALAYSAY” SA SANAYSAY Sa pag-aaral ng sanaysay, mahalagang pag-usapan ang ibá’t ibáng proseso at anyo nitó. May kakabit na politika ang pagpilì kung anyo ng sanaysay ang gagamítin, tulad din ng pagkakaroon ng politika sa pagpilì sa sanaysay bílang anyo ng pagsulat. Kung pagbabatayan ang mga nauna at nakasanayang pagtalakay rito, may dalawang anyo ang sanaysay: ang (1) impormal; at (2) pormal. Samantala, nagiging

26

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

lunsaran ang pagtalakay sa pormal na sanaysay upang ipakilála na rin ang praktika ng pagsulat ng research paper o sulatíng pampananaliksik. Itinuturo ang mga kategoryang ito upang makasunod ang manunulat sa mga pamantayan ng ibá’t ibáng institusyong maaari niyang galawan. Hindi akma, halimbawa, ang gumámit ng mga salitâng kanto at nagbubuhos ng personal na hinaing sa isang artikulo para sa peryodiko. Sa kabilâng dako, nakakapagtaká ang manunulat na gumagámit ng mga teknikal at akademikong wika sa kaniyang pagkukuwento sa Facebook ng mga nangyari sa araw niya (tingnan ang Talahanayan 2). Sa kontekstong akademiko, pinagtutuunan ang pormal na sanaysay. Kinakailangang maunawaan ng mag-aaral ang paggámit ng wika ayon sa mga propesyonal na institusyon. Mahalagang matiyak ang pagsunod sa balarila at pagbaybay, gayon din ang paggámit ng sitasyon sa tuwing may pinagkukunang sanggunian. Nakasanayan na rin ang pagsasánay sa mag-aaral na maisaayos ang pagsusulat nang naaayon sa lohika at maiwasan ang paggámit ng emosyon. Talahanayan 1. Impormal at Pormal na Sanaysay. IMPORMAL na sanaysay

PORMAL na sanaysay

• Ginagámit sa kontekstong di-propesyonal

• Ginagámit sa kontekstong propesyonal at

at di-akademiko;

akademiko

• Maaari ding gamitin sa malikhaing

• Ginagámit sa mga aplikasyong

pagsulat o sa mga pang-aliw na lathalain

nangangailangan ng depinitibong impormasyon gaya ng batas

• Madalas, unang panauhan ang gámit;

• Madalas, ikatlong panauhan ang gámit;

• Maaaring kausapin ang mambabasá;

• Walang tiyak na mambabasáng kinakausap;

• Kumbersasyonal at pang-araw-araw ang

• Teknikal at akademiko ang wika;

wika;

• Estriktong sinusunod ang mga tuntunin

• Higit na liberal sa pagbaybay at sa

sa pagbaybay at gramatika

gramatika • Suhetibo at personal;

• Obhetibo at tiwalag sa personal;

• Ang personal na búhay ang madalas na

• Mga empirikal na datos, historikal na

pinagkukunan ng nilalaman;

pangyayari, impormasyon mula sa mga

• May puwang ang damdamin

aklat, panayam sa ibáng tao, atbp ang pinagkukunan ng nilalaman; • Higit na lohika ang pinaiiral at iniiwasang maging emosyonal

• Malaya ang estruktura;

• May tiyak na estrukturang sinusunod;

• Maaaring maging malikhain sa ayos;

• Nakabatay ang ayos sa mainam na pagbuo

• Maaaring hindi gumamit ng sitasyon

ng argumento; • Pangangailangan ang sitasyon

27

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa panimulang pag-aaral, mahalagang maunawaan ng manunulat ang kaibhan sa isa’t isang dalawang anyo hindi lang para malaman niya kung paano sumunod, bagkus para matanto rin niya kung paano ito balikwasin. Hindi lang din ito pag-alam sa kung paano magsulat nang mahusay, kundi kung paano rin magsulat nang makatarungan at mapagpalayà. Para sa antas tersiyarya, mahalagang 1. Introduksiyon a. Kaligiran ng pag-aaral pagtuunang muli ang pormal na sanaysay b. Pahayag-pantesis na natalakay sa antas sekundarya. c. Pambungad sa mga argumentong pansuporta Dapat na bihasa na rin ang mag2. Lawas aaral sa impormal na sanaysay mula a. Unang argumentong pansuporta i. Paksang pangungusap sa mga aralin sa mga naunang antas ii. Paliwanag sa paksang pangungusap ng edukasyon. May tatlong batayang iii. Espesipikong halimbawa iv. Naglalagom na pangungusap bahagi ang karaniwang pormal na b. Ikalawang argumentong pansuporta sanaysay: (1) ang introduksiyon, (2) i. Paksang pangungusap ii. Paliwanag sa paksang pangungusap ang lawas, at (3) ang kongklusyon. iii. Espesipikong halimbawa Layon ng introduksiyon na ipakilála sa iv. Naglalagom na pangungusap c. Ikatlong argumentong pansuporta mambabasá ang pangunahing argumento i. Paksang pangungusap o tesis ng sanaysay. Samantala, nakatuon ii. Paliwanag sa paksang pangungusap iii. Espesipikong halimbawa naman ang lawas sa pagbibigay ng mga iv. Naglalagom na pangugusap argumento o katibayang susuporta at 3. Kongklusyon a. Pagbubuod sa mga argumentong pansuporta magpapatunay sa tesis. At sa dulo, ang b. Muling pagpapahayag ng tesis saysay ng kongklusyon ay mabuod at mapagtagni-tagni ang mga natalakay sa Pigura 3 Balangkas ng Tradisyonal na Sanaysay. sanaysay. Mahalaga ang pagbabalik sa payak na anyo ng pormal na sanaysay upang matanto ang tiyak at lohikal na daloy ng pagbuo ng kabatiran o argumento. Gayumpaman, para sa antas tersiyarya, at para sa politikal na paninindigan ng sanaysay, mainam ding sumúlong mula sa ganitong estruktura ng pag-iisip. Kung babalikan ang Talahayanan 2, mapapansing may katangian itong salungat sa pagpapakahulugan nina Montaigne, Abadilla, at DuPlessis. Sa nakasanayang pagtuturo ng sanaysay, mula sa impormal tungo sa pormal, mahihinuha ang paghihiwalay ng personal sa higit na akademiko, propesyonal, at lohikal na pagbubuo ng kaalaman. Nawawala ang sarili pagdatíng sa pormal. Sa isang bandá, itinuturo na noon ang kainaman ng ganitong lapit upang magpamalas ng obhetibidad. Ngunit kailangan ding pagmunian ang mga problemang dulot nitó sapagtatanghal ng sarili sa anyo ng sanaysay. Higit pa, hindi mismo napag-iisipan ang pagpilì ng anyo at estruktura bílang politikal na paninindigan, na para nga kay DuPlessis ay isang mahalagang katangian ng kontemporaneong sanaysay. Para sa kaniya, “Sociality and

28

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

textuality meet in the essay. It is not aesthetic only, not political only, but aestheticopolitical” (37). Hindi lámang ang paksa, nilalaman o maging ang argumento ang nagbibigay ng paninindigan sa sanaysay, kundi pati na rin ang retorika nitó, estilo, pagkakaayos, tono at panauhan, at ibá pang may kinalaman sa anyo nitó. Kayâ isa ring politikal na paninindigan ang pagkakaroon ng pormal na sanaysay ng tiyak na anyo. Sumusunod din ang pormal na sanaysay sa modernong konseptuwalisasyon ng indibidwalidad. Dito naitatanghal ang isang indibidwal na dumidistansiya sa kaniyang pinag-aaralan at upang masuri ito nang may katiyakan sa isang lohikal na paraan. Hindi nagiging posible sa ganitong pagpapakahulugan ang sariling nagsasakolektibo, o ang sariling posisyonal. Samakatwid, nawawala ang nabanggit nang kapangyarihan ng sanaysay para sa kasalukuyang panahon. Bunsod nitó, nangangailangan ng bagong pagkakategorya sa sanaysay. Kung isasaalang-alang ang bisà ng sanaysay sa kontemporaneong kalagayan, mahalagang ang politikal na pagpapasiya ng sarili ang maging batayan ng kategorisasyon. Narito ang Talahanayan 3 upang magsilbing pagtatangka na makalikha ng bagong pag-uuri. Tatlo ang panukalang kategorya: (1) ang personal, (2) ang pangkapuwa at panlipunan, at (3) ang kombinasyon ng unang dalawa. Talahanayan 3. Bagong pag-uuri ng sanaysay. PERSONAL

PANGKAPUWA AT PANLIPUNAN

• Sinusuri ang posisyonalidad ng sarili;

• Sinusuri ang suliranin at isyu ng

• Nakasaayos ang anyo sa paraang higit na

pinapaksang tao, komunidad, o pook;

maipahayag ang partikular na tinig ng

• Nakasaayos ang anyo sa paraang higit na

sarili;

maisatinig ang pinapaksa, lalo pa kung

• Kinikilatis ang sariling tinig ayon

marhinalisado ang mga ito;

sa pagsunod o pagbalikwas sa mga

• Kinikilatis ang ahensiya ng pinapaksa

namamayaning ideolohiya;

sa konteksto ng mga namamayaning

• Maláy sa kaniyang pagkabihag

ideolohiya;

sa panahon at lugar at maláy sa

• Maláy sa posisyonalidad ng manunulat,

posisyonalidad ng ibáng táong

lalo pa kung itatapat sa posisyonalidad ng

pumapaligid sa kaniya

pinapaksa KOMBINASYON

• Sinusuri ang posisyonalidad ng sarili hábang bumabábad sa at pinag-aaralan ang pinapaksa; • Nakasaayos ang anyo sa paraang higit na mailalantad ang masalimuot na ugnayan ng manunulat at ng kaniyang pinapaksa

29

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa ganitong pag-uuri, ang nagiging responsabilidad ng manunulat ay kung papaano niya ilulugar ang kaniyang sarili sa politika ng ugnayan ng sarili-kapuwa at pumapaksa-pinapaksa. Naglalaho na din ang paghihiwalay ng obhetibo sa suhetibo, ikatlong panauhan sa una, emosyonal sa lohikal, may tiyak na estruktura sa wala, at personal sa propesyonal. (Paalala: dahil nása antas tersiyarya, pangangailangan ang sitasyon sa kahit anong kategorya.) Nása estetiko-politikal na pagpapasiya na ng manunulat, batay sa kaniyang partikular na pinag-aaralan at sariling posisyonalidad, ang sa tingin niyang kinakailangang retorika, estruktura, at paraan ng pag-iisip. Sa gayon, nagiging maláy ang manunulat sa kaniyang posisyonalidad at sa politika ng kaniyang pagtatáya.

TALAKAYIN • Paano naglalaho ang sarili sa nakasanayang estruktura ng pormal na sanaysay? Higit bang nakatutulong ang paglalahong ito upang maunawaan ang mga suliraning kinahaharap ng lipunan o higit pa ngang nakakahadlang? • Maaari kayâng magkaroon ng sanaysay na salungat ang paninindigan ng nilalaman sa naipapahiwatig na paninindigan ng anyo at estruktura? Ipaliwanag ang sagot at magbigay ng halimbawa, ipotetiko man o totoo. • Kung nása larang ng agham ang gagawing sanaysay, posible o maaari nga bang lumitaw pa rin ang posisyonalidad ng manunulat?

ANG “SANAY” SA SANAYSAY Hindi natatápos sa akademikong konteksto ang isyu ng pagsasanaysay at ang kakawing nitóng isyu ng indibidwalidad at posisyonalidad. Sa katunayan, tumatawid ito sa ibá’t ibáng popular na anyo. Mahalagang ehersisyo din para sa manunulat ang masuri ang mga ito upang masánay rin siyá sa kaniyang sariling pagpoposisyon at pagpapasiya. Narito ang ilan sa mga popular na anyo na maaaring suriin: Balita. Bagaman nananaig ang popular na pananaw sa balita na obhetibo ito, maraming iskolar mula kay Noam Chomsky hanggang kay Roland Tolentino ang nagpatunay na imposible ang obhetibidad. Mula sa pagpilì ng makakapanayam at sa pagpilì ng mga detalyeng isasáma sa artikulo hanggang sa mapagpapasiyahang estilo at estruktura ng pagsulat, mababatid na ilusyon ang pagiging lubusang katotohanan ng balita. Sa epistemolohikong antas, dahil pumipilì, ang ibig sabihin din ay may natatanggal, may hindi nasasabi. Hindi kailanman masasaklaw ng balita, gaano man ito kakomprehensibo, ang lahat ng panig at salimuot ng isang isyu. Dagdag pa rito, may politikal at ideolohikong antas ang paglikha ng balita. Halimbawa, ang mga himpilan

30

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ng radyo at telebisyon ay pawang mga kompanya, at kung gayon, may ekonomikong interes upang umiral at kumita. Dokumentaryo. May popular na datíng ang dokumentaryo na higit itong kapani-paniwala kaysa balita sapagkat naipakikita nitó ang mga hindi agad-agad lantad na realidad, at kung gayon, namumulat ang manonood sa katotohanan. Ngunit nakakaligtaan ng karaniwang manonood na hindi realidad ang napapanood niya, bagkus imahen na sinsasalà ng kamera. Hindi inosente ang kamera. Hindi ito nakapagbibigay ng repleksiyon ng realidad, bagkus, repraksiyon. Tulad ng pagpilì ng detalye sa artikulo, may mga pinipilì ring kuha ang dokumentarista. May politikal na aspekto ang mga kuha ng kamera, mula sa usapin ng anggulo, galaw, pagkukulay, hanggang sa pag-eedit. Patalastas. Maaaring pagsamahin sa patalastas ang natalakay na isyu sa balita at dokumentaryo. May ipinamamalita ito. Sa kasalukuyan, kamera ang gamit na midyum, nakalimbag man o video. Humihigit nga lang sa patalastas ang isyung ekonomiko sapagkat madalas ay ginagámit ito upang makahikayat na bumili ng produkto ang mga tao. Mahalagang masuri ang mga retorikang tekstuwal at biswal upang maunawaan kung paano ito nakapanghihikayat. Gayundin, malakas ang tendensiya ng industriya ng patalastas na gumámit ng mga estereotipo ng tao, sa ekonomikong uri man, kasarian, o lahi. Blog. Mainam suriin ang blog sapagkat masasabing sa midyum na ito nalipat ang anyo ng nakasulat na sanaysay. Magagámit ang mga napag-aralan sa unahan upang masuri ang politika ng mga teksto sa ganitong anyo, lalo pa’t marami sa mga blog ay personal. Gayumpaman, hindi lang salitâ ang midyum ng mga blog sa kasalukuyan— maaari nang may nakalagay na retrato, video, meme, gif at hyperlink na magdadalá sa mambabasá sa ibáng kaugnay na teksto. Kinakailangan ding isaalang-alang ang birtuwal na karanasan. Bílang paglalagom, mahalaga na maging maláy ang mag-aaral at manunulat ng sanaysay sa mga salimuot na ipinakita sa unahan. Sa pagbabasá at panonood, kailangang suriin ang estrukturang retorikal ng teksto, ang pinahahalagahan nitóng mga detalye, ang mga posibleng kinalimutan nitóng impormasyon at panig, ang representasyon nitó sa mga tao at isyung sangkot, at mismong ang mahihiwatigang posisyonalidad ng lumikha, upang mapalitaw ang politika at ideolohiyang kinikilingan ng teksto. MGA SANGGUNIAN Abadilla, Alejandro, pat. “Pagpapakilala.” Mga Piling Sanaysay. Maynila: Inang Wika Publishing Co., 1950. Limbag. Adorno, Theodor. “The Essay as Form.” Notes to Literature. Pat. Rolf Tiedemann. Tomo 1. New York: Columbia University Press, 1991. 3-23. Limbag.

31

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

DuPlessis, Rachel Blau. “f-words: An Essay on the Essay.” Blue Studios: Poetry and Its Cultural Work. Tuscaloosa: The University of Alabama Press, 2006. 34-47. Limbag. Good, Graham, The Observing Self: Rediscovering the Essay. London: Routledge, 1988. Limbag. Hamburger, Michael. “An Essay on the Essay.” Art as Second Nature: Occasional Pieces.Manchester: Carcanet New Press Ltd., 1975. 3-5. Limbag. Langer, Ullrich, pat. “Introduction,” The Cambridge Companion to Montaigne. Cambridge: Cambridge University Press. 1-8. Limbag. Mills, C. Wright. The Sociological Imagination. Ika-40 anibersaryong edisyon. Oxford: Oxford University Press, Inc., 2000. Limbag. Yapan, Alvin, pat. Burador. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 2010. Limbag. ANG SULATÍNG PAMPANANALIKSIK Ang sulatíng pampananaliksik (research paper) ang pinakamahalaga sa lahat ng komunikasyon para sa mga kontekstong akademiko at propesyonal. Ang pananaliksik ang gawaing palaging hinihingi sa lahat ng mag-aaral at akademiko, at pundamental sa pagbuo ng pasiya sa kahit anong larang. Ito ang paraan ng akademya upang paunlarin, pag-ibayuhin, o baguhin, kung kinakailangan, ang kaalaman hinggil sa búhay ng tao at galaw ng uniberso. Gayundin, mahalaga sa mga propesyonal na magsaliksik upang magkaroon ng matibay na batayan ang kanilang ginagawa sa trabaho, at higit pa, makapag-ambag din sa kanilang pinagseserbisyuhang publiko ng makabagong karunungang tiyak na mapagkakatiwalaan. Ang pananaliksik ay hindi basta-basta pagbuo ng kaalaman. Nagsisimula ito sa isang hakà o sa isang kuro hinggil sa pinapaksa, ngunit hindi sumasapat na ang mabubuong kongklusyon o opinyon ay mula lámang sa pagmumuni ng mananaliksik, kahit pa maging lohikal ito at makatwiran. Isa itong proseso na tumitingin sa paksa nang komprehensibo at detalyado upang sabay na mapalitaw ang salimuot nitó at maiwasan ang anumang simplipikasyon tungkol dito. Humihingi ang pananaliksik ng mapanghahawakan at kongkretong patunay at katibayan mula sa materyal na mundo hábang patuloy na sinusuri at pinaguugnay-ugnay ang mga impormasyong nakalap upang mailantad ang mga salik at puwersa—politikal man, kultural, ekonomiko, panlipunan, o natural—na nagpapagalaw sa kaniyang pinag-aaralan. Upang maisagawa ito, kinakailangan din ng mananaliksik na sumangguni sa ibá. Kailangang maláy siyá at tanggap niya na hindi nagsisimula sa wala ang pananaliksik, na laging may nauna na sa kaniya, at laging hindi sapat kung sariling

32

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pag-iisip lang niya ang magiging batayan at pundasyon ng proseso at pagsusuri ng kaniyang pananaliksik. Nagsisimula ang pananaliksik sa pagsasakasaysayan ng kaalaman. Mahalaga sa gawaing ito ang pag-alam, pagkilála, at paggálang sa mga nauna nang kaugnay na pag-aaral at sa pagkilála ng mga naisagawang inobasyon dito at ng mga bagong suliraning lumitaw bunga nitó. Hindi ito nangangahulugan na maaaring ulitin ang mga naturang pag-aaral. Kinikilála at inuunawa ang mga ito upang humantong din ang pananaliksik sa makabuluhang pagpapaunlad at pagbabago ng karunungan. Responsabilidad ng mananaliksik na tiyaking mapagkakatiwalaan ang kaniyang sinasangguni. Kahit tinatagurian ang kasalukuyan bílang panahon ng impormasyon, maraming nagkalat na impormasyon, sa internet man o sa mga nakalimbag na aklat, ang walang batayan at sadyang kasangkapan lámang ng mga institusyong politikal, ekonomiko, at/o relihiyoso. Dagdag pa rito, kapag sinusubok ng mananaliksik na unawain ang kaniyang suliranin, hindi niya ito gagawin sa pamamaraan at paraang sarili lámang niya ang nakaisip. Ang bawat disiplina ay may ibá’t ibáng teoryang may partikular na pagtatáya hinggil sa pag-unawa sa mundo at mula sa mga ito umuusbong ang mga metodolohiyang gagabay sa mga pag-aaral. ANG ANYO NG SULATÍNG PAMPANANALIKSIK Sa kasalukuyang daloy ng karunungan na higit na tumutuon sa malawakang pagunawa sa kontekstong global, nagiging pangangailangan na sa maraming disiplina sa ibá’t ibáng pamantasan ang pagsunod sa tiyak at establisadong estruktura ng pagsulat ng saliksik. Kung nais makaagapay sa naturang daloy, mainam na matutuhan ito. Gayundin, makakatulong din ito sa mag-aaral sa pagsasaayos ng kaniyang isip upang higit na maging organisado, akademiko, at propesyonal. Sa pagtatangkang sundin ang anyo, naikikintal din niya sa kaniyang isipan ang halaga at kahingian ng pananaliksik. Ang sumusunod ang karaniwang anyo ng sulatíng pampananaliksik sa kasulukuyan. Ipinapakilála ng pamagat ang paksa ng pananaliksik. Bagaman wala namang tiyak na estilo ang pagpapamagat sa isang sulatín, at maaari pa ngang maging malikhain ang manunulat dito, mahalaga pa rin na malinaw, partikular, at hindi nanlilinlang ang pamagat. Ang abstrak (buod, lagom) ay maikli ngunit komprehensibong buod ng sulatín at karaniwa’y 100-300 salitâ. Ipinapakilála nitó sa mambabasá ang paksa, layon, pangunahing argumento, metodolohiya at metodo (pamamaraan at paraan), at resulta ng pananaliksik. Bagaman nása unang bahagi ito ng papel, isa ito sa mga hulíng isinusulat.

33

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ipinapakilála ng introduksiyon (pambungad, panimula, pagpapakilála) ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtalakay sa pangkalahatang kaligiran ng pinapaksa at ang espesipikong suliraning sinuri ng pananaliksik, hábang inilalahad ang pangunahing pagtatáya o argumento ng pag-aaral. Ipinapaunawa rin ng introduksiyon ang layunin at saysay ng isinagawang pag-aaral. Tinatalakay sa ribyu ng kaugnay na pag-aaral (surian ng kaugnay na babasahín, literatura) ang mahahalagang pananaliksik, sanaysay, at artikulo na kaugnay o katulad ng pinag-aralan ng sulatín. Matápos magbigay ng buod ng mga resulta at pagtatáya ng mga kaugnay na pag-aaral, mahalagang maipaliwanag din ang lugar o posisyon ng ginagawang sulatín sa lahat ng ito. Inilalahad at kinikilatis dito ang mahahalagang teoryang may pagsipat na sa mga suliranin ng pag-aaral, hábang ipinaliliwanag kung alin sa mga iyon ang pinilì ng mananaliksik at kung bakit. Mahalaga ang pagpilìng ito sapagkat ang teorya ang batayan din kung paano niya pagaaralan ang kaniyang pinapaksa. Sa madalîng salitâ, inilalahad sa bahaging ito ang mga kinonsulta at sinangguni ng mananaliksik upang magabayan ang kaniyang pagaaral at mailugar niya ito sa malawakang konteksto ng karunungan. Mahalaga din ang bahaging ito sa pagsasakasaysayan ng mga kaisipan na nagpapaliwanag kung paano ipinagpapatuloy ng isinasagawang pag-aaral ang pagsagot sa mga naiwang tanong at kaisipan ng mga pag-aaral na kaniyang sinusundan. Inilalarawan sa bahaging paraan at pamamaraan (metodo at metodolohiya) ang konseptuwal na batayan at mga hakbang na ginamit ng mananaliksik. Mahalagang linawin ng mananaliksik kung paano ito umaakma o sumasailalim sa teoryang pinapanigan niya. Gayundin, mainam na mailarawan niya nang detalyado ang disenyo ng pananaliksik upang masundan at masuri ng mambabasá ang proseso ng pag-aaral. Sa resulta (kinalabasan) makikita kung anong uri ng paraan ang ginamit ng mananaliksik. Kung kuwantitatibo ang pananaliksik, mahalagang maipakita niya ang mga numerikal na datos at resulta na kaniyang nakalap at nasuri. Kung kuwalitatibo naman, mahalagang mailarawan at maipaliwanag niya ang kaniyang mga nagawang obserbasyon. Sa kuwantitabo, madalas ang paggamit ng mga talahanayan, tsart, at grapika. Sa kuwalitatibo naman, mainam ang mabisàng paglalarawan upang maging malinaw sa mambabasá ang mga natuklasan ng mananaliksik. Gayumpaman, mahalagang maging organisado ang presentasyon ng resulta. Sa talakay (pagsusuri) pinangangatwiranan ng mananaliksik ang kaniyang pangunahing pagtatáya. Dito niya ipinakikita ang kaniyang pagsusuri sa mga datos at resulta at pinatutunayang sinusuportahan ng lahat ng iyon ang kaniyang mga argumento. Ito marahil ang pinakamahalagang bahagi ng sulatín sapagkat dito inilalahad ng mananaliksik ang kaniyang sariling ambag sa karunungan. Para sa

34

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

talakay, mahalagang hindi lámang ulitin ng mananaliksik ang mga sinabi sa kaniyang sanggunian, bagkus, kinakailangan niyang makapagsagawa ng sariling makabuluhan at makatwirang pagsusuri at interpretasyon na makabubuo ng natatanging paguugnay at pangangatwiran. Pagpapalawig ang kongklusyon (paglalagom) ng mga nasabi sa talakay. Dito maaaring idiin ang pangkalahatang larawan ng pag-aaral upang maunawaan ng mambabasá ang pagkakaugnay ng lahat-lahat. Inaamin din dito ng mananaliksik ang mga kakulangan ng pag-aaral at maaari siyáng magbigay ng panukala kung paano ito aayusin at pauunlarin. Sanggunian (talasanggunian) ang talaan ng mga babasahín, libro, artikulo, at ibá pang dokumentong ginamit sa pag-aaral. Kailangan ito upang magtiwala ang mambabasá na may batayan ang sinasabi ng mananaliksik. Ito rin ang titingnan ng mambabasá kung sakaling nais niyang ipagpatuloy o paunlarin ang mga nagawa ng natápos na pananaliksik. POLITIKA NG SULATÍNG PAMPANANALIKSIK Kung mapapansin, sulatíng pampananaliksik ang terminolohiyang ginagámit sa unahang bahagi, kahit na dapat sanang sanaysay pampananaliksik. Para sa ibá, magkatulad lámang ang kahulugan ng dalawa, subalit kung babalikan ang paninindigan ng naunang talakay sa sanaysay at kung titingnan ang naging talakay sa sulatíng pampananaliksik, mababatid na hindi maaaring maging pareho ang dalawa. Nakasanayan nang ituring na isang uri ng pormal na sanaysay ang sulatíng pampananaliksik, subalit tinalikuran na nga ng nakaraang talakay ang paggámit ng mga kategoryang pormal at impormal. Kayâ nangangahulugan ito na may dapat ding pagbabago sa pagtalakay sa sulatíng pampananaliksik o sanaysay pampananaliksik. Bagaman pangangailangan ang kasanayan sa pagsulat ng sulatíng pampananaliksik, kailangan ding matanto ang mga limitasyon nitó. Tulad ng paninindigan sa nakaraang bahagi, mahalagang maunawaan na may politika rin sa anyo ng sulatíng pampananaliksik. Kumakatawan din ito ng isang posisyon para sa manunulat. May popular na palagay na kapag ang anyong ito ang ginamit ay magiging obhetibo ang pag-aaral at masasalà ang anumang bahid ng pagkatao at pagkiling ng mananaliksik. Subalit, katulad ng nauna nang naipaliwanag, ilusyon lámang ang rasyonal na sariling may kakayahang dumistansiya sa kaniyang pinapaksa. Ang obhetibismong pinaniniwalaan ng modernidad ay hindi ligtas sa politika; bagkus, ito pa nga ang lunan at tagapagpalaganap ng politika, partikular na ng Kanluran. Hanggang sa kasalukuyan, may monopolyo ang Kanluran sa karamihan ng karunungang ginagámit upang unawain ang karanasang pantao at ang natural na

35

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mundo, at hanggang ngayon din ay ipinalalagay na nagpapahayag ito ng unibersal na katotohanan. Ngunit di-iilang kritiko at teorista na ang nagsabi na ang karunungang ito ay nása pananaw pandaigdig na Kanluranin, gitnang-uri, lalaki, heteroseksuwal, at Hudeo-Kristiyano. Kahit hindi naman taga-Kanluran ang gumagawa ng pag-aaral, Kanluraning pamamaraan pa rin ang ginagámit ng halos lahat ng iskolar sa daigdig, at kasáma nga rito ang anyo ng sulatíng pampananaliksik na may obhetibo diumanong sarili. Isa sa mga pinakamahalagang konsepto hinggil sa kasaysayan ng karunungan ng daigdig ay ang Oryentalismo. Para kay Edward Said, ito ang estilo ng pag-iisip ng Kanluran na nakabatay sa diumanong ontolohiko at epistemolohikong pagkakaibá ng mga taga-Kanluran/Oksidental sa taga-Silangan/Oryental. Sa halos lahat ng pagaaral ng una sa ikalawa, lumabas na laging ibá, kakaibá, at kung gayon, mas mahinà ang ikalawa. Ayon kay Said: Orientalism was ultimately a political vision of reality whose structure promoted the difference between the familiar (Europe, the West, “us”) and the strange (the Orient, the East, “them”). . . A certain freedom of intercourse was always the Westerner’s privilege; because his was the stronger culture, he could penetrate, he could wrestle with, he could give meaning to the great Asiatic mystery. . . .” (44) Sa ilang dantaon ng kasaysayan ng karunungan, ang kaalaman hinggil sa mga di-Kanluran ay nagmula sa mga taga-Kanluran, at hindi ito kailanman nawalan ng bahid ng diskriminasyon at rasismo. Hindi lang ito usapin ng nilalaman. Isyu rin mismo ito ng retorika, tono, estilo at panauhan, o sa madalîng salitâ, ng anyo. Sa halos lahat ng pag-aaral ng Kanluran, lumalabas na “The West is the actor, the Orient a passive reactor. The West is the spectator, the judge and jury, of every facet of Oriental behavior” (Said 109). Sa pag-aaral ni Gayatri Spivak, tinuturing niya itong pagiging pasibo ng diKanluran, partikular na ang mga nása mardyin, sa kasaysayan ng karunungan bílang isang karahasang epistemolohikal. At para sa kaniya, hindi na ito usapin ng mga Oryentalistang Kanluraning iskolar, bagkus, Kanluraning pamamaraan na. Hindi lámang naging mahinà ang mga nasákop ng mga kolonyalista, pinatatahimik din silá bílang Ibá (Other), na sumasalungat sa kultura ng mananakop kung kayâ’t marapat na iwasto, baguhin, at, madalas pa nga, burahin. Nagaganap ito hindi sa pamamagitan ng hindi pagsasalaysay at pag-aaral ng kanilang karanasan (sapagkat lagi naman siláng pinag-aaralan), kundi una, sa pamamagitan ng mga metodolohiya ng representasyon na nagtatangkang isilid silá sa mga esensiyalista o nanlalahat

36

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

na kategorya kahit na ibá-ibá naman ang kanilang karanasan, posisyonalidad, at kamalayan; at dahil dito, nakalilikha ng ilusyon na lahat silá ay magkakatulad at isang “homogenous Other” (288). Masisilayan ang ganitong usapin sa representasyon ng kulturang Asiano na sumasakop sa isang malawak na kategorya ng pamumuhay mula sa Gitnang Silangan hanggang sa Timog Silangang Asia na kumakatawan ng ibá’t ibáng kultura. Sa kabilâ ng mga kaibhang ito, nananatili siláng nakakumpol sa ilalim ng malawak na heograpikong pangalan ng Asia. Kung isasalin ito sa mga usaping may kinalaman sa produksiyon ng kaalaman, ganito ang halos lahat ng Kanluraning metodolohiya na nagsisikap pag-aralan ang Ibá. Tuwing pinagaaralan nitó ang mga nása mardyin, madalas na tinatanggal ng intelektuwal ang kaniyang sarili mula sa pag-aaral, nagpapanggap na “absent nonrepresenter who lets the oppressed speak for themselves” (292). Ang balintuna: ang pagkawalang ito ng sarili ang mismong bumubura sa kanila. Dahil wala nga ang sarili ng intelektuwal at iyong sa kanila na lámang ang mababása, nagmimistulang obhetibo ang pag-aaral, na ang tinig sa loob nitó ay ang tinig nilá. Nakapagsasalitâ silá sa pamamagitan ng pag-aaral, sa pamamagitan ng intelektuwal na itinatago ang mismong pamamagitang ito. Halimbawa, ilan na nga bang cookbook ang tumawag sa mga pagkaing Filipino bílang “exotic” kahit karaniwan naman ang lasa nitó para sa atin? Sinususugan din ito ng mga patalastas ng pambansa at mga lokal na pamahalaan para sa turismo. Sa mga ito, hayagang kinakalakal ang pagiging eksotiko, ang pagiging Ibá sa Kanluran ng mga pook at gawi sa Filipinas, na humahantong pa nga sa paglikha ng ibá’t ibáng lugar ng pista na hindi naman talaga nilá ipinagdiriwang noong wala pang hangarin ang pamahalaan na makaakit ng mga dayuhan. Sa kabilâng bandá, may mga akademikong kilusan nang lumitaw na pumupuna sa pamamayani ng Kanluraning diskurso sa Filipinas. Noong hulíng bahagi ng nakaraang siglo, umusbong ang dalawang panukala para sa higit na makaFilipinong pag-aaral. Sa larang ng kasaysayan, iminungkahi ni Zeus Salazar ang Pantáyong Pananaw. Para sa kaniya, kailangang baguhin ang pagsasakasaysayan ng Filipinas. Sapagkat ang karamihan sa mga naisulat hinggil sa kasaysayan ng bansa ay nása punto de-bista ng mga dayuhan, partikular na ng mga naging mananakop nitó (pangkayó o pansilá), o kung nása punto de-bista man ng mga Filipino, silá pa rin naman ang kinakausap (pangkami); ang higit na nararapat na pagsasakasaysayan ay pantáyo, i.e., mula sa punto de-bista ng mga Fiipino at kinakausap ang mga Filipino (40-41). Halimbawa, kapag sinabing natuklasan ni Ferdinand Magellan ang Filipinas, nagmumula ito sa pananaw ng mga taga-Kanluran, ngunit kapag pantáyong pananaw, malîng-malî na natuklasan niya ang Filipinas sapagkat matagal nang may mga nakatira rito. Gayundin,

37

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

nakapagtatakáng isipin na maraming teksbuk ng kasaysayan ang humihirang kina Teresa Magbanua at Gabriela Silang bílang mga Juana ng Arko (Joanne of Arc) ng Filipinas—na manipestasyon nga ng pagsasakasaysayang ang Kanluran ang kinakausap— sapagkat hindi naman gawain ng mga Frances na tawagin si Juana ng Arko bílang Gabriela Silang ng Francia (38).

Pigura 4. Paksaing Filipino ngunit diskursong Kanluranin. Sino si Joan of Arc, at bakit siyá ginagamit na hulmahan ng búhay ni Teresa Magbanua? Imahen ng pahina sa Wikipedia tungkol kay Teresa Magbanua (https://en.wikipedia.org/wiki/Teresa_Magbanua). Kaugnay nitó, kailangan ding itanong: mainam bang sanggunian ng impormasyon ang Wikipedia at ibá pang kilaláng website sa internet?

Ang lahat ng mga suliraning nabanggit sa paggamit ng pananaw pandaigdig at pamamaraan ng Kanluran ay taglay ng sulatíng pampananaliksik. Malinaw na tinatanggal sa sulatín ang sarili ng intelektuwal at kung isasaalang-alang na halos lahat naman ng teorya, paraan, at pamamaraan ay mula sa Kanluran, malaki rin ang tsansang mauwi ang anyo ng sulatín sa pagbubuo ng esensiyalistang imahen ng mga pinag-aaralan. Gayundin, kung isasaalang-alang ang pag-unawa sa kaisipan, karanasan, at kamalayang Filipino, maaaring hindi na sumasapat ang anyo ng sulatín na may pagpapahalaga pa rin sa dikotomiya ng Sarili/Ibá.

38

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

TALAKAYIN • Ano-ano pa ang halimbawa ng o Oryentalismong nagaganap sa Filipinas na isinasagawa rin ng mga Filipino? Maaari kayâng maging Oryentalista rin ang pagiging nasyonalistiko? • Ano-anong mga lokal na pananaw sa social media, pamilya, o lokal na komunidad ang maituturing na pangkayó o pangkami? Paano babaguhin ang mga ito upang maging pantáyo? • Bakit ibá ang kaisipan at kamalayang Filipino sa Kanluran? Imposible ba talaga ang makatuklas ng isang unibersal na pagpapakahulugan sa karanasang pantao? MULANG SULATÍN PATUNGONG SANAYSAY Dahil problematiko ang anyo ng sulatíng pampananaliksik sa kontekstong Filipino, mahalagang makapagsánay rin ang mananaliksik ng ibáng anyong higit na babagay rito. Ang isang maaari ngang gamítin ay ang anyo ng sanaysay. Mahalagang aspekto ang hindi paglimot sa posisyonalidad at identidad ng mag-aaral na hindi lámang umaangkop sa tungkulin ng manunulat at propesyonal kundi mananaliksik rin. Upang maging sanaysay pampananaliksik ang sulatíng pampananaliksik, hindi naman kailangang talikuran ang anyong binanggit sa unahan, bagaman maaari din itong baguhin batay sa pangangailangan ng pinapaksa at pinag-aaralan. Ang higit na mahalaga ay magamit ang anyo ng sanaysay pampananaliksik upang maiwasan ang epistemikong karahasang maaaring maidulot ng anyo ng pag-aaral na tinatanggal ang sarili mula sa pagsipat ng kolektibong karanasan. Ayon kay Spivak, “the radical practice should attend to this double session of representations rather than reintroduce the individual subject through totalizing concepts of power and desire” (279). Kinakailangang maging maláy ang mananaliksik na isasaboses niya sa kaniyang pag-aaral ang tinig ng ibá, hábang sinusubok maiwasan na makalikha ng huwad na representasyon sa kanila. Dagdag pa nga ni Spivak, “To confront [the heterogenous Other] is not to represent. . . them but to learn to represent . . . ourselves” (288-89). Hindi madalî ang ganitong pagtatangka, lalo pa’t bibihira sa iskolarsip sa Filipinas ang maaaring maging modelo o halimbawa. Higit pa, labis pa ring nagtitiwala sa Kanluraning anyo ang lahat ng disiplina dito. Sa kasalukuyan, ang responsabilidad ng mananaliksik ay magsibling makatarungan at mapagpalayàng tagapagpadaloy ng karunungan sa pagitan ng mga Kanluraning kaisipan at ng mga karanasang lokal. Isang paraan upang maisagawa ito ay ang paglulugar ng sarili sa pag-aaral. Sa sanaysay niyang “Bayanihan o Kaniya-kaniyang Lutas? Pag-unawa at Pagplano sa Bakás ng Bagyong Yolanda sa Tacloban” itinatanghal ni Gomez ang isang uri ng pagtatáya sa nagsasali-salikop na obligasyon. Aniya:

39

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Gumamit ng mga kuwalitatibong paraan ang mananaliksik tulad ng mga panayam at paulit-ulit na pag-ikot sa lungsod ng Tacloban (sa paraang palakad at gámit ang sasakyan) noong Enero 2014. Batay sa mga napulot na salaysay, tinangka ng awtor na iugnay sa mga nasaksihang mga pangyayari sa nasiràng Tacloban ang balangkas ng teorya at mga konsepto ng pangangasiwang pampubliko at pagpaplanong urban. Hindi na kasáma rito ang matagal na pagsubaybay pa sa unti-unting pagbangon ng Tacloban, at hindi na rin sakop nitó ang pagtalakay sa mga isyung pampolitika na madalas iniuugnay ng midya, tulad ng paratang na mabagal o may pagdadamot ng tulong ng Malacañang. Bagkus susubukan na lámang ipaliwanag ayon sa mga estruktura at pananaw ng isang gobyerno sa ibá’t ibáng bahagdan. Sa pamamagitan ng paglinaw ng isang tiyak na posisyon sa labas ng “mga isyung pampolitika na madalas inuugnay ng midya,” inilalatag ng may-akda ang kaligiran ng pag-aaral na isasagawa kasabay ng pagpapagitna sa mga konsiderasyong inilalatag ng mga pangangailangang propesyonal na ginagalawan ng polisiya. Sa kabilâ nitó, hindi nangungusap ang sanaysay bílang simpleng artikulasyon ng mga polisiya mula sa mga “pangasiwaang pampubliko at pagpaplanong urban,” bagkus naroon ang patuloy na pagsasalin nitó sa isang madla na ang karamihan ng impormasyon ay nakukuha mula sa midya. Kung tutuusin, marami pang posisyong pinagigitnaan ang sanaysay: ang pag-aantas ng mga serbisyo sa ibá’t ibáng sangay ng pamahalaan, ang pagsusuri sa usapin ng pagpapabilis sa tulong na iniaabot sa mga nasalanta ng bagyo, ang pagtalakay sa lahat ng ito sa labas ng mga usaping moral na kukutya sa pangungurakot ng pamahalaan. Sa ganitong pagsusuri, lalong lumilinaw ang posisyon ng manunulat na sabay-sabay aangkupin ang mga tungkulin ng mananalaysay, mananaliksik, manunuri, propesyonal, at pati Filipino. Dalawang gawain ang mahalagang maisakatuparan ng mananaliksik sa kaniyang pag-aaral at sanaysay. Una ang hinggil sa sarili na humihiling na kilalanin at ihayag ang kaniyang sariling posisyonalidad; isalaysay at ilarawan ang naging bahagi at ugnayan ng sarili sa pag-aaral; at suriin kung papaano nakaiimpluwensiya ang sarili sa mga datos, resulta, at interpretasyon. Ikalawa ang hinggil naman sa pagiging tagapamagitan. Kailangang magawa ng mananaliksik na: ipakilála ang pinagmulan ng teorya at metodolohiya, at ipaliwanag ang politika at limitasyon nitó; hábang at pagkatápos magámit, tingnan kung may nagaganap bang salungatan ang teorya at ang nakakalap na datos, at suriin kung paano ito mismo nangyayari; at subuking iangkop nang makatarungan ang teorya at metodolohiya sa pinag-aaralan upang higit na bumagay sa konteksto nitó, o kung

40

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

hindi man, subuking magpanukala na ng mga modipikasyon at pagbabago. Kung isasaalang-alang ang mga gawaing ito, madadagdagan ang saysay ng bawat bahagi ng pananaliksik. Narito ang Talahanayan 4 upang ipakita ang mga dagdag. Talahanayan 4. Mga karagdagang gawain sa pagpapayaman ng saliksik. BAHAGI Introduksiyon

KARAGDAGAN Ipinapakilála ang sarili at ang posisyonalidad, o ang kategoryang panlipunang pinagmulan Ipinapahayag kung bakit napilì ang pag-aaral

Ribyu ng kaugnay

Kasáma na ang ilang pag-aaral at teorya na makakatulong sa

na pag-aaral

pagsusuri ng posisyonalidad ng sarili Ipinaliliwanag na ang politika at limitasyon ng mga teorya at pagaaral na ginagámit

Pamamaraan at

Inilalarawan ang disenyo at mga hakbang ng pag-aaral nang

paraan

isinasáma na ang inter-aksiyon at pakikipag-ugnayan ng mananaliksik sa pag-aaral. Ipinaliliwanag ang naging limitasyon ng pamamaraan at paraan, lalo na kung politikal ito. Ipinaliliwanag ang mga pagbabagong ginawa ng mananaliksik upang makaangkop sa konteksto ng pinag-aaralan.

Mga resulta

Isinasalaysay ang resulta ng pananaliksik sa panig naman ng mananaliksik—kung ano ang naging impluwensiya sa kaniya ng karanasan. Isinasalaysay rin kung paanong ang mga datos at impormasyong nakalap ay hindi lámang mula sa pinag-aaralan, kundi sa mismong ugnayan ng mananaliksik at ng pinag-aaralan. Ipinaliliwanag kung paanong posibleng nakondisyon ng teorya at metodolohiya ang mga resulta.

Talakayan

Ipinaliliwanag kung paanong nakaiimpluwensiya ang posisyonalidad ng mananaliksik sa binubuong interpretasyon. Ipinakikita kung paanong kapuwa kasáma ang mananaliksik at ang pinag-aaralan sa ginagawang pagpapakahulugan.

Kongklusyon

Ipinaliliwanag ang mga kakulangan ng teorya at metodolohiya na posibleng dulot ng politika nitó. Nagpapanukala ng higit pang modipikasyon sa teorya at metodolohiya upang makaangkop sa konteksto. Maaari ding magpanukala ng panibagong uri ng pag-aaral na kaibá na sa ginamit na teorya at metodolohiya.

41

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa pamamagitan ng anyo ng sanaysay pampananaliksik, sabay ang pagkilála sa sarili ng manunulat at ang mismong paglusaw nitó sa diskurso ng pakikipagkapuwa. Dahil sinusuri na rin ng mananaliksik ang kaniyang sarili at ang papel niya sa pagpapakahulugan, sabay siyáng suheto at obheto, o mas mainam pa nga yata, naglalaho na ang dikotomiya ng suheto/obheto at Sarili/Ibá. Sa halip na pinag-aaralan ng mananaliksik ang mga tao sa paligid, pinag-aaralan na niya ang kanilang ugnayan. Nagiging isang anyo na ng pakikipagkapuwa ang pananaliksik. At naiiwasan, kahit papaano, ang epistemikong karahasan.

TALAKAYIN • May mga munting halimbawa kayâ ng sanaysay pampananaliksik (o kung hindi man, kahawig nitó) sa mga popular na midya, tulad ng telebisyon, radyo, diyaryo, at internet? Kung mayroon, ano-ano ang isinasagawa nitó upang maging makatarungang tagapamagitan? Kung wala, ano kayâ ang posibleng dahilan kung bakit hindi umiiral sa popular na midya ang sanaysay pampananaliksik? • Paano maisasalin sa kontekstong propesyonal at corporate ang sanaysay pampananaliksik? Ano-ano ang magiging anyo nitó?

PANANALIKSIK SA IKATLONG DAIGDIG Kadalasan, ang mga mapagtitiwalaang aklat at akademikong jornal ang pangunahing pinagkukunan ng mananaliksik ng datos at impormasyon. Mahalagang tandaan na hindi lahat ng impormasyong nalathala, nakalimbag man o online, ay posibleng sipiin. Halimbawa, bagaman nagbigay ng magagandang punto ang isang blog hinggil sa pinapaksa ng mananaliksik, hindi pa rin ito maaaring pagtiwalaan, gaano man ito kamakatwiran, at kahit pa nga mayroon itong sinasabing kongkretong patunay. Isa sa mga indikasyon na maaaring maging sanggunian ang isang akda ay ang pagkakalathala nitó sa isang establisadong publikasyon o jornal, sapagkat mas malaki ang posibilidad na kinilatis na ito ng isang pabliser o ng isang patnugutang maalam sa paksa. Higit ding katiwala-tiwala, bagaman hindi lagi, ang mga nalathala sa jornal na may proseso ng peer-review. Madalas na makita ang mga ganitong uri ng sanggunian sa malalaking aklatan. Gayumpaman, nararapat ding hindi lang sa mga ito sumangguni. Sa konteksto ng Filipinas, na dahop pa sa mga batayang pananaliksik at may kakulangan din sa mga aklatan, mahalaga at kinakailangan ang mga pansariling pagkalap ng datos, na gumagámit din ng mga paraang lokal. Higit pa rito, dahil nagmula pa rin sa Kanluran ang karamihan sa mga pag-aaral na ginagámit ng mga

42

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Filipino upang unawain ang mga isyu at kalagayang lokal, isang mahalagang kilos politikal ang pag-aralan ang mga lokal na karanasan. Gayundin, mainam din sa kilos na ito ang paggamit ng mga paraang nakapaloob din sa kultura ng pinagaaralan. Sa kontekstong Filipino, ipinapanukala ang pag-aaral sa mga suliraning lokal o pampamayanan. Upang makapilì ng paksa, mainam na gawin ang mga sumusunod: 1. Tanungin ang mga kamag-anak, kapitbahay, o sa mga opisyal ng barangay hinggil sa mga suliranin at isyung kinahaharap ng pamayanan; 2. Obserbahan ang pamayanan—ang gawi ng mga tao, ang mga estrukturang pisikal, ang kalikasán—at tingnan kung may mga suliranin at isyu bang hindi napapansin ang komunidad; 3. Pumunta sa munisipyo at subuking kumausap ng mga opisyal o humingi ng pahintulot na tingnan ang mga dokumentong opisyal upang makilatis ang malawakang suliraning kinahaharap ng lugar; 4. Magtanong-tanong sa ibá pang mahahalagang institusyon sa lugar tulad ng ospital o health center, palengke, at ibá pang pamilihan, mahahalagang establisimyentong pangnegosyo, simbahan, organisyong relihiyoso, mga samahan, atbp. Kapag nabatid na ang lokal na suliraning nais talakayin, makatutulong, bukod sa pagkonsulta sa mga sanggunian, ang paggawa ng fieldwork o etnograpiya. Hinihingi ng anyo ng sanaysay ang pagbábad sa pinapaksa, at ang paraang etnograpiko ang mainam para dito. Ito rin ang pinakaakmang paraan upang hindi mauwi ang pag-aaral sa huwad na representasyon ng Ibá. Maaaring mangyari na sumalungat ang karanasan sa kaalaman sa aklat at ibá pang pormal na lathalain. Sa etnograpiya, kinakailangang maglaan ng mahabà-habàng panahon sa komunidad na pinag-aaralan. Ideal dito na makilála nang lubusan ang mga kalahok at ang lugar na pinangyayarihan. Bagaman may mga uri ng etnograpiya na hinihinging dumistansiya ang mananaliksik upang hindi mabahiran ang datos, higit pa ring mainamang subuking lubos na mapalapit sa mga kalahok, sapagkat dito higit na masisiyasat ang sarili. Mahalagang ituring mismo ang pag-aaral bílang isang uri ng pakikipagkapuwatao na gumagámit ng mga paraang kultural upang mapalapit ang mga nag-uusap. Para sa kanila, higit na kailangan kaysa mga nakasanayang akademikong paraan tulad ng pakikipanayam at survey ang mga nakasanayan nang paraan ng mga Filipino pagdatíng sa pakikipagkapuwa-tao. Nása Talahanayan 5 ang ilan sa mga paraang ito.

43

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Talahanayan 5. Modelo ng Maka-Filipinong Pananaliksik. ESKALA NG PAGTUTUNGUHAN

ESKALA NG MANANALIKSIK

NG MANANALIKSIK AT KALAHOK

Pagmamasid / Pakikiramdam / Pagtata- Pakikitungo / Pakikisalamuha / Pakikilahok nong-tanong / Pagsubok / Padalaw-dalaw / / Pakikibagay / Pakikisama / PakikipagPagmamatyag / Pagsusubaybay / Pakikialam

palagayang-loob / Pakikisangkot / Pakikiisa

/ Pakikilahok / Pakikisangkot Batis: Santiago at Enriquez 1976.

Patungo

ang

lahat ng ito sa higit na pagsasa-Filipino ng pananaliksik,

karunungan, at sistema ng karunungan. Hindi lang ito para sa pagpapalawak ng kaalaman; bagkus, higit pa, para ito sa higit na makatarungan at mapagpalayàng pagsasaboses sa kapuwang madalas na pinatatahimik. ETIKA SA PANANALIKSIK Etika ang pangkalahatang tawag sa isang pangkat ng mga pamantayan at prinsipyong sinusunod upang tiyakin ang maayos na pagsasagawa ng mga kilos, ugali, at asal. Bawat larang at propesyon ay sumusunod sa malinaw na batayang pang-etika na ang pangunahing pinangangalagaan ay ang paggálang at pagkilála sa karapatan ng ibá. Sa pananaliksik, matibay ang paninindigang kilalánin ang pinag-aaralan, hindi bílang mga obheto o materyales lámang, bagkus mga tao ring may kani-kaniyang dignidad at karapatan. Mahalaga ring ituring bílang kapuwa ang mga akademiko at propesyonal na nakapag-aral na sa pinapaksa; kahingian ang pagrespeto sa kanila at sa kanilang mga pahayag, katangi-tangi man ang mga ito o hindi. Kaalinsabay ng pagiging etikal sa ugnayan sa kapuwa ang paggálang din sa mga karapatang pangkalikásan at panghayop. Hinihingi rin sa responsable at makatarungang mananaliksik ang matantong iniiwasan ang anumang anyo ng karahasan at hindi lámang ang epistemikong karahasan sa tao. Sa pagtangging respetuhin ang kalikásan at hayop, nagaganap pa rin ang naturang karahasan. Sa kasong ito, ang daigdig na ang obheto, ang Ibá, ang tahimik, ang pasibo, ang maaaring gamít-gamítin at sakóp-sakúpin. Etikal na pangangailanganang pagtitiyak na hindi ito mangyari. Ang plahiyo o plagiarism ang isa sa mga pinakamalubhang akademikong suliranin. Ito ang pag-angkin ng mga pahayag ng ibá nang walang pagbanggit kung saan ito nagmumula. Etikal na responsabilidad ng mananaliksik na tiyaking hindi ito mangyari. Usapin ito ng tiwala. Nagsisimula ang ugnayan ng mambabasá at manunulat ng sanaysay pampananaliksik sa pagtitiwala ng una na sinisikap ng hulí na makapag-ambag nang tapat sa karunungan.

44

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Dahil may kapangyarihan ang sanaysay pampananaliksik na makaapekto ng mga pananaw at pagkilos, kinakailangang tiyakin ng mananaliksik na mabanggit ang kaniyang mga pinagsanggunian, hindi lámang upang makilála ang kontribusyon ng ibáng may-akda, kundi para mabigyan din ng pagkakataon ang mambabasá na timbangin nang makatwiran ang mga pagtatáya ng sanaysay. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga halimbawa ng Modern Language Association of America ng pagpaplahiyo (56-58). 1. Pag-angkin at pagpapása ng papel o sanaysay na isinulat ng ibá; 2. Verbatim na pag-uulit sa pahayag ng ibá nang walang pagbanggit kung saan ito nagmula; 3. Pag-uulit ng diwa at kahulugan ng pahayag ng ibá nang walang pagbanggit kung saan ito nagmula, at sadyang inibá lang ang mga salitâ at paraan ng pagpapahayag nitó; 4. Pag-uulit ng diwa ng isang pagtatáya, argumento, o pangangatwiran nang walang pagbanggit kung saan ito nagmula; 5. Paggámit ng termino o partikular na pariralang nagmula sa ibá nang hindi siyá kinikilála. Upang maiwasan ang pagpaplahiyo, mahalagang malaman ang tamang pagsangguni at sitasyon. Sa akademikong konteksto, may ibá’t ibáng format ang pagkilála sa gawa ng ibá. Ilan sa mga ito ang Chicago, Turabian, APA (American Psychological Association), at MLA (Modern Language Association). Nakabatay ang gagamíting format sa larang o institusyong pagpapasáhan ng sanaysay. Gayundin, may dalawang uri ng sitasyon o citation na maaaring sundin ang mananaliksik: (1) ang nakatalâ, at (2) ang nakapanaklong. Sa kasalukuyan, pinakapopular sa mga jornal ang MLA, at sa format na ito ay sitasyong nakapanaklong ang ginagámit. Gayunman, sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat ay higit na sinusunod ang Chicago Manual of Style na uri ng sitasyong nakatalâ. Ayon sa MLA Handbook for Writers of Research Papers ng Modern Language Association, tuwing ginagamit ang pahayag ng ibá sa sanaysay—direktang sipi man, paraprasis, o buod—kinakailangang may sitasyon ito. Hindi sumasapat ang pagbanggit lámang sa pangalan ng awtor at pamagat ng akda. Mahalaga rin ang tiyak na pahinang pinagkunan nitó. Upang magawa iyon, nakapanaklong na sitasyon ang ginagamit ng MLA. Higit na detalyado ang estilo ng sitasyong nakatalâ at higit na mainam na sangguniin dito ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Etika ang pagrespeto sa karapatang pantao. Mahalagang maunawaan ng mananaliksik na tuwing may pinag-aaralan siyáng kapuwa, kumakausap siyá ng

45

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

táong may sariling dangal at karapatan tulad niya. Mahalagang maalalang anuman ang kaniyang pag-aaral, gaano man ito kaliit o kabilis, isinasangkot niya ang kaniyang sarili sa búhay ng ibá at, gayundin, isinasangkot din niya silá sa kaniyang pananaliksik. Ang mga sumusunod ang mga etikal na pamantayan mula sa gabay ng National Research Commitees for Ethics ng Norway (11). Mahalaga na tuwing nagsasaliksik: 1. Napapangalagaan ang kalayaan at kaakuhan ng kalahok; 2. Napoprotektahan ang kasangkot mula sa kapahamakan at di-makatwirang pagpapahirap; 3. Napapangalagaan ang pribado at matalik na ugnayan ng mga kalahok. Etika ang paghingi ng pahintulot. Sa tuwing may pag-aaral na kasangkot ang kapuwa, laging kinakailangan ang pagpapaalam ng mananaliksik at pagpayag ng kapuwa. Ang prosesong ito ang isa sa mga paraan upang matiyak ang pagrespeto sa karapatang pantao ng mga kasangkot. Ayon sa Research Ethics for Social Scientists, lubos ang pagpayag kapag maláy ang mga kasangkot at kusang-loob nilá itong ginagawa (Israel 60). Upang maging maláy ang pag-aaralan, o sinumang kasali sa pananaliksik, dapat na nauunawaan nilá nang buong-buo ang lahat ng mahahalagang impormasyon hinggil sa pag-aaral (Israel 61). Kasáma rito ang mga layunin, ang mga pamamaraan at paraan, ang mga kasangkapang gagamítin tulad ng kamera o rekorder, at ang mga posibleng kahihinatnan ng pakikisangkot nilá. Gayundin, nakabatay rin dapat ang mga impormasyong ipagpapaalam sa pinagmulang kultura ng kasangkot at dapat ding ipahayag ang mga ito sa isang wikang naiintindihan nilá (National Committees for Research Ethics in Norway 13). Subalit hindi lang din dapat mangyari ang pagpapaalam nang isang beses. Dahil maaaring magbago ang takbo ng pananaliksik at/o ang nararamdaman at naiisip ng mga kasangkot, maraming mananaliksik ang sumasang-ayon na kailangang aktibo at tuloy-tuloy ang pagpapaalam hábang nagaganap ang pag-aaral (Israel 64). Hindi dapat makaranas ang mga kasangkot ng pag-agrabyado, pagkadehado, o ano pa mang masamâ o nakapipinsalang epektong dulot ng pagtanggi nilá. Lagi’t laging responsabilidad ng mananaliksik ang kaligtasan at kapakanan ng mga kasangkot. Ilan sa maaaring gawin ng mananaliksik upang matiyak na maláy at kusa ang pagpayag ng mga kasangkot ang sumusunod: 1. Palagdain ang mga kasangkot sa isang liham na nagsasaad na pumapayag siláng maging bahagi ng pag-aaral;

46

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

2. Tiyaking binabanggit sa naturang liham ang lahat ng layunin, pamamaraan at paraan, mga kasangkapan, at posibleng kahinatnan; 4. Kumustahin ang mga kasangkot sa simula ng bawat hakbang kung sang-ayon pa rin silá sa mga nagaganap o kung nag-aalangan siláng ipagpatuloy ang pag-aaral; 5. Banggitin at ipaliwanag ang mga gawain sa bawat hakbang ng pag-aaral; 6. Kapag natápos na at nasulat ang pananaliksik, ipabása at ipaliwanag sa mga kasangkot ang sanaysay at mainam ding palagdain silá ng liham na nagsasaad ng kanilang pagsang-ayon at pagpayag na ipása (at ilathala) ang naturang pananaliksik. TALAKAYIN • Sa mga pagkakataóng hindi marunong magbasá at magsulát ang kasangkot, anoano ang mga alternatibong paraan upang matiyak na maláy at kusa ang pagpayag niya? • Nang mabása ng guro ang sanaysay pampananaliksik, natuwa siyá at nais niya itong ipása sa isang publikasyon. Ano-ano ang dapat gawin ng mananaliksik bago ito ipalathala? • Marami nang nakalap na datos ang mananaliksik at malapit na ring matápos ang palugit sa pagsúlat ng papel, subalit sa hulíng hakbang ng pag-aaral, napagpasiyahan ng kasangkot na bawiin ang kaniyang pagpayag na gamítin ang kaniyang mga pahayag, na siyá pa namang pangunahing batayan ng saliksik. Anoano ang maaari at dapat gawin ng mananaliksik? Etika sa hayop at kalikásan. Bukod sa karapatan ng kapuwa, dapat ding pahalagahan ng mananaliksik ang kapakanan ng mga hayop at kalikásan Hinggil dito, mainam na humango sa gabay sa etika sa pananaliksik ng De La Salle University. Ilan sa mga tuntuning makakatulong sa pananaliksik (17-21) ang sumusunod: 1) Hangga’t maaari, mas mababàng uri ng hayop, insekto, cell culture, o mga modelong di-hayop ang gamítin; ginagámit lang ang mga hayop kapag wala nang alternatibo; 2) Disenyuhin ang mga pag-aaral sa paraang wala o napakakaunting hayop lang ang magagámit; 3) Disenyuhin ang pananaliksik sa paraang wala o napakakaunti lang ang sakít at pagdurusang mararanasan ng hayop; 4) Kapag ginagámit ang hayop para sa pag-aaral ng nakakahawang sakít, dapat maisagawa ang lahat ng kailangang pag-iingat upang hindi kumalat ang sakít sa populasyon ng hayop o tao; 5) Kapag nasasaktan na o nagdurusa na ang hayop, kailangan nang itigil ang paggámit dito; 47

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

6) Hangga’t maaari, kailangang alagaan ng mananaliksik ang hayop, kahit na tapós na ang pag-aaral; 7) Itápon o itago nang maayos ang mga kalat at basurang idinulot ng pag-aaral; 8) Maging maláy sa mga posibleng nakapipinsalang epekto ng pag-aaral sa komunidad at sa kalikásan; 9) Iwasang lumabis sa pagkolekta ng mga espesimeng ilahas, at iwasan ang pag-iwan ng mga espesye na di-katutubo. May etika rin sa internet at social network. Bagaman ang internet ang naging dahilan kung bakit napakadalî ngayon kumuha ng impormasyon, higit namang nagiging masalimuot ang mga isyung etikal sa pananaliksik sa tuwing gagámit ng mga impormasyon mula rito, lalo na kung nagmumula ito sa mga social media at network. Ang unang kailangang isaalang-alang sa paggámit ng internet para sa pananaliksik ay ang kredibilidad ng pinagsanggunian. Hindi katulad ng mga aklat o akademikong jornal na dumadaan muna, gaya ng nabanggit sa unahan, sa pangingilatis ng mga patnugot at ibá pang kinonsultang mambabasá bago malathala, maraming website ang nagbibigay ng madaliang impormasyon nang walang pagtiyak kung tama nga ba ito o hindi. Sa katunayan, marami sa mga popular na website sa kasalukuyan ang gumagawa ng mga artikulong nakatuon, hindi sa katotohanan, bagkus sa kung ano ang popular at nakatatawag ng pansin. Di-iilang artikulo na rin ang kumalat sa social media na lubos na pinaniwalaan ng mga tao bagaman hindi talaga totoo at sadyang nakagugulat lang. Kailangang mag-ingat ang mananaliksik sa mga impormasyong nakakalap sa internet. Makatutulong ang pagkonsulta sa maraming website na tumatalakay sa pinag-aaralang paksa, sa halip na makampante sa isa lang. Alinsunod dito, ideal nang iwasan ang maraming publiko at popular na website na binibisita ng karamihan, lalo na kung ang hinahanap na ay mga sanggunian ng pananaliksik na magiging batayan ng mga teoretikal, konseptuwal, metodolohikal, at argumentatibong pundasyon nitó. Halimbawa, hinding-hindi maaaring gamitin ang mga artikulo sa Wikipedia sapagkat isinusulat at binabago-bago ang mga ito ng kahit na sino. Dagdag pa rito, hindi naman talaga iminumungkahing gumámit ng mga ensiklopedikong artikulo sapagkat kaalamang pangkalahatan lámang ang kontribusyon nitó. Ang kawalan ng propesyonal na pagpapatnugot at ang limitasyon ng kaalamang pangkalahatan ang dalawang dahilan kayâ dapat iwasan ang maraming popular na website. Bagaman mas katanggap-tanggap at pinapatnugutan naman, hindi rin iminumungkahing maging tanging batayan ang mga online na pahayagan sapagkat marami rin sa mga kolum at artikulo rito ay nagkukulang sa pananaliksik, na dalá

48

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

rin naman ng pangangailangan sa internet na maging madalian ang paglalathala ng nilalaman. Hindi naman ibig sabihin na hinding-hindi na talaga maaaring gamitin ang lahat ng uri ng website na nabanggit sa lahat ng pagkakataon. Una, kung pansuporta lang naman at hindi pangunahing batayan ng argumento, katanggap-tanggap naman ang paggámit. Ikalawa, kung ang mga laman ng website ang mismong pinag-aaralan at sinusuri, kinakailangan naman talagang gamítin ang mga ito. Sa mga ganitong pagkakataon, hinihingi, tulad ng kahingian sa lahat ng sanggunian, na makapagsagawa ng tamang paraan ng sitasyon para dito. Talahanayan 6. Ilang website na dapat iwasang gawing sanggunian. HALIMBAWA NG MGA WEBSITE NA DAPAT IWASAN PARA SA BATAYANG TEORETIKAL, KONSEPTUWAL, METODOLOHIKAL, AT ARGUMENTATIBO Wikipedia

About

Thought Catalog

Blogspot

Facebook

Ask.fm

Elite Daily

Cracked

Twitter

Wattpad

9gag

When In Manila

Tumblr

Youtube

Wordpress

8list

Instagram

Buzzfeed

Youtube

Vimeo

Kung sakali ngang ang laman ng internet ang pag-aaralan, partikular na sa mga social network at mga blog, lilitaw ang isyung etikal ng privacy na higit na masalimuot kaysa karaniwan. Maraming nilalaman ang social media at mga blog na makikita ng kahit na sino ngunit itinuturing pa rin ng may-akda bílang personal. Ayon kay Dag Elgesem, dapat laging humingi ng pahintulot tuwing may posibilidad na masaktan, manganib, o malagay sa posisyong di-kanais-nais ang pagkukunan (33). Madalas na ganito ang kaso kapag hinggil sa personal na búhay ng tao ang impormasyon at sensitibo, kontrobersiyal, o radikal ang paksa. Kahit na nakapubliko ang post, basta’t maaaring mapahamak ang pagkukunan, kailangang laging magpaalam. Gayundin, tuwing naglalagay ng impormasyon ang mga tao sa social network, madalas ipalagay na personal na pahayag ang pakikipagtalastasang ito. Halimbawa, sa Facebook, malinaw na pakikipagkaibigan ang layon at uri ng ugnayan ng mga táong bahagi ng kani-kanilang network. Bago magpakitahan ng impormasyon, ipinakukumpirma muna ng Facebook na magkaibigan nga talaga silá. Totoo mang magkaibigan silá o hindi, ito ang pundasyong inilalatag ng website. Ayon kay Elgesem, kapag taliwas ang layon ng pananaliksik sa layong sinang-ayunan ng pagkukunan sa pagbabahagi ng impormasyon, kahingian din ang pagpapaalam (33). Mahalaga ito lalo

49

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

na tuwing ang nais kalapin ay mga impormasyong nakikita lámang ng mananaliksik dahil magka-network silá sa social media. Sa gayong kaso, pakikipagkaibigan lámang ang layon, subalit ang nais ng mananaliksik ay pag-aralan ito at ibahagi pa sa ibá na hindi naman kaibigan niyong pinagkunan. Samantala, may mga kaso namang maaaring hindi na kailangang pumayag ng pagkukunan. Ani Elgesem, tuwing nagiging tanghalan ng mga usaping pampubliko ang social media—halimbawa, kapag may sumiklab na isyung politikal, panlipunan, o popular at nagkaroon ng talakayan sa Facebook o Twitter—makatwiran nang hindi humingi ng pahintulot sapagkat ang layon naman ng mga nagpahayag ay makilahok sa talakayang publiko (24-26). Naririto ang ibá pang masasalimuot na isyung etikal. May mga limitado at iilang kaso naman na kailangang timbangin ng mananaliksik kung nararapat nga bang sundin ang mga tuntuning etikal na nabanggit sa unahan. May mga nagsasabing kung sa publikong pook magaganap ang pag-aaral, o mga publikong opisyal ang kakausapin, maaaring maging maluwag na ang proseso ng pagpapaalam at pagpayag hangga’t usaping publiko ang pinapaksa. Gayundin, maaaring higit na etikal ang magkulang sa pagpapaalam, kung sakaling makadudulot ng higit na kabutihan para sa lipunan at kapuwa ang resulta ng pag-aaral na nagmula sa pagpayag ng kasangkot bagaman hindi siyá lubusang maláy sa lahat ng detalye (Israel 73). Madalas maganap ang suliraning etikal na ito sa maseselang kaso ng opresyon at marhinalisasyon. Maaaring hindi makapagbigay ng pahayag ang kasangkot dahil sa tákot sa isang maykapangyarihan. Gayundin, maaaring hindi magsalitâ ang maykapangyarihan dahil mayroon siyáng itinatagong di-makatarungang praktika o pamamalakad. Ipinahihiwatig din ni Israel na hindi rin tiyak ang tuntunin sa pagpapaalam kapag ang layon ng pag-aaral ay ibunyag ang katiwalian ng mga pamahalaan o ang di-makatarungang gawi ng mga korporasyon (74). Sa mga ganitong kaso, malaki ang nakasalalay sa moral at etikal na pagtimbang at pagninilay ng mananaliksik. Ngunit ang lagi’t laging kailangan niyang tandaan: Hinding-hindi dapat makatulong ang pananaliksik sa opresyon at marhinalisasyon sa kapuwa. MGA SANGGUNIAN Allen, Irving Lewis. “WASP—From Sociological Concept to Epithet,” Ethnicity 1975. Elgesem, Dag. “Consent and Information—Ethical Considerations When Conducting Research on Social Media.” Internet Research Ethics. Pat. Hallvard Fossheim at Helene Ingierd. Oslo: Cappelen Damm Akademisk, 2015. 14-34. File na PDF. Israel, Mark at Iain Hay. Research Ethics for Social Scientists: Between Ethical Conduct and Regulatory Compliance. London: Sage Publications Ltd., 2006. Limbag. Komisyon sa Wikang Filipino. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Metro Manila, 2014. Limbag. Modern Language Association of America, The. MLA Handbook for Writers of 50

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Research Papers. Ika-7 edisyon. New York: The Modern Language Association of America, 2009. Limbag. National Committees for Research Ethics in Norway. Guidelines for Research Ethics in the Social Sciences, Lawa and the Humanities. National Committees for Research Ethics in Norway, 2006. Web. Ika-5 ng Agosto 2015. Said, Edward. Orientalism. New York: Vintage Books, 1979. Limbag. Spivak, Gayatri Chakravorty. “Can the Subaltern Speak?” Marxism and the Interpretation of Culture. Pat. Cary Nelson at Lawrence Grossberg. Chicago: University of Illinois Press, 1988. 271-313. Limbag. Salazar, Zeus. “Pantayong Pananaw: Kasaysayang Pampook, Pambayan at Pambansa.” Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan, Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan. Pat. Mary Jane Rodriguez at Vicente Villan. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 2000. 35-53. Limbag. University Research Coordinating Office, Pamantasang De La Salle. “De La Salle University Code of Reseach Ethics and Guide to Responsible Conduct of Research.” Maynila: University Research Coordinating Office, Pamantasang De La Salle, 2011. PDF na file. Yacat, Jay. “Tungo sa Isang Mas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang Pilipino.” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino 19.2 (2013): 5-32. Limbag. MGA PAMAMARAAN AT PARAAN Dahil sabay na pagtanaw at pagsasatinig sa kapuwa ang pananaliksik, mahalaga ang maingat na pagpilì at paggámit sa mga pamamaraan at paraang magsisilbing balangkas at lente ng pag-aaral. Tinutukoy ng paraan o metodo kung paano ito isasagawa, samantalang ang pamamaraan o metodolohiya naman ay pananaw, lapit, o dulog na nagtatakda kung ano ang paniniwala at hálagáhang isasaalang-alang nitó. Kahingiang akademiko na maging malinaw sa mga ito dahil hindi maaaring sumuong ang mananaliksik sa isang pag-aaral nang taglay lámang ang mga sariling palagay at wala nang ibá. Kapag ganito ang mangyari, higit na posibleng mabahiran ang kaniyang pananaliksik ng mga personal niyang isyu at paniniwala at kung gayon, hindi magiging katiwa-tiwala at makatotohanan ang anumang resulta at/o pangunahing argumento niya. Nakasalalay sa ipapasiyang paraan at pamamaraan ang lilitaw na representasyon, tinig, at naratibo ng kapuwa, lipunan, at kulturang pag-aaralan. Naikokondisyon maging ng anyo ang ugnayang pangkapangyarihan ng mananaliksik sa kaniyang mga sinasaliksik.

51

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA PAMAMARAAN Ikinokondisyon ng pamamaraan ang magiging landas ng pananaliksik. Ayon kina Kathleen deMarrais at Stephen Lapan, sangkot dito ang posisyon ng mananaliksik at pag-aaral hinggil sa realidad at karunungan; ito ang sumasaklaw sa buong lapit sa sinasaliksik at sa mismong pagsasagawa ng pananaliksik (5). Maaari itong ituring na giya upang hindi maligaw sa pinag-aaralan at sa proseso. Ngunit higit pa roon, ito mismo ang batayan ng paniniwala at pananaw pandaigdig ng pag-aaral na bubuo sa realidad na ihahayag ng pananaliksik. Ito ang magtatakda kung paano kakatawanin ng pag-aaral ang pinapaksa, isang penomenon man ito o pangkat ng tao. Ito ang magkokondisyon kung alin ang dapat tingnan at tanungin, at gayundin, kung paano dapat tumingin at magtanong. Ayon kay Lawrence Neuman, nagkakaibá ang mga pamamaraan batay sa ontolohiya at epistemolohiya ng mga ito (94-95). Kapag sinabing ontolohiko ang suliranin, ibig sabihin, isyu ito ng kung ano ba talaga ang likás, ang totoo, at ang pundamental sa pag-iral at sa realidad. Maikakakategorya ang mga pamamaaran sa dalawang ontolohikong posisyon: realista at nominalista. Realista ang pamamaraan kapag ipinagpapalagay nitó na ayos na ang daigdig at naghihintay na lámang na matuklasan ito ng tao. Ang punto, kung gayon, ay mapag-aralan ito nang hindi nababahiran ng mga suhetibong hálagáhan. Samantala, ipinagpapalagay ng nominalista na kailanman ay hindi talaga direktang nararanasan ng tao ang realidad. Laging nangyayari ang karanasan sa realidad sa pamamagitan ng isang lente o iskema ng mga interpretasyon at subhetibidad. Iniimpluwensiyahan ng mga suhetibo at kultural na paniniwala kung ano at paano nakikita ang daigdig. Mga isyu naman sa karunungan at sa proseso ng pagbubuo nitó ang epistemolohiya. Nakaugat ito sa mga ontolohikong pagpapalagay. Para sa mga pamamaraang realista, maaaring makabuo ng karunungan hinggil sa realidad sa pamamagitan ng maingat na pag-obserba rito. May umiiral na empirikal na mundo labas sa mga persepsiyon ng tao. Sa paghahanap ng mga empirikal na patunay, matutuklasan ng mananaliksik na may mga ideang maaaring mapatunayang konsistent sa mga naturang patunay, hábang may ibáng idea naman na malî sapagkat walang empirikal na patunay na sumusuporta rito. Sa pagsasaayos ng mga ideang konsistent, makatutuklas ng mga pangkalahatang batas na nagpapaliwanag kung ano ang bumubuo sa realidad at kung paano ito gumagalaw. Nakalilikha ng bagong karunungan sa pamamagitan ng pagsisiyasat kung tama pa rin ba ang mga naunang idea sa ibá at bagong empirikal na datos. Kung nominalista naman, hindi makakaratíng ang mga obserbasyon sa isang obhetibong karunungan hinggil sa realidad sapagkat laging naiimpluwensiyahan ng mga interpretasyon at suhetibong pananaw ang lahat ng obserbasyon. Gayon din sa

52

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mga táong magiging paksa ng pag-aaral; hinuhubog ng subhetibidad nilá ang lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa. Konstruksiyon lámang ang karanasan sa realidad at nabuo ito mula sa isang patuloy na proseso ng mga kilos at interpretasyon na nagaganap sa mga partikular na lokasyon at panahon. Imposibleng magkaroon ng pangkalahatan at unibersal na batas na magpapaliwanag sa mga kilos at pasiya ng lahat ng tao sa lahat ng lugar. Ang pinakatapat na karunungang maaaring mabuong mananaliksik hinggil sa daigdig ay mga maingat na interpretasyon sa mga espesipikong tao sa mga espesipikong pook. Madalas, ikinakategorya ang mga pamamaraang siyentipiko sa realista at ang mga pamamaraang kritikal naman sa nominalista. Maaaring sabihing realista ang ginagámit na pamamaraan ng mga larang sa agham, samantalang nominalista naman ang sa mga larang sa humanidades, at naghahalò ang dalawa sa mga larang sa agham panlipunan. Gayumpaman, hindi ganoon kasimplistiko ang usapin ng pamamaraan, na mahihiwatigan sa mga susunod pang talakay. Ang mahalagang matandaan ng mananaliksik mula rito ay maunawaan kung ano talaga ang kaniyang pinipilì at pinapanigan, at kung anong oryentasyon ang ikinokondisyon ng kaniyang larangan. PANANALIKSIK SA AGHAM Sa kasaysayan ng modernong karunungan, namayani ang pamamaraang pangagham. Mararamdaman ang impluwensiya nitó maging sa mga larang na labas sa mga naituturing na bahagi ng natural na agham. Popular ang paniniwala na ito ang nakalilikha ng mga unibersal at pinakatotoong kaalaman at siyáng pinakamalapit sa realidad. Gayumpaman, mahalagang matandaang pananaw pandaigdig din lámang ito at may limitasyon din. Mahalaga sa agham ang empirisismo. Ito ang paniniwala na ang saklaw ng karunungan ay ang napanghahawakan—ang pisikal at materyal. Hindi lang ito usapin ng makakáyang pag-aralan, bagkus naniniwala ang agham na ito ang bumubuo sa realidad. Hindi sumasapat na sabihing makatwiran ang argumento ng isang dalubhasa, kailangan ding mayroon itong empirikal, i.e., pisikal at materyal, na batayan. Maging ang mga damdamin, hálagáhan, kalooban, at kaisipan ng tao ay pinaniniwalaan ng agham na mapag-aaralan sa pisikal nitóng aspekto. Upang maging katiwa-tiwala ang isang pag-aaral, kailangang hangga’t maaari, walang bahid ito ng subhetibidad ng mananaliksik. Gayundin, dahil pisikal ang lahat ng bagay, nangangahulugan ito na káya itong masúkat, na káyang tumbasan ng bílang ang bagay-bagay. Ang empirisismo rin ang batayan ng siyentipikong metodo, na binubuo ng obserbasyong pisikal, pagsúkat, pag-eeksperimento, pormulasyon, pagpapatunay, at modipikasyon ng mga ipotesis, hanggang sa makabuo ng pangkalahatang teorya, na

53

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sisikapin ding patunayan sa ibá’t ibáng konteksto at mauulit ang buong proseso. Sa prosesong ito, naniniwala ang agham na kailangang makontrol ng mananaliksik ang kaligiran, upang masúkat nang maayos at tiyak ang pinag-aaralan, at upang maulit ito sa ibá’t ibáng pagkakataon. May tendensiyang maging deterministiko ang makaagham na pag-aaral. May natural na batas ang kalikásan at uniberso at sumusunod lámang ang lahat ng bagay na nakapaloob dito. Ang tungkulin ng pag-aaral ay matuklasan ang mga batas na ito at ang proseso kung paano ito gumagana. PANANALIKSIK SA AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES Maraming pagkakataon na nagsasalimbayan ang larang ng agham panlipunan at humanidades sapagkat maraming paksa at isyu ang kapuwa tinatalakay ng mga ito. Sa madalîng salitâ, tao at lipunan. Sa katunayan, sa humanidades nagmumula ang marami sa mga teoretiko at pilosopikong pundasyon ng agham panlipunan. Gayumpaman, malaki na rin ang naiambag ng pananaw ng agham sa pamamaraan ng agham panlipunan. Bunsod nitó, nagkaroon sa agham panlipunan ng dalawang tíla magkasalungat na pamamaraan: ang positibismo at interpretatibong pag-aaral. Humahalaw ang una sa agham, samantalang sa humanidades ang hulí. Ang positibismo ay pag-angkop sa agham pangkalikásan upang pag-aralan ang panlipunang realidad. Isa itong organisadong pamamaraan na gumagámit ng pangangatwirang pasaklaw na sinasamáhan ng mga tiyak na obserbasyong empirikal upang matuklasan at mapatunayan ang isang pangkat ng mga batas na ginagámit upang maghinuha sa mga pangkalatahang patern ng gawaing pantao (Neuman 97). Pangunahing hinahanap dito ang mga ugnayang sanhi-bunga. Paniniwala nitó na ang layunin ng pag-aaral ay matuklasan ang mga batas na nagpapagalaw sa mga tao sa loob ng isang lipunan hindi lang upang makaunawa, kundi para na rin makapaghaka sa at makontrol ang mga susunod na pangyayari. Ang interpretatibong pag-aaral ay sistematikong pagsusuri ng mga gawi ng tao at may taglay na pagpapakahulugang panlipunan, sa pamamagitan ng direkta at detalyadong obserbasyon sa mga tao sa kanilang natural na kalagayan upang makarating sa mga interpretasyon hinggil sa kung paano nilá nililikha at pinananatili ang kanilang mga panlipunang daigdig (Neuman 104). Sa halip na sanhi-bunga, mga pagpapakahulugan ang hinahanap sapagkat ang mga ito ang lumilikha sa panlipunang realidad ng tao. Paniniwala nitó na masalimuot ang ugnayan ng mga aspekto ng lipunan, dulot ng subhetibidad at ahensiya ng tao, at kung gayon, walang unibersal na batas na nagpapagalaw sa mga tao. Mahalaga sa pag-aaral na ito na kontekstuwalisado at lokalisado ang isinasagawang pag-aaral.

54

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Nadadaig lámang si Fredric Jameson sa kaniyang tanyag na kasabihang “always historicize” ni Michel Foucault na nagsabing “historicize everything.” Nagkakaisa ang dalawa tungkol sa halaga ng pagsasakasaysayan sa paglinang ng espesipiko at mapagpalayàng kaalaman. Hindi lang ito nangangahulugang hanapin ang mga pangyayari sa nakaraan na siyáng sanhi ng mga nagaganap sa kasalukuyan. Sa pagsasakasaysayan, ipinakikita na may konteksto at pinagmulan ang lahat ng aspekto ng búhay ng tao, maging paniniwala man ito, kaisipan, o damdamin. Sa panlipunang búhay ng tao, walang maituturing na likás. Konstruksiyong panlipunan at kultural ang mga hálagáhan at paniniwala ng tao. TEORYANG KRITIKAL Sa lahat ng larang, maging sa agham, hindi nawawala ang mga usaping politikal, ideolohiko, at pangkapangyarihan. Bagaman nagsisikap ang halos lahat ng uri ng pag-aaral na maging obhetibo, laging katunayan na nagmumula ang lahat, kahit ang pinakaobhetibo, at mismo ang paniniwala sa kung ano ang obhetibo, sa mga partikular at naglilimitáng perspektibang hindi naiiwasang taglayin ng mga ito. Maging ang pagtutuon sa iisang larang upang maunawaan ang isang paksa ay paglalatag ng perspektiba hinggil sa pinag-aaralan. Higit na malawak ang sákop ng teoryang kritikal, kaysa ibáng pamamaraan sapagkat ito ang nagsisilbing pangkalahatang mekanismo upang masuri ang politika, hindi lang sa pinag-aaralan, kundi mismo sa pagsasagawa ng pag-aaral. Pangangailangan ito upang hindi mahulog sa patibong ng misrepresentasyon o ng pagaakalang may kapasidad ang pananaliksik na maging lubusang obhetibo. Sa paggámit ng teorya hábang isinasagawa ang pag-aaral at kapag isinusulat ito, nagiging maláy ang mananaliksik sa kaniyang sariling politika at nagkakaroon siyá ng kakayahang tahasang ihayag ito sa kaniyang sanaysay. Binubuksan din ng teorya ang posibilidad na mailantad ng pananaliksik ang mga di-lantad na isyu ng marhinalisasyon sa uring panlipunan, kasarian at seksuwalidad, lahi, at identidad. Tulad ng nabanggit sa mga naunang bahagi, responsabilidad ng mananaliksik ang magsilbing makatarungang tagapagpadaloy ng karunungan upang hindi maulit ang mga pisikal, materyal, at epistemikong karahasang dulot ng pananatili ng mga di-akma at opresibong karunungang nakapagtatakda sa daloy at galaw ng lipunang Filipino. Teorya ang isa sa mga kasangkapan upang maisakatuparan ito. Sa paggámit nitó, nawawala ang ilusyon na maaaring humiwalay ang mananaliksik at ang kaniyang pag-aaral sa lipunang pinag-aaralan. Hinihingi nitó mismo na manindigan siyá at kumiling.

55

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa pagsusuring kritikal, inilalantad ang lahat ng panlipunan at kultural na aspekto ng búhay ng tao bílang politikal, i.e., usapin ng kapangyarihan. Inilulugar ang mga ito sa mga sistemang pangkapangyarihang nagtatakda ng kaayusan, hirarkiya, at hálagáhan, na siyáng lumilikha rin ng kondisyon ng dominasyon at marhinalisasyon. Sa pagsusuring ito, nagtataglay ang mga identidad at ugnayan/ relasyon ng tao ng aspektong pangkapangyarihan. Gayundin, itinuturing ang mga establisado at popular na paniniwala sa loob ng lipunan bílang mga ideolohiya, mga kaisipang hinubog ng mga sistemang pangkapangyarihan upang mapanatiling umiiral at gumagalaw ito. Marxismo. Naniniwala ang Marxismo na ikinokondisyon ng sistemang ekonomiko at uring panlipunan ang bawat aspekto ng búhay ng tao, at nananatili o nagbabago ang kasaysayan ng daigdig sa pamamagitan ng antagonismo at tunggalain. Sa pagsusuring Marxista, inilalantad ang mga aspektong panlipunan at kultural bílang nahubog ng sistemang ekonomiko. Gayundin, tinitingnan agad ng Marxistang pagtanaw ang kilos at pagpapasiya ng mga tao bílang manipestasyon ng kanilang uring panlipunan. Halimbawa, sa pagsusuring Marxista, ang pagkamuhi ng ilan sa kultura ng jejemon at pabebe ay hindi usapin ng moralidad kundi usapin ng tunggalian ng uri. Karaniwang nanggagáling ang reaksiyong ito sa gitnang uri, na nag-iisip na nása kanila ang katwiran sapagkat sa kapitalistang sistema, ang itinuturing na normal na hálagáhan ay ang sa gitnang uri at nagiging kahindik-hindik ang kultura ng nása mababà. Gumagámit ng Marxismo ang sanaysay ni Rolando Tolentino “Malling, Subcontracting at Serbisyong Ekonomiya sa SM.” Dito, hindi lámang niya tinalakay ang usaping ekonomiko ng kontraktuwalisasyon, bagkus iniugnay pa niya ang kontemporaneong kultura sa lungsod na napakabiswal. Pinatunayan ni Tolentino kung paanong ang kulturang nahuhumaling sa mga paskil, patalastas, at liwanag ng mga ilaw sa SM ay bahagi ng sistemang ekonomiko na hindi nagbibigay ng makatarungang sahod at benepisyo sa mga manggagawa. Feminismo at araling pangkasarian. Kung uring panlipunan at ekonomikong kalagayan ang tuon ng Marxismo, kasarian at seksuwalidad naman ang sa feminismo at araling pangkasarian. Sa pagsusuring feminista, inilalantad ang politika sa mga ugnayang pantao bílang ikinokondisyon ng mga sistemang pangkapangyarihan sa kasarian at seksuwalidad. Sa kasalukuyan, ito ang patriyarkiya, ang sistemang nagbibigay ng pribilehiyo sa pagkalalaki at pagkaheteroseksuwal. Isang feministang pag-aaral “Ang Pagsasasalitâ sa Laman: Ilang Panimulang Silip at Hipo sa Diskurso ng Pornograpiya” ni Benilda Santos. Sa sanaysay na ito, hindi nagiging usaping moral, kundi politikal ang pornograpiya. Pinatutunayan ni Santos na makalaláki ang pornograpiya, hindi dahil pinapakita nitó ang pagtatalik, o dahil bastos ito, kundi dahil laging nása punto de-bista ng lalaki ang wika nitó. Gayundin,

56

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

walang nakikitang ahensiya sa babae sapagkat lagi lámang siyáng tagatanggap ng kilos ng lalaki at ang kasiyahang seksuwal na makikita sa pornograpiya ay sa pamamagitan mismo ng pagpapasailalim niya. Postkolonyalismo. Mga usapin ng lahi, identidad, at bayan sa konteksto ng karanasang kolonyal at neokolonyal ang sinusubok palitawin ng postkolonyalismo. Kinikilála ng postkolonyalismo ang katunayang Eurosentriko o Kanluranin ang namamayaning sistema sa daigdig. Dumatíng ito sa Filipinas dahil sa kolonyalismo at patuloy itong umiiral sapagkat wala nang puwersang dayuhan sa bansa. Pagtatangka, kung gayon, ang postkolonyal na maunawaan ang salimuot at suliraning naidudulot ng karanasang neokolonyal at mailantad ang posibilidad o kawalan ng posiblidad na masirà/mabuwag ang superyoridad at kapangyarihan ng karunungan at kulturang Kanluranin. Sa Filipinas, maaaring ituring na pagbubuo ng postkolonyal na pananaw ang Sikolohiyang Filipino (“Sikolohiyang Pilipino” sa orihinal) sapagkat pagtatangka ito na makalikha ng “sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Filipino” (Enriquez 6) at bunsod ito ng pamamayani ng mga teoryang Kanluranin na “hindi pa napapatibayan sa Filipinas ngunit lumalaganap dito sa balatkayo ng unibersalismo” (Enriquez 6). Ipinapanukala ng Sikolohiyang Filipino na gamítin ang mga paraan ng pag-alam na nása kontekstong Filipino, tulad ng pagtatanong-tanong, pakikisáma, at pakikipagkuwentuhan. Bagaman ganito umalam ng impormasyon at karunungan ang maraming Filipino, hindi ito nababanggit sa akademya bílang lehitimong paraan ng pagkalap ng datos. Isang maituturing na postkolonyal na pag-aaral ang “Datíng” ni Bienvenido Lumbera. Pagtatangka ang sanaysay na makabuo ng katutubong estetika at kritisismo para sa panitikang Filipino. Bagaman pagtatangka lámang, nakikita nitó ang pangangailangan ng sariling estetika sapagkat ang ginagámit pa rin sa akademya na pamamaraan ng pagtingin sa panitikang Filipino ay Kanluranin. TALAKAYIN • May inilulunsad na kampanya ang administrasyon ng isang paaralan laban sa pandaraya. Ipinauso nitó ang paniniwalang sa pandaraya sa mga pagsusulit nagsisimula ang talamak na korupsiyon sa Filipinas. Paano kayâ maaaring pagaralan sa Marxistang pamamaraan ang ganitong sitwasyon? • Maraming eskuwelahan at kompanya, pati na rin mga simbahan, ang may patakaran sa pananamit. Mayroong nagtatakda ng uniporme at mayroon din namang nagbabawal sa mga damit tulad ng sando o labis na maikling palda. Paano kayâ maaaring pag-aralan sa feministang pamamaraan ang ganitong kalagayan?

57

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

• Tuwing Buwan ng Wika at Kultura, may mga paaralang nagsasagawa ng programa upang maitanghal ang ibá’t ibáng kultura sa Filipinas. Nagkakaroon ng mga pangyayari na nagbibihis ng katutubong pananamit ang mga mag-aaral kahit na tagalungsod naman silá. Paano kayâ maaaring pag-aralan sa postkolonyal na pamamaraan ang ganitong pangyayari?

Pigura 5. “Feminist Suffrage Parade in New York City,” 6 Mayo 1912 (US Library of Congress). Bagaman tila tinutukoy lámang ng teoryang feminista ang mga usaping may kinalaman sa kababaihan, kritikal ito sa pagsasakasaysayan ng marami pang kaisipan katulad ng pagboto, karapatan ng manggagawa, usaping panlahi, at pagkakapantay ng sahod.

MGA PARAAN Pangangalap, pagsasaayos, pag-unawa, at pagpapakahulugan sa mga datos at impormasyon ang mga pangunahing gawain sa pananaliksik. Upang maisagawa ito nang mahusay, kinakailangang malaman ng mananaliksik kung aling paraan ang higit na mainam at angkop para sa kaniyang pag-aaralan, nais patunayan, at sisikaping matuklasan. Ayon kay Neuman, may apat na salik sa pagpilì ng angkop na paraan (167-69). Una, nakabatay ito sa dalawang kategorya ng nakakalap na datos sa pananaliksik: ang soft data at hard data. Soft data ang mga impormasyong nása anyo ng salitâ, larawan, o simbolo. Samantalang hard data naman ang mga nása anyo ng numero. Mainam gamítin ang kuwantitatibong paraan kung hard data, at kuwalitatibo naman kung soft. Ikalawa, nagkakaibá ang paraan dahil sa pagtuunang prinsipyo sa proseso sa pananaliksik at pananaw hinggil sa lipunan. Kung tutuusin, sa pagpilì ng paraan,

58

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pumapasok ang mananaliksik sa isang wika o kultura na may mga partikular at natatanging hálagáhan. Higit na nakatuon ang kuwantitatibo sa prinsipyo ng positibismo at pinahahalagahan ang tiyak at siyentipikong pagsúkat sa mga salik at aspekto ng paksa. Sa kabilâng bandá, inuunawa naman ng kuwalitatibo ang suliranin ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng kritikal at tekstuwal na pagsusuri. Higit nitóng tinatalunton ang mga partikular na konteksto at pagpapakahulugang kultural na kumokondisyon at kinasasangkutan ng pinagaaralan. Ikatlo, pinagpapasiyahan ang paraang gagamítin batay sa kung ano ang nais na masagot, mapatunayan, at mapangatwiranan ng pag-aaral. Sa kuwantitabo, hinahangad ang pagpapatotoo o pagpapasubali sa mga paniniwala at haka ng mananaliksik o ng karamihan hinggil sa ugnayan ng ibá’t ibáng bagay o aspektong may kinalaman sa pinapaksa. Nakatuon ito sa mga matatagpuang epekto o bunga mula sa maraming magkakatulad o magkakaugnay na pangyayari at pagkakataon. Samantala, madalas na bumubuo ng panibagong paniniwala o haka ang kuwalitatibo at inilalarawan nitó ang mga detalye ng prosesong nagiging sanhi ng ilang pangyayari o pagkakataon. At ikaapat, nagkakaibá rin ang dalawang paraan sa pagkakaayos sa lohika ng pagaaral. Ang paraang kuwantitatibo ay higit na deretso, tiyak, episyente, at sumusunod sa mga hakbang na naitakda na dáti. Upang sa kabilâng bandá, may tendensiyang maging pabalik-balik at paligoy-ligoy ang paraang kuwalitatibo bago humantong sa kongklusyon. Bentaha ng kuwantitatibo na madalî itong maintindihan ng mambabasá at masusundan agad-agad ang pinupunto. Bentaha naman ng kuwalitatibo ang paglikha ng higit na awtentikong pagkaunawa sa kalagayan ng pinapaksa, sa salimuot ng ibá’t ibáng pagpapakahulugan, at sa ugnayan ng mga detalyeng sa unang tingin ay magkakahiwalay. Upang mahimay pa ang pagkakaibá ng kuwantitatibo at kuwalitatibo, basáhin ang Talahanayan 7 na hango kay Kaya Yilmaz (314).

59

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Talahanayan 7. Paraang Kuwantitatibo at Kuwalitatibo KUWANTITATIBO PAGPAPALAGAY



Iisa ang realidad, materyal

KUWALITATIBO •

May sari-saring realidad.

at nahihimay-himay. May

Binubuo ito at pangkalahatan

obhetibong realidad ang mga

ang sakop nitó. Likhang

katunayang panlipunan.

panlipunan (social construction) ang realidad.



Ang umaalam at ang inaalam



ay magkahiwalay.

Magkaugnay at inter-aktibo ang umaalam at ang inaalam.



Pangunahin ang paraan.



Pangunahin ang pinapaksa.



Natutukoy ang mga variable at



Ang mga variable ay

nasusukat ang mga ugnayan.

masalimuot, magkakaugnay, at mahirap masúkat.



Obhetibo ang pagsisiyasat at



walang bahid ng hálagáhan.

Suhetibo ang pagsisiyasat at laging may hálagáhang umiimpluwensiya rito.

SAYSAY

LAPIT



Paglalahat



Kontekstuwalisasyon



Prediksiyon



Interpretasyon



Pagpapaliwanag ng sanhi at



Pag-uunawa sa pananaw ng

bunga

mga kasangkot

Nagsisimula sa mga ipotesis at

Nagtatapós sa mga ipotesis o

teorya

teorya mula sa natuklasan sa pag-aaral

Gumagámit ng mga pormal

Mananaliksik bílang

at nakabalangkas na

kasangkapan

kasangkapan Experimentasyon at

Obserbasyon

interbensiyon Pasaklaw (deduktibo)

Pabuod (induktibo)

Pagsusuri sa bawat bahagi

Tumutuklas ng patern

Naghahanap ng konsensus, ng

Naghahanap ng pluralismo, ng

norm

salimuot

Tinutumbasan ang datos

Bihirang gumámit ng bílang

ng bílang at ibinubuod sa pamamagitan ng pagsasaayos nitó. Abstrakto ang pagkakasulat.

Naglalarawan ang pagkakasúlat.

60

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

KUWANTITATIBO Higit na nakasandig sa positibismo ang mga paraang kuwantitatibo at naniniwala itong may obhetibong realidad na hindi dapat pinoproblema o kuwestiyunin. Kung gayon, ang pananaliksik na kuwantitatibo ay usapin lámang ng pagbabalangkas, pagsasaayos, at pagkakategorya ng datos upang maunawaan ang realidad ng pinagaaralan. Malaking bahagi ng pananaliksik ang estadistika at iniiwasan ang mga suhetibong interpretasyon na posibleng magtaglay ng mga personal na hálagáhan. Kung mayroon mang interpretasyon sa pag-aaral, iyon ang pagsusuri sa datos na ang layunin ay maipaliwanag ang isinasaad ng mga ito. Sa paraang kuwantitatibo, madalas na maging pangunahin o panimulang suliranin ang maaaring ugnayang sanhi-bunga ng dalawa o higit pang bagay o aspekto. Halimbawa, kung ang partikular na paksa ay ang palagiang pagliban ng mga batà sa klase upang maglaro sa mga computer shop, mainam na pag-isipan kung alin ang mga posibleng sanhi at/o bunga nitó. Kung sakali, batay sa popular na pananaw, maaaring maisip na sanhi ang kakulangan sa pagdisiplina ng magulang, samantala’y maaari namang maging bunga ang mababàng marka sa mga asignatura. Sa gayon, may dalawa nang posibleng ipotesis ang mananaliksik. Madalas, ang hangad lámang ng kuwantitabong pag-aaral ay patunayan o mapabulaanan ang panimulang ipotesis. Upang maisagawa ito, itinuturing ng kuwantitabo ang mga aspekto bílang mga variable. Ang bunga ang magiging dependent variable at ang sanhi ang independent. Nagbabago ang dependent batay sa independent. Sa halimbawa, ang nais patunayan ng mananaliksik ay, una, kung sanhi ba ng palagiang pagliban ng mga batà ang kakulangan ng magulang nilá sa pagdisiplina, at, ikalawa, kung ang mga pagliban ay nakakapagdulot ng mababàng marka. Sa unang kaso, dependent ang pagliban ng mga batà, sa ikalawa, independent naman ito. Ayon kina Kalof et al, madalas na gumámit ang mga mananaliksik ng diyagrama upang makatulong sa pagpapalinaw ng mga ugnayang sanhi-bunga (62). Ang Pigura 1.1 ang diyagrama para sa ginagamit na halimbawa. Isinasaad ng direksiyonal na linya na dahil sa kakulangan sa disiplina, lumiliban ang mga mag-aaral, at dahil sa pagliban, bumababà ang kanilang marka.

Kakulangan ng magulang sa pagdisiplina

Laging pagliban ng mga bata para maglaro sa computer shop

PIGURA 6

61

Mababang marka sa mga asignatura

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Upang mapatunayan o mapabulaanan ang ipotesis, kinakailangang mangalap ng datos. Para dito, karaniwang ginagámit sa kuwantitatibo ang 1) pageeksperimento, 2) pagsasurvey, 3) pagsusuring pangnilalaman, at 4) paghahanap ng umiiral nang estadistika. Sa pagpilì ng alinman sa mga ito, mahalagang tanungin ng mananaliksik ang pinakaakma at pinakamaaari sa sitwasyon. Halimbawa, may mga pagkakataóng hindi maaaring mag-eksperimento sapagkat mahabàng panahon ang madalas na kahingian nitó upang magkaroon ng kredibilidad. Gayundin, posible ring mailang ang mga tao kapag nalaman niláng oobserbahan silá nang matagal ng hindi naman nilá kakilála. Kung sakali, hindi rin makatarungang ipilit ng mananaliksik ang nais niyang teknik. Maaaring piliin na lámang niya ang pagsasurvey. Maaaring gawin ang pag-eeksperimento sa loob ng laboratoryo o sa mismong pamayanang pinag-aaralan. Karaniwang maliit na pangkat lang ng tao ang kalahok at iisang partikular na tanong lámang ang sinusubok nitóng sagutin. Sa kaso ng halimbawa, maaaring pakiusapan ang mga magulang ng mga lumilibang batà na sumali sa eksperimento. Mainam ding tiyakin na silá ang mga magulang na hindi estrikto sa kanilang anak, at hangga’t maaari, magkakahawig ang katangian, kalagayan, at kondisyon ng kanilang pamilya. Hahatiin silá sa dalawang grupo. Mananatili ang una sa kanilang nakasanayang pagdisiplina. Samantala, magiging mahigpit naman ang ikalawa sa kanilang anak. Mainam ding maging pare-parehas ang uri ng paghihigpit ng ikalawang grupo. Kung sakaling tumigil na nga sa pagliban ang mga anak ng mga nása ikalawa, mataas ang probabilidad na kakulangan nga sa pagdisiplina ang sanhi ng pagliban ng mga batà. Para naman aspekto ng mababàng marka, ang variable naman ng pagliban ang iibahin. May grupo ng mga estudyanteng liliban at maglalaro, at mayroon namang hindi. Mainam sa ganitong uri pag-aaral na hindi lámang mauwi sa positibo at negatibo, lumiliban o pumapasok, mababà o mataas. Mahalaga na may tiyak din siláng súkat, tulad ng bílang ng araw na lumiban at markang nakukuha. Sa pagsasurvey, gumagámit ang mananaliksik ng mga panayam o talatanungan (questionnaire) upang malaman ang impormasyon hinggil sa kasaysayan, ugali, paniniwala, at/o kakayahan ng malaking bílang ng tao. Di tulad sa pag-eeksperimento, hindi kailangang kontrolin dito ang sitwasyon upang maunawaan ang reaksiyon ng mga tao; maingat at masinsin lámang ang pagtatalâ sa mga sagot nilá (Neuman, 48-49). Sa halimbawa, maaaring kapanayamin o pasagutin sa talatanungan ng mananaliksik ang mga may kinalaman sa suliranin: ang mga magulang, estudyante, at guro. Sa kaso ng mga magulang, bílang independent variable, mahalagang magkaroon ng datos hinggil sa kanilang ibá’t ibáng uri at antas ng pagdisiplina. Hinggil sa pagliban o dipagliban ang itatanong sa mga mag-aaral; at kalagayang akademiko naman ng mga

62

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

estudyante ang sa guro. Muli, mahalaga na matumbasan ng tiyak na súkat ang mga sagot ng kalahok. Teknik naman ang pagsusuring pangnilalaman (o content analysis) upang masiyasat ang impormasyong nakapaloob sa mga dokumento o ibá pang anyong pangkomunikasyon (hal., larawan, pelikula, liriks ng kanta, patalastas). Sa pagsusuri, lumilikha ang mananaliksik ng sistema ng pagtatalâ para sa mga espesipikong aspekto ng pinag-aaralang materyales. Pagkatápos maitalâ, binabalangkas at isinasaayos niya ito sa pamamagitan ng mga tsart o mga grapika (graph) (Neuman 49). Sa halimbawang ginagámit, maaaring suriin ng mananaliksik ang mga rekord at talaan ng mga guro upang malaman ang bílang ng pagliban ng mga mag-aaral at ang markang nakukuha nilá sa mga pagsusulit. Sa paggawa ng tsart o grapika, lilinaw sa mananaliksik ang pagkakaibá sa marka ng mga lumiliban at hindi lumiliban. Kung maaari, mahalaga rin ang paghahanap ng mga umiiral na estadistika hinggil sa pinapaksa, na karaniwan ay nása anyo ng mga opisyal na ulat ng pamahalaan, o di kayâ nama’y nása mga nauna nang akademikong pag-aaral. Muling isinasaayos ang mga estadistikang ito upang matugunan ang suliranin ng pananaliksik (Neuman 49). Kung gagamítin muli ang halimbawa, maaaring tumungo ang mananaliksik sa bulwagang pambarangay o sa munisipyo at maghanap ng rekord hinggil sa bílang ng mga computer shop na malapit sa mga paaralan. Kaugnay nitó, maaari din siyang pumunta sa mga paaralan, o sa opisinang lokal ng Kagawaran ng Edukasyon upang tingnan ang pangkalahatang rekord nilá sa mga estudyante. Posibleng may makita ang mananaliksik na ugnayan sa pagkakaroon ng computer shop at sa bahagdan ng pumapasá bawat taon, o sa markang nakukuha ng mga estudyante sa National Achievement Test. KUWALITATIBO Kung nakasandig sa positibismo ang paraang kuwantitatibo, sa interpretatibo at kritikal na pag-aaral naman nakasandig ang paraang kuwalitatibo. Ang tungkulin ng mananaliksik na gumagámit ng paraang ito ay maipaliwanag ang salimuot ng mga pagpapakahulugang panlipunan ng isang partikular na pangkat ng tao na siyáng kumokondisyon sa kanilang realidad at pag-iral sa mundo. Ayon kay John Creswell, may siyam na karaniwang katangian ang kuwalitatibong pag-aaral (37-39). Mainam na isa-isahin ang mga ito upang maunawaan din ang mga gawain sa paraang ito. Natural na kaligiran. Nangangalap ng datos ang mananaliksik sa mismong pook na pinangyayarihan ng isyu o suliranin ng mga kalahok. Hindi niya silá dinadalá sa isang laboratoryo sapagkat nagiging pilít ang sitwasyon, at hindi rin

63

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

siyá nagbibigay ng anumang kasangkapang pampananaliksik na ipagagámit sa kalahok. Mananaliksik bílang pangunahing kasangkapan. Ang mismong mananaliksik ang nangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagsiyasat sa mga dokumento, etnograpiya, o pag-obserba sa mga kilos at pakikipanayam sa mga kalahok. Samot-saring sanggunian ng datos. Karaniwang nangangalap ang mananaliksik ng ibá’t ibáng anyo ng datos, tulad ng mga panayam, obserbasyon at mga dokumento, sa halip na umasa lang sa iisang sanggunian ng datos. Pabuod na pagsusuri ng datos. Binubuo ng mananaliksik ang kaniyang mga patern, kategorya, at tema mula sa maliliit na karanasan papunta sa isang mas masaklaw na mga kaisipan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng datos patungo sa mga mas abstraktong yunit ng impormasyon. Maaaring makasáma rin ang interaktibong kolaborasyon sa mga kalahok, nang sa gayon ay magkaroon din silá ng pagkakataóng mahubog ang mga tema, kaisipan, o abstraksiyong umuusbong mula sa proseso. Pagpapakahulugan ng mga kalahok. Nakatuon ang mananaliksik sa pag-unawa sa pagpapakahulugan ng mga kalahok sa suliranin o isyu, hindi sa pagpapakahulugan ng ibáng mananaliksik o manunulat ng mga naunang kaugnay na pag-aaral. Disenyong pausbong. Hindi maaaring maging tiyak ang mga plano at proseso ng kuwalitatibong pananaliksik. Maaaring mabago o malípat sa ibáng tuon ang mga gawain nitó hábang nangangalap ng datos. Maaaring magbago ang mga tanong, mga anyo ng pagkalap ng datos, mga kalahok, at maging ang mga lugar na pag-aaralan, depende sa natutuklasang kahingian ng pananaliksik upang mapagaralan nang maayos ang isyu o suliranin. Lenteng teoretikal. Madalas na gumámit ng lente ang mananaliksik upang tingnan ang pinag-aaralan, tulad ng ibá’t ibáng konsepto ng kultura, o ang mga konsepto ng kasarian, uring panlipunan, at lahi na nakabatay sa ibá’t ibáng oryentasyong teoretikal. Maaaring isaayos ang pag-aaral sa loob ng mga kontekstong politikal, panlipunan, at pangkasaysayan ng suliraning pinag-aaralan. Pagsisiyasat na interpretatibo. Isang uri ng pagsisiyasat ang kuwantitatibo na gumagawa ng interpretasyon sa nakikita, naririnig, at nauunawaan. Hindi maaaring ihiwalay ang interpretasyon ng mananaliksik mula sa kaniyang sariling pinagmulan, kasaysayan, konteksto, at pansariling pag-unawa sa bagay-bagay. Pagkatápos maisulat ng sanaysay, bubuo rin ng interpretasyon ang mambabasá at maging ang mga naging kalahok. Holistikong talâ. Sinisikap ng mananaliksik na makabuo ng masalimuot na larawan ng suliranin o isyung pinag-aaralan. Kasáma rito ang pag-uulat ng samotsaring perspektiba, pagtukoy ng maraming salik na kumokondisyon sa sitwasyon,

64

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

at pagpapakita ng mas malawak at mas pangkalahatang estruktura ng suliranin. Hindi nakatali ang mananaliksik sa mga tiyak na ugnayang sanhi-bunga, at sa halip, tinukoy niya ang mga masalimuot na inter-aksiyon ng mga salik sa alinmang sitwasyon. Upang maisagawa ang mga ito, may limáng teknik, ani Creswell, na maaaring piliin ng mananaliksik: 1) naratibo, 2) penomenolohiya, 3) grounded theory, 4) etnograpiya, at 5) case study (53-81). Nagsisimula ang pananaliksik na naratibo sa mga karanasang naihahayag sa mga isinasabuhay at isinasalaysay na kuwento ng mga tao. Tumutuon ito sa pagaaral ng isa o dalawang tao, pangangalap ng datos sa pamamagitan ng koleksiyon ng kanilang mga kuwento, pag-uulat sa mga karanasang indibidwal, at kronolohikong pag-aayos ng pagpapakahulugan ng mga karanasan (Creswell 54). Maraming ibá’t ibáng anyo ng pag-aaral na naratibo tulad ng pag-aaral na biyograpiko, awtobiyograpiya, kasaysayan ng búhay, kuwento ng karanasang personal, at kasaysayang pabigkas (Creswell 55). Kung gagamítin muli ang halimbawa mula sa talakayan sa kuwantitatibo, maaaring magsagawa ng pananaliksik na naratibo para sa isyu ng pagliban ng mga mag-aaral upang makapaglaro sa mga computer shop. Subalit ngayon, isa o dalawang mag-aaral ang kakapanayamin. Ipasasalaysay ng mananaliksik ang pinagdaanan niláng búhay upang mahukay ang ibá’t ibáng salik at ibá’t ibáng personal niláng pagpapakahulugan kung bakit lumiliban silá sa klase upang maglaro. Kung pangkalahatang búhay ng isang tao ang iniuulat ng pag-aaral na naratibo, inilalarawan naman ng penomenolohiya ang pagpapakahulugan ng maraming indibidwal sa kanilang karanasan ng isang konsepto, pangyayari, o penomenon (Creswell 57). Isang pokus ng pag-aaral sa pagtukoy kung saan nagkakatulad o nagkakaibá ang pagdanas ng mga tao sa isang penemenon. Sinisikap na ipakita ng penomenolohiya na bagaman may mga unibersal na karanasan ang tao, tulad ng pag-ibig, ang realidad ng mga ito ay samot-sari sapagkat samot-sari din ang pagpapakahulugan at pagpapahalaga ng mga tao sa mga ito. Sa kaso ng halimbawa, sa halip na ipasalaysay sa isa o dalawang mag-aaral ang kaniyang buong búhay, maaaring magsagawa ng penomenolohiya sa pamamagitan ng pagtatanong sa maraming mag-aaral kung ano ang kanilang nararanasan tuwing naglalaro silá sa computer shop sa halip na pumasok sa paaralan. Gayundin, mainam na itanong kung paano nilá ito nararanasan, at kung bakit nilá ito pinipilìng danasin. Sa ganitong teknik, mahalaga na maging komprehensibo sa mga detalye, mula sa kung ano-ano ang kanilang nararamdaman, hanggang sa kung ano-ano ang kanilang iniisip, at sa anong mga sandalî nilá nararamdaman o naiisip ang mga iyon.

65

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Samantala, ang grounded theory naman ay nakatuon sa paglikha o pagtuklas ng isang teorya, o isang abstraktong iskema ng proseso ng isang penomenon. Pangunahin dito ang kabatiran na nabubuo ang teorya mula sa datos ng mga táong nakaranas o lubog sa isang partikular na proseso (Creswell 63). Kahingian sa paraang ito ang ektensibo at komprehensibong pagsiyasat sa mga proseso ng pinag-aaralan. Higit na mahalaga na ngayon ang pag-alam sa proseso ng penomenon. Sa ating halimbawa, ang paglalaro sa computer shop ang maaaring maging penomenon. Bukod sa estudyante, maaari na ring tanungin ang ibá pang naglalaro, at maging ang mga empleado at may-ari, at ibá pang posibleng kasangkot sa proseso. Mahalagang malaman ng mananaliksik kung anong aspekto ang nagbubuklod—ang siyáng sentro—sa lahat ng ibá pang aspekto ng penomenon kung kayâ nagiging posible ito. Krusyal ding maunawaan ang mga sanhi at bunga ng penomenon, at ang mga estratehiya at gawainng mga kasangkot upang magpatuloy at manatiling gumagalaw ang proseso. Sa etnograpiya naman, nakatuon ang pag-aaral sa isang kultural na pangkat. Inilalarawan nitó at sinusuri ang patern ng kanilang mga hálagáhan, kaugalian, paniniwala, at wika. Ideal dito ang makipamuhay sa pangkat upang maobserbahan ang kanilang pang-araw-araw na gawain at makausap silá sa ibá’t ibáng aspekto ng kanilang búhay. Mahalaga na mapag-aralan ng mananaliksik ang pagpapakahulugan nilá sa mga ito. Etnograpiko ang magiging pag-aaral sa halimbawa kung ang gagawin ng mananaliksik ay mamalagi nang matagal na panahon sa computer shop upang maobserbahan ang wika, kaugalian, at gawi ng mga naglalaro, at makausap silá hinggil sa mga ito. Maaaring mapansin ng mananaliksik na mayroon nang nabubuong sariling wika at asal ang pangkat. Mainam ding sumáma sa mga naglalaro kung mayroon siláng ibá pang pinupuntahan o ginagawa nang magkasáma. Kung kultura ang nais pagtuunan ng etnograpiya, partikular na isyu o suliranin ang sa case study. At upang maunawaan ito, gagámit ang pag-aaral ng isa o higit pang kaso na nakapaloob sa isang saradong sistema (hal., isang lokasyon, o isang konteksto). Maaaring ituring na kaso ang isang kultural na pangkat, subalit ang tuon ng case study ay hindi ang buong kultura nilá, kundi kung paano silá naiimpluwensiyahan ng isang isyu o suliranin at kung paano silá tumutugon dito. Muli, maaari pa ring gamítan ng case study ang mga naglalaro sa computer shop. Subalit ngayon, nakapokus na ang pag-aaral sa iisang isyu o suliranin. Halimbawa, maaaring siyasatin sa mga naglalarong estudyante ang isyu ng kanilang paghahanda sa klase kahit na halos buong araw na siláng nása computer shop. Sa halip na pagaralan ang lahat ng kanilang mga gawi, wika, at asal, itutuon ng mananaliksik ang kaniyang mga obserbasyon at pagtatanong sa mga may kinalaman sa paghahanda at

66

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pag-aaral para sa klase. (Para sa dagdag na detalye, basáhin pa si Creswell 55-57, 6062, 66-67, 70-72, 74-75) TALAKAYIN • May barangay na laging binabahâ kahit na mahinà ang ulan. Nagtataká ang lokal na pamahalaan sapagkat hindi naman barado ang sistema ng alkantarilya sa lugar. Ano kayâng paraan ang akmang gamítin upang matuklasan ang sanhi ng suliranin? • Bagaman maituturing nang moderno ang Filipinas, marami pa rin ang naniniwala sa mga supernatural na nilaláng tulad ng aswang at multo. Paano ito pag-aaralan sa kuwantitatibong paraan at paano naman kung kuwalitatibo? • Maghanap ng isang pananaliksik na gumagámit ng kuwantitatibong paraan. Paano ito pag-aaralan kung kuwalitatibo ang gagamítin? Gayundin, maghanap ng gumagámit ng kuwalitatibo. Paano naman ito pag-aaralan kung kuwantitatibo?

MAGKAHALÒNG KUWANTATIBO AT KUWALITATIBO Marami mang pagkakaibá ang dalawang paraan, hindi nangangahulugan na hindi maaaring magsanib ang dalawa. Sa katunayan, higit na iminumungkahi na kapuwa gamítin ang dalawa upang matugunan ang kakulangan at limitasyon ng bawat isa, at upang higit ding maging makatarungan para sa mga kinakatawan ng pananaliksik. Limitasyon ng kuwantitatibong pag-aaral ang tendensiya nitóng hanapin lagi ang mga ugnayang sanhi-bunga, ang estratehiya nitó na tumuon lang sa iilang nasusúkat na variable, at ang pagsasantabi nitó sa mga isyu ng konstruksiyon ng realidad. Dahil dito, maraming salik at salimuot sa suliranin ang hindi natatalakay. Káya namang tugunan ng kuwalitatibo ang mga ito. Maaaring maipaliwanag ng kuwalitatibong pag-aaral ang politikal at kultural na salik kung kayâ’t nalilikha ang natuklasang ugnayang sanhi-bunga—na nagaganap ang ganiyong realidad dahil nakapaloob ito sa isang partikular (at hindi unibersal) na sistema. Samantala, limitasyon naman ng kuwalitatibo ang pagtuon nitó sa mga partikular na sitwasyon at suliranin, at ang matinding pagsandig nitó sa mga suhetibong interpretasyon. Sa paggámit ng kuwantitabong paraan—halimbawa, pagsangguni sa mga estadistika—nagkakaroon ng higit na malawakang pundasyon ang mga argumentong nabuo sa kuwalitatibo. Gayundin, mga kuwantitatibong pagaaral din ang makapagbibigay sa mga kuwalitatibong pag-aaral ng pagkakataon na maikompara at maiugnay ang mga partikular nitóng tuklas sa higit na malaking konteksto. Halimbawa, sa “Mga Modernong Manggagawa ng Transportasyong Panlungsod ng Maynila, 1900-1941” ni Michael Pante, gumámit siyá ng estadistika upang

67

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

maipakita ang ugnayan ng modernisasyon at motorisasyon ng transportasyon noong panahon ng Americano sa pag-usbong at pagdami ng bagong uri ng trabaho: na hábang ipinapatupad ang motorisasyon, dumadami rin ang bílang at uri ng mga empleado at manggagawa sa sektor ng transportasyon (23). Gayumpaman, nang talakayin na niya ang pag-uunyon ng mga manggagawa, pagkatápos niyang iulat din ang estadistika ng pagtaas ng mga kasapi ng unyon mula 1938-1940, nagpokus siyá sa mga pangyayari sa ilang partikular na welga sa pamamagitan ng detalyadong pagsasalaysay ng naratibo ng mga ito (27-30). Dahil sa paghahalòng ito, hindi lang naipakikita ng pag-aaral ang malawakang larawan, bagkus ang espesipiko at partikular din. Dagdag pa, bagaman mahalaga sa sanaysay ang ugnayang sanhi-bunga ng motorisasyon at lakas-paggawa, lumalagpas ito sa hangaring patunayan lang ang naturang ugnayan. Nagsagawa rin si Pante ng mga intepretasyon upang maiugat at maiugnay ang modernisasyon sa konteksto ng kolonyalistang pag-iisip ng mga Americano (22, 32), at sa kabilâng bandá, iniugat naman niya ang pag-uunyon at pagwewelga sa isyu ng kamalayan ng uring panlipunan (31). Samakatwid, naging komprehensibo at holistiko ang pagtalakay ng sanaysay sa isyung pinaksa nitó. UGNAYAN NG PARAAN AT PAMAMARAAN Matalik ang ugnayan ng pamamaraan at paraan. Sa pinakapayak na dahilan, ang una ang nagiging batayan ng hulí. Halimbawa, kung positibismo o siyentipiko ang pamamaraan ng pananaliksik, madalas kaysa hindi, kuwantitatibong paraan ang gagamitin. Gayumpaman, hindi estrikto ang ganitong ugnayan, at sa konteksto ng Filipinas na kulang pa sa sariling pamamaraan at paraan upang unawain ang lokal na kalagayan, mahalaga ring subukin ang ibá’t ibáng baryasyon upang maging akma, angkop, at makatarungan sa pinapaksa. Dahil mga pananaw pandaigdig, may limitasyon at politika ang bawat pamamaraan. Maaaring matugunan ito ng pipiliing paraan. Halimbawa, paksa ng isang pag-aaral ang isang pangkating katutubo sa kabundukan. Marxismo ang pamamaraan ng isang pag-aaral at etnograpiya ang paraan. May unibersal na paniniwala sa Marxismo na batayan ang sistemang ekonomiko ng ibá pang aspekto ng búhay ng tao, na pangunahin ang ekonomiya at sekundaryo lámang ang ibá pa. Subalit, sa mga datos na nakalap sa pag-aaral, napag-alaman ng mananaliksik na hindi magkahiwalay ang ekonomiko at kultural na aspekto ng pangkat, na hindi nga sumasapat mismo ang mga nakasanayang kahulugan ng ekonomiya at kultura sa konteksto ng pangkat. Pagsusuring Marxista pa rin naman ang kaniyang ginamit, ngunit sa paggámit niya nitó sa mga datos, ibá ang kaniyang natuklasan. Dahil dito, posible siyáng magpanukala sa modipikasyon ng teorya. Sa kabilâng bandá, maaari din namang ang pamamaraan ang tutugon sa

68

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

limitasyon ng paraan. Maaaring sa paggámit ng isang pamamaraan upang suriin ang mga nakalap at naisaayos na datos sa paraan ay may mailantad na isyu o suliranin na hindi agad-agad halata kahit na organisado na ang impormasyon. Mainam na halimbawa muli para dito ang ginamit nang pag-aaral ni Pante. Maaari naman maging talâng pangkasaysayan lámang ang naratibo niya sa mga welga at ang maging interpretasyon niya ay may mga sektor ng lipunan na hindi nakokontento sa kalagayan sa panahon ng modernisasyon. Ngunit mahihiwatigan sa sanaysay na Marxista ang pananaw na ginagámit niya, at dahil dito, napalitaw niya ang suliraning pang-uring panlipunan at, gayundin, ang isyu ng ugnayan ng kolonyalismo at ekonomikong pag-unlad. Isa pang maaaring maging halimbawa ng ugnayan ng pamamaraan at paraan ang sanaysay na “Positioning Theory as a Discursive Approach to Understanding Same-sex Intimate Violence” nina Mira Alexis Ofreneo at Cristina Jayme Montiel. Pakikipanayam upang makabuo ng naratibo ang paraang ginamit nilá para sa suliranin ng matalik na karahasan sa mga relasyong homoseksuwal (249). Kung ang pananaliksik ay may naratibo lámang, maaaring talâ lámang ng karahasan ang mabubuo. Subalit dahil ginamit ng pag-aaral ang teorya ng posisyon, na nagmumula sa araling pangkasarian at may pananaw na nominalista, lumitaw ang mga isyu ng ugnayang pangkapangyarihan at pangkasariang subhetibidad. Sa kabilâng bandá, dahil pinilì ding maging kuwalitatibo, nagkaroon ang pagkakataon ang pag-aaral na tugunan ang limitasyon ng feminismo na may tendensiyang tingnan ang karahasan sa pagtatalik bílang gawa ng lalaki sa babae (247). Kung titingnan naman ang “Pakikipanuluyan: Tungo sa Pag-unawa sa Kahulugan ng Panahon” ni Erlinda Nicdao-Henson, masasabing case study ang paraan. Pinagaralan niya ang isyu ng panahon sa kaso ng taga-Tiaong. Subalit dahil ginagámit niya ang pananaw ng Sikolohiyang Filipino, iniibá na niya ang mga establisadong estratehiya ng case study. Ginamit niya ang mga teknik na “katutubong bahagi ng kalinangang Filipino” (210) tulad ng “pakikisalamuha, pakikisangkot, pagmamasid, at pagtatanong-tanong” (209). Dahil dito, higit na nagiging angkop sa kontekstong Filipino, hindi lang ang mabubuong pag-aaral, kundi mismo ang proseso nitó. PAGLALAGOM Bunga ng limitadong artikulasyon ng kung ano ang Malayuning Komunikasyon, minarapat sa aklat na itong ituon ang kurso sa usapin ng kung sino ang bumubuo sa proseso ng komunikasyon, ano ang kanilang maiaambag sa pagbuo ng kaalaman, at tiyakin ang pagkakagámit nitó sa palítan ng impormasyon upang mabigyan ng pantay na pagkakataon ang magkabilâng panig na makibahagi sa mga pagpapasiyang nakakaapekto sa lahat. Ang Malayuning Komunikasyon ay hindi lámang pagbuo

69

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ng mga materyales pangkomunikasyon. Ito ay ang pagposisyon din sa kaalaman ng mga nása mardyin na aktibong gamítin ang kanilang karanasan bílang bukal ng mga kaalamang kailangang gawing pormal. Iginigiit ng kurso ang pangangailangang balikan ang poltikal na tungkulin ng mag-aaral na makiisa sa pangangalaga sa kasarinlan sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalagô ng mga kaalaman at kaisipan gámit ang ibá’t ibáng posibleng kombinasyon ng karanasan at kulturang tumitingin sa wika, kasarian, relihiyon, lahi, lokasyong heograpiko, uring panlipunan, at ibá pang konstruksiyon ng identidad bílang salik at/o sagabal sa pormulasyon ng mga kaisipan at paraan ng pamumuhay na gagabay sa lahat. MGA SANGGUNIAN Anderson, Benedict. Imagined Communities: Reflections on the Origin and Spread of Nationalism. Rebisadong edisyon. Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc., 2003. Limbag. Creswell, John. Qualitative Inquiry and Research Design: Choosing Among Five Approaches. Ika-2 Edisyon. Thousand Oaks: Sage Publications, 2007. Limbag. DeMarrais, Kathleen at Stephen Lapan. Introduksiyon. Foundations of Research: Methods of Inquiry in Education and the Social Sciences. Pat. deMarrais at Lapan. Mahwah: Lawrence Erlbaum Associates, Inc., 2004. 1-11. Limbag. Enriquez, Virgilio. “Sikolohiyang Filipino: Perspektiba at Direksiyon.” Sikolohiyang Filipino: Teorya, Metodo at Gamit. Pat. Rogelio Pe-Pua. Lungsod Quezon: Surian ng Sikolohiyang Filipino (PPRTH), 1982. 5-22. Limbag. Kalof, Linda, Amy Dan at Thomas Dietz. Essentials of Social Research. Berkshire: McGraw-Hill/Open University Press, 2008. Limbag. Neuman, W. Lawrence. Social Research Methods: Qualitative and Quantitative Approaches. Ika-7 edisyon. Essex: Pearson Education Limited, 2014. Limbag. Nicdao-Henson, Erlinda. “Pakikipanuluyan: Tungo sa Pag-unawa sa Kahulugan ng Panahon.” Sikolohiyang Filipino: Teorya, Metodo at Gamit. Pat. Rogelio Pe-Pua. Lungsod Quezon: Surian ng Sikolohiyang Pilipino, 1982. 209-220. Limbag. Montiel, Cristina Jayme at Mira Alexis Ofreneo. “Positioning Theory as a Discursive Approach to Understanding Same-sex Intimate Violence.” Asian Journal of Social Psychology 13 (2010): 247-259. Lumbera, Bienvenido. “Datíng”: Panimulang Muni sa Estetika ng Panitikang Filipino. Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2000. 210-224. Limbag. Santos, Benilda. “Ang Pagsasa-salita sa Laman: Ilang Panimulang Silip at Hipo sa Diskurso ng Pornograpiya.” Aliw: Selected Essays on Popular Culture. Pat. Soledad Reyes. Maynila: De La Salle University Press, 2000. 49-58. Limbag.

70

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Tolentino, Rolando. Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi, Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari: Ang Pagkatuto at Pagtatanghal ng Kulturang Popular. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2001. Limbag. Pante, Michael. “Mga Modernong Manggagawa ng Transportasyong Panlungsod ng Manila, 1900-1941.” Malay 25.2 (2013): 21-35. Limbag. Yilmaz, Kaya. “Comparison of Quantitative and Qualitative Research Traditions: Epistemological, Theoretical, and Methodological Differences.” European Journal of Education 48.2 (2013): 311-325. Limbag. INTRODUKSIYON PARA SA MGA SANAYSAY 1.

“Pagpapakilála sa Mga Pilìng Sanaysay” – Alejandro G. Abadilla Si Alejandro G. Abadilla ang itinuturing na Ama ng modernong panulaang Filipino. Rebolusyonaryo ang kaniyang tulang “Ako ang Daigdig” sa pagkakaroon ng malayang taludturang kumakawala sa tradisyonal na anyo ng tulang Filipino. Bukod pa rito, isa rin siyáng hinahangaang nobelista at kritiko. Siyá ang unang gumamit sa salitâng “sanaysay” bílang salin ng essay. Sa paggámit ng salitâng ito—na ang ibig sabihin ay “salaysay ng isang sanay”— nakalikha si A.G. Abadilla ng panibagong diskurso hinggil sa naturang anyo ng pagsúlat. Sa pagsasabing “makatao, maalam umunawa, mapagpaumanhin, palabati at di malakihin” ang sanaysay, isinasangkot niya sa pagsúlat ng sanaysay ang kultura ng pakikipagkapuwa-tao at isinasantabi ang nosyon na gawaing nakasentro lámang sa sarili. Hindi pagpapasimula lámang ng salitâ ang ambag ni A.G. Abadilla dito. Isa rin itong huwarang sanaysay na sumusunod sa mismong ipinapanukala nitóng pagpapakahulugan. Sa halip na makontento sa isang abstraktong pagpapakilála ng anyo, na tendensiya ng maraming akademiko at propesyonal na sulatín, tigib ito sa mga metaporang hango sa lokal na karanasan. Samakatwid, naisasakongkreto at naisasakonteksto niya ang kaniyang mga punto. Ang pagsasa-Filipino niya ng anyo ng sanaysay ay hindi natápos sa pagbabansag ng salitâ, bagkus, makikíta rin ito sa kaniya mismong estilo at retorika. Kahit na hindi personal o malikhain ang isinusúlat, mainam na matandaan ang pagpapakahulugan ni Abadilla at mahalagang tularan ang kaniyang pagsusulát. Nagbubukás ng maraming posibilidad at nakapaghahain ng panibago o alternatibong uri ng karunungan ang pagsusulát na laging nagsasakongkreto at nagsasakonteksto sa karanasang partikular at lokal. Kung lilikha ng akademiko at/o propesyonal na sanaysay sa kasalukuyan, papaano kayâ maging tapat sa pagtatáya at retorika ni Abadilla, gayong marami nang kahingiang teknikal ang pormal na pagsusulát?

71

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

2.

“Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa” – Roque Ferriols, SJ Hinihirang ng marami si Roque Ferriols bílang tagapagtatag ng pilosopiyang Filipino dahil sa kaniyang pagbuo ng konsepto ng Meron. Bagaman pinagtataluhan pa rin kung totoo nga bang Filipino ito o salin lámang ito mga Kanluraning konsepto (maging si R. Ferriols ay hindi iginigiit na nakalikha siyá ng natatanging pilosopiya na pang-Filipino), hindi maikakailâng may napagtagumpayan siyáng pagsasakatutubo. Halimbawa na lámang sa sanaysay niyang ito. Bukod sa namimilosopiya siyá sa Filipino, malinaw ang pag-iwas sa labis na pag-aabstrakto ng pinapaksa, at pagtuon sa mga partikular at personal na karanasan, na sumasang-ayon din naman sa kaniyang argumento na ang pamimilosopiya ay pagdanas ng búhay at daigdig. Bunsod nitó, nailulugar niya ang larang at praktika ng pilosopiya—na sa popular na pananaw ay matayog na gawain at para lámang sa iilan—sa lokal, pang-araw-araw at karaniwan. Sa halip na makontento sa pagpapaliwanag sa mga konseptong Kanluranin, nagsalaysay siyá ng mga kongkretong karanasan at ginamit ito upang mabuo ang kaniyang pagpapakahulugan sa pilosopiya. Sapat na kayâ ang ganitong argumentasyon at retorika ni R. Ferriols upang maituring na katutubo at Filipino ang kaniyang pamimilosopiya? Papaano nga ba tiyak na maituturing na Filipino ang isang uri ng pamimilosopiya, o sa pangkalahatan, ang isang uri ng pag-iisip at karunungan?

3.

“‘Datíng’: Panimulang Muni sa Estetika ng Panitikang Filipino” – Bienvenido Lumbera Isang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, hinihirang si Bienvenido Lumbera bílang isa sa mga pinakadakilang kritiko at intelektuwal ng panitikang Filipino. Itinuturing na pundasyonal na pag-aaral sa panulaang Filipino ang kaniyang Tagalog Poetry 1570-1898: Tradition and Influences in Its Development. Isa ang sanaysay na ito ni B. Lumbera sa mga unang nagpanukalang may natatanging estetika ang panitikang Filipino na ibá sa Kanluraning estetikang karaniwang itinuturo sa mga paaralan at pamantasan. Nagmumula ito sa kaniyang paniniwala na nabubuo at tinatanggap ang mga likhang-sining batay sa kamalayang hinuhubog, hindi lámang ng mga personal na sanhi at salik, kundi ng tradisyon at kasaysayan ng isang lipunan. Samakatwid, laging kontekstuwal at panlipunan para sa kaniya ang mga likhang-sining at kung gayon, kinakailangang hindi makulong ang talakayang estetiko sa mga unibersal na hálagáhan o, sa kabilâng bandá naman, sa mga personal na usapin lámang. Mahalagang pagtatáya rin ang paggámit niya ng salitâng Filipino na “datíng.” Dahil dito, nagiging paloob ang kilos ng pag-aaral, patungo sa mga katutubong kaisipan at mga historikal na salik sa lipunang Filipino. Kung susundan ang pinasimulan ni B.

72

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Lumbera, mahalagang matandaan na maaaring makapagsagawa ng pag-aaral na hindi bumabatay sa tradisyon at kasaysayan ng karunungang Kanluranin, kundi tumutungo rin sa mga kaisipang Filipino at katutubo. Gayundin, makukuha sa sanaysay na ito ang paninindigan na laging isaalang-alang ang panlipunan at historikal na konteksto ng pinag-aaralan. Gayumpaman, kung tutuusin, hindi naman bago ang historikal at kontekstuwal na pagsusuring pang-estetika, at nagmumula pa nga sa Kanluraning tradisyon ng Marxismo. Kung gayon, ano ang bago at katutubong naiaambag ng paggámit ng konsepto ng dating? Sa kabilâng bandá, mariing binabanggit ni B. Lumbera, na hindi kailanman personal lámang ang pagtanggap sa likhang-sining. Subalit, kung “dumaratíng” nga ang isang teksto sa bawat tumatanggap nitó, hindi kayâ higit na kinakailangan pa ngang suriin ang kanilang personal na pagpapahalaga? 4.

“Pakikipanuluyan: Tungo sa Pag-unawa sa Kahulugan ng Panahon” – Erlinda Nicdao-Henson Malaki ang naging ambag ng Sikolohiyang Pilipino sa pagsulong ng pananaliksik na Filipino at katutubo. Paninindigan ng SikoPil na may sariling kamalayan at kaisipan ang mga Filipino, batay sa konteksto ng lipunan, kultura at kasaysayan. Nais din ng SikoPil na gamitin sa pananaliksik ang mga nakasanayan nang metodo ng mga komunidad ng Filipino upang higit na makalikha ng katutubong karunungan. Isang halimbawa ng pananaliksik ng SikoPil ay ang pag-aaral na ito ni Erlinda Nicdao-Henson, dáting guro sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, hinggil sa konsepto ng panahon ng mga taga-Tiaong, Guiguinto, Bulacan. Nakituloy siyá, nakisalamuha, nakisangkot, nagmasid, at nagtanong-tanong. Mahalagang mga hakbang ito sapagkat una, nakikilála ang mga karaniwang itinuturing na impormal, di-propesyonal at di-lehitimong pagkalap ng impormasyon bílang akademiko at katiwa-tiwala. At ikalawa, higit na naging panatag ang mga pinag-aaralan ni E. Nicdao-Henson sapagkat ang mga paraang ito ay bahagi mismo ng kanilang kultura ng pakikipagkapuwa-tao. Sa gayon, hindi naramdaman ng mga kalahok na nanghihimasok siyá. Sa pamamagitan ng kaniyang mga paraang nakabatay sa konteksto ng kaniyang pinag-aaralan, natuklasan niya ang higit na katutubong pag-unawa sa panahon. Halimbawa, nalaman niyang sa halip na gamítin ang mga modernong súkat ng panahon, “mas ginagámit pa rin nilá bílang batayan ang mga natural na pangyayaring nagaganap sa kanilang kaligiran.” Bagaman maituturing ngang makabuluhan ang sanaysay na ito, maitatanong din kung ang mga paraang hinihirang ng SikoPil ang tanging makatutuklas ng mga ganitong kaisipan. Ano kayâ ang mag-iibá sa pag-aaral kung sa halip na pakikipanuluyan ang isinagawa ni E. Nicdao-Henson, pagsasurvey

73

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ang pinili niya? Gayundin, mapapansin marahil na malaki ang pagkakatulad ng mga paraang SikoPil sa mga paraang ginagamit ng etnograpiya, isang uri ng pagaaral na nagmula sa Kanluran. Kung gayon, ano ang ibá sa SikoPil? At kung wala ba, mawawalan na ba ng saysay ang lahat ng ipinaglaban nitó? 5.

“Ang Teorya ng Pagpoposisyon Bílang Diskursibong Lápit sa Pag-unawa sa Intimeyt na Karahasan sa Relasyon ng May Magkatulad na Kasarian” – Cristina Montiel at Mira Alexis Ofreneo Sa sanaysay nina Mira Alexis P. Ofreneo at Cristina J. Montiel, dalawang sikolohista mula sa Pamantasang Ateneo de Manila, pinag-aaralan ang karahasan bílang karanasang kapuwa magkatimbang lámang sa mga relasyong homoseksuwal at heteroseksuwal. Tahasang ginagámit sa pag-aaral ang Positioning Theory upang lansagin ang mga dominanteng persepsiyon hinggil sa konsepto ng normal na relasyon na madalas ipinagpapalagay na taglay lámang ng pagsasámang heteroseksuwal. Para maging epektibo ang teorya, kinailangang suriin ang mga relasyon nang mas malapitan upang maipakita na ang mga inaakalang tuntunin at persepsiyon hinggil sa pakikipagrelasyon ay nagkukubli ng ibáng uri ng karahasan sa paraan ng pagdanas dito ng mga tunay na tao mula sa mga kolektibong haka at pagpapalagay. Higit pa dito, naiuugnay din ang usapin ng kapangyarihan sa mga personal na ugnayan sa pamamagitan ng pagtinging lagpas sa mga tungkuling inaasahan sa bawat kasarian at papunta sa dinamiko o pabago-bagong katangian ng mga ugnayan. Pag-aralang maigi ang mga kaisipang maikakabit sa Positioning Theory batay sa paraan ng pagtalakay nitó sa sanaysay. Anong uri ng paraan sa pananaliksik ang ikinokondisyon ng paggámit nitó? Paano naapektuhan ng nasabing teorya ang pagsiyasat ng mga may-akda sa personal na karanasan ng kanilang mga nakapanayam? Kung hindi gagamítin ang naturang teorya, anong talakayan ang maaaring mabuo gámit ang mga datos na nakalap sa pag-aaral?

6.

“Ang Pagsasasalitâ sa Laman: Ilang Panimulang Silip at Hipo sa Diskurso ng Pornograpiya” – Benilda Santos Makata, kritiko, akademista, at feminista, awtor si Benilda Santos ng mga aklat na Alipato, Pali-palitong Posporo, at Kuwadro Numero Uno. Hanggang sa kasalukuyan, bihirang makabása ng sanaysay na katulad ng kay Santos, na sumusuri sa mga pornograpikong materyales sa Filipinas. Hindi lámang niya pinaksa ang pornograpiya, sinuri niya ito nang labas sa moral na perspektiba, at nagpokus sa mga ipinahihiwatig ng mismong anyo at nilalaman nitó. Sa halip na agarang husgahan ang kasamaan ng pornograpiya, kumalap siyá ng maraming

74

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

materyales, tulad ng magasin, at isa-isa niyang sinuri ang bawat sangkap ng midyum, mula sa mga pamagat, ilustrasyon at larawan, hanggang sa mga kuwento. Sa pamamagitan ng paraang ito, kasáma ang pinagsanib na pamamaraan ng sikoanalisis at feminismo, napatunayan ni Santos na itinuturing lámang ang mga babae sa pornograpiya na obheto, sapagkat sa punto de-bista ng mga larawan at kuwento, umiiral lámang silá para sa kasiyahang seksuwal ng lalaki. Walang ibáng inilalarawan sa kanila kundi ang kanilang pisikal na kaanyuan. Kung ipakita mang nasisiyahan silá sa mga gawaing seksuwal, nakatuon pa rin ito sa pagnanasà at kapangyarihang panlalaki sapagkat pagpapasailalim sa lalaki ang kanilang ikinatutuwa. Para kay Santos, sa anyo at nilalaman, nagiging bahagi ang pornograpiya ng kultura ng karahasan sa kababaihan. Dagdag pa, hindi na lámang nakalimbag ngayon ang pornograpiya; higit na itong naka-video. Hindi lámang sa anyong pornograpiko nagaganap ang obhetibisasyon, bagkus sa mga patalastas din, pelikula, serye sa telebisyon, at maging sa mga sikát na post sa Facebook. Mainam na tuklasin ang proseso at hanggahan ng pagsasaobheto. Sa imahen ng babae lámang ba nagaganap ito? Paano naman ang diskurso nitó sa mga homoseksuwal na naratibo? Paano o ano ang itsura ng pagsasalaysay at paglalarawang mapagpalayà sa mga marhinalisadong kasarian? Lagi’t lagi ba talagang marahas at opresibo ang anumang materyales na ang tuon lámang ay ang pagnanasàng seksuwal ng tumatangkilik? 7.

“NEPA at Kababaihan: Pag-aaral sa Ugnayan ng Pagsasakatawan ng Kasarian, Pagganap, at Pagtanggap ng Isang Identidad” – Fernan L. Talamayan Kapuwa historikal at kultural ang sanaysay na ito ni Fernan Talamayan, guro sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Sumusuri ito sa papel at imahen ng kababaihan sa organisasyon ng National Economic Protectionism Association noong dekada 30. Pinagsáma ng pag-aaral ang paraang historikal ng paghalukay sa artsibo at ang paraan ng Araling Kultural na pagsusuring tekstuwal. Naging mainam ang interdisiplinaryong pasiyang ito sapagkat nahinuha ni F. Talamayan ang mga balintuna at kontradiksiyon sa diskurso ng NEPA pagdatíng sa pakikitungo at pananaw nitó sa kababaihan. Sa organisasyonal na datos ng NEPA, matatantong binigyan nitó ng posisyon ang mga babae at itinuring na may mahalagang papel sa pagtataguyod ng layunin nitó. Subalit nang kilatisin ni F. Talamayan ang ginagampan niláng tungkulin, at nang tekstuwal niyang sinuri ang mga patalastas ng NEPA na gumagámit ng representasyon ng babae, natanto niyang nakakahon silá sa imaheng patriyarkal na nag-eestereotipo sa mga babae bílang inang marunong manahi, magluto, magbadyet, at nagpapaganda para sa ikasisiyá ng mga lalaki. Mahalaga ring banggitin na bagaman pamamaraang feminista

75

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ang ginamit ni F. Talamayan, karamihan sa mga sanggunian niya para sa mga argumento ay nagmumula sa Marxismo, tulad ni Louis Althusser at Antonio Gramsci. Bunsod nitó, napalawig niya ang dimensiyon ng kapangyarihan at dominasyon sa pagpapalaganap ng ideolohiya ng patriyarkiya. Kung mag-aambag ng kontribusyon sa pag-aaral ni F. Talamayan, makatutulong ang pag-unawa sa limitasyon ng kaniyang pagsusuring tekstuwal. Bílang halimbawa rin ng pag-aaral sa biswal at media literacy, nagkulang ang sanaysay sa pagsusuri ng pormal na aspekto ng mga patalastas. Lagpas sa pagiging patriyarkal ng imahen ng babae, ganito rin kayâ ang diskurso kung pagkakalapat na at pagkakaayos ng nilalaman ang pinag-uusapan? May politika rin kayâ ng pagkakahon ang pagkakaposisyon ng imahen ng babae sa pahina? At kung ilulugar ang talakayan sa kontemporaneo, mag-iibá kayâ ang politika ng ganitong mga estereotipo kung video na ang format ng patalastas? 8.

“Ang Bug-at kang Lamigas kag Bugas (Ang Bigat ng Lamigas at Bigas)” – Genevieve Asenjo Tubòng-Antique, si Genevieve L. Asenjo ay isang batikang nobelista, makata, tagasalin, at propesor ngayon sa Pamantasang De La Salle sa Maynila. Sa sanaysay niyang ito, kaniyang binabalikan ang wikang Kiniray-a ng Antique at ang kaligirang humuhubog sa dito bílang bukal ng mga kaisipang maaaring itapat o pangkontra pa nga sa lalong lumalawig na kulturang pinag-iisa ang daigdig sa ilalim ng iisang teknolohiya, wika, at ibá pang sistema. Nagsisimula ang sanaysay sa pagtalakay ng mga katangian ng Kiniray-a at kung paano ito maihahambing o maitutulad sa ibá pang wika. Ipinagpapalagay din ng sanaysay na alam ng mambabasá ang progresyon o kasaysayan ng lipunan mula sa “panahong” agrikultural (kung panahon nga itong maituturing) hanggang sa kasalukuyang pagkiling sa panahong ito na nabansagang post-industriyal. Mainam na itinatanghal sa sanaysay ang usapin ng representasyon at pangangailangang tumayông tagapamagitan: mula sa pagtatambis ni G. Asenjo sa mga kulturang isinasakatawan ng mga wikang Kinaray-a, Filipino at/o Ingles hanggang sa pagposisyon ng pamumuhay na agrikultural sa isang mundong post-industriyal. Ano ang katangian ng mga naturang kultura? Ano ang maaaring matutuhan ng isang taga-Maynila, Cebu, Baguio, at ibá pang lunan sa Filipinas tungkol sa Antique at sa Kiniray-a, at paano nagiging instrumental ang pagkakatutong ito sa pagpapatingkad ng kamalayan at kaalamang pambayan? May tanong din si G. Asenjo sa ikalawang talata na hindi niya hayagang sasagutin ngunit maaaring pagmunian matápos mabása ang sanaysay: “Ano ang kaugnayan ng pagkawala ng wika at kulturang pang-agrikultura sa pagtaas ng presyo ng bilihin?” Subukin itong talakayin.

76

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

9.

“Lobat” – Jelson E. Capilos Bïlang Salitâ ng Taon noong 2006, kinilála ang “lobat” bílang mahalaga at natatanging konsepto na maituturing na nagmula sa partikular na karanasang kontemporaneo ng mga Filipino. Sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang batayang konseptuwal mula sa lingguwistika at sa araling urban, ipinaliwanag ni Jelson Capilos—dáting guro sa Pamantasang Ateneo de Manila at kasalukuyang tagapamahala ng organisasyong EducAid—ang kaibhan ng pagpapahayag ng pagkalobat sa pagsasabing ubos na ang baterya ng cellphone. Aniya, bukod sa ginagámit ito sa naturang kasangkapang pangkomunikasyon, maaari ding magámit ito bílang paglalarawan sa kalagayan o pakiramdam ng tao. Nagiging posible ang ganitong artikulasyon dahil sa karanasan ng mga Filipino sa lipunang tuloy-tuloy ang modernisasyon at globalisasyon. Palayô nang palayô ang pangaraw-araw na búhay sa ritmong natural/biyolohiko, at palapit naman nang palapit sa daloy na mekanisado at awtomisado. Sa panahon ng mga graveyard shift at overtime, ani J. Capilos, hindi maiiwasang maihalintulad ng tao ang kaniyang sarili sa isang mákináng nangangailangan ng pag-charge. Sa kasalukuyang hindi na cellphone ang gámit ng mga tao, kundi mga smartphone, na may higit na maraming nagagawa para sa kanila, ano-ano na kayâng bagong salitâ ang nalilikha na idinulot ng panibagong karanasan na ito? Makatwiran man, masasabing pansariling interpretasyon ni J. Capilos ang katibayan ng kaniyang argumento. Katanggap-tanggap man ito, ano-ano pa kayâ ang maaaring magámit na paraan o pamamaraan upang mapagtibay lalo ang ganitong mga uri ng pag-aaral?

10. “Peryodismong Tagalog sa Renacimiento Filipino (1910-1913): Pagbibinhi ng Makabayang Sanaysay sa Panitikan ng Filipinas” – Eulalio Guieb III Awtor ng dalawang koleksiyon ng maikling kuwento si Eulalio Guieb III, ang Pitada at Pamilya®. Propesor din siyá sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, antropologo, at direktor ng pelikula. Sa pag-aaral na ito ni E. Guieb sa mga artikulo sa Renacimiento Filipino, kapansin-pansin ang kaniyang paninindigan: na hindi lámang artikulo ang mga ito, bagkus mga sanaysay, at kung gayon, panitikan. Mahalagang argumento ito sapagkat nakukuwestiyon nitó ang mga establisado na ngayong hanggahan ng peryodismo at panitikan, at maging ng kathang-isip at totoo. Mahihiwatigan kay E. Guieb ang pagtatáyang hindi naman talaga hiwalay, o hindi dapat paghiwalayin ang naturang dalawang larang. Sa kaniyang sanaysay, hindi naging mahalaga kung malamaikling kuwento ang artikulo, o sinasamáhan ng bahaging patula, sapagkat malinaw ang karapat-dapat na pagtuunan ng pansin kaysa diskurso ng larang: ang diskurso ng kapangyarihan. Ibá’t ibáng uri ng

77

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

kapangyarihan, at ang mga ideolohiyang kaakibat ng mga ito, ang natuklasan ni E. Guieb na tinutuligsa ng mga itinuturing niyang makabayang sanaysay. Naroon ang relihiyoso, ekonomiko, politikal, kultural, at imperyalistiko. Katampoktampok ito sapagkat kaibá ito sa mga kasalukuyang pagpapahayag ng makabayang damdamin. Una, nagmumula ito sa diskurso ng tunggalian ng pagiging makabayan ng mga manunulat noon; at ikalawa, usaping pangkapangyarihan ang pagkamakabayan, hindi mabuting ugali. Ibig sabihin, hindi likás na tungkuling moral, o di-mapasusubaliang obligasyong pangmamamayan ang nasyonalismo, kundi pangangailangang panlipunan, batay sa materyal na kalagayan. Mainam na kilatisin kung hanggang saan pa maaaring paibayuhin ang mga pagtatáya ni E. Guieb. Maaari kayâng ang mismong paggámit ng mga pampanitikang elemento sa mga artikulong pamperyodismo ay isa ring paraan ng pagtuligsa sa dominanteng ideolohiya? May ugnayan kayâ ang pagpapatibay ng mga hanggahan ng karunungan sa pagbabago sa mga ugnayang pangkapangyarihan ng Una at Ikatlong Daigdig? Gayundin, may ugnayan din ba ito sa pamamayagpag ng pagkamakabayang sadyang hiwalay na sa materyal na kalagayan? 11. “Malling, Subcontracting at Serbisyong Ekonomiya sa SM” – Rolando B. Tolentino Propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman si Rolando B. Tolentino at dáting dekano ng UP Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon. Awtor siyá ng maraming aklat hinggil sa panitikan, kulturang popular, at araling midya. Isa na rito ang batayang aklat para sa kulturang popular sa Filipinas, ang Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi, Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari: Ang Pagkatuto at Pagtatanghal ng Kulturang Popular. Bagaman matagal nang kinikilála ng akademya sa Filipinas ang halaga ng pag-aaral sa kulturang popular, si R.B. Tolentino ang nagpaibayo sa diskurso tungo sa higit na kritikal—at maaari pa ngang sabihing radikal—na lapit na lumalagpas sa argumentong dapat pag-aralan ang kulturang popular dahil ito ang panitikan ng masa at dito makikita ang kanilang saloobin. Sa sanaysay na ito, halimbawa, hinimay-himay niya ang popular na aktibidad ng malling upang mailantad ang kultural at ekonomikong mekanismong nagpapatakbo rito. Ipinaliwanag niya kung paanong ang labis na pagpapahalaga ng modernong pamumuhay sa biswalidad ay kakawing ng pagtatago ng mga kompanya at pagbubulag-bulagan ng lipunan sa mga di-makatarungang pamamalakad sa lakas-paggawa, tulad ng subcontracting. Bukod pa rito, kapansin-pansin din kung paano niya ito ipinaliwanag. Sa unang tingin, tíla paligoy-ligoy si R.B. Tolentino. Subalit, ang ganitong mahabàng landas sa pagpapaliwanag ang isa sa mga paraang retoriko upang maipakita ang multidimensiyonal at sistematikong salimuot ng

78

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mga modernong suliranin. Mainam na tularan at paunlarin ang ganitong uri ng pananaliksik. Alin-alin pa kayâng modernong kultura ang may kaugnayan sa mga ekonomikong praktika, at vise versa? Saan pang mga modernong espasyo, bukod sa mall, maaaring maranasan ang ganitong ugnayan, na siyáng nagpapanatili at/o nagpapalakas ng mga di-makatarungang sistema? 12. “Bayanihan o Kaniya-Kaniyang Lutas? Pag-unawa at Pagplano sa Bakás ng Bagyong Yolanda sa Tacloban” – Jose Edgardo Gomez Pagsusuri ang sanaysay ni Jose Edgardo Gomez ng pagpaplano at pagtugon ng pamahalaang lokal, pambansa, at internasyonal sa pinsala ng bagyong Yolanda sa Tacloban. Gámit ang ilang batayang konseptuwal mula sa mga pag-aaral hinggil sa pangangasiwang publiko at pagpaplanong urban para sa sakuna ay isinakahulugan niya ang mga datos mula sa kaniyang pakikipanayam sa mga tagaTacloban at pag-iikot-ikot doon. Mula sa kaniyang naobserbahan at nakausap, natanto ni Gomez—kung titingnan sa perspektiba ng riyesgo (risk) bílang magkakawing na isyu ng panganib, kalantaran (vulnerability), at kakulangan ng resilyens—na nangangapa pa rin ang pamahalaang lokal at pambansa ng Filipinas, mula sa pagpapaunawa sa tindi ng panganib, sa pagtugon at pagtulong, hanggang sa pagpapatayô ng mga bahay para sa mga nasalanta. Ilan sa naging rekomendasyon ni Gomez ang higit na koordinasyon sa ibá’t ibáng proyektong pabahay, pagpapabuti sa transportasyong publiko at sa patubig, at pagsasanay at edukasyon para sa mga mamamayan hinggil sa paghahanda sa sakuna. Katampoktampok sa sanaysay na ito ang katunayang hindi mabubuo ni Gomez ang kaniyang kongklusyon—o mawawalan ito ng kredibilidad—kung hindi siyá naglibot-libot sa Tacloban. Maraming pag-aaral at opinyon ang naisusulat, partikular na sa mga ganitong uri ng pangyayari, na ang batayan lámang ay mga abstraktong konsepto at banyagang modelo subalit walang kongkretong katibayan. Magkagayon man, mahahalatang mga pinunò at kawani ng lokal na pamahalaan ang nakausap ni Gomez. Makatarungan ba ang pasiya niyang ito? Kung pangangailangan nga sa mga pag-aaral ang kongkretong katibayan, lalo pa’t lokal na kalagayan ang pinapaksa, ano ang saklaw, limitasyon, at implikasyon ng pagkakaroon ng datos o perspektiba na mula lámang sa mga maykapangyarihan? 13. “Ang Pagsasakatutubo mula sa Loob/Kultural na Pagpapatibay ng mga Salitâng Pandamdaming Tumutukoy sa “Sayá”: Isang Semantikal na Elaborasyon ng Wikang Filipino sa Larangan ng Sikolohiya” – Jayson Petras Propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, si Jayson Petras ay ko-awtor ng Teksbuk sa Pagsasalin at kapatnugot ng Salindaw: Varayti at Baryasyon ng

79

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Filipino. Sa kaniyang sanaysay hinggil sa salitâ at konsepto ng “sayá,” nagawa niyang ipaghambing ang ibá’t ibáng antas ng sayáng nararamdaman ng mga Filipino. Mababása rito ang pagkakaibá ng tuwâ sa sayá, ng siyá sa lugód, ng alíw sa wíli, ng galák sa luwalhatì, at ibá pa. Bukod dito, pinagsanib niya ang pamamaraang Natural Semantic Metalanguage (NSM), na nagsisikap na makabuo ng pag-unawang unibersal (sa halip na Eurosentriko o Anglosentriko) hinggil sa wika ng emosyon, at ang pamamaraan ng pagsasakatutubo ng SikoPil, na naghahangad namang maunawaan ang emosyon sa lokal at partikular nitóng konteksto. Bunsod nitó, hindi lámang niya nasuri ang pagpapakahulugan at paggámit ng naturang salitâ at konsepto sa Filipinas, bagkus, naghawan na rin siyá ng landas upang maihambing ito sa ibá pang wika sa daigdig na hindi mauuwi sa pagpapasailalim ng Filipino sa Ingles. Isa sa maaaring lunsaran upang mapaibayo ang pag-aaral ang paglagpas sa mga kahulugang itinakda ng diksiyonaryo, na siyáng naging batayan ni J. Petras. Matibay pa rin kayâ ang kaniyang mga pagsusuri, kung pang-araw-araw, indibidwal, o maging subkultural na gámit ang pag-aaralan? Gayundin, mainam ding kilatisin pa rin kung wala na ba talagang bahid ng politika ang NSM, na bagaman wala ngang kinikilingang wika ay may sinusunod pa ring partikular na lohika at estruktura sa pagbubuo ng mga kongklusyon. 14. “Mga Modernong Manggagawa ng Transportasyong Panlungsod ng Maynila” – Michael D. Pante Si Michael D. Pante ay isang historyador mula sa Kagawaran ng Kasaysayan sa Pamantasang Ateneo de Manila. Sa sumusunod na sanaysay, babalikan niya ang kasaysayan ng pag-unlad ng transportasyon sa Maynila hindi lámang para ipakita kung paano nagbago ang materyal na aspekto ng mga kasangkapang pantransportasyon sa urbanisasyon at modernisasyon ng Maynila, bagkus naisasalaysay din ang mga di-lantad na aspekto ng pagbabagong-anyo ng búhay. Ang pisikal na transpormasyon ng lungsod ay kinakailangang tumbasan ng mga pagbabagong ideolohikal kabílang na ang pagpapahalaga sa mga karapatang pantao mula sa kahulugan ng trabaho o labor, wastong pasahod, paggálang sa karapatang magwelga at magtatag ng mga unyon. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng magkakaibáng antas at ambag sa pangkalahatang kabuhayan ng Kamaynilaan, natutumbok ni Pante ang isang matayog na prinsipyo ng pagsúlat ng sanaysay: ang pagtatanghal sa mga gawain at aktibidad na kinapapalooban ng lahat—mula sa burukratang nakaupô sa ibá’t ibáng sangay ng pamahalaan na siyáng gumagawa ng mga pagpapasiya para sa kaniyang nasasakupan hanggang sa maliliit na manggagawang hindi halos nabibigyan ng representasyon at tinig sa

80

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

usapin ng mga pagbabago at kilusang panlipunan. Mainam talakayin sa sanaysay na ito ang konsepto ng mga uring panlipunan at kung ano ang naiaambag nilá sa pangkalahatang sistema na itinatalaga sa loob ng isang pamayanan. Mayroon bang uring panlipunan na hindi maaasahan sa pagpapalago ng mga sistema at institusyong pambayan? Alinsunod dito, tingnan ang naging proseso ng paglago ng transportasyon simula ng panahong tinutukoy sa sanaysay (unang hati ng ika-20 siglo) at ang problema ng trapiko sa Maynila sa kasalukuyan. Ano ang ipinahihiwatig ng kasaysayang inilahad ni Pante hinggil sa tungkulin ng ibá’t ibáng sangay-panlipunan sa pagpapaunlad ng sitwasyong pantrapiko? 15. “Ang ‘Malayàng Kalakalan’ at ang Epekto sa Paggawa ng Kababaihang Manggagawa” – Judy Taguiwalo Si Judy Taguiwalo ay propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman at dáting direktor ng University of the Philippines Center for Women’s Studies. Siyá ang awtor ng Babae, Obrera, Unyonista: Ang Kababaihan sa Kilusang Paggawa 19011941, ang pinagkunan ng sanaysay na ito na sumusuri sa ugnayan ng malayang kalakalan at kalagayan ng kababaihang manggagawa. Sa pamamagitan ng historikal at estadistikal na datos, pinatunayan ni J. Taguiwalo na dahil sa polisiya ng malayàng kalakalan ng Estados Unidos, naging malubha ang kalagayan ng mga babaeng manggagawa sa Filipinas. Sa kontemporaneong feminismo, maituturing itong interseksiyonal na pagsusuri, dalá ng pagkilála na kapag pinag-uusapan ang marhinalisasyong pangkasarian, hindi maiiwasang mapag-usapan din ang marhinalisasyong ekonomiko, panlahi, at pambansa. Matutuklasan sa sanaysay ang dobleng marhinalisasyong nararanasan ng kababaihan noon. Una, sa usaping kasarian, naikakahon silá sa mga trabaho at industriyang ikinakategoryang pantahanan at higit na mababà ang kanilang sahod kaysa lalaki. Ikalawa, sa usaping ekonomiko at pambansa, hindi umunlad ang mga naturang industriyang kinasadlakan nilá dahil nakapokus lang ang Filipinas sa agrikultura—ang sektor na kumikita sa malayàng kalakalan kasáma ang Estados Unidos. Bunsod nitó, hindi lang mas mababàng sahod ang suliranin kundi kawalan na talaga ng mapapasukang trabaho para sa mga babae. Bílang pagpapalawig sa pagtatáya ni J. Taguiwalo, mainam na itanong: Paano kung isasáma ang usaping rehiyonal at etniko, lalo pa bang lulubha ang marhinalisasyon o nagkakaroon ba ng higit na pagkakataon sa ahensiya para sa kababaihan? 16. “Ang Degla sa Huweteng: Isang Ekonometrikong Pagsusuri sa Pagtayâ ng Mga Residente sa Lubao, Pampanga” – Jema Pamintuan Si Jema M. Pamintuan ay propesor ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila.

81

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa kaniyang sanaysay na “Ang Degla sa Huweteng: Isang Ekonometrikong Pagsusuri sa Pagtayâ ng mga Residente sa Lubao, Pampanga,” ginagámit niya ang mga prinsipyo ng matematika at ekonomiks para ipaliwanag ang kultura ng degla, ang Kapampangang salitâ para sa deskarte, sa pagpapalaganap ng huweteng sa nasabing probinsiya. Ayon kay J. Pamintuan, kahit tíla arbitraryo ang pagdedegla, hindi matatawaran ang halaga ng konsepto at paniniwala dito bílang bahagi ng kabuoang industriya ng sugal, lalo’t ang pagtaas ng halaga ng tayâ at ng koleksiyon ay hayagang mauugat sa tindi ng paniniwala. Bukod dito, ipinamamalas din ng degla ang halaga ng partisipasyon ng karaniwang tao pati na ng kobrador sa pagpapaikot ng pera—moral man o hindi ang tingin sa sugal—at kung paanong ang mga makakapangyarihan na tíla nagpapatakbo sa kalakarang ito ay tíla umaasa lámang sa ipinupusta ng mga mamamayan—maykáya man silá o wala. Tingnan ang proseso ng rasyonalisayon ng kultura sa sanaysay na ito ni J. Pamintuan: Paano ginamit ang mga kasanayang pang-agham para bigyan ng ibayong pagpapakahulugan ang mga ugaling katulad ng degla? May ipinahihiwatig din ang sanaysay hinggil sa ugnayan ng mga pormal na institusyon (halimbawa ang PCSO na siyáng may monopolyo sa pampublikong proseso ng pagtayâ at pagsusugal) at ng mga impormal na sistema na pinangungunahan o kinakatawan ng kobrador o tagapangolekta ng tayâ. Mayroon bang kompetisyon sa kanilang mga binabantayang laro? Paano nitó naaapektuhan ang publiko lalo na ang parehong tumatangkilik sa ibá’t ibáng sugal? 17. “Introduksiyon sa Gitnang Uring Pantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo: Politikal na Kritisismo ng Kulturang Popular” – Rolando B.Tolentino Sa sanaysay na ito ni Rolando B. Tolentino, binibigyang-pansin ang ugnayan ng pag-angkas sa mga popular na konsepto ng yaman, kapangyarihan, at ibá pang sagisag ng pagtatangi ng mga uring panlipunan bílang huwad na lunsaran ng pagkatao at kamalayan. Sa halip na talakayin ang naturang kaisipan gámit ang mga dominanteng lente ng pilosopiya, ginagámit niyang lunsaran ang kulturang popular na nagbibigay ng bagong dulog sa isang kaisipang napakakaraniwan kayâ tinanggap na natin bílang totoo. Bukod sa mismong pagtatáya ni Tolentino na buwagin ang mga nakasanayang kaisipan hinggil sa uri, itinatanghal niya muna ang mga disiplinaryong hanggahan ng kulturang popular bílang larangan. Ang obheto ng kulturang popular ay hindi lámang basta mga simpleng obheto; kanlungan din ito ng ibá’t ibáng uri ng pantasya na kakikitahan ng posisyong politikal. Sa ganitong pananaw, ang hangaring bumili ng mga bagay katulad ng damit, MP3 player, at cellphone ay hindi lámang mga sagisag ng hangaring

82

INTRODUKSIYON: SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sumabay sa takbo ng teknolohiya. Ito ay pagsang-ayon din—maláy man o hindi— sa agos ng kosmopolitanismo (o ang tahasang pagpabor sa mga identidad at pamumuhay na umuusbong sa siyudad), konsumpsiyon, kapitalismo, at ibá pang puwersang umuugat sa mga usaping global. Pansinin ang mga datos na nilikom ni R.B. Tolentino sa kaniyang sanaysay. Saan nagmula ang mga ito at paano nitó pinaghahalò-halò ang ibá’t ibáng paraan sa pananaliksik upang makalikha ng pagpapakahulugang kumokontra sa karaniwang pag-iisip? Ano ang ugnayan ng kapitalismo sa paglaganap ng kulturang popular at ano ang naging ambag ng mga ito sa pagkondisyon ng kaibahan? Naglista si R.B. Tolentino ng ilang katangian ng kulturang popular. Talakayin itong muli sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga naturang prinsipyo gámit ang mga kasangkapan at pangyayaring kultural na higit na napapanahon o kayâ mas malapit sa sariling lokalidad. 18. “Reasserting Indigenous Spaces in a Tagbanua Text: A Case of Dagat Ninuno (Ancestral Water Resource Claims) in the Philippines” – Eulalio Guieb III Pagsusuri ang sanaysay na ito ni Eulalio Guieb ng anyo ng komposo ng mga Tagbanua sa konteksto ng pagpapaalis sa kanila mula sa mismong pook na minana nilá sa kanilang ninuno: ang erya ng Malampaya Sound, na gustong angkinin ng mga kompanya dahil sa yaman-dagat nitó. Sa nakasanayang pagtingin, ituturing ang komposo bílang panitikang tradisyonal o katutubo at pahahalagahan ito bílang pamanang-bayang kailangang italâ at alagaan dahil halimbawa ito ng naunang kultura ng Filipinas. Subalit sa pagsusuri ni E. Guieb, buháy at ginagámit hanggang sa panahon ng pag-aaral ang komposo. Gayundin, hindi ito itinatanghal para lang gunitain ang tradisyon ng pangkat-etniko. Kinakanta ito upang maalala nilá ang kanilang pinagmulan at kasaysayan. Sa pagbanggit ng mga sityo, isla, at bayan-bayang itinatag ng kanilang ninuno, nagiging historyador ang mang-aawit. At sa pag-alala nilá sa kasaysayang ito, muli’t muli siláng nagiging komunidad, bagaman malayò na nga silá sa kanilang tahanan. Para kay E. Guieb, hábang pinag-aawayan ng ibá’t ibáng korporasyon—kasáma na ang lokal at pambansang pamahalaan—ang dagat at pampang ng Malampaya Sound sa pamamagitan ng mga diskurso ng titulo, salapi, at batas, inaawit ng mga Tagbanua ang kanilang pagangkin sa lugar. Sa katunayan, iginigiit ni E. Guieb na tulad ng titulo, lehitimong dokumentong historikal ang kanilang komposo, marhinalisadong uri nga lang sa kasalukuyang sistemang kapitalista. At kung mayroong lupaing ninuno (ancestral land), ang komposong inaawit ng mga Tagbanua ang patunay na mayroon ding dagat ninuno. Hindi lang sa mga Tagbanua at sa mga korporasyon nagaganap ang

83

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ganitong tunggalian ng diskurso. Alin-aling pangkat o sektor pa sa Filipinas ang nakararanas ng marhinalisasyon dahil ang taliwas sa namamayaning diskurso ang kanilang artikulasyon ng ahensiya at subhetibidad? Paano maisasagawa ang lehitimisasyon ng mga marhinalisadong diskursong ito?

84

PAGPAPAKILÁLA SA MGA PILÎNG SANAYSAY

PAGPAPAKILÁLA SA MGA PILÎNG SANAYSAY NI

ALEJANDRO G. ABADILLA

1 numang pagpapakilála sa aklat ng mga sanaysay, lalo pa kung unang katipunang katulad nitó, ay masasabing hindi ganap kung ang pinagmulan ng katawagang iyan ay hindi pagkakaabalahang tuntunin. Kayâ, pagsunod sa hinihingi ng pangangailangan, dito’y nais kong ipatlig na ako, hindi man dapat wika nga, ang lumikha ng sanaysay bílang katawagang kasing-kahulugan ng essay ni Montaigne, ng essay nina Bacon, Cowley, Steele, Addison, Macaulay, Lamb, Pater, atbp ng panitikang Ingles, at nina Emerson, Mencken, Brooks, Spingarn, More, Sherman atbp. ng panitikang Americano. Isinílang sa maliwanag noong 1938 nang malathala ang dalawang una at hulíng bílang ng rebistang Panitikan, ang sanaysay ay kuha (sa ibabaw ng bangkay ng mga pahám, pantas, at dalubhasà sa wika) sa kahulugan ng pagsasalaysay ng isang sanáy, o nakasulat na karanasan ng isang sanáy sa pagsasalaysay. Nawika ko sa sarili (at sa sarili lámang naman) na kailangan sa Tagalog ay isang salitâng maikli at hindi lagpas sa tatlong pantig. Kayâ, ang ginawa ko (napangatihán ng labot, kung pamimisík ng matatandang tanod ang siyang pakikinggan) ay kinuhang buo

A

85

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ang sanáy at sa hulihán nitó’y isinugpong, sa paraan ng paglalagom at pagtatapon, ang hulíng pantig na say ng pagsasalaysay. Bunga ng sa pasimula’y ganitong kapangahasan at pangangati ng labot ng isang noo’y sinasabing may gatas pa ang mga labì, nalikhâ ng pangangailangan ang sanaysay na ngayo’y di na maiwasang dikilanlin ng kahit na ni tata Lope K. Santos na pahám sa wikang may putong, putong na dapat may karangalang di-tinangkang ipagkaloob sa kaniya sa simula ng Lupon ng mga Inampalang pumilì ng manunugmang-mambabalagtas, at Lupong pagkatápos, sa pinagkapalad, ay nagsabi ng ganitong mga parirala: Sa bisà ng kapangyarihang ipinagkaloob ng pamahalaang taingang-kawalì sa pangangailangan ng Wikang Pambansa, ikaw, Florentino T. Collantes, ay pinuputungan ng koronang walang katinik-tinik, tanda ng pagkilála sa iyo bílang makatang lawreado ng “Lumang Simbahan.” Ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bílang sangay ng panitikan ay masasabing nagmula sa mga isinulat nina Marcelo del Pilar, Emilio Jacinto, at Andres Bonifacio, at nagpatuloy pagkatápos ng dakilang himagsikan sa panulat nina Pascual Poblete, Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Julian Cruz Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado, atbp hanggang noong 1935 na magbuo sa isang pulutóng na makulay ang ngayo’y bagong kabataan na rin ng mabulás-bulás na rin namang panitikang Tagalog. Kung hindi marahil sa kawalan ng mapagsasangguniang aklatang maaaring kakunan ng mga sanaysay at articulo de fondo ng mga ginoong nabanggit, di lalo sanang naging kapakipakinabang ang unang katipunang ito ng mga sanaysay, lalo pa kung isasaalang-alang ang pangangailangang pampaaralan. Gaya ng di-maikakaila, isa sa mga maraming kapinsalaang dulot ng nagdaaang digmâ (at ngayo’y nabubuo na naman sa Korea ang isa pa) ang pagkawasak ng Aklatang Pambansa lalo na ng bahagi nitóng may kaugnayan sa mga aklat at katipunan ng mga babasahíng kinalathalaan ng mga akda ng matandang tanod. Datapwat sa kabilâ niyan ng kapinsalaang dinala sa pampang natin ng mga Japonés, ang pananakop nilá ay nakapagbigay rin naman ng kapakinabangan sa panitikan ng wikang pambansa. Ang kuláng-kuláng na apat na taóng inilagì nilá rito ay nakapagbukás ng dati’y piníd na pinto sa ating mga manunulat. Tatlo o apat na taón bago pumutok ang digmaan sa bahaging ito ng sinukob (1941) ay walang puwang halos ang sanaysay o pagpapayabong nitó bílang mabisàng sangkap ng panitikang malusog. Noon, katulad ngayon, ang mga babasahíng Tagalog ay walang inaatupag kundi ang karinyuhin at pairugan at pagkasalapián ang mambabasáng may panlasa mang masasabi ay nanlilimahid naman. Pagsamantala sa magandang pagkakataóng idinulot ng tíla mapagparayang panuntunang Japonés, sa mga dahon ng Liwayway ay namulaklak ang mga bungang-isip ng ilang mapagkakatiwalaan sa panitikan. Ang sigla ng kabataan ay walang pagkasiyahán, wika nga, hanggang sa patí na ng mahihilig

86

PAGPAPAKILÁLA SA MGA PILÎNG SANAYSAY

sa Ingles ay nagsisulat na rin sa Tagalog, pakikisalong higit sanang napag-anihan kung hindi nagsipamitiwang kasabay na rin halos ng paglayas ng mga Japonés. Bunga ng siglang ngayon ay patay na, at dahil sa kawalan pa rin ng malasakit ng mga may-ari at patnugot ng mga babasahíng may malalaking sirkulasyon, kayâ halos kalahati ng katipunang ito ng mga pilîng sanaysay ay kuha sa mga nalathala sa Liwayway ng mga Japonés, bagaman may ilang nasulat at nalathala bago nagkadigmâ, gaya ng Durungawán ni Manuel Principe Bautista, at Alaala ng Taglagás ni Pedro S. Dandan. Kabílang sa mga nasulat at nalathala sa pagitan ng 1945 at 1950 ang Si Elias sa Nobela ni Rizal ni Teodoro A. Agoncillo, Akó’y Makabago ni Rufino Alejandro, Sa Pagsilang ng Isáng Buhay ni Liwayway A. Arceo, Pangangarap ni Brigido C. Batungbakal, Akó’y Isáng Tinig ni Genoveva D. Edroza, Sa Paglilihí ni Alfredo S. Enriquez, Pangarap ng Kabataan ni Pablo R. Glorioso, Panggising ng Kalikasan ni David T. Mamaril, Ang PagpupulísTrapikó ay Isáng Sining ni Epifanio Gar. Matute, Ang “Akó ang Daigdig” ni Abadilla ni Clodualdo del Mundo, Ang Siste Nitó ni Macario Pineda, Diwang Kayumanggi ni Narciso G. Reyes, at Ang Orasán, ang Tao at ang Panahón ni Vito C. Santos. Kaalinsabay na rin halos ng pagkatatag ng panitikan, samaháng sakdalista ngunit aristokratá, ani Barros noong 1935, sa mga dahon ng pahayagang Mabuhay ni Amado V. Hernandez ay namayani ang siglang makapagngangalit ng bagong tuklas na kabataan. Noon pa, at masasabing noon pa lámang, sumigid sa panitikan ang taal na kamalayán sa sining na ito ng pilosopóng si Montaigne, ng mabining si Lamb, at ng marahas na si Mencken. Kabílang sa mga pangunahin sa larangan (hindi nga kasi, ang inyong lingkod) sina Salvador R. Barros, Clodualdo del Mundo, Teodoro A. Agoncillo, Brigido C. Batungbakal, Pablo R. Glorioso, Epifanio Gar. Matute, Florencio at Gregorio N. Garcia, Apolonio C. Arriola, Fernando B. Monleon, Alfredo S. Enriquez, Antonio B.L. Rosales, atbp. Sa panulat ni P. R. Glorioso namulaklak ang PHP500.00 gantimpala ng pamahalaan noong 1940 sa kaniyang Saan, Kabataang Pilipino? Ang mga panunudyo ni S. R. Barros sa kaniyang pitak sa Sampagita, ang Parolang Gintô ni C. del Mundo na mula pa noong 1928 ay kasangkapan na sa pamimilì ng pinakamahusay na kathang pampanitikan, ang Tilaok sa Hatinggabi (pitak) ni F. N. Garcia (Labuyò) sa Mabuhay, ang hindi madalang na pamimilantik at panlalambanog nina G. N. Garcia, T. A. Agoncillo, at A. C. Arriola—mga katunayang noon pa’y nása panitikan na natin ang kapangakuang pagtutubuan balang araw. Itong katipunang inihahain ko sa inyo ay bunga ng mahahabang taón ng pagkukumagkag ng ating mga mananaysay túngo sa di-maiiwasang pagsapit. 2 Ang pagbibigay ng tiyak na katuturan sa sanaysay, lalo na kung titingnan sa malawak niyang pangitain, ay hindi lámang hindi magaan kundi manapa’y mapanganib. Hindi

87

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sapát, kung tutuusin, ang sabihing iyan ay anumang akdang tuluyan. Lalong angkop marahil na iyan ay kilanling akdang may sariling tatak na kaugnay ng personalidad o kakanyahan (kung mayroon) nang sumulat. Kayâ hindi madalang na ang isang akdang may ganiyang kalikasán ay sabihing pagbibilad ng sarili o pagpapalitaw ng mga katangiang nakakubli ng awtor. Iyan din marahil ang dahilan kung bakit sinasabing ang sanaysay ng “par excellence is a much more specific thing: it is variously called the familiar, the intimate, the meditative essay. . .” at ang mga pang-uring iyan ang siyáng nagpapakilála ng kaniyang tunay na kalikasán. Walang iniwan sa tulang liriko sa larangan ng panunugma o pagtula, ang sanaysay ay mapanarili sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan, at madalas ay sentido komun ng at nása awtor. Sa ibáng salitâ, ang sanaysay ay kahawig ng isang taóng walang pagkukunwari ni pagpapanggap at sa pagharap sa kaniyang Bathalà, kung araw ng Linggong pinagkagawian, ay di man lámang maganyak ang kaloobang magbihis ng bago at magarang damit gaya ng pinagkaugalian na rin ng kaniyang mga kapanahon. Ang panunuring pampanitikan (literary cristicism) bagaman bukod nang sangay ngayon, ay hindi rin makaiwas sa malapit niyang hinlog—ang sanaysay. Maliban kung ang akdang nanunuri ay may matigas na kuwelyo, nagsisikap magmukhang marangal, hindi maalám bumatì sa mga kakilálang nakakasalubong sa paglakad, kung kayâ pa lámang ito nakapagsasabi, at may katwiran naman, na siya ay walang kamag-anak, na katulad ng sanaysay na makatao, maalám umunawa, mapagpaumanhin, palabatî, at hindi malakihin. Sanaysay rin ang panunuring pampanitikan kung taglay nitó ang damdaming matining at makulay, ang kaisipang mapanudyo at mapang-uyám, ang budhing hindi maalám mabalisa sa kabilâ ng pagdadala ng hubad na katotohanan sa búhay. Kung may masasabing pangangailangan sa isang naghahangad maging mananaysay ay tíla wastong hingin sa kaniya ang daloy na halos walang gatól na pagpapahayag ng kaniyang sarili. Hinihingi sa kaniya ang maayos na pagdadala sa sarili at ng kung tawagi’y mabuting tuluyan ang bisà ng pagsasadamdamin at pagsasakaisipan ng mga karanasang ibig niyang pakinabangan ng ibá. Nása bisà ng pagpapahayag, samakatwíd, sa kagiliw-giliw na pagdadala ng sarili, sa kalugod-lugod na paraan ng pananalitâ nakasalalay ang tagumpay na kailangan ng mananaysay. Ang mananaysay at taal na masasabi ay hindi yaóng didipá-dipá sa mga panulukangdaan, hindi yaóng tatalu-talumpati sa mga tribuna at mga pagtitipon, ni hindi rin yaóng diditso-ditsong mambibigkas sa mga himpilan ng radyo o susulát-sulát kayâ ng mga pitak at mga lathalain o artikulo sa mga pahayagan—mga kaayusan ng kaisipan ng panahong madalas kaysa hindi’y ipinagkakamali sa katauhan ng isang mananaysay.

88

PAGPAPAKILÁLA SA MGA PILÎNG SANAYSAY

Kahit na ang talambuhay, pansarili o sa ibá, ay sanaysay rin kung ang may-akda ay maalám mamahala sa sarili at ng sarili. Ang isang mananalambuhay, at búhay ng ibá ang paksa, ay maaaring makasulat ng sanaysay kung makikíta niya sa lente ng kaniyang tungkulin, hindi lámang ang kaanyuan ng kaniyang paksa kundi pati na kalamnan nitóng nagbibigay-búhay na kaluluwá sa mga talàng nagawang sagisag túngo sa ikapagkakahulugan at ikapagkakakulay ng búhay ng paksa. Ang maikling kathâ ma’y maisusulat din sa paraan ng sanaysay kung ang mga tauhan sa halimbawa ay mailalagay sa mga kalagayang kakatwá at katawá-tawá. Ang panunudyo ay kailangan, bakit nga hindi at mabisà pa, ngunit panunudyong siyá man namang awtor, kung siyá ang tinatamaan, ay makatatanggap nang maluwag kahit pinamumulahan ng mukha. 3 Hindi ko pinagtangkaang talakayin ni sabihin ang ibá-ibáng uri ng sanaysay sa hangad kong mabigyan ng kailangang puwang ang mga guro nitó, ito bílang asignaturang itinuturò sa ating mga unibersidad. Ibig kong masarili nilá, na dilì ang hindi ko pinagpupugayan, ang karangalan ng tungkulin nilá sa mga nag-aaral. Ang tungkulin ko bílang tagatipon at patnugot ng aklat ng mga sanaysay ay maglakas-loob na makiisa sa kakang-gatâ ng pinagsáma-sámang mga karanasan ng mga manunulat na kung wala ay hindi sana nakasílang ang aklat na ito. Kayâ, kung wala man akong binanggit na ibá’t ibáng uri ng sanaysay, gaya ng madalas masaksihan sa mga aklat-aralin, iyon ay sapagkat alam kong wala ako sa kalagayan upang magturò ng panitikan sa kalahatan at ng sanaysay bílang asignatura. Paumanhin ang hinihingi ko samakatwid sa pagkukulang na ito. At nabanggit na rin lámang ang mga guro at pagtuturò, marahil ay maitatanong ng pinagpipitagan kong mga patnubay ng mga nag-aaral ng wikang pambansa kung bakit may kapansin-pansing pagkukulang ang mga tuldik sa aklat na ito. Sinadya ko iyan. Sinunod ko sa mungkahi at payo ng mga kapanalig at kaibigang may karunungan din naman sa bagay na ito ang pag-aalis ng kalabisáng tuldik sa diing mabilis, una: sa kambal-patinig, gaya ng diin, paa, leeg o liig (mamilì na kayo), atbp, na maging sa awtoridad na Balarilà ay sinasabing maaari nang huwag tuldikan pagkat ang ganiyang mga salitâng Tagalog ay laging mabilis bigkasin; pangalawa: sa patinig na pinangungunahan ng magkasunod na katinig gaya ng bansa, mangga, tuldik atbp, na lagi ring mabilis bigkasin. Iniwasan ko na rin ang pagdadalawa o higit pang tuldik sa isang salitâ, at itinirá na lámang ang pang-una. Ang ganito’y inaasahan kong makababawas ng pagkalito sa pagbása, lalo pa kung aalagataíng hindi naman babasáhin ang aklat na ito upang iturò sa mga nag-aaral ng palatuldikan.

89

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

4 Sa 26 na bumuo ng katipunang ito ay pasasalamat at pagbatì at pakikikamay, at pagkilála ang karapat-dapat iukol, silá na kung wala, ay wala rin ako, marahil. Pagkilala ng utang-na-loob sa kasámang T. A. Agoncillo, dahil sa katipunan niya ng Liwayway ng mga Japonés na pinagkunan ko ng halos kalahating nilalamán ng aklat. Gayundin, pagkilála ng utang-na-loob sa kasámang P. R. Glorioso na siyáng kaliwá’t kanang kamay ko sa pagkasaaklat ng katipunan at mabisàng tagapamagitan namin ng kasámang J. C. Laya. Pagkilála pa rin ng utang-na-loob sa kasámang Patricio S. Olaes na nagmakinilya ng malaking karamihan ng mga akdang kasáma sa aklat. Pasasalamat at pagkilála ng utang-na-loob sa lahat ng mga kasámang kasapi sa “Panitikan” na alam kong kasáma ko sa maraming kaparaanan sa búhay. 2838 Int. 3 Rizal Ave. Ext., Maynila Hulyo 1950

90

SAPAGKAT ANG PILOSOPIYA AY GINAGAWA

SAPAGKAT ANG PILOSOPIYA AY GINAGAWA NI

ROQUE J. FERRIOLS, S.J. Pamantasang Ateneo de Manila

S

apagkat nagsisimula táyo ng kurso ng pilosopiya, marahil gusto mong tanungin: ano kayâ ang pilosopiya? Lalong mabuting gawin muna bago pag-usapan kung ano. Natututo táyong lumakad sa paglakad, magbisikleta sa pamimisikleta, lumangoy sa paglangoy, magmaneho ng kotse sa pagmamaneho ng kotse. Ganiyan din sa pamimilosopiya. Sa lahat nitó ay maaari táyong tulungan ng isang kaibigan na mamilosopiya, magmaneho, lumangoy, magbisikleta, at pati lumakad. At marahil sasabihin natin na tinuruan niya táyong magbisikleta, atbp. At ano kayâ ang iniisip ko kapag aking sinasabi na tinuruan akong magbisikleta ng isang kaibigan? Sa palagay ko’y aking naaalala kung papaanong pinangatawanan niyang paligiran ako ng isang kalagayan upang ako’y matauhan na ako ri’y maaaring magbisikleta. At pinamumulat niya sa akin na, upang maisagawa ko itong pagkamaaaring ito ay kailangan kong magsipag at magtiyaga. At káya kong magsipag at magtiyaga. Tinuruan akong magbisikleta ng isang kaibigan. Ang ibig sabihin: Sa kaniyang pagpapakíta, pagtawag ng pansin, pagsubaybay, pagbibigay-loob, pagmamakuli ay nagising ako sa aking pagkamaaaring magbisikleta at nagisnan ko na nása aking sariling pagpasiya kung isasagawa ko itong pagkamaaaring ito o hindi. Ipinasiya kong isagawa. At niloob kong tupdin nang buong sipag at tiyaga. At sa wakas nagbibisikleta na ako. At hawig diyan ang masasabi ukol sa maneho, langoy, lakad, at pati sa pilosopiya.

91

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

INSTRUMENTO SA PAGGAWA ANG KATAGA Hábang tinuturuan ako ng aking kaibigan, paminsan-minsan siyáng nagsasalitâ. Nagbitiw siyá ng mga kataga. Hindi siyá nagkakabit-kabit ng mga kataga upang bumuo, halimbawa, ng isang matunog na diskurso: Ano ba ang magbisikleta? Kung ganiyan ang ginawa niya, hindi pa sana ako magkabisikleta ngayon. Pero marunong sana akong magdiskurso ukol sa pamimisikleta. Ang mga salitâ ng nagtuturo ay mga instrumento sa paggawa. Nakikilálang wasto ang mga salitâ kapag ang tinuturuan ay nakapagbibisikleta na. AYAW NILÁNG LUMUNDAG PERO, PARA SA KANILA, MARUNONG SILÁ May mga táong gusto raw matutong lumangoy. Nakasuot panlangoy na silá at sámasáma siláng nakatayô sa tabi ng suwimingpul. May notbuk at bolpen ang bawat isa. Nagsasalitâ ang guro. “Una sa lahat,” aniya, “magsanay ka munang magtampisaw sa tubig. Tápos, huwag huminga pero idilat ang mata at magpasailalim ng tubig. Tápos basta’t dumapa. Huwag matakot. Lulutang ka. Tápos, matutong gumalaw ng paa. Matutong gumalaw ng kamay. Matutong huminga. At paulit-ulit na pagsikapan at pagtiyagaan ang praksis.” Hábang siyá’y nagsasalitâ, masipag niláng sinusúlat ang lahat ng sinasabi niya. “At ngayon,” patuloy niya, “eto ang suwimingpul. Oras nang magsimula. Lundagin mo, beybe!” Walang lumundag, pero súlat nang súlat pa rin silá. “Hoy, sa tubig na kayo! Walang kabuluhan ang súlat-súlat ninyo kung hindi ninyo ginagawa.” Wala pa ring lumundag. Súlat pa rin silá nang súlat. “Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikíta na nag-aaksaya lámang táyo ng panahon?” Dito may bumaling sa guro. “Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba nakikíta na mahalaga sa amin ang lahat ng sinasabi mo? Eto.” At pinakita niya ang kaniyang notbuk. Naroroon ang buong talumpati ng guro mula sa unang salitâ hanggang sa hulí. Hanggang sa “Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikíta na nag-aaksaya lámang táyo ng panahon?” Nagsimula siláng lahat na magsiuwi. Yamot at galít. “Biruin mo, pinagalitan pa táyo!” Pero natutuwa pa rin silá. Masasabi ng bawat isa na kompleto ang kaniyang notbuk. Nasúlat nilá ang bawat sinabi ng guro. Kayâ’t inaakala niláng natuto na silá. Ayaw niláng lumundag pero, para sa kanila, e marunong na silá. E KASI BATÀ Nagkataón na nagsusulát ako sa bahay ng isang kaibigan na marami ang anak. May maliliit na batàng naglalaro sa kapaligiran. Guguhit-guhit silá ng krayola sa papel. “Marunong ba kayong kumopya ng bulaklak?” tanong ko. “Oo,” tugon nilá. Pumitas ako ng isang bulaklak sa hardin. “Tingnan ninyo kung madodrowing ninyo ito.” Iyong bulaklak ay may kumpol ng maliliit na gapalito sa gitna, kulay lila, matindi

92

SAPAGKAT ANG PILOSOPIYA AY GINAGAWA

naaabayan ng dalawang dahon, lunti sa kaliwa, lunti sa kanan. Masipag na yumuko ang mga batà sa kanilang papel. Mamaya’y tumuwid silá at nagmamalaking itinaas ang mga drowing. Maraming bulaklak ang kanilang iginuhit. Bawat bulaklak ay may gitnang mabilog na matindi ang kulay, bawat malalaking talutot na matindi rin ang kulay. Sari-sari ang mga kulay. Maganda! Pero hindi nilá kinopya ang pinitas sa hardin. “Hindi ninyo kinopya ito,” sabi ko. “Bulaklak ang mga ito,” anilá. Nangyari yata na sa klase ng drowing ay natutuhan na nilá ang isang patakaran sa pagguhit ng bulaklak. Kapag narinig nilang “drowing” at “bulaklak,” awtomatiko nang kikilos ang kamay. Gitarang mabilog malalaking talulot. Hindi na silá titingin sa bulaklak na iniaalok sa kanila. Hindi na silá gagawa ayon sa nakikíta. Ibá naman ang nangyari isang umaga. Naglalakad akong nagbabasá ng brebyardo. Iyong daan ay tumatawid sa kabukiran. Kaaararo lámang ng masaganang putik ng tag-ulan. Sariwa ang sikat ng araw sa likod at nakikíta kong umuuna sa akin ang aking mahabàng anino. Nakarinig ako ng maliksing takbo, at sumipot ang isang maikling aninong umaabay sa anino ko. May kumalabit sa akin. “Ano iyon?” tinuturo ng batà ang kaniyang anino. “Ewan,” wika ko. Itinaas niya at kinawag ang kanang kamay. “Tingnan mo. Gumagalaw!” aniya. “Oo.” “Bakit?” “Ewan.” Masusi siyáng titingin-tingin noong biglang lumiko ang daan at nahulog sa putik ang aming anino. Nagsimula siyáng tumakbo nang súlong-balik-súlong-balik hábang palingon-lingon niyang pinagmamasdan ang kaniyang anino. “Ewan.” “Bumabâ ka. Tingnan mo.” “Ikaw na lang.” Kapag hindi nababara sa awtomatikong patakaran ang batà. Buháy na buháy ang kaniyang katutubong pananabik matuto. At tingin siyá nang tingin. Tanong nang tanong. At ang tanong ay nagiging bukal sa pagtingin. Masusing pagtingin. PAGTINGIN Tingin táyo nang tingin. Kailangan lámang nating dumilat at marami táyong makikíta. At ang pagtingin ay isang gawain na ako lámang ang makagagawa, kung ako nga ang makakikíta. Kahit na napanood na ng aking matalik na kaibigan ang isang sine, kailangan ko pa rin panoorin. Kung ako nga ang gustong makakíta. Kahit na gaano kadikit ang aming pagkakabuklod, hindi siyá maaaring tumingin sa isang paraan na ako ang nakakikíta. Kung ako ang makakikíta, ako lámang ang makatitingin. Oo. Maaari mo akong tulungan tumingin. Maaari mong sabihin, “Tingnan mo,

93

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

plat ang goma ng Pajero.” Hindi ko nakíta kanina. Pero ngayon, salamat sa iyo’t nakikíta ko na. O bakâ meron akong nakítang hindi mo napansin. “Tumingin ka sa pagitan ng dalawang sanga ng mangga; may kumpol na tatlo ang bunga.” Ngayo’y tumingin ka. Pero sa lahat nitó, ikaw lámang ang maaaring tumingin kung ikaw nga ang makakikíta. Ako lámang ang maaaring tumingin kung ako nga ang makakikíta. At tumingin nga táyo palibhasa’y tigib ang daigdig sa mga nagpapakíta, nagpapamasid. Parang sinasabi ng bawat nilaláng, “Tingnan mo, pagmasdan mo ako.” At sabik táyong tumutugon sa kanilang tawag. At kung may magtatanong, “Ano ba ang tumingin, ang makakíta?” hindi natin masasabi talaga kung ano. Ang buod ng karanasan ay alam lámang ng táong dumilat at tumingin, at nakakíta. Hindi niya masasabi, pero talaga niyang nalalaman at talaga niyang nagagawa. At kung may magtatanong, “Papaano mong mapapatunay na káya mong makakíta’t tumingin?” ang masasagot lámang natin (kung hindi bulag ang nagtatanong) ay, “Dumilat ka.” PAG-UUNAWA May uring pag-uunawa na maihahambing sa pagtingin. Halimbawa, sinasabi natin na 2 + 2 = 4 sapagkat nakikíta natin na ganiyan nga ang angkop na pag-iisip. Nakikíta natin, sa umuunawang pagtingin, ang pagkadalawa ng dalawa at ang pagkaapat ng dalawang dalawa. Kung may tatanggi diyan, wala táyong talagang masasabi. Pero hindi rin natin maipagkakaila (kung mananatíli táyong tapat sa katotohanan) na hindi siyá talagang nag-iisip. Sapagkat sa isang kilos ng ating pag-uunawa na hawig sa kilos ng matang tumitingin, kitang-kita natin na 2 + 2 = 4. May nagsasalitâ. Bigla siyáng nagbiro. May kislap na lumiwanag sa ating paguunawa at tumawa táyong lahat. Sa biro, mayroon táyong talagang nakikíta, talagang nauunawaan. Sa tawa, kusang nanginginig ang katawan, sapagkat pinasabog ng kislap ang pag-uunawa. At kung may nagbiro at hindi ko nahúli iyong kislap, wala akong makikíta. Kayâ’t wala rin akong kakayahan na talagang tumawa. Maaaring magpanggap akong tumatawa, humalakhak pa. Pero wala akong nakítang katatawanan at hindi tunay na tawa ang aking ibinubunga. 2 + 2 at kislap ng biro. Dalawang halimbawa na hindi gaanong mahirap makíta at maunawaan. Marami ang mga ibáng posibleng halimbawa. At ang kapansin-pansin sa mga tinutukoy na halimbawa ay: Na káya kong umunawa. Na kung titingin lámang ako, ako’y makauunawa. Maaaring makaunawa ako sa isang sandali ng pagtingin. O maaaring mangyari na makaunawa lámang ako pagkatápos ng mahabàng panahon ng pagsikap makakíta, at makakíta nang malalim at buo. Pero sa lahat, may kilos ng pag-uunawa. Tinatablan ng pag-uunawa ang inuunawa. Kailangang tumingin ng isip. Isa pang kapansin-pansin sa mga tinutukoy na halimbawa ay na káya ko ngang

94

SAPAGKAT ANG PILOSOPIYA AY GINAGAWA

umunawa. Pero ako lámang ang maaaring umunawa kung ako nga ang makauunawa. Kahit na mahigpit na magkadikit sa pagkakaibigan, hindi mo káyang umunawa sa isang paraan na, pagkatápos, ako ang nakaunawa. Ako lámang ang makapagpapairal sa aking pag-uunawa kung nais kong umunawa. Ikaw lámang ang maaaring umunawa kung ikaw nga ang uunawa. Ang maaaring mangyari ay makipagtulungan táyo upang makaunawa ang bawat isa. Maaari táyong maging guro sa isa’t isa. Ang guro mong tunay ay ang lumilikha ng kapaligiran upang maging posible na ikaw ang makakíta sa totoo. Ang marunong magturo ay nagbibigay ng inspirasyon. Inuudyukan kang patalasin ang paningin ng iyong isip, kung kayâ’t tatablan ng iyong tingin ang tinuturo ng kaniyang daliri. PAG-UUNAWA: INIHAHAMBING SA PAGTINGIN Mababakasan natin sa paggámit ng wika na bukal sa táong ihambing ang paguunawa sa pagtingin. Madalas, ni hindi natin pansin na gumagámit táyo ng ganitong paghahambing. “Hindi ko makíta kung bakit silá tawa nang tawa.” “Ang labo ng kaniyang sinasabi.” “Walang nakakikíta sa katuturan ng inyong mga pag-aargumento.” “Gumawa ka nga ng dahilan kung bakit ito ang ginagawa niya.” O maaaring mangyari na biglang nagka-blackout hábang may nagbibigay ng talumpati. At kung itinuloy pa rin niya, at kung malinaw siyáng maglahad, sasabihin natin, “Maliwanag ang kaniyang talumpati,” kahit na ang dilim-dilim hábang siyá’y nagsasalitâ. TINGIN NG MATA AT NG ISIP Pinagmuni-munian natin kung papaanong tumitingin ang mata at umuunawa ang isip. Ating pinagmasdan kung papaanong magkahawig ang galaw ng dalawa; kayâ’t hindi natin maiwasang ihambing ang isa sa isa; ihambing, halimbawa, ang tingin ng mata sa unawa ng isip; o ihambing ang liwanag na nanggáling sa araw, sa liwanag ng isip na tumatalab sa nadarama. Hiwalay nating tinalakay ang isip at ang mata. Isang patakaran ito ng isip-tao. Hinihiwalay ang nagkakaisa at iniisa-isa ang paguunawa. Tamang patakaran ito, sapagkat ganiyan ang kailangan ng isip-tao. Madalas makasusuri lámang táyo sa pamamagitan ng pag-iisa-isa. Ngunit, kapag nagawa na ito, kailangang alalahanin uli, at muling pagmasdan, na ang hiniwalay ay nagkakaisa. Kung minsan, nalilimutan nating gawin ito. Ang dapat sanang pansamatala ay ginagawa nating palagian. Nalilimutan natin, halimbawa, na hindi mata ang tumitingin, ikaw ang tumitingin at ako. Bakâ hindi na natin mapansin na hindi isip ang umuunawa, kundi ikaw ang nag-iisip at umuunawa, at ako. Kung minsan, maaaring gumalaw na lámang ang ating pagmumuni-muni sa idea ng isip. Kayâ maaaring may magsabi na nakikíta ng kaniyang mata na nag-iiskeyting si Petra, pero nakikíta naman ng kaniyang isip na magalîng ang iskeyting ni Petra. Para bagáng ang importante ay tapatán ang hiwalay na idea ng hiwalay rin na idea. Nalilimutan na

95

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ang idea ay labí lámang ng pakikisalamuha sa talagang nangyayari. At na ang importante ay hindi paglahad ng magagandang pagtatapátan ng mga idea. Ang ganiyang paglalahad ay madalas nagiging awtomatikong patakaran na nakababara sa wastong pag-uunawa. Ang importante ay pairalin ang pakikisalamuha sa talagang nangyayari. Kung palulundagin ko ang aking malay-tao sa buong nararanasan, makikíta ko, bílang isang buong nagpapamasid, na nag-iiskeyting si Petra. Na alam ko na iskeyting ang nakikíta kong ginagawa niya, ay kaalaman at pag-uunawa. Kung sakaling ngayon lámang ako nakakíta ng iskeyting, bakâ ako malito, at tatanungin ko, “Ano iyon?” Tanong ng pag-uunawang gustong makaunawa. At kung sakaling pumikit ako, hindi ko malalaman na magaling ang iskeyting ni Petra. Pero sa dilat na pagtanaw, mauunawaan ko ang kaniyang galíng. Ang liwanag ng pag-uunawa ay tumatalab sa nakikíta ng mata. Liwanag ng pag-uunawa ang pagmumuni-muni sa “ano” at “papaano” at “mayroon ba.” Ang kumikilos ay hindi dalawang bagay (mata at isip) na sabay gumagawa ng dalawang bagay (tingin at unawa). Ang gumaganap ay isang buong tao (ikaw o/ at ako o/ at kung sino pa) na may maraming komplikadong kilos. Ngunit lahat ay nagkakaisa at bumubuo sa isang simpleng gawain: saluhin ang nagpapamasid na talagang totoo. NAGIGISNAN NG BUONG TAO ANG BUONG DAIGDIG Hindi lámang pagtingin ang nakasangkot. Halimbawa, ang nangingilatis kung tunay na alahas ang isang bato, ay hindi lámang sinisilip ang liwanag na tumatalab sa batong iyon, kundi kinakagat din ang bato upang matikman at madamá sa dulo ng dila kung ano ang katotohanan ukol sa batong iyon. Natitikman sa mismong alak, ng nangingilatis sa alak, ang lugar at taón na pinanggalingan ng alak. Natitikman at naaamoy ng namumulutpukyutan sa mismong pulut, ang mga bulaklak na pinagkunan ng mga bubuyog. Kapag hinipo ng bulag ang pisngi ng kakilálang kaharap niya, nadarama niya kung sino iyon. Ang buong pag-uunawa ng tao ay sumasapandama; ang buong katipunan ng pandama ay sumasapag-uunawa. Kayâ’t nagigisnan ng buong tao ang buong daigdig. NAGIGISNAN NG BUONG TAO ANG BUONG DAIGDIG. HINDI SAPAT NA SABIHIN ITO. KAILANGAN MATAUHAN KA. DANASIN MO. Pati ang hindi nakikíta ay nakauunawa sa isang paraan na maihahambing din sa pagtingin. Mababása natin sa talambuhay ni Helen Keller na noong tatlong taón pa lámang siyá’y nagkasakit siyá nang malubha, nabulag, at naging bingi. Batà siyáng malungkot at masungit. Madalas nagloloko at nagdadabog. Noong kuwan pumasok si Miss Sullivan sa kaniyang búhay. Ginawang posible ng gurong ito na matauhan si Helen na mayroon siyáng kakayahan na dumama at umunawa sa daigdig. Isa sa mga itinuro kay Helen ay magsalitâ sa pamamagitan ng mga hudyat na sinusúlat ng daliri sa palad ng kamay. Isang araw, ibig ituro sa kaniya ng guro

96

SAPAGKAT ANG PILOSOPIYA AY GINAGAWA

ang katagang tubig. Inilapit sa kaniya ng guro ang isang tásang may tubig. Tápos isinulat sa kaniyang palad: tasa, pinahipo ang tasa; tubig, pinahipo ang tubig. Nagloloko si Helen noong araw na iyon at palagi niyang binabaliktad ang dalawa. Sa wakas sumuko na ang guro para sa araw na iyon, at ipinasiyang mamamasyal silá. Noong nakalabas na silá ng bahay, nalanghap ni Helen ang kakaibáng hangin. May nagdidilig sa hardin. Biglang hinila ng guro ang palad ni Helen, sinulatan ng tubig, at sakâ itinapat sa umaagos na tubig. Sabi ni Helen na nadama niya ang tubig, malamig at lumulundag; sariwa, masaya, malayà. Sa sandalîng iyon, tumalab sa kaniya kung ano ang tubig, at nadama niya ang paghalina ng daigdig. Sa palagay ko, ito ay isang pag-uunawa na maihahambing sa pagtingin. Ginulat siyá ng guro at natauhan siyá na siyá ang maaaring umunawa. Káya rin ng bulag na makíta ang kayamanan ng daigdig. Nagisnan ni Helen, sa kaniyang buong katauhan, ang buong daigdig. SINIPI MULA SA PAPEL NG ISANG ESTUDYANTE Sa pagsusulit na ginanap noong 1 Hulyo 1996, may mahalagang sinulat sa kaniyang papel si Micheal Ali Domingo Figueroa. Minabuti ng loob niyang pahintulutan na sipiin ko sa ating pagmumuni-muni. Anim na taóng gulang si Jep-Jep at tinanggal ang kaniyang mga mata dahil sa kanser. Nakilála namin siyá nang dumalo ang pamilya nilá sa konsiyerto namin (Bukas Palad Music Ministry) sa Mary the Queen Church. Matamlay raw si Jep-Jep at nagsusuka buong araw dahil sa chemotherapy niya, ngunit dumalo pa rin para sa kapakanan ng mga batàng may kanser ang konsiyerto. Halos patay raw ang itsura niya. Ngunit noong nagsimula ang musika, tíla may nagising na kislap sa málay ni Jep-Jep. Umupo siyá nang tuwid sa kaniyang upuan, ngumiti, tumawa, pumalakpak. Lalong-lalo na nang awítin ang Song of Creation. Bagaman bulag, ginising ng tunog ng musika ang malay-tao ni Jep-Jep. Nauunawaan niya ang musika, at natuwa siyá. Magmula noon hanggang namatay siyá ilang buwan nang nakalipas, bumabalik ang sigla sa madilim na mundo ni Jep-Jep tuwing tutugtugin ang mga awit ng Bukas Palad. KAILANGAN ANG PANINIWALA AT KAILANGANG KILATISIN Pero hindi natin maaaring makíta, madamá, o maranasan ang lahat-lahat. Malaking bahagi ng ating pagharap sa mundo ay nababatay sa mga hindi natin nakíta o naranasan. 97

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ibáng tao ang nakakíta o nakadanas, at naniwala táyo sa kanila. Alam kong may siyudad ng Paris kahit na hindi ako yumapak doon kailanman. Naniniwala ako sa mga bidahan ng mga táong sanay tumawid sa mga lansangang siyudad na iyon. Kinukuha ko ang gamot na itinalaga ng doktor kahit na hindi ko nakikíta kung angkop nga o hindi. Basta’t naniniwala ako. Ganoon din, naniniwala ako kagabi noong sinabi sa telebisyon na, sa larawang satelayt na ipinakíta, iyong bahaging minarkahan ng bilog ay nagpapatunay na may mangkok na lava na nabubuo sa Pinatubo. Hindi ako marunong magbasá ng larawang satelayt. Naniniwala ako sa mga marunong gumawa ng interpretasyon. Hindi natin maiiwasang magtiwala sa ating kapuwa palibhasa’y malawak ang daigdig at makitid ang naaabot ng ating karanasan. Ngunit, kailangan bang maging bulag sa paniniwala? Ang kabaligtaran ang kailangan: magmatino sa paniniwala. May ilang mga pagmumuni-muni na maaaring makatulong túngo sa isang matinong pagkakatiwala. Ang táong mapaniniwalaan ay itinuturing natin na tunay na bukal ng kaalaman at karunungan. Kailangan na siyá ay: 1. Marunong magmasid at umunawa: Halimbawa, masusi niyang pinupuna ang mga nangyayari sa harapan ng kaniyang mata; at gumagawa lámang siyá ng interpretasyon kung talaga siyáng may kakayahan, halimbawa, na bumása sa X-ray o sa larawang satelayt o sa kung ano ang makagagalíng sa isang sakit. 2. Marunong magbunyag sa kaniyang nalalaman at nauunawaan: mayroon siyáng arte ng pagbubunyag, kayâ’t naibabahagi niyá ang kaniyáng karanasan sa mga hindi nakadanas ng ganoon; o naibahagi niyá ang kaniyáng pagkaeksperto sa mga hindi eksperto. Sa antas na ito ay posible. 3. Makatotohanan, hindi nagsisinungaling. Itong tatlong ito ang kailangan nating kilatisin kung ibig nating maláman kung kapani-paniwala ang isang tao. Hindi ko naranasan at hindi ko káyang unawain ang ukol sa larawang satelayt, X-ray, gamot, Paris, atbp. Pero káya kong danasin at unawain kung ang nagsasalitâ sa akin ay mapaniniwalaan. Maaari at dapat kong tingnan, unawain, suriin kung ang nagsasalitâng iyon ay talagang bukal ng kaalaman at karunungan. Talaga ba siyang marunong; makatotohanan ba siyáng nagbubunyag? Pananagutan ko ang pagkilatis. Kayâ’t ganito ang katangian ng táong matino sa kaniyang pagbibigay-tiwala sa kaniyang kapuwa: 1. Marunong kumilatis sa mga bukal ng kaalaman at karunungan. 2. Marunong umunawa sa mga ibinubunyag.

98

SAPAGKAT ANG PILOSOPIYA AY GINAGAWA

Ang hindi marunong umunawa ay hindi marunong makinabang sa mga ibinubunyag sa kaniya. At hindi rin siyá maaaring sumang-ayon o tumutol sa mga ibinubunyag. Sapagkat hindi maaaring sumang-ayon o tumutol ang tao kung hindi niya nauunawaan ang kaniyang sinasang-ayunan o tinututulan. MGA KOMPLIKASYON; ISANG SIMPLENG PRINSIPYO Hindi palaging simple ang pagrerelasyon ng mga bukal sa mga naniniwala. Kung minsan parang lambat ng mga nagkandabuhol-buhol na lubid ang mga relasyon. Halimbawa, papaano kong nalalaman na pulô ang Luzon? Hindi ko pa nalilibot ang buong isla. May mga bahaging nakíta ko ang tabing-dagat. May mga detalyeng narinig, nabása, at pinaniwalaan. May mga mapa na naniwala akong wasto. Sa kasong ito, ang pagkaugnay ng mga nakíta sa mga pananiwalaan ay angkop na angkop at hindi mapagdududahan. Ngunit hindi palaging kasing-linaw ng kasong ito ang mga pagrerelasyon ng mga bukal ng katotohanan. Kung minsan palaging nagbabago ang mga relasyon at naluluha táyo. Maaaring mangyari, halimbawa, na maging bukal ng katotohanan ang isang táong sinungaling. Kung tuso táyo, bakâ mabakasan natin ang katotohanan kapag binaligtad natin ang katotohanan at kapag binaligtad ang kaniyang mga pinagsasabi. Ngunit, hindi iyan makukuha sa isang awtomatikong pagbabaliktad, kailangan laging subaybayan ng masusing pangingilatis. Madalas nakalilito ang mga laging nagbabagong komplikasyon, ngunit may gabay. Matino itong simpleng prinsipyong ito: Na dalawa ang palaging kailangan. 1. Na ang mga bukal na pinaniniwalaan ay nakakabit sa totoo at kinakabit ako sa totoo; 2. Na kinikilatis ko at inuunawa itong mga pagkakabit na ito. ABSTRAKSIYO Nakíta natin na, kung minsan, sa ating pagnanais na makaunawa sa mga detalye ng isang pangyayari, hinihiwalay natin sa ating isip ang nagkakaisa sa talagang totoo. Ganiyan ang ginawa natin noong tinalakay natin nang isa-isa ang pagtingin ng mata at ng isip. Nakíta rin natin na importanteng bumalik palagi sa pagkakaisa at kabuoan na umiiral sa talagang totoo. Palibhasa’y madalas gamítin itong patakaran ng paghihiwalay sa isip, ng isa at buo sa talagang totoo, mabuting bigyan ng pangalan. Ang nakaugaliang pangalan ay abstracio. Katagang Latin: paghihiwalay. Isusulat kong abstraksiyo. Nag-aabstraksiyo táyo kapag nalilimutan natin na bukod-tangi at ibá ang bawat tao, at pinagtutuunan lámang natin ng pansin ang pagkakahawig ng lahat ng tao. Abstraksiyo rin kapag gumagawa ako ng plano at hindi ko pinupuna kung

99

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

may kinalaman ang plano sa mga bagay na pinagplanuhan. Inaasahan ko na sa mga susunod na pagmumuni-muni’y magiging alisto ang mambabasá upang mahalata niya kung may nagaganap na abstraksiyo, at kung ano ang patakaran ng bawat abstraksiyo. Sa ganoon, sana maging alisto siyá at sana isagawa niya ang palaging pagbalik sa kabuoan ng talagang totoo. PAMBUNGAD SA METAPISIKA Ang bungad ng isang bahay ay pinto, binubuksan sa mga dumadaan ang mga lihim na nakatago sa bahay. Hindi lihim ng tahanan ang metapisika, bagkus malalim at malawak na katotohanan na umaanyaya sa lahat. Ang pambungad sa metapisika ay pintuan na bumubukas sa kalaliman at kalawakan, sa kaparangan, kabundukan, kalangitan. Noong nakapasok na siyá sa pintuan Yumayapak siyá Sa malawak na lupain Na palayo nang palayo ang mga hanggahan Sinusukuban ng langit Na pataas nang pataas ang tuktok Ang mga laylaya’y palayo nang palayo Sinisikatan ng sariwang araw ang kabuoan

100

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO * NI

BIENVENIDO LUMBERA Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan

P

umasok ang salitâng “estetika” sa diskurso ng mga manlilikhang kumilos sa larangan ng sining at kultura noong panahon ng Batas Militar. Isang konsultasyong tumipon sa ibá-ibáng aktibistang grupong pantanghalan sa Kamaynilaan ang ginanap sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas. Pinag-usapan doon ang “estetika” ng mga makabayang pagtatanghal na, sa tuwiran at di-tuwirang paraan, lumalaban sa diktadurang Marcos. Ayon sa mga ulat na narinig sa maghapong konsultasyon, nasapol na ng mga grupong pantanghal ang paglalapat ng pamantayang pampolitika. Ang hindi pa lubusang naisasapraktika ay ang usapin ng pamantayang pansining. Nilayon ng konsultasyon na linawin ang ilang aspekto ng relasyon ng politika at sining sa teatro. Ginugunita ang pagpasok sa “estetika” sa diskurso ng mga kritikong Filipino, hindi upang gumawa ng panibagong pagtalakay sa usapin ng sining at politika na pinaksa na sa napakaraming mga simposyum at forum. Sa halip, pag-uukulan ng muni ang estetika upang alamin kung ano-ano ang mga kondisyong humuhubog sa

* Panayam, Centennial Professorial Lectureship, Faculty of Arts and Letters, Unibersidad ng Santo Tomas, 4 Oktubre 1997.

101

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pagtanggap ng mga Filipino sa likhang-pampanitikan bílang akdang karapat-dapat pahalagahan. Sa maikling sabi, layunin kong simulan para sa aking sarili na saliksikin at suriin ang ilang kaisipang magagámit na batayan sa pagbubuo ng kritisismong akma sa mga akdang likha ng mga Filipino sa konteksto ng aktuwal na mga kondisyon sa lipunang Filipino. Upang maunawaan ang nasabing layunin, nais ko sanang ipaliwanag na bahagi ito ng isang proyektong makabayan na itanghal ang sining at kultura ng Filipinas ayon sa mga pamantayang ibinatay sa pag-alam at pagpapahalagang katutubo sa atin at kakawing ng ating kasaysayan bílang bansa. Nása bungad táyo ng ika-21 siglo. Ibinabandila ng mga teknokrat ng gobyernong Ramos ang “globalisasyon” na diumano ay realidad na siyang tinutugunan ng mga patakarang pampolitika at pang-ekonomiya na ipinatutupad ng pamahalaan. Kung pakasusuriin ang mga patakaran, lumilitaw na ang nasyonalismo ay wala nang silbi bílang gabay ng sambayanan túngo sa hinaharap. Na ang nasyonalismo ay isa nang sagabal sa aktuwal na pag-unlad ng bayan. Na ang tanging tungkuling dapat tuparin ng mga mamamayang naghahangad ng ikabubuti ng bansa ay ang magpatianod sa globalisasyong iginigiit sa Filipinas ng IMF-World Bank. Hindi ako sang-ayon na ang Filipinas ay dapat maging pasíbo sa pagdaluyong ng globalisasyon. Kailangan pang wakasan ang dalawang panahon ng kolonyal na paniniil at pagsasamantala. Sinadlak ng kolonyal na pananakop ang ating bayan sa kalagayan nitóng tagapagtanim ng mga produktong agrikultural na kailangan ng mga kapitalistang bansa, at taga-assemble ng mga produktong industriyal na sa atin na rin ipinagbibili ng mga negosyanteng multinasyonal. Kailangang gawing ganap muna ang proseso ng deskolonisasyon. Ito ang magpapalayà sa kamalayan ng sambayanan. Ang paglayà ay pangunahing pangangailangang magbibigay sa bayan ng kakayahang makapagpasiya hinggil sa pakikipag-ugnayan sa ibáng bansa batay sa pansariling interes ng mga Filipino. Kung ikokompara sa pagsasaayos ng politika at ekonomiya, tíla munting bagay ang usapin ng pamantayang nilalayon dito. Alalahanin lámang na kamalayan ng Filipino ang sangkot sa proyektong suriin ang mga dahilang nagtutulak sa mga mambabasá natin na piliing pahalagahan ang isang akda at tanggihan ang ibá. Naging mapanalasang sandata ng mga kolonyal na administrasyon ang sistema ng edukasyong humubog sa kamalayan ng mga kabataan noon, na ngayo’y siyang may hawak ng kapangyarihan sa gobyerno at sa negosyo ng bansa. Kamalayan ang larangan ng tunggalian sa pagitan ng nais magpanatili sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan at ng naghahangad na magtayo ng lipunang higit na kumikiling sa mga mamamayang ngayo’y sinisiil at pinagsasamantalahan. Ang usapin ng estetika ng panitikang Filipino ay usapin ng kamalayang tunay na Filipino.

102

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO

Ayon kay Raymond Williams, ang kasalukuyang salitâng Ingles na aesthetic ay nakaugat sa aesthesis ng mga Griego, na nangangahulugang sense perception. Idinagdag pa ni Williams na ang pangunahing tinutukoy ng salitâng Griego ay “material things, that is things perceptible by the senses, as distinct from things which immaterial or which could only be thought.”1 Sa ating paglilinaw sa estetika ng panitikang Filipino, may salitâ táyo na maaaring gawing susi sa pagbubukás ng talakayan tungkol sa mga sangkap ng estetikang ito. Iyon ay ang salitâng datíng. Noon ay salitâng-ugat ito na ang ibig sabihin ay ang kaganapan ng paglalakbay mula sa pinanggalingan túngo sa pupuntahan. Hindi pa kalaunan, sinimulang gamítin ang salitâ sa di-pormal na kumbersasyon upang tukuyin ang impresyong iniiwan sa isang tao ng pagmumukha, bihis, pananalitâ, at kilos ng isang indibidwal. Halimbawa, “Suplada ang datíng ng kaibigan mo.” Pansinin na ang batayan ng pahayag ay mga larawan at tunog ng mga kongkretong bagay na pumasok sa kamalayan ng nagsasalitâ sa pamamagitan ng paningin at pandinig. Kapag nahaharap táyo sa isang likhang-sining, sa ganiyan ding paraan pumasok sa ating kamalayan ang mga katangiang nagugustuhan o inaayawan natin sa trabaho ng manlilikha. Ang isang pintura, tugtugin o pagtatanghal ay dumaratíng sa audience na nakaabang—parang destinasyon sa isang paglalakbay—sa magaganap sa kamalayan nitó. Ang kaganapan ng pagsapit ng likha, ang datíng ng likha, ay tinutugon ng nagmamasid sa pintura, nakikinig sa tugtugin at nanonood ng pagtatanghal. Sa pagtugon sa datíng ng likha, nagbibitiw ang audience ng pahayag ng pagkatuwa, pagkasiya, o paghanga. Kapag sinuri natin ang relasyon ng audience at ng likhang dumatíng, simula na iyon ng paglilinaw sa estetika ng nasabing likha. Nais kong linawin hanggang maaga na angkop ang konsepto ng estetika na aking pinanghahawakan ay naglalagay sa audience sa sentro ng talakayan, sa halip na sa likhang-sining. Hindi ito nangangahulugan ng pagsasaisantabi sa likhang-sining. Alam namin na sa pagbubuo ng likha, ginagámit ng awtor, kompositor, aktor, pintor, at ibá pa ang lahat ng nalaláman nilá upang ang mga sangkap ay mabigyan ng kani-kanilang kaukulang bisà at upang mabigkis ang mga sangkap ng akda ng kaisahang makapagiwan ng kasiyahan sa mambabasá, tagapakinig, manonood, o nagmamasid. Sa proseso ng pagbubuo, may pamimilì ng detalye, pagsasaayos ng mga pangyayari, pagpipino ng mga guhit o kulay, pagsasanib ng lakas, hina, kinis, at gaspang ng mga tunog, o pagpapatingkad ng mga damdamin at kaisipan. Gawain lahat iyan ng manlilikha, at diyan, ginagabayan siya ng mga batas ng paglikha na kaniyang natutuhan sa panahon ng kaniyang pag-aaral, at natuklasan sa ibá-ibáng okasyon nang siya ay lumilikha. Sa paglikha, ginagabayan din siya ng kaniyang natutuhan at natuklasan tungkol sa mga kondisyong alam na niyang nagkakabisà sa audience kapag ito ay nahaharap sa isang espesipikong likha.

103

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ang prosesong sinubaybayan sa itaas ay kinasasangkutan pa lámang ng relasyon ng manlilikha at ng materyales na hinuhugisan niya upang ito ay maging likhangsining. Hindi pa ito ang yugto na puwede nang pag-usapan ang estetika. Nagsisimula ang pag-uusap tungkol sa estetika kapag buo na ang likha at iniharap na ito sa audience. Samakatwid, kapag naganap na ang datíng ng akda. Ang mga larawan at gunitaing laman ng ating kamalayan ay may pagtiyak sa magiging tugon natin sa likhang-sining. May tatlong kategorya, sa palagay ko, ang laman ng ating kamalayan: una, ang ibinunga ng personal na pagdanas ng indibidwal sa mundo; ikalawa, ang mga pagpapahalaga at kapakanang pinangangalagaan ng indibidwal batay sa panlipunang pormasyong kinapapalooban niya; at ikatlo, ang mga mithiin at adhikaing tinanggap niya mula sa tradisyon at kasaysayan ng kalakhang lipunang kaniyang kinabibilangan. Mahihinuha mula sa paglalatag sa mga larawan at gunitain na ang karanasang pang-estetika ay hinuhubog ng mga panlipunang salik. Kailanman, hindi mangyayaring ang tugon ng audience sa likhang-sining ay maging personal lámang. Laging may mga salik sa tugon na nauna nang sumiksik sa kamalayan bunga ng katunayang ang indibidwal ay hindi nakahiwalay, gustuhin man niya, sa lipunang nakalukob sa kaniya. Ang makabayang proyektong ipinaliwanag sa unahan ay hindi bungang pinahihinog sa pilit ng isang iskolar at kritikong ipinaggigiitan ang nasyonalismo bílang batayan ng pagsusuri sa kultura at sining ng Filipinas. Proyekto iyon na kailangang isagawa ng mga intelektuwal na Filipino na nása akademya bílang ambag nilá sa mga pagsisikap na buwagin ang mentalidad na hinubog ng ating kolonyal na sistema ng edukasyon. Mag-iisang siglo nang ang sistemang iyan ay nagsisilid sa kamalayan ng ating mga kabataan ng mga kaisipan at pagpapahalaga, na sa halip na magpasulog sa kulturang Filipino, ay bumabansot pa rito. ANG ESTETIKA SA TATLONG AKDANG PAMPANITIKAN Tatlong tula ang hinango sa panitikang Tagalog upang linawin ang mga konseptong inilahad sa itaas. Ang una ay isang awiting-bayang nakilála at lumaganap sa panahon ng mga Español. Pinilì ito upang mapalitaw ang pang-akit ng akdang bahagi ng kulturang oral at tangkaing alamin kung ano ang mga katangiang kinagigiliwan noon ng karaniwang tao, at hanggang ngayo’y patuloy na bumubúhay sa akda. Ang ikalawa ay tulang ibinunga ng Rebolusyong 1896, kinikilála bílang akda ng isang litaw na bayani ng nasabing panahon. Ang bisà ng mga gunita ng ating kasaysayan sa ating pagtanggap sa isang akda ay hihimayin at aalamin kung may epekto ito sa kasiyahang naibibigay ng akda. Ang ikatlong halimbawa ay tulang kontemporaneo na ang nilalamang panlipunan ay binigyang-anyo ng berso libre. Umiibá ito sa anyo ng pagtulang kinahiratihan

104

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO

ng marami. Ano ang bisà ng ganiyang paghiwalay sa tradisyon sa pagtanggap ng mga mambabasá sa tula? Importante ang katanungang ito para sa mga kabataang manunulat na ayaw nang pumaloob sa tradisyon o walang kamalayan sa pagtulang kinaugalian ng matatandang makata. Unang Tula: “May Isang Bulaklak,” walang awtor, lumang awiting-bayan.2 Isang mangingibig na tinanggihan ng kaniyang minamahal ang nagsasalitâ sa awit. Ang kaniyang pag-ibig ay inihalintulad sa bulaklak na nalanta at naluoy dahil walang natutong mag-alaga rito. Ang pinakalitaw na katangian ng awit ay ang napakasimpleng paglalarawan sa kalagayan ng mangingibig. Apat na taludturang may tigtatlong linya ang kabuoan ng tula. Tíla alamat ang isasalaysay—tungkol sa bulaklak na “ibig lumitaw.” May kabalintunaang inihaharap ang nagsasalitâ. Hindi umaayon ang kalagayan ng bulaklak sa batas ng kalikásan—“nalalanta ito sa patak ng ulan / at nananariwa sa síkat ng araw.” Dagdag pa, naluluoy ang bulaklak sa lamig ng simoy ng hangin. Sa hulíng linya ng tula, isinisiwalat na ang dahilan ng baligtad na kalagayan ng kalikásan ay ang di-pagtanggap ng minamahal sa pag-ibig ng nagsasalitâ. Nakatutuwa ang mga talinghaga ng kabalintunaan. May himig ng pagbibiro ang paghahambing ng pag-ibig sa bulaklak na kakaibá ang pagtubò. Ang pag-uulit ng unang anim na pantig sa pagbubukás ng bawat estropa ay pahiwatig ng pagbibiro. “May isang bulaklak / May isang bulaklak…” at “Nalalanta ito / Nalalanta ito…” Sa pinakahulíng linya na lámang ipapaalám na kayâ palá ganoon ang bulaklak ay dahil binigo ng dalaga ang pag-ibig ng binata. Sinimulan ang tula na tíla may malubhang sakunang naganap sa mundo—nabaligtad ang galaw ng kalikásan. Ang pagsisiwalat na nagbigay ng wakas sa awit ay eksaheradong panangis. Sa praktis ng mga dikilaláng makata ng sinaunang tulambayan, madalas gamítin ang eksaherasyon upang palubayin ang kaigtingan ng emosyon sa pamamagitan ng pagngiti o paghalakhak. Hindi natatangi ang estilo ng paglalahad ng problema sa awiting-bayang ito. Maraming awiting-bayan ang nagsasalaysay o naglalarawan ng mga pangyayaring kunwari’y may malubhang bagay na pinapaksa, na kapag sinusubaybayan ay nagbibiro palá o kayâ’y nagpapahayag ng mabigat na usapin sa maagang paraan. Ang kaakitakit sa teksto ng awiting-bayan ay ang paksaing bagaman palasak ay nabigyan ng kakaibáng anyo sa pamamagitan ng mga talinghagang mahiwaga bagaman pamilyar. Ikalawang Tula: “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” ni Andres Bonifacio (1862– 1897).3 Nagsasalitâ ang isang táong nananawagan sa kapuwa katutubo na mahalin ang bayang niyuyurakan ng mga Español bílang ganti sa naidulot nitóng mga kasiyahan, at pagdamay sa mga paghihirap. Dahil ang awtor ay ang Supremo ng Katipunan, at ang sakripisyo ni Bonifacio para sa bayan ay bahagi na ng ating kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Rebolusyong 1896,

105

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

inaakit agad ng mga estropa ang pagdamay ng tagapakinig o mambabasá. Pamilyar ang mga Filipino sa kasalukuyang panahon sa mga larawang ibinabâ ng kasaysayan mula sa panahon ng Unang Sigwa: ang pagpunit sa mga sedula, ang paglusob sa polvorin ng San Juan, ang pagsisikap na paghilumin ang hidwaan ng magkakasalungat na panig ng rebolusyonaryo sa Cavite, ang kabiguan sa Kumbensiyon sa Tejeros at ang pagtibay sa Supremo ng mga kapuwa Katipunero. Ang lahat ng ito ay nilagom ng eskultor na si Guillermo Tolentino sa mga pigurang nagsasalaysay ng kabayanihan ni Bonifacio sa monumento sa Kalookan, na nagpapagunita araw-araw sa pakikibaka at naging kapalaran ng Supremo. Kalangkap na rin ng mga larawan at gunita kaugnay ni Bonifacio ang mga papuri at pagdakilang itinalâ ng di-mabílang na makata mula pa noong panahon ng mga kolonyalistang Americano. Ang mga tulang gumugunita sa kabayanihan ni Bonifacio ay hindi na maihihiwalay sa tekstong inakda ng Supremo. Lumago ang tulang kinatha noong 1896 nang lumangkap dito ang mga diwa at damdaming nilaman ng nasabing mga tula. Hindi na lámang tula ito ng Supremo, dahil sa pagdaraan ng tula sa ibáibáng yugto ng kasaysayan na umungkat sa karanasang nakaloob dito, naging tula na ito ng sambayanan sa panahong lumaban ang mga Filipino sa mapagbalatkayong pananakop ng mga Americano, sa pagmamalupit ng mga Japón, sa pandarahas ng Batas Militar. Natitiyak nating sinulat ang “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” hindi upang basahin kundi upang bigkasin. Maluwag ang pagkakatuhog ng 28 estropa, at walang liwag na hugutin ang pilîng mga estropa depende kung ano ang pangangailangan ng bibigkas o ng mga tagapakinig. Nang kathain ito ng Supremo, nangibabaw marahil sa kaniyang isipan ang realidad na ang Katipunan ay binubuo ng mga mamamayang ang karamiha’y hindi marunong sumulat o bumása. At batay sa ganiyang kaalaman, humango siya sa kaniyang karanasan bílang komedyante sa Tondo ng súkat at tugmaang kinasanayan ng publiko at ng retorikang pangkomedya na puspos ng talinghagang makaaantig sa puso ng mga tagapakinig. Gaano man kabigat ang nilalamán ng tula ni Bonifacio, madalî itong basáhin o pakinggan. Bagaman mahabà ang tula, simple lámang ang bersipikasyon—apat na taludtod ay nahahati sa dalawang pares ng taludtod. Madalîng sakyan ang ritmo ng mga taludtod at ng pinagsáma-sámang estropa. Sa maikling sabi, magaanang pamamaraan ng tula na nagtatampok sa mga talinghagang hindi mahirap buksan ng nakikinig sa pagbigkas. Simple ang datíng, matindi ang bisà. Ikatlong Tula: “Bakit Kami Nagdarasal” ni Maria Luisa Torres-Reyes (1945–).4 Ang kami sa pamagat ay pagpapakilála sa isang uri, sa nakararami sa lipunan, na tumutugon sa tanong na Bakit kayo nagdarasal? Ang dasal ay panawagan ng nangangailangan, na ipinaaabot sa

106

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO

maykapangyarihang maaaring tumulong. Sa simbahan, bahagi ito ng ritwal ng pagsamba, na karaniwang may di-nababagong anyong itinakda ng herarkiyang kumukontrol sa institusyon. Bahagi ng bisà ng ritwal ay nása pag-ulit ng kilos at salitâ, na inaasahang magbubunga ng tugong biyaya. Ang limang talata ng tula ay pawang nagsisimula sa salitâng sapagkat, na inaasahang susundan ng ritwal na paliwanag. Ang paliwanag ay salungat sa inaasahan: “naubusan na / ng grasya” ang birheng dinadalanginan; ang dinadalanginan ay nagpapala / sa iilan lámang; ang Panginoong Diyos ay hinalinhan ng panginoong maylupa; ang Diyos ay naging diyos-diyosang / Americano; at ang hinihingi ay hindi sana / para nang sa langit ang búhay dito sa lupa. Mapaglaro kung hindi man mapagbiro ang tono ng tula. Ang pinaglalaruan ay mga kabalintunaan sa lipunan, na ibinunga ng kaayusang hindi nagbabago dahil pinapaniwala ang mga biktima na sagrado ang nasabing kaayusan. May pahiwatig na kontra-simbahan ang diwa ng tula, dahil ginamit nitó ang simbahan bílang batis ng mga talinghagang naglalarawan sa mga kabalintunaang pinalalabas na natural ng kumbensiyonal na relihiyon. Sa mas malawak na pagtingin, ang buong lipunang Filipino (sa kasalukuyang kaayusan nitó) ang tinutuligsa, at ang simbahan ay isa lámang simbolo ng lipunang hindi nagbabago. Magaan ang tula, simple ang pananalinghaga, kolokyal ang daloy ng pananalitâ, madalîng sundan ang paglalatag ng tema. Dahil ang sentral na talinghaga ay hinango sa popular na dasal na “Aba Ginoong Maria,” agad makikilála ang mga salitâ at pariralang hinimay (deconstruct) at binigyan ng mga implikasyong ironiko. Kaibá sa kinahiratihang dasal, ang kinakausap dito ay tao, hindi ang Diyos, dahil may pagkilála na tao ang makapagtatayô ng kaayusang magwawasto sa tiwaling kalagayan ng aming lipunan. Bahagi ng pagsalungat sa kinahiratihang dasal ang kumbersasyonal na himig. Ang tema ng tula, bagaman tinatápos ito sa kumbensiyonal na siya nawa, ay pagtutol sa umiiral na kalagayan ng nakararami sa lipunan na pinaghaharian ng iilang Filipinong sumasamba sa mga Americano (ito ang mga Filipinong nabubúhay na para nang sa langit). Para sa mga mambabasáng pamilyar sa kasaysayan ng panitikan ng mga Filipino, magugunita ang mga parodya ng mga popular na dasal ni Marcelo H. del Pilar. Sumasanib sa teksto ni Torres-Reyes ang poot na taglay ng mga tula ni Plaridel mula sa panahon ng Kilusang Propaganda. Ang ugnay na ito sa kasaysayan ay nagbibigay ng karagdagang talim sa tula, na ang tuligsa sa kontemporaneong lipunan ay patuloy na umaantig sa mga realidad na hindi pa nabubura kahit na sansiglo na ang layo nitó sa panahon ng pakikibáka sa kolonyalismong Español. Ibá ang datíng ng tulang “Bakit Kami Nagdarasal.” Ang pamilyar ay kusang sinalungat, at ang resulta ay akdang kahit walang panawagan ay humuhinging baguhin ang pamilyar. Kaibá sa tradisyonal na awiting-bayan at sa makabayang tula

107

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ni Bonifacio, ang nilalamán ng tula ni Torres-Reyes ay walang paunang pagsang-ayon ng mambabasá. Pinapag-isip nitó ang mambabasá, at umaasang sasang-ayunan ng mambabasá ang mga obserbasyon ng nagsasalitâ sa tula tungkol sa lipunang Filipino. Mapanuri, samakatwid, ang hinihinging pagbása ng tula, kayâ’t makakamtan lámang ng mambabasá ang kasiyahang dulot kung handa siyang sumabay sa panunuring hakbang-hakbang na inilatag sa anim na bahagi ng tula. Upang akitin ang mambabasá sa pagsusuri, ginawang payak ang mga salitâ at ang daloy ng mga taludtod. At masasabing nagtagumpay ang makata. Ang kaniyang tula ay káyang arukin ng nakararaming mambabasá at magaang umaalinsunod sa kahingian ng tulang politikal na may pangmasang oryentasyon. ILANG OBSERBASYON HINGGIL SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO Ang datíng ng akda ay hinuhubog ng mga salik na panlipunan ang batayan, kayâ ang mga katangiang salalayan ng estetika ng ating panitikan ay espesipiko sa ating lipunan. Kung mayroon mang katangian ang estetikang iyan na matatagpuan din sa estetika ng dayuhang panitikan, hindi iyan nangangahulugan na iisa ang estetika— ang tinatawag ng ibáng kritiko na “estetikang unibersal”—na sinasandigan ng ating panitikan at ng panitikan ng ibáng bansa. Sa pangkalahatan, masasabing may unibersal na persepsiyon na ang sining, ang masinop at malikhaing pagbubuo ng isang likha ayon sa mga batas ng pinilìng anyo na magtatanghal sa pinapaksang karanasan. Subalit dapat alalahanin na ang materyales at ang midyum ng akda, ang may-akda mismo, at ang audience na pinag-uukulan ng akda ay pawang nakapaloob sa lipunan. Kahit pa ang mga batas ng paglikha ay unibersal, at marahil, panghábang-panahon, ang likhang bunga ng paggámit ng mga batas na iyon ay nananatíling nakaugnay sa lipunang kinapapalooban ng may-akda. Pangunahin ang kultura ng Filipinas bílang puwersang tumitiyak sa datíng ng isang akda. Pinapakahulugan ang salitâng kultura bílang kabuoan ng mga pagpapahalaga, kaugalian, at pananaw sa búhay na tinanggap noon at tanggap pa rin, sa ibá’t ibáng anyo, hanggang ngayon ng mga institusyon, kapisanan, at pormasyong sosyal sa ating lipunan. Ang alinmang paksain, kahit ang (hindi mabása) ay hango sa pakikipag-ugnayan ng manlilikha sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit maisasaad nang walang pasubali na ang datíng ng akdang Filipino ay espesipiko sa ating lipunan, at ang estetikang nagtatakda ng mga pamantayan ay laging nakaugat sa konteksto ng lipunang Filipino. Ang “May Isang Bulaklak” ay akdang kasiya-siya dahil ang pangunahing pinanggalingan nitó ay kulturang nakabaón sa kalikásang siyang pangunahing pinanggagalingan ng ikinabubúhay ng mga Filipino sa kanayunan. Nakabuhol, samakatwid, ang awit sa pang-araw-araw na búhay ng nakararami, at ang

108

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO

pagsasatinig nitó ay laging kasiyá-siyáng apirmasyon ng maigting na relasyon ng tao at kalikásan, ng pag-ibig at búhay. Bahagi ng kultura ang kasaysayan ng bayan. Sa pagtalakay sa estetika, kailangang bigyan ng espesyal na diin ang bisà ng kasaysayan sa datíng ng akda. Laging nakadawit sa mga institusyon at tradisyon ang mga personalidad at mga pangyayaring itinatagubilin ng mga historyador na tandaan ng mga Filipino. Ang mga paksaing tuwirang hinango sa kasaysayan ay lumilikha para sa mambabasá ng panandaliang ugnay sa nakaraan, ugnay kung pagtitibayin sa pamamagitan ng pagmumuni at pagsasabúhay ay nagbibigay sa indibidwal ng identidad na nagkakawing sa kaniya sa kapuwa Filipinong nabúhay sa nakaraan at sa mga kababayang nakakalat sa kasalukuyan sa sangkapuluan. Dahil binibigkis ng kasaysayan ang lahat ng Filipino, ang tulang umuungkat sa mga tao at mga pangyayaring makasaysayan ay may mariing datíng kaysa sa mga tulang pumapaksa sa lantay na personal na karanasan ng indibidwal. Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” ay may malawakang pang-akit sa mambabasá o tagapakinig. Sa paglipat ng tula sa ibá-ibáng henerasyong may makasaysayang kamalayan, yumayaman ang akda ni Bonifacio dahil lumalangkap dito ang karanasan ng mga mambabasá o tagapakinig na pinukaw ng mga karanasang binigyang-anyo ng mga talinghaga ng Supremo. Kahit hindi tuwirang historikal ang paksain, tulad sa tulang “Bakit Kami Nagdarasal,” ang lakas ng datíng ay may bisà pa rin ng kasaysayan. Ang relasyong inter-tekstuwal ng tula ni Torres-Reyes sa mga parodya ni Plaridel ay halimbawa ng bisà ng kasaysayan. Ang gunita ng mapaniil na simbahang kinatawan ng mga fraile ay lalong nagpatingkad sa tema ng piyudal na paniniil sa lipunang inilarawan ni TorresReyes. Ang pagsusuri sa datíng ng mga tulang humihiwalay sa tradisyon kapuwa sa punto ng nilalamán at anyo ay problematikong nangangailangan ng masusing pagaaral at sa ibáng pagkakataón na pag-uukulan ng maluwat na panahon. Sa ngayon, sapát nang pansinin na ang pagtulang tulad sa “Bakit Kami Nagdarasal”—sa konteksto ng Filipinas kung saan ang nakararaming mamamayan ay hindi nakasubaybay sa mga pagbabago sa pagtula sa Kanluran dahil hindi silá nakaratíng sa kolehiyo o sa mataas na paaralan man lámang—ay hindi pa ganap na tinatanggap ng mga mambabasá. Para sa mga mambabasáng iyan, ang pagtula ay paggámit ng sukat at tugma at tradisyonal na talinghaga. Kasiyá-siyá na marunong bumawi ang awtor. Ginawang kawili-wili ang pagpaksa sa mga kabalintunaan ng lipunan sa pamamagitan ng payak na estruktura, kumbersasyonal na pananalitâ at tono, at mapaglarong pananalinghaga. Bílang obserbasyong magsasara sa panimulang muni sa estetika ng panitikang Filipino, mahalagang idiin na ang datíng ay walang permanenteng anyo at tindi.

109

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ang tatsulok na binubuo ng akda, ng awtor, at ng mambabasá o tagapakinig ay nagbabago kasáma ng lipunang kanilang kinapapalooban, at ang pagbabagong iyan ay nagpapabago rin ng relasyon ng tatlong sulok. Samakatwid, hindi dapat asahan na dahil nailarawan ang ilang salik ng estetika ng panitikang Filipino ay naipirme na ang datíng ng akdang Filipino. MGA TALÂ: Keywords, A Vocabulary of Culture and Society. N.Y.: Oxford University Press, 1976, mp. 27-28 2 Bulaklak ng Lahi, 500 Taon ng Tulang Tagalog. Maynila: Alberto S. Florentino, 1974, 1

p. 46 May Isang Bulaklak May isang bulaklak May isang bulaklak na ibig lumitaw Sa balat ng mundo’y ibig paibabaw Nalalanta ito Nalalanta ito sa patak ng ulan At nananariwa sa sikat ng araw. Sa gayong kalamig Sa gayong kalamig ng sa hanging simoy Buko’t sampung bungay nasisipanluoy. Nagsisipanlagas Nagsisipanlagas ang sariwang dahon Dahilan sa iyo ng di mo paglingon! 3

Almario, Virgilio S., editor. Panitikan ng Rebolusyong (1896). Maynila: Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1993, mp. 141-144 Pag-ibig sa Tinubuang Bayan Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pakdalisay at pagkadakila

110

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Ulit-ulitin mang basahin ng isip At isa-isahing talastasing pilit Ang salita’t buhay na limbag at titik Ng sangkatauhan ito’y namamasid Banal na pag-ibig! Pag-ikaw ang nukal Sa tapat na puso ng sino’t alinman, Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang, Nagiging dakila at iginagalang. Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa Bayan ng Taong may dangal sa ingat; Umawit, tumula, kumatha’t sumulat, Kalakhan din niya’y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihahandog Ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop: Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. Bakit? Alin ito na sakdal laki Na hinahandugan ng buong pagkasa? Na sa lalong mahal nakapangyayari At ginugugulan ng buhay na iwi? Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, Siya’y ina’t tangi na kinalimutan Ng kawili-wiling liwanag ng araw Na nagbibigay-init sa lunong katawan. Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap Ng simoy ng hanging nagbibigay lunas

111

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa inis na puso na sisingahap-singhap Sa balong malalim ng siphayo’t hirap. Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal Mula sa masaya’t gasong kasanggulan Hanggang sa katawa’y mapasalibingan. Ang nangakaraang panahon ng aliw, Ang inaaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin, Liban pa sa Bayan saan tatanghalin? At ang balang kahoy at ang balang sanga Ng parang n’ya’t gubat na kaaya-aya, Sukat ang makita’t sasaalaala Ang ina’t ang giliw, lumipas na saya. Tubig n’yang malinaw na anaki’y bubog, Bukal sa batisang nagkalat sa bundok, Malambot na huni ng matuling agos, Nakaaaliw sa pusong may lungkot. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala’t inaasam-asam Kundi ang makita’y lupang tinubuan. Pati ng magdusa’t sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa Bayan At lalong maghirap, O! himalang bagay, Lalong ang pag-irog pa ang sa kanya’y alay. Kung ang Bayang ito’y nasasapanganib At siya ay dapat na ipagtangkilik,

112

DATÍNG: PANIMULANG MUNI SA ESTETIKA NG PANITIKANG FILIPINO

Ang anak, asawa, magulang, kapatid Isang tawag niya’y tatalikdang pilit. Dapwat kung ang bayan ng Katagalugan Ay linapastangan at niyuyurakan Katuwiran, puri niya’t kamahalan Ng sama ng lilong taga-ibang bayan. Di gaano kaya ang paghihinagpis Ng pusong Tagalog sa puring nilait? Aling kalooban na lalong tahimik Ang di pupukawin sa paghihimagsik? Saan magbubuhat ang [paghinay-hinay] Sa paghihiganti’t gumugol ng buhay Kung wala ding iba na kasasadlakan Kundi ang lugami sa kaalipinan? Sa kaniyang anyo’y sino ang tutunghay Na di aakayon sa gawang magdamdam? Pusong naglilimpak sa pagkasukaban Ang hindi gumugol ng dugo at buhay. Mangyayari kaya na ito’y malangap Ng mga tagalog at hindi lumingap Sa naghihingalong Inang nasa yapak Na kasuklam-suklam sa kastilang hamak? Nasaan ang dangal ng mga Tagalog? Nasaan ang dugong dapat na ibuhos? Baya’y inaapi, bakit di kumilos At natitilihang ito ay mapanood? Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay Sa pag-asang lubos na kaginhawahan

113

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

At walang tinamo kundi kapaitan Hayo na’t ibigin ang naabang Bayan. Kayong natuyan na sa kapapasakit Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib, Muling pabalungi’t tunay na pag-ibig Kusang ibulalas sa Bayang piniit. Kayong nalagasan nang bunga’t bulaklak, Kahoy n’yaring buhay na nilanta’t sukat Ng bala-balaki’t makapal na hirap, Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag. Kayong mga pusong kusang [niyurakan] Ng daya at bagsik ng ganid na asal, Ngayon ay magbango’t Baya’y itangkakal, Agawin sa kuko ng mga sukaban. Kayong mga dukhang walang tanging [palad] Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap, Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

114

PAKIKIPANULUYAN: TÚNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON

PAKIKIPANULUYAN: TÚNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON NI

ERLINDA NICDAO -HENSON Sentro ng Pilipinas sa Dalubhasang Pag-aaral Unibersidad ng Pilipinas

L

ayunin ng pag-aaral na ito na bigyang-linaw ang konsepto ng panahon ng mga taga-Tiaong. Ito ay isinagawa sa pagnanais na makatulong sa pagpapayabong ng kaalaman sa Agham Panlipunan sa Filipinas. Tatalakayin kung papaano nabubuo ang konsepto ng panahon at kung ano-ano ang mga palatandaang ginagámit nilá bílang pangmarka ng panahon. Ang pag-aaral ay isinagawa sa isang maliit na baryo sa Filipinas, sa baryo ng Tiaong, Guiguinto, Bulacan. Ang Tiaong ay isa sa labing-apat na munisipyo ng Guiguinto, na may tatlong kilometro ang layo mula sa MacArthur haywey at mararating ito mula roon sa loob ng pitóng minuto sa pamamagitan ng traysikel. Ito’y isa sa pinakamalawak na baryo sa Guiguinto. Maunlad na rin ang baryong ito. Dito’y may koryente, mahusay ang pagkakagawa ng patubig, at maayos ang mga kalsada. Ayon sa talâ ng mga tauhan sa tanggapan ng Kawanihan ng Senso at Estadistika sa Malolos, ang kabuoang populasyon ng Tiaong sa taóng 1975 ay 1,434. Binubuo raw ang Tiaong ng 258 sambayanan. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Sa pagsasagawa ng pag-aaral, tumirá ang may-akda sa Tiaong nang tatlong buwan. Dito niya isinagawa ang pakikisalamuha, pakikisangkot, pagmamasid, pagtatanongtanong, at pakikipanayam sa mga pilîng tagapagbatid.

115

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

PAGTIRÁ SA LUGAR NG PAG-AARAL Panaka-naka nang dumalaw ang sumulat sa Tiaong simula noong buwan ng Oktubre 1975, hanggang sa tulúyan na siyang nanirahan sa baryong ito noong buwan ng Enero, Pebrero, at Mayo 1976. Nakitirá siya sa bahay ng kaniyang pinsan na may asawa at tatlong anak. Ang bahay nilá ay nakatayô sa may kalagitnaan ng baryo. Madalîng nararating ang ibá pang bahagi ng baryo mula dito. Dahil sa kaniyang pagtirá sa lugar ng kaniyang pag-aaral, nagkaroon din siya ng pagkakataóng matikman ang búhay rito. Nabigyang-daan din nitó ang pagpapalalim sa kaniyang pag-unawa sa mga nakatirá dito gayundin sa mga pangyayaring karaniwang nagaganap sa kanila. Nagkaroon din siya ng higit na malawak na pananaw na nakatulong nang malaki sa kaniyang pagbalangkas sa isang modelo ng panahon para sa mga taga-Tiaong. PAKIKISALAMUHA AT PAKIKISANGKOT Hábang nakatigil ang sumulat sa baryo, nakisangkot din siyá sa ilan sa mga karaniwang gawain ng mga tagarito. Halimbawa, paminsan-minsa’y nakikipagkuwentuhan siyá sa mga kababaihang tuwing umaga’y nangakaumpok at naglalaba sa harap ng posong malapit sa bahay niyang tinutuluyan; nakikipagbidahan siyá sa mga táong nakaupo at nagpapalipas-oras sa harap ng tindahan; nangangapitbahay siyá matápos mananghalian; at dumadalo siyá sa ibá’t ibáng pagtitipong idinaraos dito. Nakisalamuha siyá sa mga tagaroon at nakiisa sa ilang gawain upang pasamot-samot na makakalap ng mga impormasyong unti-unting nagpalawak sa kaniyang kaalaman ukol sa kalinangan ng mga tagaroon. Sa kaniyang pakikisangkot sa mga pangyayaring nagaganap sa baryo, nahasa rin siyá sa pakikipag-ugnayan at pakikisáma sa mga naninirahan doon. Tumalas ang kaniyang pakiramdam sa mga maliliit na bagay na nangyayari hábang nakikisangkot siyá at natutuhan niya ang mga angkop na asal sa pakikisalamuha sa ibá’t ibáng tao rito. Dahil din sa mga karanasan niyang bunga ng kaniyang pakikisangkot, lumalim ang kaniyang pag-unawa sa mga tao rito at sa takbo ng kanilang pamumuhay. PAGMAMASID Marami ring mga datos na nakalap ang sumulat sa pamamagitan ng masusi at maayos na pagmamasid. Hábang nása baryo siyá, tinalasan niya ang kaniyang mga sentido upang mamatiyagan niyang mabuti ang mga nagaganap sa kaniyang kapaligiran. Halimbawa, minanmanan niyang mabuti kung paano pinalilipas ng mga tagarito ang buong maghapon at kung ano-ano ang karaniwan niláng ginagawa sa ibá’t ibáng bahagi ng araw. Labis itong nakatulong sa pagpapalawak ng kaniyang pag-unawa sa ritmo ng pamumuhay ng mga nakatirá dito gayundin sa kanilang pagturing sa ibá’t ibáng aspekto ng panahon.

116

PAKIKIPANULUYAN: TÚNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON

PAGTATANONG-TANONG Hábang nakikisangkot at nagmamanman ang sumulat, kadalasa’y nagtatanongtanong din siyá. Napatunayan niyang mabisà itong paraan sa pagkalap ng mga datos sapagkat katutubong bahagi ito ng kalinangang Filipino at karaniwang ginagámit ng nakararami upang pasamot-samot na sumagap ng ibá’t ibáng uri ng impormasyon. Sa kaniyang pagtatanong-tanong, wala siyáng sinunod na balangkas. Bagkus, iniakma niya ang kaniyang mga tanong sa uri ng paksang sinaliksik niya at sa hinihingi ng ibá’t ibáng aspekto ng kaniyang pakikipag-ugnay. Binagobago rin niya ang estilo ng kaniyang pagtatanong-tanong ayon sa mga lantad na katangian ng tagapagbatid. Halimbawa, karaniwa’y mas magalang at marahan ang lapit niya sa mas nakatatanda kaysa sa mga nakababata. Madalas niyang ginamit ang pagtatanong-tanong upang maliwanagan siyá sa ilang kabatirang hindi niya gaanong nauunawaaan at upang mapatibayan niya ang katumpakan ng ibáng datos na nakalap na niya. PAKIKIPANAYAM SA MGA PILÎNG TAGAPAGBATID Limang katao sa mga taga-Tiaong ang totoong napakalaki ng naitulong sa sumulat sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Silá ang mga tagapabatid na matagálan at paulit-ulit na kinapanayam ng sumulat. Pinilì silá dahil sa kanilang mga katangiang kinakailangan sa masusing pagtalakay sa konsepto ng panahon. Unang-una, malawak ang kanilang kaalaman ukol sa katutubong kalinangan ng Tiaong bílang tunay at masugid na kalahok nitó. Pangalawa, malalim ang kanilang pag-unawa sa mga kaugalian at saloobin ng mga tagarito. Bunga marahil ito ng kanilang likás na pagkamapagmatiyag. Pangatlo, mahusay siláng makipag-usap at madalî niláng naisasalarawan ang nilalamán ng kanilang isipan sa pamamagitan ng mga salitâ. Pang-apat, may likás siláng hilig sa pagtalakay sa mga paksang may kalaliman ang ibig sabihin tulad ng konsepto ng panahon. Sa katunayan, minsa’y nababansagang pilosopo ang ilan sa kanila dahil sa katangian niláng ito. At hulí sa lahat, bukás ang kanilang loob sa pagtulong sa sumulat. Walang damot na ginugol nilá ang kanilang panahon sa pagsagot sa ibá’t ibáng tanong hábang kinakapanayam silá. PAANO NABUBUO ANG KONSEPTO NG PANAHON SA ISIPAN NG MGA TAGA-TIAONG Nahihiwatigan ng mga taga-Tiaong ang pagdaraan ng panahon dahil sa mga nagaganap na pangyayaring pumapasok sa kanilang kamalayan sa pamamagitan ng mga sentidong tulad ng paningin, pandinig, at panghipo. Binubuo ang mga pangyayaring ito ng 1) mga pagbabago sa kalikásan tulad ng pagbabago sa lagay ng klima, kalawakan, halaman, hayop, at tao; 2) mga pagbabago sa lagay ng lipunan mula

117

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sa mga pangyayaring sumasakop sa buong mundo; 3) mga pagbabago sa mga saloobin ng mga tao tulad ng kanilang damdamin, paniniwala, pananalig, palagay, kuro-kuro, at pagturing at pagpapahalaga sa ibá’t ibáng bagay; at 4) mga pagbabago sa mga materyal na bagay na likha ng tao tulad ng eroplano, telebisyon, orasan, at ibá pa. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring ito na nararamdaman, napapansin, namamatiyagan, at naisasaisip nilá ang siyáng nagpapahiwatig sa kanila sa pagdaraan ng panahon. Wika nga ng isang tagapagbatid, “kung walang nagaganap na pangyayari, para ring ’alang ipinagbabago ang panahon.” Ang makabuluhang pangyayaring nagaganap sa búhay nilá ang siyáng nagbabadya sa patuloy na pagdaloy ng panahon. Ang dalas ng mga pangyayari ang dahilan ng dalawang uri ng pagtingin nilá sa pagdaraan ng panahon. Halimbawa, ang mga pangyayaring minsanan lámang nagaganap sa búhay ng tao, tulad ng kapanganakan at kamatayan, ang nagiging batayan nilá sa pagsasabing linyal ang pagdaan ng panahon. Sa kabilâng dako, ang mga pangyayaring paulit-ulit na nagaganap naman, tulad ng walang-patíd na paghahalinhinan ng dilim at liwanag, pagbabago ng posisyon ng araw sa loob ng isang maghapon, at pabalik-balik na pagbabago ng hugis ng buwan ang nagsisilbing batayan nilá sa pagsasabing sikliko ang daloy ng panahon. Ang kaganapan naman ng mga pangyayari ang nagsisilbing batayan ng kapanahunan ng mga ito. Halimbawa, ang mga pangyayaring naganap na buháy pa sa gunita, alaala, at salamisim nilá ang siyáng nagiging palatandaan nilá sa pagsasabi ng panahong lumipas. Ang pangyayari namang kasalukuyang nagaganap na umaabot sa kanilang isipan, málay, pansin, at bait ang nagiging palatandaan ng panahong pangkasalukuyan. Ang mga nasasaisip niláng mga pangyayaring maaaring maganap sa darating na panahon ang siyáng bumubuo ng kanilang pananaw sa hinaharap. Ang mga pangyayari ding ito ang nagsisilbing batayan ng kanilang pag-asa, balak, adhika, pag-asam, at pagmimithi na pawang kaugnay ng kanilang nakikini-kinitang kinabukasan. Nagbabago rin sa isipan ng mga taga-Tiaong ang bilis ng pagdaan ng panahon. Minsan, sa kanilang pakiwari’y mabilis ang pagdaan nitó; minsan nama’y mabagal. Ang nasasaisip na bilis ng pagdaan nitó ay bunga lámang ng dalas ng datíng ng mga pangyayari sa isang súkat ng panahon. Halimbawa, sa palagay nilá, mabilis ang pagdaan ng panahon kapag maraming nagaganap na mga pangyayari. Dahil dito, nakakaramdam silá ng pag-aapura, pagmamadalî, pagkukumahog, at paghahabol. Sa kabilâng dako, kapag madalang ang datíng ng mga pangyayari o kapag kaunti lámang ang mga makabuluhang pangyayaring nagaganap sa isang sukat ng panahon, nagiging mabagal ang pagdaan ng panahon sa isipan nilá. Dahil dito, kadalasa’y inaábot silá ng pagkainip, pagkabagot, at pagkainis. Halimbawa, sa palagay ng ibáng tagapagbatid,

118

PAKIKIPANULUYAN: TÚNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON

para daw mas mabilis ang takbo ng panahon ngayon kaysa noong araw. Ngayon daw ay puwede nang magtanim ng palay nang dalawang beses sa loob ng isang taón samantálang noong araw ay minsanan lang ang pagtatanim nitó. Mas marami din daw ang ginagawa o pinag-uukulan ng pansin ng mga tao ngayon kayâ’t para ding mas mabilis ang takbo ng panahon para sa kanila. Ang nasasaisip niláng bilis ng pagdaan ng panahon ay batay rin sa katangian ng pangyayaring inaasahan niláng darating. Halimbawa, kapag mayroon siláng inaasam na pangyayari, karaniwang naiisip niláng parang mabagal ang pagdaan ng panahon dahil sa kanilang pananabik. Kapag inaayawan naman nilá ito, nababalino silá dahil sa palapit nang palapit ang pangyayaring gusto niláng iwasan. Bunga nitó, parang nagiging mabilis ang takbo ng panahon sa kanilang palagay. Ginagámit din nilá ang mga pangyayari sa pagmarka at pagsukat sa panahon. Sa katunayan, ang tagal ng panahon ay batay sa agwat ng mga pangyayari, hinihinuha nilá na sandali lámang ang lumilipas na panahon. Sa kabilâng bandá naman, kapag malaki ang agwat ng mga makabuluhang pangyayari, nagiging matagal din ang katanungang sukat ng panahon. Maaari din namang tukuyin ng tagal ang lumipas na panahon mula sa simula ng pagkakaganap ng pangyayari hanggang sa buong kaganapan nitó. Sa ganitong pagkakataon, maaari ding ituring ang simula ng pagkaganap at ang buong kaganapan ng isang pangyayaring A bílang dalawang pangyayari ding A1 at A2. Iniuuri din nilá ang panahon batay sa ibá’t ibáng pangyayaring nagsisilbing palatandaan nitó. Maaari niláng uriin itong positibo kapag ang mga pangyayaring kaangkop nitó ay positibo rin ayon sa kanilang pagtingin. Halimbawa, maaari niláng sabihing maganda, mabuti, o magaan ang panahon dahil sa kanilang nararamdamang sayá, ligaya, tuwa, galak, at lugod. Ang kanilang mga nararamdamang ito ay bunga naman ng mga positibong pangyayari tulad ng masaganang ani, kapayapaan sa lipunan, paggalíng ng maysakit, at ibá pa. Sa ganito ring paraan, maaari niláng masabing pangit, masamâ, o mabigat ang panahon dahil sa mga negatibong pangyayaring nagaganap tulad ng bagyo, sakít, salot, kamatayan, at ibá pa na naghahatid sa kanila ng mga dikaaya-ayang damdamin tulad ng lumbay, lungkot, dalamhati, pighati, hapis, at ibá pa. Mayroon ding paekis-ekis na pagkakaugnay sa konsepto ng panahon. Halimbawa, ang dalas ng datíng ng mga pangyayari at agwat ng mga pangyayari ay kapuwa maaaring magbigay-bunga sa nararamdamang pag-aapura, pagmamadalî, pagkukumahog, pagkainip, o pagkabagot. Ang dalas ng datíng ng mga pangyayari at katangian ng mga pangyayari naman ay kapuwa nagsisilbing dahilan ng pagsasabi ng bilis ng pagdaan ng panahon. Ginagámit ding batayan ang katangian ng mga pangyayari at uri ng mga pangyayari sa pagsasabi ng uri ng panahon. Kapag mabilis ang pagdaan ng panahon, nagiging sandalî lámang ang agwat ng mga pangyayari samantálang kapag mabagal ang pagdaan ng panahon, lumalabas na matagal din ang agwat ng mga pangyayari.

119

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa bahaging ito ay ipakikita ang nasasaloob ng mga taga-Tiaong sa konsepto ng panahon, ng mga paniniwala at palagay ng mga taga-Tiaong ukol sa konseptong ito, gayundin ang kanilang pagpapahalaga at pagturing dito. HINDI TAHASANG MAPANGHAWAKAN ANG PANAHON Para sa mga taga-Tiaong, hindi tahasang mapanghahawakan ang konsepto ng panahon. Hindi ito tuwirang nadarama sa pamamagitan ng mga sentidong karaniwang ginagámit tulad ng pandinig, paningin, at panghipo. Ayon nga sa isang tagapagbatid, walang iniwan ito sa salitâng Diyos o Bathala na bagaman hindi maaaring kagyat na damhin sa pamamagitan ng mga sentido ay nabubuo pa rin sa isipan sa pamamagitan ng mga bagay-bagay na nagbibigay-tanda o nagpapatunay sa katotohanan nitó. Nalalaman lámang ang panahon sa pamamagitan ng mga pangyayaring nagsisilbing palatandaan ng pagdaan nitó. Ayon naman sa isa pang tagapagbatid, maaari itong ihalintulad sa isang kariton ng samot-samot ang laman. Taglay nitó ang lahat ng klase ng pangyayari tulad ng karalitaan, kariwasaan, bagyo, lindol, pagsikat ng araw, at ibá pa. Hábang nagdaraan ito, kaakibat nitó ang mga nasabing mga pangyayari. Nalalaman lámang ng tao na nagdaraan ito dahil sa mga pangyayaring nagaganap. Kung walang mga pangyayaring namamatiyagan ang tao, hindi rin nilá mahihiwatigang nagdaraan ang panahon. TAMBALAN ANG DAAN NG PANAHON Maaari ding sabihing tambalan ang pagdaloy ng panahon batay sa mga pangyayaring paulit-ulit at pirmihang nagaganap sa sansinukob. Nakaayos ang datíng ng mga pangyayari kayâ’t madalîng masabi kung paano nagkakasunod-sunod ang mga ito. Maaaring ihambing ang panahon sa klima: may panahong mainit at may panahong malamig. Maaari din namang ihambing sa isang batis na kung minsa’y malakas ang agos at kung minsan nama’y mahina batay sa daloy ng tubig na nanggagáling sa bundok. Katulad din ito ng alon sa dagat na kung minsa’y mataas at kung minsan nama’y mababà. Nangingibabaw sa kanilang pagturing sa ibá’t ibáng aspekto ng panahon ang prinsipyo ng magkasalungat ng tambalan. Halimbawa, sa búhay ng tao, may panahon ng hirap at may panahon din naman ng ginhawa. Papalit-palit lang iyan at sa tuwi-tuwina’y bahagi niyan ang magkakatambal ngunit magkakasalungat na aspekto ng panahon: hirap/ ginhawa, mabuti/masamâ, mabigat/magaan, araw/gabi, at ibá pa. PASULÓNG ANG DAAN NG PANAHON Maaari ding sabihing dumadaloy ang panahon sa iisang direksiyon lámang at palagian pasulóng ito. Para itong isang batis na umaagos patúngo sa isang dako lámang at hindi maaaring umagos pabalik. May katugmang bahagi sa panahon ang

120

PAKIKIPANULUYAN: TÚNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON

lahat ng nangyayari sa búhay ng tao. Ang mga nangyari na ay hindi na maaaring ibalik pa. Maaalala na lámang ang mga ito ngunit hindi na maaaring muling damhin dahil bahagi na ng panahong lumipas. PASULÓNG NA PAIKID ANG DALOY NG PANAHON Sa isang bandá, ayon pa rin sa ibang tagapagbatid, bagaman paulit-ulit ang mga ibáng pangyayari, hindi rin nagbabalik at umuulit ang panahon. Paráting pasulóng ang takbo nitó. Ang panahong nakalipas ay nakaraan na at hindi na maaaring ibalik pa. Pinagsáma sa pagtinging ito ang nabanggit na pasulóng at sikliko nang katangian ng panahon: Pasulóng dahil sa isang direksiyon lámang ang takbo ng panahon, sikliko dahil kinikilála rin ang mga paulit-ulit na pangyayari na nagsisilbing palatandaan ng panahon. Maliliwanagan ito kung ihahambing ang panahon sa isang gulóng. Kapansin-pansin na sa patuloy na pag-ikot ng gulong, paulit-ulit na nagpapalit ng posisyon ang bawat bahagi nitó: kung minsa’y nása itaaas at kung minsan nama’y nása ibabâ. Gayunman, hindi umiikot ang gulóng ng panahon sa iisang lugar lámang—sa bawat ikot nitó ay may kasámang pagsúlong. Hindi rin ito maaaring umikot pabalik. May katugma ang bahagi sa gulóng ng panahon ang mga paulit-ulit na pangyayari na siyá ring nagsisilbing palatandaan ng panahon. Halimbawa, ang mga pagbabago sa posisyon ng araw sa langit ang katugma ng ibá’t ibáng bahagi ng isang maghapon. Ngunit sa patuloy na pag-ikot ng gulóng ng panahon, bagaman paulit-ulit ang magkakasunodsunod na pagbabago sa posisyon ng araw, hindi pareho ang mga pangyayaring dala ng bawat bahagi ng maghapon. Ayon nga sa isang tagapagbatid, “Hindi lahat ng ikit ng gulóng sa lupa ay may taglay na lupa—may ikit na madikit man sa lupa ay wala.” Kung tutuusin, maaari ding ihambing ang panahon sa barena dahil pareho itong maaaring uminog. Ngunit umiinog nang pabalik ang barena samantálang hindi maaaring mangyari ito sa panahon. Sa pinagsali-saling lahi ng tao, ni minsa’y hindi nangyaring bumalik ang panahon. HINDI NASASAKLAW NG KAPANGYARIHAN NG TAO ANG PANAHON Ayon sa mga taga-Tiaong, hindi nilá nasasaklawan ang panahon. Patuloy na dumaraan ito nang walang nagpapatakbo. Hindi nilá maaaring pahintuin o pabalikin ito. Anuman ang gawin nilá, susúlong at susúlong din ito. Hindi rin nilá maaaring pakialaman ang mga taglay nitóng pangyayari. Gayunman, maaari siláng makiagapay sa takbo nitó. Maaari niláng pag-aralan ang datíng ng mga pangyayari at itaón ang mga gawain sa mga ito. Halimbawa, napapansin nilá na mas nagbubunga ng mainam ang mga halaman kapag itatanim nilá sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre. Dahil dito, kadalasa’y itinataón nilá ang kanilang paghahalaman sa mga buwang ito.

121

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa pamamagitan ng masusing pagmamanman sa mga palagiang datíng ng panahon at pakikiagapay dito sa halip na pagkontra dito, mas malaki ang kanilang nagiging pakinabang sa kanilang pawis at págod. MAY KAPANAHUNAN ANG BAWAT PANGYAYARI Naniniwala pa rin ang mga taga-Tiaong na ang bawat pangyayari ay may katapat na wastong panahon. Kung hindi pa napapanahon, hindi magaganap ang mga pangyayari. Kapag nangyari ang isang bagay, ibig sabihin, napapanahon na kayâ naganap ito. Malimit na ginagámit ang paniniwalang ito sa pagpapaliwanag ng ibá’t ibáng pangyayaring nagaganap sa búhay ng tao. Halimbawa, kapag may namatay, ang karaniwang paliwanag ay namatay siyá dahil oras na niya. Kapag mayroon namang ikinasal, kadalasa’y sinasabing nangyari ito dahil napapanahon na upang silá ay mag-asawa. Kaugnay din nitó ang paniniwala nilá sa suwerte o datíng ng kapalaran. Ayon nga sa mga tagapagbatid, “Ang kapalaran, di man hanapin, dudulog, lalapit kung sadyang akin.” Wika naman ng ibá, “Ang bagoong takpan man, pagdatíng ng takdang araw ay sadyang aalingasaw.” Kasangkot sa mga salawikaing ito ang paniniwalang may nakatakdang kapalaran ang tao at nakaguhit ito sa tadhana. Halimbawa, ang karamihan sa kanila ay naniniwala na mayroong nararapat na mga araw sa paglutas ng mga suliranin sa pusò, pamumuhunan sa negosyo, pagtatanim ng palay, at ibá pa. Sa katunayan, malaki ang pananalig ng karamihan, lalong-lalo na ang mga magsasaka rito, sa mga nilalaman ng Kalendariong Tagalog ni Don Honorio Lopez. Hinuhulaan sa kalendaryong ito ang lagay ng panahon sa mga darating na araw, mga mapapalad na araw sa kanilang kapanganakan, at ang kahihinatnan ng Republika ng Pilipinas at ng daigdig sa darating na taón. Ayon sa mga tagapagbatid, segurado at di-pumapalya ang kalendaryong ito. ANG KINABUKASAN AY NAHUHUBOG NG TAO Naniniwala ang mga taga-Tiaong na nakatutulong silá sa paghubog sa kinabukasan. Inaasahan nilá na sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagsasakatuparan sa mga dapat niláng asikasuhin sa kasalukuyan, makakamtan nilá ang magandang kinabukasan, gayunman, kung sakaling hindi pa rin umiigi ang kanilang búhay kahit na ibinubuhos na nilá ang lahat ng kanilang makakáya, nagkikibit na lámang silá ng balikat at sinasabing talagang hindi pa silá nakatakdang suwertehin. Nakapaloob ang kanilang pagtinging ito sa kanilang salawikaing “Kung di ukol ay di bubukol.” Ang paniniwalang may tungkulin ding dapat gampanan ang tao sa paghubog sa kaniyang kinabukasan ay nakapailalim naman sa isa pang salawikaing karaniwan ding ginagámit dito: “Kapag may isinuksok ay may madudukot.” Ang ibig sabihin nitó, kahit na nakatakdang pagpalain ang isang tao sa hinaharap, kapag hindi niya ginampanan ang kaniyang tungkulin, hindi rin niya makakamit ang suwerteng nakalaan sa kaniya.

122

PAKIKIPANULUYAN: TÚNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON

ANG PANAHON AY MAGBABAGO Malaki ang pagpapahalaga sa panahon ng mga taga-Tiaong. Kaugnay ito marahil ng kanilang mga paniniwalang (1) parating pasulóng ang takbo ng panahon at (2) may takdang panahon ang kaganapan ng kanilang tungkulin, gayundin ang kaganapan ng bawat pangyayari. Samakatwid, sa kanilang pag-iisip, dapat niláng gampanan ang kanilang tungkulin sa takdang panahon dahil wika nga ng isang tagapagbatid, “Munti man ay malaki kung sa panahon ay nangyari.” Samantala, kung gagawin nilá ito nang hindi husto sa panahon, mababalewala lámang ang kanilang pawis at págod. Ayon nga sa kanilang mga salawikain: Ang mahulí sa sadsaran, balîng sagwan ang daratnan. Pagkagaling-galing man at hulí, ay wala ring mangyayari. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. Ipinahihiwatig sa mga salawikaing ito na hindi maibabalik ang panahong lumipas. Inihahayag din na kapag nakaligtaang gawin ng tao ang isang bagay sa takdang panahon, ito’y isang kamalian na hindi na niya maiwawasto. Hindi maaaring ipunin, utangin, o ilipat ang panahon sapagkat sa bawat bahagi nitó ay may nakatakda nang pangyayaring magaganap. MGA PANANDA SA PANAHON Karaniwang nasasabi nilá kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagbanggit sa ibá pang pangyayari. Halimbawa, nang tanungin ang isang tagapagbatid kung kailan nakabitan ng koryente ang baryo ng Tiaong, ang sagot niya ay “noong umupo ang itay ko bílang kapitan del baryo.” Nang tanungin naman kung kailan silá luluwas ng Maynila, ang sagot naman niya ay “kapag nakatápos na sa pakikigapas si Boy.” Bagaman pamilyar na ang mga tagaTiaong sa mga kalendaryo, orasán, at ibá pang makabagong panukat ng panahon, mas ginagámit pa rin bílang batayan ang mga natural na pangyayaring nagaganap sa kanilang kapaligiran. Ibá’t ibáng mga pagbabago sa kalikásan ang ginagámit niláng batayan sa pagmamarka ng panahon. Ang mga ito ay ang mga namamatiyagan niláng pagbabago sa kalagayan ng kalangitan, klima, halaman, hayop, at tao.

123

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA PAGBABAGO SA LAGAY NG KALANGITAN Ang araw, buwan, mga bituin, dilim, at liwanag ang mga importanteng bahagi ng kalawakan. Karaniwan niláng ginagámit ang mga ito sa pagsasabi ng panahon. Ang posisyon ng araw, ang taglay nitóng init at ang kaagapay nitóng liwanag ang nagsisilbing batayan sa pagmarka sa ibá’t ibáng bahagi ng araw. Nakalahad sa ilalim kung paano naisasaayos sa kanilang isipan ang mga makabuluhang bahagi ng isang araw. Talahanayan 1. Mga Makabuluhang Bahagi ng Isang Araw ayon sa mga Taga-Tiaong Makabuluhang Bahagi ng Isang Araw

Pangunahing Katangian

Madaling-araw

Nag-aagaw ang dilim at liwanag

Bukang-liwayway

Ngumingiti na ang araw; may sinag o silahis at namumula-mula na ang kulay ng langit

Umaga

Pumutok na ang araw; sumisikat na ito; umaangat o tumataas na ito

Katanghalian

Tirik na ang araw; nakatapat na ito sa ulo

Hapon

Unti-unti nang kumikiling o lumulubog ang araw

Dapithapon

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag

Takipsilim

Nakalálamang na ang dilim; bahagya na lámang nababanaagan ang tao

Gabi

Lubog na ang araw; madilim na

Hatinggabi

Kalaliman ng gabi; kagat na kagat na ang dilim

Ginagámit din nilá ang mga anino nilá at anino ng ibá’t ibáng bagay sa pagsasabi ng panahon. Ang mga posisyon ng anino ay batay naman sa ibá’t ibáng posisyon ng araw. Ang hubog ng buwan ay ginagámit bílang palatandaan ng panahon. Halimbawa, sinasabi niláng gagawin o idaraos ang isang bagay (tulad ng kasalan at binyagan) sa kabilugan ng buwan. Nagsasabi rin ng panahon ang mga bituin sa langit. Hindi lumalabas ang bituing ito kapag tag-ulan. Nagpapakita lámang ang mga ito kapag tag-araw. Apat na konstelasyon ng mga bituin ang tinatandaan nilá kapag gabi na. Ang mga ito ay ang Arka ni Nowe, ang Tatlong Marya, ang Krus na Bituin, at ang Talàng Batugan. Binubuo ng pitóng bituin at hubog arko ang konstelasyong Arka ni Nowe. Nakahapay itong pakanan (túngo sa silangan) kapag bago pa lámang lumalalim ang gabi at humahapay ito sa kaliwa (túngo sa kanluran) kapag malapit nang magumaga. Apat na bituin na nakaayos na pakrus ang bumubuo sa konstelasyong Krus na Bituin. Sumisíkat ito sa gawing timog pagkagat ng dilim. Kapag bago pa

124

PAKIKIPANULUYAN: TÚNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON

lámang pumapasok ang gabi, nakahapay ito sa gawing kaliwa (kanluran). Kapag hatinggabi na, nakatayô ito at kapag mag-uumaga na ay nakahapay ito sa bandáng kanan (silangan). Ang Tatlong Marya ay binubuo naman ng tatlong bituing sumisíkat sa gawing silangan kapag kagat na ang gabi. Unti-unti itong lumalakad papuntang kanluran hábang lumalalim ang gabi. Sumisíkat naman ang Talàng Batugan kapag mag-uumaga na sa bandáng silangan. Madalîng makita ito dahil maningning ang síkat. MGA PAGBABAGONG MAY KAUGNAY SA MGA HAYOP May oras ang pagtilaok ng mga katyaw (isang uri ng manok). Karaniwang tumitilaok ang mga ito kapag palalim na ang gabi at kapag mag-uumaga na. Kapag takipsilim naman, mapapansin ding humahápon na ang mga manok na naglipana sa bakuran. Pagkagat ng dilim, lahat ng mga manok ay nananahimik na sa kani-kanilang pinaghahapunan tulad ng mga sanga ng punò at silong ng bahay. MGA PAGBABAGONG MAY KAUGNAYAN SA MGA HALAMAN Dahil sa ang mangga at palay ang pinanggagalingan ng kanilang kabuhayan, malimit niláng ginagámit na batayan ito sa pagmamarka ng panahon. Halimbawa, minamatiyagan niláng mabuti ang pagbubuntos, paglalaman, o pagmamalagatas ng palay; ng pagsapaw, pagkapanganak, o paglabas ng uhay nitó; at ang pamumula o pagkahinog nitó. Ang mga pagbabagong ito ay malilinaw na nakaukit sa kanilang mga isipan at ginagámit niláng batayan sa pagsasabi kung kailan naganap, nagaganap, at magaganap ang ibá pang pangyayari. Ang mangga at ang mga pagbabago nitó ay minamatiyagan din. Halimbawa, naringgan ng may-akda si Tata Simo na dumating ang mga namamakyaw ng mga punò ng manggang pinauusukan niya noong namumulaklak na ang mga ito. Karaniwan na ring ginagámit doon ang pariralang panahon ng mangga sa pagtukoy sa panahong dagsa ang mga mangga, pinipitas, at ineempake ang mga ito upang ipagbili. MGA PAGBABAGO SA LAGAY NG KLIMA Ang paghati sa isang taón ay sa lagay ng klima. Ang tag-araw, tag-ulan, tag-init, at taglamig ang mga makabuluhang bahagi ng isang taón para sa mga taga-Tiaong. Ang tag-init at tag-araw ay nasasakop ng mga buwan ng Marso hanggang Hunyo. Kapag ganitong panahon, karaniwang natutuyuan ang kanilang patubig. Ang tagulan ay tumutukoy sa panahon na madalas na inuulan tulad ng mga buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre. Sa mga buwang ito, tumataas ang tubig ng kanal sa patubig. Ang taglamig naman ay panahong matindi ang lamig kapag gabi tulad ng mga buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.

125

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA PAGBABAGO SA LAGAY NG TAO Nagiging batayan din ng mga taga-Tiaong sa pagsasabi ng panahon ang mga pagbabagong nararamdaman nilá sa kanilang sarili. Halimbawa, bukambibig ng karamihan sa mga matatandang nagkukuwento ng kanilang mga kasaysayan sa búhay ang pariralang noong kalakasan ko pa, nang tanungin kung anong oras humihinto sa pagtatrabaho sa bukid ang mga magsasaka, ang sagot ng isa ay kapag gutóm na silá, oras na ng pagtigil sa pagtatrabaho. Ang nararamdaman niláng pagbabago sa kanilang katawan tulad ng págod, pagkalam ng sikmura, at panghihina ay mahalaga sa pagmarka ng panahon. MGA PAGBABAGO SA KALAGAYAN NG LIPUNAN Nagsisilbi ring pananda ng panahon ang ibá’t ibáng mga pangyayaring nagaganap sa lipunan mula sa kanilang pamilya hanggang sa nasasakupan ng buong mundo. Makikita mo sa mga pariralang karaniwan nang maririnig sa kanila tulad ng noong umupo si Marcos, noong pagdating ng mga Americano, sa darating na pista, at ibá pa. Ang pagmamarka sa panahon ay sa pamamagitan ng mga pangyayaring makabuluhan at nangingibabaw sa kanilang isipan. MGA PAGBABAGO SA SALOOBIN AT UGALI NG MGA TAO Masasabi na ibá na at moderno ang panahon ngayon dahil sa kapansin-pansing kaibahan ng pag-iisip at asal ng mga tao ngayon kaysa noong araw. Mas marami ngayon sa mga tao sa mundo ang hindi gaanong sumasampalataya sa Diyos. Mas matayog na ang karunungan ng tao dahil sa mas marami nang nalalakbayan ang isipan niya. Mas malakas na ang loob ngayon ng mga babaeng magsuot ng ibá’t ibáng klase ng damit, at ibá pa. Makikitang batay ang sinasabi niláng modernong panahon sa mga napapansin niláng ipinagbabago ng mga paniniwala, palagay, pagturing, at kaugalian ng mga tao sa mundo mula sa panahon nilá hanggang sa kasalukuyan. MGA PAGBABAGO SA MGA MATERYAL NA BAGAY NA LIKHA NG TAO Sa pagdaraan ng panahon, patuloy din sa pagsulong ang mundo. Kasáma na sa pagsulong na ito ang pag-iimbento ng ibá’t ibáng bagay na nagpapatunay sa kapangyarihan ng isipan ng tao. Sa panahong ito, pati buwan ay nararating na ng mga tao dahil sa naimbentong rocketship samantálang noong panahon nilá, ang buwan ay binabanggit-banggit lámang nilá sa mabulaklak na pananalitâ (tulad ng “susungkitin ko ang buwan,” “saksi ko ang buwan,” at ibá pa.) Ngayon, kahit tag-ulan at walang mga bituin, masasabi pa rin ang oras sa gabi sa pamamagitan ng orasán. Pati mga pangyayari sa ibáng mga bayan ay nalalaman na ng ordinaryong tao ngayon sa pamamagitan ng radyo, telebisyon, mga pahayagan,

126

PAKIKIPANULUYAN: TÚNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON

at malaganap na pagkakabit ng koryente. Maging ang baryo nilá ay nakabitan na nitó. Noong araw, ang pagdaan ng tren ang ginagámit niláng basehan sa pagsasabi ng oras. Ngayong hindi na nagdaraan ang tren sa daang bakal na bumabagtas sa baryo nilá, pumalit naman ang mga eroplanong walang palya na dumaraan sa tuwing ikaanim, ikasampu at ikalabing-isa ng gabi. Noong araw, ang mga kalabaw lang ang ginagámit sa paglilinang ng lupa bago punlaan. Ngayon, gumagámit na rin sa Tiaong ng makabagong traktora sa paglilinang ng lupa. Noong araw din, karaniwan sa mga bahay doon ay mga kubong yari sa sawali at nipa. Sa kasalukuyan, may mangilanngilan na ring kongkretong bahay ang matatagpuan doon. Inaamin na hindi pa sapat ang isinasagawang pagsisiyasat sa konsepto ng panahon ng mga Filipino. Unang-una, sa isang maliit na baryo lámang ng Bulacan isinasagawa ang pag-aaral kayâ’t hindi masasabing angkop sa lahat ng mga Filipino ang kinalabasan nitó. Pangalawa, kung may panahon din lámang at laang gugugulin, mainam ang gumawa ng mas malaking pagsusuri sa ibáng mga aspekto ng panahon na nabanggit din ngunit hindi nabigyan ng sapat na pagsusuri sa pag-aaral na ito. Tinangkang ipakita ang kabuoan ng nasasakop ng konsepto ng panahon sa isipan ng mga taga-Tiaong. Dahil dito, hindi nagkaroon ng pagkakataóng suriin at talakayin ang mga detalye ng bawat aspekto nitó. Inaasahan na lámang na sa hinaharap, magkaroon ng patuloy na interes sa konsepto ng panahon ng mga Filipino nang sa gayon, mapupunan sa pamamagitan ng ibá pang pagsisiyasat ang anumang kakulangan ng kasalukuyang pag-aaral.

127

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN NI

MIRA ALEXIS P. OFRENEO CRISTINA JAYME MONTIEL Pamantasang Ateneo de Manila

N

akatuon ang pag-aaral na ito sa intimeyt na karahasan sa relasyon ng may magkatulad na kasarian, at kinikilálang sinlalâ at sintalamak ng karahasan sa heteroseksuwal na relasyon ang karahasan sa homoseksuwal na relasyon. Ang teorya ng pagpoposisyon bílang relasyonal na lápit ay ginamit bílang panghalili sa dominanteng indibidwal at estruktural na salaysay. Tinitingnan ang intimeyt na karahasan bílang produkto ng pagtatalaga ng mga karapatan at tungkulin o pagpoposisyon sa mga paguusap ng mga magkarelasyon. Dalawang pares ng magkarelasyong bakla at dalawang pares ng magkarelasyong lesbiyana ang kinapanayam. Nakakita ng pangunahing diskursibong padron mula sa 25 salaysay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pisikal na karahasan. Nangyayari lámang ang karahasan pagkatápos ihayag ng nagpasimula ng karahasan na inosente siyá o na hindi siyá ang dapat sisihin, at ibintang ang kasalanan o ibato ang sisi sa tumatanggap ng karahasan. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay tinatalakay ayon sa kaugnayan nitó sa diskursibong produksiyon ng kapangyarihan at karahasan.

128

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

PANIMULA Sa mga nakaraang dekada, kinilála ng mga kilusang pangkababaihan ang domestikong karahasan bílang panlipunang isyu at ipinakahulugan ito bílang krimen laban sa mga babae (Merrill, 1996). Tinitingnan sa feministang pagsusuri ang domestikong karahasan bílang tendensiya sa pag-uugali ng mga lalaki, na mahalaga sa patriyarka o sa paghahari ng mga lalaki sa lipunan (Milner, 2004). Bagaman sentral ang pagsusuring ito sa kung paano tiningnan ng mga kilusang pangkababaihan ang domestikong karahasan bílang karahasan laban sa mga babae, kinilála lámang nitó ang heteroseksuwal na karahasang lalaki-sa-babae at naisantabi ang kaugnay na isyu ng pang-aabuso sa loob ng homoseksuwal na relasyon, gayundin sa karahasang babaesa-lalaki (Grauwiler & Mills, 2004). Nakatuon ang pag-aaral na ito sa panlipunang suliraning hindi gaanong napapansin, ang intimeyt na karahasan sa relasyon ng may magkatulad na kasarian. SIKOLOHIKAL AT SOSYOLOHIKAL NA SALAYSAY NG INTIMEYT NA KARAHASAN SA HOMOSEKSUWAL NA RELASYON Ipinakikíta ng mangilan-ngilang pag-aaral na sumuri sa paglaganap ng intimeyt na karahasan sa homoseksuwal na relasyon na ito ay sinlalâ at sintalamak ng karahasan sa heteroseksuwal na relasyon (Merrill, 1998; Renzetti, 1998; Seelau, Seelau, & Poorman, 2003; Turell, 2000). Sa heteroseksistang paradigmang nagpapalagay na nangyayari lámang ang domestikong karahasan sa konteksto ng heteroseksuwal na relasyon, ang mga lápit sa pag-unawa sa intimeyt na karahasan sa homoseksuwal na relasyon ay mula sa pag-aaral ng heteroseksuwal na domestikong karahasan (Johnson & Ferraro, 2000; Potoczniak, Mourot, Crosbie-Burnett, & Potoczniak, 2003). Dalawa ang pangunahing paliwanag sa karahasang ito: (i) ang sikolohiko, o indibidwal, na mga lápit na nakatuon sa mga sikolohikong salik, pangunahin ang anormalidad o mga karamdaman sa personalidad, karanasan sa karahasan noong kabataan, at pag-abuso sa droga at alak; at (ii) ang sosyolohiko, o estruktural, na mga salaysay na nakaugat sa di-pantay na ugnayan ng kapangyarihang pangkasarian (Abrahams, 2001; Johnson & Ferraro, 2000; Mankowski, Haaken, & Silvergleid, 2002; Milner, 2004; Walker, 1999). Bagaman napatunayang naipaliliwanag ng mga sikolohikong baryabol ang maliit na bahagi ng mga kaso ng domestikong karahasan sa mga homoseksuwal na relasyon, ang ilan ay nagpapakita ng nagtutunggalian at nagsasalungatang resulta (Abrahams, 2001; Johnson & Ferraro, 2000; Mankowski et al., 2002; Renzetti, 1997), ang sosyolohikong pananaw, na may korelasyon ang tradisyonal na pagganap ng kasarian sa homoseksuwal na relasyon, ay hindi nasusuportahan ng mga empirikong ebidensiya (Grauwiler & Mills, 2004; Johnson & Ferraro, 2000; Merrill, 1998; Milner, 2004; Potoczniak et al., 2003; Renzetti, 1998).

129

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Kayâ naman lumalabas na hindi akma ang gendered na estruktural na paliwanag sa pagsusuri ng agresyon sa mga homoseksuwal na relasyon. RELASYONAL NA PANANAW SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA HOMOSEKSUWAL NA RELASYON Dahil sa kakulangan ng mga indibidwal na salaysay bílang paliwanag sa intimeyt na karahasan sa homoseksuwal na relasyon at kawalan ng silbi ng mga estruktural na salaysay sa konteksto ng ganitong relasyon, kailangan ng alternatibong lapit sa pagsusuri nitó. May potensiyal ang mga salaysay ukol sa relasyon sa pagpapaliwanag ng karahasan sa mga homoseksuwal na relasyon batay sa palagay na lahat ng intimeyt na relasyon ay may nakakubling dinamikong makatutulong sa pagpapaliwanag ng karahasan (Grauwiler & Mills, 2004). Nakaayon ang lapit na ito sa paradigmang social constructionist na sumusuri sa kung paanong ang pag-uugali ng tao ay produkto ng mga prosesong mikrososyal o mga proseso ng mga relasyon (Gergen, 2001, 2003). Ang mga naunang pag-aaral na gumámit ng relasyonal na lapit sa pagsusuri ng heteroseksuwal na domestikong karahasan ay nagtuon sa mga baryabol ng relasyon, padron ng komunikasyon, at mga kultural na iskrip. Tinitingnan ng mga pananaliksik sa interpersonal na komunikasyon ang pisikal na karahasan bílang komunikatibong akto, bílang aksiyong nagdudulot ng pagtamo ng mga hangarin, bílang estratehiya sa negosasyon sa tunggalian, at bílang bahagi ng pagganap sa mga tunggalian ng magasawa (Lloyd, 1999). Sa isang halimbawa, nakita ang padrong “ang asawang lalaki ay umaatras at ang asawang babae ay nanghihingi” sa mga mag-asawa (Babcock,Waltz, Jacobson, & Gottman, 1993). Sinuri na ng mga social constructionist na lapit ang intimeyt na karahasan bílang nilikhang emosyonal na ekspresyon na nakaangkla sa isang set ng kultural na iskrip; halimbawa, ang lalaki bílang mandirigma ng kasarian at ang babae bílang tagapamahala ng relasyon (Eisikovits & Buchbinder, 2000). Ngunit ang mga relasyonal na salaysay ng heteroseksuwal na domestikong karahasan ay gumagámit ng gendered na mga estruktural na salaysay; o inter-aksiyon o padron ng komunikasyon sa pagitan ng marahas na magkarelasyon ay iniuugnay sa mga pagganap ng kasarian (gender roles). Ngunit sa homoseksuwal na relasyon, hindi lámang ibá-ibá ang papel na ginagampanan ng magkarelasyon, hindi rin kasinghalata ang mga ito (Marrujo & Kreger, 1996; Peplau, 1993; Renzetti, 1998). Kahit sa mga relasyong butch-femme, hindi laging ang butch (gumaganap na lalaki) ang gumagawa ng karahasan, hindi rin laging ang femme (gumaganap na babae) ang biktima (Potoczniak et al., 2003). Ang pangangailangan sa relasyonal na lapit na sumisipat sa karahasang lampas sa tradisyonal na pagganap ng kasarian ay tinutugunan ng teorya ng pagpoposisyon.

130

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

ANG PAGPOPOSISYON BÍLANG TEORETIKONG FREYMWORK Sa social constructionist na paradigma, ang teorya ng pagpoposisyon ay konseptuwal at metodolohikong kasangkapang ginagámit sa pag-aaral kung paano nalilikha ang sikolohikong penomena sa mga sosyal na relasyon o inter-aksiyon (Harré & van Langenhove, 1999). Ang teoryang ito ay nakaugat sa idea na ang dinagbabagong daloy ng araw-araw na búhay ay nahahati sa mga natatanging episodyo (Harré & van Langenhove, 1999), bawat isa ay nagtataglay ng tatlong pangunahing katangian: ang mga karapatan at tungkulin o moral na posisyon ng mga kalahok, ang kasaysayan ng kanilang pag-uusap o ang pagkakasunod-sunod ng mga inter-aksiyon, at ang mga espesipikong dinamika ng episodyong ito (Harré & van Langenhove, 1999). Nakatuon ang pag-aaral na ito sa dinamika ng mga episodyong may kaugnayan sa karahasan sa búhay ng mga magkarelasyong bakla o lesbiyana. MULA PAGGANAP PATÚNGONG POSISYON Bílang pamalit sa estatikong konsepto ng pagganap, naghahain ang teorya ng pagpoposisyon ng dinamiko at madulas na konstrak ng posisyon (van Langenhove & Harré, 1999). Ang dinamika sa sosyal na inter-aksiyon ng magkarelasyon ay naipaliliwanag batay sa kung paano nilá pinoposisyon ang isa’t isa at ang kanilang sarili. Ang posisyon o lokasyon sa isang pag-uusap ay tumutukoy sa moral o personal na katangian ng tao na umaayon sa partikular na karapatan o tungkulin (van Langenhove & Harré, 1999). Halimbawa, maaaring nása táong nakaposisyon bílang makapangyarihan ang karapatang magpataw ng karahasan, samantálang maaaring nása táong nakaposisyon bílang walang kapangyarihan ang tungkuling tanggapin ang karahasan nang walang paglaban. Sa isang episodyo, nakadepende kung sino ang gagawa o tatanggap ng karahasan sa kung paano ipinoposisyon ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga karapatan at tungkulin (Harré & Moghaddam, 2003). ANG MGA POSISYON BÍLANG DINAMIKO Dahil ang pagpoposisyon ay tumutukoy sa mga dinamikong bahagi o pagganap sa kumbersasyon, ang mga indibidwal ay hindi permanenteng nakatali sa mga tiyak na pagganap; silá ay lumalahok sa dinamikong proseso ng negosasyon at kontra-negosasyon (van Langenhove & Harré, 1999). Ang kalahok na pumosisyon bílang dominante sa isang episodyo ay maaaring pumosisyon bílang maamo sa isa namang episodyo. Bagaman posibleng magkaroon ng padron o kasaysayan ng parehong posisyon na umaangkop sa konsepto ng pagganap, binibigyan ng teorya ng pagpoposisyon ang mga tao ng pagkakataóng pumosisyon o posisyonin sa kurso ng mga sosyal na inter-aksiyon. Kayâ naman maaaring tanggapin o di-tanggapin ng

131

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mga tao ang mga lumilitaw na mga posisyon sa pamamagitan ng sariling diskursibong praktika o ng diskursibong praktika ng ibá (Davies & Harré, 1990, 1999; van Langenhove & Harré, 1999). TATSULOK NG PAGPOPOSISYON Upang maunawaan ang dinamika ng sosyal na episodyo, tumatanaw ang teorya ng pagpoposisyon sa tri-polar na estruktura ng kumbersasyon na binubuo ng: (i) mga posisyon; (ii) naratibo o storylines; at (iii) mga akto ng pananalitâ (van Langenhove & Harré, 1999). Ang mga posisyon ng mga tao sa kumbersasyon ay nakaugnay sa naratibo—ang paglalatag ng dinamika ng sosyal na episodyo (van Langenhove & Harré, 1999). Ang naratibo ay karaniwang sumusunod sa mga naitatag nang padron ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang mga ito ay kalimitang mga pamilyar na kultural na naratibo (Harré & Moghaddam, 2003). Hindi malayàng nalilikha ang mga naratibo at posisyon at ang mga ito ay nahahango mula sa kultural na konteksto ng indibidwal na kalahok (van Langenhove & Harré, 1999). Panghulí, ang mga akto ng pananalitâ ay mga aksiyong may sosyal na kahalagahan, intended na kilos o pananalitâng tinitingnan bílang may sosyal na kabuluhan (Harré & Moghaddam, 2003). Hábang nangyayari ang kumbersasyon, magkasámang sinisikap ng mga kalahok na unawain ang aksiyon ng bawat isa at ng isa’t isa (Davies & Harré, 1990, 1999). Kayâ bawat performatibong pananalitâ ay kailangang tingnan bílang makabuluhan o mahalagang akto ng pananalitâ sa pag-usad ng episodyo (Harré & Moghaddam, 2003). KALAKASAN AT KAHINAAN NG PAGPOPOSISYON Ang kalakasan ng teorya ng pagpoposisyon ay makikita sa pagsasaalang-alang nitó sa dinamiko at madulas na kalikasan ng sosyal na inter-aksiyon (Henriksen, 2008; Moghaddam, Harré, & Lee, 2008). Nagbibigay ito ng alternatibo sa estatiko at panloob na paliwanag ng tunggalian sa pamamagitan ng pagtatampok sa dinamika ng sosyal na inter-aksiyon (Moghaddam et al., 2008). Lumalampas din ito sa teorya ng pagganap, o sa estruktural na lápit, na nagdidiin sa mga sitwasyonal na salik na nagtatakda ng sosyal na inter-aksiyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa mismong sosyal na inter-aksiyon (Henriksen, 2008). Ngunit maituturing na parehong kalakasan at kahinaan ng pagpoposisyon ang pagiging madulas nitó. Pinupuna ito dahil sa kawalan nitó ng atensiyon sa mga padron sa pagpoposisyon o kawalan ng baryasyon, tulad ng katatagan ng mga posisyon sa mga inter-aksiyong bumubuo ng mga normatibong posisyon (Wilkinson & Kitzinger, 2003). Pinupuna rin ang tuon nitó sa mga makrososyal na relasyon, na hindi iniuugnay sa mga makrososyal na proseso, partikular ang mga materyal o institusyonal na ugnayan

132

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

ng kapangyarihan (Burkitt, 1999). Ang ibá naman ay napansin ang pangangailangang palawigin pa ang pagpapaliwanag sa papel ng indibidwal na ahensiya at subhetibidad sa pagpoposisyon at sa social constructionist na lápit sa pangkalahatan (Cromby & Standen, 1999). Sa kabilâ ng mga kahinaang ito, napakahalaga ng pagkamadulas at dinamismo ng pagpoposisyon sa pagsusuri ng penomeno ng intimeyt na karahasan sa homoseksuwal na relasyon. Ang potensiyal nitó sa pagpapaliwanag ng mga relasyonal na dinamika na lampas sa tradisyonal na pagganap ng kasarian ay mahalaga sa pag-unawa sa karahasan sa mga relasyong kinapapalooban ng mga lesbiyana at bakla. Sa hulí, ang teorya ng pagpoposisyon bílang relasyonal na lapit ay umaayon sa mga indibidwal at estruktural na lapit sa pamamagitan ng pagpapalawak ng sakop ng mga diskurso o interpretatibong posibilidad para sa mga pantaong penomena (Gergen, 2001). Sa patuloy na pag-unlad ng teorya ng pagpoposisyon, ang pagsasanib nitó sa ibá pang teoretikong lapit, lalo na sa pagkomplemento sa teorya ng pagganap, ay kasalukuyan na ring nangyayari (Henriksen, 2008; Moghaddam et al., 2008). PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN Ginamit sa pag-aaral na ito ang diskursibong lente ng teorya ng pagpoposisyon bílang teoretikong kontribusyon nitó sa pag-unawa sa intimeyt na karahasan sa homoseksuwal na relasyon. Tinitingnan ang intimeyt na karahasan bílang bahagi ng relasyonal na proseso kung saan ang karahasan ay nalilikha sa pamamagitan ng sosyal na inter-aksiyon ng magkarelasyon. Ang mga sumusunod ang mga espesipikong suliranin na tinangkang tugunan sa pananaliksik: (i) Aling naratibo ang umuusbong sa kumbersasyon ng mga bakla at lesbiyanang magkarelasyon sa mga sosyal na episodyo na kakikitahan ng intimeyt na karahasan?; (ii) Aling suhetong posisyon sa mga naratibo na ito ang maaaring ganapin ng mga magkarelasyong bakla at lesbiyana?; at (iii) Aling suhetong posisyon ang ginanap ng mga magkarelasyong bakla at lesbiyana? METODO Ang kuwalitatibong pag-aaral na ito ay gumámit ng mga semistructured na interbiyu sa apat na pares ng mga magkarelasyong bakla at lesbiyana na nakaranas na ng intimeyt na karahasan sa kanilang relasyon. Ideal sana kung masusuri ang aktuwal na kumbersasyon ng magkarelasyon o ang kanilang “nagpapatuloy at isinasabúhay na naratibo” (van Langenhove & Harré, 1999, p. 21) sa isang sosyal na episodyo na nagdudulot ng intimeyt na karahasan. Ngunit hindi ito naisagawa. Sa halip, isinalaysay ng mga magkarelasyon ang mga pangyayaring may kaugnayan sa pisikal na karahasan. Tinawag ito nina Van Langenhove at Harré (1999) na “accountive positioning,” o salaysay tungkol sa salaysay. Ang mga sipi ng interbiyu ang tekstong ginamit sa pagsusuri.

133

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA KALAHOK Dalawang pares ng magkarelasyong bakla at dalawang pares ng magkarelasyong lesbiyana (o walong indibidwal) ang pinilìng kalahok sa pag-aaral. May tatlong pinagbatayan sa pamimilì: i) dapat ay may pisikal na pang-aabuso sa kanilang karanasan ng karahasan; ii) ang karahasan ay dapat na nangyari noong nakaraang taón; at iii) ang mga kalahok, maaaring nagde-date o nakatirá sa iisang bubong, ay dapat na nakapaloob pa rin sa relasyon. Dahil sa negatibong pagtinging nakakabit sa pagiging bakla at lesbiyana, gayundin sa pagiging sangkot sa marahas na relasyon, nahirapan ang mananaliksik sa paghahanap ng mga bakla at lesbiyanang magkarelasyon na maging bahagi ng pag-aaral. Ang mga kalahok ay pinilì sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga organisasyong nagsusulong sa karapatan ng mga bakla at lesbiyana. Ang kontekstuwal na impormasyon sa ibabâ ay ang pangkalahatang bakgrawnd para sa mga kalahok sa pag-aaral. Ngunit ang mga kontekstuwal na salik na ito ay hindi ginamit sa pagpapaliwanag ng mga datos, sapagkat ang pagsusuri ay nakatuon lámang sa mga salitâ sa mga episodyong isinalaysay. Hindi na isináma sa pagsusuri ang mga baryabol na may kinalaman sa tao at konteksto upang maituon ang atensiyon sa mga espesipikong dinamika ng mga sosyal na inter-aksiyong pinangyarihan ng karahasan. Ito ang tinukoy na limitasyon ng pag-aaral. Binago ang mga pangalan ng lahat ng kalahok upang itago ang kanilang pagkakakilanlan. Sina Oscar at Brian, parehong 30 taóng gulang na itinuturing ang mga sariling dihalatang bakla, ay kabílang sa gitnang uri at anim na taón nang magkarelasyon. Ang karahasan ay inilarawang malalâ, paulit-ulit, nakapipinsala, at isang direksiyon, si Oscar lámang ang nagpapasimula ng karahasan. Nagbahagi si Oscar ng apat na episodyong siyá ang tagapagsimula (ang nagpasimula ng karahasan) at nagsalaysay si Brian ng tatlong episodyo na siyá naman ang tagatanggap (ang tumanggap ng karahasan). Mas pinaboran ang paggámit ng tagapagsimula at tagatanggap kaysa mga terminong maysála at biktima upang maiwasan ang dala-dala nitóng negatibong konotasyon at upang ipakita ang kadulasan sa kung sino ang nananakit at sinasaktan. Kinikilála naman nina Chris at Ronnie, ang una ay 30 taóng gulang at ang hulí ay 32 at parehong nása mababàng sosyo-ekonomikong antas, ang mga sarili bílang bakla (o ang estereotipadang malambot na bakla sa Filipinas, karaniwang mga parlorista). Walong taón na siláng nagsasáma at itinuturing nilá ang karahasan sa pagitan nilá bílang katamtaman (karaniwang may pananakit). Nagbahagi silá ng tatlong episodyo, dalawa rito ay mutual na karahasan (kapuwa silá gumámit ng pisikal na karahasan) at ang isa ay isang-direksiyong karahasan o karahasang nanggaling sa tagapagsimula. Sina San at Jenny, 24 taóng gulang ang una at 25 ang hulí, ay magkarelasyong butch-femme na parehong nása mababàng sosyo-ekonomikong antas at anim na taón nang nagsasáma. Kinikilála ni San ang sarili bílang tomboy (o ang

134

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

esteryotipadangmaskulinong lesbiyana sa Filipinas). Madalas na isang direksiyon ang karahasan, at sa kanilang dalawa, si San ang nagpapataw ng malalalâng uri ng karahasan. Sa kanilang mga salaysay, nagbahagi lámang si San ng isang episodyong siyá ang tagapagsimula at tatlong episodyong siyá ang tagatanggap. Nagbahagi rin si Jenny ng isang episodyong siyá ang tagapagsimula at tatlong episodyong siyá naman ang tagatanggap ng karahasan. Magkarelasyong butch-femme rin sina Katz and Nancy, 23 taóng gulang ang una at 26 ang hulí, parehong nása mababàng sosyo-ekonomikong antas, at apat na taón nang magkarelasyon. Itinuturing na katamtaman at mutual. Nagsalaysay si Katz ng tatlong episodyo. Siyá ang tagapagsimula sa isang episodyo at siyá naman ang tagatanggap ng karahasan sa dalawang episodyo. Nagbahagi si Nancy ng apat na episodyo. Siyá ang tagapagsimula sa tatlo sa mga ito at tagatanggap ng karahasan sa isang episodyo. INSTRUMENTO Binubuo ng mga bukás na tanong ang interbiyu. Hinihingi sa panimulang set ng mga tanong ang pagsasalaysay sa kasaysayan ng relasyon at ibá pang impormasyong ukol dito. Hinihingi naman sa pangunahing set ng mga tanong ang pagbabahagi ng mga kumbersasyong naganap noong panahong nangyari ang karahasan. Nauukol ito sa hulí, una, at pinakamalalâng episodyo ng pisikal na karahasang naaalaala ng kalahok. Ang sumusunod ay halimbawa ng pagtatanong: Kailan ang hulí/una/pinakamalalâng pangyayaring ikaw at/o ang iyong karelasyon ay naging marahas? Alalahanin mo ang hulí/una/pinakamalalâng pangyayaring ikaw at/o ang iyong karelasyon ay naging marahas. Subukan mong alalahanin ang eksaktong sinabi ninyo sa isa’t isa at kung ano ang ginawa ninyo bago, hábang, at pagkatápos ng insidente nang hindi ipinaliliwanag kung bakit ito nangyari. Pakibahagi ang nangyari. Ang uri ng pagtatanong sa itaas ay inulit depende sa bílang ng naalaalang marahas na insidente. Nagtanong din ng mga karagdagang tanong ukol sa di-pisikal na anyo ng karahasan at mga subhetibong kahulugan ng karahasan upang makakuha ng mga kontekstuwal na impormasyon kung kinakailangan. Ang katwiran at paliwanag ng mga kalahok sa karahasan ay tahasang iniwasan gámit ang panutong “nang hindi ipinaliliwanag kung bakit ito nangyari.” Ang intensiyon ay masuri ang kumbersasyon ng mga magkarelasyon bago, hábang, at pagkatápos ng karahasan, hindi ang katwiran o paliwanag dito.

135

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

PAMAMARAAN Pagkatápos ng pilot na interbiyu at paunang pagsusuri, nagsagawa ng mga indibidwal na interbiyu ang unang awtor. Nagkaroon ng panimulang pagpupulong kasáma ang bawat kalahok, maliban kina Chris at Ronnie. Lahat ng interbiyu ay simulasyon ng apirmatibong pagpapayo sa mga bakla at lesbiyana. Idiniin ang idea na hindi huhusgahan, sisisihin, o hahatulan ang kalahok upang maiwasan ang intensiyonal na pagpoposisyon upang magmukhang mabuting tao sa isang salaysay. Hiningi ang permiso ng mga kalahok na irekord sa tape ang interbiyu. Isinagawa ang interbiyu sa Filipino/Tagalog at Taglish (pinaghalong Tagalog at Ingles), depende sa kalahok. Bawat interbiyu ay nirekord at sinipi ng dalawang kinausap at inupahang transkrayber. Umabot sa 171 pahina ang hindi pa napoprosesong datos. Nagsagawa ang unang awtor ng pagkokoda at paglilinis. Bawat kopya ay manwal na isinulat bago isinulat sa paraang elektroniko. Pagkatápos ng pagkokoda, pinilì ang mga episodyong kakikitahan ng pisikal na karahasan mula sa talâ ng hindi pa napoprosesong datos, na nagresulta sa pinal na set ng datos na binubuo ng 25 episodyo ng pisikal na karahasan sa 49 pahina. Tandaang hindi na isináma ang mga katwiran at paliwanag sa karahasan. Muli, ito ay upang ihiwalay ang aktuwal na pag-uusap o kumbersasyon sa episodyo at upang maiwasan ang mga rasyonalisasyon kung bakit nangyari ang karahasan. Ang set ng datos, na inayos ayon sa episodyo, ay nilinis sa pamamagitan ng maingat na paghahambing sa pasulat na kopya at rekord sa tape ng interbiyu. Ginamit ang notasyon sa transkripsiyon ayon kina Gail Jefferson (Atkinson & Heritage, 1999) at Wilkinson at Kitzinger (2003). Tanging mga salaysay ukol sa pisikal na karahasan lámang ang isináma sa pagaaral dahil sa karaniwang kultural na paniniwala na ang karahasan ay pisikal (mula sa salitâng-ugat na dahas, ang paggámit ng puwersang pisikal upang makapaminsala). Mangangailangan ng paglikha ng pinagsasaluhang pag-unawa sa mga kalahok kung isasáma ang mga di-pisikal na uri ng karahasan. Isa pa, ang paglilimitang ito ay nakatulong sa proseso ng pagsusuri ng datos dahil naitatangi ang pisikal na karahasan mula sa pag-uusap o kumbersasyon na maaaring hindi posible para sa mga pasalitâng anyo ng karahasan. Itinuturing itong limitasyon ng pag-aaral. Batay sa metodolohikong freymwork ng teorya sa pagpoposisyon (Harré & Moghaddam, 2003), naging bahagi ng pagsusuri ang: (i) mga naratibong ginamit ng bawat indibidwal sa partikular na sosyal na episodyo; (ii) ang mga nakalatag na posisyon sa bawat storyline; at (iii) ang mga aktuwal na posisyong ginanap ng mga magkarelasyon na nagdulot ng karahasan sa episodyong iyon. Bawat isa sa 25 episodyo ay sinuri. Nagkaroon ng apat na set ng pagbása sa pagsusuri ng posisyon at naratibo. Ang ikatlo at ikaapat na pagsusuri ay kinasangkutan ng isang blind coder upang masegurado ang konsensuwal na balidasyon na ang mga nahangong naratibo

136

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

at posisyon ay pamilyar sa kultura at totoo sa teksto. Ang kabuoang analitikong proseso ay nangailangan ng maingat na pagbása sa teksto nang hindi bababâ sa 10 ulit. RESULTA Bahagi ng pagsusuri ng bawat isa sa 25 episodyo ang pagdodokumento ng palítan sa mga naratibo ng tagapagsimula at ng tagatanggap ng karahasan. Upang maipakita ang estruktura ng kumbersasyon ng mga magkarelasyon, bumuo ang mga mananaliksik ng talahanayan ng pagkakasunod-sunod ng mga naratibo at ang mga posisyon sa mga naratibong ito. Makikita rito ang mga padron sa kung paano pinoposisyon ng tagapagsimula at tagatanggap ang sarili at ang isa’t isa bago magsimula ang pisikal na karahasan. Inilarawan ang kabuoang analitikong prosesong ito gámit ang dalawang halimbawang kaso na tatalakayin sa pagsisimula ng seksiyong ito. Ang mga naratibo ay kinategorya pa sa mga higher-order na tema. Panghulí, nagpakita ng mga padron sa pagpoposisyon ang paghahambing sa dalas ng paggámit ng tagapagsimula at tagatanggap ng bawat kategorya ng naratibo. Tatalakayin sa hulíng bahagi ng seksiyong ito ang mga kategorya at padron ng naratibo sa pagpoposisyon. MGA HALIMBAWANG EPISODYO Gagamítin ang dalawang hinangong datos bílang mga halimbawa ng pagsusuri ng posisyon at naratibo na isinagawa sa lahat ng 25 episodyo. Pinilì ang mga halimbawang kasong ito dahil makikita rito ang mga pangunahing naratibong lumitaw sa 25 episodyo. Sinasalamin din ng mga hinangong datos na ito ang konsistent na padron sa pagpoposisyon ng tagapagsimula ng karahasan, gayundin ang baryasyon sa pagpoposisyon ng tagatanggap ng karahasan (na palalawigin sa pagsusuri sa huling bahagi ng seksiyong ito). Ang unang hinangong datos ay mula sa magkarelasyong lesbiyana, kina Jenny at San, si Jenny ang tagapagsalaysay. Ang ikalawa ay mula naman sa magkarelasyong bakla, kina Oscar at Brian, si Oscar ang tagapagsalaysay. Sa episodyong isinalaysay ni Jenny, siyá ang tagatanggap ng karahasan. Si Oscar naman ang tagapagsimula ng karahasan sa episodyong ibinahagi niya. Isináma rito ang salin sa Ingles ng orihinal na datos sa Filipino/Tagalog o Taglish. Ang notasyon ng transkripsiyon ay batay kina Gail Jefferson (Atkinson & Heritage, 1999) at Wilkinson at Kitzinger (2003), na gumámit ng .hhh para sa naririnig na pagsinghot ng hangin, (.) para sa di-naorasang saglit na hinto, at (h) para sa laughter particle. Ang unang teksto ay hinango sa sipi ng interbiyu kay Jenny (linya 480-498): [. . .] pumunta ako doon sa isang barkada ko. .hhh ngayon ito na, (.) pagpunta ko, dumating siya. nahúli niya ako doon na, iyon nga, sabi niya nga e, “ayos a! na- nagpapahinga ka niyan!? nandito ka?”

137

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sabi niyang ganoon sa akin. sabi ko (.) “ka-u-u ano, kapupunta ko lang dito galing ako sa bahay” sabi kong ganoon sa kaniya. tápos iyon nga, na:: kesyo daw na (.) “kapal ng mukha mo! umuwi ka na nga!” sabi niyang ganoon “umuwi ka na sa bahay! kuhanin mo na iyong mga gamit mo! bumalik ka nadito sa inyo..hhh tutal iyon naman ang gustong-gusto mo. kasi dito nakakain- dito (.) Nagagawa mo lahat, nabibili mo lahat ng gusto mo. nakakain mo lahat ng gustomo. e doon: hindi. .hhh kuhanin mo na iyong mga gamit mo! bumalik ka na rito! sabi niyang ganoon sa akin. “ala!” sabi kong ganoon sa kaniya. “parang ano ’to, kung ano-anong sinasabi nitó” sabi ko. “pumasok ka nga rito!” sabi niya .hhh “baka pag pumasok pa ako riyan maiuntog kita riyan!” sabi niyang ganoon “sa kinauupuan mo.” “ala!” edi gumanon ako. tápos, iyon nga noong:: pumasok siya, pagkapasok nga niya, kinotongan ako (h). (.) tápos tinadyakan niya nga ako..hhh e di: hindi ko pinapansin. tápos iyon nga na: [. . .] Ang sumusunod naman ay ang di-literal na salin sa kolokyal na Ingles ng hinangong datos sa itaas: 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494

[. . .] so then, I went to my friend’s place. .hhh now here’s what happened, (.) when I got there, she arrived. she caught me there, so then, she said, “isn’t that something! you’re supposed to be resting!? but you’re here?” she said to me in that way. I said (.) “I-I-I, just got here I came from home.” I explained to her. then there it, was:: she would say (.) “you have the nerve! just go home!” she said. “just go back to the house! get your things! then come back here to your family. .hhh after all that’s what you really really want. coz here you get to eathere (.) you can do all that you want, you can buy all that you want. you can eat all the things that you want. but there: you can’t. .hhh so get your things! move back here!” she said to me. “what!” I said to her. “you are like, what are you talking about” I said. “just come here! she said .hhh “coz if I go in there I might just bang your head!

138

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

495 496 497 498

she said “right where you’re sitting.” “what!” was my reaction. then, that was when:: she went inside, sure enough when she came in, she hit me on the back of my head (h). (.) then she kicked me. .hhh so: I tried not to make a big deal out of it. so there: [. . .]

Sa datos sa itaas, isinalaysay ni Jenny kung paano siyá nahanap ng kaniyang karelasyong si San sa bahay ng kaniyang kaibigan sa halip na sa bahay ng kaniyang mga magulang katulad ng kaniyang paalam. Nagsimula si San, na siyáng nagpasimula ng karahasan, sa naratibong “Ikaw ang may kasalanan!” (linya 482-483). Ipinosisyon niya si Jenny na siyáng maysála dahil sa pagsisinungaling niya, at ang kaniyang sarili bílang kawawa, at dahil dito, may karapatang maaburido. Kinontra-posisyon naman ni Jenny si San at ipinosisyon ang sarili bílang inosente gámit ang “Wala akong kasalanan” na naratibo. Ipinaliwanag niyang nanggaling siyá sa bahay ng kaniyang mga magulang. Sa linyang ito, kinokontra-posisyon niya si San bílang siyáng may katungkulang makinig sa kaniyang mga paliwanag (linya 483-484). Ngunit sinundan ni San ang kaniyang akusasyon ng komand-akusasyon, “Bakit hindi ka na lang umalis kung hindi ka masaya?,” kontra-posisyon kay Jenny bílang itinatakwil at ingratang karelasyon (linya 485–491). Ipinosisyon pa ni San ang sarili bílang siyáng may karapatang magpaalis kay Jenny. Sumagot naman si Jenny ng “Ano ba’ng problema mo?,” isang pagrereposisyon kay San na labis ang reaksiyon sa sitwasyon, at sa sarili bílang inosente (linya 492-493). Pagkatápos nitó, nagbanta si San gámit ang naratibong “Sumunod ka kung ayaw mong masaktan!” Dito, si Jenny ay nása posisyong tungkulin niyang sundin si San, samantálang si San ay nása posisyong karapatan niya ang kontrolin at saktan si Jenny (linya 493-495). Sa puntong ito na konsistent niyang ipinosisyon si Jenny bílang maysála, at ang sarili bílang siyáng may karapatang paamuhin o sundin, “kinotongan” at “tinadyakan” ni San ang karelasyon. Makikita sa Talahanayan 1 ang estruktura ng kumbersasyon nina Jenny at San, partikular ang palítan sa mga naratibo nina San, ang tagapagsimula ng karahasan, at Jenny, ang tagatanggap ng karahasan sa episodyong ito. Makikita sa unang hanay sa talahanayan kung sino ang gumagámit ng naratibo—ang tagapagsalaysay (Jenny) o ang kaniyang karelasyon (San). Nakatalâ naman sa ikalawang hanay ang papel ng táong gumagámit ng naratibo—tagapagsimula (San) o tagatanggap (Jenny) ng karahasan. Ipinakikita naman sa ikatlong hanay kung paano ikinategorya ang mga naratibo sa mga higher-order na tema. Makikita sa hulíng tatlong hanay ang pagsusuri ng mga naratibo at posisyon. Ang ikalawang teksto ay hango sa sipi ng interbiyu kay Oscar (linya 562-588):

139

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

562 [. . .] iyong two to three months ago? I told him na: “get- ano: lea- a: leave me, get 563 out. (.) get out.” a iyon uhm: told him na: I told 564 him pala na .hhh a “when I’m talking, please let me finish, (.) uhm: don’t 565 interrupt when I’m ta- when I’m talking, when I’m explaining my side 566 because, .hhh alam mo naman na 567 nahihirapan akong i-verbalize ang sarili ko, ang emotions ko, 568 kapag galit ako.” tápos sorry sorry ganiyan ganiyan, nag-so-sorry 569 siya, nag-so-sorry ganiyan. (.) .hhh sobrang ano ako: sabi ko sa 570 kaniya “please leave me alone, get out.” hindi pa rin siya 571 umaalis noon. “.hhh Brian please. kilala mo ako pag nagalit ako. please get out. 572 please leave me alone. please leave:” 573 anong ginagawa niya pag sinasabi mo ‘yon? 574 nandoon lang siya. (.) gumaganiyan siya tápos “Oscar please, we 575 can talk this out.” sabi ko “no Brian please, get out.” ‘pag 576 hindi- ‘pag ano: ‘pag hindi pa rin siya umaalis, (.) a:: medyo 577 (na): I remember na:: I went to the kitchen.(.) not for ((sniff )) 578 not for the ano. I went to the kitchen (.) .hhh and then, may 579 may ano ako may: parang patpat ako doon e. sabi ko “Brian 580 get out!” tápos sabi niya: na: “saktan mo na ‘ko please? we can 581 talk this out.” sabi ko, “we can talk” hhh. sabi niya na “kahit 582 saktan mo na ‘ko, basta wag ano uhm: mag-usap tayo.” .hhh 583 sabi ko sa kaniya “.hhh hindi mo ’ko, alam mo naman di mo ’ko makakausap pag galit 584 ako e, please get out.” nagmamatigas 585 siya. so I hit him (.) with- with that patpat. (.) and then:: iyong 586 medyo ano- medyo:: at ayoko ng patpat hindi hindi ano: so, 587 nasuntok ko siya. .hhh nasuntok ko siya hhh. and then, (mm) 588 nabali iyong isang: finger niya dahil sa akin. (.) tápos:: (.) iyon [. . .] Ang sumusunod naman ay ang salin sa Ingles ng hinangong datos sa itaas: 562 563 564 565

the one two to three months ago? I told him that: “get- uhm: lea- ah: leave me, get out. (.) get out.” ah that’s uhm: told him that: I told him that .hhh ah “when I’m talking, please let me finish, (.) uhm: don’t interrupt when I’m ta- when I’m talking, when I’m

140

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

566 567 568 569 570 571 572 573 574 575

explaining my side because, .hhh you already know that I find it hard to verbalize myself, my emotions, when I’m angry.” then sorry sorry like that like that, he was saying sorry, saying sorry like that. (.) .hhh I was so: I said to him “please leave me alone, get out.” he still did not leave. “.hhh Brian please. you know me when I get angry. please get out. please leave me alone. please leave:” what was he doing while you were saying these things? he was just there. (.) he was like then “Oscar please, we can talk this out.” I said “no Brian please, get out.” when

576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588

he still- when uhm: when he still did not leave, (.) ah:: somewhat (then): I remember then:: I went to the kitchen. (.) not for ((sniff )) not for the uhm. I went to the kitchen (.). .hhh and then, there there was a: I had something like a stick there. I said “Brian get out!” then he said: that: “please just hurt me? we can talk this out.” I said, “we can talk” hhh. he said that “even if you hurt me, just don’t uhm: let’s just talk.” .hhh I told him “.hhh you can’t, you already know you can’t talk to me when I’m angry, please get out.” but he was being tough. so I hit him (.) with- with that stick. (.) and then:: when I somewhat uhm- somewhat:: and I did not want the stick no no uhm: so, I punched him. .hhh I punched him hhh. (.) and then, (mm) he broke one finger because of me. (.) then:: (.) that’s

Sa episodyo sa itaas, ang konsistent na naratibo ni Oscar ay “Iwan mo akong magisa!” (linya 563, 570, 572, 580, 584). Paulit-ulit na pinosisyon ni Oscar ang sarili bílang may karapatang huwag kausapin kapag galít, at si Brian na may tungkuling hayaang mag-isa si Oscar. Sa ilang pagkakataón, ginamit niya ang naratibong “May problema ako sa pagtitimpi ng gálit” upang ikatwiran ang kaniyang pagpoposisyon sa sarili bílang may karapatang huwag kausapin kapag galít at muling iposisyon si Brian bílang may tungkuling unawain siya (linya 566-568). Sa kabilâng bandá, ginamit naman ni Brian ang naratibong “Patawad,” na nagpoposisyon sa kaniya bílang responsable o maysála, at kay Oscar bílang naagrabyado (linya 568-569). Ipinagsawalang-bahala rin niya ang naratibo ni Oscar na “Iwan mo akong mag-isa” sa pagsasabing “Mapaguusapan natin ito,” na nagpoposisyon kay Oscar bílang may kapasidad na kumausap sa kabila ng kaniyang pagpipilit na may problema siyá sa pagpapahayag ng kaniyang damdamin kapag galít (linya 574-575, 580-581). Sa posisyon ni Brian na pumapayag na masaktan at sa pagpoposisyon sa kaniya ni Oscar na karapat-dapat siyáng saktan,

141

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sinuntok at pinalo niya ng patpat si Brian na naging dahilan ng pagkabali ng daliri ng karelasyon. Makikita sa Talahanayan 2 ang estruktura ng kumbersasyon nina Oscar at Brian. MGA KATEGORYA AT PADRON NG NARATIBO SA PAGPOPOSISYON Lumitaw ang mga padron sa paggámit ng mga naratibo matápos suriin ang 25 episodyo sa paraang katulad ng sa dalawang halimbawang kaso. Unang kinategorya ang mga naratibo sa mga temang higher-order. Sa kabuoan, 22 naratibo ang natukoy, batay sa kanilang pangunahing sosyal na funsiyon sa episodyo. Hinati pa ang mga uring ito ng naratibo sa apat na klaster: i) akusasyon o atribusyon ng pagkakasála o sisi; ii) komand at kontrol; iii) mga reaksiyon sa akusasyon; at iv) ibá pang naratibong lumitaw mula sa mga episodyo. Ang akusasyon o atribusyon ng pagkakasála ang pinakaginamit na naratibo, na makikita nang 40 beses sa 25 episodyong isinalaysay. Sinundan ito ng komand-at-kontrol na klaster, na ginamit nang 30 beses at ng reaksiyon sa akusasyon na ginamit naman nang 20 beses. May 14 na ibá pang naratibong lumitaw mula sa mga episodyo. Ipinakikita sa Talahanayan 3 ang tatlong pangunahing kategorya ng naratibo at ang paghahambing sa dalas ng paggámit sa bawat naratibo ng mga tagapagsimula at tagatanggap ng karahasan. Ang unang klaster ng naratibo, akusasyon o atribusyon ng pagkakasála o sisi, ay binubuo ng akusasyon, akusasyon-hinaing, komand-akusasyon, at bantasisi. Maoobserbahan ito sa mga halimbawang datos mula kina Jenny at Oscar, na ang tagapagsimula ng karahasan ay unang ipinosisyon ang sarili bílang agrabyado at ang karelasyon bílang maysála. Ang naratibong wala sa mga hinangong datos na ito ay ang akusasyon-hinaing, na kinasasangkutan ng atribusyon ng pagkakasála at kasabay nitó, pagpapahayag ng nadaramang sakít, katulad ng sa linyang “Bakit mo ako sinasaktan?” Ang komand-akusasyon ay uri ng paninising nakapaloob sa komand, katulad ng naratibo ni Oscar na “Iwan mo akong mag-isa.” Sa banta-sisi, ang ikaapat na kategorya sa klaster na atribusyon-ng-pagkakasala, ang atribusyon ng responsabilidad ay nakapaloob sa pagbabanta. Halimbawa, isinisisi sa naratibong “Iiwan na kita, punóng-punô na ako” sa ibáng tao ang sitwasyon hábang nagbabantang aalis ang nagsasalitâ. Binubuo naman ang ikalawang klaster ng mga naratibo, komand at kontrol, ng komand, komand-akusasyon, banta, at banta-sisi. May dalawang silbi ang komandakusasyon at banta-sisi, magkasabay na atribusyon ng pagkakasála at paggigiit ng kontrol. Kayâ naman kinategorya ang mga ito sa ilalim ng klaster na akusasyon at komand. Sa simpleng komand na “Gawin mo ang sinabi ko” ang sarili ang nása posisyong mag-utos at ang karelasyon ang may tungkuling sumunod. Makikita

142

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

ang komand-akusasyon na naratibo sa mga salaysay nina Jenny at Oscar. Kaugnay sa pagbabanta ang anyo ng pagkontrol, katulad ng sa linyang “Iiwan na kita,” na nagpoposisyon sa sarili bílang may karapatang kontrolin ang relasyon. Ang bantasisi ay kombinasyon ng sisi at akusasyon, katulad ng sa linyang “Papatayin muna kita bago mo ako iwan!” Nagbabago-bago ang mga reaksiyon sa akusasyon mula sa pagtanggap ng akusasyon (paghingi ng tawad, submisyon, negosasyon) túngo sa hindi pagtanggap sa akusasyon (indignasyon, pangangatwiran, at pagtanggi sa akusasyon). Nagpapakita ng pagtanggap ang naratibo ng paghingi ng tawad, katulad ng sa “patawad,” at ang naratibo ng pagpapailalim, katulad ng sa “maaari mo akong saktan.” Naihahalimbawa naman ang negosasyon sa linyang “mapag-uusapan natin ito.” Lahat ng mga naratibong ito ay ginamit ni Brian sa salaysay ni Oscar. Sa kabilâng bandá, ang indignasyon, pangangatwiran, at pagtanggi ay mga uri ng hindi pagtanggap sa akusasyon. Halimbawa, naipahayag ang indignasyon sa naratibong “Ano’ng problema mo?” na ang nag-aakusa ay nakaposisyon bílang over-acting at ang sarili ay nakaposisyon bílang inosente. Ang tahasang pagtanggi sa akusasyon ay maihahalimbawa sa naratibong “Wala akong kasalanan” o “Hindi ko ’yan kasalanan.” Nasasalamin ito sa salaysay ni Jenny. Ang pangangatwiran o ang pagtatangkang ipaliwanag ang ginawang aksiyon ay isa pang reaksiyon sa akusasyon. Ang ibá pang naratibong natukoy mula sa mga episodyo ay pagpapayo, paghingi ng permiso, pagpapalubag ng loob, pamumuna, hindi pagbibigay ng permiso, indignasyon, pagtatanong, pagmamakaawa, hindi pagsunod sa komand, pagsuko, at pang-aasar. Inilista ang dalas ng paggámit ng bawat kategorya ng naratibo ayon sa episodyo (tingnan ang talahanayan 4). Sa isinalaysay na 25 episodyo, 23 ang nagpapakita na ang tagapagsimula lámang ang gumámit ng pisikal na karahasan o sa pangkalahatan, ang marahas. Dalawa lámang ang episodyong nagpapakita na ang magkarelasyon ay parehong kalahok sa mutual na karahasan. Isang punto lámang sa bawat episodyo ang ibinigay, anuman ang dalas ng paglitaw sa isang episodyo ng klaster ng mga naratibong kategorya. Sa isinalaysay na 25 episodyo, lahat ng tagapagsimula ng karahasan ay gumámit ng naratibong atribusyon sa pagkakasála o akusasyon. Sa 23 episodyong ang tagapagsimula lámang ang naging marahas, lahat ng 23 tagapagsimula ay nag-akusa, samantalang tatlong tagatanggap lámang ang gumawa nitó. Kayâ makikitang ang atribusyon sa pagkakasála o paninisi ang dominanteng nauunang naratibo sa pisikal na karahasan. Mahihinuha rito na nangyari lámang ang pisikal na karahasan pagkatápos na sisihin ng tagapagsimula ng karahasan ang karelasyon sa kaniyang kasalanan. Ipinosisyon ng tagapagsimula ang sarili bílang siyáng may karapatan sa partikular

143

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

na ekspektasyon, at ang ibá bílang ang tungkulin ay tugunan ang ekspektasyong ito. Kasunod nitó, ipinosisyon ng tagapagsimula ang kaniyang karelasyon bílang nagkukulang sa kaniyang nakaatas na tungkulin. Ang karelasyon na tumanggap ng karahasan sa hulí ay maaaring tumugon sa ibá’t ibáng paraan. Karaniwan niyang itinatanggi ang akusasyon, ngunit sa ibáng pagkakataon, humihingi siyá ng tawad at tinatanggap ang sisi. Anuman ang reaksiyon ng tagatanggap, sinusundan ito ng karahasan. Dagdag pa rito, mas gumámit ng naratibong komand at kontrol ang mga tagapagsimula kaysa mga tagatanggap (15 vs 7). Ang pinakaginagámit na naratibo ng mga tagapagsimula ng karahasan ay komand-akusasyon, na nakapagtatakang hindi kailanman ginamit ng mga tagatanggap. May ibá-ibá ring naratibo sa mga episodyo ang mga tagatanggap. Minsan ay pinangangatwiranan at hindi tinatanggap ang akusasyon, kayâ ipinoposisyon ang mga sarili bílang inosente. Minsan naman humihingi silá ng tawad at tinatanggap ang akusasyon, kayâ ipinoposisyon ang mga sarili bílang karapat-dapat sa paninisi. Ang pangangatwiran at pagtanggi sa akusasyon, na nagkontra-posisyon sa inakusahan bílang inosente sa anumang kasalanan, ang pinakakaraniwang reaksiyong nabanggit. Ngunit sa maraming episodyo, hindi halata ang reaksiyon ng tagatanggap sa akusasyon ng tagapagsimula. Sa tatlong episodyong ang tagapagsimula lámang ang nagpakita ng karahasan at sa dalawang episodyong ang magkarelasyon ay kapuwa gumámit ng karahasan, ang mga tagatanggap ay gumámit ng kontra-akusasyon na sinundan ng pisikal na karahasan, maliban sa isang episodyo. Sa nag-iisang kasong ito, hindi sinundan ng pisikal na karahasan ang kontra-akusasyon ng tagatanggap. Bílang pangunahing padron, nangyári ang pisikal na karahasan pagkatápos ipahayag ng tagapagsimula na ang kaniyang karelasyon ang maysála hábang ipinoposisyon ang sarili bílang inosente at naagrabyado. Mahihinuha sa senaryong ito na ipinosisyon din ng tagapagsimula ang sarili bílang siyang may karapatang gumawa ng karahasan o parusahan ang karelasyon dahil sa kaniyang kasalanan. DISKUSYON Diskursibong produksiyon ng karahasan. Ipinakikita sa pag-aaral na ito na nangyayari ang diskursibong produksiyon ng intimeyt na karahasan sa homoseksuwal na relasyon sa pamamagitan ng pangunahinng atribusyon ng kasalanan o sisi. Naipaliliwanag ito ayon sa sinasadyang pagpoposisyon ng tagapagsimula at sapilitang pagpoposisyon ng tagatanggap sa pagsisimula ng kumbersasyon. Pangalawa, tinutukoy ang mga kultural na naratibo sa mga intimeyt na relasyon bílang batayan ng naratibong atribusyon ng kasalanan, na nagbibigay ng kabuluhang sosyal sa parehong

144

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

indibidwal. Pangatlo, ang kakayahan ng tagapagsimula na pumosisyon at gumámit ng pisikal na karahasan ay ipinaliliwanag na lumilitaw mula sa posisyon-naratibo mismo o sa diskursibong produksiyon ng kapangyarihan sa sosyal na inter-aksiyon. Panghulí, iniuugnay ang paggámit ng pisikal na karahasan bílang uri ng parusa sa kultural na naratibo ng retribusyon o retributibong hustisya na sumusuporta sa paggámit ng karahasan sa mga intimeyt na relasyon. Sinasadya kompara sa sapilitang mga posisyon. Ang pinakakonsistent na kinalabasan ng pag-aaral na ito ay ang pangunahing padron ng pagpoposisyon, na nangyayari lámang ang pisikal na karahasan pagkatápos na iposisyon ng tagapagsimula ang sarili bílang agrabyado at ang karelasyon bílang maysála. Ang mga naunang pangyayari sa sinasadyang pagpoposisyon ng ibá bílang maysála ay nag-iibá-ibá sa mga episodyo, kahit sa loob ng isang relasyonal na konteksto, bagaman maaaring may mga nauulit na naratibo. Ang sinasadyang pagpoposisyon ng ibá bílang maysála at ang sarili bílang agrabyado ang konsistent sa lahat ng mga episodyo. Isinagawa ang sadyang pagpoposisyong ito sa pamamagitan ng inisyal na pagkontrol sa kumbersasyon o ng inisyal na pagpoposisyon ng tagapagsimula ng karahasan. Dito, intensiyonal niyang pinoposisyon ang sarili bílang agrabyado at sapilitan namang pinoposisyon ang ibá bílang maysála, ang posisyong hindi naman boluntaryong gaganapin ng ibáng tao (van Langenhove & Harré, 1999, p. 18). Hindi nagtagumpay ang magkakasunod na pagtatangka ng ibá sa pagkokontra-posisyon at pagrereposisyon na mapigilan ang kasunod na karahasan. Kayâ masasabing hindi epektibo ang posisyon-naratibo ng tagatanggap sa pagpigil sa karahasan, anuman ang subhetibong hangad ng tagatanggap na tutulan o hamunin ang sapilitang pagpoposisyon at karahasan. Kultural na naratibo ng mga ekspektasyon sa relasyon. Ang sadya at intensiyonal na pagpoposisyon ng tagapagsimula sa ibá bílang maysála at sa sarili bílang agrabyado ay hango sa naratibo ng akusasyon. Totoo man o hindi ang akusasyon, o may obhetibong batayan o wala, lumilitaw ang naratibong ito sa kumbersasyon dahil may kabuluhang sosyal ito sa magkarelasyon. Nabibigyan ng kabuluhan ng parehong tagapagsimula at tagatanggap ang naratibo at lumalahok silá sa kumbersasyon dahil sa mga pinagsasaluhang paniniwala o sa mga kultural na naratibo sa mga intimeyt na relasyon. Bagaman nakakategorya ang mga naratibo ayon sa kanilang pangunahing sosyal na funsiyon (akusasyon o atribusyon ng kasalanan, komand at kontrol, at mga reaksiyon sa akusasyon), tumutukoy ang lahat ng ito sa pamilyar na mga kultural na naratibo ng mga ekspektasyon sa relasyon. Ang mga sosyal na konstruksiyon na lumitaw na intimeyt na relasyon ay ang relasyon bílang kontrata, kasunduan, o mutual na pagunawa sa pagitan ng dalawang tao. Uminog ang tatlong pangunahing klaster ng mga

145

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

naratibo sa paniniwala ng mga magkarelasyon tungkol sa mga intimeyt na relasyon at sa mga ekspektasyon nilá sa isa’t isa. Mula sa naratibo ng intimeyt na relasyon, lumilitaw ang akusasyon o atribusyon ng kasalanan mula sa palagay ng karelasyon sa bigong pagtugon sa mga ekspektasyon. Nag-iibá ang mga espesipikong ekspektasyon at isyu depende sa kasaysayan ng magkarelasyon. Ang natukoy na mga ekspektasyon sa relasyon ay katapatan, pagsunod, respeto, pag-unawa, pagtugon sa seksuwal na pangangailangan, komunikasyon, tiwala, at ibá pa. Kabílang sa mga natalakay na isyu ang pangangaliwa, manipulasyon, droga, pag-inom ng alak, mga demand sa pagtatalik, paglalandi, selos, mga nakaraang karelasyon, bukás na relasyon, problema sa pagtitimpi ng gálit, at marami pang ibá. Kahit na espesipiko sa bawat magkarelasyon ang ekspektasyon sa relasyon o natalakay na isyu, ang naratibo ng atribusyon ng kasalanan o sisi ay nakaayon sa kultural na naratibo na ang intimeyt na magkarelasyon ay may karapatang magdemand ng mga ekspektasyon sa isa’t isa at may tungkulin ding tugunan ang mga ekspektasyong ito. Diskursibong produksiyon ng kapangyarihan. Ang nangyaring pisikal na karahasan pagkatápos ng naratibong atribusyon ng kasalanan ay nagsasabing napanatili ng mga tagapagsimula ng karahasan ang kanilang panimula at sadyang pagpoposisyon sa kanilang kapareha bílang maysála at sa kanilang sarili bílang agrabyado. Sa kabilâng bandá, ang mga tagatanggap ng karahasan, na sapilitang ipinosisyon bílang maysála, ay hindi nagtagumpay sa pagkontra sa panimula at sadyang pagpoposisyon ng tagapagsimula. Sa pagkokonseptuwalisa sa mga ito ayon sa kakayahan at kawalan ng kakayahang magposisyon, dadako táyo sa dinamika ng pagpoposisyon bílang diskursibong produksiyon ng kapangyarihan. Isang paraan ng pagpapaliwanag sa kakayahan ng tagapagsimulang magposisyon at gumámit ng karahasan ang pagtingin sa mismong posisyon-naratibo bílang determinant ng sosyal na puwersa nitó; ibig sabihin, sa paggámit ng naratibong nagpoposisyon sa ibá bílang maysála at sa sarili bílang inosente at agrabyado, nagtatamo ang tagapagsimula ng moral na posisyon ng pangingibabaw o kapangyarihan upang makontrol ang kumbersasyon at ang kalalabasan ng episodyo. Ang moral na posisyong nalikha nang diskursibo sa panahong iyon ay nagbigay sa tao ng moral na kapangyarihan o awtoridad, na nagtatatag ng ugnayan ng kapangyarihan sa espesipikong episodyong ito. Kapag nagámit na sa isang episodyo ang naratibong atribusyon ng kasalanan o sisi, ang ibáng tao ay sapilitang ipinosisyon sa panimulang moment na iyon bílang maysála o dapat sisihin at sapilitang pinasunod sa naratibong ito. Dito, siyá ay inilagak sa moral na posisyon ng submisyon o kawalan ng kapangyarihan upang makontrol ng nagposisyon sa kaniya ang kumbersasyon at ang kahihinatnan ng episodyo. Kayâ

146

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

nabigo ang pagtatangka sa paggámit ng kontra-posisyon at kontra-naratibo dahil siya ay nagsalitâ na mula sa posisyon ng kawalang-kapangyarihan. Ang mga tanong na lumitaw ay: i) ‘Paano makakapag-negotiate nang diskursibo ang ibáng tao upang magtagumpay sa pagrereposisyon sa sarili bílang inosente o walang kasalanan?’; ii) ‘Paano magiging epektibo ang pakikipagnegosasyon ng isa mula sa panimulang sapilitang posisyon ng kasalanan o sisi upang maiwasan ang intimeyt na karahasan?’; iii) ‘Dahil ang karahasan ay nalilikha nang diskursibo, paano naman maiiwasan ang karahasan nang diskursibo?’ Pisikal na karahasan bílang retributibong hustisya. Iniugnay ang pisikal na karahasan sa kultural na naratibo ng paghihiganti. Ayon sa teorya ng mapaghiganting hustisya, ang pag-aatas ng moral na responsabilidad o sisi ay nagdudulot ng paglahok sa parusa o pagbabantay sa pag-uugali (Tyler & Smith, 1998). Sa freymwork na ito, ang pisikal na karahasan sa intimeyt na relasyon ay maikakatwiran bílang uri ng parusa para sa ipinapalagay na pagkakasála. Ang táong ipinosisyong maysála ay karapatdapat na parusahan. Ang mapaghiganting hustisya ay tumutukoy sa pangangailangan sa paghihiganti o sa pakiramdan na kailangan ang isang uri ng parusa kapag nalabag ang pamantayang panlipunan o alituntuning gumagabay sa interpersonal na pag-uugali (Tyler & Smith, 1998). Ang pakiramdam na kailangang parusahan ang mga sumusuway sa batas ay sinasabing mas matanda, mas unibersal, at mas may kahalagahang panlipunan kaysa ibáng pakiramdam na nauukol sa hustisya (Tyler & Smith, 1998, p. 601). Nakaramdam ang mga biktima na may karapatan siláng maghinanakit o magalit kapag nalabag ang alituntuning panlipunan at naudyukang sisihin ang ibá sa kanilang pagkakasála at patawan ng parusa ang mga nagkasála. Kayâ ang paggámit ng pisikal na karahasan sa intimeyt na relasyon ay naging katanggap-tanggap sa naratibo ng mapaghiganting hustisya. PAGTETEORYA SA ANOMALYA Mahahaka sa anomalyang kaso ng tagatanggap na nag-akusa ngunit hindi naging marahas na ang naratibong atribusyon ng kasalanan o sisi ay maaaring simula (na maaring hindi magdulot) ng pisikal na karahasan. Paano ipaliliwanag ang anomalyang ito? Maaaring sa kanilang malápit na nakaraan ay konsistent sa pagganap bílang tagapagsimula at tagatanggap ang partikular na magkarelasyong ito (dahil ang tagatanggap ay naging tagapagsimula na rin ng karahasan sa ilang episodyo sa kanilang malayong nakaraan). Pangalawa, mas nakaaangat ang tagapagsimula sa edad, pinansiyal na seguridad, at kasarian (bílang butch o tomboy). Pangatlo, maaaring ipaliwanag ang anomalya sa pamamagitan ng pagtingin sa mga indibidwal na salik o ahensiya ng tao, katulad ng kagustuhang mandahas at ang kapasidad sa pandarahas.

147

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Pang-apat, mayroong sariling rasyonalisasyon o pangangatwiran ang magkarelasyon sa karahasan noong ininterbiyu silá. Nangangailangan ng mga susunod pang pananaliksik upang matukoy kung nakaiimpluwensiya sa dinamika ng mga sosyal na episodyo ang mga hakà sa papel ng kumbersasyonal na kasaysayan, ang mga ugnayan ng kapangyarihan na umiiral mula sa mga kontekstuwal na determinant (mga estruktural na salik) at mula sa mga indibidwal na baryabol (mga sikolohikong salik). MGA LIMITASYON NG PAG-AARAL Limitasyon ng pag-aaral na ito ang hindi pagsusuri sa dalawang katangian ng mga sosyal na episodyo na tinukoy nina van Langenhove and Harré (1999). Una, hindi tiningnan sa pag-aaral ang kasaysayan ng kumbersasyon o kasaysayan ng sosyal na inter-aksiyon kaugnay ng intimeyt na karahasan. Pangalawa, hindi rin tinukoy sa pagaaral ang mga posibleng moral na posisyong lumilitaw sa estado ng mga kalahok sa loob ng relasyon at kanilang mga social network maliban sa mga umusbong sa mga naratibong ginamit sa mga sinuring episodyo. PANANALIKSIK SA HINAHARAP Maaaring suriin sa mga susunod na pananaliksik sa teorya ng pagpoposisyon sa intimeyt na karahasan kung paanong ang kumbersasyonal na kasaysayan ng magkarelasyon na may kaugnayan sa karahasan at kung paanong ang kanilang mga moral na posisiyon ay nakikipag-unayan sa mga espesipikong dinamika ng mga episodyo. Maaaring ipakita ng pagsusuri sa tatlong pangunahing katangian ng mga sosyal na inter-aksiyon kung paano nalilikha ang mga padron ng pagpoposisyon at nabubuo ang mga kakayahan at kawalan ng kakayahan sa pagpoposisyon. Maaaring ituon ang partikular na atensiyon sa pagsusuri ng mga padron sa pagpoposisyon at pagganap o ng kawalang-baryasyon ng mga posisyon vis-à-vis baryasyon. Puwede ring palawigin ang susunod na pananaliksik sa konteksto ng heteroseksuwal na relasyon upang makita kung magdudulot din dito ng intimeyt na karahasan ang naratibong atribusyon ng pagkakasála o sisi. Gayundin, maaaring ituon ang atensiyon sa posisyon-naratibong hindi nagreresulta sa karahasan (mga positibong kaso) at sa mga alternatibong kultural na naratibo, katulad ng pampanauling hustisya. Makapagbibigay ng maliwanag na pagkaunawa ang mga binansagang anomalyang insidente sa pag-aaral na ito sa kung paano hinaharap ng mga tao ang mga potensiyal na marahas na episodyo túngo sa mga episodyong may di-marahas na kahihinatnan. Maaaring ito ang pinakaangkop sa paghahanap ng mga diskursibong teknik na magagámit sa pagpigil sa intimeyt na karahasan.

148

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

Talahanayan 1. Mga naratibo at posisyon sa halimbawang episodyo ng pisikal na karahasan ni Jenny Gumámit ng naratibo

Papel sa karahasan

Kategorya ng naratibo

Naratibo

Posisyon ng sarili (‘ako’)

Posisyon ng ibá (‘ikaw’)

Ibá

Tagapagsimula

Akusasyon

Ikaw ang maysála! (‘Ayos a! Nagpapahinga ka niyan!? Nandito ka?’)

May karapatan akong magálit/ maagrabyado (i.e. dahil sa pagsisinungaling mo)

May kasalanan ka (i.e. pagsisinungaling)

Tagapagsalaysay

Tagatanggap

Pagtanggi sa akusasyon

Wala akong kasalanan (‘Kapupunta ko lang dito. Gáling ako sa bahay.’)

Inosente ako

Tungkulin mo ang makinig

Ibá

Tagapagsimula

Komandakusasyon

Bakit hindi ka na lang umalis!? (‘Kuhanin mo na iyong mga gámit mo! Bumalik ka na rito sa inyo. Total, iyon naman ang gustong-gusto mo.’)

May karapatan akong paalisin ka

Hindi ka kailangan at maysála dahil sa pagiging ingrata

Tagapagsalaysay

Tagatanggap

Indignasyon

Ano’ng problema mo? (‘Parang ano ’to, kung anoanong sinasabi nitó.’)

Inosente ako

Labis-labis ang iyong reaksiyon

Ibá

Tagapagsimula

Banta

Sumunod ka kung ayaw mong masaktan! (‘pumasok ka nga rito! Baka pag pumasok pa ‘ko riyan maiuntog kita riyan!’)

May karapatan akong mag-utos / May karapatan akong saktan ka

Tungkulin mo ang sumunod sa utos Tungkulin mo ang masaktan

149

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Talahanayan 2. Mga naratibo at posisyon sa halimbawang episodyo ng pisikal na karahasan ni Oscar. Gumámit ng naratibo

Papel sa karahasan

Kategorya ng naratibo

Tagapagsalaysay

Tagapagsimula

Komandakusasyon

Tagapagsalaysay

Tagapagsimula

Tagapagsalaysay

Naratibo

Posisyon ng sarili (‘ako’)

Posisyon ng ibá (‘ikaw’)

Iwan mo akong mag-isa! (‘Please, leave me alone. Get out.’)

May karapatan akong magálit/ maagrabyado/ May karapatan ako sa espasyo ko

May kasalanan ka/Tungkulin mong bigyan ako ng espasyo

Komandakusasyon

Huwag mo akong puputulin! (‘Don’t interrupt me when I’m talking.’)

May karapatan akong magálit/ maagrabyado/ May karapatan akong hindi maestorbo

May kasalanan ka/Tungkulin mong makinig

Tagapagsimula

Pangangatwiran

May problema ako sa pagtitimpi ng gálit (‘Alam mo namang nahihirapan akong i-verbalize ang sarili ko, ang emotions ko, ‘pag galít ako.’)

Hindi ako responsable sa aking mga kilos/ May karapatan akong magálit

Responsable ka/ Tungkulin mong umunawa

Ibá

Tagatanggap

Paghingi ng tawad

Patawad (‘Sorry.’)

Patawad/ Sinaktan kita

May karapatan kang masaktan

Tagapagsalaysay

Tagapagsimula

Komandakusasyon

Iwan mo akong mag-isa! (‘Please, leave me alone. Get out.’)

May karapatan akong magálit/ maagrabyado/ May karapatan ako sa espasyo ko

May kasalanan ka/Tungkulin mong bigyan ako ng espasyo

Ibá

Tagatanggap

Negosasyon

Pag-usapan natin ito (‘Please, we can talk this out.’)

Maaari kang magsalitâ/ Tungkulin mo ang magsalitâ

Maaari akong magsalitâ/May karapatan akong magsalitâ

Tagapagsalaysay

Tagapagsimula

Komandakusasyon

Iwan mo akong mag-isa! (‘Please, leave me alone. Get out.’)

May karapatan akong magálit/ maagrabyado/ May karapatan ako sa espasyo ko

May kasalanan ka/Tungkulin mong bigyan ako ng espasyo

Ibá

Tagatanggap

Submisyon

Saktan mo na lang ako (‘Saktan mo na ko please?’)

Tungkulin ko ang masaktan

May karapatan kang saktan ako

150

ANG TEORYA NG PAGPOPOSISYON BÍLANG DISKURSIBONG LÁPIT SA PAG-UNAWA SA INTIMEYT NA KARAHASAN SA RELASYON NG MAY MAGKATULAD NA KASARIAN

Talahanayan 3. Paghahambing ng mga naratibo ng tagapagsimula at tagatanggap (ayon sa absolute frequency). Mga klaster at kategorya ng naratibo Akusasyon o atribusyon ng kasalanan Akusasyon Akusasyon (hinaing) Komand-akusasyon Banta-sisi Komand at kontrol Komand Banta Komand-akusasyon Banta-sisi Mga reaksiyon sa akusasyon Paghingi ng tawad Indignasyon Pangangatuwiran Negosasyon Pagtanggi sa akusasyon Submisyon Ibá pang naratibo

Mga tagapagsimula

Mga tagatanggap

Mga Kalahok*

Total

30 15 5 8 2 21 5 6 8 2 3 2 1 4

6 2 2 2 8 2 4 2 16 1 2 4 1 6 2 10

4 2 1 1 1 1 2 1 1 -

40 19 8 8 5 30 7 10 8 5 21 1 4 6 1 7 2 14

* Mga kalahok na sangkot sa mutual na karahasan.

Talahanayan 4. Paghahambing ng mga naratibo ng tagapagsimula at tagatanggap Mga klaster at kategorya Akusasyon o atribusyon ng kasalanan Komand at kontrol Mga reaksiyon sa akusasyon Ibá pang naratibo

Mga tagapagsimula

Mga tagatanggap

Mga Kalahok*

23/23 15/23 3/23 4/23

3/23 7/23 13/23 8/23

2/2 1/2 1/2 0/2

* Mga kalahok na sangkot sa mutual na karahasan. n = 25 episodyo: 23 ang initiator-only at 2 ang episodyong mutual ang karahasan.

151

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ANG PAGSASASALITÂ SA LAMAN: ILANG PANIMULANG SILIP AT HIPO SA DISKURSO NG PORNOGRAPIYA NI

BENILDA S. SANTOS Pamantasang Ateneo de Manila

Of course, sex in Paradise could not have the epileptic form which we unfortunately know now. Before the Fall, Adam’s body, every part of it, was perfectly obedient to the soul and the will. If Adam wanted to procreate in Paradise, he could do it in the same way and with the same control as he could, for instance, sow seeds in the earth. He was not involuntarily excited. Every part of his body was like the fingers, which one can control in all their gestures. Sex was a kind of a hand gently sowing the seed. —Foucault at Sennett (“Sexuality and Solitude”) Maaari ngang siya’y naiibá sa karaniwan, ngunit sa antas lámang ng kamalayan, sa lakas ng pagpipigil sa sarili. Alam niyang siyá’y karaniwang nilaláng lámang na nag-aangkin ng pantugon sa hibò ng kalupaan. Oo nga’t siyá’y may sukdulan. Para sa kaniya, hindi totoong may mga táong sa harap ng kahit gaano kalaking tukso ay maaaring makatalikod at magwalang-bahala: di siyá naniniwala riyan. Manapa ang pinaniniwalaan niya ay ang katotohanang kung may mga tao mang nakapagpipigil sa harap ng nakabilad na katotohanan ng búhay ay hindi sapagkat totoo ngang may malakas na pagpipigil sa sarili. Hindi: ang tumpak na dahilan ay sapagkat wala siláng lakas ng loob na humarap sa tuksong nakatambad sa kanila, wala siláng sapát na tapang na humarap sa magiging bunga, bungang karaniwan nang ikinasusukasok ng lipunan at ng kumbensiyon nitó, at bungang madalas na tinanggihang panagutan ang kinauukulan. —A.G. Abadilla at E.P. Kapulong (Pagkamulat ni Magdalena)

152

ANG PAGSASASALITÂ SA LAMAN: ILANG PANIMULANG SILIP AT HIPO SA DISKURSO NG PORNOGRAPIYA

M

APANGANIB ANG nilalandas kong paksa sa papel na ito. Sa kasaysayan ng ating panitikan, matingkad ang pananaw na kailangang papaglingkurin ito sa mga layuning makapag-aangat sa karaniwang katayuan ng tao, o makapagpapalayà sa kaniya sa mga puwersang bumibilanggo sa kaniyang kamalayan at búhay na materyal. Sa gayon may pagkiling ang ating mga manunulat—bunga na rin ng mahabàng kasaysayan ng pagkakaibá ng Kristiyanismo sa ating panitikan—sa paglikha ng mga akda, sumusunod sa tradisyong pinasimunuan ng Noli at Fili, at walang kurap na titistis sa mga aktuwal at umiiral na suliranin ng lipunan. Sa katunayan, halos anathema sa ating panitikan (lalo na iyong kabílang sa canon at iyong kinikilálang may sapát na halaga upang malimbag sa anyong aklat) ang mga akda na may tanging layunin na magdudulot ng aliw o kasiyahan. Seryo ang marami sa ipinapalagay nating nararapat na kilaláning panitikan. Sa loob ng ganitong konteksto ng pagpapahalaga sa panitikan, mahirap ilugar ang pag-aaral sa mga anyo ng panitikang popular lalo pa’t binubuo ito ng uring pornograpiko. Subalit sa sanaysay na ito, iyan mismo ang pagsisikapang gawin nang sa gayon makilála at maunawaan ang mga katangian ng akdang pornograpiko at makita kung ano ang kahulugan ng pag-iral nitó sa ating lipunan sa kasalukuyan. Kung ano ang pornograpiya. Hindi ako magsisimula sa isang depinisyon ng pornograpiya na nagtatalakay ng ideolohiya ng estado, Simbahan, o anumang institusyon o aparatong ideolohiko ng estado. Karaniwang simplistiko ang ganito at nakakiling sa pagtatakda ng paglalaganap ng kapangyarihan. Hindi ko rin naman layunin ang magbigay ng lisensiya sa anumang mahahantungan ng paggámit ng imahinasyon. Lalong hindi ko sasabihin na nagmumula ako sa isang klinikal na pagkaobhetibo. Sa halip, lilinawin ko na babae akong nagmumula sa pananaw-pangkababaihan bagaman ginutok sa tradisyon ng pagsasaalang-alang sa pangunguna o pagkaungos ng lalaki. Kinikilála ko rin ang pagiging produkto ng produksiyong kapitalista ng pornograpiya, at interes ko ang pagturo sa mga larangan ng kontradiksyon at kahinaan ng lipunan sa pagbabakasakaling makalikha rito ng puwang ang pagbabago. Samakatwid, ang depinisyong naaangkop sa mga konsiderasyon ng papel na ito ay magiging sapát na malawak at huhugutin sa katangian ng mga Hot, Pinoy Playboy, Wet, New Cavalier, Pinoy Hustler, at Dalaga. Batay sa aking pagbabasá, at para sa layunin ng papel na ito, ang pornograpiya ay ang pagsasasalitâ o pagsasalarawan ng ibá’t ibáng aspekto ng paggising sa búhay ng laman o iyong tinagurian ni Abadilla na hibò ng kalupaan upang matamo ang kasiyahang kaakibat ng gawaing ito. Ang katawan o ang laman ang puntirya ng pornograpiya, at ang pagkaawtentiko at pagkamabisà nitó ay nasusúkat ng naiiwang bakas o bunga nitó sa katawan at imahinasyon ng mambabasá, na walang ibá kundi ang kasiyahang seksuwal.

153

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ayon sa teorya ng pag-unlad ng personalidad ng tao na binalangkas ni Freud, sa mga naunang bahagi ng búhay ng tao—sa kaniyang kasanggulan at kabataan, halimbawa—walang kakayahan ang ating psyche na ibukod ang posible sa imposible, ang nakabubuti sa nakasasamâ, at ang ipinahihintulot sa ipinagbabawal. Tanging ang pleasure principle ang nasusunod kayâ ang lahat ay maaari.1 Sa pornograpiya, wari ito ang isinumpang gawin ng may-akda: ang lumikha ng tekstong susukol sa mambabasá upang sa kaniyang pagpapaubaya sa kapangyarihan ng tekstong ito ay madalá siya sa sentro ng pleasure principle. Kayâ, sa kabilâ ng katotohanang nakararami sa mambabasá ng porno magasin ang nása wastong gulang, wari silá mga bata pa ring nagtatampisaw sa baha o naliligo sa malakas na buhos ng ulan. Kung ano ang kamalayan/imahinasyon na pornograpiko. Para kay Freud, mahalagang-mahalaga na maihiwalay ng anak na lalaki ang sarili mula sa kaniyang ina at sa mga katangiang babae sa kaniyang sarili, nang maalwan siyáng makaangkop sa identidad ng kaniyang ama at matagumapy niyang mabigyan ng resolusyon ang Oedipus complex.2 Sumusunod dito ang pagtubo ng superego, gayon din, ng konsensiya at moralidad. Sa kasamaang-palad, hindi ganito kalinis ang pagkabuo ng superego ng anak na babae dahil sa kaniyang kalikasán, susog ni Freud. Higit na nananatíli sa babae ang mga emosyong kaakibat ng paghiwalay sa ina kayâ itinuturing itong higit na malápit sa kalikasán kaysa kultura. Kay Susan Griffin na isang feminista, positibo ang pagiging higit na likás ng babae bílang táong nakaranas ng panahon o nakapailalim sa panahon, may kamalayan, may damdamin, at may realidad na materyal. Sa gayon, hindi itinuturing na hiwalay sa damdamin o emosyon ang pag-iral ng katawan kundi kaakibat nitó. Sa kaso ng lalaki, bunga nitó, nabubuo ang tinatawag ni Griffin na “pornographic consciousness which pits culture against nature... As men have learnt to identify with their reason, they have also learnt to be estranged from their bodies to regard them as having no part on their identities or experience.”3 Nauuwi tuloy sa isang nakababahalang kontradiksiyon ang seksuwalidad ng lalaki dahil ito mismo ang kailangan niyang supilin upang maging lalaki ang siya ring humihingi ng pagsukong todo-bigay. Sa pamamagitan lámang ng pagtuturing sa sex bílang isang uri ng pagtatanghal, at pagbubukod nitó sa matalik at personal na pakikipag-ugnay nakikita ng lalaki ang sex bílang isyu ng kontrol. Kaugnay nitó, ipinaliwanag ni Griffin: “...the objectified woman in the pornographic image represents not women in their actuality, but that part of the masculine self which remains attached to feelings of need, emotionality, and dependency.”

154

ANG PAGSASASALITÂ SA LAMAN: ILANG PANIMULANG SILIP AT HIPO SA DISKURSO NG PORNOGRAPIYA

Kung ano ang magasing pornograpiko. Mahirap ipagkamali ang magasing pornograpiko sa ibá pang magasing popular. Sa pamagat at pabalat pa lámang, litaw na ito. Ang Red Hot, halimbawa, ay eksakto sa mapanuksong paggámit ng salitâng red at hot, dalawang pang-uring hindi binabanggit ang binibigyang-turing yaman din lámang na iyon ang paksa ng nilalaman ng magasin mula unang pahina hanggang wakas. May larawan ng isang Filipina na walang suot kundi wari bahagi ng kulay pula na nakatakip sa kaniya na kung tawagin ay porno lingo–pagkababae, kalinisan, pagitan-ng-hita, ari, at ibá pang higit na makulay na deretso kaysa rito. Sa panlikod na pabalat naman, gayundin ang matatagpuan; ngunit ngayon, babaeng Europeo o Americano ang nakatanghal sa gayunding paraan. Inuulit ito, ad infiniturn, sa sumusunod pang isyu ng mga magasin. Sa loob, salit-salit ang teksto na binubuo ng mga naratibo ng pagtatalik; mga larawan (de-kolor, itim at puti, kuha ng kamera o nakadrowing) ng lalaki at babae na nása posisyong tinatáyang magpapagising ng hibò ng kalupaan ng mambabasá: at mga larawang genitalia ng tao sa ibá’t ibáng dimensiyon at anggulo. Sa walong magasing inusisa, may seksiyong nása anyong komiks na naglalarawan at nagsasalaysay ng gayon ding paksa. Manaka-naka, may mababásang, feature article na tumatalakay rin sa paksang sex. Nariyan, halimbawa, ang Ang Sex Life ni Leo Tolstoy, Sex in Philippine Cinema, Erotic Bits & Pieces, Sheena Castro: A face to watch, a body to snatch, at ibá pa. Kung ano ang naratibo sa magasing pornograpiko. Kung walang naratibo, hindi maisusúlong ang nilalamang pornograpiko. Naratibo ang batayang anyo ng diskurso ng pornograpiya. Gaano man kanipis o padaplis ang naratibong ito, mahalaga pa rin dahil ito lámang ang bumibigkis sa mga detalye ng gawain sa laman upang mabigyan ito ng kahit pabalat-bungang lohika o kaisahan. Ang naratibo sa magasing pornograpiko ay walang-katapusang permutation at combination ng mga paraan ng pagtatagpong lalaki at babae o lalaki at lalaki (walang kombinasyong babae at babae) na mauuwi sa pagtatalik. Kahit ang bersiyong komiks ay kakikitahan ng naratibo na nagtataglay ng sumusunod na sangkap: 1) ang pagtatagpo o pagkikilála ng dalawang tauhang gaganap sa mga susunod na pangyayari; 2) ang pagdatíng (o pagkatagpo) sa lugar at panahong angkop sa pagtatalik; 3) ang pagkakasundo sa gagawing pagtatalik sa pamamagitan ng mga senyas, hayagang pag-uusap, pakiusap, pamimilit, at paggámit ng dahas; 4) ang paghuhubad; 5) ang pagsasaliksik sa ibá’t ibáng bahagi ng katawan; 6) ang pagsapit sa karurukan ng pagsasaliksik na iyon; 7) ang pag-ulit-ulit sa karanasan; at 8) ang paghihiwalay. Ang bahaging pagsasaliksik sa katawan at pagsapit sa karurukan ng pagsasaliksik ang komponent ng naratibo na kakikitahan ng pagpapakitang-gilas ng manunulat

155

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sa pagsasasalitâ ng mga gawain ng laman. Hayag din na ang prinsipyo ng galaw ng naratibong pornograpiko ay ang pagsapit sa karurukan, ang pagdanas ng orgasm. Pansin nga ni Richard Dyer sa pag-aaral niya ng porn: “And it seems to me that male sexuality homo at hetero is socially constructed, at the level of representation anyway, in terms of narrative; that, as it were, male sexuality is itself understood narratively...”5 Mahalaga ang pansing ito sapagkat kapag sinuri ang naratibong seksuwal na nagbibigay ng depinisyon sa seksuwalidad ng lalaki, makikita na itinutulak siya nitó sa gayong pagpapahayag ng seksuwalidad at kasiyahan dito nang wari wala nang ibá pang paraan. Upang mabuo ang seksuwalidad niya, ipinapaloob siyá sa isang naratibo na determinadong magwakas sa orgasmo, at kapag hindi ito natupad, hindi rin natutupad ang pagkalalaki niya. Kayâ mahalaga na sa naratibo, hawak ng lalaki ang kapangyarihang magtakda ng kasasapitan ng katawan ng babae; nása kontrol ng lalaki ang babae na gumaganap na kasangkapan ng orgasmo ng una. Kahit madalas ding pagbigyan ng naratibo ang babae sa pagdanas nitó ng kasiyahang karnal, iyon ay upang higit na mapatingkad lámang ang pagkalalaki ng kapareha bílang pagsunod sa dictum na nasusukat sa kasiyahang naidulot ng lalaki sa babae ang kalidad ng kaniyang pagkalalaki. Sa pag-ulit-ulit ng sari-saring bersiyon ng iisang naratibo, nasisiwalat ang kadahupan ng determinasyong naratibo ng seksuwalidad ng lalaki. Dahil wari coterminus ng naratibo ang kaniyang pagkalalaki, kailangang ulit-ulitin nang parang ritwal ang gawain sa laman. Kung ano ang punto de-bista ng naratibong seksuwal. Sa halos lahat ng kuwento sa walong magasin, ang punto de-bista ay lalaki at isahan sa unang panauhan (?).Isinasalaysay ng isang lalaki ang kaniyang pakikipagsapalaran sa pagsasakatuparan ng “pagnanasàng naglalatang sa aking dibdib,” ayon sa kuwentong, Uhaw si Laarni sa Pinoy Hustler. Dito, sinisilo ng teksto ang mambabasá upang makasabay siyá sa sasapitin ng bida. Ang pamamaraang pampanitikan na ginagámit upang matupad ito ay ang pagbibigay-diin sa mga elementong biswal ng sex. Sa lahat ng kuwento, may obsesyon ang tagapagsalaysay na makita ang lahat ng nagaganap. “Mula sa aking pagkakatayô ay buong pananabik kong hinagod ng tingin ang katukso-tuksong katawan ni Laarni.”6 Sa pambungad na pangungusap na ito, agad na naakit ng manunulat na tingnan ng mambabasá si Laarni, ang larawan ng di-kilaláng babae na nása itaas lámang ng mga salitâ sa gayon ding pahina. Ipinagpapatuloy ng tagapagsalaysay na si Joven ang paglalarawan kay Laarni: “At sa bawat hagod ko ng tingin sa kaniya, laging humahantong ang aking paningin sa matambok at alsadong hiyas ng kaniyang pagkababae na dahil sa kanipisan ng saplot ay bakas na bakas ang makapal na balahibong sali-salimuot na tumatakip doon...”7 Sa pagbalik-balik ng

156

ANG PAGSASASALITÂ SA LAMAN: ILANG PANIMULANG SILIP AT HIPO SA DISKURSO NG PORNOGRAPIYA

tagapagsalaysay sa paghahayag ng kaniyang nakikita, naisusulong ang naratibo at nabubuo ang kamangha-manghang pagtatanghal na panonoorin ng mambabasá (at kailanman, hindi uunawain). Sundan pa natin ang mga mata ni Joven: “...at lumantad sa aking paningin ang kinasasabikan kong makita at matikman—ang kaniyang malaki’t pagkatamboktambok na hiyas na natatabunan nga ng makapal at kulot na buhok.”8 Pansinin na iyon at iyon din ang itinuturo ng mga mata ni Joven sa atin. Ngunit sa susunod na pagbáling sa paningin ilalarawan niya ang mga mata ni Laarni: “Titig na titig siya doon at sa kaniyang mukha ay bakas na bakas din ang nakakintal na paghanga’t pagsamba sa aking mahaba’t malaking pag-aari.”9 Mahihinuha natin kung saan bumáling ang naratibo sa bahaging ito. Subalit hindi papayag ang teksto na maiwan táyo sa ating hinuha kayâ titiyakin nitó kung ano ang naganap sa pagbalik sa paningin: “...kita ko ang pagkulapol ng katas ni Laarni sa aking kabahagi, tandang abot-abot din ang kaniyang kasiyahan sa pakikipagtalik sa akin.”10 At alam na natin na nagwakas na ang pakikipagsapalaran nina Joven at Laarni. Makapangyarihan ang punto de-bista ng porno sapagkat itinatakda nitó kung ano lámang ang nararapat tingnan ng mambabasá sa teksto, at kung ano lámang ang akmang pananaw sa kaniyang nakikita rito. Babae ang tinitingnan ng punto de-bista ng porno; ang babae sa kaniyang kabuoang pisikal. Upang maiwasan ang paghulapos ng kahulugan sa antas na pisikal lámang, ginagámit ang pagkontrol ng mata ng punto de-bista upang itutok ito sa bahagi ng katawan na lalong katakam-takam tingnan dahil bawal. Sa pagsunod ng mambabasá sa punto de-bista, nagaganap sa kaniya ang gayunding pagkapakò (literal ang ibig kong sabihin dito) sa antas na literal. Sa gayon, babaeng pisikal na pisikal din ang kaniyang nakikita, at ang sariling katawan na nais nang sumunod sa bawat kilos ng katawan ng punto de-bista. Makapangyarihan din ang mata ng punto de-bista sa pagtatakda ng ikikilos ng babae sa kuwento. Sapagkat laging sinusubaybayan ng matang ito ang bawat bahagi at kilos ng katawan ng babae, gayundin ang nagiging depinisyon ng babae sa porno: ang pagsunod sa paningin ng lalaki o wari hunyango, ang pagsasagawa ng anumang kilos o ayos ng katawan na hinihingi ng paningin (at katawan) ng lalaki. Hindi ba’t katumbas ito ng walang-kaparang pang-aapi o paggámit ng lalaki sa babae at sa kaniya mismong sarili? Pagkakulong ito sa napakakitid na parametro ng diskurso ng pornograpiya na walang puwang ang damdamin sa pamamayani ng di-makaling sensasyon: [P]ornography...shocks us away from feeling. It offers men power and control as the image is silenced so that it cannot question and answer back...the pornographic image becomes part of the way men construct their reality so that women are objectified. This is itself

157

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

an act of violence. ‘The models of pornography as they appear on the page lose their actuality which goes beyond mere ‘posture and enters into an absence of meaning.’11 Higit pa rito, ayon naman kay Lacan, ang tingin ay tingin ng pagnanasà na kinauuwian ng tumitingin at ng tinitingnan. At sapagkat nakapaloob ang unconscious sa pagnanasà, laging may mis-seeing o saliwang tingin sa bawat pagkilatis ng mata. Halimbawa, sa kaso ng perversion, nariyan ang exhibitionist na nakatatagpo ng kumpirmasyon ng kaganapan ng kaniyang pagnanasà sa pamamagitan ng hinagap na pagnanasà ng kaibá (other), o ang voyeur na nakatatagpo ng lahat ng kaniyang pagnanasà sa pagmamasid sa ibá sa kabilâ ng pagpapaalala ng Symbolic Order na hindi niya ito matatagpuan doon: The eye is not merely an organ of perception but also an organ of pleasure. There is a ‘dialectic of the eye and the gaze’—the eye as caught up in the Symbolic Order and ‘the gaze’ as pursuing a narcissistic fantasy—for every object, subjected as it is to the scopic drive, partakes of the conflict between imaginary fantasy and the demands of the Symbolic, the desire of the Other.12 Kung ano ang konstruksiyon ng babae sa pornograpiya. Sa kuwentong Uhaw si Laarni, (tulad din sa ibá pang kuwentong pornograpiko), ang tauhang Laarni ay binuo upang maisasalitâ ang representasyon ng babae bílang tagatanggap ng papel na obheto ng hibò ng kalupaan ng lalaki. Sa ikalawang pangungusap pa lámang ng kuwento, inilarawan na—hindi si Laarni, kundi—ang katawan nitó na “nakalatag na sa malambot na kutson ng kama at wala na (itong) bra.”13 Katumbas ni Laarni ang kaniyang katawan at mga bahagi nitó: “ang matutulis niyang suso.” Na “ang mga utong ay bahagya pa lámang nakausli sa malakremang bundok ng laman”; “ang kaniyang mabalahibong binti”;“ang katambukan ng kaniyang pagkababae”; “ang mamasâmasâ niyang lagusan”; “ang kaniyang mainit na dila”; “ang kaniyang kaselanan”;“ang kaniyang biyak”; “ang kaniyang kalaliman”; “ang kaibuturan ng kaniyang pagkababae.”14 At tinatanggap naman ng mga bahaging iyan ang gawain ng mga pandiwang tulad ng “hinalik-halikan,” “gumapang,” “pinaliguan,” “pinagmamasdan,” “pinakakatitigan,” “siniil,” “pinasok,” “siniid,” “sinimsim,” “inararo,” “binayo,” at ibá pa. Sa pagtatambal ng baha-bahaging katawan ng babae at ng mga aksiyong ginagawa rito, nalilikha ang larawan ng kasiyahan o sarap (pleasure) sapagkat ang konstruksiyon ng mga sexual practices na tulad ng pornograpiya ay bílang mga obheto ng kasiyahan. (Ang mga bahagi ng katawan ng babae ay ang mga obheto ng kasiyahan;

158

ANG PAGSASASALITÂ SA LAMAN: ILANG PANIMULANG SILIP AT HIPO SA DISKURSO NG PORNOGRAPIYA

tingnan lámang ito ay nakapagdudulot na ng ligaya.) Subalit hindi laging malinaw kung ano ito; laging kabilaan ang kalikasán nitó. Sa likod ng ganitong pagtrato sa babae sa mga kuwentong pornograpiko, makikita ang pagsisikap ng lalaki sa eroticization ng pag-api sa babae, o ang pagtuturing na bukal din ng kasiyahan ng babae ang pagpapahirap ng lalaki sa kaniya. Ang pananaw ni Havelock Ellis ay isang klasikong halimbawa nitó.15 Ipinaliwanag niya na ang pagtatalik ng lalaki at babae ay nakabatay sa paghabol ng lalaki sa babae, gaya rin ng ginagawa ng mga hayop; samakatwid, natural. Ang mga papel ng babae sa ganitong ligawán ay makipaglaro sa kaniyang manliligaw upang magmukhang tinatakasan niya ito gayong nais naman niyang mahúli rin ng lalaki. Lumalabas na ang pagtatanggi ng babae ay hindi tunay at ginagawa lámang upang higit na sumigla ang laro at tumindi ang pagkagising ng pagnanasà ng lalaki: For Ellis, then, every act of heterosexual intercourse was essentially a re-enactment of primitive, animal courtship; the male sexual urge an urge to be conquered...Thus the close association between male sexuality, power, and violence was a biological necessity and therefore inevitable...Similarly, since the function of female resistance is to increase male arousal...there must be an equally close association between femal sexual pleasure and pain. 16 Walang kalugar-lugar dito para sa sexual autonomy ng babae. Nakukuha lámang ng babae ang kasiyahan sa sex kapag napailalim siyá sa kapangyarihan ng lalaki, at ang mismong pagpapailalim na ito ang magdudulot ng kasiyahang seksuwal. (Ang textual equivalent nitó sa mga kuwentong pornograpiko ay ang panggagahasa na nauuwi sa tahimik na pagsunod ng babae sa kagustuhan ng lalaki, at ang incest kung saan ipinapakita ang tahimik na pagbabatá ng babae sa kaniyang pagiging biktima dahil walang lakas na tanggihan ang kapangyarihan ng isang ama o isang tiyuhin.) Kung ano ang diskurso ng pornograpiya. Sa dulo ng lahat, isang diskurso ang pornograpiya na nakapagsasagawa ng pang-aapi ng mga indibidwal at maging ng karahasang pisikal man. Ang mga larawang pornograpiko, babasahín, pelikula—lahat ito ay bumubuo ng diskurso na bumubuo sa ating paligid ng mga sign. May kahulugan ang diskursong ito: na napangingibabawan ang kababaihan. Bahagi rin ang diskursong ito ng mga estratehiya ng karahasan sa ibá’t ibáng antas ng búhay. Hinahamak nitó ang pagkatao ng tao; inagawan siyá ng dangal; at isa itong krimen laban sa sangkatauhan. Subalit paano ito haharapin? Sa pamamagitan kayâ ng paghihigpit o censorship? Sa pamamagitan ng walang limitasyong liberalismo? O sa pamamagitan ng pagtingin dito nang matagal at walang pagkurap upang madalumat nang ganap ang kalikasán

159

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

nitó, nang sa gayon, mawala ang kapangyarihan nitó sa ating kamalayan? Nása atin ang pagpilì. MGA TALÂ V.N. Volosinov, Freudianism: A Critical Sketch (Bloomington and Indianapolis, 1976), p. 36. 2 Elizabeth Wright, Psychoanalytic Criticism: Theory in Practice (London and New York, 1984), mp. 13-15 3 Victor J. Seidler, “Reason, Desire, and Male Sexuality” sa The Cultural Construction of Sexuality, Pat Caplan, patnugot (London & New York, 1987), mp. 95-97. 1

4

5

6

7 8 9 10 11

12 13 14 15

Ibid. Nais kong idagdag dito na hindi narin ligtas ang kababaihan sa tinatawag na pornographic consciousness. Ang babaeng lumaki sa kulturang patriarchal ay maaaring humiram sa lalaki ng ganitong pananaw upang mapangatwiranan ang kaniyang “búhay ng seksuwal na pagtatanghal,” at pati na rin ang mismong depinisyon ng seksuwalidad niya. Napapapayag siyáng ituring na hiwalay sa kaniyang katawan ang sariling damdamin at emosyon. Waring zombie, napapasunod siyá ng lalaki na ipagámit dito ang kaniyang katawan sa ngalan ng kalakal. Pornograpiya na nga: mula sa porn na nangangahulugang prostitute, at graphein, na ang ibig sabihi’y pagsulat. Sa matalinghagang salitâ, “isinusulat” (iginagawa ng representasyon) o kinakalakal sa antas ng kultura ang aktuwal na katawan ng babae o representasyon nitó. Richard Dyer, “Coming to Terms” sa Out There: Marginalization and Contemporary Cultures, Russell Ferguson, Martha Gever, Trinh T. Minnh-ha at Cornel Wes, mga patnugot (New York at London, 1990), mp. 292, 269. Ginamit kong batayan ang pag-aaral na ito ni Dyer sa pelikulang porno. May ilang pagbabago akong isinagawa upang iangkop ang kaniyang modelo sa aking pinag-aralan. Joven Sandigan (malamang, alyas ng manunulat), “Uhaw si Laarni,” sa Pinoy Hustler, 2 (walang petsa), p. 3. Ibid. Ibid., p. 4 Ibid., p. 5 Ibid., p. 6 Seidler, kasáma ang mga sipi niya kay Susan Griffin, Pornography as Silence, pp. 101-102. Ibid. Pinoy Hustler, p. 3 Ibid., pp. 3-6 Si Havelock Ellis ang itinuturing na nagsagawa ng mahahalagang teksto tungkol

160

ANG PAGSASASALITÂ SA LAMAN: ILANG PANIMULANG SILIP AT HIPO SA DISKURSO NG PORNOGRAPIYA

16

sa sexology o ang pag-aaral sa sex bílang isang uri ng agham mula 1900-1930 ang panahon ng impluwensiya niya. Margaret Jackson, “‘Facts of life’ or the eroticization of women’s oppression? Sexology and the social construction of heterosexuality” sa The Cultural Construction of Sexuality, Cplan, mp. 56-57.

161

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD NI

FERNAN L. TALAMAYAN Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

M

akikita sa kasaysayang kolonyal ng ating bansa ang pagsasantabi, pagsasagilid, at diskriminasyon ng kababaihan. Sa pagdatíng ng mga Español, pinalitan ng mga parì ang mga babaylán at ikinulong ang kababaihan sa bahay at sa simbahan. Sa pagdatíng naman ng mga Americano, pinagharian ng mga lalaki ang mundo ng politika, kalakalan, at lakas paggawa. Sa pagyakap sa patriyarka, sabay na ikinahon ang imahen ng kababaihan sa kusina, sa bahay, at sa pamilya. Kapansin-pansin ang pagkakahong ito sa ibá’t ibáng materyales pangkalinangan sa Filipinas tulad ng mga patalastas, polyeto, pahayagan, at ibá pa. Sa pag-aaral na ito, susuriin ang National Economic Protectionism Association o NEPA at mga materyales pangkalinangan nitó noong dekada ng 1930. Gámit ang estruktura ng samahán at tekstong midya nitó, ipakikita kung papaano nilá isinakatawan ang gampanin ng kababaihan noong 1934 hanggang 1941. Gagaygayin ang pagsalin ng mga pagsasakatawang ito sa kanila mismong ginanapan at maaaring tinanggap na identidad. Ipaliliwanag din kung bakit sa panahon ng pag-usbong ng aktibismo sa hanay ng kababaihan, tíla may ilang yumakap at tumanggap sa naturang pagsasakatawan sa kanila.

162

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD

ANG KABABAIHAN MULA SA PAGKABUO NG PAMAYANAN TÚNGO SA BANSA: ISANG MAIKLING KASAYSAYAN 1 Malalim ang hugot sa kasaysayan ng usapin ng pagsasantabi at pagsasagilid sa mga babae sa estruktura at mga tekstong midya ng NEPA. Bagaman pasók sa panahon ng pagbubuo ng bansa ang usaping nais kong talakayin, mahalaga na pahapyaw munang mapasadahan ang kasaysayan ng naturang penomeno para sa higit na malalim na pagbása ng mga naturang teksto ng NEPA. Mayroong paggalang ngunit walang nakalalamáng kung kasarian ang pinaguusapan—iyan ang katangian ng lipunan ng sinaunang Filipino. Ayon kay Teodoro Agoncillo (1990), tinatamasa ng mga babae sa Filipinas ang pantay na pagtingin sa mata ng lipunan at batas bago dumatíng ang mga Español. Hindi naiibá sa kalalakihan ang karamihan sa gampanin at ginagampanan ng kababaihan—nakatatanggap ng mana, nagiging pinunò ng isang barangay, nakapagtitinda at nakapagkakalakal din silá. Dagdag pa ni Agoncillo, bílang pagpapahayag ng paggalang sa mga babae, pinauunang maglakad ng mga lalaki ang mga babae sa tuwing magkasámang naglalakad ang dalawa.2 Sa Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas naman ni Zeus Salazar (2004), sinasabi niya na nagkakatulong pa nga ang babae’t lalaki sa ibá’t ibáng gawaing pang-agrikultura. Gayunman, nagbago ang lahat ng ito nang magdatingan ang mga Muslim at Kanluranin sa Filipinas. Sa pagdatíng ng mga Muslim noong 1280 (Salazar, 2004), dala-dala nilá ang kanilang Kodigo na naghahayag ng hindi patas na pagturing sa mga babaeng Muslim sa usapin ng pagtratrabaho, pag-aasawa, at pag-akses sa sistemang hukuman (Ezer, McCalley, & Pacamalan, 2011). Sa pagdatíng naman ng mga Español, pinalitan ng mga Katolikong pari ang mga babaylan. Hábang hinahasa ang isipan ng kalalakihan sa kanilang mga itinatag na paaralan, naiwan sa mga kabahayan upang maging bihasa sa pagluluto at pagsusulsi ang kababaihan. Hábang itinakda ang mga lalaki na maglingkod at kumilos para sa pagbubuo ng bansa, itinakda naman na magsilbi sa kanila ang mga babae. Nagpatuloy maging hayag sa lipunang Filipino ang dominasyon ng kalalakihan hanggang sa pagdatíng ng mga Americano sa pagsisimula ng ika-20 siglo. Nanatili ang paghahari ng mga lalaki sa mundo ng politika. Halimbawa, wala ni isang babaeng naging kasapi ng unang Pambansang Asamblea. Ngunit sa kabilâ nitó, naging hudyat din ng pagbabago ang pagdatíng ng mga Americano sa bansa. Sa kanilang pagdatíng, nagkaroon ng pagkakataón na magkaroon ng pormal na edukasyon ang mga babae. May mga babae pa ngang ipinadala sa ibáng bansa para maging pensionada (colonial government scholar) tulad ni Encarnacion Alzona. Sa pagkakaroon ng mga babae ng pagkakataóng pumasok sa mga paaralan kung saan nag-aaral din ang mga lalaki, maaaring nagkaroon silá ng kamulatan na káya rin niláng maging matagumpay sa mga larangang pinaghaharian ng mga lalaki.

163

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Gayundin, maaaring nagdulot ito ng pag-usbong ng kamalayan na hindi dapat maging batayan ng diskriminasyon ang kasarian. Kung gayon, hindi rin dapat ipagkait sa kanila ang bawat karapatan ng isang mamamayan ng bansa (Kalaw, 1952). Dahil sa kamulatang hatid ng mga pangyayari noong ika-20 siglo, napagtanto ng mga babae na bílang bahagi ng Filipinas, karapatan din nilá na makibahagi at makisangkot sa mga usaping pambansa. Makikita ang realisasyon ng penomenong nabanggit sa pag-usbong ng mga organisasyong tulad ng Women’s Club of Manila, National Federation of Women’s Clubs, at ng Liga Nacional de Damas sa unang bahagi ng naturang siglo (Kalaw, 1952). Kanilang naisip na higit niláng maigigiit ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kolektibong pagkilos (Katigbak, 1998). Nakibahagi silá sa mga pagkilos sa pagbubuo ng isang bansang ipinagpalagay niláng maka-Filipino, matatag, at maunlad. Kalaunan, iginiit din nilá ang kanilang karapatang makaboto sa Pambansang Halalan. Sa pagpasok ng dekada 30, napaloob ang pag-unlad ng kilusan ng mga kababaihan sa Filipinas sa isang masalimuot na estadong ekonomiko-politikal. Umusbong sa dekadang iyon ang usapin ng pagbibigay-kalayaan sa Filipinas at naharap sa isang miserableng kalagayan ang pinansiya ng bansa sa napipintong pagwawakas ng espesyal na ugnayan nitó sa Estados Unidos (Hayden, 1942). Maganda sana ang tunguhin ng idea ng pagbibigay-layà sa Filipinas ngunit ang mismong paggawad ng kalayaan sa Filipinas ay nakítang magdudulot ng mabibigat na suliranin sa mga Filipino. Malaking bahagi ng suliraning tinutukoy ay dulot ng matagumpay na pagkakawing ng mga Americano ng ekonomiya natin sa kanila (Corpuz, 1997), pagkakaroon ng tangkilikang may pagkiling sa mga gawang Americano (Lopez, 1966), at pagiging maka-Americano ng mga Filipino dahil sa edukasyong Americano sa Filipinas (May, 1980). Sa wika ni William Howard Taft, ginawa kasing imitasyon ng mga Americano o kanilang little brown brothers (Golay, 1997, p. 76) ang mga Filipino—mga pangunahing tagakonsumo ng produkto, serbisyo, at kaisipang Americano sa Asia (Lopez, 1966). Bílang solusyon, binuo ng Pamahalaang Commonwealth ang National Economic Council at gumawa ito ng mga patakarang tumulong sa pagpapalakas ng sarili nating mga industriya (Gopinath, 1987). Kaugnay nitó, nabuo ang NEPA na nagtaguyod ng damdaming maka-Filipino, proteksiyonismo, pagtangkilik sa mga gawang Filipino, at industriyalisasyon. Dahil sa napapaloob ang aktibismo ng mga Filipina sa konteksto ng mga nabanggit na pambansang suliranin ng dekada 30, nakibahagi ang kababaihan sa mga gawaing lulutas sa mga naturang problema. Halimbawa, nang binuo ng isang pangkat ng kalalakihan ang NEPA, sumali dito ang mga babae at bumuo ng sarili niláng sangay na may sariling paraan ng pagtugon at paglutas sa mga problemang naidulot ng pagkolonisa ng mga Americano.3

164

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD

LAYUNIN NG PAG-AARAL Iuugat ko ang pag-aaral na ito mula sa mga nabanggit na kontekstong pangkasaysayan sapagkat nakapaloob dito lahat ng aking mga sinuring tekstong midya ng NEPA. Igigiit ko na isinakatawan ng mismong NEPA at ng mga tekstong midya nitó ang identidad at gampanin ng mga babae. At sa pagsasakatawang ito ipaliliwanag ang ugnayan ng imahen, gampanin, at identidad—na sa proseso ng paglikha ng imaheng mapangkahon, iminumungkahi ang dapat niláng gampanan; at ang gampaning ito ang isa sa mga salik na nagtatakda ng kanilang kasinuhan. Gayunman, bibigyangdiin ko ang kontekstuwal na hugot ng tíla pagtanggap ng ilang babae sa mga iminungkahing gampanin at kasinuhan nilá. Kinakailangan sa pag-unawa nitó ang pag-alam sa konteksto ng kabalintunaang bagaman may pag-usbong ng aktibismo sa hanay ng kababaihan noong dekada 30, nanatíli pa ring buháy ang pagkakahon sa kanila sa mga gawaing pangkusina, pambahay, at pampamilya. Isasagawa ang pagsasakontekstong ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang indikasyong maaaring tinanggap ng ilang babae sa NEPA ang itinakdang limitasyon sa kanilang kasarian. SAKLAW AT LIMITASYON NG SALAYSAY NG KASAYSAYAN Isa sa mga pinakamalaking limitasyon ng pag-aaral na ito ang mismong pagpilì ko sa mga lathalain at media materials ng NEPA bílang pangunahing batis. Totoo na maaaring may ibá pang mga materyales o batis na lumabas at lumaganap noong panahon ng Commonwealth na maaari ding makapagbigay ng kabuluhan sa pagaaral na ito. Gayunman, pinilì ko pa ring ituon lámang ang aking atensiyon sa mga batis mula sa NEPA sapagkat maraming batis ang naturang samahán na naglilinaw ng kanilang layunin, gampanin, at pangangasiwa ng pagsulong at paghubog ng kamalayang itinuring na maka-Filipino. Higit sa lahat, napakainteresanteng suriin ang pagtingin at pagsasakatawan ng NEPA sa kababaihan lalo pa’t mayroon itong sariling sangay pangkababaihan na naging aktibo sa pakikilahok sa mga gawain ng samahán at sa produksiyon ng imahen ng isang babae. Sa usapin naman ng pagpilì sa panahon, napilì ko ang mga taóng 1934 hanggang 1941 sapagkat una, taóng 1934 ipinanganak ang NEPA, at pangalawa, bahagi ang dekada 30 ng panahon ng isang uri ng pagkabúhay ng damdaming maka-Filipino at paglakas ng hanay-kababaihan sa Filipinas. Pinutol ko ang salaysay sa taóng 1941 sapagkat malinaw na ibáng ibá ang naging gampanin at representasyon ng kababaihan sa lipunan na nakapaloob sa panahon ng digmaan. Kung may pagkakahalintulad man, nararapat pa ring basahin ang mga batis na nakapaloob sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paraang naaangkop sa panahon na punông-punô ng karahasan, tákot, at lagim.

165

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Upang higit na maunawaan ang pagsasaimahen ng NEPA sa mga babae at pati na rin ng kanilang pagtatakda ng gampanin ng mga ito, marapat lámang na talakayin muna ang mismong samahan—ang NEPA. NEPA: ANG PAMBANSANG SAMAHAN SA TANGKILIKAN Maiuugat ang kasaysayan ng pag-usbong ng isang pambansang samahán sa tangkilikan sa mga batas at pangyayaring bumago sa takbo ng ekonomiya ng Filipinas sa pagsisimula ng ika-20 siglo. Noong 5 Agosto 1909, ipinasá ang Payne-Aldrich Act na nagbigay-daan sa malayàng pagpasok sa Filipinas ng kahit na ano at ilang produktong gawang-America hábang ang mga produktong Filipino naman (maliban sa bigas) ay malayàng pinapasok sa Estados Unidos nang may quota (Guerrero, 1998). Isa ito sa mga pangunahing hakbang ng Estados Unidos sa pagpapalawak ng kanilang kalakal sa Filipinas at pagkakawing ng ekonomiya ng ating bansa sa kanilang ekonomiya (Corpuz, 1997). Tinutulan ng maraming lider sa Filipinas ang hakbang na ito ng Pamahalaang Americano dahil sa mga lantad nang masamâng epekto ng naturang batas sa pagkamit ng kalayaan ng bansa (Gleeck, 1984) ngunit saksi ang kasaysayan sa pamamalagi nitó sa loob ng mahabàng panahon. Sa katunayan, sa pagpasok ng dekada 30, ramdam na ramdam ng mga negosyanteng Filipino ang kinasasadlakang problemang pang-ekonomiya ng Filipinas. Unang problema ang nakababahalang bílang ng mga banyagang namumuhunan sa bansa (Guerrero, 1998). Kung tutuusin, hindi naman talaga masamâ ang dulot ng pagkakaroon ng maraming banyagang mamumuhunan sa isang bansa. Ngunit dahil sa estado-ekonomiko ng mga industriyang Filipino noong dekada 30, naging hadlang sa pag-unlad nilá ang pagdami ng mga banyagang mamumuhunan. Sa isang global na pagtingin, masasabi na dahil sa kolonyalismo ay hindi naihanda ng mga Filipino ang kanilang sarili na makilahok at makipagsabayan sa pandaigdigang organisasyong pang-ekonomiya (Golay, 1966). Sa isa namang lokal na pagbása, hirap na hirap makipagkompetensiya ang mga Filipino sa usapin ng tangkilikan dahil sa taas ng popularidad ng mga gawang-America at/o gawangbanyaga sa Filipinas (Robb, 1939). Dahil sa lalim ng pinsalang idinulot ng kolonisasyong Americano sa ekonomiya ng bansa at sa kaisipan ng mga mamamayang Filipino, minabuti ng Pamahalaang Komonwelt na manawagan para sa pagtataguyod hindi lámang ng mga industriya sa bansa kundi pati na rin sa muling pagyakap at pagtangkilik ng mga ito sa kanilang pagka-Filipino. Upang maging matagumpay ang kampanya sa pagpapalakas ng sariling ekonomiya, kinilála nina Quezon at ng ibá pang mga lider ang pangangailangang mag-udyok sa damdaming maka-Filipino. Sa ganitong paraan muling hinikayat ang mga Filipino na makilahok sa mga adhikain ng pamahalaan at gayundin, hinimok ang

166

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD

mga ito na tangkilikin ang anumang likha mula sa kanilang mga kababayan. Mula sa ideang ito ipinanganak ang NEPA. Itinatag ang NEPA noong ika-19 ng Nobyembre 1934. Nabuo ito mula sa isang komite ng Chamber of Commerce of the Philippine Islands na binubuo nina Leopoldo Aguinaldo, Toribio Teodoro, at Ciriaco Tuason na pawang mga naatasan din na lumikha ng mga paraan upang mapalawak ang pagtangkilik ng mga tao sa mga produktong lokal (Quirino, 1937). Ang mga orihinal na tagalakip ng NEPA ay kinabibilangan ng mga tanyag at mayayamang lalaki sa Filipinas: L. R. Aguinaldo, Antonio Brias ng San Miguel Brewery, Toribio Teodoro, Ciriaco Tuason, Primo Arambulo, Benito Razon, Isaac Ampil, Aurelio Periquet, Gonzalo Puyat, Florencio Reyes, Vicente Villanueva, Joaquin Elizalde, Arsenio N. Luz, Ramon J. Fernandez, at Salvador Araneta (Quirino, 1937). Ang mass media at paglalathala ang mga naging pangunahing kasangkapan ng samahán sa pagpapakalat ng kanilang mensaheng nagsusúlong ng kamalayang maka-Filipino. Sa ikapitóng boletin ng NEPA (Quirino, 1937), inisa-isa nilá ang mga kasangkapang ito: (1) sa mga pahayagang pang-araw-araw, lingguhan, buwanan, at lathalang pampagkakataón; (2) radyo; (3) pahatirang-sulat; (4) pagtatanghal; at (5) punòng kalakalan. Naging kasangkapan din sa paglalathala ang mga mamamayang bahagi ng sumusunod: (1) paaralan, unibersidad, at ibá pang paaralan; (2) pambayan [sic] pangkaibigan, at pangkapatirang samahán; (3) tanggapan ng pamahalaan, kawanihan at ibá pa; at (4) pambayan at kapulungang panlahat (Quirino, 1937). Pawang mga lalaki ang karamihan sa mga sumusúlat ng mga pahatirang súlat, talumpati, at artikulo sa mga boletin at polyetong inilabas ng NEPA. Sa katunayan, sa ikapitóng boletin na inilabas ng NEPA, makikita na wala ni isang babaeng sumúlat ng mga talumpati, artikulo, o pahatirang súlat na sumasalaysay sa adhikain at gawain ng asosasyon. Gayundin, sa lupon mismo ng pamatnugutan ng NEPA, kítang-kíta rin ang paghahari ng mga lalaki. Wala ni isang babae sa pangkat. Dahil dito, maaaring maipagpalagay na sa pagbabahagi ng mensaheng kumakatawan sa kanilang prinsipyo, lalaki ang siyang nangunguna at nagtatakda ng direksiyon at mensahe nitó. Kung gayon, saang aspekto ng pagsusúlong ng interes ng NEPA naroon ang kababaihan? Bumuo ang NEPA ng isang hiwalay na sangay para sa kababaihan na eksklusibo para lámang sa kanilang kasarian (Quirino, 1937). Sa kabanatang nabanggit aking itutuon ang pag-aaral upang sagutin ang inilatag kong katanungan. PAKIKILAHOK NA NAKAKAHON: GAMPANIN AT GINAMPANAN NG KAKABABAIHAN NG NEPA Mapapansin ang lantad na pagkapatriyarkal ng NEPA. Makikíta ito sa kanilang hatian ng mga gampanin—hábang ang kalalakihan ang naging dominanteng pangkat sa mga boletin at polyeto, ang kababaihan naman ay iniadyang manguna sa pagtatanghal ng

167

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

damit-Filipino. Halimbawa, sa industriya ng dressmaking, malinaw ang pangunguna ng mga babae dahil iisa lámang ang kasapi nitóng lalaki. Kabílang sa kanila ang mga may-ari ng mga noo’y pinakatanyag na mga dressmaking shops tulad ng Aurelia’s, Badillo’s (Aurelia Gatchalian), Pura Escurdia, Filipinas Dress Shop (Rosario de Guzman), Jardin de Modas (Concha Carmen Lualhati), Lyric Fashion (Rosenda de Albo), Model Style Roa’s (Pilar Ver Enriquez), Modiste Shop, Tres Chic (Segundina Chua Jacinto), at Ramon Valera (Quirino, 1937). Naging aktibo ang lupon ng kababaihan ng NEPA na impluwensiyahan ang isipan at hilig ng mga babae sa pagpilì ng kasuotan. Sa pamamagitan ng pagtatanghal sa mga fashion show ng mga damit na may disenyong ipinagpalagay na katutubo o ng mga usong damit na yari sa mga lokal na materyales tulad ng pinya, sinamay, jusi, at pinokpok, at sa pagsusuot ng mga ito sa karnabal at sa mga salusalo, hinikayat nilá ang kababaihan na piliin ang mga damit na maka-Filipino. Iginiit nilá na kasingganda o kung hindi man ay higit na maganda pa ang mga disenyo at yari ng mga ito kompara sa mga Kanluraning kasuotan. Nakabuti ito sa mga lokal na industriya ng tela sapagkat pinataas nitó ang pagkonsumo ng mga mananahi ng mga lokal na materyales. Nakabuti rin ito sa mga mamimili sapagkat, halimbawa, sa Aurelia’s, nagbenta silá ng mga dekalidad na damit sa mas murang halaga dahil mas mura ang materyales na ginamit sa paglikha ng mga naturang paninda. Higit sa lahat, nakatulong ang paggámit at pagsusuot ng mga damít na may temang Filipino sa pagpapalaganap at pagpapaigting ng damdaming maka-Filipino (Quirino, 1937). Pinasok din ng kababaihan ng NEPA ang taunang karnabal sa Maynila. Pinangunahan ng noo’y Pangulo ng Pambansang Kababaihan ng NEPA na si Gng. Victoria Lopez-Araneta ang isang Fashion Show Night noong 24 Pebrero 1935 na nagsilbing pagsasapatalastas ng lokal na kasuotan. Sa naturang gabí itinampok ang paggámit ng mga materyales o produktong mula sa Filipinas sa paggawa ng mga damit. Inanyayahan sa naturang pagtatanghal ang lahat ng mga fashion establishment, milliner, at modista sa lungsod (Preparations are now underway for a bigger and greater 1935 carnival and fair, 1935). Isa ring gampaning ibinigay o inako ng kababaihan ang pagsusúlong ng inobasyon sa usapin ng pagkain. Halimbawa, upang tugunan ang hámon na dulot ng malawakang pag-angkat at pagbilí ng mga Filipino ng harina, lumikha ang isang kasapi ng NEPA na si Maria Orosa ng isang uri ng harina na gawa mula sa sápal ng búko. Dahil sa dami ng búko sa Filipinas, iminungkahi rin niya na gamítin ang mantika mula dito bílang kapalit sa mga imported na shortenings tulad ng mantekilya (Orosa-del Rosario, 1970). Maliban pa sa mga nabanggit, wala nang ibá pang malinaw na ginampanan ang mga babaeng kasapi ng NEPA sa pagsusúlong ng layunin nitó. Makikíta na

168

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD

napakalimitado ng saklaw ng kanilang pakikilahok—nakakahon lámang sa paggawa ng damit, produktong pangkusina, at kosmetikos. Matápos talakayin ang ilan sa mga ginampanan ng kababaihan ng NEPA, tatalakayin ko naman ang pagsasakatawan o pagsasaimahen ng samahán sa kanilang kasarian. MGA TEKSTO NG PAGSASAKATAWAN AT PAGTATAKDA NG KASINUHAN NG KABABAIHAN: ANG UGNAYAN NG IMAHEN, GAMPANIN, AT KASINUHAN Ayon kina Susan Egan at David Perry (2001), ang identidad pangkasarian ang marahil pinakamalakas na nagbibigay-hugis sa kasinuhan ng tao. Sa kanilang pagaaral, sinasabi nilá na isang multidimensional construct ang identidad pangkasarian na siyáng sumasaklaw sa pagkilála at pag-unawa ng isang indibidwal sa kaniyang kinabibilangang kasarian. Nagdudulot ang pag-unawang ito ng presyur sa mga tao na sumunod sa tanggap na balangkas ng kanilang kasarian.4 At malaki ang ginagampanang papel ng midya sa prosesong ito; isa ang midya sa mga pinakamalalaking ahenteng nagtatakda ng balangkas ng kasarian. May kapangyarihan itong magtakda ng estereotipo (stereotype) ng pagkalalaki at/o ng pagkababae. Kung gayon, paano na lang kung ang midya ay nakapaloob sa isang balangkas na may pagkiling sa isang kasarian? Paano na lang kung ang nililikhang balangkas nitó ng isang kasarian ay nása linya ng pagsasantabi, pagsasagilid, at diskriminasyon ng isang kasarian? Ano ang maaaring maging epekto nitó sa pagkilála ng isang indibidwal sa kaniyang kasarian? Sa mahabàng panahon, iniuugnay ang imahen ng isang babae sa kusina, bahay, pamilya, pagtsitsismisan, at pagpapaganda. Kadalasan, iminumungkahi ng mga naturang imahen ang mga naaakmang gawain at gampanin ng mga babae na sa hulí ay nagtatakda ng kanilang kasinuhan. Halimbawa, sa lahat ng mga patalastas sa format na komiks ng Ovaltine the Swiss Food-Drink na lumabas sa Philippine Magazine ni A.V.H. Hartendorp (1934), parating gumaganap bílang maybahay o housewife ang mga babae at parating gumaganap naman bílang propesyonal at nagtatrabaho para sa pamilya ang mga lalaki. Laging ipinakikíta na pinaglilingkuran ng babae ang kaniyang asawa, ipinagtitimpla niya ito ng Ovaltine para makatulog nang mahimbing. Gayundin, ipinakikíta rin sa mga patalastas nitó ang gampanin ng babae bílang ina na siyáng responsable sa kalusugan at pagpapalaki ng kaniyang mga anak. Sa mga patalastas naman ng Electrolux sa naturang magasin noong Hunyo, Hulyo, at Disyembre 1934, iminumungkahi ng kompanya na ikinaliligaya ng mga nanay na magkaroon ng refrigerator. Parating babaeng nakaeypron ang nása patalastas ng mga gámit pangkusina. Sa mga patalastas naman ng PLDT, pinayuhan ang mga babae na magpakabit ng ekstensiyon ng telepono nang mapadalî ang

169

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

kanilang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan kahit na nasaan man siláng bahagi ng bahay. Iminumungkahi ng nasabing patalastas ang kahiligan ng mga babae sa pakikipagkuwentuhan. Sa patalastas naman ng Tangee, world’s most famous lipstick sa Philippine Magazine (Hartendorp, 1934), makikíta ang isa pang paglalahat sa mga babae: Men compare her (yung babae sa retrato) with other girls and find her lovelier by far! Men are attracted by beautiful lips, but no man likes “painted” lips. Her lips never shriek “paint,” for she always uses Tangee Lipstick. It gives lips the youthful color men admire, without risking a painted appearance. (p. 267) [Ikinokompara siya (tinutukoy ang babaeng nása larawan) ng mga lalaki sa ibáng mga babae at itinuturing siyáng mas kabighabighani! Ang mga lalaki ay naaakit sa mga magagandang labì, ngunit walang sinumang lalaki ang nagkakagusto sa pininturahang labì. Kailanman ay hindi bumibigkas ng pintura ang kaniyang labì (tinutukoy ang labì ng babae sa patalastas) sapagkat lagi siyáng gumagámit ng Tangee Lipstick. Nagbibigay ito sa labì ng nakababatang kulay na siyáng kinagigiliwan ng kalalakihan, na walang panganib na magmukha itong pininturahan.] Iminumungkahi ng patalastas na nagpapaganda ang isang babae hindi para sa kaniyang sarili; bagkus, nagpapaganda siyá para maging maaya siyá sa paningin ng mga lalaki. Sa hulí, lalaki pa rin ang dapat niláng bigyang-kasiyahan. May mga lathalain naman tulad ng mga isinusúlat ni Mary Macdonald sa kaniyang kolum sa Philippine Magazine na pinamagatang The Philippine Home kung saan parati niyang pinagtitibay ang idea na tagaluto, tagabadyet, at tagapagsilbi sa mga salusalo ang mga babae (Macdonald, 1934). Pinagtitibay ng mga nabanggit na pagsasaimahen ang itinakda ng lipunan na kasinuhan ng mga babae na nakaayon sa itinakdang mga gawain at gampanin para sa kanilang kasarian. Ang pagsasakatawang binanggit sa itaas ang siyá ring pagsasakatawang ginamit ng NEPA sa kababaihan noong dekada 30. Minana ng NEPA ang kinagisnan nitóng imahen ng kababaihan. Makikíta na konsistent ang NEPA pagdatíng sa pagtingin nitó sa kababaihan. Hayag na hayag ang bahid-patriyarkiya ng NEPA mula sa estruktura ng samahán, pagtatakda ng gampanin ng mga kasaping babae, hanggang sa produksiyon nitó ng mga tekstong midya patungkol sa babae. Paulit-ulit sa ibá’t ibáng mga patalastas ang pagkakabit sa mga babae sa kusina, bahay, atbp., at sa proseso ay lumikha ang mga

170

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD

ito ng mga naaakmang gampanin ng mga babae. Sa hulí, nagbigay ang mga tekstong ito ng isang kasinuhan na nagbibigay-idea sa mga babae ng kanilang pagkababae—na kapag babae ka, inaasahan ng lipunan na marunong ka dapat magbadyet, manahi, magluto, atbp. ISANG PALIWANAG SA PAGYAKAP SA IGINIIT NA KASINUHAN NG KABABAIHAN Makikíta ang kabuoan ng dalumat ng kalalakihan ng NEPA sa gampanin ng kababaihan sa paglulunsad ng kanilang adhikaing maka-Filipino sa artikulong pinamagatang Ang Babai at ang Tangkilikan ni Toribio Teodoro, Pangalawang Pangulo ng NEPA noong 1937 (na siya ring may-ari at Tagapamahalang Pangkalahatan ng Ang Tibay) sa ikapitong boletin ng asosasyon (Quirino, 1937): Totoo ang sabi na kung wala ang babae ay wala rin ang pag-ibig, at kung saan wala ang pag-ibig ay wala rin ang pagkasúlong. Isang manunulat ang may sabi na sa likod ng bawat kilusang matagumpay ay naroon ang isang babae. Maaaring ang babaeng iya’y isang inang dumadalangin sa ikapagtatagumpay ng anak na nagpupunyagi, isang kapatid na babaeng ang hangad ay mapanuto sa pakikibaka ang kapatid na lalaki, o isang kabiyak ng puso o kasintahang nagbibigay ng apoy sa minamahal upang magpatuloy na walang humpay sa kaniyang mga gawa at mithiin sa búhay...Dito sa Filipinas, ang pinakalitaw o tanyag na tauhan ng isang sambahayan ay ang babae. Ang Filipinang Ina ng sambahayan ay isang tagaingat-yaman ng buong mag-anak. Tangi na siyá ang punòng namamahala sa pananalapi at bumibíli ng mga kailangan ng sambahayan, ang Inang Filipina ay may angkin pa ring tungkuling pinakaguro sa kaniyang mga anak. Ang magkalakip na tungkuling tagapamilí at guro ay siyang naglalagay sa Bayang Filipina sa isang mabigat na gawaing may kinalaman sa kabuhayan. Sa ganitong katayaan ay maaari siyáng makagawa ng malaking tulong sa layuning itinaguyod ng tangkilikan. Maaaring kaniyang ipasiyá, bílang halimbawa, na ang bilhin ay ang sariling ani at yari upang kanin at gamítin ng kaniyang sambahayan. Sa ganitong paraan ay kaniyang maigagawi ang mga tauhan ng kaniyang tahanan sa panatilihan at matatag na pagtangkilik sa kabuhayan ng bayan. Sa kaniyang tungkuling pagkaguro ay mayroon siyáng maraming pagkakataón na mailimbag sa pag-iisip ng kaniyang mga anak ang pagmamahal at pag-ibig sa mga yaring Filipino. (p. 18)

171

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Pinanatíli ang mga babae bílang katuwang, kaagapay, at katulong ng mga lalaki. Kung babasáhin ang naturang teksto sa teorya ng gahum ni Gramsci (halaw kay Encanto, 2014), hayag na hayag ang pangungumbinsi ng kalalakihan (na maituturing bílang ruling class sa salitâ ni Gramsci) na ang kanilang paghahari o pagiging dominante ay makabubuti para sa kapakanan ng kababaihan. Patunay rito ang pahayag ni Teodoro na ang pagkilos ng NEPA ay ibinunsod alang-alang sa mga babae at magtatagumpay lámang sa tanging tulong at pakikiisa ng mga babae (Quirino, 1937). Ayon sa teorya ng gahum, kaakibat ng pagpapanatíli ng kapangyarihan sa naghaharing uri ang paulit-ulit na pagpapaalala sa mga pinaghaharian nitó ng kahalagahan ng kaniyang pamumunò (Encanto, 2004). Sa ganitong paraan, kahit pa sinakyan ng kalalakihan ng NEPA ang bugso ng aktibismo ng mga babae noong dekada 30, nanatíling bida sa pinilakang tabing ang mga lalaki. Sa pagpapahintulot na maging aktibo ang mga babae sa kanilang mga gawain, kakabit ang paggigiit sa isipan ng mga ito ang balangkas ng NEPA na makalalaki. Pinanatíli sa balangkas ng NEPA ang patriyarkiya sa pamamagitan ng pagkakahon sa mga babae sa mga usaping pambahay, pamamalengke, at pagtuturo sa mga anak. Ngunit sa kabila ng tíla hindi patas na pag-eestereotipo sa mga babae, dapat ding pansinin na may mga pahiwatig na tíla tinanggap ng ilan pa ring mga babae sa panahong iyon ang mga nabanggit na estereotipo—na kahit pa nakikilahok na silá sa mga usaping pambansa, niyayakap pa rin nilá ang gampanin ng isang babaeng ang tanging papel ay sumuporta sa kalalakihan at pangalagaan ang pamilya. Makikíta ang argumentong nabanggit sa pagsasalarawan ni Pura Villanueva Kalaw (1952), isa sa mga pangunahing suffragist noong panahon ng panunungkulan ng mga Americano, sa pagkilos at pagtanggap ng mga babae sa kanilang gampanin: Although the Filipina was kept busy with the agitation for suffrage, she did not forget her duties to her family and to her home. The welfare of her children and husband came first. Before she went out to her suffrage meetings, she sent her children off to school and prepared her husband’s meals. Her children’s education was her great concern. The desire for education has been so instilled by Filipino mothers into their children that when these children grow up, they spare no effort to get educated. Ask any young man what his ambition is and his immediate reply will be: to finish college. The best thing to do for anyone who wishes to study is to give him the means for going to school. In philanthropy, the Filipina did her share and helped many a deserving man and woman. The Filipina

172

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD

may have been preoccupied with suffrage, but she certainly did not neglect her duties both to her home and to her community. (sa akin ang diin; p. 27) (Bagama’t nakikipaglaban ang Filipina para sa karapatang makaboto, hindi niya nakalimutan ang mga tungkulin niya sa kaniyang pamilya at sa tahanan. Laging una sa lahat ang kapakanan ng kaniyang asawa’t anak. Bago makipagpulong kung paano makakamit ang karapatang makaboto, inaasikaso muna niya ang kaniyang anak na papasok sa paaralan sa umaga at ang kakainin ng kaniyang asawa. Napakahalaga para sa kaniya ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Makikíta sa pagsisikap ng mga anak na makapag-aral ang pagpapahalaga sa edukasyon na naidiin sa kanilang pag-iisip dahil sa pagpapalaki ng kanilang mga inang Filipina. Tanungin ang isang binata kung ano ang kaniyang ambisyon at agad nitóng tuturan na nais niyang makapagtápos ng kolehiyo. Ang pinakamabuting gawin sa sinumang nagnanais makapag-aral ay ang tulungan siyá upang makapagtápos. Sa pagkakawanggawa, makikítang ginagampanan ng Filipina ang kaniyang bahagi at tumutulong sa mga karapat-dapat na lalaki at babae. Maaaring abalá ang Filipina sa pagkamit ng karapatang makaboto, ngunit pihadong hindi niya napababayaan ang kaniyang tungkulin sa tahanan at komunidad niya.) Kung indikasyon si Kalaw ng pagtanggap ng ilang Filipina sa sistemang patriyarkal, maaaring masabing dulot ito ng pagpapatibay ng patriyarkiya ng mga institusyong tulad ng pamahalaang kolonyal, paaralan, midya, at ng NEPA. Gámit ang mga salitâ ni Louis Pierre Althusser na aking nahalaw mula kay Encanto (2004), maaaring maituring bílang Ideological State Apparatuses (ISA) ang mga nabanggit na institusyon sapagkat naging daluyan ang mga ito ng balangkas-pangkaisipan na siyáng nagpanatíli ng ninais ng “dominanteng” kasarian (mga lalaki) na maging dominanteng estruktura. Sa pagtatakda sa mga sabjek (na sa usaping ito ay ang mga babae) ng isang partikular na posisyon ng mga naturang ISA, malayà niláng tinanggap ang opresyon o ang higit na mababàng estado sa lipunan (Encanto, 2004). Samakatwid, hindi lámang ang mga imahen at paglilimita ng mga lalaki sa babae ang nakapagpanatíli sa dominasyon ng lalaki sa lipunang Filipino noong dekada 30; gayundin, maaaring may ambag ang ilang babae sa itinakdang imahen at gampanin ng lipunan para sa kanila. Ipinaliliwanag nitó ang kabalintunaan na bagaman kinilála ng

173

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

NEPA ang kahalagahan ng mga babae sa paglulunsad ng proteksiyonismo at pagiging maka-Filipino, nanatíli pa rin ang pagturing sa kanila bílang katuwang at katulong lámang, sa halip na kapantay na kasáma, sa pagtupad ng mga adhikain ng samahán. Sa Pagsasakasaysayan ng mga Pagsasakatawan, ng Mismong Ginampanan, at Pagtatakda ng Kasinuhan ng Kababaihan noong Dekada 30: Isang Paglalagom Maunlad na ang pagkilála ng kasalukuyang panahon sa laki ng gampanin ng lipunan at ng midya sa paghubog sa pagtingin at pagbibigay-halaga sa isang kasarian. Ang usapin ng pagsasagilid, pagsasantabi, o ng diskriminasyon ng isang kasarian ay isang usapin ng pagpilì ng balangkas; at ang balangkas na ito ang siyáng nagdidikta ng katayuan o estado ng isang indibidwal batay sa kaniyang kasarian. Makikíta ito sa mismong proseso ng paglikha ng teksto na naisasalin sa mga ito ang pagkiling ng isang tao o ng pangkat ayon sa balangkas na kaniyang o kanilang niyayakap. Patunay rito ang inilahad kong kaso ng tekstong nilikha ng NEPA patungkol sa kababaihan. Sa kanilang pagsasakatawan sa babae, pinagtibay nilá ang namamayaning pagkakahon sa babae sa usapin ng kusina, bahay, at pamilya. Hindi kaila na ang mga imahen ng mapangkahon ay nakapagdikta ng mga partikular na gampanin sa mga babae na sa hulí ay nakapagbibigay ng isang pagtingin at pagtanggap na ang mga naturang imahen ang siyáng sumasakatawan sa kanilang kasinuhan. Ngunit sa paggaygay ng proseso ng pagtanggap, mahalaga ring suriin ang kontekstong pangkasaysayan nitó. Mauunawaan lámang ang pag-usbong ng isang kasinuhan sa pamamagitan ng paghukay sa karanasan ng mga táong nagtataglay ng naturang kamalayan. MGA SANGGUNIAN Agoncillo, T. A. History of the Filipino people (8th ed.). Barangay Commonwealth, Lungsod Quezon: Garotech Publishing, 1990. Corpuz, O. D. . An Economic History of the Philippines. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1997. Egan, S. K., & Perry, D. G. “Gender Identity: A Multidimensional Analysis with Implications for Psychosocial Adjustment” sa Developmental Psychology, tomo 37, blg. 4,2001, mp. 451–463. Encanto, G. r. Constructing the Filipina: A History of Women’s Magazines (1891-2002). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2004. Ezer, T., McCalley, P., & Pacamalan, N. “Protecting Women’s Human Rights: A Case Study in the Philippines” saHuman Rights Brief, tomo 18, blg. 3,2011, mp. 21–27. Gleeck, l. E. The American Half-Century, 1898-1946. Lungsod Quezon: New Day Publishing, 1984.

174

NEPA AT KABABAIHAN: PAG-AARAL SA UGNAYAN NG PAGSASAKATAWAN NG KASARIAN, PAGGANAP, AT PAGTANGGAP NG ISANG IDENTIDAD

Golay, F. H. “Economic Collaboration: The Role of American Investment”sa F. H. Golay (Ed.), The United States and the Philippines. Englewood Cliffs, New Jersey: Prentice-Hall Inc, 1966, mp. 95–124. Golay, F. H. Face of Empire: United States-Philippine Relations, 1898-1946. Ateneo de Manila University Press, 1997. Gopinath, A. “Manuel L. Quezon and Economic Protectionism, 1935-1941” saThe Journal of History, tomo 32, blg. 1 & 2, 1987, mp. 15–33. Guerrero, M. C. Kasaysayan: The Story of the Filipino People, Vol. 6: Under Stars & Stripes. Lungsod Quezon: Six Asia Publishing Co. Ltd, 1998. Hartendorp, A. V. H., editor. Philippine Magazine, tomo 31,1934. Hayden, J. r. The Philippines: A study in National Development. New York: Macmillan, 1942. Kalaw, P. V. How the Filipina Got the Vote. Dasmariñas, Manila: Crown Printing, 1952. Katigbak, M. K. “The Fight for Women’s Suffrage” sa M. C. Guerrero (Ed.), Kasaysayan: The Story of the Filipino people, Vol. 6: Under Stars & Stripes. Lungsod Quezon: Six Asia Publishing Co. ltd, 1998, mp. 196-197. Lopez, S. P. “The Colonial Relationship” sa F. H. Golay (Ed.), The United States and the Philippines. Englewood Cliffs, New Jersey: Prenctice-Hall Inc, 1966, mp. 7–31. Macdonald, M. “The Philippine Home” saPhilippine Magazine tomo 16, blg. 1, 1934, mp. 32-34. May, G. A. Social Engineering in the Philippines: The Aims, Execution, and Impact of American Colonial Policy, 1903-1913. Westport, Connecticut: Greenwood Press, 1980. Orosa-del Rosario, M. Y. Maria Y. Orosa, Her Life and Work. Lungsod Quezon: R. P. Garcia Publishing Company, 1970. “Preparations are Now Underway for a Bigger and Greater 1935 Carnival and Fair” sa Literary Song-Movie Magazine, tomo 1, blg. 5, Enero 1935. Quirino, E. Batayan ng Pagkakatatag at Pangagasiwa ng NEPA. National Economic Protectionism Association, 15 Hunyo 1937. Quirino, E. NEPA Handbook. National Economic Protectionism Association, 1938. Robb, W. Philippine trade: Our Far Eastern Base. Manila: American Chamber of Commerce of the Philippines, 1939. Salazar, Z. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. Lungsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 2004.

175

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA TALÂ Halaw sa Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong balangkas ni Zeus Salazar (2004) ang naturang pagsasapanahon. Ayon sa bagong balangkas ni Salazar (2004), mahahati sa tatlong panahon o bahagi ang kasaysayan ng Kapilipinuhan; “Pamayanan” (h-k.500,000/250,00 BK–1588 MK), “Bayan” (1588–1913), at “Bansa” (1913–kasalukuyan). Tampok sa unang bahagi ang “paglitaw ng sinaunang pamayanang Filipino mula sa pagsulpot ng unang tao hanggang sa paglaganap ng Islam sa Sulu” (Salazar, 2004, p. 3); nakapaloob naman sa ikalawang bahagi ang paglawak ng dalumat ng bayan at nación sa ilalim ng dalawang kolonisador, hábang sa ikatlong bahagi naman nakapaloob ang panahon ng banggaan ng “kasarinlan”

1

2

3 4

at “kalayaan”—“kasarinlan” bílang “pagsasarili at identidad/kakayanan” at “kalayaan” bílang “independensiya o kalayaang politikal o/at pang-ekonomiya” (p. 3). Hindi saklaw ang lipunang Muslim sa mga binanggit na paglalahat ni Agoncillo tungkol sa estado at gampanin ng mga babae sa sinaunang pamayanan. Maraming mga suffragist noon tulad ni Geronima T. Pecson na kasapi ng NEPA. Tradisyonal na pagkaunawa sa kasarian (babae at lalaki lámang) ang aking tinutukoy rito

176

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS(ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS)

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS (ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS) NI

GENEVIEVE L. ASENJO Pamantasang De La Salle-Maynila



L

UPA KAG DAGAT sa pinggan,” ito ang paglalarawan sa Antique ng isa niyang makata. Pokus ng ambag mula sa Kinaray-a ang 20 salitâng pang-agrikultura. Bukod sa pagbibigay ng kahulugan at pagsasalaysay sa/ng kultural na aspekto ng salitâ, tatangkain din ang pagmamapa ng pagkakatulad at pagkakaugnay-ugnay sa ibá pang malalapit na wika sa Visayas, partikular sa Hiligaynon at Sebwano. Isa itong panimulang paghahanda para sa binabalak na Diksiyonaryong Kultural sa Agrikultura sa Kinaray-a. Ano ang kaugnayan ng pagkawala ng wika at kulturang pang-agrikultura sa pagtaas ng presyo ng bilíhin? Kung ang kakulangan sa pagkain, at kung gayon gútom, ay isang pambansa at global na isyu, ano ang kaugnayan, kahulugan, kabuluhan ng pag-aaral sa/ ng wika at kulturang pang-agrikultura sa pagtatanong tungkol sa gahum? Halimbawa: sa relasyon ng sentro at ng gilid, ng historiko at ng kontemporaneo, ng teknolohiyang pang-agrikultura at ng industriyal, ng pagsasadula ng isang ritwal sa pagtatanim o pagaani at ng pag-upload nitó sa social networking site tulad ng Facebook at YouTube? Ilan ito sa mga tanong na dumatíng sa akin, at patuloy kong binubuno, nang mapagpasiyahan kong balikan ang lupa, partikular ang pagsasaka, bílang sabjek ng pagkukuwento. Higit kaysa nostalgia, isa itong sikolohiko at emosyonal na pagmamapa ng isang espasyong konseptuwal na hitik sa metaporikal na ekstensiyon na maaaring maging sangkap sa posibilidad halimbawa ng pagsulpot-buo ng bagong pantao-panlipunang organisasyon, o kultural na komunidad, o pangyayari. Nag-aambag ang papel ng 20 salitâ sa Kinaray-a na nakapalibot sa lupa at pagsasaka. Gayunman, wala akong ilusyon na ang pag-aambag na ito ay makasalba sa atin sa pagkalimot at pagpapabaya sa lupa at pagsasaka, at kung gayon, makasasalba rin sa atin sa napipintong gutom at lalo pang paghihirap. Gáling ang mga salitâng ito sa barangay na aking kinalakhan. Ang Barasanan sa bayan ng Dao, ngayo’y Tobias Fornier, na klasipikadong ikaapat na uri (ibig

177

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sabihin: mahirap, mahina ang income) ng munisipalidad sa probinsiya ng Antique sa rehiyong Kanlurang Visayas. Pitóng kilometro ang layo ng Barasanan sa bayan. Nása bulubundukin itong bahagi, malápit sa kabundukan ng Iloilo, na may haywey na tinatahak ng mga sasakyan patúngong Antique, patúngong Caticlan (halimbawa’y ng mga bus patúngong Maynila) palibot sa buong isla ng Panay. Nása Sur na bahagi ng probinsiya ang Tobias Fornier, pangalawa sa dulong bayan, ang Anini-y. Sa 2008 Agricultural Commodity Profile ng probinsiya, may 2,974 na ektarya ang Tobias Fornier. Umaabot sa 516 dito ang may irigasyon at 2,458 ang pagsasaka na umaasa sa ulan. Bukod sa palay, nagpoprodyus din ang probinsiya ng mais, saging, mangga, tubó, at kape. Binubuo ang Antique ng 18 munisipalidad. Kaharap ng probinsiya ang Palawan, ang Mindoro, ang Maynila. Binabaybay ng mga bayan nitó ang dalampasigan mula Norte hanggang Sur. Sa kabilâ ng kabundukan nitó, ang ilang bahagi ng Iloilo ang buong Capiz, gayundin ang Aklan. Kayâ inilalarawan ang Antique ng makata nitóng si Milagros Geremia-Lachica bílang lugar na “...sa pinggan ni Nonoy / liwan magakitaay / ang lupa kag baybay.” (“...sa pinggan ni Nonoy / muling magtatagpo / ang lupa at dagat.”) Talahanayan 1. Agricultural Commodity Profile ng 18 munisipalidad ng Antique. Physical area for rice production (in hectares) and cropping intensity across all system by municipality as of 2008 Municipality

Physical Area (in hectares) Irrigated

Anini-y Barbaza Belison Bugasong Caluya Culasi Hamtic Laua-an Libertad Pandan Patnongon San Jose San Remegio Sebaste Sibalom Tibiao Tobias Fornier Valderrama TOTAL

Rainfed

Cropping Intensity

Total

163 1,099 200 1,448 139 2,088 1,047 580 350 1,227 1,198 1,586 1,113 754 3,444 1,174 516 824

1,221 719 453 2,079 666 540 1,574 1,090 287 1,012 3,177 367 1,410 314 3,335 434 2,458 1,678

1,384 1,818 653 3,527 805 2,628 2,621 1,670 637 2,239 4,375 1,953 2,523 1,068 6,779 1,608 2,974 2,502

1.33 2.30 1.66 1.80 1.01 2.30 1.48 1.71 1.96 1.92 1.62 2.32 1.82 2.18 1.96 2.22 1.46 1.69

18,950

22,814

41,764

1.83

178

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS(ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS)

Comparative performance on rice production 2003-2007 Municipality

Anini-y Barbaza Belison Bugasong Caluya Culasi Hamtic Laua-an Libertad Pandan Patnongon San Jose San Remegio Sebaste Sibalom Tibiao Tobias Fornier Valderrama TOTAL

Area Planted (in ha) Irrigated

Rainfed

418 2,821 513 3,717 218 5,360 2,687 1,485 887 3,029 3,058 4,071 2,805 1,935 9,040 3,013 1,299 2,114

1,418 1,364 572 2,632 597 683 1,192 1,379 363 1,281 4,021 464 1,785 398 4,222 550 3,034 2,124

48,470

28,079

Total

Area Harvested (in ha)

Volume of Production (in MT)

Irrigated

Rainfed

Total

Irrigated

Rainfed

Total

1,836 4,185 1,085 6,349 815 6,043 3,879 2,864 1,250 4,310 7,079 4,535 4,590 2,333 13,262 3,563 4,333 4,238

399 2,687 489 3,540 208 5,105 2,560 1,415 845 2,885 2,913 3,878 2,672 1,844 8,610 2,870 1,238 2,014

1,295 1,243 543 2,445 516 648 1,839 1,308 344 1,164 3,734 440 1,642 352 3,952 496 2,751 1,988

1,694 3,930 1,032 5,985 724 5,753 4,399 2,723 1,189 4,049 6,647 4,318 4,314 2,196 12,562 3,366 3,989 4,002

1,436 9,673 1,760 14,160 748 19,339 9,216 5,094 3,042 10,386 10,486 13,960 9,619 6,638 32,014 10,332 4,456 7,250

3,496 3,356 1,466 6,901 1,393 1,949 5,165 3,531 928 3,142 10,181 1,288 4,633 950 10,970 1,389 7,427 5,403

4,932 13,029 3,226 21,061 2,141 21,288 14,381 8,625 3,970 13,528 20,667 15,248 14,252 7,588 42,984 11,721 11,883 12,653

76,549

46,172

26,700

72,872

169,609

73,568

243,177

Sinasabi na kabílang sa wikang Austronesian/Malayo-Polynesian ang Kinaray-a. Sa pag-aaral ni Alex De Los Santos na Mga panuytoy sa pagsulat kang Kinaray-a, naitalâ niya ang apat na banyagang iskolar na nag-aral ng Kinaray-a. Aniya, may papel na Kinaray-a Pronouns at Resumptive pronouns and topicality in Kinaray-a ang isang Julia Bernd para sa kaniyang masters sa lingguwistika sa Standford University. Nakapagsulat naman ng maikling balangkas ng gramatika sa Kinaray-a si Ishiyama Nobuo ng University of Tokyo ayon sa sugidanun o kuwento na Amo kag Bao (Ang Matsing at Pawikan). At si Amy Leuctman-Sexton naman ng Rice University ay nakapagbigay ng kolokyum na Negation in Kinaray-a gayundin si Xiuhong Zhang sa kaniyang The Causative in Kinaray-a. Nabanggit din ni De Los Santos si Jason Lobel, na nakapaglimbag ng aklat sa Bikol, at noong 1996, nakipag-ugnayan sa kaniya sa pamamagitan ng email tungkol sa pag-aaral nitó sa mga wika sa Gitnang Visayas. Sabi pa ni De Los Santos, naniniwala si Lobel na magkapamilya ang mga wikang Kinaray-a, Hiligaynon, Sebwano, Rombloanon, Masbateño, at Waray-Waray. Nitó namang Pebrero, nakipag-ugnayan sa amin si Mariane Medina Umali, isang Bikolana na estudyante sa gradwadong paaralan sa Discipline of Media, School of Humanities & Social Sciences sa University of Adelaide sa Australia. Pinag-aaralan niya kung paanong ang internet at ibá pang kaugnay na midya ay ginagámit para sa kultural na produksiyon ng mga rehiyonal na grupo. Isináma niya ang Kinaray-a dahil nakalagay ito sa listahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Philippine Statistics Authority (PSA) bílang isang pangkat etnolingguwistiko.

179

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Bago maging politically-correct na termino ang Kinaray-a bílang pantukoy sa wika sa probinsiya ng Antique at sa maraming probinsiya sa Iloilo, kilála rin ito bílang Karay-a, na pantukoy rin, una sa lahat, sa tao o sa tagapagsalitâ. Tinawag din ito ng isa sa mga manunulat ng rehiyon, si Santiago Mulato, na “Hiniraya.” Ani Mulato, mula ito sa salitâng “iraya” na tumutukoy sa mataas na lugar na pinanggagalingan ng tubig. Ito ang kabundukan ng Panay na humahati sa mga probinsiya ng Antique, Aklan, Capiz, at Iloilo na kinaroroonan ng Bundok Madya-as at Baloy, at kakikitaan din ng grupo ng katutubong tinawag ng mga antropologo na Panay-Bukidnon o Sulodnon na pinanggalingan ng epikong Hinilawod. Para naman kay Leoncio P. Deriada, ang itinuturing na “Ama ng Kontemporaneong Panitikan sa Kanlurang Visayas,” ang Kinaray-a ang inang wika ng Hiligaynon, ang lingua franca ng Panay at Negros Occidental. Kung pagbabasehan ang lapit ng tunog at mga salitâ sa Kinaray-a sa salitâ ng mga Ati o Ita ng Panay, partikular ng Antique, maituturing nga na isang matandang wika ng Kinaray-a, dahil itinuturing din natin na isa ang mga Ati sa ating mga katutubo. At may engrandeng naratibo ang Antique kaugnay sa mga Ati. Ito ang kuwento ng pagdaong ng sampung datu ng Borneo sa Panay, partikular sa Malandog, Hamtic, sa Antique, at ang pakikipagpalit dito ng pinunò ng Ati na si Marikudo sa bulawang salakot at nakasayad sa lupa na kuwintas para sa kaniyang asawa na si Maniwantiwan. Mababása ito, naibandila sa mga akda nina R. Morales Maza sa kaniyang The Augustinians in Panay (1987), sa Maragtas (1907) ni Pedro Monteclaro, at Barter in Panay (1961, 1984) ni Ricaredo Demetillo. Patuloy ang reproduksiyon ng naratibong ito sa spectacle ng mga taunang pista tulad ng Ati-Atihan ng Kalibo, Dinagyang ng Iloilo, at Binirayan ng Antique. Kahit pa marginal na presensiya, kung hindi man talagang invisible, ang mga Ati sa mga okasyong ito, na alam nating nananatíling illiterate ang karamihan at lalo pang naeetsa-puwera sa panahon ng globalisasyon. Malinaw na isang mahalagang salik sa kahirapan ng Antique ang lokasyon at posisyon nitó sa mapa ng rehiyon, kompara sa ibang probinsiya. Kayâ kahit na may engrandeng naratibo ito, may inferiority complex, may victim mentality ang Kinaray-a dahil sa kasaysayan nitó ng persekusyon at opresyon katulad ng mga katutubo nitóng Ati. Sa kasaysayan halimbawa ng rehiyon nitóng siglo 20, sa pag-unlad ng Iloilo bunga ng pagkakaroon nitó ng daungan at asyenda, at ng Negros Occidental kalaunan, nakilála ang Karay-a o Kinaray-a bílang lengguwahe ng mga sakada, ang mga trabahador sa asyenda. Kayâ kaakibat ng kasaysayan ng kahirapan ng Antique ang kasaysayan ng pagsasagilid ng Karay-a o Kinaray-a. Mahihirap ang Kinaray-a kayâ nakipagsapalaran din silá noong dekada 1960-70 sa Mindanao, ang Lupang Pangako. Isa ito sa mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa na nagpapaliwanag ng pagkakalapít ng Kinaray-a, Hiligaynon, at Sebwano lalo na sa mga bahaging Butuan, Cagayan de Oro, Davao, at Cotabato; bukod sa heograpikong

180

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS(ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS)

lapit ng mga ito. Mahihirap ang Kinaray-a kayâ nakikipagsapalaran din silá sa ibá’t ibáng sulok ng mundo. Kayâ global din ang Kinaray-a, lumalampas sa kabundukan at karagatan ng rehiyon. Isang patunay rito ang pamamayagpag ng OKM (Original Kinaray-a Music) sa www.kinaray-a.com. Sa papel ko noong 2005 na “Antique, Banwa nga Hamili: Ang Antique sa Diskurso ng mga Musikerong Antiqueño,” naimapa ko na rin ang artikulasyon-manipestasyonsalin ng lupa at kahirapan, lupa=kahirapan mula sa mga tradisyonal na anyo ng panitikan ng rehiyon tulad ng komposo at banggianay (balagtasan) hanggang sa mga kontemporaneong antolohiya sa Kinaray-a na Ani (1991), Mantala (1997), Dag-on (1995), at Salatan (1998). Hanggang sa OKM na ito. Kayâ naging hámon din sa papel na iyon ang pagbubukás ng mga bagong espasyo at pagdidiskurso sa/ng lupa at kahirapan lalo na kung isa itong pagpapatuloy/pagtatanghal ng pagiging bayang hamili o minamahal/ pinakakatangi/nakahihigitang romantisasyon—dahil sa maragtas nitó ng pagdaong ng sampung datu mula Borneo at lugar ng unang Malayan settlement sa Panay. Mabilis ang pagsasalitâ sa Kinaray-a. Sagana ito sa /r/, na nagiging /l/ sa Hiligaynon. Halimbawa, ang wara ay nagiging wala. Sa museo sa Ilocos, naintindihan ko ang mga salitâng nakadikit sa mga artifact na mga gámit sa pagsasaka at pangingisda. Nang makapakinig ako sa misa sa Bikol, naintindihan ko ito, gayundin ang maraming salitâ sa mga aklat-panitikan sa wikang ito. Gayundin ang karanasan ko sa Bisaya o Sebwano, sa Cebu man o sa Davao, o sa pagbása nitó sa papel at internet, at sa pisikal na pakikipag-ugnayan sa mga tagapagsalitâ nitó sa ibá’t ibá ring varayti. Kayâ ang proposisyon sa mga nagnanais mag-aral ng ibá pang wikang Filipino, na kung mayroon mang wika sa Visayas na kailangang matutuhan, ito ay ang Kinaray-a. Dahil kapag natuto ka ng Kinaray-a, makaiintindi ka na rin ng Hiligaynon at Sebwano; katulad ko, katulad ng marami sa amin na Kinaray-a. At kung isang ebidensiya ng pagkilála sa kakayahan at gahum ng Kinaray-a bílang wika ang presensiya ko sa kumperensiyang ito, sa narating ng kontemporaneong panulatan sa Kinaray-a, at ng mga manunulat nitó, sa pagtuturing dito ng mga ahensiya ng gobyerno bílang isa sa mga pangunahing wika sa bansa na maaaring maisakatuparan din sa inisyatibang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE), masasabi ko na nakaahon na sa panahon ng inferiority complex ang Kinaray-a. May pamagat halimbawa ang hulíng antolohiya na inedit ni Delos Santos na The Rise of Kinaray-a: History and Anthology of Contemporary Literature in Antique (2003). Lumalakad ito sa kasalukuyang panahon, kahit pa ba hinay-hinay, na may kamalayan sa kaniyang maragtas, mulát sa kaniyang konteksto, at nakikisali-sumusugal-sa mga posibilidad ng “pag-aakda ng bansa” sa pamamagitan ng pagtatayô ng sarili nitóng pampanitikan-wika-kultural na impraestruktura. Bago pa ang ambagang ito, naglilista na kami ng aking ina ng mga salitâ at konseptong pang-agrikultura. Mula sa aming talâ at sa dagdag na naipadala ng pamilya

181

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

via email para sa kumperensiyang ito, kumonsulta ako sa anim na diksiyonaryo: 1) UP Diksiyonaryong Filipino na pinamatnugutan ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, 2) Dictionary of Visayan Arts ni Dr. Erlinda Alburo, 3) A Five-Language Dictionary (Panay Island) ni Roman de la Cruz, 4) Hiligaynon-English/EnglishHiligaynon ni Eliza Yap-Uy Griño, 5) A Dictionary of Cebuano-Visayan ni John Wolff, at 6) Hiligaynon Dictionary ni Dr. Ruby Alcantara. Pinaboran ko ang maraming salitâng katutubo at wala pa sa alinmang diksiyonaryo. Isináma rin ang ilang may pareho at/o bago at/o ibáng kahulugan: Talahanayan 2. Ilan sa mga salita at konseptong pang-agrikultura ng wikang Kiniray-a at ang kahulugan ng mga ito sa iba't ibang diksiyonaryo. Salitâng Kinaray-a

UP

5-Language Dictionary (R. de la Cruz)

Dictionary of Bisayan Arts (E. Alburo)

1. bangág

png [Seb]. butas var lungag pnr kol. may naiibáng pakiramdam bunga ng narkotiko (p.133)

wala

wala

2. baliskad

wala

wala

wala

3. binati

wala

wala

4. binangto

wala

wala

5. bungkag

wala

wala

wala

6. hamod

wala

wala

wala

7. hanalon

wala

wala

8. inupong

wala

wala

9. lamigas

Png. L [Seb Esp hormigas] langgam. p. 669

10. limbuk

Hiligaynon Hiligaynon-English, English-Hiligaynon (Eliza Yap UyGriño)

A Dictionary of CebuanoVisayan (J. Wolf )

Hiligaynon Dictionary (Alcantara)

adj. cracked, said of soil dried out by drought (p.37)

v. make a hole, have a hole in it. (p.104)

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

wala

11.linas

wala

wala

wala

wala

wala

wala

12. líkyad

png. manipis na hiwa gaya ng hiwa sa kamote, saging at iba pa (p. 699)

wala

wala

wala

v. curl up at the edges. (p. 610)

wala

13. linapwahan

Linapwaan png [Seb]. Bulanglang. (p.702)

wala

wala

wala

wala

wala

182

vt. to break; to open up; to pull apart. (p.61)

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS(ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS)

14. marinhut Salitâng Kinaray-a

wala UP

wala

wala

wala

wala

wala

5-Language Dictionary (R. de la Cruz)

Dictionary of Bisayan Arts (E. Alburo)

Hiligaynon Hiligaynon-English, English-Hiligaynon (Eliza Yap UyGriño)

A Dictionary of CebuanoVisayan (J. Wolf )

Hiligaynon Dictionary (Alcantara)

vt. To sow seed. (p.339)

wala

wala

15. panggas

png 1. [ST] almirulan ang bulak upang habihin ito. 2. paghagod o paghimas, gaya sa pagpanggas ng manok o pagpanggas ng damit (p. 920)

wala

practice of putting rice, medical herbs, a wooden comb, and a palm fruit in a basket to insure an abundant harvest

16. pasi

png [Kap]: trumpo png 1: Zoo [War] biik 2: Bot [Seb] palay p. 944

wala

wala

wala

wala

wala

17. panudlak

wala

wala

wala

wala

wala

wala

18. pinalinpin

wala

wala

wala

wala

wala

wala

19. süká

wala

wala

wala

wala

wala

20. wáyang

wala

wala

wala

Waya. Wala. (p. 1127)

wala

wala n. treeless plain, open field. (p. 447)

Sa 20 salitâng pinilì, 12 ang wala pang entri sa kahit isa sa anim na diksiyonaryo. Ito ang baliskad, binate, binangto, hamod, hanalon, inupong, limbuk, linas, marinhut, panudlak, pinalinpin, süká. Anim ang may entri sa UP Diksiyonaryong Filipino ngunit ibá ang kahulugan. Ito ang bangag, lamigas, likyad, linapwahan, panggas, pasi. Dalawa ang may malapit, kung hindi man kaparehong kahulugan sa Sebwano, ang bangag at panggas. Apat ang may katulad na kahulugan sa Hiligaynon: bangag, bungkag, panggas, at wáyang. Halikayo sa wáyang! wá•yang png: bukás at malawak na lupain. Katulad ng paglalarawan-pagpapakahulugan sa Hiligaynon-English na diksiyonaryo ni Eliza Yap-Uy Griño bílang “treeless plain, open field.” Katumbas ito ng parang sa/ng Tagalog. Mahalaga ito na maisáma dahil ibá ito sa Kinaray-a-Hiligaynon na bukid, na ang ibig sabihin ay bundok, ngunit sa Tagalog ay palayan, na siya namang uma sa Kinaray-a at Hiligaynon. Sa madalîng sabi, ang wáyang ay isang lugar; isang bahagi

183

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ng uma o ng bukid na bukás dahil hindi pinagtataniman o walang tanim, at may sapát na lawak upang makapaglaro tulad ng pagpapalipad ng saranggola tuwing tag-araw, makapagpiknik, o makapagpastol ng hayop. Kayâ hindi lámang ito nag-aangkin ng espasyo at identidad bílang pangalan, kundi bílang isa ring pang-uri. Ginagámit din ito sa paglalarawan bílang kasalungat ng masikip. Halimbawa: Wáyang ang sala, wáyang ang saya. Kayâ gustong-gusto ko ang salitâng ito dahil sa dala nitóng imahen ng galaw, kilos—kalayaan! Nag-aanyaya ang wáyang ng pagsusuyuan. Noong bata pa ako, sa wáyang ako nagpapahinga: humihinto sa pagbitbit ng naigib na tubig sa galon sa poso o di kayâ’y sa balon sa ilog. Sa gitna ng wáyang na iyon, sa ilalim ng bukás na langit, nagkamalay ako na napapalibutan ako ng bundok at sa kabilâ niyon ay ang dagat. Ninais kong makita ang dagat, matawid ito, at ang marami pang espasyo sa pagitan ng langit at lupa. Kapag naiisip ko ang wáyang, naiisip ko ang alingawngaw na hindi lámang bumabalik dahil nabangga-tumambol ito sa kabundukan, kundi iyong lumalampas, nakakalampas. Nagámit ko ito sa binalaybay o tula ko na “Ang Kasubu kang Dila.” Ito ang naging inspirasyon, naging pamagat ng una kong nobela—Lumbay ng Dila. Narito ang gámit ko: Nangin wáyang ang supermarket kang ginsug-alaw ako kang sangka putos nga samlague. Sweet & Spicy Thai, 69.75. Liwan ko nakilala ang kaaslum kag katam-is. (Naging parang ang supermarket nang sinalubong ako ng isang supot ng sampalok. Sweet & Spicy Thai, 69.75. Muli kong nakilala ang asim at tamis.) Ngayong narito na táyo sa wáyang, ipapakilála ko naman ang mga salitâng tumutukoy sa uri ng lupa na kinokonsidera ng magsasaka: ha•na•lon png: napakaitim na lupa; masustansiya at mainam pagtaniman. ha•mod png: lupang mabato, iyong kung tawagin ay dalipe;kung gayon, hindi masustansiya; hindi mainam pagtaniman. ba•ngág png: lupang nagkabitak-bitak bunga ng matinding tag-init o tagtuyot. Ganito ang metaporikong gámit ni Goldelino Chan sa binalaybay o tula niyang “Dyang Gugma Nasiruman” (Salin 1: “Itong Pag-ibig Naabutan ng Dapithapon,” Salin 2: “Pag-ibig sa Dapithapon,” Salin 3: “Napag-iwanang Pag-ibig”):

184

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS(ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS)

Dyang gugma nasiruman, madungan Rud lang sa pisngo kang bangág Nga ginbayaan kang init nga nasuptan Kang adlawun. (Itong pag-ibig sa dapithapon, sasabay Na lámang sa hikbi ng bangág Na nilisan ng init na naipon Ng tanghaling-tapat.) “Tigang na lupa” marahil ang pinakamalapit na katumbas ng bangág sa Tagalog. Hindi rin malayo ang kahulugan nitó sa konteksto ng kasalukuyang kahulugan sa UP Diksiyonaryong Filipino na naglalarawan ng isang táong may kakaibáng pakiramdam bunga ng narkotiko: ang bangág. Kayâ kailangang madagdag ang bago at ibá ngunit kaugnay na kahulugang ito mula sa Kinaray-a. Dinadalá táyo ng bangág sa usapin ng global warming, pesticide, kakulangan sa irigasyon, at kakulangan ng kapital ng magsasaka para mapadami ang ani. Lamentasyon ng magsasaka ang bangág: ang masamâng kondisyon ng lupa—hanalón man o hamód—na nagdudulot din, nagbabanta ng masamâng kondisyon para sa kaniya. Kayâ ang magsasaka ng Barasanan ay hindi agad-agad sumusunong sa pagtatanim. Tulad ng bagani ng ating mga epiko, pinag-aaralan nitó ang kondisyon ng lupa at galaw ng hangin. Nag-aalay rin ito ng ritwal para matiyak ang masaganang ani. Naghahanda ito ng mga sangkap. Ito ang panúdlak. pa•nud•lak png: ritwal bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim. Halimbawa 1: Bago magtanim, maghanap ng kahoy na may tatlong sanga. Sabitan ito ng tatlong botelya at ibaón sa unang idas o hanay ng nabungkal na lupa. Halimbawa 2: Ibalot sa itim na tela ang nabunging ngipin ng kalabaw [na madalang kung mangyari, at kung gayon, suwerte ka]. Ilagay ito sa tabig na may lamáng binhi at itago sa labas ng bahay, halimbawa, sa kamalig. Halimbawa 3: Sa pagsisimula ng pagtatanim, humarap sa Silangan. Halimbawa 4: Kung may punòng malapit sa bahay, halimbawa kawayan, magwalis sa hapon bago ang pagtatanim. Sakaling marami ang nalagas na dahon kinaumagahan, at kailangan muling magwalis, senyales ito na huwag ipagpatuloy ang pagtatanim sa araw na iyon.

185

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Halimbawa 5: Maghanda ng isang pumpon ng bignay at isang punò ng tanglad. Isáma rito ang suklay at krus na nabalot sa itim na tela at isabit ito sa tagakan hábang nagsasabog o nagtatanim. Halimbawa 6: Sa pag-aani, maglagay sa tagakan ng kaunting ani at ilagay ito malapit sa krus at huwag na huwag mong kunin hangga’t hindi pa tápos ang pag-aani. Halimbawa 7: Sa pagsubay ng palay, itumpok bago linasin. Bago sumukob, itumpok ang lahat ng palay, maglagay ng krus at itak sa magkábilâng dulo ng amakan, at lumuhod sa pagsukob ng palay at dahan-dahan itong gawin. Bílang isang kultural na paniniwala at gawain, dinadalá táyo ng panúdlak sa isang simbayotik na pakikipagrelasyon sa kapaligiran. Ang pagkalagas ng maraming dahon ay tanda na huwag ipagpatuloy ang pagtatanim dahil nagbabadya ang galaw ng hangin ng paparating na unos. Patunay rin ang panúdlak ng pagtatagpo ng sinaunang paniniwala at ng relihiyong Katoliko: ang pagsasanib sa/ng kanilang puwersa para pagsilbihan ang nanampalataya, ang naniniwala, na mailayo ito sa masamâng espiritu at sa halip, magdala ng kasaganaan. At ngayong nakapanúdlak na táyo, kailangan nang ihanda ang lupang pagtataniman. bung•kag png: unang proseso sa/ng pag-aararo para mabaklas ang tigang na lupa. Hiligaynon din ito, tulad ng paglalarawan ni Uy-Griño. Imahen ito ng paghihiwahiwalay. Nabubúngkag ang anumang nakatali, nakakapit, nakabungkos. Halimbawa, buhok, pumpong ng mais, ng palay. Ang pagbúngkag ng lupa ay pagbungkal upang mapatag ito at malinis. Ang pagbúngkag ng bagay na nakabungkos ay paggámit nitó. Malapit ito sa pagbaklas. ba•lis•kad png: pangalawang pag-aararo para mapino ang nabúngkag na tigang na lupa. Dito sinusuyod ng tao at kalabaw at araro ang mga ligáw na damo. Dito nagkakalukso-lukso, nagkakabali-baligtad ang lupa at laman nitó: nadudurog hanggang sa lumitaw ang pino at kinis na bahagi at anyo. pang•gas png: ang pagsab-og ng binhi ng palay sa tigang na naararong lupa o palayan.

186

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS(ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS)

Sa kaso ng mais, ng mani, ng munggo at ng ibá pang butó, ito ang paglalagay, paghahasik isa-isa sa inidas o hanay na gawa ng pag-aararo, sa tulong ng panungkod, at pagtatakip dito sa pamamagitan ng paa. Ang pagpánggas ay pagtatanim na sumusuyod sa inidas. Ganito kapisikal; ganito kamagkalapit ang tao at lupa at sa kanilang pagitan, sa dulo ng mga daliri, ang binhi. Ito rin ang kahulugan sa Hiligaynon, tulad ng nabanggit ni Uy-Griño at sa Sebwano, tulad ng depinisyon ni Alburo. Kung pangngalan, tawag o pantukoy din ito mismo sa binhi na itinanim, na ngayon ay maaaring tumutubo na. Halimbawa, “Kumusta ang pánggas mo na mais/palay/munggo?” lik•yad png: mababaw na pag-araro matápos makapagpánggas sa tuyông lupa o palayan—pnr na•lik•yad pnd lik•ya•dun. Ibá ito sa kasalukuyang entri sa UP Diksiyonaryong Filipino, gayundin sa nahanap ni John Wolff sa A Dictionary of Cebuano-Visayan. bi•na•ti png: palayan na naararo na at napatubigan; handa na para taniman ng palay. Dito, ang palay na tinutukoy ay iyong tumubò, napánggas at nagabot na o nabunot at ngayon, itatanim na, muli, sa bináting ito. Kung pang-uri, maputik, malapot. Parang tsokolate na kulay itim, o abuhin. Dito na lumulusong para magtanim: ang pamilyar na imahen ng “Ang Magtanim ay Di Biro.” ma•rin•hut png: palay na tumubòng maliliit, madalang ang tubò o sibol at arikutoy omalnourished. li•nas png: proseso ng pag-aalis, paghihiwalay ng lamigas sa uhay nitó sa pamamagitan ng pagkiskis dito ng mga paa; sayaw ng paa sa palay upang magkahiwa-hiwalay ang mga butil nitó. Nakíta ko ito noong bata ako. Tumulong kami sa paglilínas. Masaya sa una ngunit kapag tumagal, isa itong mahirap na gawain-parusa. Kayâ kapag sinabi mong línasún, may kaakibat itong bayolenteng imahen at kahulugan, lalo na kapag hindi na lámang palay ang linilinas kundi tao o hayop. Kapag nagmumura o galít o nagnanais maghiganti, gusto mong “línasún” ang mukha o ang buong katawan ng iyong kagalit, kalaban. Puwede rin itong pansigaw, pangkantiyaw sa mga laro tulad ng sabong, o dumog (wrestling): “Línasá!” Ibig sabihin, talunin mo siya sa pagdudurog-durog dito lalo na sa paggámit ng paa, tulad ng paghihiwalay ng mga butil ng palay sa tangkay nitó’t sanga.

187

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

i•nu•pong png: bugkos ng mga naani; komunidad ng mga inaning palay, partikular sa kontekstong ito. Gayundin, dinadalá táyo sa mga katulad na konsepto: angkan, lipi, sanga, tangkay, kumpol, bugkos. la•mi•gas png: butil ng palay, partikular ang malulusog o mabubuting uri; tawag sa mga butil ng legume. pi•na•lin•pin png: palay na walang laman o maupa. sü•ká png: unang ani. lim•buk png: bigas na sinangag pagkabayó ng bagong aning palay. Tradisyon ang paglímbúk, kapag bagong ani, tanda ng pasasalamat. “May linimbuk ka/kayo?” Ito ang karaniwang pangungumusta. Isa rin itong pagsubok, pagtikim sa kalidad ng bagong aning palay. Higit sa limbuk, nariyan ang paboritong kakanin na himugo na paglilimbuk ang unang proseso. Matápos ang pagsangag ng bagong aning palay, ang pagbayó nitó (ngayon makina na) at ang paghahalo ng kalamay o asukal hanggang sa makuha ang tamang timpla at lasa. Ito ang himugo: espesyal na kakanin, may lagkit at namnam ng bagong aning palay, lalo na kapag bigas-malagkit. pa•si png: hindi nabalatáng bigas sa proseso ng pagbabayó o pagpagiling; maituturing na ligaw na butil ng bigas kayâ inihihiwalay o inaalis bago magsaing. pi•na•si pnr: pira-piraso, butil na hungkag o payat; mababa o masamâng kalidad ng bigas. bi•nang•to png: sinangag na mais, maaaring may mantika at asin. Low-class o home-made na popcorn. Imahen ng gutom at kahirapan. Kayâ isa rin itong pang-uri. Tanong: “Ano ang pagkain/ulam n’yo?” Sagot: “Binangto.” Dahil walang pambili ng ulam. Dahil kulang ang bigas; dahil kulang ang ani, dahil ang ilang sako ng palay ay kailangang ibayad sa nautangan ng kapital para sa binhi, abono, at pagpapagawa o pagpapatrabaho, o kailangang ibenta bílang pambayad sa tuition ng anak na nagkokolehiyo. Kulang ang ani dahil hindi naman pagmamay-ari ng magsasaka ang kaniyang lupa, o kung pagmamay-ari man niya, maliit lámang ito. Maaaring hindi pa sa kaniya, trabahador lámang siya, maliit pa. Binangto ang pantawid sa pagitan ng panahon sa pag-aani ng palay at mais. Binangto: kanin na, ulam pa. Hangga’t káya ng ngipin at ng bungangang ngumuya.

188

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS(ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS)

Kayâ hayaan ninyong magtápos ako sa linapwahan. li•nap•wa•han png: tinola mula sa ibá’t ibáng gulay na karaniwang nakikita sa likod-bahay o napipitas sa bukid gaya ng talbos ng kamote, sayote, malunggay, alugbati, bulaklak ng katuray. Sa mga bulubunduking barangay ng Antique, isa rin itong matingkad na imahen ng kahirapan. “Linapwahan lang.” Maaaring may isda o hipon. Maaaring wala. “Linapwahangid (talaga).” Libre-nariyan lang ang mga gulay, at madalîng lutuin. Ngunit sa paglipas ng panahon, mula sa “linapwahan lang,” naging “may linapwahan” na ang kadalasang maririnig sa mga kapitbahay. “May linapwahan,” mayroong gulay, nariyan pa sa likod-bahay at/o sa bukid; maaaring libre pa o mabibili na, ngunit sa mas mababàng presyo sa palengke sa bayan. “May linapwahan!” Salamat! Muli itong paghigop ng lutong-bahay; paglasap ng tubig na may asin at bagoong; pagnguya ng mga gulay para sa mabuting kalusugan, seksi na pangangatawan, at paghaba ng búhay. Kapansin-pansin na karamihan sa mga salitâng naipakilala ay pangngalan at magagamit ding pang-uri. Hindi magkaibá ang gámit ng mga ito bílang pangngalan at pang-uri, o nag-o-overlap, kayâ may demand o alam ang konteksto, sa punto-debista ng tagaloob. Makikita ito sa kaso ng binangto, ng linapwahan, ng marinhut, ng hamod, at ibá pa. Ang pagiging pangngalan mismo nitó ang naglalarawan sa uri nitó at kondisyon. Matingkad ang imaheng biswal: ang materyal at organikong búhay. Ilan lámang ito sa mga salitâng Kinaray-a na nakaugat sa proseso at pamumuhay sa pagsasaka. Mahalagang maisáma ang mga ito sa korpus ng wikang pambansa dahil nariyan pa bílang mga buháy na salitâ, gawain, paniniwala na ginagámit ng iilan na lámang, at yaon na lámang matatanda. Ang pagsinop at paggámit sa mga salitâng ito ay pagtatanghal sa “kaluluwa ng lugar” na maaaring makapagbigay sa atin ng gabay at direksiyon para sa mga inisyatibang alternatibo at transisyonal sa usapin ng pagbuo, muli at muli, ng mga komunidad. Malapit ang pagkakatulad ng mga salitâng naipakilála, kung hindi man talagang katumbas ng mismo ring mga salitâ, sa Hiligaynon at Sebwano. Kung gayon, naroon ang identidad at integridad ng mga ito bílang mga salitâng Bisaya. Mauunawaan ang mga ito sa maraming probinsiya sa kapuluan. Makatutulong din ito sa pagmamapa ng inter-rehiyonal na pagkakaugnay-ugnay ng wika at pagkakatulad ng kultura. Baka pa lang matugunan ang isang aspekto ng rehiyonalismo na naghihiwalay-walay sa atin, at madagdagan ang paggatong sa pagiging pambansa ng itinataguyod nating “pambansang” wika, kultura, at identidad na Filipino. Mapayayaman nitó ang kasalukuyang kahulugan sa Tagalog, halimbawa sa kaso ng bangág.

189

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Madadagdagan ang mga salitâng pang-agrikultura sa diksiyonaryo at maibabalik táyo, hindi sa romantisismo tungkol sa lupa at pagsasaka na kung susuyurin ang kasaysayan, pinamumugaran ng naratibo ng pang-aagaw at pang-aalipin, kundi sa realidad na nananatíling agrikultural ang malaking bahagi ng ating bansa, kahit pa nagsusulputan ang mga pamilihan (mall) at housing subdivision sa mga siyudad sa labas ng Maynila. Kaalinsabay nitó, ang pagpapaigting ng kamalayan, at kung maaari, pakikilahok sa mga isyu at pagkilos túngo sa pagkakaroon ng sariling lupa ng mga magsasaka, pagdaragdag ng pondo sa agrikultura at tamang paggámit nitó, pagpigil sa talamak na kumbersiyon ng mga lupang sakahan para maging golf course at distrito ng negosyo, at sa marami pang anyo ng komersiyalisasyon na lalo lámang nagpapahirap sa atin, dahil wala na táyong kontrol sa ating mga produkto. “Pagapangumahon Mo Pa Bala ang Taramnanan, Totong?” (“Sasakahin Mo Pa Ba ang Palayan, Totong?”) Nalimbag sa Ani noong 1991 ang binalaybay na ito ni Jose Edison Tondares. Isang ama ang nagsasalitâ, deretsahang kinakausap ang anak na lalaki: dali, Totong kantahi ako kantahi ako kang pagpamurukpok kang kalumbuyan kang paghinuni kang mga maya kag tagwati. nagaparamulak pa bala ang mga marapait sa banglid? (halika, Totong awitan mo ako awitan mo ako ng pamumulaklak ng mga duhat at huni ng mga maya at tagwati. namumukadkad pa ba ang mga marapait sa burol?)

190

ANG BUG-AT KANG LAMIGAS KAG BUGAS(ANG BIGAT NG LAMIGAS AT BIGAS)

Itinatanong kong muli ito ngayon, pagkalipas ng dalawang dekada. “Mabagal ang pera sa lupa,” nailagay ko sa mga labì ng isa kong tauhan sa nobela kong Lumbay ng Dila (2010). “Pagapangumahon mo pa bala ang taramnanan, Toto/Nonoy/Nene/Inday/ Pangga?” Nagtapós ang binalaybay ni Tondares sa ganito: “pero sige lang / indi ako pagsabta. / sige kantahi ako / ang imong limug / mangin tarug kang tanan nga kasabtanan. / mal-am run ako, Totong / lantawa, sa indi magbuhay / magaharuk run ang suksuk sa lupa. / (pero sige lang / huwag mo akong sagutin. / sige awitan mo ako / ang iyong tinig / maging daluyan ng lahat ng kasagutan. / matanda na ako, Totong / tingnan mo, mamaya-maya lang / hahalik na ang butiki sa lupa.) Ayaw ko ring magsalitâ para sa kabataan. Alam nating karamihan sa kanila ay nagnanais at marahil nag-aaral na para maging nars, kahit pa resesyon na naman sa America at Europa at patuloy ang giyera sa mga bansang Muslim at sinasabi na papatungong Silangang Asia na ngayon ang gahum. Matagal na ring nangawala ang mga dalagang bukid, ayon sa batikang nobelista na si Amang Jun Cruz Reyes sa kaniyang Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali (2011). Isáma na rin diyan ang mga binatang bukid na tulad ng mga dalagang bukid, mga manggagawa ngayon ng mundo—ang ating Overseas Filipino Workers (OFWs). Hayaan ninyong sagutin ko ito nang personal, at oo, bagama’t wala pa akong lupang titulado. Tulad ng nabanggit ko sa panimula, hindi bílang nostalgia, lalo pa at nananatíli ang equation: ang lupa=kahirapan, at ito ang kabalintunaan, nananatíling lupa pa rin ang mababalikan natin, puwera na lámang sa mga bahaging nagbabagonganyo na ito dulot ng pagbabago ng global na klima at panahon. Hindi tulad ng tubig, ng hangin, ng apoy, nariyan ang lupang mahahakop ng mga palad at sa dulo ng mga daliri, makakapagpunla ng mga bagong binhi. Pagkain. Búhay. Ito lámang sa ngayon ang aking maiaalay, mga kaibigan. Wala pa akong sapát na kasagutan sa mga naihain kong tanong sa panimula. Kailangan pang maiugat ang meditasyon sa panahon at lunan. Kung mayroon mang sulpot, tubò, binhi, lalong hindi ako segurado sa gahum nitó para maisalin sa isang praktikal na solusyon sa bangág, sa binangto, sa linapwahan, sa hamod, sa pasi. Ito lámang: itong inupong, itong lamigas ng mga salitâ na sinusubok ipanggas sa hanalon na wáyang ng pambansang wika at panulatan: itong pag-aambag, itong pagdadagyaw. Heto ang pagbungkag, pagbalískad, paglíkyad, pagbatì, paglinas para sa süká at paglimbuk! Heto ang panudlak, mga kaibigan! Nawa ay ilayo táyo sa mga pinalinpin at marinhut. Duro gid nga salamat!

191

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA SANGGUNIAN Alcantara, Ruby G. Diksiyonaryong Hiligaynon-Filipino. Quezon City: UP Press, 1997. Almario, Virgilio S. UP Diksiyonaryong Filipino. Quezon City: Avil Publishing Inc, 2001. Alburo, Erlinda K. Dictionary of Bisayan Arts. Manila: NCCA, 2009. de la Cruz, Roman. A Five-Language Dictionary (Panay Island): English, Tagalog, Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon.) Kalibo: Rock Publishing, 2003. Uy-Griño, Elizabeth Yap. Diksiyunaryo-Dictionary: Hiligaynon-English, EnglishHiligaynon. Iloilo City: Panorama Printing, Inc., 2005. Wolff, John A. A Dictionary of Cebuano Visayan. Cornell University: Philippine Journal of Linguistics, 1972.

192

LOBAT

LOBAT NI

JELSON ESTRALLA CAPILOS

Mula sa Sawikaan 2006: Mga Salita ng Taon, Roberto T. Añonuevo at Galileo S. Zafra, (mga ed.). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2006, p. 1-13.

Slang is the plain man’s poetry. - Earie Welby

INBOX aso Blg. 1. Nagkaroon ng alítan ang magkasintahang sina Bruno at Criselda ilang araw bago ang nakatakdang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo. Dahil dito, hindi na muna nakipagkíta ang dalaga sa kaniyang nobyo nang sumapit ang araw na iyon. Napagpasiyahan ni Bruno na magpakumbaba at makipagbati na kay Criselda. Hinanap niya sa memory ng kaniyang cellphone ang entri ng kaniyang Honey, sabay pindot sa “call”button. Wala siyáng narinig na ring sa kabilâng linya. Tiningnan niya ang iskrin at nanghina sa nakíta. Kaso Blg. 2. Kanina pa nakatutok sa telebisyon si Inday. Hindi siyá kumukurap hábang pinapanood ang paborito niyang programa tuwing tanghali. Inaabangan niyang banggitin ng host ang numerong puwede niyang tawagan para makamit ang isang milyong piso na ipinamimigay ng programa. Hindi man niya makuha ang jakpat, umaasa siyáng kahit papaano ay makakuha ng isa sa ipinamimigay na mga consolation prize. Pagkabanggit na pagkabanggit ng host sa numero, mabilis na nagdial si Inday. Itinutok niya agad sa tainga ang cellphone. Nagtaka siyá dahil walang ring sa kabilâng linya; kung sakali ma’t naunahan siyá, tiyak na tunog na busy sana ang maririnig niya. Tiningnan niya ang iskrin, at napailing na lámang siyá sa nakíta. Kaso Blg. 3. Nakidnap si Gloria. Paglabas niya ng opisina, bigla siyáng sinunggaban ng tatlong lalaki at isinakay agad sa van. Pagdatíng sa kuta, agad siyáng tinalian ng

K

193

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mga suspek at iniwan sa isang silid. Dahil maparaan siyá, nagawa niyang palayain ang kanang kamay at agad niyang kinuha ang cellphone na nakasukbit sa kaniyang baywang. Umaasa siyáng makatawag sa kaniyang pamilya o kaibigan para makahingi ng tulong, o di kayâ’y matunton ng mga ito ang kaniyang kinaroroonan sa pamamagitan ng high tech na track finder program na nakainstall sa kaniyang cellphone. Hahanapin pa lámang niya sa kaniyang phonebook memory ang numero ng kaniyang kakilála nang may nakíta siyá sa iskrin. Napayuko na lámang si Gloria at nawalan ng pag-asa. Higit sa mga mensaheng “message sending failed,” “check balance inquiry,” at “message not sent, try again later,” malaking pag-aalala para sa sinumang may cellphone ang paglitaw sa iskrin ng babalang “battery low,” lalo pa kung susumpungin ang cellphone sa mga alanganing lugar, at walang matatagpuang charger. Gaya ng mga ibinigay na halimbawa, malaking abála ang ganitong pangyayari sa mga tao na may mahahalagang gagawin sa tulong ng kanilang cellphone. Sa mga panahong nakasalalay ang búhay, suwerte, o di kayâ’y ang mga ugnayang personal o propesyonal sa isang tawag o text, maituturing na sumpa ang paglitaw ng naturang mensahe, na may kasáma pang imahen ng baterya na may aalon-along likido sa loob, tila ba lalong nangungutya. Sadyang kataka-takang katawanin ng nasabing pagkilos ang malapit nang maubos na enerhiya ng baterya, ang napipintong kamatayan ng cellphone. Mula sa babalang “battery low,” naimbento ng mga Filipino ang lobat upang tukuyin ang baterya ng cellphone na malapit nang maubusan ng enerhiya. Ginagámit din ito bílang balbal na salitâng tumutukoy sa kawalan ng gana o lakas; o sa matinding pagod o panghihina ng isang indibidwal, lalo na pagkatápos ng mabigat na gawain, o di kayâ’y pagdanas ng isang mahirap na sitwasyon. Tatalakayin sa papel na ito ang pinag-ugatan ng salitâ, ang paggámit nitó sa konteksto ng Filipinas, at ang implikasyon ng salitâ sa pangkalahatang impluwensiya ng cellphone sa pang-arawaraw na karanasan ng mga Filipino. OPENING… Hango ang salitâng lobat sa “battery low,” ang paalalang lumalabas sa iskrin ng cellphone kapag kailangan na itong muling kargahan ng boltahe. Ang baterya ay tumutukoy sa maliit na aparatong nagbibigay enerhiya sa cellphone para mapakinabangan ang ibá’t ibáng katangian nitó, at ang low naman ay nangangahulugang malapit nang maubos, o kulang na.1 Sa konteksto ng Filipinas, ginagámit ang lobat upang tukuyin ang baterya ng cellphone na kailangan nang kargahan ng boltahe. Bukod pa rito, ginagámit na rin ang salitâ para ilarawan ang kawalan ng gana o lakas, at ang pakiramdam na matinding pagod o pagkahapo pagkatápos ng mahirap na gawain.

194

LOBAT

SENDING… Ayon sa talâ ng National Telecommunications Commision (NTC), para sa mga unang buwan ng 2006, tinatáyang 42.5 milyong Filipino ang nagmamay-ari ng cellphone, at lagpas sa kalahati ng buong populasyon. Sa ganitong kaso, hindi maikakaila ang impluwensiya ng cellphone sa pang-araw-araw nating pamumuhay: sa pakikipagugnayan sa ibáng tao; sa paglahok sa ibá’t ibáng timpalak o pagboto sa ilang pilîng palabas sa telebisyon; at sa larang ng politika, mula sa simpleng pagpapahiwatig ng reklamo sa mga sangay ng pamahalaan hanggang sa paglulunsad ng mga kilos protesta. Ilan lámang ito sa nakagawiang paggámit sa cellphone. Dahil sa kahalagahan nitó sa ating pang-araw-araw na karanasan, hindi na lámang ito nagsisilbing instrumento ng komunikasyon, bagkus isang parte na rin ng maituturing nating kulturang popular, ginagámit at pinakikinabangan sa ibá’t ibáng paraan, depende sa pangangailangan ng tao. Ayon nga kay Jean Baudrillard: A single function of an object may in turn become specific in a variety of forms–which brings us into that realm of “personalization,” of formal connotation, where the inessential [kung ano ang nangyayari sa bagay sa tuwing ginagamit ito upang tugunan ang mga pangangailangang sosyolohiko at sikolohiko] holds sway.2 Dahil dito, nagbabago ang pagpapahalaga sa mga bagay mula sa simpleng teknolohikong aspekto nitó patúngo sa mga pangkulturang aspekto. Sa pananalitâ nga niya: Each of our practical objects…is in perpetual flight from technical structure towards their secondary meanings, from the technolgical system towards a cultural system.3 Samakatwid, ginagámit natin ang cellphone alinsunod sa kung paano natin ito nais gamitin, túngo sa mga tiyak na layunin, kahit pa hindi na ito ang orihinal na silbi. Ayon kay Michel de Certeau: Users make innumerable and infinitesimal transformations of and within the dominant cultural economy in orde to adapt [an object] to their own interests and their own rules.4 Mapatutunayan ito sa mismong SMS (short messaging service) o text. Kilalá ang Filipinas bílang “texting capital of the world” dahil sa tinatáyang 150 hanggang 200

195

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

milyong mensahe na ipinadadala sa pamamagitan ng text. Ito na ang madalas gamítin ng mga Filipino dahil higit na matipid ito sa tawag, kahit na noong una, nilayon lámang ang katangiang ito para sa mga pipi at bingi. Ayon muli kay De Certeau: “Everyday life invents itself by poaching in countless ways on the property of others.”5 Bukod pa rito, maaaring sabihin na naiangkop na sa pang-araw-araw na karanasan ang mga bagay na may kinalaman sa cellphone, kabílang na ang mga terminolohiyang may kaugnayan dito. Halimbawa, kitikitext ang tawag sa táong text nang text (para bang kitikiti na hindi mapalagay, pero sa kasong ito’y mga daliri lámang ang aktibo). Sa mga sinehan o teatro, bago magsimula ang palabas pinaaalalahanan ang mga manonood na “observe phonethics” (pinagsamang “phone” at “ethics,” tumutukoy sa wastong paggámit ng cellphone nang hindi nakaaabala sa kapuwa). Kung dati, “Don’t drink and drive” lang ang paalala sa mga motorista, ngayon mayroon na ring “Don’t text and drive.” Ngayong panahon ng krisis, maaari na ring bumili ng patingi-tinging cellphone load sa pamamagitan ng “autoload,” “e-load,” “x-press load,” “pasaload,” at “share-a-load.” Bukod sa nabanggit, iisang paraan din ng pagtitipid ang pagtangkilik sa mga promong “unlimitxt” o “unlimited call” (mga text o tawag na mas mura ang halaga kompara sa ibá kayâ mapagkakamalang sadyang mas maaaring ipadala o tawagan sa parehong halaga ng karaniwang load). Gaya ng mga naunang halimbawa, wala pa rin sa diksiyonaryo ang salitâng lobat. Sa mga diksiyonaryong balbal na Ingles at idyomatikong pahayag, may “lowbrow,” “low blow,” “lie low,” “low comedy,” “low class,” “low down,” atbp, ngunit walang lobat. Ganito rin sa mga diksiyonaryong balbal na online,6 maliban na lang sa klockworx. com, na itinalâ ang lo batna inilahok ng isang tao na nagngangalang “KX” noong 25 Abril 2003, at binigyang kahulugan na “pagód o mahina na.” Bílang salitâng balbal, hango ang salitâng lobat sa “battery low,” pinaikli lámang at nilapatan ng tinatawag ni Harold Conklin na pagbaligtad, o ang pagpapalit ng baybay o pantig bílang bahagi ng tinagurian niyang “Tagalog speech disguise.”7 Sang-ayon dito si Herminia Meñez nang tukuyin niya sa isang sanaysay na ang “transposition of syllables” ang isa sa mga paboritong paraan ng paglalaro ng salitâ o paglikha ng salitâng balbal sa Filipinas, gaya na lámang ng mababásang mga mensahe sa loob ng dyipni.8 Maaaring ituring na sariling atin ang lobat bílang balbal dahil kapansin-pansin dito ang praktis ng Filipino kung pagbabatayan ang mga unang nabanggit: Inuna ang salitâng “low” mula sa “battery low,” at ipinanatíli lámang ang unang pantig ng salitâng “battery.” Dahil dito, naging kaibáng-kaibá na at halos hindi na makilála ang mensaheng hango sa Ingles. Kung sakali mang gawing “low battery” ang buong pahayag, maituturing na atin pa rin ito sapagkat sa Ingles, “flat battery” ang katanggap-tanggap na katumbas ng baterya na nangangailangan nang kargahan.9

196

LOBAT

Para naman tukuyin ang pakiramdam ng kawalan ng gana o lakas, o ang pakiramdam ng matinding pagod, sapát na ang salitâng “low” sa Ingles na balbal o idyomatikong pahayag.10 Paano at bakit nga ba nabubuo ang ganitong uri ng mga pahayag? Ang balbal ay isang uri ng “personal mode of speech…whose popularity has increased until a large number of the general public uses or understands them.”11 Nagmumula ito sa mga tiyak na sitwasyon, galing sa: [a] group that must either be very large and in constant contact with the dominant culture, or be small, closely knit, and removed enough from the dominant culture to evolve an extensive, highly personal, and vivid vocabulary.12 Sa kaso ng lobat, mahihiwatigang nagmula ito sa nangingibabaw na kultura ng nagmamay-ari ng cellphone, batay na rin sa nabanggit na talâ mula sa NTC. Dahil nga bahagi na ito ng pang-araw-araw na karanasan ng mga tao, hindi maiiwasang maiangkop na sa pang-araw-araw na gawain hindi lámang ang mismong cellphone, kundi maging ang mga bagay na may kaugnayan dito. Mula sa tiyak na sitwasyon (ang pagmamay-ari at paggámit ng cellphone), umuusbong ang balbal sa pagbabago ng kahulugan ng mga salitâ, o di kayâ’y sa paggámit ng mga ito sa ibáng paraan.13 Kung gayon, hindi na lámang ang mismong baterya ang tinutukoy ng lobat, bagkus maging ang tao na wala nang lakas o enerhiya matápos gampanan ang isang mabigat na gawain. Kung magkokomentaryo ang isang tao na lobat na ako, maaaring mangahulugan ng dalawang bagay ang kaniyang pahayag: una, posibleng tinutukoy ng tagapagsalitâ na malapit nang mamatay ang kaniyang cellphone; o pangalawa, puwedeng inilalarawan na niya ang nararamdamang págod o panghihina. Sa pangalawang gámit, napakalaki ng implikasyon nitó sa kung paano tinitingnan ng indibidwal ang kaniyang sarili. Sa tuwing lobat ang cellphone, may mga katangian na hindi muna mapakikinabangan pansamantala, dahil nga kulang ang enerhiyang maibibigay ng baterya kung ikokompara sa kakailanganin ng mga nabanggit na katangian. Mahirap magpadala ng text kapag lobat ang cellphone. Hindi ka makatatawag kung kailangan nang kargahan ang iyong baterya. Lagyan mo man ng headphone ang iyong cellphone, hindi ka makakapakinig ng FM o mp3 kung lobat ka. Kung tao ang tutukuyin, tíla inihahambing na niya ang kaniyang sarili sa isang makina sa pagsasabing lobat na ako. Kung paanong napaparalisa pansamantala ang ilang katangian ng cellphone, gayundin ang pagkaparalisa ng tao tuwing nakadarama siyá ng matinding pagod.

197

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Nagdurusa ang indibidwal (bukod sa kalusugan, napapabayaan na rin niya ang kaniyang itsura) gayundin ang kaniyang mga mahal sa búhay at kaibigan. Ilang patalastas na rin sa midya ang tumutukoy rito, kayâ nga usong-uso sa kasalukuyan ang mga bitamina, suplementong pagkain, at inuming pampalakas bílang lunas sa pagiging lobat ng mga indibidwal. Hindi maiiwasan ang ganitong paghahambing ng indibidwal sa kaniyang sarili sa isang makina dahil hindi maikakailang ganito naman talaga ang kaniyang ginagampanang tungkulin sa lipunan sa kasalukuyang panahon. Para sa mga sociologist at behavioral scientist, deshumanisasyon ang tawag sa ganitong pananaw ng tao sa kaniyang sarili, dulot na rin ng kasalimuotan ng búhay sa pagsisimula ng modernong panahon.14 Ayon sa mga mananaliksik, ang pag-usbong ng sibilisasyon ay may kaakibat na mga suliranin. Kabílang na rito ang pagkakaroon ng dibisyon sa paggawa, at ang pagsisimula ng makina sa larang ng produksiyon noong panahon ng Rebolusyong Pang-industriya. Nagdulot ito ng trauma sa mga tao. Kung dati, kalikásan at panahon ang batayan ng búhay ng tao, ngayon ay mga makina na may malinaw na orasan sa mga liwasan sa Europa. Ayon kay Lewis Mumford: [the appearance of the clock] commenced its inexorable regulation of the cycles of life and labor, in direct conflict with the natural and immemorial rhythms of the seasons and of the earth’s own movement around the sun – the obsolete imperatives of the agrarian world.15 Dagdag ni De Certeau, “the status of the individual…diminishes in proportion to the technocratic expansion of [technological] systems.”16 Tinawag nina Montagu at Matson na “technilogical dehumanization” ang ganitong kalagayan kung kailan nagiging robot na sa pagkilos ang mga tao, sanhi na rin ng mga kahingian ng isang lipunang kapitalista at industriyalisado.17 Dahil sa ganitong kasalimuotan ng modernong pamumuhay nagiging mahalaga ang balbal na lobat. Oo, ang paggámit nitó ay sintomas ng mga suliraning dulot ng modernisasyon sapagkat inihahambing na ng tao ang kaniyang sarili sa isang makina. Ngunit kung susuriin, sa paulit-ulit na gawain ng indibidwal sa kaniyang trabaho, makatutulong ang balbal. Sabi nga: [T]o escape the dull familiarity of standard words, to suggest an escape from the established routine of everyday life…The sheer newness and informality of certain slang words produces a pleasure.18

198

LOBAT

Idinagdag nina Alan Dundes at Carl Pagter at siyang binanggit ni Meñez sa kaniyang sanaysay, “While urban life may produce alienation, it also generates urban folklore to help make the ills and pressures of modern society just a little bit more bearable.”19 MESSAGE SENT Kapansin-pansin ang impluwensiya ng cellphone sa pang-araw-araw na karanasan ng mga Filipino. Naging mahalagang bahagi ito hindi lámang ng komunikasyon natin sa isa’t isa, bagkus maging ng napakaraming gawain. Kayâ naman hindi maikakailang mahalaga ang salitâng lobat sa ating konteksto. Ayon nga sa kasabihan, “Aanhin pa ang load na sanlibo, kung lobat ang cellphone mo?” Wala na marahil mas gaganda pang halimbawa ng kahalagahan nitó kundi sa mga nagsusulputang estasyon ng pagpapakarga ng boltahe sa ilang pilîng mall sa bansa. Táyo-táyo lámang sa bansa ang nakauunawa ng salitá at kahulugan nitó, lalo na táyong mga nagmamay-ari ng cellphone. Kayâ maituturing itong talagang atin. Gaya nga ng mga nailahad, may mga tiyak at mas wastong katumbas sa Ingles na balbal ang mga tinutukoy ng salitâng lobat. Magiging mali, kung gayon, sa pananaw ng banyaga ang naimbento nating salitâ. May sinabi si De Certeau tungkol dito: As unrecognized producers, poets of their own acts, silent discoverers of their own paths in the jungle of functionalist rationality, consumers produce through their signifying practices… “indirect” or “errant” trajectories, obeying their own logic.20 Nagsisilbi mang sintomas ng suliranin ng modernisasyon ang salitâng lobat sa pagtukoy sa págod o panghihina ng tao, maaari din itong ituring bílang halimbawa ng pagkamalikhain ng Filipino. Sa ganitong paraan, kahit paano, naiibsan ang págod na dulot ng ating mga gawain sa araw-araw. Kung muling babalikan ang mga sinabi ni Baudrillard at ni De Certeau, may mga tiyak na gámit ang cellphone, maging ang mga salitâng may kaugnayan dito; subalit hindi nangangahulugang hindi natin maaaring gamítin ang mga termino sang-ayon sa ating nais upang tugunan ang mga tiyak na layunin, kahit pa lumihis sa orihinal na silbi ng cellphone.

199

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA TALÂ J.A. Simpson at E.S.C. Weiner, “Low,” sa The Oxford English Dictionary, tomo 9. 2 Jean Baudrillard, The System of Objects, salin ni James Benedict. New York: New Left Books, 1996, p. 9. 3 Ibid., 8. 4 Michel de Certeau, The Practice of Everyday Life, salin ni Steven Rendall. California: University of California Press, 1984, p. xiv. 5 Ibid., xii 6 www.pinoyslang.com at www.seasite_niu.edu/tagalog/salitang-kalye.htm. 7 Harold Conklin, “Tagalog Speech Disguise,” sa Language,tomo 32, p.136. 1

8

9 10 11

12 13 14

15 16 17 18 19 20

Herminia Meñez, “The Art of Language of Manila’s Jeepney Drivers” sa Explorations of Philippine Folklore. Lungsod Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1996, p. 6. Jennifer Seidi at W. McMordie, “Flat Battery” sa English Idioms, 5th ed. Harold Wentworth at Stuart Berg Plexner, “Low,” sa Dictionary of American Slang Harold Wentworth at Stuart Berg Plexner, “Introduction,” sa Dictionary of American Slang. Ibid. Eric Partridge, “Introduction,” sa Slang: Today and Yesterday, 3rd ed. Ashley Montagu at Floyd Matson, The Dehumanization of Man. New York: McGraw-Hill Book Compnay, 1983, p. xviii. Ibid., xxii. De Certeau, xxiii. The Dehumanization of Man, p. 9. Wentworth at Plexner, “Introduction.” Meñez, p. 11-12. De Certeau, p. xviii.

200

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS NI

EULALIO R. GUIEB III* Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

A

ng peryodismong Tagalog sa pahayagang Renacimiento Filipino (1910–1913) ay maituturing na isa sa mga panimulang pagpupunla ng makabayang sanaysay sa panitikan ng Filipinas. Ang dalawampu’t walong sanaysay nina Francisco Laksamana, Faustino Aguilar, Carlos Ronquillo, Precioso Palma, Julian C. Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado, Dionisio S. Agustin, at ibá pang sinuri sa pag-aaral ay kumakatawan sa saloobin ng mga mamamayan sa pagbubuwag ng mga moog ng mga baluktot na kamalayang pinamayani kapuwa ng katatápos na pananakop ng mga Español at ng nanghihimasok na mga Americano. May apat na pananaw na tinukoy ang pag-aaral na siyáng binatikos ng mga sanaysay sa Renacimiento Filipino. Ang una ay tungkol sa mga bagay o pangyayaring itinalaga raw ng Diyos. Ang ikalawa ay ang sadya raw na hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao. Ikatlo ay ang likás daw na katamaran ng mga Filipino na siyáng isa sa mga sanhi ng kahirapan ng mga mamamayan. At ikaapat ay ang pagtanggap ng mga Filipino na ang Estados Unidos ang tagapagligtas ng Filipinas. PAGTIPA SA KUWERDAS NG KASAYSAYANG BINUSALAN NG ILUSYON

Isinusúlong ng pag-aaral na ito na ang peryodismong Tagalog sa Renacimiento Filipino ay isa sa mga panimulang pagbibinhi ng maaaring tawaging makabayang sanaysay sa panitikan ng Filipinas, na siyá rin namang kategoryang inilapat ng mga

201

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

iskolar ng panitikan sa mga ganitong uri ng akda (e.g., Abadilla, 1950; Cruz-Lucero, 1994; Lumbera, 1984, 2000; Mojares, 1994).1 Ang Renacimiento Filipino ay isang lingguhang pahayagang nabúhay mula 1910 hanggang 1913. Nahahati ang pahayagan sa dalawang bahagi: ang unang bahagi ay naglalaman ng mga artikulong nakasúlat sa wikang Español, samantalang ang ikalawa ay sa wikang Tagalog. Matápos ang 1913 ay naging independiyenteng pahayagan ito, na tinawag na Muling Pagsilang (Agoncillo, 1953), na binago rin sa taóng iyon sa Taliba (Tiongson, 1994). Bunga ang Renacimiento Filipino ng isang kontrobersiyal na isyu sa kasaysayan ng peryodismo sa bansa. Noong 30 Oktubre 1908 ay inilathala ng El Renacimiento ang editoryal nitóng Aves de rapiña na sinulat ni Fidel Reyes. Ang El Renacimiento ay isang lingguhang pahayagang sinimulan ni Rafael Palma noong 1901. Sa Español nakasúlat ang mga artikulo nitó, subalit may seksiyon sa wikang Tagalog: ang Muling Pagsilang. Hindi nagustuhan ni Dean Worcester, na siyáng Kalihim ng Interyor noon, ang mga atake ng editoryal sa mga patakaran ng Estados Unidos. Sinampahan niya si Reyes ng kasong libelo, kabílang ang editor nitó na si Teodoro M. Kalaw, ang mayari nitó na si Martin Ocampo, maging ang patnugutan ng Muling Pagsilang na ang direktor ay si Lope K. Santos at ang editor ay si Faustino Aguilar. Natalo sa kaso ang El Renacimiento noong 1910. Sinentensiyahan ng pagkakakulong at matataas na danyos sina Reyes, Kalaw, at Ocampo (United States v. Martin Ocampo, et al., 1910). Noong taón ring iyon ay nagsara ang pahayagan. Kinumpirma noong 1914 ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang kasong libelo. Hindi nakulong ang mga mamamahayag dahil pinatawad silá ni Governor-General Francis Burton Harrison (Agoncillo, 1990; Cruz-Lucero, 1994; Palma, 1994; Schirmer & Shalom, 1987). Sa kabila nitó ay hindi natinag ang mga mamamahayag: binúhay ni Ocampo noong 1910 ang pahayagang Renacimiento Filipino, binuo ni Reyes noong 1912 ang pahayagang Revista Economica (Tiamson, 1994), naging miyembro si Kalaw ng Philippine Assembly noong 1909– 1912 at kalihim nitó noong 1912–1916 (Tiamson & Tiongson, 1994), ipinagpatuloy ni Aguilar ang Muling Pagsilang na tinawag na niyang Taliba simula noong 1910 (Tiongson, 1994), at ipinagpatuloy ni Santos ang kaniyang pakikisangkot sa mga usapin ng mga manggagawa at pagsúlat ng mga radikal na obrang makamanggagawa (Tiongson & Picart, 1994). Wala pang katawagang sanaysay noon sa Filipinas para sa mga ganitong akda sa Tagalog, subalit ito na rin ang kategoryang gagamítin ko sa pag-aaral upang isúlong ang pagtinging mga halimbawa ito ng mga nagsisimulang sanaysay sa Tagalog sa panahon ng pananakop ng mga Americano. Ginagámit naman na noon ang “essay” para sa mga akdang Español at Ingles na nása ganitong anyo.2 Ayon kay Abadilla (1950), masasabing isinilang noong 1938 ang terminong sanaysay para sa mga

202

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

akdang nasusúlat sa Tagalog at ibáng wika sa Filipinas liban sa Español at Ingles “nang malathala ang dalawang una at hulíng bílang ng rebistang Panitikan” (p. ix). Ang sanaysay, aniya, ay “pagsasalaysay ng isang sanáy, o nakasúlat na karanasan ng isang sanáy sa pagsasalaysay” (p. ix). Maraming iskolar ang tumukoy sa ugat ng sanaysay na Tagalog sa mga akda nina Jose Rizal (“Sa mga Kababayang Dalaga ng Malolos,” 1889), Marcelo H. del Pilar (“Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan,” 1893), Emilio Jacinto (“Kartilya ng Katipunan,” 1894, at “Liwanag at Dilim,” 1896), Apolinario Mabini (“Ang Tunay na Sampung Utos,” 1898), at Andres Bonifacio (“Katungkulang Gagawin ng mga Z. LL. B,” 1893, at “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog,” 1896) (Lumbera, 1984, 2000; Lumbera & Lumbera, 1982; Majul, 1964; Quirino & Hilario, 1924; Tiongson & Cruz-Lucero, 1994). Ayon din sa mga iskolar, ang kauna-unahang sanaysay na Tagalog ay ang introduksiyong sinulat ni Tomas Pinpin sa sarili niyang libro noong 1610, ang Librong Pagaaralan nang mga Tagalog nang Uicang Castila, na kinikilálang kauna-unahang inilathalang akda ng isang ladinong Tagalog (Cruz-Lucero, 1994; de los Santos, 1913; Lumbera, 1986; Rafael, 1988). Naririyan din ang Meditaciones: cun manga mahal na pagninilay na sadia sa Santong pageexercisios na sinulat ni Padre Pedro de Herrera noong 1645, na tungkol sa pangongonsensiya ng awtor sa mga Kristiyano (Lumbera, 2000). Binanggit ang akdang sinulat ng paring katutubong si Modesto de Castro noong 1864, ang Pagsusulatan ng Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza; ang akda ay hindi lang pagtatangka sa pagsisimula ng anyong nobela kundi isa ring koleksiyon ng mga sanaysay na Tagalog (Cruz-Lucero, 1994; Lumbera, 2000; Lumbera & Lumbera, 1982). Ang makabayang tradisyon sa sanaysay na Tagalog ay pinagibayo sa mga lathalaing lumabas sa diyaryong Muling Pagsilang mula 1901–1910 (Zafra, 1993), na ipinagpatuloy sa Renacimiento Filipino. Hindi maipagkakailang ang mahabàng panahong pananakop ng mga Castilla sa Filipinas ay nag-iwan ng sugat sa kamalayan ng mga Filipino. Ang mga sugat na tumudla sa katauhan, kaluluwa, at kamalayan ng mga mamamayan ay tíla sandalîng pinaghilom ng rebolusyon ng Katipunan. Hindi pa ganap na naghihilom ang mga sugat nang ang bagwis ng neokolonyalismo, kasabay ng pagtatakwil ng mga ilustradong Filipino sa paninindigan ng Katipunan, ay namayagpag sa pagtatapós ng siglo 19 at sa pagpasok ng siglo 20. Sa ganitong kontekstong historiko nabúhay ang Renacimiento Filipino. Dapat ding isaalang-alang na ang pagtatangka ng mga pahayagang magbigay ng kritikal na panunuri sa mga pangyayari sa Filipinas sa ilalim ng pamumunò ng Estados Unidos ay sa panahong nalalambungan ang bansa ng mga di-makatarungang batas. Halimbawa ng mga batas na ito ay ang sumusunod: ang Sedition Law (1901) na nagpapataw ng kamatayan o mahabàng pagkakakulong sa sinumang nagnais

203

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

na ihiwalay ang Filipinas mula sa Estados Unidos; ang Ley de Bandolerismo o Brigandage Act (1902) na nagpapataw rin ng kamatayan o mahabàng pagkakabilanggo sa sinumang armadong lumalaban sa mga Americano o tumutulong sa mga armadong Filipino, na binansagan ng naturang batas na mga tulisan; at ang Reconcentration Act (1903) na naglilimita sa galaw ng mga tao sa kani-kanilang mga lugar (Constantino, 1975; Kalaw, 1926, 1939). Ang kalayaang ipinagwagi ng mga katipunero mula sa mga Castilla ay inagaw ng kolonyalistang America, na noong mga panahong iyon ay pinalalawak ang saklaw ng panghihimasok sa mga bansa sa Asia, Pacifico, at America Latina (Constantino, 1970). Ang sugat na itinarak ng punyal ng pananakop ng mga Castilla ay naging pilat na muling hiniwa ng sundang ng pananakop ng makabagong kolonyalismo ng Estados Unidos. Sa katunayan, maging ang pagtingin sa bahaging ito ng ating kasaysayan ay punông-punô ng mga kontradiksiyong nitó lámang mga nagdaang taón dahandahang naililinaw ng ilang mga historyador na ang pagsusuri ay taliwas sa balangkas ng pagsusuring ipinamana ng mga kolonyalista mismo (Constantino, 1986). Nagkakaisa sina Agoncillo (1990), Constantino (1970, 1975, 1977), Covar (1993), Ileto (1979), Salazar (1983, 1997, 1999a), Scott (1982), at Veneracion (1983–1984) na kailangang bigyan ng makabayang punto de-bista ang ating kasaysayan. Bagama’t hindi silá nagkakasundo sa kanilang historiograpiya, nagkakaisa naman silá sa pagsasabing madalas ay nakaliligtaan ang pananaw ng mga tinatawag na mga nása laylayan ng kapangyarihan. Ang mga marhinalisadong pananaw na ito ang tinatawag ni Constantino na kasaysayan ng mga umid (Scott, 1982).3 Ang mga pangyayari sa Filipinas sa pagpapalit ng siglo 19 túngo sa siglo 20 ay isa sa mababansagan kong yugtong pinamayanihan ng pagkakanulo at pagkukunwari. Isa rito ay ang pagtingíng iniligtas táyo ng Estados Unidos mula sa España, na pinabulaanan ni Constantino (1970): The revolution against Spain and the war against America are not two separate epochs. They constitute one and the same historical phase of our anti-colonial struggle. Our war against the Americans was merely a continuation of our fight for freedom. Whereas in the first phase, in our struggle against Spain, we were in the process of fighting for independence, in the war against America we were defending an independence already won. (p. 70) Sa madalîng salitâ, nabúhay ang Renacimiento Filipino sa panahon ng sabayang paghimig at pagtutuwid sa mga sintunadong kuwerdas sa kamalayang Filipino.

204

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

PAGHABI NG MGA SINTUNADONG KUWERDAS Ang rebolusyon ay isang tradisyon. Marahil, ang maikling pangungusap na ito ang makapaglalarawan sa kaluluwang Filipinong nanulay sa mahabàng historikong kontinuum ng pambansang pagbabago. Ang kasaysayan ng Filipinas ay kasaysayan ng pagtutol, paglaban, at pakikidigma. Sa kabila ng watak-watak o pambansang pananagumpay ng mga himagsikang isinúlong ng mga indio, ang kasaysayan ng Filipinas ay kasaysayan rin ng pagkukunwari at pagkakanulo (Agoncillo, 1990). Sa ganitong konteksto, paano pinayungan ang anino? Paano pinagtakpan ang katotohanan? Sinabi ni Constantino (1970, 1975, 1977) na ang realidad noong panahon ng mga Castilla ay inilukob sa sáya ng relihiyon, samantalang noong panahon ng mga Americano, ang katotohanan ay tinakluban ng himas ng edukasyon. Ito ang panahong nabúhay at namatay (o pinatay) ang mga makabayang pahayagan, tulad ng La Solidaridad, Kalayaan, Republica Filipina, El Heraldo de la Revolucion, La Independencia, El Nuevo Dia, El Renacimiento kasáma ang Muling Pagsilang, at Renacimiento Filipino (Kalaw, 1926, 1939; Tiongson & Cruz,Lucero, 1994; Zafra, 1993).4 Sa panahon ng La Solidaridad ay naglabasan din ang mga polyetong katulad mismo ng porma ng libreto ng mga misang Español, na maituturing ding mga sanaysay. Isang halimbawa nitó ay ang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio, na ikinakategorya bílang isang hibik. Maidaragdag sa mga hibik na ito ang kaniyang tulang “Ang Katapusang Hibik ng Filipinas,” na kabílang sa trilohiyang hibik; ang dalawang una ay ang “Ang Hibic ng Filipinas sa Inang España” ni Hermenegildo Flores at ang “Ang Sagot ng España sa Hibic ng Filipinas” ni Marcelo H. del Pilar (Agoncillo, 1963; Almario, 1993; Corpuz, 1989). Sa pagtatapós ng pananakop ng España sa Filipinas at sa pagdatíng ng mga Americano sa bansa ay mahalaga ang naging papel ng mga mamamahayag na Filipino na nagsulát sa Español at Tagalog. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito na isa-isahin ang mahahalagang akdang ito. Subalit isang bagay ang tiyak: binangga ng mga ito ang maraming maling patakaran, kalakaran, at kaisipang pílit na pinaiiral ng mga mananakop noong mga panahong iyon. Ito ang naging pamantayan ko sa paggámit ng salitâng kritikal para sa mga ganitong uri ng sanaysay: ang pagbangga sa mga mapaniil na kaisipang isinúlong ng mga mananakop. Ang kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon sa Renacimiento Filipino. Kabílang sa mga manunulat nitó ang mga nobelistang kabílang sa pag-aaral na ito: Faustino Aguilar, Francisco Laksamana, Precioso Palma, Iñigo Ed. Regalado, Carlos Ronquillo; ang makatang si Julian Cruz Balmaseda; ang kritikong si Dionisio San Agustin; at ilan pang mga manunulat na sina S. Gala, at ibá pang nagpakilála lámang sa kanilang sagisag-panulat, tulad ng Leonidas, Sinaganis, at Hercules.

205

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Inuulit ko, itinuturing ng kasalukuyang pag-aaral na ang mga artikulong ito ay hindi lámang mga lathalaing pamperyodiko. Isinusúlong ko na ang mga artikulong ito ay pundasyon ng makabayang sanaysay na Tagalog sa panitikan ng Filipinas. Taglay ng peryodismong ito—na maituturing na panitikan—ang tatag ng pagdadalumat sa mga kontradiksiyon ng lipunang Filipino noong mga panahong iyon. MGA PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS Sinuyod ko ang lahat ng isyu ng seksiyong Tagalog ng Renacimiento Filipino sa Lopez Museum noong Hunyo hanggang Setyembre 1993. Hindi ko na nagawang bilangin pa ang lahat ng mga artikulong aking binása upang makagawa ng panimulang pagtatáya sa mga artikulo. Nang maihanay ko na ang aking mga napilì ay isa-isa kong sinulat-kamay ang mga artikulo. Sinegurado kong wala akong binagong baybay sa mga salitâ. Dalawampu’t walong (28) akda mula 1910 hanggang 1913 ang aking napilì buhat sa labing-isang (11) manunulat: Talahanayan 1. Mga pilîng artikulo mula sa Renacimiento Filipino mula 1910-1913. Blg.

Aktor

Sagisag-panulat

Sanaysay

Pahina at Petsa ng Pagkalathala

1

Francisco Laksamana

Fidel

Larawan ng Buhay: Gutom at Pananalat

1(1): 22–27, 28 Agosto 1910

2

Francisco Laksamana

Fidel

Noon at Ngayon (unang bahagi)

1(12): 27–28, 28 Setyembre 1910

3

Francisco Laksamana

Fidel

Noon at Ngayon (ikalawang bahagi)

1(13):22–23, 7 Oktubre 1910

4

Francisco Laksamana

Pangarap daw ang Pagkakaisa

1(18): 24–25, 14 Nobyembre 1910

5

Francisco Laksamana

Lamig at Init (Dili-dili)

1(19): 28, 21 Nobyembre 1910

6

Francisco Laksamana

Mga Aral na Tutupdin

1(21): 26, 7 Disyembre 1910

7

Francisco Laksamana

Ginugunitang Nagdaan: Sa Pagbabangong Puri

1(22): 26–27, 14 Disyembre 1910

8

Francisco Laksamana

Kristong-Dios at Kristong-Tao

1(23): 23–24, 21 Disyembre 1910

9

Francisco Laksamana

Pag-asa at Pananalig

1(26):32–33, 14 Enero 1911

10

Francisco Laksamana

Ang tunay na paglilingapan

1(28): 27–28, 28 Enero 1911

11

Francisco Laksamana

Dios at Katalagahan

1(32):30, 28 Pebrero 1911

12

Francisco Laksamana

Ang panahon ay ginto

3(78): 1063–1064, 14 Pebrero 1912

13

Faustino Aguilar

Ako ay ano?

1(1): 23, 7 Hulyo 1910

14

Faustino Aguilar

Lakas ng Damdamin: Ang Katiyagaa’y Bunga ng Pagkapalulong

1(2): 23–24, 14 Hulyo 1910

Diego Bantil

206

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

Blg.

Aktor

Sagisag-panulat

Sanaysay

Pahina at Petsa ng Pagkalathala

15

Faustino Aguilar

Laban sa Kasabian ng Malalaki: Isang Kaparaanan sa Pagtatanggol

1(7): 23–24, 21 Agosto 1910

16

Faustino Aguilar

Isa sa Libo Nating Katungkulan

4(10): 471–472, 14 Setyembre 1913

17

Carlos Ronquilio

Crispin

Tao

1(5): 23–24, 7 Agosto 191

18

Carlos Ronquilio

Crispin

Isang Pagtatapat

1(9): 23, 7 Setyembre 1910

19

Precioso Palma

Palaspas

Mga Haka’t KuroKuro: Suliranin Nang Panahon

1(26): 23, 14 Enero 1911

20

Precioso Palma

Palaspas

Iwan ang “Kahapon”: Patungkol sa 1 ng Mayo

1(40): 23, 28 Abril 191

21

Precioso Palma

Ang buhay ng pahayagan

numero extraordinario, 7 Hulyo 1913, p. 127

22

Sinaganis

Tungkol sa Mga Kababalaghan

1(5): 28–29, 7 Agosto 1910

23

Leonidas

Pagkamatay sa katutubong ugali?

1(15): 31–32, 21 Oktubre 1910

24

Hercules

Ang Kapalaran nang Manggagawa: Alay sa mga Kawal-Dalita

1(23): 33–34, 21 Disyembre 1910

25

Julian C. Balmaseda

Ang naitutulong ng kapisanan sa ikatututo ng Bayan

3(136): 1395–1396, 28 Abril 1913

26

S. Gala

Ang mga Paaralang Bayan: Dagdagan ang Gugol

1(5): 33, 7 Agosto 1910

27

Iñigo Ed. Regalado

Ang ating banal na tungkulin

numero extraordinario: 128 7 Hulyo 1913

28

Dionisia S. Agustin

Katangian pa ñg manggagawang pilipino

numero extraordinario: 146–147 7 Hulyo 1913

Wala akong pagtatangkang gumawa ng representasyon ng bawat taón. Simple lang ang aking naging pamantayan sa pagpilì: ang tingin kong kritikal na pagtalakay ng mga manunulat sa mga nangyayari noon sa bansa. Tulad ng tinuran ko na sa naunang seksiyon ng pag-aaral, ang ibig kong sabihin ng kritikal ay iyong mga akdang sumasalungat sa mga sintunadong kamalayang minana buhat sa mga Castilla o iyong mga di-makatáong pananaw na ipinangangalandakan ng mga Americano. Kung tutuusin ay marami pang puwedeng idagdag na sanaysay sa ganitong kategorya subalit hindi na iyon kakayaning saklawin ng kasalukuyang pag-aaral. Sa ngayon ay tinitipon kong muli ang mga sanaysay upang ilathala sa isang antolohiya. Maraming pagkakataóng gumámit ng sagisag-panulat ang mga manunulat ng Renacimiento Filipino. Kinonsulta ko ang Tagalog Periodical Literature ni Teodoro A. Agoncillo (1953) para sa kanilang mga tunay na pangalan. Dito ko nalaman na ang mga

207

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sagisag-panulat na Fidel at Diego Bantil sa Renacimiento Filipino ay kay Francisco Laksamana, ang Crispin Resurreccion ay kay Carlos Ronquillo, at ang Palaspas ay kay Precioso Palma. Walang banggit kay Agoncillo kung sino sina Sinaganis, Leonidas, at Hercules, at hindi ko rin matagpuan ang mga ito sa ibá pang aklat na sinangguni (e.g., Galang, 1936; Garcia, 1965; Tiongson & Cruz-Lucero, 1994). PAGBABAKLAS SA MGA MOOG NG KOLONYALISMO May apat na pangunahing tema akong tinukoy sa 28 pinilìng sanaysay. Una ay tungkol sa mga bagay o pangyayaring ikinakawing na kalooban ng Diyos, kabílang ang mga kababalaghan at ibá pang bagay na itinalaga raw ng Diyos. Ang ikalawa ay ang pinaiiral na pananaw na hindi maisasakatuparan ang pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ikatlo ay ang likás daw na katamaran ng mga Filipino na siyáng isa sa mga pangunahing sanhi ng kahirapan ng mga mamamayan. Ang ikaapat ay ang maluwag daw na pagtanggap ng mga Filipino sa pagpasok ng Estados Unidos sa bansa, bagay na tumututol sa pananaw na ang Estados Unidos ang tagapagligtas ng Filipinas. Ang mga nabanggit na tema sa itaas ay pawang mga himig ng sintunadong kuwerdas sa kamalayan. Iisa-isahin ko ang mga ito sa bahaging ito ng pag-aaral. 1. Lahat ng bagay ay kalooban ng Diyos. Mahalaga ang pagsamba at paggalang sa mga kababalaghan at anumang bagay o pangyayaring itinalaga ng Diyos. Ang Katolisismong bitbit ng mga Castilla ay latigong ipinanlatay sa kaliitliitang tupi ng utak at sa kasulok-sulukang himaymay ng kalamnan ng katauhang Filipino. Sa katunayan ay kinapon ng Katolisismong Romano ang maraming aspekto ng identidad ng mamamayang Filipino, kahit na sabihin pa, kung susundan sina Covar (1974, 1993), Ileto (1979, 1983), Nofuente (1996), Rafael (1988), at Salazar (1997, 1999a, 1999b), na tinanggap ng maraming Filipino ang mga aral ng Katolisismong Romano nang may pagdududa at pagbásang taliwas sa mga intensiyon ng simbahan. Marami sa mga artikulo sa Renacimiento Filipino ay hindi lámang naglalarawan ng epekto ng bulag na pananampalataya sa Diyos kundi ay tinuligsa rin ang kamalian ng isang inakalang wastong relihiyon. Ang tiwaling ugnayan ng relihiyon at kalakal ang hinimay ng sanaysay na “Tungkol sa mga Kababalaghan” ni Sinaganis (1910). Bawat kakaibáng pangyayari tulad ng isang mapaghimalang Santo Niño o isang kahoy na haliging may larawan ng Birhen, maging isang bagong panganak na kabayo na may mukhang unggoy, ay agad-agad na ikukurong talagá o himala ng Diyos. Hábang ang mamamayan ay nahihiwagaan sa mga milagrong ito, pinagigiling naman ng mga alagad ng Simbahan ang pabrika ng panalangin hábang pinaaandar naman ng mga diyos ng kalakal ang pabrika ng manipulasyon. Kadalasan, ang mga alagad ng Simbahan ay

208

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

silá ring mga diyos ng kalakal. Sa pagtatapós ng artikulo ay itinanong ito ng awtor: “Ano ang mapapala natin sa pagsamba o paggalang sa mga kababalaghan?” (p. 29). Ganito rin ang tinalunton ng “Dios at Katalagahan” ni Laksamana (1911b). Binangga ng sanaysay ang sinasabi ng mga banal na ang pagsabog ng bulkang Taal ay kalooban ng Diyos. Ang pagpipiit ng kaisipan sa isang masagwang pananampalatayang tulad nitó, ayon sa artikulo, ay “naglilikha ng katamaran, ng kapabayaan, at pagpapatay-patayan” (p. 30). Tahasang ipinamukha ng sanaysay na “ang paniniwalang kalooban ng Dios ang lahat ay mali, at di ganito lámang, kundi pagtampalasan sa Dios” (p. 30, nása orihinal ang diin). Nagkaroon ng higit na malawak na panlipunang dimensiyon ang sanaysay nang iugnay ang epekto ng bulag na pananampalataya sa Diyos sa pakikibaka túngo sa pambansang kasarinlan. Kung lahat ay kalooban ng Diyos, ay maisisisi pala sa Diyos, pati ng pagkapasaAmericano ng Filipinas na di kanilang lupa, at kalooban pa rin ng Diyos pati ng ilang palakad dito ngayon na di ibig, bagkus idinaraing ng bayan. At kung kalooban ng Diyos ang lahat, sa pakikibaka ay di na palá kailangang gumámit ng baril ni magkukubli sa himpilan, pagkat hindi rin lámang maaano kung di kaibigan ng Diyos. (p. 30) Sa halip na maghalukipkip at hayaan na lámang ang kapalaran, ipinagdiinan ng “Diyos at Katalagahan” (Laksamana, 1911b) na ang kaisipang ito ay “dapat nang ibaón sa lilim ng mga bagong dunong ng tao na kumilos, magsumikap, palayain ang pag-iisip” (p. 30). Hindi rin nalalayo sa ganitong panawagan ang itinambuli ng “Mga Haka’t Kuro-Kuro: Suliranin Nang Panahon” ni Palma (1911b). Matápos kuwestiyunin ang pagkiling ng Diyos sa malalakas dahil pinababayaan Niyang patuloy na maapi ang mahihina, ang tanging nalalabíng sandata ng mga inaapi ay ang pagtatanggol sa katwiran na siyáng maghahatid sa kanila sa daan ng liwanag. Kayâ’t kapag ang katwiran ay binayaan at pinamalagi sa isang pagpapabaya ang lahat at iniaasa sa “talaga” ng Diyos ay di mamamalas ni kailanman ang pamamanaag ng araw ng katubusan at pagkawagayway ng watawat sa pagkakapantay-pantay ng lahat. Ang pagwawagi ng isang lahi, ang pananagumpay ng isang bayan, ang ikasusumpong ng isang hangad at ang pagkahango ng isang nása hirap, ay nása isang di pagpapabaya at pagtatanggol ng katwiran, buhay at karangalan. (p. 23)

209

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Isang kongkretong ekspresyon ng eskapistang kamalayang búnga ng mga aral ng Simbahang Katolika ay ang pagtutuon ng mamamayan sa mga gawaing simbahan lámang hanggang tuluyang limutin nilá ang tungkulin sa bayan. Ito ang kabuoan ng sanaysay na “Lakas ng Damdamin: Ang Katiyagaa’y Bunga ng Pagkapalulong” ni Aguilar (1910c). Sa katunayan, ito ay isang pag-aaral sa kung gaano kalaking halaga ang nagugugol ng isang pangkaraniwang mamamayan sa pagsunod sa mga palákad ng simbahan, (halimbawa, kuwintas, kalmen, kandila araw-araw, pamisa, at ambag sa mga pista) na dapat sana ay mas ginugol ng isang maralita sa kaniyang pagkain. Iminungkahi ni Aguilar na ang halagang ito at ang katiyagaang ito ay higit na makabubuti kung ang mga ito ay ibabáling hindi sa dambana ng Simbahan kundi sa dambana ng bayan (p. 24). Ang katiyagaang ito ang hahango sa mga maralitang Filipino sa kumunoy ng kamangmangan at kahirapan: Gunitain ninyong sandali kung ano ang nangyari sana sakalìng ang tinurang damdamin ay napahilig halimbawa sa pagtatayô ng mga pagawaan at makikítang sa lugal ng nagpapalaguan sa laking mga simbahan, ay mga pagawaang maaaliwalas ang natatayô ngayon, sa lugal ng mga bahay-pari ay mga bahay sana ng karunungan ang hinahangaan natin, at sa lugal ng mga dambanang sagana sa yaman, ay mga tahanan sanang sagana sa kaligayahan. (p. 23) Hábang binabatikos ng mga sanaysay na ito ang kabulaanan ng bulag na pananampalataya ay pinagtibay naman ng mga ito ang pananalig sa katwiran at pagtupad sa tungkuling ipagtanggol ito. Higit na kapansin-pansin ito sa “KristongDios at Kristong-Tao,” muli ni Laksamana (1910b). Parang sermong ipinangaral ng sanaysay ang karapatan ng mga mahihina at inaapi. Sinermunan din ng artikulo ang mga mayayaman at naghahari-harian sa lipunan sa kanilang pang-aabuso sa kahinaan ng mga maliliit. Kinakailangang ituro rito, na di sapagkat ang tao’y mayaman at masalapi ay may katwiran nang kandilihin ng pinunò, iayo ng namamahala, umuyam sa mahihirap, umilit pati sa tumutulòng pawis ng walang makain. Kinakailangang ituro rito, na, hindi sapagkat maralita ay ipayurak na ang dangal at magpapakababang-asal sa harap ng kaniyang matwid na naalipusta. (p. 24)

210

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

Bagama’t sinasabi ng mga sanaysay na binanggit sa itaas na dalá-dalá ng mamamayan ang mga tiwaling kaugaliang dulot ng mga baluktot na kaisipan, hindi nagkulang ang mga ito sa pag-uugat ng problema: na ang mga ito ay bunga ng mga maling aral ng pananampalatayang Romano. Sa paghahain ng mga bagong aral ay nagkakaroon ng pagbibigay ng bagong hugis o aral sa depinisyon ng Diyos. Pangunahin sa mga bagong aral na ito, ayon muli sa sanaysay na “Lakas ng Damdamin: Ang Katiyagaa’y Bunga ng Pagkapalulong” ni Aguilar (1910c), ay ang pagkilála na “kailanma’y mabuting sa nangyayari hanguin ang mga batayan ng alinmang pagkilos” (p. 24). Kakikítahan ito, at ang mga naunang nabanggit na akda, ng hibla ng panlipunang panunuring materyalista na taliwas sa balangkas ng kaisipang isinasapakete ng Simbahan at ipinakokonsumo sa mamamayan. Mahihinuhang ang mga nabanggit na sanaysay sa itaas ay humalaw kay Emilio Jacinto sa kaniyang dalawang akdang Tagalog: ang “Ang Maling Pagsampalataya” at “Ang Gumawa” na kapuwa nása Liwanag at Dilim (nása Almario, 1993; Salazar, 1999b). Muli namang babanggitin ni Lope K. Santos ang mga ganitong pananaw sa isang monograp na kaniyang inilathala noong 1912, ang “Hindi Talaga ng Diyos” (Cruz-Lucero, 1994). 2. Ang minimithing pagkakapantay-pantay ay likha lámang ng imahinasyon at kailanman ay hindi magkakatotoo dahil sadyang may pagkakahati-hati sa katayuan ng tao: may panginoon at may alipin. Isa sa mga paraan upang lalong mapangibabawan ng mga mananakop ang kanilang mga sinasakop ay ang ipangaral ang hindi pantay na antas ng pagunlad ng mga lahi, na higit na dakila ang kanilang lahi kaysa bansang sinasakop. Ipinagpapalagay ko na ang kaisipang ito ay tumagos sa kamalayang Filipino sa pamamagitan ng mga aral ng Simbahan noong panahon ng Castilla at sa itinuro sa mga aklat na ipinamudmod noong panahon ng mga Americano. Ito ay upang bigyang-katwiran ang kawalan ng katwiran ng kanilang dominasyon sa bansa. Isang halimbawa ay ang serye ng mga artikulong inilathala noong 1864 ng La Verdad, isang pahayagan ng Madrid (Burgos, 1864). Bagama’t ang mga artikulo ay tungkol sa mga usaping pansimbahan, malinaw na ang mga sulatín ay lumalait sa lahing Filipino: The Filipino by reason of his idiosyncrasies, his character, the influence of climate or race is not good in the discharge of high duties. It is a vulgar truism that the Tagalog is an excellent Soldier, a commonplace Corporal, a poor Sergeant, without any ability or capacity to perform the work of an Officer because of his unfitness for the position. (La Verdad, sa banggit ni Burgos, 1864, p. 30)

211

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ang pag-angkin ng mga Americano sa ating bansa ay nakaugat din sa paniniwalang ang mga Filipino ay isang mababàng lahi, isang bungkos ng mga dituruang hayop. Mahihiwatigan ito sa kritisismo ni Blount (1913) sa pamamalakad ng Estados Unidos sa Filipinas: “Now the reason the [U.S.] nation blundered into taking the Philippines was that it believed the Filipinos to be not a people, but a jumble of savage tribes” (p. 625). Sa katunayan, binanggit ang ganitong pananaw sa mga pahayag noon ng presidente ng Estados Unidos na si William McKinley na unang lumabas sa Christian Advocate: “…(3) that we could not leave them to themselves—they were unfit for self-government—and they would soon have anarchy and misrule over there worse than Spain’s was; and (4) that there was nothing left for us to do but to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them, and by God’s grace do the very best we could by them, as our fellow-men for whom Christ also died” (banggit sa Schirmer & Shalom, 1987, mp. 22-23). Sinabi naman ni William Howard Taft na ang mga Filipino ay hindi tao: “they are not a people” (sinipi buhat kay Blount, 1913, p. 630). May ilang sektor ng mga Filipino na tinanggap ang baluktot na paniniwalang ito. Sa kampanya para sa dagliang kalayaan ng Filipinas mula sa mga Americano, iniharap ng mga Nasyonalistang miyembro ng Comite de Intereses Filipinas ang isang petisyong nagsasaad ng pagkakahati ng mga Filipino sa dalawa: ang directing class at ang popular masses (Kalaw, 1926). Ito ang pangunahing laman ng binigkas nina Vicente Ilustre at Alberto Barretto sa mga miyembro ng Congressional Party noong Agosto 1905 na pinamumunuan ni Taft, na noon ay Kalihim sa Digma. Ang petisyon ay nilagdaan ng sumusunod: Simeon A. Villa, Justo Lukban, Galicano Apacible, Vicente Ilustre, Alberto Barretto, M. P. Leuterio, Macario Adriatico, Pascual Ledesma, Dominador Gomez, at Teodoro Sandiko (Kalaw, 1926). Bagama’t mahaba ang sipi sa ibabâ ay minabuti ko pa ring isulat dito ang halos kabuoan ng petisyong kanilang iniharap: a) It is an irrefutable fact that the Filipino people are governable... When a people such as the Filipinos give signal evidence of their capacity to obey during a period of over three hundred years... among other powers, they possess that of assimilation in a marked degree – an assimilativeness which distinguishes them from other people of the Far East... b) If the Philippine Archipelago has a governable popular mass called upon to obey and a directing class charged with the duty of governing, it is in condition to govern itself. These factors...

212

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

are the only two by which to determine the political capacity of a country: an entity that knows how to govern, the directing class, and an entity that knows how to obey, the popular masses.” (mp. 293–294; nása orihinal ang diin) Ito ang mga kaisipang tinuligsa ng mga sanaysay ng Renacimiento Filipino na aking nakalap. Ang mga pamamaraan ng panlalait sa katauhan ng mga tinaguriang mangmang na Filipino ay inilarawan ng sanaysay na “ Tao” na isinulat ni Ronquillo (1910a) sa sagisag-panulat na Crispin Resurreccion. Ipinakíta nitó ang masalimuot na pananamantala ng mga naghahari-harian sa lipunan at kung paanong ang paglalapastangang ito sa katauhan ng isang pagkaraniwang mamamayan ay lalong nagpalubog sa kaniya sa kumunoy ng pang-aapi. Sa tahasang pagtukoy sa mga galamay ng panghihithit, sa mga kauluan ng ibá’t ibáng institusyon (tulad ng simbahan, hustisya, pamahalaan, kalakal, at siyensiya) at pagsasalaysay sa kronolohikong daloy ng búhay ng isang tao mula duyan hanggang hukay ay mapait na ipinadamá ng sanaysay ni Ronquillo ang dumadagundong na gálit ng isang táong nawalan na ng pag-asa sa búhay, sa isang uri ng búhay na hindi mabanaagan ng tunay na kabuluhan ng búhay. Ang deshumanisasyon ng mamamayang Filipino, partikular ng manggagawa, na dulot din ng mababàng pagtingin sa Filipino bílang tao, ang siyáng temang tumutuhog sa “Ako ay ano?” (Aguilar, 1910a). Ipininta ng artikulo ang malaking agwat sa kabuhayan ng isang among Americano at isang manggagawang Filipino at kung paanong ang hulí ay ibinulid ng pamahalaan sa buslo ng “patente, rentas internas, at iba pang buwis” (p. 14). Sa isang sistemang sinasabing binubúhay ng kabihasnan at karunungan, ang tao naman ay hindi na nagiging tao kundi ay nagiging isa nang makina. Nagkuwento naman ng isang espesipikong yugto sa kasaysayan ang “Ginugunitang Nagdaan: sa Pagbabangong-Puri” (Laksamana, 1910a). Tinukoy ng akda na ang panahon nang itinatag ang Katipunan ay isang panahong “itinuturing na masasamâng tao ang mga nagtataglay ng liwanag” (p. 26). Malinaw ang paglalahad nitó ng paghahari-harian ng panginoon sa alipin: Ang takot, ang gitla sa mang-aapi, ay naging isa nang damdaming nag-ugat sa pagkatao ng mga alipin. Dahil sa kinagisnan, pinagkalakhan at pinagkatandaang pamamanginoon, ay waring namamatay na sa budhi pati kaliit-liitang bugso ng gálit, pati munting kapangahasang laban sa makapangyarihang dinidiyos. Ang pinunò ay kinikilálang di tablan ng pagkakasala, at ang sa kaniya’y

213

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pagsunod, ang sa kaniya’y pagtatapat at pag-ibig, ay pinaniniwalaang isang kabanalang gawa. Sa isa namang dako’y isang taksil, salarin at salanggapang, ang sa manlulupig ay magtangkang sumuway at makibaka… Waring ang gayong pagkasindak sa pinunò ay isang karapatang inaaring matamis upang mabúhay; waring ang gayong pamamanginoon ay itinuturing na katutubong karapatan ng mga gaya niláng may mababàng uri at pagkatao sa sansinukob, at silá’y maging tao lámang upang alipin, gawing busabos ng mga mahal na dugo.” (p. 26, nása orihinal ang diin) Ngunit ang mga anak ng bayan ay hindi pahihintulutang manatíling apiapihan sa mahabàng panahon. Ang dakilang layong “lagutin ang tanikalang gapos, huwag paalipin, magpakalayà” (Laksamana, 1910a, p. 26) ang siyáng dahilan ng pagkasuklam ng mga mamamayan sa “pagyuko sa panginoon” (p. 26) at “Kapurihang niyuyurakan ng hari” (p. 26). Mga pangyayari din ang magtutulak sa mga mamamayan na silá ay kumilos, “nangatútong mapoot, magalit, pumatay” at “mamuhunan ng búhay at dugo,” “túngo sa pagtubos sa kaalipinan” (p. 26). Nangatútong, sa pamamagitan ng dahas ay itindig ang lugmok na Kapurihang niyuyurakan ng hari, sa kislap ng patalim ay paningningin ang katauhang kinalong ng mahabàng gabi, sa dugo ay diligi’t papanariwain ang Katwirang nilanta ng mga tampalasang ang palagay sa sarili’y hindi malalabanang Diyos. (p. 26) May ibáng sanaysay na may mga tiyak na rekomendasyon upang maipakítang káyang pamunuan ng mga Filipino ang sariling bayan. Isa sa mga rekomendasyon ay ang pagpapatatag ng mga paaralang bayan sa sanaysay ni Gala (1910) na “Ang mga Paaralang Bayan: Dagdagan ang Gugol.” Isa pa ay ang pagbabantay sa kalayaan ng bayan kung saan ay malaki ang papel na ginagampanan ng mga manunulat at pahayagan, halimbawa sa “Isa sa Libo Nating Katungkulan” ni Aguilar (1913), at “Ang buhay ng pahayagan” ni Palma (1913). Kinuwestiyon ng mga mamamahayag na ito ang kabihasnang ipinagmamalaki ng Estados Unidos. Ipinakipaglaban ng mga mamamahayag ang kakayahan ng mga Filipino na pamunuan at patakbuhin ang bansa sa sariling dunong at lakas. Sa kabuoan, ang ideolohiya ng dominasyon at manipulasyon ang mahigpit na kinalaban ng mga sanaysay na Tagalog sa Renacimiento Filipino.

214

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

3. Likás sa lahing Filipino ang katamaran at kamangmangan. Ito ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga mamamayan, uróng ang ekonomiya, at kung bakit hindi umuunlad at uunlad ang Filipinas. Ang paglalarawan sa mga Filipino bílang isang lahi ng mga mangmang ay ginamit ng mga mananakop upang ang mga galamay ng kolonyalismo ay masinop na makapanghimasok sa lahat ng aspekto ng búhay Filipino. Ang paggigiit na ito sa tinatawag na kamangmangan ng mga Filipino ay isang kaakibat na ekspresyon lámang ng kaisipang may panginoon at may alipin. Sa katunayan, pinabulaanan na ito ni Rizal sa kaniyang “Sobre la indolencia de los filipinos,” na isinerye sa La Solidaridad mula 15 Hulyo hanggang 15 Setyembre 1890 (Quirino & Hilario, 1924). Ang pagbangga sa hindi makatuturan at walang batayang katamaran at kamangmangan ng mga Filipino ay ipinagpatuloy ng ilang mga manunulat ng Renacimiento Filipino. Ang mga artikulong akin nang binanggit sa mga naunang seksiyon ng kasalukuyang pag-aaral ay gayon ang mga tinurol. Subalit marami pa ring mga artikulo ang partikular na tumalakay sa mga usaping may kaugnayan sa mga manggagawa at ekonomiya. Isa sa mga sanaysay na makatotohanang ipinakíta ang pagkakalugmok ng mga manggagawa ay ang “Larawan ng Buhay: Gutom at Pananalat” ni Laksamana (1910d) sa sagisag-panulat na Fidel. Ito ay sinulat na parang isang maikling kuwento. Sinundan nitó ang búhay ni Rufo, isang manggagawang nawalan ng trabaho nang magbawas ng mga tauhan sa pabrikang pinapasukan. Tatlong buwan na siyáng palakad-lakad sa paghahanap ng mapapasukan. Nang minsang malasing si Rufo ay noon niya ibinulalas ang kawalan ng pagasang malaon na niyang kinikimkim: “Ano pa ang gagawin ko? Mabuti ngang ako’y malango, mahilo at ma… ulol, upang sa aking alaala’y maalis ang… lahat at lahat” (p. 27). Dalá ng kalasingan at matinding gútom ay hindi siyá nakauwi; napalugmok siyá sa daan kung saan siyá dinampot ng isang pulis at ipiniit sa kulungan. Sa kulungan ay patuloy na nagsasalitâng mag-isa si Rufo, isinisigaw ang pighati ng búhay na kaniyang sinapit: gútom, hírap, karalitaan, at kung ano-ano pang katiwalian ng búhay. Dahil dito ay hinusgahan siyáng baliw. Hábang siyá ay nakapiit ay hinihintay naman siyá ng kaniyang asawa at mga anak na noon ay “patuloy na dayukdok, walang makain sa gitna ng isang mayaman at maginhawang siyudad” (p. 27). Hindi lámang inilarawan ng sanaysay ang kalagayan ng mga manggagawa noong panahong iyon; komentaryo rin ito sa kalakarang pang-ekonomiya ng bansa. Ang pagkakagayon ng mga mamamayan ay hindi dahil sa kanilang katamaran kundi sanhi pa ng isang malawak na katiwaliang pang-ekonomiyang hindi makatwirang naghahati-hati sa mga mamamayan.

215

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sinalamin naman ng “Ang Kapalaran nang Manggagawa: Alay sa mga Kawal-Dalita” ng manunulat na may sagisag-panulat na Hercules (1910) ang pagkagahaman ng mga mamumuhunan, kapuwa Filipino at dayuhan, sa ilalim ng isang sistemang nabubúhay sa pang-aalipin ng nakararaming maliliit. Binigyanghalaga ng sanaysay ang kapangyarihan ng mga manggagawa: “walang ibáng nagpapakilos ng salapi ng mga mamumuhunan kundi ang inaalipusta niláng mga manggagawa” (p. 33). Sa kabilâng dako ay ipinakíta rin ng sanaysay ang isa pang anyo ng kapangyarihan ng mga manggagawa at ito ay ang kanilang pag-aaklas, sa anumang porma nitó, laban sa dahas ng kapital. Ang argumentong ito ng sanaysay ay patotoo lámang sa paniniwala ng mga manunulat ng Renacimiento Filipino na hindi mangmang ang mga manggagawa, na alam nilá ang dahilan ng kanilang pagkakalugmok at batid nilá ang paraan ng pagputol sa tanikalang gumagapos sa kanila. Isang sanaysay na lantarang sumalungat sa ibinibintang na kahinaan, katamaran, at kamangmangan ng mga manggagawa ay ang “Katangian pa ñg manggagawang pilipino” ni Agustin (1913). Ang pagiging tahimik, marunong makibagay sa kalagayan, at matiyagang pagpapasan ng págod ay mga katangiang sa unang malas ay mga kahinaan subalit ito rin ang mga katangiang ginamit na puhunan ng mga manggagawa upang bakahin ang malalaking suliraning kanilang kinakaharap, lalo na noong panahon ng himagsikan. Upang patunayang ang kahirapan ng bansa ay hindi dahil sa mga sinasabing likás na ugaling Filipino, tinalakay din sa Renacimiento Filipino ang higit na malawak na sanhi ng kahirapan ng bansa. Ito ang laman ng “Laban sa Kasabian ng Malalaki: Isang Kaparaanan sa Pagtatanggol” na sinulat ni Aguilar (1910b). Inihayag nitó na ang “karaniwang nangyayari ngayon ay mga labanang tahimik, pipi at pailalim, hindi sa larangan ng pagpapatayan kundi sa larangan ng pangangalakal” (p. 23). Inilatag dito na ang isa sa mga sandatang maaaring gamítin ng mga maliliit ay ang boykotéo. Subalit ang boykoteong ito ay hindi lámang sa hindi pagbilí ng mga dayuhang kalakal kundi iyong uri ng boykoteong “lumilikha, nagpapayaman sa puhunang sarili at ikinatutubo pa” (p. 23). Ang pagbibigay-tuon sa sariling lakas upang paunlarin ang ekonomiya ay ang idea ng tangkilikan na higit na tinalakay sa “Ang tunay na paglilingapan” (Laksamana, 1911a). Ayon dito, mahalagang patakbuhin ang ekonomiya sa bisa ng tangkilikan na nagtataguyod ng mga sariling likha. Tuwirang iginiit naman ng “Pag-asa at Pananalig” ni Laksamana (1911c) na ang mga nakakabagabag na pagbabagong pang-ekonomiya sa Filipinas ay bunga ng mga patakarang ipinatutupad sa bansa:

216

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

“Lumaganap na rito ang malakas na galamay ng trust; nagbunga na ang pampatay na pagpapalitan ng kalakal na inalisan ng ‘sello de garantia’; dinaranasan na (gayong di pa gaanong natatagalan) ang di-akmang pamalakad sa kasalukuyang táyo” (p. 32, nása orihinal ang diin). Isang lantarang pagtukoy sa pangangamkam ng mga kapitalistang mananakop sa yaman ng bayan ang siyáng ginawa ng “Ang panahon ay ginto” na sinulat ni Laksamana (1912) sa sagisag-panulat na Diego Bantil. Ang katiwaliang ito ay nagbunga sa pakikipanuluyan ng mamamayang Filipino sa kanilang sariling lupa mismo, hábang ang mga dayuhan ay patuloy na tinatamasa ang ginhawang sana ay ang mga Filipino ang nakikinabang. Muli, tulad ng ibá pang mga artikulo, ay ibinandila ng sanaysay ang pagpapatibay at pagpapatatag ng katangiang taglay na ng mga mamamayan: Ang kailangan lámang ay masuring pagsisiyasat, matalas na pang-amoy, at matalinong kaparaanan. Ngunit ang kailangang lalo ay di ibá, kundi ang kanilang nalalaman nang lubos: lakas-ng-loob sa pakikitunggali, kapangahasang malaki sa pagpapagitna sa larangan ng búhay. (p. 1064) Sa gitna ng tunggalian ng mga nang-aapi at inaapi ay mahalagang “ang maitim na anino ng kakahapunin ay dapat karimariman” (Palma, 1911, p. 23). Ito ang esensiya ng sanaysay na “Iwan ang ‘Kahapon’: Patungkol sa 1 ng Mayo” ni Palma sa ilalim ng sagisag-panulat na Palaspas. Ipinanawagan nitó na hindi dapat magwalang-bahala sa pag-aaglahi ng mga mapang-api at “nararapat ipagmalas ang pagkakaisa sa ikatutuklas ng katubusan” (p. 23). Dagdag ni Palma: Ngayon ay panahon na kung bato ang ipukol ay bato rin ang pangganti, wala na sa ngayon yaong kung bato ang ihagis ay tinapay ang ibalik, ano pa’t sa ngayon ang nararapat ay kagat sa kagat, at suntok sa suntok kapag ang katwiran ay naaapi at ang karapata’y nahahamak. (p. 23) Ang mahalaga, ayon kay Palma (aka Palaspas) sa kababanggit na sanaysay, ay “durugin ang isip sa pagtuklas ng ikalalaya, alalahaning ikaw ay may tungkulin at liban sa iyo’y walang makapagliligtas kundi ikaw rin” (p. 23).

217

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa pangkalahatan, sa pamamagitan ng mga sanaysay ng Renacimiento Filipino ay binibigyan ng bagong hugis ang identidad ng mga Filipino hábang binubura ang mga kasinungalingang ipinampipiit sa kamalayan ng mga mamamayan. 4. Ang Estados Unidos ang tagapagligtas ng Filipinas. Mahalaga ang pagpasok nitó sa ating bansa dahil hindi pa káyang magsarili ng Filipinas. At ito ay maluwag sa loob na tinatanggap ng mga mamamayan dahil naglaho na ang apoy ng panghihimagsik ng mga Filipino. Ang pagsasabing iniligtas ang Filipinas ng Estados Unidos mula sa pananakop ng España ay isang malaking kabalintunaan. Subalit ang ganitong paniniwala ang ipinalaganap ng mga bagong mananakop na sinang-ayunan naman ng ilang ilustradong Filipino. Ito pa nga ang naging pundasyon ng tinatawag na “special relations” ng Filipinas at ng Estados Unidos. Ayon kay Constantino (1970): Essentially, “special relations” is based on the belief that the Americans took over control of our country in noble acceptance of a self-imposed obligation to educate us in order that we might later deserve independence. This belief in turn is based on the corollary conviction that, by and large, the Filipinos welcomed the American conquerors, that they wanted and needed American tutelage. The rationalization of American policy was therefore founded on two distinct but related premises: 1) that there was no substantial resistance to American rule, and 2) that the Filipinos were then incapable of self-government. (p. 68) Ipinunla ang paniniwalang ito sa kaisipan ng mga anak daw ng demokrasya: In order to effect such a transformation and so win the support of the American public, the people had to be convinced of the following: 1) That the implantation of American sovereignty in the Philippines was in accord with the wishes and aspirations of the great mass of the Filipinos; 2) That the Filipinos were unprepared for self-government, thus making it a response to duty for the Americans to take the Filipinos under their wing.

218

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

How did the Republican administration try to prove these propositions? It had first, to belittle the resistance of the Filipinos, second, to malign the leaders of the independence struggle, and third, to use for effect willing accomplices among the Filipinos, representing them to be the legitimate leaders of the people. (p. 78) Sa ganitong konteksto lumabas sa Renacimiento Filipino ang mga sanaysay na kabaligtaran ng mga tiwaling kaisipang binanggit sa itaas. May makabuluhan nga bang pagbabagong naganap sa kalakhan ng mamamayang Filipino nang igiit ng Estados Unidos ang kanilang pagpasok sa ating bansa? Ito ang sinikap sagutin ng “Noon at Ngayon”5ni Laksamana (1910f, 1910g) sa sagisag-panulat na Fidel. Sinundan ng artikulo ang pagbabalik ni Mamerto, isang “kawal ng bagong panahon” (p. 27) sa kaniyang ugat. Tahimik na pinag-aralan ni Mamerto ang bayang kaniyang pinanggalingan: ang kabukiran; mga kamag-anak, kaibigan, at kanayon; at mga kasuotan, mga pag-uugali, at ang ibá pang manipestasyong pisikal ng kabihasnan. Sa perokaril na sinasakyan ay napagtanto niyang “ang kabihasna’y wala sa bukid, wala sa halamang batis at mina ng ginto; nása mga bahay na bato sa ilan-ilang nararaanang mga estación na may magagarang tayô at yari; na sa mga expertong gumagamot sa mga maysakit na hayop na pansaka”6 (Laksamana, 1910f, p. 27, nása orihinal ang diin). Maging mga kamag-anak na sumalubong sa kaniya ay “waring ni siyá’t ni silá’y hindi rin nagsisipagbago” (p. 28). Matápos mamasid ang mga ganitong tanawin ay mabigat sa loob na nawika niyang ang kabihasnan ay “wari’y pansupil lungkot at pagbihis sa mga lumang ugali ng katauhang matanda na” (Laksamana, 1910f, p. 27). Napagtanto rin ni Mamerto na ang pagkakasúlong na nagaganap ay nakapagpapaurong pa ng katauhan: mga bagong pamamaraan ng pagsusugal na buhat sa dayuhan, pagkakalubog sa mga bagong utang, at pagkakailit ng lupa at bahay. Ang pinakamalalang pagbabagong kaniyang labis na ikinabahala ay ang pagtuturo ng wikang Ingles na unti-unting pumapatay sa wikang kinagisnan. Sa pagtatapós ay lumatay ang pangamba sa kaniyang isip:

219

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

“Ano kayâng hubog na damdamin at kalooban ang sa isang magiging mamamayang Filipino búkas, na marunong ng wikang dayuhan, ngunit hindi maalam bumása sa sarili niyang wika?” (Laksamana, 1910g, p. 23). Ganito ring pangamba sa kinabukasan ang dahilan ng pagbubuntong-hininga ng “Pagkamatay ng katutubong ugali?” na sinulat ng isang nagtago sa sagisagpanulat na Leonidas (1910). Sa sanaysay ay binansagan niyang angkan ng agila ang mga bagong hari ng panahon (p. 31, nása orihinal ang diin): Samantalang lumalago’t bumubulas ang binhing dito’y inihahasik ng mga sahon, samantalang kumakapal ang mga sumasamba sa bagong uri ng kabihasnang mapaparam ang kaluluwa ng ating lahi, dahandahan namang malulunod sa dagat ng pagkapariwara ang dakila nating mithiin, ang dakilang hangad na maging bayang Malayà, may sariling tingkad at uri at makapangyarihan. Samantalang ang agila, sa kaitaasan ng ating himpapawid ay mamamayagpag naman, tanda ng kaniyang pagwawagi, ng kaniyang paghahari sa lupaing ito ng Dulong Silangan. (p. 32, nása orihinal ang diin) Inilinaw sa mga sanaysay na ito na ang panghihimasok ng Estados Unidos sa bansa ay hindi upang iligtas ang Filipinas, bagkus ay upang lalong ilubog ang mga mamamayan sa kumunoy ng kamangmangan sa kinagisnang kultura. Anumang postura ng kabihasnan ay para sa iilan lámang at hindi para sa tunay na kapakinabangan ng bansa. Sa likod ng mga pagbabagong ito ay nakatago ang maitim at makasariling interes ng Estados Unidos sa bansa, matayog ang lipad, tulad ng agilang simbolo ng pamamayagpag ng kolonisador. Hábang hinihimay ng Renacimiento Filipino ang kolonyalistang budhi ng Estados Unidos ay ipinagpatuloy ng pahayagan ang pagtatanggol sa kakayahan ng Filipino na patakbuhin ang bansa sa sariling lakas at talino. Sa proseso ng pagbabalik-tanaw sa pagkakaisa at kabayanihan ng Filipino ay tuwirang iginiit ng pahayagan na nagliliyab pa sa pusò ng mga mamamayan ang apoy ng himagsikang iniluwal ng Katipunan. Bagama’t may mga pagkakataóng umigting ang pagkakawatak-watak ng mga Filipino túngo sa minimithing pagbabago dahil na rin sa pagtatraydor ng ilan ay hindi ito nangangahulugang nawawala ang pagkakaisa ng mga mamamayan.

220

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

Ayon nga sa “Pangarap daw ang pagkakaisa” ni Laksamana (1910h), natatamo ang tagumpay sa pagkakaisang loob at kailangang maging bayani ngayon sa pinagkaisahang panghihimagsik. Mas tuwiran ang panawagan ng sinulat ni Balmaseda (1913), ang “Ang naitutulong ng kapisanan sa ikatututo ng Bayan”: “Ang mga ganitong kakila-kilabot na pangyayari ay malulunasan lámang ng isang dakilang gamut na magiging tapal sa hapdi ng sugat upang makabahaw sa tagal ng pagtitiis ng kaawa-awang lagay ng tao: ang lunas na ito ay ang ‘paghihimagsik’” (p. 1395). Alalahaning ang Renacimiento Filipino ay nabúhay sa yugto ng ating kasaysayan kung kailan mahigpit na ipinagbabawal ng administrasyong Americano ang pagdidispley ng anumang bagay na may kinalaman sa Katipunan— lalo na ang bandila ng Katipunan at bandila ng Filipinas at ibá pang insignia ng pagkakakilanlan ng himagsikang Filipino. Nakasaad ang pagbabawal na ito sa Act No. 1696 o mas kilalá sa tawag na Flag Law (1907). Nakasaad sa batas na ito na ang sinumang mahúling mayhawak o nagdispley ng bandila at ibá pang mga bagay na may kinalaman sa himagsikan ay maaaring maparusahan ng pagkakabilanggo. Tumagal ang batas na ito hanggang 1919 (Constantino, 1975). Sinabi nina Constantino (1970) at Ileto (1979) na ipinagpatuloy pa rin ng mga maliliit na mamamayan ang minimithing kalayaan ng Katipunan sa balangkas ng pakikibakang tuwirang lumilihis sa balangkas ng pakikibakang sinasang-ayunan o pinahihintulutan ng mga Americano. Matatandaan ding ang panahon sa pagitan ng 1906 at 1913 ay saksi sa pagpatay sa mga anak ng Katipunan (Constantino, 1975; Ileto, 1979). Maging ang mga dáting tauhan ni Hen. Emilio Aguinaldo na nabigyan ng kapangyarihan bílang gobernador sa kani-kanilang mga lalawigan noong 1907 ay sinasabing naging instrumento sa pagpapapatay sa mga natítiráng katipunerong patuloy na ipinagtatanggol ang kalayaan (Antonio Abad, banggit sa Ileto, 1979): In Bilibid Prison, from 1906 to 1913, hundreds of prisoners most of whom were members of the Katipunan were executed without public knowledge. Certain ilustrado leaders were aware of this but did not raise their voices in protest. (p. 171) Bagama’t natalakay na sa naunang bahagi ng pag-aaral na ito, mahalaga pa ring banggitin ang “Ginugunitang Nagdaan: Sa Pagbabangong Puri” (Laksamana, 1910a) upang patunayan lámang na hindi pa nawawala sa damdamin ng mga

221

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mamamayan ang mga aral ng himagsikan ng Katipunan. Sa pag-aalaala sa tagumpay ng Katipunan ay ipinahihiwatig ng sanaysay na kimkim pa rin ng mga mamamayan ang mithiin ng himagsikan at anumang oras ay maaari itong magliyab sa kanilang mga pusò kung kinakailangang muling mamuhunan ng búhay at dugo. Higit na pinagningas ni Laksamana (1910e) ang mga damdaming ito sa “Mga Aral na Tutupdin.” Sa pamamagitan ng pagsubaybay sa isang pangkaraniwang mamamayang nakinig sa mga talumpating inihandog sa dambana ni Bonifacio ay inisa-isa ng sanaysay ang mahahalagang aral at mga kabayanihan ng dakilang anakpawis. At muling tumimo ang mga aral na ito na “tíla mga balaraw sa kaniyang mga lamán” (p. 26). Nagsabi sa mang-aaliping ang pang-aalipin ay masamâ, kasamâsamâang gawa; nagturo sa aliping ang pagpapaalipin ay masamâ, kasamâ-samâan sa isang táong maypuri. Nagsabi sa mang-aaping ang pang-aapi ay di gawang Diyos; nagturo sa inaaping, huwag paapi, matutong gumámit ng katungkulang tao, karapatang tao, at matuwid tao: magdamdam, gumanti, lumaban, magpakamatay. (p. 26) Sa pagpapaalala ng sanaysay sa tungkulin sa bayan ay tíla hinihimok ni Laksamana ang mga mamamayan na huwag hayaang buhusan ng malamig na tubig ng pag-aalinlangan ang apoy ng panghihimagsik na patuloy pa ring nagliliyab sa puso ng bawat isa upang ganap na “maging marangal” (p. 26). Isang sanaysay na may hibo ng kuwento at tula ay ang “Lamig at Init (Dilidili),” muli ni Laksamana (1910c). Sa paggámit ng simbolismo at paralelismo ay epektibo nitóng naipahayag ang magkatuwang ngunit magkatunggaling konsepto at realidad ng init at lamig sa ikapagpapatibay ng katwiran. Bagama’t malamig ang panahong binabalot ng simoy-amihan, bagama’t mainit ang mga pangyayaring politikal, bagama’t tíla ayaw na ng mga mamamayan ang apoy ng pananakop, hindi pa rin nawawaglit sa mga Filipino ang poot sa mga katiwalian ng panahon: “Malamig ang panahon. Ngunit ang mga kalooban, ang mga budhing nagmamatiyag ay nagbabaga, masimbuyo, mainit” (p. 28). Hindi maipagkakailang pinaninindigan ng mga sanaysay na ito ang kalayaang iginiit ng Katipunan at ang kalayaang patuloy pa ring iginigiit ng mga mamamayan. Higit sa lahat, pinatunayan ng mga sanaysay na ang kalayaang ibinabandila ng mga mananakop ay huwad, at tanging ang alab ng himagsikan ng Katipunan na nása pusò pa rin ng mga Filipino at ang patuloy na pagiging makabayan ang siyáng maghahatid sa bansa sa liwanag ng katubusan.

222

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

KATAPUSANG HIBIK (AT HIMIG) NG MGA NAPUPUTOL NA KUWERDAS Sa pananalanta ng luma at makabagong kolonyalismo, ang peryodismo—na isinusúlong kong isa sa mga unang halimbawa ng makabayang sanaysay na Tagalog— ay ginamit ng ilang mamamahayag ng Renacimiento Filipino bílang sandata laban sa mga makapangyarihang industriya ng kamalayan ng mga mananakop. Ang mga pamperyodikong lathalain ng Renacimiento Filipino na sinuri sa pag-aaral na ito ay matataguriang mga sanaysay na bumabaklas sa mga moog ng kolonyalismong itinudla sa kamalayan ng mga Filipinong kinumutan sa mahabàng panahon ng pagaalinlangan at panlilinlang. Ito ay mga sanaysay na bumubuwag sa matatayog na monumentong itinayô ng masalimuot na kasaysayang binusalan ng ilusyon. Mga sanaysay ito ng pagbabaklas sa panahon ng pagbuwag sa mga ubaning kamalayang nanalaytay sa dugo at kaluluwa ng mga Filipino. Higit sa lahat, mga sanaysay ito ng panibagong pagtatatag ng mga moog ng katotohanang maglilinaw sa mga kaganapan sa bansa at sa binubuong pagkabansa ng mga Filipino. TALÂ * Ang awtor ay isang mag-aaral ng Master ng Arte sa Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon, Filipinas. Nagtuturo rin siya ng Panitikan ng Pilipinas at Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa parehong unibersidad. Kasapi siya ng Kalupunan ng Tambuyog Development Center, at kasapi ng Young Critics Circle at Katha, isang organisasyon ng mga Filipinong mangangatha. MGA SANGGUNIAN Abadilla, A. G., editor. Mga Pilîng Sanaysay. Maynila: Inang Wika Publishing Company, 1950. Agoncillo, T. A. Tagalog Periodical Literature. Manila: Institute of National Language, 1953. Agoncillo, T. A. The Writings and Trial of Andres Bonifacio. Lungsod Maynila & Quezon: Manila Bonifacio Centennial Commission at University of the Philippines, 1963. Agoncillo, T. A. History of the Filipino people (8th ed.). Lungsod Quezon: Garotech Publishing, 1990. Aguilar, F. “Ako ay Ano?” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 1, p. 23, 1910a. Aguilar, F. “Laban sa kasabian ng malalaki: Isang kaparaanan sa pagtatanggol” sa Renacimiento Filipino, tomo 1 blg. 7, mp. 23-24, 1910b. Aguilar, F. “Lakas ng Damdamin: Ang Katiyagaa’y Bunga ng Pagkapalulong” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 2, mp. 23-24, 1910c.

223

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Aguilar, F. “Isa sa Libo Nating Katungkulan” sa Renacimiento Filipino, tomo 4, blg. 10, mp. 471-472, 1913. Agustin, D. S. “Katangian pa ng Manggagawang Pilipino” sa Renacimiento Filipino, (numero extraordinario), mp. 146-147, 1913. Almario, V. S. Panitikan ng Rebolusyon(g 1896): Isang Paglingon at Katipunan ng mga Akda nina Bonifacio at Jacinto. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1993. Balmaseda, J. C. “Ang Naitutulong ng Kapisanan sa Ikabubuti ng Bayan” sa Renacimiento Filipino, tomo 3, blg. 136, mp. 1395-1396, 1913. Blount, J. H. American Occupation of the Philippines, 1898/1912. New York and London: The Knickerbocker Press, 1913, muling-limbag sa Maynila: Solar Books, 1986. Brigandage Act (Act No. 518). An act defining highway robbery or brigandage, and providing for the punishment therefore. (1902). Mula sa http://philippinelaw. info/statutes/act518-highway-robbertor-brigandage-act.html. Burgos, J. “To the Spanish People,” sa E. Quirino & V. M. Hilario, mga editor, Thinking for Ourselves: A Collection of Representative Filipino Essays. Maynila: Oriental Commercial Company, 1924, mp. 27-44. Constantino, R, editor. “Origin of a Myth” sa Dissent and Counter-consciousness. Lungsod Quezon: Walang impormasyon sa pabliser, 1970. Constantino, R. The Philippines: A Past Revisited. Lungsod Quezon: Renato Constantino, 1975. Constantino, R. Insight and Foresight. Lungsod Quezon: Foundation for Nationalist Studies, 1977. Constantino, R. “Introduction to Filipiniana series” sa R. Constantino, editor, Filipiniana Reprint Series. Metro Manila: Solar Publishing Corporation, 1986. Corpuz, O. D. The Roots of the Filipino Nation, Volume II : Philippine Centennial, 1898-1998 Edition. Lungsod Quezon: Aklahi Foundation, Inc, 1989. Covar, P. R. “Ang Pagtanggap ng Samahang Milinaryan kay Gat Dr. Jose P. Rizal,” sa P. M. Cruz & A. B. Chua, mga editor, Himalay: Kalipunan ng mga Pag-aaral kay Jose Rizal, Maynila: Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1991, mp. 426-442. Covar, P. R. “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Filipino” saDiliman Review, tomo 41, blg. 1, mp. 5-11, 1993. Cruz-Lucero, R. “Essay” sa R. C. Lucero & N. G. Tiongson, mga editor, CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume IX: Philippine Literature. Maynila: Cultural Center of the Philippines, 1994, mp. 140-159. de los Santos, E. “A Short History of Tagalog Literature,” sa E. Quirino & V. M. Hilario, mga editor, Thinking for Ourselves: A Collection of Representative Filipino Essays. Maynila: Oriental Commercial Company, 1924, mp. 56-66.

224

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

Flag Law (Act No. 1696). An act to prohibit the display of flags, banners, emblems, or devices used in the Philippine islands for the purpose of rebellion or insurrection against the authorities of the United States and the display of Katipunan flags, banners, emblems, or devices and for other purposes. (1907). Kinuha sahttp://philippinelaw.info/statutes/act1696-flag-law. html. Gala, S. “Ang mga Paaralang Bayan: Dagdagan ang Gugol” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 5, 1910, p. 33. Galang, Z. M., editor. Encyclopedia of the Philippines, Volume 9. Maynila: P. Vera and Sons Company, 1936. Garcia, M. P., editor. Mga Nobela at Kuwentong Tagalog. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1965. Hercules. “Ang Kapalaran ng Manggagawa: Alay sa mga Kawal-dalita” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 23, 1910, mp. 33-34. Ileto, R. C. Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1979. Ileto, R. C. “Rizal and the Underside of Philippine History” sa P. M. Cruz & A. B. Chua, mga editor, Himalay: Kalipunan ng mga Pag-aaral kay Jose Rizal. Maynila: Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1991, mp. 480-521. Kalaw, M. M. The Development of Philippine Politics, 1872-1920. Maynila: Oriental Commercial Company, Incorporated, 1926. Kalaw, M. M. An Introduction to Philippine Social Science. Maynila: Philippine Education Company, 1939. Laksamana, F. “Ginugunitang Nagdaan: Sa Pagbabangong Puri” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 22, 1910a, mp. 26-27. Laksamana, F. “Kristong-Dios at Kristong Tao” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 23, 1910b, mp. 23-24. Laksamana, F. “Lamig at Init (Dili-dili)” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 19, 1910c, p. 28. Laksamana, F. (o Fidel). “Larawan ng Búhay: Gutom at Pananalat” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 1, 1910d, mp. 22-27. Laksamana, F. “Mga Aral na Tutupdin” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 21, 1910e, p. 26. Laksamana, F. (o Fidel). “Noon at Ngayon (Unang Bahagi)” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 12, 1910f, mp. 27-28. Laksamana, F. (o Fidel). “Noon at Ngayon (Ikalawang Bahagi)” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 13, 1910g, mp. 22-23. Laksamana, F. “Pangarap daw ang Pagkakaisa” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 18, 1910h, mp. 24-25.

225

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Laksamana, F. “Ang Tunay na Paglilingapan” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 28, 1911a, mp. 27-28. Laksamana, F. “Dios at Katalagahan” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 32, 1911b, p. 30. Laksamana, F. “Pag-asa at Pananalig” saRenacimiento Filipino, tomo 1, blg. 26, 1911c, mp. 32-33. Laksamana, F. (o Diego Bantil). “Ang Panahon ay Ginto” sa Renacimiento Filipino, tomo 3, blg. 78, 1912, mp. 1063-1064. Leonidas.“Pagkamatay sa Katutubong Ugali?” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 15,1910, mp. 31-32. Lumbera, B. “The Nationalist Literary Tradition” sa B. Lumbera, editor, Revaluation: Essays on Philippine Literature, Cinema and Popular Culture. Maynila: Index Press, 1984, mp. 117-141. Lumbera, B. Tagalog Poetry, 1570-1898: Tradition and Influences in its Development. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1986. Lumbera, B. “Ang Sanaysay: Introduksiyon” sa B. Lumbera, editor, Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo. Quezon City: University of the Philippines Press, 2000, mp. 3-9. Lumbera, B. & Lumbera, C. N. Philippine Literature: A History and Anthology. Metro Manila: National Book Store Incorporated, 1982. Majul, C. A. Apolinario Mabini: Revolutionary. Manila: National Historical Institute, 1964. Mojares, R. B. “The American Colonial and Contemporary Traditions” sa R. C. Lucero & N. G. Tiongson, mga editor, CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume IX: Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994, mp. 7287. Nofuente, V. L. (1996). “Ang Tulang Pasalaysay sa Panahon ng Americano, 18981928” sa E. A. Ordoñez, editor, Nationalist Literature: A Centennial Forum. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press and PANULAT/ Philippine Writers Academy, 1996, mp. 33-52. (Ang orihinal na akda ay nalathala noong 1981.) Palma, E. C. “Rafael V. Palma” sa R. C. Lucero & N. G. Tiongson, mga editor, CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume IX: Philippine Literature. Maynila: Cultural Center of the Philippines, 1994, p. 695. Palma, P. (or Palaspas). “Iwan ng ‘Kahapon’: Patungkol sa 1 ng Mayo” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 40, 1911a, p. 23. Palma, P. (or Palaspas). “Mga Haka’t Kuro-kuro: Suliranin nang panahon” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 26, 1911b, p. 23.

226

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

Palma, P. “Ang Búhay ng Pahayagan” sa Renacimiento Filipino, (numero extraordinario), 1913, p. 127. Quirino, E. & Hilario, V. M., mga editor. Thinking for Ourselves: A Collection of Representative Filipino Essays. Maynila: Oriental Commercial Company, 1924. Rafael, V. L. Contracting Colonialism: Translation and Christian conversion in Tagalog Society under Early Spanish Rule. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1988. Reconcentration Act (Act No. 781). An act amending Act Numbered One hundred and seventy-five, entitled “An Act providing for the organization of an Insular Constabulary and for the inspection of the municipal police,” and Acts Numbered Six hundred and ten, Six hundred and eighteen, and Six hundred and nineteen amendatory thereof. (1903). Mula sa http://philippinelaw.info/ statutes/act781.html. Regalado, I. E. “Ang Ating Banal na Tungkulin” sa Renacimiento Filipino, (numero extraordinario), 1913, p. 128. Ronquillo, C. (o Crispin Resurreccion). “Tao” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 5, 1910a, mp. 23-24. Ronquillo, C. (o Crispin Resurreccion). “Isang Pagtatapat” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 9, 1910b, p. 23. Salazar, Z. A. “A Legacy of the Propaganda: The Tripartite View of Philippine History” sa Z. A. Salazar, editor, Ethnic Dimension. Manila and Cologne: Counselling Center for Filipinos, Caritas and Association for the City of Cologne, 1983, mp. 107-126. Salazar, Z. A. “Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino” saBagong Kasaysayan 2. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 1997. Salazar, Z. A. Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon: Mga suliranin ng Pagpapakahulugan sa Pagbubuo ng Bansa. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 1999a. Salazar, Z. A. Bagong Kasaysayan: Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan, volume 6. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 1999b. Scott, W. H. “History of the Inarticulate” sa W. H. Scott, editor, Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays in Philippine History. Lungsod Quezon: New Day Publishers, 1982, mp. 18-27. Schirmer, D. B. & Shalom, S. R., mga editor. The Philippines Reader: A History of Colonialism, Dictatorship, and Resistance. Lungsod Quezon: Ken Incorporated, 1987.

227

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sedition Law (Act No. 292). An act defining the crimes of treason, insurrection, sedition, conspiracies to commit such crimes, seditious utterances whether written or spoken, the formation of secret political societies, the administering or taking of oaths to commit crimes or to prevent the discovering of the same, and the violation of oaths of allegiance, and prescribing punishment therefor. (1901). Mula sa http://philippinelaw.info/statutes/act292.html. Sinaganis. “Tungkol sa mga kababalaghan” sa Renacimiento Filipino, tomo 1, blg. 15, 1910, mp. 28-29. Tiamson, E. “Fidel M. Reyes” sa R. C. Lucero & N. G. Tiongson, mga editor, CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume IX: Philippine Literature. Maynila: Cultural Center of the Philippines, 1994, mp. 722-723. Tiamson, E. & Tiongson, N. G. “Teodoro M. Kalaw” sa R. C. Lucero & N. G. Tiongson, mga editor, CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume IX: Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994, p. 646. Tiongson, N. G. “Faustino Aguilar” sa R. C. Lucero & N. G. Tiongson, mga editor, CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume IX: Philippine Literature. Maynila: Cultural Center of the Philippines, 1994, p. 506. Tiongson, N. G. & Cruz-Lucero, R., mga editor. CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume IX: Philippine Literature. Maynila: Cultural Center of the Philippines, 1994. Tiongson, N. G. & Picart, K. “Lope K. Santos” sa R. C. Lucero & N. G. Tiongson, mga editor, CCP Encyclopedia of Philippine Art, Volume IX: Philippine Literature. Maynila: Cultural Center of the Philippines, 1994, mp. 743-744. The United States, plaintiff-appellee, vs. Martin Ocampo, Teodoro M. Kalaw, Lope K. Santos, Fidel A. Reyes, and Faustino Aguilar, defendants-appellants. G. R. No. L-5527, 22 Disyembre 1910. Mula sa http://www.lawphil.net/judjuris/ juri1910/dec1910/gr_l-5527_1910.html. Veneracion, J. B. “Ang kasaysayan sa kasalukuyang henerasyon” sa Historical Bulletin tomo 27-28, 1983-1984, mp. 13-27. Zafra, G. S. “Muling Pagsilang: Ang Sanaysay sa Pagpupunla at Pagluluwal ng Nasyonalismo sa Unang Dekada ng Kolonyalismong Americano.” Dinalathalang manuskrito, University of the Philippines, Diliman, Lungsod Quezon, 1993. MGA TALÂ Pinasasalamatan ko si Bienvenido Lumbera sa pagpapayabong ng dalumat na ang peryodismong Tagalog sa Renacimiento Filipino ay maituturing na mga makabayang sanaysay sa panitikan ng Filipinas. Nais ko ring pasalamatan ang

1

228

PERYODISMONG TAGALOG SA RENACIMIENTO FILIPINO (1910–1913): PAGBIBINHI NG MAKABAYANG SANAYSAY SA PANITIKAN NG FILIPINAS

2 3 4

5

6

kontribusyon ng aking mga kaklase sa kursong masteral noong 1993 sa Unibersidad ng Pilipinas tungkol sa kasaysayan ng sanaysay: Leo Zafra, Luna Sicat, at Nenita Obrique. Nakatulong din ang mga talakayan ko kay Ramon Guillermo sa mga bagay na ito. Pinasasalamatan ko rin ang staff ng library ng Lopez Museum kung saan ko isinagawa noong 1993 ang aking pananaliksik sa mga sanaysay ng Renacimiento Filipino. Tingnan halimbawa ang Quirino & Hilario (1924). History of the inarticulate La Solidaridad noong 1889 na pinamatnugutan nina Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar; Kalayaan noong 1896 na pinamatnugutan ni Emilio Jacinto; Republica Flipina noong 1898 na pinamatnugutan ni Pedro A. Paterno; El Heraldo de la Revolucion at La Independencia noong 1898 na pinamatnugutan ni Antonio Luna; El Nuevo Dia na itinatag sa Cebu noong 1901 ni Sergio Osmeña; El Renacimiento kasáma ang Muling Pagsilang noong 1901-1910 na sinulat ni Rafael Palma; at Renacimiento Filipino noong 1910-1913 na pinamatnugutan ni Martin Ocampo (Kalaw, 1926, 1939; Tiongson & Cruz, Lucero, 1994; Zafra, 1993). Ang unang bahagi ay nailathala noong Setyembre 18 at ang ikalawang bahagi naman ay noong Oktubre 7, 1910. Ang eksperto rin ang baybay na ginamit sa orihinal.

229

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM NI

ROLANDO TOLENTINO Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

Sipi mula sa Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi, Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari: Ang Pagkatuto at Pagtatanghal ng Kulturang Popular. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2001.

SM, TRANSNASYONALISMO, AT PAMBANSANG KAUNLARAN ng Shoemart ang unang malawakang kalakaran sa pagpapaunlad ng mall sa Filipinas. Bago matápos ang siglo, tinatáya na magkakaroon na ng 103 malls sa Metro Manila: noong 1997, mayroon nang 60 malls ang Metro Manila.1 Ang unang limang tampok na mall operators ay kumíta ng sumang P18 bilyon noong 1996.2 Ang Megamall ang ikatlong pinakamalaking mall sa Asia, at ang binabalak ni Henry Sy na 50 ektaryang Mall of Asia sa Pasay ay inaasahang maging pinakamalaki sa rehiyon.3 Sa kasalukuyan ay mayroon nang walong SM malls—Ortigas, Fairview, Quezon City, Bacoor, Cebu, Las Piñas, Iloilo, at Pampanga. Balak pang magtayo sa Marikina, Tacloban, Baguio, at Davao. Pinaplano ni Sy na magtayo ng mall kada 40 minutos na biyahe sa Metro Manila o higit sa 20 mega malls sa Filipinas.4 Tulad ng maraming higanteng negosyante, si Sy ay may malawakang interes sa negosyo—sa Banco de Oro; SM Bonus, repacking ng mga produktong ibinebenta sa grocery sa SM Supermarket; SM ACA, para sa car accessories; Premiere Cement Factory; ABS-CBN; Ayala Land Inc.; Far East Bank, China Bank, at Philippine National Bank.5 Ayon sa Forbes Magazine, si Sy ay may netong halaga na $2.1 bilyon.6 Ang kultura ng biswalidad sa mall ay nakatuon sa dalawang aspekto: una, ang malling o ang pamamasyal at pamimilí ng mamamayan sa ibá’t ibáng lunan ng

A

230

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM

mall; at ikalawa, ang subcontracting ng labor na nagpapaayos at nagpapatingin sa manggagawa sa kalakaran ng serbisyong ekonomiya. Tunay na megalomaniac ang pinakahuling artifact ng pagsasabansa, hindi lámang sa pagsulpot ng higanteng mga kahon ng transnasyonal na konsumerismo, maging sa pagtanaw sa mga kalakal, kapital, at pamantayan ng pagkatao sa labas ng bansa, sa lahat ng lupalop ng mga lunan sa daigdig na nakapaloob na sa multinasyonalistang kapitalismo. Di tulad ng diin ng mga naunang pagsusuri sa objek ng pagkabansa, ang katangian nitóng mall ay ang kawalan ng pambansang kasaysayan at espesipikong lunan. Kayâ ang malling ay pamamasyal sa kawalan ng kasaysayan at sa lahat ng lipunang lumikha ng ibá’t ibáng produkto. Kompleto na ang proyekto ng komoditi fetisismo at reifikasyon ng labor ni Marx.7 Para kay Marx, pumapasok lámang tayo ng relasyon sa pamamagitan ng paglikha at pagtangkilik ng mga komoditi. Inisip niya na nagiging komoditi ang isang kongkretong bagay kapag ito ay naging transendent—ang isang produkto na bagama’t kompleto na sa produksiyon ay biglang nasaniban ng isang espiritwal na bagay. Sa hulí, ang objek ay reified na, bagama’t kopya ito ng suma total ng lahat ng paggawang inilahok, dito ay naglaho na ang anumang labí na ito ay likha ng labor. Ang natutunghayan sa biswalidad ay isang produktong may halong aura, isang komoditi at hindi bílang produkto ng labor na lumikha nitóng produkto. Dito papasok ang konsepto ng optical unconscious o ang di-malay na sinasabi ng imahen at paraan ng pagtingin sa imahen. Ang halimbawa nitó ay ang retro na damit na nakadispley sa show window sa SM. Nakikita natin ang kulay, tabas, at fit sa atin pero invisible rito ang mga puwersa ng paggawa na lumikha ng damit. May pagpupursigi na iwaksi ang kaalaman at kamangmangang ito dahil inaako ng komoditi ang hayag na kasiyahan sa pagtangkilik para maitago ang pasakit ng paglikha ng produkto. Ang advertisement ng Magnolia Ice Cream, halimbawa pa, ay nagpapahiwatig ng kawalan nitó ng proseso ng produksiyon, nakatuon lahat sa konsampsiyon. Kung isasaalangalang ang marahas na kasaysayan ng union busting sa planta ng Magnolia, walang kakain ng produkto nilá, may bahid itong dugo ng manggagawa. Pero tinatalikwas ang anumang kaalaman hinggil sa labor at karahasan para sa pangako at karanasan sa kasiyahan ng pagtangkilik sa produkto. Isipin din, bílang isa pang halimbawa, ang imahen ng mismong estruktura ng mall. Ipinagbubunyi ang espasyo kung saan ang lahat ng produkto at serbisyo ay nása iisang bubong. Pero ang hindi sinasabi ng imahen ay ang kalakhan ng lupaing pinagkakatirikan ng mall ay kamkam na lupa mula sa mga squatter na nagsipagtayuan ng kanilang mga bahay sa mismong lugar ng mall. Ginawang invisible ng kasalukuyang imahen ang nakaraang kasaysayan at lipunang pinaglulugaran nitó. Bagama’t nagpapahintulot ng simultaneity ng kasaysayan at kultura ang mall, hindi ipinapapasok ang usaping uri nitó.

231

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ang nililikha ng komodipikasyon ay ang pagtatago ng proseso ng produksiyon ng produkto. Gayunman, ang isang natutunghayang kakaiba sa pagpasok ng diin ng global na kapital sa serbisyong ekonomiya ay ang hayagang pagpapahiwatig ng proseso ng produksiyon o laying bare the process of production. Matutunghayan ito sa fastfood service, halimbawa na nakikinita ng mamimili kung paano inihahanda ang produkto at serbisyong kaniyang binibili. Ang diin ng serbisyong ekonomiya ay mabilisan, malinisan, may pantay na kalidad ng serbisyo at produkto. Nakaangkla itong serbisyong ekonomiya sa isang maykayang lipunan na naghahangad ng panggitnang pamantayan ng kalakaran sa kanilang konsumeristang búhay. Ang turismo at retailing, hotel at fastfood, mall at human resource, telekomunikasyon at physical infrastructuring ay mga serbisyong kinakailangan upang mapabilis ang paghimok, pagpasok, at pagdaloy ng global na kapital sa mga bansa. Itong mga serbisyo ay kinalusawan na ng pambansang identidad tungo sa mas global na klase ng pamantayan. Samakatwid, nililikha ng mall ang identidad na nakabatay sa isang global—kosmopolitan at urbanisado—na identidad. Ang diin ng serbisyong ekonomiya ay leisure at entertainment, na bagama’t pawang mga arena ng maykaya ay siya rin namang ambisyon ng maraming umaabot-káya. Kayâ ang mall ay isang rehearsal space para sa hinaharap na pagkamit ng namamayaning pamantayan ng pagkatao. May hinihimok na partikular na pagkatao ang mall—ang maller. Hango ang karanasan ng maller sa siglo-19 na figura ng flaneur. “The flaneur moves through space and among people with a viscosity that both enables and privileges vision.”8 Sa pamamagitan ng kaniyang pamamasyal, ang gentleman figure na ito ay nakatunghay sa kapaligirang kaniyang ginagalawan.9 Hindi siya ordinaryong pedestriyan, na nagmamadali sa kilos ng siyudad. Bagkus, siya ay lumalamlam sa kaniyang biswal na kapaligiran hanggang siya mismo ay magmistulang ligáw sa kaniyang kapaligiran. Katulad ng suhestiyon ni Chris Jenks, ang flaneur ay maaaring tingnan bílang isang metapora ng modernidad.10 May pagkakahalintulad ang flaneur sa imahen ng maller. Pagkat kahit pa mamímilí o namamasyal lámang, ang kakatwa sa espasyo ng mall ay ang pagkaligaw ng mga maller. Ang antas lámang ng pagkaligaw, batay sa pag-angkop ng pangangatawan sa mga marka ng panggitnang uri, nagkakaibá ang mga maller. Sinasabi kong naliligaw ang mga tao dahil sa mistulang walang katiyakan ang paggagap sa espasyo ng mall. Hindi tulad ng opisina o eskuwelahan na may katiyakan ang silbi ng espasyo, ang mall ay may di-hayagang pagpapaubaya sa mga táong gumagamit nitóng espasyo. Maaari itong maging pasyalan, panooran ng sine, kainan, tagpuan, bilihan, cruising at kung ano-ano pang gamit na itinatakda ng maller. Kayâ may teritoryalismong ginagawa ang mga partikular na grupo ng maller na maaaring kakaiba sa itinakda ng namamayaning kaayusan. Kung gayon, ang dáting flaneur o kasalukuyang maller ay nagpapahayag ng biswalidad sa dalawang antas: una, sa kanilang paggagap sa modernisadong

232

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM

kapaligiran; ikalawa, silá mismo bílang kumakatawan ng modernisasyon. Sa parehong antas, ang puwang ng di-pantay na modernisasyon at realisasyon ng modernidad ay integral sa anumang pagsusuri ng mga pigurang ito. Sa labas ng kanilang figura at kapaligiran, hindi nakalulubos ang mga ito sa ideal ng modernisasyon. Ang paguusap hinggil sa modernong pagkatao ng maller at kapaligiran ng mall ay kawing sa kakulangan ng ganitong pagkatao sa labas at maging mismong sa loob ng mga entidad na ito. Malawakan ang impluwensiya ng pagkatao ng maller at kapaligiran ng mall sa pagpapalaganap ng mga modernong ideal kung isasaalang-alang na noon pang 1993 ay may 400,000 mallers ang araw-araw na dumadagsa sa Megamall pa lámang.11 Higit na mas marami rito ang dumadagsa sa panahon ng Pasko, kung saan kinukuha ng mall ang 70 hanggang 90 porsiyentong taunang kità nitó.12 Ang pagtingin ang pangunahing kasangkapan ng pag-unawa sa mundo. Ito ang nagbibigay ng direksiyon sa kaayusan ng mundo. Kung dati’y tinutuligsa ang naging pribilisasyon ng pagtingin bílang tampok na kapamaraanan ng patunay na kaalaman, ngayon naman, dulot ng pag-igting ng posmodernong kondisyon, malakas ang muling pagbabalik ng pagtingin. Mula sa pananaw na di mababatikos na immaculate perception, ang kasalukuyang pananaw ay ang self-reflexive na visualizing the visual.13 Ang biswal ay hindi na lámang tinitingnan bílang balon ng kaalaman, ito ay representasyon at mekanismo ng pag-unawa sa kaalaman, kung paano táyo nagkakaroon—lumilikha at nagpapalaganap—ng kaalaman. Ang pagtingin ay produkto ng optical system, binubuo ng mga muscle at nerve. Bílang bahagi ng muscular system, ang pagkilos nitó ay hindi lantad. Sa kultura naipapaibá ang kahulugan ng pagtingin at pagtitig, pagtaas ng kilay, malagkit na tingin, masamâ ang tingin, pagkamangha, pagkagulat, teary-eyed at kung ano pa. Ipinahihiwatig nitó ang reaksiyon ng espiritwal sa kapaligiran. Bílang bahagi ng nervous system, ang mata ay parating nása state of emergency, hindi magkandaugaga sa pagsipat sa relasyon sa kapaligiran. May kultural na aspekto rin ang pagpaloob ng mata sa nervous system. Ang pagpaloob sa isang state of emergency, gaya ng halaw ng antropologong si Michael Taussig sa idea ni Walter Benjamin, ay hindi exception kundi ang normal na kalagayan.14 Kung gayon, ang pagtingin ay isang saksi sa kaganapang tensiyon sa loob at labas ng indibidwal, sa relasyon ng indibidwal sa kaniyang kapaligiran. Ang isa pang kakatwa sa sistema ng pagtingin ay ang paggana nitó tulad ng isang photo camera. Ang mekanismo ng transmisyon at rekognisyon ng ilaw, hugis, kulay, at distansiya ng mata ay tulad ng mekanismong gumagabay sa kamera. Tulad ng mediation ng kamera, may kakaibang resepsiyon ang nakatingin sa lente ng mata. Ibá ang pakiramdam at pagkatáong itinatanghal kapag alam na may kukuha ng retrato. Nagtatanghal ang indibidwal para sa kamera, gayon din kung ang indibidwal kapag nakatapat sa mata ng ibá. Isipin ang ganitong pagtatanggap sa paningin sa

233

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

isang empleado ng SM na may mga hidden cameras at Secret Guard Agents (SGA) sa kapiligiran. Anong identidad ang itinatanghal? Ang mata ang primordial na documentor ng nakaraan at simultaneous rekord ng kasalukuyan. Ang mata, sa lahat ng sensory facilities, ang nakapagtatanghal sa identidad ng tao. Hindi hiwalay ang pribilisasyon ng pagtingin sa mga pribilihiyadong uri, lahi at etnisidad, seksuwalidad at kasarian. Integral ang pagkakaroon ng faculty sa pagtingin sa pagpapanatili’t pagbalikwas ng namamayaning kaayusan. Ang pupil, ang sentrong bútas ng iris, ay nagkokontrak kapag may maliwanag o may sobrang ilaw na pumapasok sa mata. Ang kontraksiyon ay nagaganap sa pamamagitan ng maliliit na circular na pagkilos sa pagitan ng iris at pupil, na ang pupil ay namamaga. Ang mekanismo ng kontraksiyon ay nakapaloob sa isang mahigpit na regulasyon ng pinapapasok na ilaw at regimentation ng pagkilos ng iris at pupil. Maaaring basahing pangkultural ang kontraksiyong ito dahil ganitong mekanismo rin ang nagaganap sa subcontracting practice sa SM at ibá pang negosyo sa serbisyong ekonomiya, manufacturing, retail, at industrial sectors. Walang-patíd at sistematikong operasyon ng regulasyon at regimentation ng mga manggagawa ang nagaganap. Mula aplikasyon, pagpasok, pagtanggal, pagreregularisa, muling pagpasok at pagpasok sa ibáng gawain at opisina, ang katawan ng manggagawa ay minamatyagan at pinasusunod sa rehimen ng alituntunin. Para sa papel na ito, tinutukoy ng labor subcontracting ang kaakibat na mga praktis sa ilalim ng labor flexibilization o flexibility, free trade in [the] labor market15 o the ability to reduce or increase employment or wage levels with ease; the ability to achieve mobility of labor; the ability to make elastic use of skills; the ability to introduce non-conventional working arrangements,16 tulad ng part-time employment, contractual employment, at temporary/causal employment.17 Mahirap makuha ang eksaktong bílang ng labor subcontracting dahil hindi ito inihahayag ng maraming mga negosyo. Ngunit sa isang survey ng Bureau of Labor and Employment Statistics, tinatáya lámang ng 1.6 percent ito ng pangkalahatang total ng employment sa lahat ng establisimyento.18 Maaaring lubusang understated itong figura na ito pero may ilan pa ring mahalagang sinasambit: una, sa loob lámang ng dalawang taon ay tumaas ng 39.3 percent ang bílang ng labor subcontracting; ikalawa, higit sa kalahati nitó (56.4 percent) ay nása Metro Manila. Nakakabahala ang indikasyong ito dahil sa pagdami at pagkalat ng bílang ng labor subcontracting. Mula sa kasalukuyang sentralisadong praktis sa Metro Manila, mas magiging malawakan ito sa rehiyon sa hinaharap. Malawakang ginagawa ang labor subcontracting para maibsan ang Artikulo 281 ng Labor Code ukol sa probationary employment. Isinasaad nitó:

234

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM

Probationary employment shall not exceed six (6) months from the date the employee started working, unless it is covered by an apprenticeship agreement stipulating a longer period. The services of an employee who has been engaged on a probationary basis may be terminated for a just cause or when he fails to qualify as a regular employee in accordance with reasonable standards made known by the employer to the employee at the time of his engagement. An employee who is allowed to work after a probationary period is considered a regular employee.19 Ang debate ng labor flexibility ay nakatuon sa dalawang magkatuwang na panig: The need to stimulate growth in employment through flexible forms of labor, or to promote secure and regular forms of employment.20 Sa karaniwang practice ay hindi naman hayagang inuugnay ng negosyo ang pagbabawas ng empleado o pagsasara ng opisina’t pabrika. Maaaring magawa ang mga ito sa pamamagitan ng mga dahilang krisis pang-ekonomiya, kakulangan ng supply ng raw materials, at ibá pa. Nakaugnay ang labor subcontracting sa globalisasyon, sa walang-humpay na pagkilos ng mga tao, produkto, at kapital. Sa posmodernong kultura, ang mabilisang pagpapalit ng manggagawa, lalo na sa larangan ng serbisyong ekonomiya na malaki ang premium sa pisikalidad, ay lumalantad lámang sa mas malakihang problema ng pang-estadong kakulangan na pinupunan sa literal na pagpapapogi at pagpapaganda ng mga táong napilitang pumaloob sa ganitong kultura. Sa ibáng larangan, malaganap na rin ang labor subcontracting na halaw sa modelong mga Japanese: In the Manila Electric Company (MERALCO) for instance, meter reading had already been contracted out. In the garments and electronics industries, home workers have increasingly been used in lieu of the formal workers.21 Isa sa limang establisimyento ay gumagamit ng contract work.22 Dagdag pa rito, About 42 percent [of employers] usually rehired casual labor under new temporary contracts and only 22 percent rehired them as regular workers.23 Maging sa overseas contract work ng maraming kababayan ay nakaangkla rin sa indibidwal na kontrata. Mayroon ding pambansang kalakaran hinggil sa overseas contract work. Sa Japan, halimbawa, ang maximum na kontrata ng employment ay anim na buwan lámang. Kailangan itong i-renew sa bagong kontrata, kailangan bumalik ang manggagawa sa Filipinas para gawin ito. Hindi rin hiwalay ang kahirapan sa union organizing sa SM sa ibá pang larangan dulot ng dikta ng pag-unlad ng serbisyong pang-ekonomiya at ibá pang sektor. Noong 1992, ang pangkalahatang kasapian sa mga trade union ay 3.1 milyon o 24 porsiyento ng waged at salaried na manggagawa, sampung porsiyento lámang ng pangkalahatang work force.24

235

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Maaaring pagsimulan ng tuon ng pansin ang nagaganap sa SM bílang tampok na negosyong may malawakang praktis sa labor subcontracting. Narito ang mga sipi sa ulat ng Center for Women’s Resources (CWR) hinggil sa subcontracting practice ng SM. Sinipi ko nang mahabaan ang ulat bílang pagkilala sa pangunahing naging papel ng CWR sa pananaliksik hinggil sa subcontracting practice sa SM: Sa anim na SM department store at head office sa Quiapo, may higit kumulang na 10,000 manggagawa, 85 percent ay kababaihan. Subalit 1,571 lang ang regular na manggagawa at 1,111 lang ang sakop ng Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan ng Sandigan ng Manggagawa sa Shoemart (SMS-KMU) at ni Henry Sy [...] Sa listahan ng manggagawa sa anim na department store na sakop ng unyon, makikíta na mayorya sa mga regular na manggagawang nagtatrabaho sa SM ay hindi bababa sa 10-15 taon. Ibig sabihin nitó, hábang patuloy na umuunlad ang mga department store na taontaon ay halos nagdadagdag ng mga bagong department o section, walang naidagdag na regular na manggagawa. Katunayan, mula 3,500 regular na manggagawa noong 1986, naging 1,571 na lang ang may estado na regular. Ibig sabihin nitó, mula 1986, kokonti lang ang kinukuhang regular na manggagawa ni Sy, at kukuha na lámang ng mga direct hire na contractual worker, casual, trainee, at apprentice na nagtatrabaho ng 2-5 buwan. Para sa mga contractual worker, pagkatápos ng ikalimang buwang pagtatrabaho, agad na tinatápos ng SM ang kontrata. Noon, maaari silang mag-reapply. Pero may bagong patakaran na nagsasabing kailangan muna niláng maghintay ng isang taon bago mag-reapply. At yung nakatápos ng 5 buwang kontrata sa isang branch ay hindi puwedeng agad na mag-apply sa ibáng branch.25 Karamihan pa ng empleado ng SM ay “promo girls” mula sa mga consignors na pinapasuwelduhan ng mga yunit na may outlet sa department store o ng ahensiyang nangontrata sa mga ito. Ang mga “promo girl” ay pinagbabawalang sumali sa union at “makipag-usap sa mga regular na manggagawa ng SM.”26 Ang mga seksiyon ng SM department store na nag-spinoff, tulad ng Toyland, Homeworld, Health and Beauty, Workshop, Baby Company, at Surplus Shop ay kinikilala bílang hiwalay at independiyenteng yunit, kayâ hindi saklaw ng SMS union ang mga manggagawa rito. Gayundin, ang ibáng mall—SM Centerpoint, ang Megamall, at ang Southmall—

236

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM

ay sinasabing pagmamay-ari na ng ibáng grupo ng negosyante kayâ “ang mga manggagawa rito ay hindi maaaring maipasailalim sa SMS-KMU Union,” pati na ang ibá pang negosyo ng SM, tulad ng SM supermarket, SM ACA, Cafe Elyseé, at ibá pang tinaguriang “affiliate.”27 May isa pang paraan kung paano isinusulong ng SM ang pagpapahina sa organisasyong pang-union—ang pagkuha ng mga manggagawa na kasapi ng Iglesia ni Kristo. “Mahigpit na ipinagbabawal ng Iglesia sa mga kasapi nitó ang pagsali sa mga unyon.”28 Noong 1996, halimbawa, “halos lahat ng bagong batch ng mga naging regular na manggagawa ay Iglesia ni Kristo.”29 Sa account naman ni Gayle, isang sales clerk, sa 22 na contractual na manggagawa, isa lámang ang naging probi na sa kalaunan ay naging regular.30 Ang estratehiya ng kompartmentalisasyon sa SM ay may dalawang kaakibat na dulot—sa mámimíli, nagkakaroon ng specialty stores para sa kaniyang pangangailangan; para sa manggagawa, inuudlot nitó ang kapasidad ng paggawa. Walang bagong skill na natutuhan ang manggagawa, maliban sa may ugnay sa kaniyang pisikal at personalidad na presentasyon sa mga kliyente. May dalawa ring naidudulot ang pagpasok ng maramihang kabataang manggagawa sa SM at sa ibá pang labor subcontracting outlets. Una, ay sa kadalasan, sa unang pagkakataon, ay kumikíta ang mga kabataan—lampas lámang ng menor de-edad pero hindi lumalampas ng edad 25—at nakakapag-ambag sa pinansiyal na pangangailangan ng pamilya. Dagdag pa rito, nagkakaroon ng akses ang kabataang manggagawa sa panggitnang uring búhay—nakakabili ng usong damit, nakakagimik sa labas kasáma ng barkada o kaopisina, nagkakaroon ng konsumeristang kapangyarihan. Dahil sa kalikasan ng labor subcontracting ay may maikling period of employment, nauudlot ang pagunlad ng lakas-paggawa ng kabataang manggagawa. Sa mahalagang yugto kung saan may malaking potensiyal para makapagpaunlad ng skill at kakayahan, pinagpapasapasahan lámang ang kabataang manggagawa sa ibá’t ibáng intermittent na gawain. Sa pagtatapós ng kabataan sa kaniyang búhay, papasok sa adulthood at ang mga demand nitó sa bagong kalakaran ng pamumuhay, at pagkíta batay sa binubuhay na pamilya, wala pa ring lubos na skill na natamo ang manggagawa matápos ng kaniyang pitong taóng panunungkulan sa ibá’t ibáng subcontracting na trabaho. Ang recruitment ay nakabatay sa pisikalidad at personalidad. Ayon kay Richard, isang manggagawa sa SM Cubao, “kailangan good grooming ka kapag nag-aapply, maayos ang pananamit.”31 Sinasala na kaagad ang mga may tattoo sa physical exam, kasáma ng may halatang sakit. Pinapatanggal ang tattoo; at dahil sa mahal ang cosmetic surgery para gawin ito, binubura na lang ito ng mga krudong kapamaraanan, tulad ng sindi ng sigarilyo at pagkaskas ng blade. Ang written exam ay nakabatay sa kasaysayan ng SM, mga tanong na ini-lecture ng recruiting manager. Ang babaeng aplikanteng nakapasá sa written exam ay kinakailangang makíta ng manager na nakapalda.

237

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

“Ang kailangan, maganda ang itsura ng legs. Kayâ maikling palda ang pinapasuot nilá (manager). Patatayuin ka, tápos paiikutin.”32 Ang speech ay sinasala lámang sa interview, iniiwasan ng management ang malalim na punto. Ayon nga kay Kristy, isang empleada, “may kaunting lecture sa GST (greet-smile-and always say thank you), tápos isasalang agad.”33 Nangyayari rin na may backer ang ilang mga aplikante, tulad ng magulang na regular na empleado. Ang regularisasyon at promosyon naman ay nakabatay sa paratihang visibilidad ng manggagawa, “kailangan, within three years, wala kang absent.”34 Hindi paborable ang kondisyon sa pagiging regular ng mga empleado. May sirkumbensiyon sa batas, at maging sa probation period ay maigting ang mga kahilingan sa pagiging regular. Bukod pa rito, ang pang-araw-araw na kondisyon ng gawain ay taliwas sa anumang pag-unlad ng manggagawa o ng kaniyang layuning maging permanent. Limitado ang kakayahang napapaunlad. Sa testimonyal ni Bern, dáting manggagawa sa SM, sabi niya: December 1995 ako nagsimulang magtrabaho sa SM Cubao. Naassign ako sa Lobby. Five months ang contract ko noon. Bago ako pumirma ng kontrata, binayaran ko ang ID lamination at uniform. Sa lalaki, bawal pumasok nang naka-civilian. Kailangang nakapantalon ng itim, puting polo, at itim na leather shoes. Maaaring magbáon ng personal na damit, toothbrush, sapatos na goma, at personal effects. Ngunit kinakailangang pa-gate pass sa guwardiya ang lahat ng gamit. Dahil kung hindi at may nakaligtaan na ipalista, hindi mailalabas ang mga gamit na iyon [...] Bago umakyat sa taas ng selling area, kailangang nakakabit na ang korbata. Nakasintas na ang sapatos, naka-gel na ang buhok. Bawal ang sinturon na walang SM na tatak. Bawal ang panyong puti na walang logo ng SM. Pagkatápos mag-time-in, kakapkapan ka ng sikyu. Kalimitan babae. O kayâ babae o lalaki. Babae[ng empleada] sa babae[ng sikyu]. Kakapkapan ka nilá para siguraduhin na walang nakasingit sa inyong bulsa sa wallet, coins, ballpens, at kung ano-ano pa na walang pahintulot o ipinagbabawal ng management. At siyempre [yung] walang SM logo. Sa loob ng selling area, kailangan naming magreport sa aming DM (Department Manager). Titingnan kung ano ang mali sa itsura. Mali ba ang kabit ng korbata? Nakalimutan bang i-shine ang sapatos? Ang polo at pantalon ba ay nakaplantsa? Ang gel ba ay sapat na para maging wet look ang buhok sa loob ng walong oras na pagtatrabaho sa SM? Kung okey na sa DM, maaari na kaming tumayo sa selling

238

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM

area nang walong oras, babatiin ang bawat kostumer na dadaan sa aming harapan, aalukin ng t-shirt at short. At pagkatápos magulo ang items, saka ko aayusin ang lahat. Hanggang sa may dumating na bagong parokyano at muling guluhin ang mga inayos. Sa loob ng walong oras, hindi maiiwasang maihi. Maaari kaming umihi sa kondisyon na magpapakapkap kaming muli. Hindi maaaring tumagal sa CR (comfort room), papasukin ka ng sekyu.35 Ayon nga sa CWR, “sa pag-aapply sa mga department store, ang batayan ng pagtanggap ng mga manggagawa ay hindi ‘skill’ (kahit high school level ay puwede nang mag-apply) kundi yung pisikal na katangian (mas pinapaboran ang bata, single, maputi, makinis ang legs), at ‘with pleasing personality.’ Isang katangian ito ng retail industry: napakadaling magpalit-palit ng mga manggagawa dahil hindi pa ‘skilled workers’ ang kailangan dito.”36 Malaki ang tendensiya, samakatwid, ng kabataang manggagawa ng informal na sektor na lalo pang dumulas tungo sa tinatawag na underground sector. Dahil sa stress sa pisikalidad at personalidad ng kabataang manggagawa, may ilang bílang na ng dáting manggagawa ng SM ang lumipat na ng ibáng mas mapagkakakitahang larangan. May paggunita si Lorna, sales clerk sa SM Cubao, na may ilan sa mga kasabayan niyang lalaki ay nása Japan at nagho-host o lalaking Guest Relations Officer (GRO).37 Si Kristy naman ay may side-line na sex work bílang dagdag sa kaniyang kinikíta na PHP198 sa SM para “magbayad ng tuition fee ng kapatid.”38 Mayroong kontak person na nag-uugnay sa kaniya at sa ibá pang mga babaeng manggagawa sa SM sa mga kostumer. Si Ronald, na kontak ng mga babae, ay pumunta ng Japan, bumalik pagkatápos ng anim na buwan at nagtayo ng parlor na pinaggugupitan ng ilang manggagawa sa SM, kabílang si Kristy. Nakapasok din sa kultura ng panggitnang uri si Kristy; may hinuhulugan itong alahas mula sa isa ring kasamahan sa trabaho, at paminsanminsan panggimik sa labas. Si Lester naman ay lumipat bílang GRO sa isang gay bar matápos ng kaniyang kontrata sa SM Bacoor. Ang karanasan sa SM na nangangailangan ng edad 18-24, at least 5 ft. 2 inches na tindig para sa babae at 5 ft. 7 inches para sa lalaki, at least high school graduate, may pleasing personality, at good communication skills ay naghahanda para sa ibá pang karanasan sa paggawa na may kahalintulad na kahilingan.39 Madalas, sa pagsuong sa ibá pang labor subcontract, ay lateral na mobilidad lámang ang natatamo. Tanging ang puwang tungo sa mas nakaaangat na mobilidad ay sa pamamagitan ng overseas work, sex work, at ibá pang gawain sa underground sector. Ang kondisyon ay hindi pa rin nagbabago dahil ito man ay subcontractual work na walang benepisyo at walang posibilidad na maregularisa.

239

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Samakatwid, ang karanasan sa SM ay nagpakò ng biswalidad ng pagtingin sa mga kabataang katawan na hindi naman may kakayahan lumampas sa natural na biyolohika na pag-unlad ng tao. Kung bagá, tila may fossil na inaasahang imahen ng kabataang subcontractual na manggagawa dahil sa pamamagitan ng kanilang batang pangangatawan silá magtatagal sa mga gawaing ito. Ito rin ang sumpa ng kabataang subcontractual na manggagawa—kung hindi man ito maregularisa o ma-retain, hindi ito aasenso. Ang dalawang opsiyon ay malimit ipagkaloob ng kasalukuyang sistema. Ang dagdag pa sa kaniyang pasanin ay mayroong reserve army na nag-aantay lámang makabante sa kaniyang posisyon, handang tumanggap ng subcontractual work. Tunghayan na nga lang ang pila sa mga aplikante sa SM, o ang mabilisang pagpapalit ng trabahador sa bars at clubs, at ibá pang cruising areas. Tulad ng maller, nagiging eroticized objek ang manggagawa sa SM. Ang aura o transcendent ng komoditi ay naililipat sa katawan ng maller sa kaniyang pagbibigay atensiyon o pagbili sa produkto. Ang manggagawa sa SM, sa pamamagitan ng sistematikong rehimentasyon ng kaniyang katawan, ay nagpapatampok sa katangiang kinakailangan sa serbisyong ekonomiya—bata, may itsura, may personalidad, at willing magtrabaho. Sa estruktura ng mall, ang lahat ay nagiging ahensiya ng transformatibong kapasidad ng kapital na gawing komoditi ang tao at serbisyong nakapaloob dito. Integral ang feminisasyon, bahagi rito ang nagaganap na pandaigdigang dibisyon ng paggawa dahil isinasakatuparan, sa pamamagitan ng tradisyonal na feminine roles, ang motibasyon tungo sa konsumerismo, tulad ng shopping, mabusising pangangalaga sa katawan, at pagpapaunlad ng personalidad. Mapa-maller man o manggagawa ng mall, ang feminisadong komodipikasyon ang komún na katangian ng mga tao sa loob ng mall at sa ibá pang larangan ng serbisyong ekonomiya. OPOSISYONALIDAD SA BISWALIDAD NG SM AT SERBISYONG EKONOMIYA May dalawang larangan ang tampok sa aking isipan sa pagsiwalat ng oposisyon sa kalakarang subcontracting ng SM. Una rito ay ang serye ng mga retrato hinggil sa dispersal ng mass action sa SM Makati noong gitna ng dekada ’80. May isang larawan na hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa aking alaala—isa itong close-up shot ng mukha ng nakaunipormeng empleada ng SM, halong lito, tákot at tapang ang nakabalot sa kaniyang mukha. Ang ganitong representasyon ng manggagawa sa SM ay hindi pumapaloob sa diskurso ng pleasing personality. Tulad ng katutubong bagay ng pagkabansa, naghahalo ang primordial positions na naghihimok ng makabagong representasyon ng pakikibaka para sa bansa, lalo pa sa pagpasok

240

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM

ng mas kontemporaneong pagkilos ng kapital na nagdidikta ng redepinisyon ng makabagong paraan ng kolektibong pagkilos at pag-organisa sa loob at labas ng SM. Ang ikalawa ay hindi biswal, ito ay nakabatay sa pandinig, sa retorika ng wika sa union organizing. Sa panayam kay Maristel Garcia, General-Secretary ng Sandigan ng Manggagawa sa Shoemart, sinabi niya ang kanilang pagkilos hinggil sa labor subcontracting: Ipinaglalaban ang karapatan ng contractual. Ang pang-aabuso ng kapitalista sa lakas-paggawa. Sa usapin ng hiring, pinagtatanggol din namin silá, sa mga harassment, sa tagal ng kontrata [...] Minsan kapag bad performance ka at walang bumak-ap sa iyo, dalawa, tatlong buwan tanggal ka na. Kung may bumak-ap sa iyo, maaaring makaabot sa limang buwan. At maaari ka pang maregular. Sa ganoong ginagawa ng management na pangha-harass sa contractual, at kapag naipaabot sa atin, pinaaabot din namin sa management upang maayos na hindi gaanong kasupil sa mga contractual.40 Matutunghayan sa panayam sa lider sa unyon at sa mga materyales ng unyon ang pagpasok ng wika ng union organizing para sa dalawang larangan: bílang kontraaparato sa GST at ibá pang kalakaran sa gamit at di-paggamit sa wika sa loob ng SM; at bílang sulóng na aparato ng retorika na nakakapagbigay artikulasyon at lagom sa karanasan sa paggawa. Naiuugnay din ng wika ng union organizing ang mga isyu ng manggagawa sa SM sa parehong manggagawa sa ibá pang sektor ng serbisyong ekonomiya, at organisadong maggagawa sa pangkalahatan. Tinutukoy din ng wika ng union organizing na ang larangan ng kolektibong pagkilos sa estruktura, tulad ng SM, ay hindi nakakahon sa loob lámang nitó. Dahil sa rehimen ng pagkilos at pag-iisip na namamayani sa loob ng SM nangangailangang tumanaw ng ibáng arena ng subersiyon, kalakhan nitó ay hindi matutunghayan sa loob. Ang inaalok ng loob ay tulad ng pormasyon nina Kristy at Ronald at ng ibá pang kababaihan na kasanib sa informal na grupo na ito, o ang pagsa-sideline ng alahas at ibá pang komoditi sa mismong hanay ng manggagawa. Maikli ang pananaw ng ganitong kalakaran. Sa kabilâng bandá, bagama’t may perspektibong politikal ang kasalukuyang union, patuloy pa rin ang pakikibaka nitó sa pang-araw-araw na isyu tulad ng harassment, regularisasyon, at promosyon ng mga manggagawa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-aaral, sa wikang pinagsasanib ang union organizing sa praktikal na karanasan ng manggagawa, maipapasok ang instrumento ng pagsusuri at kritikalidad sa nagaganap sa lipunan. At ito ang maihahalaw na punto sa mga maller. Bagama’t hindi naman maibabagsak ang pisikal na estruktura ng mall gayong marami na sa atin ang naging bahagi ng kulturang ito, iminumungkahi ang kritikalidad sa pagtingin sa estrukturang

241

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

nagbibigay at nagdadamot sa atin ng sanlibo’t isang sandali at alaala ng kaligayahan, at pighati. Kung ang pagsusuri ng biswalidad ay nakakapagdulot ng ganitong pananaw, sa ibáng pag-aaral ay maaaring pagtuunan din ng pansin ang paggamit sa pagkabulag o imbisibilidad sa kalakarang pang-estado, tulad ng population control, low-intensity conflict, salvaging at human rights violation; o bisibilidad batay sa mga isyung pangkomunidad, tulad ng migrasyon ng mga katutubo sa Manila at ibá pang lugar ng kabuhayan o cross-dressing.41 Maaari ding pag-aralan ang ibá pang sensory perception para matunghayan ang ibá’t ibáng nagbabagong diin at kalakarang may ugnay sa nagbabagong pagkilos ng tao, produkto, at kapital.42 TALÂ 1. Emmie V. Abadilla, “Fun in the Philippines is serious business,” The Fookien Times 1998 (Manila: Fookien Times Yearbook Publishing Co., 1997), 262. 2. Abadilla, 262. 3. Tingnan ang artikulo ni Wilson Y. Lee Flores, “Shopping mall king starts work on world’s biggest mall,” Philippine Daily Inquirer (12 Jul 1999), C1 at C6. 4. “The SM group: monarch of the malls,” Profit 9 (1999), 8. 5. Center for Women’s Resources, APEC: Pagpapatupad ng GATT-WTO sa Asya Pasipiko—Lalong Pagtindi ng Pagsasamantala at Pang-aapi sa Mamamayan, lalo na sa Kababaihan (Nov1996), 77; at Ros-B de Guzman, “Shopping malls: grand illusions of an easy life,” Ibon Facts andFigures 16:23 (15 Dec 1993), 5. 6. Sipi sa “The SM group: monarch of the malls,” 8. 7. Tingnan ang bahagi ni Karl Marx, “The fetishism of commodities and the secret thereof,” Capital vol. 1, kinuha sa The Marx Engels Reader (New York/London: W. W. Norton, 1972), 319-329; at ang paliwanag ni Fredric Jameson sa teorya ng reifikasyon ni Marx (dinaan kay Max Weber) sa “Reification and mass utopia,” Signatures of the Visible (New York/London: Routledge, 1992), 10: “describes the way in which, under capitalism, the older traditional forms of human activity are instrumentally reorganized and ‘taylorized,’ analytically fragmented and reconstructed according to various rational models of efficiency, and essentially restructured along the lines of a differentiation between means and ends.” Tingnan din ang sanaysay ni Walter Benjamin ukol sa aura sa “The work of art in the age of mechanical reproduction,” Illuminations, 217-252. 8. Chris Jenks, “Watching your step: the history and practice of the flaneur,” Visual Culture (London/New York: Routledge, 1995), 146. 9. Para sa diskusyon ng flaneur, tingnan ang “On some motifs in Baudelaire” ni Walter Benjamin, Illuminations, 155-194. Para naman sa diskusyon ng precursor ng mall, ang arcade. Tingnan ang sanaysay ni Benjamin, “Paris, capital of the

242

MALLING, SUBCONTRACTING, AT SERBISYONG EKONOMIYA SA SM

10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20. 21. 22. 23. 24. 25. 26.

27. 28. 29. 30. 31. 32. 33. 34. 35. 36. 37. 38. 39.

nineteenth century,” Reflections (New York: Schocken Books, 1978), 146-162. Jenks, 146. De Guzman, 4. Margie Quimpo-Espino, “Crowds belie slump: Christmas knows no crisis,” Philippine Daily Inquirer (11 Dec 1998), C1. Ang mga termino ay mula kay Chris Jenks, “The centrality of the eye in western culture.” Visual Culture, 1-25. Para sa talakayan ng state of emergency, tingnan ang The Nervous System ni Michael Taussig (New York/London: Routledge, 1992). Bach M. Macaraya, “Trends in Philippine labor relations,” Philippine Journal of Laborand Industrial Relations 15: 1&2 (1993), 52. G. Kanawaty, sinipi kay Macaraya, 52. Ang mga kategorya ay mula kay Carmela I. Torres, “External labor flexibility,” PhilippineJournal of Labor and Industrial Relations 15:1&2 (1993), 97-130. Sinipi kay Torres, 101. Ang survey ay ginanap para sa taong 1990-1991. Vincent Foz, editor, The Labor Code of the Philippines (Manila: Foz, 1993), 68. Torres, 99. Macaraya, 63. Torres, 119. Torres, 112. Macaraya, 65. Center for Women’s Resources, 77-78. Center for Women’s Resources, 79. Dagdag pa, “Ang mga lumalabag sa polisiyang ito maaaring masuspende, matanggal at ang mismong consignor nilá ay maaaring mai-ban sa mga SM department store” (79). Center for Women’s Resources, 80-81. Center for Women’s Resources, 80. Center for Women’s Resources, 80. Panayam kay Gayle, sales clerk sa SM, 28 Pebrero 1999, SM Cubao. Panayam kay Richard, sales utility clerk sa SM, 28 Pebrero 1999, SM Cubao. Panayam kay Kristy, 2 Marso 1999, SM City Carpark. Panayam kay Kristy. Panayam kay Lorna, sales clerk sa SM, 28 Pebrero 1999, SM Cubao. Testimonial ni Bern, dating manggagawa sa SM, di-nakalathala, 3 Marso 1999. Center for Women’s Resources, 81. Panayam kay Lorna, 28 Pebrero 1999, SM Cubao. Panayam kay Kristy. Shoemart, “Qualification, SM City North EDSA,” di-nakalathala, 1999.

243

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

40. Panayam kay Maristel Garcia, 3 Marso 1999, SM Union Office, Cubao. Tingnan din ang ibá pang retorika ng kilusang paggawa sa SM sa mga akdang Oryentasyong Pang-unyon ng SM(1998) at Collective Bargaining Agreement (w.p.). 41. Para sa mga isyu hinggil sa population at demography, tingnan ang libro nina Daniel F. Doeppers at Peter Xenos, mga editor, Population and History: The Demographic Origins of theModern Philippines (Manila: Ateneo de Manila University Press, 1998), at para sa pananaw hinggil sa biswalidad, tingnan ang artikulo ni Patrick Flores, “The massacre movie, the Pope, and the performance of looking,” Diliman Review 43:2 (1995), 20-28. 42. Tingnan, halimbawa, ang artikulo ni Rolando B. Tolentino, “Ang Birhen ng Peñafrancia at South Border: ang pagtatanghal ng spectacle ng pagsalat,” Ani 24 (1997), 110-19.

244

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN NI

JOSE EDGARDO A . GOMEZ JR.* Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

INTRODUKSIYON ilang buwan na ang lumipas matápos manalanta ang bagyong Yolanda (pangalang internasyonal: typhoon Haiyan) sa Tacloban, maunlad na lungsod sa isla ng Leyte, at ibá pang mga dinaang bayan sa Visayas2 noong umaga ng 8 Nobyembre 2013, ngunit mukhang hindi pa lubos na lumilitaw sa literaturang siyentipiko ang mga aral na dapat ipahayag at ipamudmod ukol sa pamamahala sa malawakang pinsala at tungkol sa paraan ng muling pagpapatatag ng mga lungsod-Filipino. Ipinagpapalagay ito ng may-akda dahil sa nasaksihang kakaibang pagdagsa ng tulong-internasyonal, lalo na sa Tacloban, na dapat sanang pagmulan ng masusing analisis mula sa daan-daang eksperto na nag-ambag ng tulong, talino, teknolohiya, at lakas ng katawan mula sa kinaumagahan paglipas ng unos, hanggang sa ngayon. Kabílang na rin sana dito ang mga input mula sa mga táong halos nakiusyoso lámang, o mga politikong tila’y nakikuyog dahil sa oportunidad na makíta sa telebisyon at marinig sa radyo hábang bumibisita sa lubhang wasák na paisahe ng Tacloban at mga karatig-bayan. Dahil sa tindi ng pananalanta ng bagyo at kasunod na tindi ng naglahong gulo at watak-watak na pagtugon ng mga lokal at banyagang puwersa—nais ilarawan ng pag-aaral na ito

I

245

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ang sumusunod: (1) ano ang nakítang pakinabang ng mga estruktura at patakaran para sa pagharap sa kalamidad ng Filipinas; (2) ang higit na malawak na sistema at proseso ng international relief/ international aid, ayon sa mga kuwento na napulot mula sa mga namumunò sa pagbangon ng nasirang siyudad; at (3) ang pagharap sa kinabukasan– lalo na sa mga uri ng paghahanda, ayon sa susuriing panukala ukol sa pagpaplanong urban at rehiyonal ng panibagong Tacloban. Batay sa mga ito, ipinapakíta ng awtor na kailangang magkaroon ng maingat na paggamit ng lupa at espasyo kung nais ng mga residente ng Tacloban na maiwasan muli ang nagdaang kahirapan. METODOLOHIYA, LAPIT, HANGGAHAN, AT HALAGA NG SALIKSIK Gumamit ng mga kuwalitatibong paraan ang mananaliksik tulad ng mga panayam at paulit-ulit na pag-ikot sa Lungsod Tacloban (sa paraang palakad at gamit ang sasakyan) noong Enero 2014. Batay sa mga napulot na salaysay, tinangka ng awtor na iugnay sa mga nasaksihang mga pangyayari sa nasirang Tacloban ang balangkas ng teorya at mga konsepto ng pangangasiwang pampubliko at pagpaplanong urban. Hindi na kasáma rito ang matagal na pagsubaybay pa sa unti-unting pagbangon ng Tacloban, at hindi na rin sakop nitó ang pagtalakay sa mga isyung pampolitika na madalas inuugnay ng midya, tulad ng paratang na mabagal o may pagdadamot ng tulong ng Malacañang. Bagkus susubukan na lámang ipaliwanag ayon sa mga estruktura at pananaw ng isang gobyerno sa ibá’t ibáng bahagdan. Sa ganitong paraan, inaasahan ng may-akda na magiging isang napapanahong ambag ang saliksik na ito ukol sa unang hakbang ng pagbangon ng Tacloban. Inaasahan ding ito ay madalîng maiintindihan ng mga Filipinong mambabasá upang mapagkukuhanan ng mga bagong aral na mapapakinabangan bago dumating ang susunod na unos. REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA Mahigit sa isang dekada nang kinikilala ng mga siyentista at ibá pang eksperto na ang karamihan ng tao ay naninirahan sa isang mundong higit na mapanganib dahil sa pagtaas ng pandaigdigang temperatura na nagtutulak sa pagbabago ng klima. Dahil sa kulob na init, lumalakas at dumadalas ang mga bagyo, at tumataas ang dagat, ayon sa iilang estadistika na itinalâ ni Francisco (2008). Bunsod ito ng maraming faktor, kabílang na rin ang patuloy na pagbuga ng mga kemikal (mga greenhouse gases, o GHG) mula sa mga pabrika at komersiyo na humaharang sa dáting mabilis na pagpapalaya ng init ng planeta sa kalawakan–isang sanhi na hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin ng mga pasaway na industriya (Merchants of Doubt, 2010). Subalit malinaw at hindi maitatanggi ang epekto ng penomenong ito sa mga lungsod, lalo na ang madalas na pagbaha, na tila taon-taon na lámang na naninira ng mga komunidad.

246

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN

Maraming uri ng panganib o hazard ang matatagpuan sa Filipinas, ngunit pagtutuunan ng saliksik na ito ang mga pinakamadalas na dulot ng kalikasan. Sa bahaging ito ng Timog-Silangang Asia, hatid ng maulan na musim ang pinsala ng bahâ. Ang hanging habagat na humihihip mula sa timog-kanluran mula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ay nagdadala ng dagim na nagpapalakas sa mga bagyong umuusbong naman mula sa Karagatang Pacifico. Dahil dito, binabayo ng hangin ang karamihan ng mga probinsiya sa kanlurang baybayin ng bansa, na nagdudulot ng pagbaha’t pagguho ng lupa gawa ng matataas na alon at kakaibang bulusok (Yumul et al., 2010, 828). Ayon kay Jha et al. (2011, 28), may dalawang sanhi ang non-stationarity—o ang marupok na batayan para sa kinabukasan ng mga dáting padron ng tag-ulan: ito ay ang urbanisasyon ng mga lugar na dati pang bahain at ang pagbabago ng panahon ng pagbalik (estimated return period) ng bahâ, isang probabilidad lámang ngunit walang katiyakan na mauulit ang isang grabeng bahâ, halimbawa sa loob ng 100 taon. Samakatwid, dahil hindi na nga nasusunod ang mga dáting padron, maaaring mas madalas maulit ang matitinding bahâ na katumbas ng mga dáting nagaganap kada 50 o 100 taon lâmang. Muli, ayon sa mga lokal na eksperto, itinuturing na ngayon ang mga sakuna bílang konsekuwensiya ng mga risk na hindi napagtutuunan ng pansin. Ang risk o riyesgo ay nagmumula sa magkahalong panganib, kalantaran (vulnerability), at kakulangan ng resilyens, mga katangiang pinangungunahang lahat ng Filipinas. Ang vulnerability o kalantaran na ito ay nagmumula sa kinaluluklukan o puwesto, dahil karamihan ng mga lungsod ay yumabong sa tabing-dagat at tabing-ilog, samakatwid, mabababa at bahaing mga lugar. Isa pang faktor ay ang mababang kakayahan ng mga táong humaharap sa pinsala (Von Einsidel et al., 2010, 28-30). Kaugnay nitó ang konsepto ng social vulnerability na tumutukoy sa pagiging bukás ng mga grupo o indibidwal sa istres na dulot ng pagbabago ng kapaligiran. Ang istres, ayon sa panlipunang aspekto nitó, ay sumasakop sa pag-antala sa hanapbuhay ng mga grupo o indibidwal, at kanilang sapilitang pakikibagay sa nagbabagong pisikal na kapaligiran (Adger, 2000, 348). Madalas ding nauugnay rito ang itinatawag nina Peñalba, et. al (2012) na biophysical vulnerability, o kasabay na karupukan ng paligid dahil sa maraming dahilan, lalo na ang hindi maaaring mapalitan o maibalik na sagana ng kalikasang labis na pinag-aanihan o pinakikinabangan. Pagdating naman sa usapan ng resilience o resilyens, marami na ring ibá’t ibáng perspektiba sa literatura na sa pangkalahatang sulyap ay tumutukoy sa katatagan na mailalarawan ng (i) kapasidad para saluhin ang istres o mapaminsalang puwersa sa pamamagitan ng resistensiya at pakikibagay; (2) kapasidad para pangasiwaan o pairalin ang ilang basikong gawain at estruktura hábang may panganib na pangyayari; at (3) kapasidad upang gumaling at bumangon muli pagkatápos ng isang

247

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pangyayari (Razafindrabe et al., 2009, 102)—o pati na rin ang maaayos na pag-agnas o paglalaho ng dáting sistema, kung kinakailangan. (Allenby & Fink, 2005, 1034). Ngunit ipinaaalala sa atin ni Adger (2000, 347-348) na ang orihinal na kahulugan ng katatagan na ito ay katatagang pang-ekolohiya o ecological resilience, na unang napag-aaralan ng mga siyentista bílang katangian ng isang buháy na sistema na muling bumalik sa dáting estado o sa bagong ekilibriyum—at ngayon ay ginagamit bílang panlarawan sa kaugnay na abilidad na bumangon ng mga komunidad ng tao o lipunan (social resilience), pati na rin ng mga institusyon tulad ng mga sistema ng batas at mga mekanismo ng pamahalaan (Adger, 2000, 351). Binubuo ng lahat ng ito ang mas masalimuot na kontemporaneong diskurso hinggil sa konsepto ng katatagan, na siyang taglay ng iilang lungsod sa ibá’t ibáng bahagi ng mundo. Bagama’t marami pa ring pinsala ang dalá ng mga unos, ihinahayag ni Campanella (2006, 141-142) sa kaniyang diskusyon ng rekonstruksiyon ng New Orleans na mula pa noong 1800, halos walang malaking siyudad sa mundo ang tuluyang nawala o nilisan ng mga mamamayan nitó. Sinasabi niya na mabilis manumbalik ang lungsod dahil interesado ang mga estadong-nasyon sa kapakanan nitó. Nakatutulong din sa muling pagtatayô ng estruktura ang pagkakaroon ng pag-aari ng lupa at kagamitan ayon sa malayang bilihan sa merkado. Maaaring magtakà muli ng mga hanggahan ng lote kapag may mga dokumentong legal. Ngunit maaari ding magpakabayani sa muling pagtatayô ng pisikal na anyo ng lungsod na hindi kailanman mabubuhay na muli—sapagkat ang katatagan nitó ay hindi nakukuha sa pisikal na aspekto lámang (Ibid.) ESTRUKTURA NG MEKANISMO PANGHARAP SA KALAMIDAD SA FILIPINAS Upang magkaroon ng epektibong tugon sa kalamidad, inaasahan ng mga mamamayan na magkaroon ng sapat na mga institusyon ang kanilang pamahalaan para mapaliit ang riyesgo, maiwasan ang hazard, mabawasan ang kalantaran, at mapalakas ang resilyens. Sa Filipinas, nasasaad sa batas R.A. 10121 (Akto ng Filipinas Para sa Pagpapababa ng Riyesgo ng Sakuna at Pangangasiwa Dito, ng 2010) ang lahat ng pangunahing panggobyernong estruktura at proseso ng pagharap sa mga kalamidad. Ginawang pormal ng batas na ito ang matagal nang umiiral na herarkiya ng mga konseho mula sa pambansang nibel pababa sa barangay. Ayon kay Peñalba et al. (2012, 318) Ang mga Disaster Coordinating Councils, o Konsehong Pangkoordina sa Sakuna ay itinaguyod sa nibel ng bansa, rehiyon, probinsiya, munisipyo/lungsod, at barangay. Sa nibel ng probinsiya at munisipyo. Pinapayagan ang pagtatabi ng 5% ng kanilang karaniwang kíta bílang “Pondong Pangkalamidad” na gagamitin para sa operasyong panrelyebo at panaginip kapag idineklara ng Malacañang ang isang estado ng kalamidad sa nasabing bayan. Mabisa ito bílang mekanismo para sa agad-agarang kilos, ngunit

248

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN

hindi para sa mas pangmatagalang pagtugon, lalo na’t kaharap ng paghampas ng mahigit-kumulang 20 bagyo taon-taon. Mahalaga rito ang papel ng impormasyon dahil kung limitado ang kaalaman tungkol sa mga sanhi ng kalantaran, ibinababa nitó ang kakayahan ng mga gobyerno na gumagawa ng maagap na paghahanda, lalo na sa mga masalimuot na mga ugnayan ng mga sistema sa baybay-dagat (Orencio at Fujii, 2013, 61). Kasabay ng mga rehiyonal na konseho at mga tagatulong ng pamahalaang panlalawigan, palaging kasáma sa mga operasyon ang mga ahensiya tulad ng DILG at DSWD, na silang tumulong sa mga lokal na opisyales para matulungan ang mga tao sa oras mismo ng bagyo, at matápos itong dumaan. Ibá pa rito ang mga Organisasyong Hindi Panggobyerno o (NGO) o mga grupong boluntaryo na tatalakayin sa ilang talata sa babâ. Gayunman, ipinaalala sa atin nina Delfin at Gaillarad (2008) na malakas pa rin ang impluwensiya ng modelong military sa estruktura ng sistema ng pagsagip sa Filipinas, at posibleng hindi na ito angkop sa lahat ng uri ng sakuna. MGA INTERNASYONAL NA TUGON SA MALAWAKANG SAKUNA Malayo na ang narating ng mga organisasyong gáling sa maunlad na bansa kung paguusapan ang paghahatid ng paunang lunas sa mga biktima ng kalamidad. Kítangkíta, halimbawa, ang mabilis at pinag-isipang lapit sa kaguluhang sumalubong sa mga team ng Estados Unidos at ng United Nations (UN). Hábang iniintindi pa ng gobyernong Filipino ang mga basikong hakbang sa paghahanap ng pondo para sa kalamidad at pagpili at paggamit sa mga teknolohiya at sasakyang pansalba, malalim na ang diskusyon sa literatura hinggil sa tinatawag na Lohistikang Makatao o Humanitarian Logistics, isang kombinasyon ng serbisyo at pagawaan (i.e. tulad ng sa pabrika) na nakatuon sa pagtugon sa isang emerdyensi sa isang takdang panahon. Serbisyo ito dahil deretso ang tulong nitó sa mga tagasagip at mga biktima; prosesong pampagawaan ito dahil masalimuot ang teknolohikong proseso ng paghahatid ng mga kailangan—transportasyon, paghawak, at pag-imbak sa mga bodega (Chandes at Panceh, 2009). Mahalagang alalahanin na halos bago lang ang disiplinang ito, na nagiging isang pandaigdigang industriya. Ayon kay Kovács at Spens (2007, 99), mga táong ganap na kasáma sa operasyon lámang ang nagsusulat dati tungkol sa mga karanasan nilá, ngunit kasáma na rin ngayon ang mga akademiko dahil mayroon nang mga siyentipikong journal para sa Humanitarian Logistcs (Sheppard et al., 2013). Ayon din kay Kovacs at Spens (2007, 101) sakop ng Lohistikang Makato ang sari-saring operasyon sa ibá’t ibáng oras bílang tugon sa pinsala. Bagaman lahat ng mga ito ay nakatuon sa pananatiling buháy ng mga tao, lubos na naiiba pa rin ang tulong para sa pagpapabangon ng rehiyon, lunas sa gutom, at pagtakbo ng kampo para sa mga refugee, kung ihahambing sa tulong na kailangan pagtápos ng pinsalang dulot ng kalikasan. Minsan, mas komplikado ang mga gawain sa sityo dahil kailangan

249

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

magtulungan ang mga táong hindi dati magkakilala; gayundin, ibá-ibá ang paraan ng mga NGO sa pagkuha at paggamit ng mga impormasyon, kahit na lahat ng mga lohistika ay ginagabayan ng mga eksperto sa Operasyon ng Kadena ng Suplay (Supply Chain Operation), higit na malawak na disiplinang sumasakop sa Lohistikang Makatao (Tatham at Spens, 2011, 9, 13). MGA RESULTA NG SALIKSIK Anatomiya ng Isang Bagyo: Paghanda at Pagsalubong sa Bagyong Yolanda, at Ilang Kuwento Madaling-araw ng Biyernes, ika-8 ng Nobyembre nang buhusan ng ulan ng bagyong Yolanda ang Visayas at isa-isang tinamaan sa loob ng 16 oras ang mahigit sa 6 lalawigan (Leyte, Samar, Silangang Samar, Cebu, Capiz, Iloilo, Aklan3) taglay ang hangin na may bilis na nása 195 mph—milya kada oras, o mga 310 kph—kilometro kada oras (Lum & Margeson, 2014), at naghahampas ng tubig mula sa rabaw ng Look Kankabato sa tapat ng Tacloban. Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang hangin na ito ang dahilan ng malawakang pinsala. Ipinaalala nitó ang sitwasyon dahil sa paghigop ng dati nang umangat na ang dagat dahil sa lubhang mababaw na presyo ng himpapawid na nása 895 millibar (nása 100 millibar na mas mababa sa normal) na taglay na bagyo. Sa gayon, umabot ng 2 hanggang 5 metro ang taas ng tubig (GeodigestMediaview, Geology Today, 2014). Pinapatunayan ito ng kuwento ng mga saksi; ayon sa isang nakaakyat sa tagaytay sa kanlurang looban ng lungsod–sa araw lang daw na iyon siya nakakíta ng bagyong nag-anyong buhawi, dahil puting-puti ang anyo ng umiikot na hangin (malamáng dahil sa maasin na dagat at alikabok), na humaharang sa malayong pagtanaw.4 Bílang pagtugon dito, hindi masasabing hindi naghanda ang mga Taclobanon, dahil 48 pa raw bago dumating ang bagyo, binisita na nina Kalihim Mar Roxas II (Puno ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal) at Voltaire Gazmin (Kagawaran ng Tanggulang Bansa) ang lungsod para tiyakin na naghahanda ito—ipinagmalaki pa ni Presidente Aquino na handa na ang bansa para sa tinatawag na super-bagyo.5 Nagsilikas na ang mga tauhan at opisyales na naninirahan sa tabingdagat, para sumilong sa bahay-pamahalaan na nakaluklok sa burol ng Kanhuraw. Gayumpaman, hindi sapat ang pag-atras ng mga taumbayan, dahil inakala niláng malakas na ulan at hangin lang ang hahampas sa lungsod, at hindi ang tinatawag na storm surge, o bugsaong-daluyong. Hinawi nitó ang buong baybayin ng Look Kankabato, Look San Pedro, at ibá pang tagpuan ng lupa’t dagat, lalo na ang tangway kung saan matatagpuan ang paliparan ng San Jose, pati na rin ang mga karatig-bayan ng Palo at Tolosa. Tumaas ang tubig hanggang sa ikalawang palapag ng mga bahay at nilunod o inanod pabalik sa dagat ang mga táong nása loob, hábang ibinabagsak ang mga barkong-asero sa lupa. Kasáma sa trahedya ang maraming pamilyang nag-check-

250

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN

in sa hotel na malapit sa dagat, sa pag-aakalang maililigtas silá roon. Balitang-balita na lámang sa bubong ng kanilang bahay na nása tangaway ng Tacloban—muli, dahil hindi inakala ng mga opisyal na may darating na malatsunaming alon. Pagtápos ng bagyo, punô ng eskombro at mga bangkay ang mga kalye at bubungan ng Tacloban. At bukod sa walang tubig at koryente, hindi rin makatawag sa labas ang mga tao upang makahingi ng tulong, dahil sa mga nasirang cellsite o toreng panlipat ng signal mula sa mga teleponong-mobil na hindi muling napaandar hanggang katapusan ng Nobyembre. Sa loob ng unang tatlong araw, ang tanging nakatulong ay ang mga nátiráng buháy sa mga team ng alkalde, pati na rin ang iilang nabuhay na pulis at mga NGO na nakapuwesto na roon. Dahil hindi pa dumarating ang tulong mula sa Malacañang, minabuti ng mga Romualdez, kilaláng angkan sa Leyte, na tumawag na ng mga puwersa ng Estados Unidos na naghihintay sa bansang Japan. Kuwento ng Kongresistang si Martin Romualdez (Unang Distrito) sa awtor, kailangan lang daw ng mga Americano ng pahayag ng estado ng kalamidad o emerdyensi, at pinagpapasiyahan nilá na sapat na ang tawag mula sa isang lokal na kinatawan. Dumating din sa loob ng unang linggo ang mga barko ng Americano na nagsilbing sentro ng pag-uutos at pamamahala (mobile comman-&-control center), at nagsidatingan na rin ang mga puwersa ng UN, halos kasabay ng mga grupong panagip ng DILG at ng Hukbong Sandatahan ng Filipinas. Ayon sa isang ulat, pagdating ng 18 Nobyembre6 (siyam na araw pagkalipas), ipinahayag ni Eduardo del Rosario, punò ng NDRRMC, na umabot na ang ayuda sa lahat ng apektadong lugar sa mga probinsiya ng Leyte, Samar, at Silangang Samar, na binubuo ng 87 team ng mga doktor, kabílang ang 43 dayuhang grupo (Chiu [The Lancet], 2013). Dito na nag-umpisa ang politika at pagpapapel ng mga nais makilalang tagasagip ng lungsod. Inaway talaga namin silá. Ito ang sumbong ng isang lokal na empleado ng pamahalaan hábang ipinapasyal ang awtor sa maliit na daungan ng Tacloban, na siyang binabagkasan ng mga kagamitang panlunas (relief goods) mula sa maliit na barko. Tinukoy niya ang mga nakababagbag na mga sandaling nagharapan sa puwerto ang mga armadong hagad ng mga kaalyado ng alkalde na nagdalá ng mga behikulo’t kagamitan mula sa pribadong sektor at ang mga tropa ng Hukbong Katihan na inutusang kumpiskahin ang lahat ng mga dumarating na suplay, upang ipaubaya sa iilang mataas na opisyal ang pagkalat ng tulong. Pagtápos ng sandaling sagutan at paliwanag, hinayaan na rin ng mga sundalo na tumuloy ang mga tagasagip, at naiwasan ang engkuwentrong marahas. Bílang dagdag na paglalarawan sa hindi pag-iintindihan ng mga opisyal sa Maynila at sa Leyte, ikinuwento ni Mayor Romualdez na nakatanggap siya ng payo na tutukan ng tulong ang mga buháy, at pabayaan na lang muna ang mga patay. Ngunit madalîng natauhan ang mga alkalde na hindi siya makakasunod, dahil naging malubhang problema kaagad ang paghanap

251

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ng mapaglalagyan ng mga nabubulok na bangkay, na naging sanhi ng mga sakit na kumalat sa mga táong nabubuhay. Samantalang kinakain ng mga hayop ang ibá pang mga bangkay. Kinailangang pansinin din ang mga patay, hanapin ang kanilang katawan, at hakutin palabas ng siyudad. Nasaksihan ng may-akda na pati ang mga pag-isyu ng sertipiko ng kamatayan ay naging problema dahil walang koryente para sa kompiyuter ni tinta para sa makinilya para gawan ng maayos na dokumento ang araw-araw na pagtubos ng mga kamag-anak sa kanilang nasawing yumao. Sa gayon, kung tatanungin ang mga taga-Tacloban, higit na maagap at komprehensibo ang mga puwersa ng mga banyaga noong unang buwan kaysa sa mga tulong na gáling sa pambansang pamahalaan. Nagdala kaagad ng tubig, gamot, kubol, at mga radyo ang mga batikang tropa ng Estados Unidos at ng UN. At sa unti-unting pag-alis ng mga dayuhan, ipinamalas ng mga residente ang kanilang pasasalamat sa pamamagitan ng pagpaskil ng mga bandila at malalaking karatula ng thank you. Hindi na papasukin nitóng saliksik ang mga detalye ng politikang umiiral sa pagitan ng nasyonal at lokal8, subalit sapat na sabihin dito na marami pang kailangang matutuhan ang mga lokal na puwersa hinggil sa pagpapatakbo ng mabilis at epektibong operasyon para sa paunang lunas at tugon sa sakuna. Mga Hakbang Patungo sa Pagbangon: Paglipat o Pagtatag ng Tacloban? Mahigit dalawang buwan na ang lumipas pagtápos ng unos nang bumisita ang may-akda sa bahay-pamahalaan ng Tacloban, na tila naging pukyutan ng mga aktibidad: labas-pasok ang mga banyagang konsultant, at sa halos lahat ng kuwarto may masisilip na munting pulungan ng mga cluster team, o mga kumpol ng punò ng opisina at mga dayuhan at Pinoy na boluntaryo. Sabay-sabay ang mga trabaho, at halos oras-oras ang pag-ulat; halimbawa; kagutuman ng mga umaalsang preso sa bilangguan, pagpapaalis sa bangketa ng mga tinderong taga-Marawi na nagsidatingan pagtápos ng bagyo, pag-aapura sa mga mapang-GIS9, at pagtatayo ng mga ibinalitang pansamantalang pabahay sa ibá-ibáng lokasyon sa lungsod. Ito ang umpisa ng yugto ng pagbangon o recovery phase, na hudyat ng pangmatagalang pagbabago sa Tacloban. Balak ng alkalde at ng sanggunian na ilipat na sa looban, sa hilaga ng lungsod, ang mga pamilyang (karamihan mga ‘di-pormal na naninirahan doon) dáting nagtayô ng mga kubo sa tabing-dagat. Ngunit hanggang sa pagbisita ng may-akda, wala pa rin daw pondo na ibinababa mula sa Malacañang para sa malawakang paglipat at pagpalawak ng lungsod pahilaga. Kasabay nitó ang mga plano para sa pagpapatatag ng mga nátitiráng gusali sa lumang sentro ng Tacloban, lalo na sa tangway sa unang natatamaan ng mga alon. Sa nasaksihang pagtitipon ng mga kumpol ng eksperto at mga boluntaryo, hindi maiiwasang obserbahin na kulang pa rin ng ilang tagakompas, o ilang matalinong tagalungsod na maaaring tumingin

252

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN

sa mga detalye ng pagpaplano na ginagabayan o itinitulak ng ibá’t ibáng tao. Pati ang alkalde ay masyadong abalá sa pag-asikaso sa mga panauhing pandangal at mga negosyanteng tagalabas na hinihikayat magpundar para mapabilis ang muling pagbangon ng nasirang lungsod. Gayumpaman, kítang-kíta ang enerhiya at interes ng halos lahat ng mga empleado at boluntaryo–sa ganitong aspekto, masasabing lubhang masuwerte ang Lungsod Tacloban, kung ikokompara sa ibáng nasawing mga bayan sa Visayas na hindi nababad sa pansin ng buong mundo dahil sa tuon ng pandaigdigang midya10. ANALISIS Ang ilang Importanteng Aspekto ng Pagtugon sa Sakuna Sa halip na usisain pa ang politikang kumulay sa pagsagip (o hindi pagsagip) ng Tacloban at sa ibáng bayan ng Leyte, higit na mahalagang masilip kung paano mapapatibay ang tunay na kakayahan ng Filipinas sa pagharap sa mga taunang sakuna tulad ng Bagyong Yolanda. Totoong naghanda ang mga pambansa at lokal na awtoridad ng Filipinas, dahil nasilip na nilá sa radar ang pagdating ng bagyo—isang pangaral na natutuhan dahil sa nakaraang Bagyong Ondoy (Setyembre 2009) na bumawi ng búhay ng daan-daan sa Metro Manila. Isinisi ng publiko ang pinsala ng Ondoy sa kakulangan ng radar at di-maagap na pag-analisa sa mga imahen ng satelayt ng ibáng bansa na may kakayahang matanaw ang pagsulpot ng bagyo. Ngunit ang tinatawag na post-disaster response, o pagtugon paglipas ng sakuna, ay halatang nangangapa pa rin dahil (1) hindi inasahan na mawawala ang lahat ng komunikasyon,11 na lumalâ dahil sa di-madaanang mga kalye na punô ng mga troso, yero, putik, at bangkay, at (2) hindi umubra ang karaniwang lohika at herarkiya ng mekanismong panagip dahil sa malawakang gulo at pagkakalat ng mga nangangailangan. Halimbawa nitó ang nangyari sa Tacloban. Lumilitaw samakatwid na napakahalaga sa mga sitwasyon na ganito ang tinatawag ni Bankoff (2004, 92) na panlipunang pagkompone sa panganib o “social construction of hazard.” Tinutukoy nitó ang pag-intindi ng isang komunidad ng tao, lalo na ang mga lider nitó, sa uri at tindi ng isang panganib. Importante ang ganitong pagkilala at pagtitimbang sa peligro dahil ito ang madalas na nagiging batayan para sa mga paghahanda, at nagtatakda ng bilis ng kilos at antas ng komunikasyon. Ito ang paulit-ulit na ipinaliliwanag ni Alkalde Alfred Romualdez laban sa mga puna sa kanilang kinapos na mga preparasyon12: dapat daw sinabi sa kaniya na malatsunami ang magiging epekto sa lungsod, imbes na bugsong-daluyong lámang, dahil ginawa niyang basehan ng kaniyang desisyon ang mga mapang dáting iginuhit ng GIZ (ang ahensiya ng mga Aleman para sa pagpapaunlad, kung saan bahagya lámang ang inaasahang abot paloob ng storm surge, na pinaghandaan nga naman ng Tacloban, at

253

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

hindi mahigit isang kilometro, na nilusob ng pinalakas na malatsunaming daluyong. Dito nagiging malaking bentaha ang mga dayuhang tagasagip, dahil mas malalim ang kanilang karanasan sa pagharap sa ibá’t ibáng klaseng sakuna, kung bagá, mas malawak ang kanilang imahinasyong pandesastre, samakatwid, mas marami silang mga subók na proseso, aparato, at bihasang tauhan na puwedeng itapon sa gitna ng kaguluhan na hindi nalulula. Pagsuri sa Hinaharap: Mga Plano sa Bagong Tacloban Hábang isinusulat itong saliksik, natápos na ang unang grupo ng mga permanenteng pabahay (GMA Kapuso Village, Barangay New Kawayan) para sa mahihirap sa hilagang bahagi ng Tacloban. Isa lang ito sa mauunang tatlong proyektong pabahay na pinondohan ng mahigit 20,000 pamilya mula sa tabing-dagat, papasok sa tig-40 metro kuwadrado na lote sa kanayunan ng siyudad. Mayroon ding isinasagawang plano para laparan ang haywey na tumatawid mula hilaga hanggang timog lungsod, at pagtayo ng marami pang impraestruktura. Ngunit kailangan pa ng mas masusing pag-aaral, dahil lukso-lukso ang konstruksiyon ng mga proyekto, siksikan ang mga pabahay na walang espasyong publiko, at maaaring mapunô ng mga iskuwater ang mga parang sa pagitan ng lumang sentro at ng mga bagong sityo sa norte, na sa wari ng may-akda ay malapit pa rin sa dagat, sapagkat nása silangan ng haywey sa halip na nasa kanluran o malapit sa magubat na looban. Hindi rin ito ang unang karanasan ng Tacloban sa pagpapalipat ng mga residente. Ayon sa mga gabay ng awtor sa pag-ikot, mayroon ding isa pang lugar para sa resettlement na nakasuksok sa isang kubling lambak sa gawing kanluran ng lumang lungsod—isa itong komunidad na inilipat noong panahon ng dáting alkalde, si Bejo, ang tatay ni Alfred. Binubuo ito ng mahigit-kumulang tatlong barangay (inikutan ng may-akda ang mga barangay 12, 37-A, at 103), na kumakapit sa mga dalisdis ng maburól na pook. Bagama’t maayos pa rin ang aspekto ng komunidad, makikíta na ang iilang tanda ng urbanisasyon—basura sa sapang dumaraan sa gitna ng mga barangay, at mga barong-barong o de-kahoy na palapag na ikinabit na lang sa mga orihinal na sementong bahay. Ganito ang magiging kinabukasan ng bagong Tacloban kapag hindi pinag-isipan nang mabuti ang integrasyon ng mga proyektong pabahay. At ayon sa perspektibong rehiyonal, higit na sasamâ ang sitwasyon para sa ekolohiya ng kipot ng San Juanico kapag tinularan ng mga opisyal ng Samar ito, na nagbabalak din magtayo ng mga proyeproyekto sa kanayunang kaharap ng Leyte. Ano ang mga elementong nása plano ngunit mukhang kailangan pang lagyan ng detalye? Ito ang iilang rekomendasyon ng awtor sa mga pinunò ng lungsod:

254

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN

1. Sistema ng transportasyong pampubliko para sa bubuksang lupain sa hilaga at kanluran, sa daang-lupa at dagat—dahil wala pang matinong nagpapatakbo ng bus panlungsod, maghahari ang mga dyip at mga traysikel, na mahirap sawayin. 2. Sistema ng patubig at alkantarilya—kasalukuyang nakabinbin dahil hawak ng probinsiya na hiwalay sa Tacloban bílang lungsod na may awtonomiya bílang Lubos na Urbanisadong Lungsod (Highly Urbanized City).13 Kailangan ito para sa maayos na paglaki ng lungsod, pati na rin para sa pagsalo at paglilinis ng maruming tubig bago ito ibuhos sa dagat. 3. Pagsasanay sa Edukasyon para sa mga residente—hindi lang tungkol sa paghanda sa sakuna at taon-taong pagdating ng bagyo, kundi rin sa mga partikular na paggamit ng mga kagamitan para sa pagsagip ng sarili at ng ibá, ang mga mapa na nagpapakita ng lakaran papunta sa mga sentro para sa paglikas. Sa pangkalahatang pananaw, ang mga mungkahi na ito ay katulad ng mga panukala ng mga siyentipikong Olandes (Botzen et al., 2013, 231; Van Slobbe et al., 2013, 948) para sa pagbuo ng isang modelo na binubuo ng sistema ng kalikasan, sistema ng inhenyeriya, at sistemang panlipunan upang malampasan ang anumang bagyo o sakuna, o maiwasan ang bahâ na itinuturing na di kanais-nais na pangyayari para sa mga mataong bahagi ng mundo. Ayon sa kanila, kailangan gamitin ang likas na katangian ng paisahe, tulad ng ginagawa sa mga Mababang Bansa (Olanda) na gumagamit ng mga artipisyal at natural na dike sa tabing-dagat o tabing-ilog, hábang ginagamit din ang mga lubong na dáting lawa o polder, para sa agrikultura o pansalo sa bahâ, bílang kombinasyon ng inhenyeriya at natural na kalidad ng lupa. Sumasang-ayon din dito sina Ernston, et. al (2010, 531), na nagpapaalala na madalas kapos o nakapipinsala ang mga tradisyonal na modelo ng pagpaplano kapag itinapat ang mga ito sa kawalan ng katiyakan na dulot ng pagbabago ng klima. Para dito, kailangang kasáma sa plano ang pagpapatatag ng resilyens sa loob ng mga lungsod, at pati na rin ang resilyens ng mga sistema ng lungsod na dapat magtulungan. Isang mahalagang susi sa tagumpay ay ang pamamahagi ng impormasyon, na hindi tulad ng materyal na bagay at enerhiya sa lungsod, dahil puwede itong matutuhan ng maraming mamamayan para magamit sa pagsagip ng búhay at ari-arian. Isang halimbawa ng proyekto sa Filipinas na gumagamit sa ganitong aspekto ng kaalaman ay ang Hazard Mapping and Assessment for Effective Community-based Disaster Risk Management (READY) Project sa pangunguna ng Surian ng Filipinas sa Bulkanolohiya

255

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

at Sismolohiya (PHIVOLCS), na lumilikha ng (i) siyentipikong pagmamapa ng mga panganib bílang hakbang sa pagtitimbang ng riyesgo, (ii) paghahanda ng komunidad para sa sakuna, pagpaplanong pangkaunlaran ng mga lokal na pamahalaan (Solidum at Alegre, 2011). Kahawig din nitó ang mga kampanyang UNISDR, halimbawa ang Making Cities Resilient campaign – My City is Getting Ready, bahagi ng mas malaking programa mula 2010-2015 para sa pag-iwas sakuna, at kumilala sa itinayong paligid (built environment) ng bawat lungsod bílang sentro ng búhay-sibika, at higit na sa mga paaralan at mga ospital bílang mahahalagang estruktura na bumubuo sa katatagan ng bawat siyudad (Valdes et al., 2013). Sa pangkalahatang pananaw, masasabi natin na sinundan ang bagyong Yolanda ng bulusok ng ibá-ibáng uri ng tulong at kabihasaan na dalá ng mga eksperto at boluntaryo mula sa ibáng bansa at ibáng bahagi ng Filipinas. Dahil dito, ang kasalukuyang hámon ng lungsod ay ang masinop na paglilikom, pagpapamahagi, pagtataguyod, at muling paglulunsad ng mga proyektong pangkaunlaran. Malaking bahagi nitó ay pagtatayô ng mga estruktura para sa isang higit na matatag na lungsod na umaayon na sa mga makabagong pamantayang katapat ng pagbabago ng klima. PAGLALAGOM AT PANGWAKAS Sinikap ng artikulong ito na suriin ang karanasan ng mga unang hakbang-pabangon ng lungsod ng Tacloban matápos itong wasakin ng di-inasahang bangis ng bagyong Yolanda. Datapwat mahigit 6,000 ang namatay at libo-libo pa ang napinsala, makikíta sa init ng mga diskusyon sa bahay-pamahalaan sa pagitan ng mga dayuhang eksperto, boluntaryo, at mga lokal na opisyal o tagapangulo ng mga pulungan, na nais ng lahat na magpatayô ng higit na matatag na lungsod. Bílang paghahanda sa pagbabago ng klima, pati na rin ang taón-taóng pagdagsa ng bagyo, kinikilala ng mga tagaplano na kailangang respetuhin ang likás na ekolohiya ng isla at ng Kipot ng San Juanico, kailangan ang matibay na impraestruktura at ibáng gawain ng inhenyero na magpapadali sa pagsagip ng tao, at kailangan matutuhan ng komunidad mismo sa pamamagitan ng pagsasanay at pagturo sa kanila ng mga eksperto ng mga proseso at mga kaugalian na mabisa sa pagharap sa mga tampo ng mas maselang Inang Kalikasan. Maaari ding balikan ng mga opisyal ng Tacloban ang mga dáting ginawang paglilipat ng tao at pagtatayo ng mga daan at gusali, upang piliin at ulitin ang mga higit na mainam na proyekto. Kasáma na rin dapat sa pagpaplano ang pagpapalakas ng ugnayan sa mga kakampi sa rehiyon. Ito ang mga kapit-lungsod na kaugnay sa ekonomiya at may kalapit na teritoryo, sapagkat higit na maaasahan ang bilis ng kanilang pagsagip sa panahon ng kagipitan kaysa sa mga mekanismong pambansa na dumadaan pa sa burukrasya sa Maynila—na hindi kailangang paghinalaan ng karamutan dahil sa politika, bagkus sapat na unawain na talagang sinasala pa ang

256

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN

mga pondo at tulong sa kabesera, bago ito ikalat sa lahat ng napinsalang bahagi ng kapuluan; hindi lámang ang pinakasikat sa midya. Bukod dito, napag-aralan na ng mga akademiko na minsan, hindi angkop ang herarkiya ng mga tagasagip na militar sa isang lokal na kalamidad. Sa gayon, mahalaga ang matututuhan sa kaso ng Tacloban, bílang isang lungsod na may sapat na nátiráng lakas ng loob at kakayahan sa mga lider nitó na magsariling-sikap, at mapakinabangan na lang muna ang mabilis at gratis na biyayang handog ng mga banyagang puwersa. Magiging interesanteng makita kung ano na ang magiging kalagayan ng Tacloban sa susunod na mga taon, at kung paano ito haharap sa susunod na bagyo. MGA TALÂ Si José Edgardo A. Gomez, Jr. ay isang katuwang napropesor na nagtuturo sa SURP at kasalukuyang kinatawan ng Komite sa Wikang Filipino ng nasabing paaralan. Kasama sa mga interes niya sa saliksik ang urbanisasyon at pagbago ng klima, búhay at kultura ng lungsod, at ang kasaysayang urban. Mahilig din siyang sumulat, at kung may panahon, ay sinusubukan niyang mag-ambag sa Daluyan, gawa ng patuloy na pag-anyaya ng mga editor nitó sa mga fakulti ng SURP. 2 Kasáma sa nasalanta ang Cebu. 3 Diola, Camille. (2013) “Areas Severely Affected by Yolanda’” nasahttp://www. philstar.com/headlines/2013/11/14/1256652/areas-severely-affected-yolanda, na-download noong 07 ng Abril 2014. 4 G. Capucion, panayam, Enero 2014. 5 Sabillo, Kristine Angeli. (07 November 2013) “Aquino: PH ready to face supertyphoon ‘Yolanda’” nása http://newsinfo.inquirer.net/522661/aquino-phready-to-face-supertyphoon-yolanda, na-download noong 07 Abril 2014. 6 Walang awtor; VS-GMA News. (2014) “Full Network Coverage to be Restored in Yolanda-Hit Visayas by Year-End Says Globe,” nása http://www. gmanetwork. com/news/story/337334/economy/companies/full-network-coverage-to-berestored-in-yolanda-hit-visayas-by-year-end-says-globe, na-download noong 07 Abril 2014. 7 G. Capucion, panayam, Enero 2014. National Disaster Risk Reduction and Management Council—Konseho para sa pagtugon sa sakuna sa pambansang nibel. 8 Alam ng marami sa Filipinas na bukod sa magkaiba ang partido ng Presidenteng Aquino at lider ng Tacloban, hindi masasabing madali silang magpunla ng tiwala, gawa ng asosasyon ng mga Romualdez sa mga Marcos noong dekada 70 hanggang 1986. Bukod rito, mukhang hindi gaanong nagkasundo ang pinuno ng DILG, si Kalihim Mar Roxas II, at ang alkaldeng si Alfred R. sa isyu ng sinong mamumuno sa patuloy na pagsagip sa lungsod sa mga buwan na lumipas, lalo na noong 1

257

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

9

10

11

12

13

ibinalita sa midya ang pahapyaw na pagdiin ni Roxas sa alkalde na siya ay isang ‘Romualdez’, hábang ang pangulo ng bansa ay isang ‘Aquino’ – na tila’y maraming ipinahiwatig bílang kondisyon ng tulong na kailangan. Tingnan din ang artikulo ni Tupas (2014) “Roxas Muscling Romualdez Out of Tacloban City Hall,” nása http:// newsinfo.inquirer.net/529621/roxas-muscling-romualdez-out-of -tacloban-cityhall, na-download ng 06 ng Abril 2014. Geographic Information System—isang sistema ng mga mapa na ipinasok sa kompiyuter sa anyong dihital, upang mas madaling dagdagan at pagkuhanan ng impormasyon at salain. Dahil sa papel ng balitang internasyonal, milyon-milyong dolyares na raw ang nalikom para sa mga bayang natamaan, ngunit mukhang isa pang isyu uli ang paraan at panahon ng pagbaba nitóng mga pondo sa mga nangangailangan, sapagkat kung hindi deretso na ihinatid sa mga benepisyaryo, marami pang filter na dinadaanan sa itaas. May bumulong sa may-akda na nakihiram pa ng mga teleponong-satelayt ang mga opisyal ng Malacañang, nang madeskubre na pagtápos ng walang-humpay na paggamit, nawawalan pala ng silibi ang mga radyo niláng naubusan na ng baterya at walang makargahan na koryente. Narinig ng awtor na magpaliwang si Alkalde Romualdo sa isang pribadong pulungan noong 27 ng Disyembre 2013 sa Manila Golf Club, kaharap si Senador Ping Lacson ang itinalagang “Rehabilitation Czar” at Executive Secretary Danilo Antonio, at muli sa Pacific Cities Sustainability Initiative Conference noong ika-12 ng Marso 2014, at sa mga programang pambalita sa telebisyon. Ayon sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal (R.A. 7160), kategorya ng lungsod na umabot sa isang takdang kíta taon-taon, may dami ng tao na hindi kukulang sa 200,000, at may dugtong-dugtong na sakop na lupa.

MGA SANGGUNIAN Adger, W. Neil (2000) “Social and Ecological Resilience: Are They Related?” nása Progress in Human Geography, Volyum 24, Numero 3, pahina 347-364. Allenby, Brad and Fink, Jonathan. (2005) “Toward Inherently Secure and Resilient Societies” nása Science, Volyum 309, Numero5737, pahina 1034-1036. Bankoff, Greg. (2004) “In the Eye of the Storm: The Social Construction of the Forces of Nature and the Climatic and Seismic Construction of God in the Philippines,” nása Journal of Southeast Asian Studies, Volyum, Numero 1, pahina 91-111. Botzen, W.J.W., Aerts, J.C.J.H, and Van Den Bergh, J.C.J.M. (2013) “Individual Preferences for Reducing Flood Risk to Near Zero Through Elevation” nása Mitigation and Adaptation Strategies for Global Change, Volyum 18, pahina 229-224.

258

BAYANIHAN O KANIYA-KANIYANG LUTAS? PAG-UNAWA AT PAGPLANO SA BAKÁS NG BAGYONG YOLANDA SA TACLOBAN

Campanella, Thomas J. (2006) “Urban Resilience and the Recovery of New Orleans,” nása Journal of the American Planning Association, Volyum 72, Numero 2, 141-146. Chandes, Jérôme at Panché, Gilles. (2009) “Investigating Humanitarian Logistics Issues: From Operation Mangement to Strategic Action,” nása Journal of Manufacturing technology Management, Volyum 21, Numero 3, pahina 320-340 Chiu, Yu-Tzu. (2013) “Typhoon Haiyan: Philippines Faces Long Road to Recovery,” nása World Report, The Lancet, Volyum 382, pahina 1691-1692. Delfin, F. at Gaillard, J. (2008), “Extreme Versus Quotidian: Addressing Temporal Dichotomies in Philippine Disaster Management,” nása Public Administration and Development, Volyum 28, pahina 190-199. Dodman, David; Mitlin, Diana, at Co, Jason Rayos. (2010) “Victims to Victors, Disasters to Opportunities: Community-Driven Responses to Climate Change in the Philippines” nása Internationa Development Planning Review, Volyum 32, Numero 1, 1-26. Ernston, Henrik et al. (2010) “Urban Transitions: On Urban Resilience and Human-Dominated Ecosystems,” nása Ambio, Volyum 39, pahina 531-545. Francisco, Herminia A. (2008) “Adaptation to Climate Change: Needs & Opportunities in Southeast Asia” nása ASEAN Economic Bulletin, Volyum 25, Numero 1, pahina 7-19. Geodigest-Mediaview (2014) Geology Today, Volume 30, Numero 1, pahina 2-11 Jha, Abhas K., Bloch, Robin at Lamond, Jessica. (2012) Cities and Flooding: A Guide to Integrated Urban Flood Risk Management for the 21st Century, IBRR/GFDRR/ The World Bank Publications, pahina 1-632. Kelman, Ilan; Mercer, Jessica at Gaillard, J.C. (2012) “Indigenous Knowledge and Disaster Risk Reduction,” nása Geography, Volume 7, Bahagi 1, pahina 12-21. Knight, Lewis at Riggs, William. (2010) “Nourishing Urbanism: A Case for a New Urban Paradigm,” nása International Journal of Agriculture Sustainability, Volyum 8, Numero 1 at 2. Kovács, Gyöngyi and Spens, Karen M. (2007) Humanitarian Logistics in Disaster Relief operations” nása International Journal of Physical Distribution & Logistics Management, Volyum 37, Numero 2, pahina 99-114. Lum, Thomas and Margesson, Rhoda. (2014) “Typhoon Haiyan (Yolanda: U.S. and International Response to Philippines Disaster,” ng Congressional Research Service, U.S.A., 1-24. Mohapatra, Sanket; Joseph, George at Ratha, Dilip. (2012) “Remittances and Natural Disasters: Ex-Post Response and Contribution to Ex-Anter Preparedness,” nása Environmental Development and Sustainability, Volume 14, pahina 365-387. Orencio, Pedcris at Fujii, Masahiko. (2013) “An Index to Determine Vulnerability of Communities in a Coastal Zone: A Case Study of Baler, Aurora, Philippines,” nása Ambio, Volyum 42, pahina 61-71

259

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Orekes, Naomi & Conway, Erik M. (2010) Merchants of Doubt: How A Handful of Scientists Obscured the truth from Tobacco Smoke to Global Warming, Bloomsburry Press, N.Y. U.S.A. Peñalba, Linda M. et al (2010) “Social and Institutional Dimensions of Climate Change Adaptation,” nása International Journal of Climate Change Strategies and Management, Volyum 3, pahina 308-322. Razafindrabe, Bam H.N. et al (2009) “Climate Disaster Resillience: Focus on Coastal Urban Cities in Asia,” nása Asian Journal of Environment and Disaster Management, Volyum 1, Numero 1, 101-106. Sheppard, Allan et al (2013) “Humanitarian Logistics: Enhancing the Engagement of Local Population,” nása Journal of Humanitarian Logistics and Supply Chain Management, Volyum 3, Numero 1 pahina 22-36. Solidum, Renato Jr. U. at Alegre, Lenie Duran. (2011) “Hazard Mapping and Assessment for Effective Community-Based Disaster Risk Management (READY) Project,” nása Asian Journal of Environment and Disaster Management, Volyum 3, Numero 1, pahina 76-92. Tatham, Peter and Spens, Karen. (2011) “Towards a Humanitarian Logistics Knowledge Management System,” nása Disaster Prevention and Management, Volyum 20, Number 1, pahina 6-26. Resilient: From Awareness to Implementation,” nása International Journal of Disaster Resilience in the Built Environment, Volyum 4, Numero 1 pahina 5-8. Van Slobbe, et al. (2013) “Building with Nature: In Search of Resilient Storm Surge Protection Strategies,” nása Natural Hazards, Volyum 65, pahina 947-966. Von Einsiedel, N. et al (2010) “ The Challenge of Urban Redevelopment in DisasterAffected Communities,” nása Environment and Urbanization Asia, Volyum 1, Numero 1, pahina 27-44 Yumul, Graciano Jr., P. et al (2012) “ Tropical cyclone-southwest monsoon interaction and the 2008 floods and landslide in Panay island, central Philippines: Meteorological and Geological Factors,” nása Natural Hazards, Volyum 62, pahina 827-840.

260

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/ KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITÂNG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKONG ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA NI

JAYSON D. PETRAS Unibersidad ng Pilipinas Diliman

INTRODUKSIYON ung pagbabatayan ang kaliwa’t kanang sarbey sa daigdig, maituturing na tatak ng Filipino ang pagiging emosyonal. Pinatunayan ito noong 2012 sa pag-aaral ng Gallup, isang ahensiyang nakabase sa Estados Unidos, na nagsasaad na ang Filipinas ang pinakaemosyonal na bansa sa daigdig. Ayon din sa ulat, tanging ang Filipinas ang bansa sa Timog Silangang Asia na pumaloob sa 15 pinakaemosyonal na bansa sa pagtatalâ nitó ng 60% pagtugon ng mga kalahok ng “Yes” (o 6 sa 10 katao ang nagpahayag ng pagdanas sa araw-araw ng mga nababanggit na emosyon) sa sumusunod na katanungan:

K

a) b) c) d) e)

Did you feel well-rested yesterday? Were you treated with respect all day yesterday? Did you smile or laugh a lot yesterday? Did you learn or do something interesting yesterday? Did you experience the following feelings during a lot of the day yesterday? 261

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Pumangalawa sa Filipinas ang bansang El Salvador na nakakuha ng 57% at pumangatlo ang Bahrain na may 56%, samantalang pinakamababa naman ang karatig na bansang Singapore sa 36% nitó (Clifton). Nangangahulugan itong ang Filipino ang siyang may pinakamalaking pagkilala sa kaniyang mga nararamdaman—positibo man o negatibo—gaya ng gálit, sakit, pagkapagod, kasiyahan, at pagkabalisa. Bukod sa Gallup, lumabas sa mga nauna pang pag-aaral ang happiness index ng Filipinas. Batay sa Axa Life Outlook Index noong 2007, pangalawa ang Filipinas sa pinakamasasayáng bansa sa Asia samantalang pumuwesto naman ito sa ika-38 sa daigdig noong 2008 ayon sa World Values Survey. Sinusugan ito ng National Statistical Coordination Board (NSCB) sa kanilang ulat na nagsasaad na halos 90% ng mga Filipino ay pangunahing humuhugot ng kasiyahan sa kanilang pamilya, kalusugan, at relihiyon (Javier 100). Ang mga nabanggit na pagtingin sa Filipinas at sa mga Filipino sa usapin ng emosyon ang siyang inaangklahan ng kasalukuyang pag-aaral sa pagbibigay-tutok nitó sa mga salitâng pandamdaming tumutukoy sa sayá sa wikang Filipino. Bagama’t marami nang naging pag-aaral sa emosyon at sa pagpapakahulugan dito sa larangan ng sikolohiya, litaw pa rin ang isyu ng etnosentrismo o Anglosentrismo na pinagtitibay ng karaniwang pagdikit sa mga terminong Ingles bílang unibersal at obhetibong metawika (Goddard 88). Hindi naiiba rito ang kaso sa Filipinas na tumitingin at nagpapaliwanag sa mga salitâng pandamdamin sa wikang Filipino na tila direktang salin lámang ng mga salitâng Ingles at kung gayon ay wala nang kinakailangan pang pagpapalawig at pagpapalalim. Bitag itong maituturing sa iskolarsip na nararapat lámang na maalpasan sa pamamagitan ng pagdukal sa kamalayang Filipino at pananaw na nakapaloob sa sariling wika. EMOSYON O DAMDAMIN? Ayon kina Ciccarelli at White (378), ang emosyon ay “ang pakiramdam na aspekto ng kamalayan na mailalarawan sa pamamagitan ng tatlong elemento: 1. pisikal na pagpukaw; 2. asal/kilos na naglalantad ng nararamdaman sa labas; at 3. panloob na kabatiran ng pakiramdam [akin ang salin].” Binibigyang-diin sa ganitong pagpapakahulugan ang kombinasyon ng damdamin, pag-iisip, at mga proseso sa katawan na siyang kabuoang diwa ng emosyon. Kaugnay nitó, paimbabaw na mapapansing ang konsepto ng damdamin (na isinasalin sa Ingles bílang “feeling”) ay isang bahagi lámang ng emosyon. Dagdag pa rito, sa mga pag-aaral sa wikang Ingles, higit na tinatanggap ng mga sikolohista ang terminong “emotion” sa halip na “feeling” sapagkat may datíng ang nauna bílang obhetibo at kung gayon ay maaaring isalang sa siyentipikong pag-aaral. Mas pinipili rin ng mga antropolohista ang “emotion” dahil sa taglay nitóng interpersonal na panlipunang batayan. Gayunman, hindi ito nangangahulugang

262

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

simpleng mahahawakan ang konsepto ng “emotion” dahil isa rin itong masalimuot na konseptong kadalasang kasalitan pa rin ng konseptong “feeling” at “body” sa mga literaturang antropolohiko (Wierzbicka 1-2). Nagbabago-bago rin ang pakahulugan dito batay sa ibá’t ibáng dalumat-kaisipan–isang katotohanang tinungtungan ng pahayag ni Feldman-Barrett (sipi kay Wierzbicka 6) na: There is still little consensus on what emotion is or is not... The future of affective science will be determined by our ability to establish the fundamental nature of what we are studying. Bukod sa mga nabanggit, makikíta ring ang distingktibong paghihiwalay ng “emotion” at “feeling” sa wikang Ingles ay hindi totoo sa lahat ng wika. Sa kroslingguwistikong pagsusuri ni Wierzbicka (3), lumabalabas na ang ibá’t ibáng wika ay kinapapalooban ng ibá’t ibáng pamamaraan ng pagkokonseptuwalisa at pagkakategorya ng karanasan ng tao. Ibinigay niyang halimbawa ang wikang Aleman na walang anumang salitâng katumbas ng “emotion” at sa halip, itinatapat dito ang salitâng Gefühl (mula sa salitâng fühlen na nangangahulugang “to feel”) na walang isinasaad na pag-uuri sa pagitan ng pisikal at mental na damdamin. Wala ring salitâng katumbas ng “emotion” sa wikang Ruso at ginagamit nilá ang salitâng uvstvo (mula sa uvstvova na nangangahulugang “to feel”) upang tumukoy sa damdamin samantalang ang pinaraming anyo nitóng èuvstva ang pantukoy naman sa mental na damdamin. Sa kaso ng wikang Samoan, walang direktang katapat ang “emotion” at sa halip ginagamit ang salitâng lagona na siyang pantukoy rin sa “feeling.” Sa ganitong mga datos, ipinapalagay ni Wierzbicka (4) na unibersal ang konsepto ng “feeling” at kung gayon ay mas angkop na magagamit sa pagsusuri ng karanasan at kalikasan ng tao, kompara sa “emotion” na may limitasyong kultural. Kung ibabaling ang pansin sa wikang Filipino, makikita sa New Vicassan’s EnglishPilipino Dictionary na itinumbas sa “feeling” at sa “emotion” ang salitâng damdamin. Ginagamit din ang baybay sa Filipino na emosyón, bagama’t hindi ito tahasang nakakawala sa idea ng damdamin sa naging pakahulugan dito ng UP Diksiyonaryong Filipino na “matinding damdamin tulad ng pag-ibig o tákot.” Gayundin, ipinapakahulugan naman ang damdamin bílang “anumang pakiramdam na sinasabing hindi bunga ng pag-iisip gaya ng pag-ibig, gálit, o lungkot.” Bagama’t lumalabas sa nabanggit na kahulugan na ang damdamin ay tiwalag sa kaisipan, hindi ito nangangahulugang walang ugnayan ang dalawa kung pagbabatayan ang kultural na pagdalumat ng agham panlipunan sa Filipinas. Sa katunayan, sa pakahulugan ni Enriquez (6) sa sikolohiya, natukoy ang pag-aaral sa kamalayan na kinapapalooban ng “damdami’t kaalamang nararanasan.” Maaaring sabihing ang kaalaman ang siyang

263

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

kaganapan ng proseso ng pag-iisip at mahalagang bahagi ito ng kamalayan. Ugnay ito sa pananaw ni Bautista (36) na nagsasabing pumapaloob ang damdamin at emosyon sa bahaging lamán ng pagkataong Filipino, katambal ng idea at kaisipan. Pinalawig pa ni Salazar (90) ang pagsusuri sa pamamagitan ng pagtatampok sa kamalayan bílang isang malawak na konsepto at ang malay-tao ay bahagi lámang nitó. Sa malay-tao, higit pang partikular ang ulirat na maaaring tumukoy sa bait, damdam, pakiramdam, at pandama. Mahalagang bigyang-pansin ang kahulugan ng damdam sa ibá’t ibáng wika sa Filipinas na umuugnay sa “pagdamá ng mga bagay sa labas ng dumarama”: “hipuin, hawakan” (Bikol); “pakinig, pakinggan” (Kapampangan); “lasahin, tikman” (Hiligaynon); “salatin upang maláman kung may lagnat ang tao” (Ilokano); at “kapkap, apuhap” (Waray) (Salazar 91). Gayunman, hindi lámang nása dimensiyong labas ang damdam kundi nása loob din. Sa paliwanag pa ni Salazar: Sa Waray mismo, ang damdam ay nangangahulugan din ng kaba, tibok ng puso, na alam na nating katangian ng ginhawa. Di napapalayo sa kahulugang ito ng damdam ang pakahulugan sa daddam sa Ibanag na ‘salamisim,’ ‘lungkot,’ ‘alaala,’ na bunga nga ng damdam o pagdaramdam sa Tagalog—alalaumbaga, damdamin. (91) Mula sa loob, mahahati ang damdam sa andam at damdamin. Ang andam ay may kinalaman sa pagkabalisa ng isang tao dulot ng maaaring mangyari sa labas ng pagkatao. Maiuugnay ito sa kutob o agam-agam sa Tagalog, paghanda o pag-aayos sa Bikol at Waray, at pag-ingat sa Hiligaynon at Pangasinan (Salazar 91). Sa mga hulíng pakahulugan, mababanaag ang pangangailangan sa paglilimi o pag-iisip upang ganap na makapaghanda o makapag-ingat. Kayâ naman, ang andam ay nangangailangan ng internalisasyon at kung gayon ay may galaw na papaloob na ibá sa damá o pandamá na papalabas sapagkat may pinagtutukuyan sa labas ng tao. Kaiba sa andam, ang damdamin, ayon din kay Salazar (91), ay taal na panloob sapagkat hindi na kailangan nitó ng anumang panlabas na impulso. Ito ang maaaring iturong dahilan kung bakit ang isang tao ay nakadarama ng kalungkutan kahit walang malinaw na matukoy na dahilan. Gayundin, ang anumang damdamin ay posible ring reaksiyon sa mga panlabas na estimulo at kung gayon ay may katangian ding papaloob. Sa mga nabanggit, maaaring ang damdam—na kadikit ng andam, damá, at damdamin–ay pumapaloob sa ugnayang loob at labas na esensiyal sa pagtamasa ng ginhawa. Ayon kay Salazar: Ang kabuoan ng mga katangian at gawaing pandadamin at pandama ng tao, ang kaniyang persepsiyon sa anumang nangyayari sa loob at labas

264

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

ng kaniyang pagkatao, ang mga ito ay may malalim na pagkakaugnay sa ginhawa. Sa katunayan, ang ginhawa ang siyang batayan ng kaayusang pandamdamin at pandama ng tao. Ang ginhawa ay siyang nagbibigay ng gaan sa búhay at ng kabaligtaran nitó. Ito rin ay may kinalaman sa lahat ng mga konseptong nakapaligid sa búhay, paghinga, hininga, tiyan, pusò, hanggang sa pagkain na kailangan sa búhay. (90) Sa ganitong pagdalumat, nagkakaroon ng kakanyahan ang konsepto ng damdamin na hindi na lámang maikukulong sa diwa ng “feeling” at maging ng “emotion” sa wikang Ingles.2 UNIBERSAL O PARTIKULAR? Maliban sa kasalimuutang taglay ng mismong konsepto, isa pang malaking usapin ang unibersalidad o partikularidad ng emosyon. Isa sa matitingkad na pananaw sa usapin ng emosyon ay mula sa Americanong sikolohista-pilosopo na si William James na nagtataguyod ng physicalist theory ng emosyon. Sa kaniyang pananaw, ang tákot ay maaaring maipamalas ng mga sintomas sa katawan gaya ng panginginig, pagkalito, at ibá pa (Goddard 86). Umani man ng mga puna ang paniniwala ni James, marami pa ring sikolohista ang naniniwala na mayroong batayang emosyon ang tao na likás na bahagi ng kaniyang neuro-pisyolohikong pagkakabuo. Popular na tinatanggap na kabílang dito ang gálit, tákot, gúlat, lungkot, tuwâ, at inis (Goddard 87). Mula rito, maaaninag ang ilang aspektong unibersal ng emosyon. Umaayon ito sa nauna nang pag-aaral ni Charles Darwin na nagsasaad na ang damdamin ay bahagi ng ebolusyon ng tao at kung gayon, tumatagos ito sa anumang hanggahang kultural (Atkinson et al. 362). Kaugnay ng aspektong pisikal o pisyolohiko, sinasabing maiuugnay ang pagdanas ng emosyon sa aktibong pagtugon ng sympathetic nervous system. Ito ang nagdudulot ng pagbilis ng tibok ng pusò, paglaki ng inla o pupil, at pagkatuyo ng bibig kung nagagalit o natatakot. Higit na nakíta ang espesipikong pagbabago sa katawan dulot ng pagdanas ng ibá’t ibáng emosyon sa mga pag-aaral sa laboratoryo. Sa pagsusuri nina Levenson et al. (sipi kina Ciccarelli at White 379), lumalabas na ang tákot ay kadikit ng paglamig ng balát (pagbaba ng temperatura) samantalang ang gálit ay naiuugnay sa pag-init ng balát (pagtaas ng temperatura) at pagtaas ng presyon. Kung pagtutuunan naman ng pansin ang utak at ang kinalaman nitó sa emosyon, matutukoy ang amygdala, isang maliit na erya na matatagpuan sa limbic system sa magkabilâng panig ng utak, na siyang inuugnay sa takot na nadarama ng tao at hayop (Davis at Whalen; Fanselow at Gale; sipi kina Ciccarelli at White 379) at sa ekspresyon ng mukha ng tao (Morris et al.; sipi kina Ciccarelli at White 379). Samakatwid, ang pagkasira ng amydala ay posibleng magdulot ng kawalan ng kakayahang makabuo ng

265

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

tákot (LaBar et al.; sipi kina Ciccarelli at White 379) at makakilala sa emosyong hatid ng ekspresyon ng mukha (Adolphs at Tranel; sipi kina Ciccarelli at White 379). May gampanin din ang magkabilâng emispero ng utak sa kabuoang danas ng emosyon. Itinuturo ng mga pananaliksik ang kaliwang emispero na siyang may kinalaman sa mga negatibong damdaming gaya ng kalungkutan, pagkabalisa, at depresyon (Ahern at Schwartz; Davidson et al.; Papousek at Schulter; sipi kina Ciccarelli at White 379). Gayunman, sa ibá pang pag-aaral, lumalabas ang pagtaas sa aktibidad ng kaliwang emispero, partikular sa frontal lobe, sa panahon ng meditasyon na nagbubunsod naman ng pagbababa ng antas ng pagkabalisa ng mga kalahok (Davidson et al.; sipi kina Ciccarelli at White 379). Nangangahulugan lamang ito na ang eksaktong lugar ng aktibidad sa kaliwang emispero ay maaaring makapagdulot ng ibá’t ibáng pagdanas ng emosyon. Sa kabilâng dako, natuklasan naman ng mga mananaliksik na ang kanang emispero ng utak ng tao ay higit na aktibo sa mga panahong kinikilala nitó ang emosyon batay sa ekspresyon ng mukha (Voyer at Rodgers; sipi kina Ciccarelli at White 379). Kung ibabaling ang pansin sa aspektong kaasalan ng emosyon, masasabing naipamamalas ang nararamdaman sa pamamagitan ng: 1. ekspresyon ng mukha; 2. galaw ng katawan, at; 3. aksiyon (Ciccarelli at White 379). Nagsisilbing pahiwatig ito ng ipinaaabot na damdamin ng tao. Sa pag-aaral nina Ekman at Friesen kaugnay ng ekspresyon ng mukha, lumalabas na ang mga táong pumapaloob sa ibá’t ibáng kultura— Japones, Europeo, Americano, at tribung Fore ng New Guinea—ay may kaisahan sa pagkilala ng ibá’t ibáng ekspresyon ng mukha na napatutungkol sa gálit, tákot, yamot, sayá, gúlat, lungkot, at lait (Ciccarelli at White 380). Dagdag pa rito, maging ang mga batang bulag na nang ipanganak ay sinasabing nakalilikha ng angkop na ekspresyon ng mukha para sa ibá’t ibáng partikular na sitwasyon na nagpapatunay ng batayang biyolohiko ng mga ekspresyong pandamdamin (Charlesworth at Kreutzer; Fulcher; sipi kina Ciccarelli at White 380). Bagama’t sa unang tingin ay mababakás ang unibersalidad ng emosyon sa pagaaral ng ekspresyon ng mukha, kinalaunan ay nakatanggap ng sari-saring puna ang kaparaanang ginamit sa nasabing mga eksperimento. Una, ang mga estimulo/larawang ginamit ay hindi biglaang kuha ng mga tunay na emosyon kundi mga larawang sadyang nagpapamalas ng eksaheradong ekspresyon ng tinatáyang batayang emosyon. Ikalawa, kadalasang ipinapalagay ng mga nagsasagawa ng mga eksperimento na may direktang katumbas sa ibáng wika ang mga salitâng Ingles gaya ng sad, angry, disgusted, afraid, surprised, at happy, at dahil dito ay hindi na nabibigyang-pansin ang suliranin sa pagsasalin. Ikatlo, ang pinakamadalas na gamiting metodo ay ang pagpapakíta ng serye ng mga larawan sa mga kalahok at pagkatápos ay papipiliin ang mga ito sa limitadong set ng mga terminong itinalâ ng mananaliksik; ibig sabihin, walang puwang para sa sariling interpretasyon ang mga kalahok (Goddard 348).

266

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

Gayundin, makikíta ang pagkakaibá-ibá sa konteksto at kaparaanan ng pagpapakíta ng sinasaloob batay sa itinakda ng kultura. Sinasabing hindi sanáy ang mga Japones sa pagpapamalas ng kanilang damdamin sa publiko kayâ pananatilihin nilá ang kanilang hinahon hábang nása labas. Kaugnay nitó, higit siláng inaasahang ngumiti sa publiko sa mga panahong nakadarama ng negatibong emosyon gaya ng pagkamatay ng isang kaanak (Hearn; Morsback; sipi kay Goddard 349-350). Higit na matingkad na manipestasyon naman ng gálit para sa mga Ugandan ang akto ng pagalis mula sa nakararami at pag-iyak sa halip na biyolentong reaksiyon o agresyon sa dahilan ng nararamdaman (Davitz 185; sipi kay Heelas 175). Sa kaso ng mga Filipino, itinala ni Maggay (144-154) ang Panimulang Kodipikasyon ng mga Di-Verbal na Pagpapahiwatig ng mga Pilipino na hango mula sa pagsangguni sa mga naunang pag-aaral nina Covar, Peralta at Racelis, Hernandez at Agcaoili, at Medina. Sa nasabing talaan, hindi lámang binibigyang-depinisyon ang galaw ng katawan kundi maging ang kultural na pagpapakahulugan sa anyo ng bahagi ng katawan. Ilan sa mahahalagang banggitin kaugnay ng damdamin ang sumusunod: PAHIWATIG HINGGIL SA BAHAGI NG KATAWAN • kalbo (buhok) – nakakatawa (“Ang tatang mong kalbo.”) • kunot ang noo – mabigat ang suliranin; di-pagkaunawa, naguguluhan o malalim ang iniisip; inis, yamot, galít • malinyang noo – maraming suliranin o karanasan • salubóng ang kilay – galít; mainitin ang ulo; masungit; naiinis; matapang • isang kilay ang nakataas – suplado; isnabero; mapagmataas; tumututol; nanlalait • dalawang kilay ang nakataas – pagkagitla o pagkasorpresa (may kasámang “Uy!” paminsan-minsan); malugod na pagbatì; pag-ayon (kapag inulit-ulit) • nandidilat na mata – nagagalit; nahihindik • naningkit ang mata – pigíl na gálit; gigíl sa pinag-uukulan, nagbabadya na “Humanda ka!” • namulagat na mata – nagtaka; nagalit • maningning ang mata – matalino; punô ng sigla at búhay • malamlam na mata – may dinaramdam; malungkot • tinging matalim – galít o namumuhi • malayo ang tingin – nag-iisip; may dinaramdam na kalungkutan; balisa • papikit-pikit – nanghahalina; ninenerbiyos; kung sa mga batà, “beautiful eyes” • matang nanlilisik – papatay ng tao; nawalan ng bait • matang mapanudyo – palabiro • matang mabalasik – galít; mapusok; mabagsik • nakanganga (bibig) – nagulat; napatanga

267

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

• pagkagat ng labì – nagsisisi; nagdadalamhati; nanghihinayang; nasasaktan • paglabas ng dila – “Be, buti nga!” kung mga bata; paglait • tunog ng dilang “Tsk, tsk, tsk” – panghihinayang; babala (“Hala ka, lagot ka”); pagkaawa, panghihinayang • pagtitiim ng bagáng at ngipin – galít; nagpipigil at nagngangalit ang damdamin • nakanguso – nagtatampo; nagdadabog; masamâ ang loob • ngiting-pilít – nasaktan ngunit ayaw magpahalata; nagpapakitang-tao; ibig lang makisáma at magbigay-galang sa madla • ngingiti-ngiti – may kaluguran ang loob, gaya ng dalagang nananaginip nang gisíng • ngiti sa magkabilâng dulo ng pisngi – tuwang-tuwa • • • • • •

mahaba ang buhok – nagluluksa; bigo; Biyernes Santo bumagsak ang mukha – napawi ang tuwâ makulimlim ang mukha – malungkot, mapanglaw ngiwî – galít at nanlalait; namimilipit ang mukha; sukdulang kirot simangot – nagmamaktol; galít at masama ang loob; nasusuya írap – tampo; samâ-ng-loob; inis

ILANG PAHIWATIG NG GALAW NG IBÁ’T IBÁNG BAHAGI NG KATAWAN • pagtungô ng ulo – paggalang; pagkahiya; pagkalungkot; malalim na pag-iisip • pag-iling – hindi o huwag; ayaw; may kinabibigatan ng loob ngunit hinahayaan na lang • pagkamot ng ulo – nahihiya; naiinis; di-pagkaunawa • palingon-lingon – natatakot; nangangamba • nakataas ang dalawang kamay – “yehey! Panalo kami.” • nakapamaywang – tipong “Ako ang reyna dito.” O kayâ’y “Humanda ka at tatarayan kitá”; galít • kamay nakatutop sa dibdib – nagsisisi; kinakabahan • pagsasalpukan ng dalawang balakang nang isa o dalawang beses – katuwaang pahiwatig ng pagkakaisa; pagkakaintindihan ng magkakaibigan • upóng kití-kití – di-mapakali; balisa • nakaupo ngunit kumukuyakoy ang mga hita o binti – ninenerbiyos o sobrang sigla • pagtuktok ng paa o sakong – nagmamadali, di-mapakali UGNAYANG WIKA AT EMOSYON AT ANG POLITIKA NG ETNOSENTRISMO/ANGLOSENTRISMO Ang problematisasyon sa unibersalidad at partikularidad ng emosyon ay hindi lámang limitado sa di-berbal na komunikasyon. Makikíta rin ang salimuot ng usapin sa pag-uugnay rito sa wika.

268

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

Kung tutuusin, hindi kinakailangang manulay ang isang emosyon sa wika upang maipasok sa kamalayan, makilala, maramdaman, o mapag-usapan. Tinukoy na halimbawa ni Wierzbicka (587) ang salitâng Polako na t skni na walang direktang tumbas sa Ingles at mailulugar lámang sa pagitan ng mga terminong homesick, miss, pine, at nostalgia. Gayunman, naniniwala siyang ang indibidwal na ispiker ng Ingles ay nakararanas din nitó subalit sa kabuoan ng lipunan at kulturang Anglo-Saxon, ang ganitong pakiramdam ay hindi ganoon kaesensiyal upang bigyan pa ng natatanging pangalan. Magkaganito man, laging may pagtatangkang ipaliwanag ang nararamdaman sa pamamagitan ng mga salita o parirala sa panahon ng kawalan ng isang simpleng pantukoy rito. Ika nga ni Epistola (25), hindi táyo nasisiyahang basta namamalayan na lámang ang isang bagay sa ating paligid. Gumagamit táyo ng wika upang bigyangkaayusan ang impresyong inihahatid ng ating mga pandamá buhat sa kapaligiran. Makikíta ang pagbibigay-pansin sa wika sa mga literatura sa emosyon. Pinaghiwalay ni Leventhal (sipi kay Heelas 171-172) ang idea ng “emotional elements” (aspektong biyolohiko) at ng “emotional experiences” (aspektong sosyal). Aniya, ang anumang natural na elemento ay kinakailangang mapagyaman ng kahulugan bago maging ganap na danas. Sa talakay naman nina Ciccarelli at White (381), ang pagbibigay-ngalan sa nadarama ay isa sa mga elemento ng emosyon. Tinawag nilá itong “cognitive element” sapagkat ang proseso ng pagpapangalan ay paraan din ng paghagilap sa alaala ng kaparehong karanasan, pag-unawa sa konteksto ng emosyon, at pagbibigay ng angkop na solusyon sa pamamagitan ng pangalan. Para kay Heelas (173), maaaring mabuo ang ibá’t ibáng emosyon kung may mga salita na magtatakda ng ibá’t ibáng kahulugan ng mga ito. Maiuugnay rito ang pananaw nilá Lewis at Saarni (sipi kay Heelas 173) na nagsasaad na isang kahingian ang pagkakaroon ng wika ng emosyon ng organismo sa pagdanas nitó. Dahil ang wika ay bukal ng diwa, kamalayan, at kaisipan—samakatwid, ng Weltanschauung —ng tao, may mga ideang higit na nasasaklaw ng isang partikular na wika kaysa sa ibá (Enriquez at Alfonso 77-82). Halimbawa, ang tribung Chewong ng Malaysia ay nalilimitahan sa walong salitâng pandamdamin samantalang ang wikang Malay ay may 230 termino at 750 naman ang mga Chino (Taiwanese) (Heelas 174). Ang nasabing bisa ng wika ang sentral na salik sa problematisasyon ni Wierzbicka (584) sa naging paglalatag ng mga pundamental na emosyong ipinapalagay na likás at unibersal. Tinukoy niya ang mga batayang emosyong itinalâ nina Izard at Buechler: 1. interest, 2. joy, 3. surprise, 4. sadness, 5. anger, 6. disgust, 7. contempt, 8. fear, 9. shame/ shyness, at 10. guilt. Aniya, litaw ang pagkakahabi ng nasabing talaan sa realidad ng wikang Ingles at kung gayon, patuloy na nakukulong lámang ito sa etnosentrismo, partikular sa Anglosentrismo. Binigay niyang mga halimbawa ang kawalan ng eksaktong salita ng mga Polako para sa terminong disgust sa Ingles at ang hindi pagkakahiwalay sa antas leksikal ng salitâng shame at fear sa kaso ng wikang Gidjingali na isang wikang Aboriginal sa

269

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Australia gayong nababanggit ang mga ito bílang mga likas at unibersal na karanasan ng tao. Hindi nakapagtataka ang ganitong sitwasyon lalo na’t malaon nang naiposisyon ang Ingles sa ibá’t ibáng larangan na pinagtitibay ng mga taguri ditong “unibersal na wika” at “wika sa anumang panahon” (Kachru 19). Sa katunayan, karamihan sa mga sikolohistang nag-aaral hinggil sa emosyon ay bumubuo at sumusulat ng mga pananaliksik sa wikang Ingles. Paglilinaw ni Wierzbicka (584), nabuo mula sa sariling taksonomiya ng lipunang Ingles ang mga salitâng tumutukoy sa emosyon sa wikang ito at kung gayon, hindi masasabing ganap na obhetibo at walang kinikilingang kultura. Inilutang niya ang apat na esensiyal na salik sa paglalatag ng unibersal na mga batayang emosyon ng tao (585): 1. Kinakailangang kilalanin ang mga pundamental na emosyon sa pamamagitan ng isang language-independent semantic metalanguage at hindi sa pamamagitan lámang ng mga salitâng katutubo sa Ingles. Sa mga talakay ni Wiezbicka hinggil sa emosyon, ipinanukala at dinalumat niya ang Natural Semantic Metalanguage (NSM) na napaunlad sa pamamagitan ng mga kros-lingguwistikong imbestigasyon. Isa itong teknikal na artipisyal na wika na kinapapalooban ng 63 konsepto, na ayon sa kaniyang pananaliksik ay tumatagos sa hanggahang itinatakda ng mga wika at kultura (Wierzbicka 21). Higit pa itong bibigyang-linaw sa mga susunod na talakay. 2. Nagbibigay ng mahalagang pahiwatig sa pagmamalay ng tagapagsalita ng isang wika ang pag-uuring leksikal na kaniyang nabubuo kaugnay ng emosyon. 3. Isang interdisiplinaryong gawain sa pagitan ng mga larangan ng sikolohiya, antropolohiya, at lingguwistika ang pananaliksik hinggil sa unibersal at partikular na aspekto ng emosyon. 4. Mahalaga ang masinsinang pangangalap ng datos at pagsusuring semantikal bago ganap na makapagmungkahi ng unibersalidad sa usapin ng emosyon. Sa mga nabanggit na salik, nabubuksan ang hámon sa mga mananaliksik hinggil sa emosyon sa pagkilala sa papel ng wika sa pag-unawa sa danas at pakiramdam ng tao na hindi maikakahon sa mga kompleksikong terminong Ingles na namayagpag sa literatura ng larangan.

270

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

ANG UNIBERSAL NA PAG-UNAWA SA EMOSYON AYON SA NATURAL SEMANTIC METALANGUAGE (NSM) Sa pagkakataong ito, mahalagang balikan ang iminumungkahing NSM ni Wierzbicka para sa semantikal na pagsusuri. Sa layuning makaalpas sa karaniwang etnosentriko/ Anglosentrikong pananaw sa usapin ng emosyon ng tao at makapaghain ng pagunawang unibersal hinggil dito, pasimulang dinalumat ni Wierzbicka noong 1972 ang Natural Semantic Metalanguage (NSM) na nakaangkla sa paggamit ng natural na wika sa paghagip ng kahulugan ng isang konsepto. Ang natural na wikang ito ay kinapapalooban ng ipinapalagay na universal semantic primitives, mula sa naging kros-lingguwistikong imbestigasyon, na kinikilalang mga batayang ekspresyong hindi na kinakailangan pa ng pagpapasimple/pagpapaliwanag (self-explanatory) at siyang magagamit sa pagbibigay-kahulugan sa lahat ng ekspresyon (Durst 158). Dagdag pa rito, dulot ng pagiging unibersal, maituturing na konseptong komon ang semantic primitives na maisasalin sa lahat ng wika (bagama’t hindi inaalis ang pananaw na may mga ekspresyong may kadikit na ibá pang kahulugan sa ibáng wika). Mahalagang bigyang-diin na ang pagtatakda ng universal semantic primitives ay hindi nangangahulugang pinal (Durst 162). Sa katunayan, nang pasimulan ang NSM noong 1972, naglalamán lámang ito ng 14 elemento. Sinubok ang mga elementong ito sa ibá’t ibáng larang gaya ng salitâng pang-emosyon, salitâng lohikal, kategoryang gramatikal, at sintaktikong pagkakabuo, na nagdulot ng pagbabago sa bílang nitó mula 14 tungong 13 o 15. Taóng 1986 naman nang isagawa ang isang palihan sa semantika na inorganisa nina Cliff Goddard at David Wilkins, kung saan ang naging produkto ay ang pagpaparami sa mga elemento tungo sa bílang na 27 noong 1989. Dahil kahingian sa semantic primitives ang masubok sa lahat ng wika ng daigdig, lumabas sa mga artikulong pinamatnugutan nina Goddard at Wierzbicka noong 1989 ang panunubok sa 37 elemento sa ibá’t ibáng wika: mga Australianong wikang Kayardild, Mparntwe Arrernte, at Yankunytjatjara; mga Austronesianong wikang Acehnese, Mangap-Mbula, at wikang Longgu at Samoan mula sa subgrupong Oceanic; wikang Ewe mula sa pamilyang Niger-Congo; Japones; Kalam, na isang wikang Papuan; Mandarin; tatlong wikang Misumalpan ng Nicaragua; Thai; at Frances, na nag-iisang kinatawan mula sa mga wikang Indo-Europeo. At sa taóng 1996, inilatag ni Wierzbicka ang isang tentatibo at paunang pagtatangka na hanapin ang katangiang unibersal ng 55 elemento (Durst 163-164). Narito ang kabuoang sarbey ng semantic primitives mula 1972 hanggang 2002 na itinala ni Durst (159-161):

271

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Talahanayan 1. Kabuoang sarbey ng semantic primitives mula 1972 hanggang 2002 ayon kay Durst. Wierzbicka 1972

Wierzbicka 1980

Wierzbicka 1989

I

+

+

+

YOU

+

+

+

SOMEONE

+

+

SOMETHING/THING

+

+

Wierzbicka 1996

Goddard at Wierzbicka (Eds.) 2002

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

PEOPLE

Goddard at Wierzbicka (Eds.) 1994

BODY

+

WORLD

+

+

THIS

+

+

THE SAME OTHER

+

+

+

+

+

+

+

+

(+)

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

ONE TWO

+

SOME MANY/MUCH

+

+

+

ALL

+

+

+

+

GOOD

+

+

+

+

BAD

+

+

+

+

+

+

+

BIG SMALL THINK (OF)

+

KNOW WANT

+

FEEL

+

+

+

+

+

+

+

+

+

(+)

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

SEE HEAR SAY

+

+

+

+

WORD TRUE

+

DO

+

+

+

+

HAPPEN

+

+

+

+

+

+

+

+

MOVE BECOME

+

+

THERE IS HAVE

+

LIVE/ALIVE

+

DIE

+ +

272

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

Wierzbicka 1972

Wierzbicka 1980

Wierzbicka 1989

Goddard at Wierzbicka (Eds.) 1994

Wierzbicka 1996

Goddard at Wierzbicka (Eds.) 2002

+

+

+

+

+

+

WHEN/TIME NOW BEFORE AFTER

(+)

+

+

+

+

+

+

+

A LONG TIME

+

+

A SHORT TIME

+

+

FOR SOME TIME

+

WHERE/PLACE

(+)

+

+

HERE

+

+

+

+

ABOVE

+

+

+

UNDER/BELOW

+

+

+

FAR

+

+

NEAR

+

+

SIDE

+

+

+

+

NOT

+

+

MAYBE

+

+

INSIDE DISWANT/NO

+

+

+

+

CAN

+

+

+

+

BECAUSE

+

+

+

+

+

+

+

IMAGINE

+

+

+

IF IF...WOULD

+

VERY

+

+

MORE KIND (OF) PART (OF)

+

+

LIKE

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

+

Sa kasalukuyan, batay sa artikulo ni Wierzbicka noong 2009, binubuo ang NSM ng 63 tinatáyang unibersal na elementong tumatagos at pinagsasaluhan ng ibá’t ibáng wika at kultura. Aniya, ang mga nasabing konsepto ang pinakamalapit na aproksimasyon ng pangkalahatan at likas na “lingua metalis” o wika ng pag-iisip (21). Makikíta sa ibaba ang bersiyong Ingles ng mga ito na maaaring maunawaan at maisalin din sa ibá pang wika gaya ng nabuong bersiyon sa mga wikang Español at Malay (Wirzbicka 5; 36-38):

273

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Talahanayan 2. Ilan sa mga unibersal na elemento (sa wikang Ingles) sa pag-aaral ng NSM ni Wierzbicka. Universal Semantic Primitives – English Exponents Substantives

I, you, someone, something/thing, people, body

Relational substantives

kind, part

Determiners

this, the same, other/else

Quantifiers

one, two, much/many, some, all

Evaluators

good, bad

Descriptors

big, small

Mental predicates

think, know, want, feel, see, hear

Speech

say, words, true

Actions, events, movement, contact

do, happen, move, touch

Location, existence, possession, specification

be (somewhere), there is, have, be (someone/something)

Life and death

live, die

Time

when/time, now, before, after, a long time, a short time, for some time, moment

Space

where/place, here, above, below, far, near, side, inside

Logical concepts

not, maybe, can, because, if

Intensifier, augmentor

very, more

Similarity

like

Isa sa mga batayan ng pagkakatalâ sa mga elementong ito bílang bahagi ng NSM ay ang kanilang kasimplehan. Ayon kay Wierzbicka (585), mas simple ang konsepto, mas nakahihiwalay ito sa isang kultura lámang at kung gayon, mas posible ang leksikalisasyon nitó sa higit na maraming wika. Ang ganitong katangian ang isa sa mga sanhi ng pagkawala o pagdaragdag ng mga elemento. Halimbawa, ang elementong “become” na nakapaloob sa talaan noong 1972 at 1980 ay nawala noong 1989 dulot ng pagpuna sa tunay na kapayakan nitó. Sa paliwanag ni Wierzbicka (sipi kay Durst 168), sa pahayag na “Bill became a teacher,” mababatid na maaari nang tawaging “teacher” si Bill dahil pormal na siyang nakakuha ng sertipiko bílang guro at nakakuha na rin siya ng trabaho kaugnay nitó. Samakatwid, may nangyari kay Bill (“something happened to him”) na maaaring talakayin kaysa agarang pagsasabi na siya ay naging “teacher” na. Sa kasong ito, higit na kinilala na simple ang elementong “happen” kaysa sa “become” at maipaliliwanag sa ganitong pormulasyon (Durst 169): X became Y a) at some time, X was not Y

274

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

b) after that something happened to X c) after that X was Y d) I say this after that time Bukod dito, ang kombinasyon ng mga unibersal na elemento ay nakalilikha ng pinakamalapit na kognitibong senaryo ng salita ayon sa pinagmumulan nitóng wika at kultura na mababatid maging ng mga batà at mga banyaga sa wika at kulturang ito. Gayunman, mahalagang bigyang-diin na ang nabubuong kahulugan sa NSM ay ang tinatawag na “compositional meaning.” Hindi nitó nasasapol ang “experiential meaning” na matatamo lámang sa mismong pagdanas ng nasabing emosyon na eksklusibong mababatid ng mga táong nakapaloob sa kultura at wikang pinagmulan ng salita (Wierzbicka 21). Sa pormulasyon ng paliwanag gamit ang semantic primitives, nararapat maging minimal ang paggamit ng mga bantas upang maiwasan ang paglikha ng kahulugang ibá sa inaasahang ipakahulugan ng pahayag. Kadalasan ding inaayon ang estrukturang tekstuwal sa natural na daloy ng pagsasalita sa isang tiyak na wika. Mahalaga rin ang papel ng indensiyon na mangangahulugan na ang bahaging mayroon nitó ay nakapailalim sa bahaging walang indensiyon (Durst 174). Upang ganap itong maunawaan, narito ang halimbawang pormulasyon upang ipaliwanag ang emosyong “happy” (Wierzbicka 52): Happy a) X felt something (because X thought something) b) sometimes a person thinks: c) “some good things happened to me d) I wanted things like this to happen e) I don’t want anything else now” f ) when this person thinks this, this person feels something good g) X felt something like this Umaayon ang ganitong balangkas sa itinakdang pangkalahatang hulma sa pagpapaliwanag ng mga salitâng may kinalaman sa emosyon. Mapapansin na ang pakiramdam ni X ay ipinapakilala sa pamamagitan ng isang prototipikal na tao sa ikalawang linya na may prototipikal na kaisipang katangian ng emosyong binibigyang-pakuhulugan, at sa hulí, inihahambing ito sa mismong nararamdaman ni X (Durst 184). Dagdag pa rito, lumilitaw sa pormulasyon ang dalawang batayang moda sa pagpapaliwanag ng emosyon: (a) pakiramdam na mabuti o masamâ (“feel good/bad”), at (b) pakiramdam na gaya nitó (“feel like this”) na siyang susundan ng

275

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

prototipikal na senaryo. Gayundin, lumilitaw ang pagkilala sa kognitibong katangian ng emosyon na ipinahihiwatig ng bahaging “sometimes a person thinks” (Wierzbicka 14-15). Ang prinsipyo ng NSM, kasáma na ang balangkas nitó, ang magsisilbing tungtungan ng pagpapaliwanag sa mga salitâng pandamdaming tumutukoy sa “sayá” na tatalakayin sa mga susunod na bahagi. PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB BÍLANG LAPIT SA ELABORASYON SA WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

Ang paninindigan ni Wierzbicka hinggil sa tunay na unibersal na pagkilala sa emosyon ay maiuugnay sa adbokasiyang pinasimulan ni Virgilio G. Enriquez sa Sikolohiyang Pilipino na nag-uugat sa partikular na karanasang Filipino bílang ambag sa sikolohiyang unibersal (5). Kaugnay nitó, partikular na itinuro ni Enriquez (57) ang wikang Filipino at mga wika at kultura sa Filipinas bílang batayan ng pagpapayabong at pag-unlad nitó. Tinukoy niyang lunan ng panganib ang unibersidad dahil sa konserbatibo nitóng paggamit ng wikang Ingles at kung gayon, pagiging instrumento nitó sa pagtataguyod ng interes at kulturang AngloAmericano. Aniya: Kung susuriin ang literatura ng Agham Panlipunan at Sikolohiya na nasusulat sa wikang Ingles, makikita nga na talagang baluktot ang pagkaunawa sa diwa at pagkataong Filipino dahil sa token use ng Filipino. Noong bandáng 1950 hanggang sa dekada sisenta ay sinimulang gamitin ang wikang Filipino bagama’t pahapyaw sa mga artikulo sa Agham Panlipunan. Sa isang bandá, magaling ito... Gayunman, ito’y isinagawa nang walang sapat na pagpapahalaga sa wika at kulturang Filipino, at ito’y inilahad sa pamamagitan ng wikang Ingles. (52-53) Bílang tugon sa ganitong suliranin, nakita ni Enriquez (1-2) ang pangangailangan sa elaborasyon ng wikang Filipino sa disiplina ng Sikolohiya sa pamamagitan ng paglinang at pag-aantas ng mga konsepto sa wikang Filipino (i.e., katutubong konsepto, pagtatakda ng kahulugan, pag-aandukha, pagbibinyag, paimbabaw na asimilasyon, at banyagang konsepto) at panghihiram ng salita, at pagbuo ng bagong terminolohiya (i.e., saling-angkat, saling-paimbabaw, saling-panggramatika, saling-tapat, salingangkop, saling-hiram, saling-likha). Sa mga unang bahagi ng pagbalangkas sa Sikolohiyang Filipino, naging tunguhin ang isang anyo ng pagsasakatutubo na tinaguriang “pagsasakatutubo mula sa labas” (indigenization from without). Nakabatay ito sa pagsasalin sa noo’y wikang Filipino ng mga konsepto, teorya, metodolohiya, at panukat mula sa Kanluran. Isang matingkad na halimbawa nitó ay ang pagsasalin sa katutubong wika at konteksto ng panukat sikolohikal upang makabuo ng bersiyong Filipino. Gayunman, hindi pa rin lubusang magagap at maipahayag ng mga nagawang

276

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

salin ang diwang Filipino. Dito ibinaling ang higit na pansin sa isa pang anyo ng indihenisasyon o pagsasakatutubo na kinilalang “pagsasakatutubo mula sa loob” (indigenization from within). Tumutukoy ito sa pagdukal ng katutubong Sikolohiya mula sa wika at kultura at hindi simpleng pagbibihis katutubo lámang gaya ng limitasyon ng nauna. Kinalaunan, inihalili sa “pagsasakatutubo mula sa loob” ang konseptong “kultural na pagpapatibay” (cultural revalidation) na higit na angkop na katawagan dahil hindi na kailangang isakatutubo ang katutubo na (Pe-Pua 3). Dagdag pa rito: Batay ang estratehiya [ng kultural na pagpapatibay] sa pagtuklas sa Sikolohiyang Filipino sa pag-aaral at pagtatása sa historikal at sosyo-kultural na realidad; pag-unawa sa mga lokal na wika; pagpapalitaw ng katangiang Filipino at pagpapaliwanag ng mga ito sa pananaw ng mga katutubong Filipino. Nagbunga ang mga ito ng larangan ng kaalaman na kinapapalooban ng mga katutubong konsepto, teorya at metodolohiya–sa madaling salita, sikolohiyang angkop at makabuluhan para sa mga Filipino. (Pe-Pua at ProtacioMarcelino 3) Narito ang dayagram na nilikha ni Enriquez (123) kaugnay ng dalawang anyo ng pagsasakatutubo:

277

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Dayagram 1. Ang dalawang anyo ng pagsasakatutubo ayon kay Enriquez. Indigenization according to source and direction of culture flow

INDIGENOUS

INDIGENOUS

Identification of key concepts/methods/theories

Culture assimilation; indigenous versions of imported systems

Indigenous codification or re-codification

Indigenization as strategy

Semantic elaboraton

Theoretical indigenization

Systematization/Explication of implied theoretical frameworks

Content indigenization; test modification; translation of imported materials

Application/Use

EXOGENOUS

EXOGENOUS

Transfer of technology; modernization INDIGENIZATION FROM WITHOUT Basis: The exogenous Direction: Inwards (Culture-as-target)

Comparison with other theories, methods, techniques, etc. INDIGENIZATION FROM WITHIN Basis: The indigenous Direction: Outwards (Culture-as-source)

278

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

Bagama’t kapuwa may bentaha at nagsasalikop ang dalawang lapit sa pagsusulong ng Sikolohiyang Filipino, makikíta sa dayagram ang partikular na batayan, daloy, at tunguhin ng bawat isa. Gaya ng nabanggit, nagsisilbing batis sa pagsasakatutubo mula sa labas ang mga kaalamang umusbong sa ibáng wika, lipunan, at kultura patungo sa target o tagatanggap na kultura, na sa kasong ito ay ang kulturang Filipino. Matingkad sa proseso nitó ang paghagilap ng mga konsepto na maaaring itumbas sa dayuhang pananaw tungo sa pagpapaloob nitó sa sariling kultura. Kung ididikit sa kasalukuyang pananaliksik, maaaring maiugnay ito sa karaniwang pagtalakay sa damdamin, kung saan naghahanap sa wikang Filipino ng mga salita/konseptong itatapat sa mga terminong pang-emosyon na karaniwang dumarating sa anyo nitó sa wikang Ingles. Sa kabilâng dako, mula sa pagkilala sa pananaw-pandaigdig na mababakás sa pinagmumulang kulturang Filipino, umaangkla ang lapit ng pagsasakatutubo mula sa loob/kultural na pagpapatibay sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino na naisasakatuparan mula sa identipikasyon ng mga konsepto hanggang sa aplikasyon o pag-aangat nitó sa diskursong pansikolohiya sa Filipinas. Sa konteksto ng pagaaral, hindi nakapagtatakang madukal ang yaman ng mga salitâng pandamdamin sa wikang Filipino. Gayunman, mahalaga ang patuloy na paglinang sa mga salita sa pamamagitan ng pag-unawa sa lawak at lalim ng mga pagpapakahulugan batay sa literatura at aktuwal na gamit tungo sa pagtatakda ng hanggahan at kung gayon, teknikalisasyon ng mga ito para sa paggamit sa larangang tulad ng akademya. Alinsunod sa tunguhing ito ang nilalayong gawin sa kasalukuyang pananaliksik hinggil sa mga salitâng pandamdaming tumutukoy sa “sayá” sa wikang Filipino. Kung babalikan sa dayagram ang bahagi ng “indigenization from within,” makikiítang nása ikatlong hakbang ang semantikal na eleborasyon o pagpapaunlad sa antas ng kahulugan/pagpapakahulugan mula sa katutubo at pagkilala sa mga susing salita. Bagama’t marami pang mga hakbang ang susunod matápos nitó, tanging hanggang doon lamang sasaklaw ang panimulang pag-aaral ng mananaliksik. Gayunman, ang lahat ng ito ay isang pagtugon sa tunguhin ng Sikolohiyang Filipino na makapagambag sa sikolohiyang unibersal/kaalamang kros-kultural sa pamamagitan ng pagkilala sa kulturang Filipino, partikular ang wikang Filipino, bílang bukal o pinagmulan ng kaalaman (Enriquez 123; Pe-Pua 29).

279

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Dayagram 2. Kung paano makaaambag ang Sikolohiyang Filipino sa sikolohiyang unibersal/kros-kultural. Towards a Global Psychology through Cross-Indigenous Perspective

CULTURE 1 as source

CULTURE 2 as source

CROSS-CULTURAL KNOWLEDGE

KULTURAL NA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA SAYÁ

CULTURE 3 as source

CULTURE 4 as source

KULTURAL NA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITÂNG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA SAYÁ Ang mga talakay sa naunang bahagi ang siyang magsisilbing hulma ng pagsusuri sa mga salitâng pandamdaming tumutukoy sa sayá sa wikang Filipi-no. Sa pagkilates sa kasaklawan at kalaliman ng mga salita, kadikit ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito, mahalagang sangkap ang aspektong unibersal na pinasimulan ng NSM at ang aspektong partikular na tangan ng makahulugang dimensiyong loob-labas at kultural na pagpapakahulugang batay sa pakikipagtalastasan. Maaaring ang pormulasyon ng paliwanag hinggil sa “happy” na nabanggit sa itaas ay may pagkakahawig sa mga salitâng pandamdaming tumutukoy sa sayá sa wikang Filipino. Gayunman, hindi ito tahasang masasabing magkatulad dahil sa nagkakaibang kinapapaloobang kultura at paraan ng paggamit at kung gayon, maaaring maaninag ang panibagong pormulasyon ng mga ito. Bílang panimulang pag-unawa, sinangguni ng mananaliksik ang ilang diksiyonaryong monolingguwal at narito ang naging pakahulugan sa mga salitâng kaugnay ng sayá:

280

Bagong Diksiyonaryong Pilipino-Pilipino (Silverio)

kasiyahan, kaginhawahan, kaluwagan o ginhawa na ipinagkaloob o tinanggap; konsolasyon, konswelo; ligaya, kaligayahan, libang

Bagong Diksiyonaryong Pilipino-Pilipino (Silverio)

tuwa, lugod, ligaya, kasiyahang-loob, saya

tuwa, luwalhati, galak, lugod, saya, pelisidad, glorya, igaya

galak, tuwa, kasiyahan, sigla

Salita

alíw

Salita

galák

281

ligáya

lugód

kasiyahan at katuwaang likha ng pagkahalina o pagkaakit sa isang tao, bagay, hayop, atbp; galak

damdamin ng ganap na kasiyahan

damdamin ng pagkatuwa o kasiyahan; pagkamasaya, natutuwa, nagsasaya

Diksiyonaryo ng Wikang Filipino (KWF)

kasiyahang-loob, katuwaan o ligaya; anumang nagbibigay ng ginhawa, ligaya, at iba pang kasiyahan

Diksiyonaryo ng Wikang Filipino (KWF)

tuwa, galak, aliw

luwalhati, tuwa, saya, glorya, igaya, kaligayahan

lugod, tuwa

Diksiyunaryo FilipinoFilipino 2000 (Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila)

libang, alo, laro, konswelo, ligaya, kaligayahan, saya

Diksiyunaryo FilipinoFilipino 2000 (Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila)

kasiyahan ng isang tao

aliw, tuwa, galak, lugod

pagkatuwa, kasiyahan, pagkamasaya

Diksiyunaryong Monolingwal sa Filipino (Gonzalez)

kasiyang-loob, katuwaan o ligaya; ang anumang nagbibigay ng kasiyahang-loob, katuwaan, ginhawa at ligaya

Diksiyunaryong Monolingwal sa Filipino (Gonzalez)

kasiyahan o katuwaang likha ng pagkahalina o pagkaakit sa isang tao, bagay, hayop, atbp.; galak

damdamin ng ganap na kasiyahan

damdamin ng pagkatuwa o kasiyahan; pagkamasaya; lugod, tuwa, saya, ligaya, luwalhati

The New Filipino Filipino with English Dictionary (Encleare Foundation)

kasiyahang-loob, katuwaan o ligaya

The New Filipino Filipino with English Dictionary (Encleare Foundation)

TALAAN 2. KAHULUGAN NG MGA SALITÂNG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA SAYÁ MULA SA IBÁ’T IBÁNG DIKSIYONARYONG MONOLINGGUWAL SA FILIPINO

kasiyahan o katuwaang likha ng pagkahalina sa isang tao, bagay, hayop, at iba pang nilalang

saya

saya

UP Diksiyonaryong Filipino (Almario)

anumang nagdudulot ng kasiyahang-loob at katuwaan

UP Diksiyonaryong Filipino (Almario)

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

tuwa, galak, ligaya, lugod, pagtatamasa

sayá

Bagong Diksiyonaryong Pilipino-Pilipino (Silverio)

galak, lugod, kasiyahan ng loob, saya, ligaya

pagkagusto sa mabuting karanasan; pag-ulit ng ginawang kasiya-siya

Salita

tuwâ

wíli



kaligayahan, glorya, kasiyahan o kagalakang ganap

luwalhatì

siyá

Bagong Diksiyonaryong Pilipino-Pilipino (Silverio)

Salita

282 kasiyahang tinatama sa isang pook na tinitirhan o pinagliliwaliwan, na ang ibig ay doon na mamalagi; pagkaaliw sa pinapanood o binabasa na siyang naging dahilan ng pagkalimot sa ibang bagay

kasiyahang-loob na nadarama ng isang tao kapag nakukuha niya ang kanyang gusto, nakakita siya ng bagay na katawa-tawa, atbp.

Diksiyonaryo ng Wikang Filipino (KWF)

kasapatan; lugod; kaluguran

katuwaan; pagkatuwa ng marami; galak, ligaya

kaligayahang walang hanggan; kaligayahang may kaganapan sa ibabaw ng lupa

Diksiyonaryo ng Wikang Filipino (KWF)

gusto, kawilihan, interes

ligaya, galak, saya

Diksiyunaryo FilipinoFilipino 2000 (Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila)

maganda, kawili-wili

tuwa, lugod, galak o ligaya

kaligayahan, glorya, kasiyahan, ganap na kagalakan

Diksiyunaryo FilipinoFilipino 2000 (Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila)

pagkaaliw sa panonood, pagbabasa o paggawa ng anuman

galak, kagalakan; lugod, kaluguran; ligaya, kaligayahan; saya, kasayahan

Diksiyunaryong Monolingwal sa Filipino (Gonzalez)

ligaya, lugod, kasapatan

tuwa, lugod, galak, ligaya

kaligayahang walang hanggan; kaligayahang may kaganapan sa ibabaw ng lupa

Diksiyunaryong Monolingwal sa Filipino (Gonzalez)

kasiyahang tinatamo sa isang pook na tinitirhan o pinagliliwaliwan, na ang ibig doon na mamalagi

kasiyahang-loob na nadarama ng isang tao kapag nakukuha niya ang kaniyang gusto, nakakita siya ng isang bagay na katawa-tawa

The New Filipino Filipino with English Dictionary (Encleare Foundation)

kasapatan

pagkakatuwa ng marami

kaligayahang walang hanggan

The New Filipino Filipino with English Dictionary (Encleare Foundation)

kasiyahan o tuwa sa isang bagay, tao o pook

saya

UP Diksiyonaryong Filipino (Almario)

kasiyahan; pagiging sapat; ugat ng pasiya

damdamin kaugnay ng suwerte, tagumpay at kasiyahan

sukdulang kaligayahan, karangalan o kabantugan, ganap na kasaganaan

UP Diksiyonaryong Filipino (Almario)

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

Kapansin-pansin sa mga naitala ang ikutang pagpapakahulugan ng mga salita. Bagama’t tinatanggap ito bílang paunang antas ng pag-unawa sa salita, limitado ito kung gagamitin sa mas teknikal na diskurso. Sa paghihimay ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga salita, mahalagang angklahan ang mga simpleng konseptong hatid ng NSM. Gayunman, dulot na rin partikularidad ng wika at kultura, hindi maiiwasan ang ilang pagbabago dito kaugnay ng kultural na pagpapatibay at kung gayon, nása konteksto ng pag-unawa para sa pagsasakatutubo ng disiplina ng Sikolohiya. Bílang inisyal na pagsusuri sa kahulugan at paggamit, mahihinuhang pinakasimple sa lahat ang tuwâ na mailulugar sa ganitong kognitibong senaryo: Tuwâ a) may naramdaman si X (dahil may naisip si X) b) minsan naiisip ng tao na: c) “may nangyayaring mabuti d) gusto kong nangyayari ito” e) kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng mabuti f ) may naramdamang gaya nitó si X Umaayon ito sa sinasabing “nadarama ng isang tao kapag nakukuha niya ang kaniyang gusto.” Gayunman, hindi ito sa loob lámang ng sarili dahil maaaring magdulot ng tuwâ ang “mga bagay na katawa-tawa.” Higit na makikita ang partikularidad kung ihahambing ito sa mas popular na sayá: Sayá a) may naramdaman si X (dahil may naisip si X) b) minsan naiisip ng tao na: c) “may nangyaring mabuti d) gusto kong mangyari ang gaya nitó e) wala na akong ibáng gusto sa ngayon” f ) kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng mabuti g) may naramdamang gaya nitó si X h) naipadama ni X ang naramdaman kay Y i) naramdaman din ito ni Y Kaiba sa tuwâ na maiuugnay na kasalukuyang nagaganap, maaaring mabuo ang realisasyon ng sayá matápos ang isang bagay o pangyayari (e.g. “Ang sayá ng biyahe namin.”). Gayundin, maaaring hindi ito ang partikular na gusto ng tao kundi bahagi ng kaniyang kabuoang ginugusto na nararanasan ng katawan (Javier 103) gaya ng

283

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

suwerte at tagumpay. Mapapansin din ang pahayag na “wala na akong ibáng gusto sa ngayon” ay nagpapahiwatig ng pagiging pansamantala at panandalian ng pakiramdam (Javier 101). Esensiyal ding elemento ng sayá ang pagpapamalas nitó sa pamamagitan ng kilos (Javier 101)—samakatwid, sa dimensiyong labas–na madarama ng kapuwa kayâ “naipadama ni X ang naramdaman kay Y.” Ang pagkaramdam din ng ganito ni Y ang naghuhudyat sa kahulugang ibinigay sa mga diksiyonaryo na pagkatuwa ng marami. Kung gayon, hindi nakapagtatakang ang kasayahan ay itinutumbas sa piging o party dahil kinapapalooban ito ng marami (kayâ, “masayá kung sáma-sáma,” “mas marami, mas masayá”). Bagama’t sa paimbabaw na pagtingin ay nagpapalit lámang ng patinig ang sayá para maging siyá, maipapaloob pa rin ang hulí sa ibáng kognitibong senaryo: Siyá a) may naramdaman si X (dahil may naisip si X) b) minsan naiisip ng tao na: c) “may nangyaring mabuti ngayon d) gusto kong mangyari ang gaya nitó sa ngayon” e) kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng mabuti f ) may naramdamang gaya nitó si X Matingkad na ipinapakahulugan sa siyá ang kasapatan at kung gayon, maiuugnay ito sa pagtamasa ng mabuti sa mismong sandaling maganap ito. Dagdag pa rito, maaaring hindi ito ang tiyak na gusto ng isang tao (kayâ walang pagtitiyak na wala na siyang ibá pang gusto) subalit sa ngayon ay mainam na ring nangyari ang anumang mabuting nararamdaman. Kung bibigyang-pansin naman ang lugód: Lugód a) may naramdaman si X (dahil may naisip si X) b) minsan naiisip ng tao sa ibá na: c) “may nangyaring mabuti sa akin d) gusto kong mangyari ito e) wala na akong ibá pang gusto sa ngayon” f ) kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng mabuti g) may naramdamang gaya nitó si X Ang partikular na pagtukoy sa “naiisip ng tao sa ibá” para sa kognitibong senaryo ng lugód ay nakalinya sa personal (“sa akin”) pagdanas nitó dulot ng “pagkahalina

284

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

o pagkaakit sa isang tao, bagay, hayop, at ibá pa.” Mula rin dito, mahihinuhang ang damdamin ay ninanais sa isang panahon na maaaring panandalian lámang (“gusto sa ngayon”) gaya ng sayá. Gayunman, kaiba sa nauna, ang pagkakagusto na tinukoy sa lugód ay tiyak sa pinag-uukulan (“Gusto kong mangyari ito”). Umaayon ito sa kahulugan ng lugód bílang katumbas ng pagmamahal sa wikang Kapampangan. May bahid din ng pagkahalina o pagkaakit, karaniwan sa isang bagay, ang táong nakararamdam alíw at wíli. Ito ang dahilan kung bakit ito lumulugar sa personal na danas ng katawan. Gayunman, maaaring mapag-ibá ang dalawa batay sa sumusunod na kognitibong senaryo: Alíw a) may naramdaman si X (dahil may naisip si X) b) minsan naiisip ng tao sa ibá na: c) “may nangyaring mabuti sa akin d) hindi ko alam na mangyayari ito e) gusto kong mangyari ang gaya nitó” f ) kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng mabuti g) may naramdamang gaya nitó si X Wíli a) may naramdaman si X (dahil may naisip si X) b) minsan naiisip ng tao sa ibá na: c) “alam ko na ngayon na may nangyaring mabuti sa akin d) gusto ko nang nangyayari ito sa ngayon” e) kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng mabuti f ) may naramdamang gaya nitó si X Ang alíw, bagama’t hindi tiyak kung mangyayari, ay inaasahan kahit papaano dahil nagbibigay ito ng ginhawa, konsuwelo o pampalubag-loob, o libang. Ito rin ang maituturong dahilan kung bakit sa lahat ng mga salitâng pandamdaming tinatalakay, ito ang madalas na nakokomodipika na makikita sa paggamit dito sa bahay-aliwan at nagbebenta ng panandaliang alíw. Kung ilulugar sa nabanggit, nagbabayad ang isang tao sa bahay-aliwan o sa nagbebenta ng panandaliang-alíw dahil inaasahan niyang mararating ang ganitong pakiramdam. Kung hindi, maaari niyang bawiin ang ibinayad o bawasan ang kaniyang tip. Kaibá sa nauna, maaaring hindi inaasahan ng tao ang pagkawíli sa isang bagay subalit sa panahong naramdaman niya, ginugusto na niya itong mangyari sa isang tiyak na panahon na siyang dahilan ng pagnanais niyang mamalagi sa isang lugar o

285

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pagkalimot sa ibá pang bagay. Dahil din dito, maaari niyang ulit-ulitin ang isang bagay (“gusto ko nang nangyayari ito”) gaya ng pagkawili sa panonood ng mga dramang pantelebisyon, paglalaro ng isang isports, at ibá pa. Sa kaso naman ng ligáya: Ligáya a) may naramdaman si X (dahil may naisip si X) b) minsan naiisip ng tao na: c) “may nangyaring higit na mabuti sa akin d) gusto kong mangyari ito e) wala na akong ibá pang gusto” f ) kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng higit na mabuti g) may naramdamang gaya nitó si X Ayon kay Bautista (31), ang ligáya ay karaniwang iniuugnay sa higit na malalim na uri ng kasiyahan. Kung gayon, kung ang sayá ay panandalian, ang ligáya ay mas pangmatagalan (Javier 101). Mahihinuha ring panloob ang pagdanas ng ligáya (ipinahihiwatig ng “may nangyaring higit na mabuti sa akin”) dahil “kaalinsabay o bunga [ito] ng higit na pagpapalalim o kapuspusan ng pagkatao” (Bautista 3132). Dagdag pa ni Javier (103), nararamdaman ito ng kalooban gaya na lámang ng “pagsinta, pagmamahal, at dalisay na pag-irog.” Magkaibá rin ang kognitibong senaryo ng galák at luwalhatì bagama’t kapuwa ito matingkad na nagagamit sa usaping panrelihiyon. Narito ang isang sipi sa Bibliya (Ang Bagong Tipan ng Magandang Balita Biblia 319) na nauugnay sa galák: Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng ibá’t ibáng pagsubok, sapagkat alam ninyo na lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matápos ninyong pagtagumpayan ang mga pagsubok na iyan. (Santiago 1:2-3) Mahihinuha na ang galák ay nagaganap sa loob ng tao na maaaring maramdaman sa kabila ng masasamâng nangyayari sa labas. Gayunman, maaaring maganap ang realisasyon sa galák kapag naunawaan na lubhang positibo (“magiging matatag ang inyong pananampalataya”; “ikinagagalak kitáng makilala” para sa isang personalidad na nais mo nang makilala noon pa man) ang kahihinatnan ng nangyayari. Mula rito, mailulugar ang galák sa ganitong kognitibong senaryo:

286

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

Galák a) may naramdaman si X (dahil may naisip si X) b) minsan naiisip ng tao na: c) “alam ko na ngayong may nangyayaring lubos na mabuti d) hindi ko inakalang mangyayari ito e) gusto ko ang nangyayaring ito” f ) kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng lubos na mabuti g) may naramdamang gaya nitó si X Sa kabilâng bandá, ang luwalhatì ay mauunawaan sa ganitong senaryo: Luwalhatì (a) (b) (c) (d) (e) (f ) (g)

may nararamdaman si X (dahil may naiisip si X) minsan naiisip ng tao na: “may nangyayaring lubos na mabuti gusto kong nangyayari ito wala na akong gugustuhin pa” kapag naiisip ito ng tao, nakararamdam siya ng lubos na mabuti may nararamdamang gaya nitó si X

Sa paliwanag ni Obispo David (sipi kay Javier 103), ang luwalhatì ang ituktok ng sarap at sayá (“lubos na mabuti”). Maididikit ito sa pakahulugang kaligayahang walang hanggan, na nagsasaad naman na ang táong nakararamdam ay tinitiyak na ninanais itong mangyari sa kasalukuyan hanggang sa malayong hinaharap (“wala na akong gugustuhin pa”). Ito marahil ang dahilan kung bakit ang luwalhatì ang siyang litaw na ginagamit ng mga awitin at dasal sa simbahang Katoliko (e.g. “Luwalhatì sa Diyos,” “Luwalhatì sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo”)—isang damdaming lubos na mabuti at nakapangyayari sa lahat. PAGLALAGOM Lantad na ngang maituturing ang pagiging maláy ng mga Filipino sa nadarama at nararamdaman. Ang pag-aaral na isinagawa hinggil sa salitâng pandamdaming tumutukoy sa sayá ay isang pag-aalingawngaw sa malaon nang sinasabing katangian natin. Gayunman, bukod sa simpleng pagtanggap dito, binubuksan ng pag-aaral ang partikular at kompleksikong pagpapakahulugan sa sayá na nasasalamin sa sariling wika. Mahahango din dito, kung gayon, ang isang malaking larangan ng pananaliksik na nagtatampok sa pananaw-pandaigdig ng mga Filipino sa usaping damdamin.

287

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Mula sa pagtatambalan ng pormularyo ng NSM at ng pag-unawa sa wika at kulturang Filipino, maaaninag ang pagkakatulad at pagkakaiba, kasaklawan at kalaliman ng mga salitâng pandamdaming natalakay na siyang nagbibigaybisa upang mabuksan ang paggamit nitó sa mga diskursong sikolohikal tungo sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa larangan ng Sikolohiya. Kaugnay nitó, isa rin itong hakbang sa patuloy na paglinang sa mga konseptong makabuluhan at magagamit sa disiplina ng Sikolohiyang Filipino. Bagama’t sa unang tingin ay maaaring lumulugar sa magkaibang dimensiyon ang NSM (unibersalista) at Sikolohiyang Filipino (pagsasakatutubo), higit na makikíta ang ugnayan nitó kung babalikan ang kasaysayan at pag-unlad ng NSM. Sa loob ng higit 40 taon, patuloy ang ebolusyon ng mga elementong itinuturing na universal semantic primitives dulot ng kros-lingguwistikong imbestigasyon tungo sa paglalatag ng natural na wika na hindi nakatali sa dominasyong Anglo-akademiko. Mula rito, maididikit ang lapit na pagsasakatutubo ng Sikolohiyang Filipino dahil nakapaghahain ang ganitong tunguhin ng pagpapatibay at maaaring pagpuna sa talaang nabuo tungo sa unibersal na pag-unawa ng mga salitâng pandamdamin. Mahalagang bigyang-diin ang pagsusuring naganap ay nása inisyal na bahagi pa lámang at kung gayon, malaki pa ang nararapat gawin upang mapalawig at ganap na makapag-ambag sa literatura ng araling emosyon. Gaya ng nagawa na sa mga wikang Español at Malay, maaaring sa proseso ng imbestigasyon ay makapaghambing ng mga elemento mula sa NSM at sa wikang Filipino at mula rito ay mahango ang tiyak na tumbas ng semantic primitives sa ating wika. Makapag-aambag sa tiyak na pag-unawa sa mga elementong ito ang pagsangguni sa mga tagapagsalita ng wikang Filipino hinggil sa pagpapakahulugan at paggamit sa mga salita, halimbawa na lámang ang damá at damdam para sa elementong “feel.” Kaugnay naman ng pormulasyon ng paliwanag/senaryo ng mga salitâng pandamdamin, makabubuti ring tingnan ang ibá pang literatura (gaya ng dimensiyong loob-labas) at mismong gamit ng salita, hindi lámang ng wikang Filipino kundi maging ng mga wika sa Filipinas, sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan. Sa masigasig na pananaliksik sa larangang ito, tunay na makaaalpas sa limitasyon ng etnosentriko/Anglosentrikong pagtingin tungo sa pag-unawa sa damdamin na lubog sa sariling wika at kultura. TALÂ Si Jayson D. Petras ay kasalukuyang nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Isa rin siyang affiliate faculty ng UP Diliman Extension Program in Pampanga ng UP Open University. Kasapi/opisyal siyá ng Pambansang Samahán sa Wika, Pambansang Samahán

*

288

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

1

sa Sikolohiyang Pilipino at Pilandokan Ink. Kabílang sa mga publikasyon niya ang Teksbuk sa Pagsasalin (kasamang awtor), Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino (kasámang editor), at Diwa E-Journal: Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino Vol. 1 No. 1 (kasámang editor). Para sa pag-aaral na ito, ang salitâng emosyon ang gagamitin ng mananaliksik para tukuyin ang mga naging pag-aaral sa larangan sa labas ng bansa. Ang damdamin ay partikular na gagamitin sa bahagi ng pagdalumat dito sa kontekstong Filipino, partikular sa pagsasakatutubo mula sa loob ng mga salitâng tumutukoy sa “sayá.”

SANGGUNIAN Almario, Virgilio S., ed. UP Diksiyonaryong Filipino. Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman and Anvil Publishing Inc., 2010. Print. Ang Bagong Tipan ng Magandang Balita. Manila: Philippine Bible Society, 1984. Print. Atkinson, Rita L., et al., eds. Introduction to Psychology. 9th ed. USA: Harcourt Brace Jovanovich Publishers, 1987. Print. Bautista, Violeta V. “Gaan at Gana sa Buhay: Sikolohiya ng Sarap, Ligaya at Ginhawa sa Pananaw ng Sikolohiyang Pangklinika.” ISIP: Mga Kaisipan sa Sikolohiya, Kultura at Lipunang Pilipino 1 (2011): 15-44. Print. Ciccarelli, Saundra K., and J. Noland White, eds. Psychology, 2nd ed. Singapore: Pearson Education South Asia Pte Ltd., 2009. Print. Clifton, Jon. “Singapore Ranks as Least Emotional Country in the World: Residents Living in the Philippines Are the Most Emotional.” Gallup. 21 November 2012: n.p. Web. 7 February 2014. Diksyunaryo Filipino-Filipino 2000. Manila: Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila, 2000. Print. Diksyunaryo ng Wikang Filipino. Sentinyal ed. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino, 1998. Print. Durst, Uwe. “The Natural Semantic Metalanguage Approach to Linguistic Meaning.” Theoretical Linguistics 29.3 (2003): 157-200. Print. Enriquez, Virgilio G. “Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino sa Disiplina ng Sikolohiya.” Lecture. Bilinggwalismo sa Pamantasan. FEU Auditorium, Far Eastern University, Manila. 15 August 1977. Print. ---. “Nanganganib nga ba ang Sikolohiyang Pilipino Dahil sa Wikang Ingles?” Sikolohiya ng Wikang Filipino. Eds. Lilia F. Antonio and Ligaya Tiamson-Rubin. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2003. 50-57. Print. ---. “Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at Direksyon.” Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit. Ed. Rogelia Pe-Pua. Quezon City: U of the Philippines P, 1982. 5-21. Print. ---. “Towards Cross-Cultural Knowledge through Cross-Indigenous Methods and

289

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Perspective. Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit. Ed. Rogelia PePua. Quezon City: U of the Philippines P, 1982. 120-130. Print. Enriquez, Virgilio G., and Amelia B. Alfonso. “Ang Pananaw sa Buhay at Weltanschauung na Mahihiwatigan sa Sikolohiya ngWikang Tagalog.” Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino. Eds. Lilia F. Antonio, Anatalia G. Ramos, and Aura Albano-Abiera. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2011. 77-91. Print. Epistola, Silvino V. “Wika at Kamalayan.” Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino. Eds. Lilia F. Antonio, Anatalia G. Ramos, and Aura Albano-Abiera. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2011. 22-29. Print. Goddard, Cliff. Semantic Analysis: A Practical Introduction. New York: Oxford UP Inc., 1998. Print. Gonzalez, Andrew B. Diksiyunaryong Monolinggwal sa Filipino. Manila: De La Salle UP. 2005. Print. Heelas, Paul. “Emotion Talk across Cultures.” The Emotions: Social, Cultural and Biological Dimensions. Eds. Rom Harré and W. Gerrod Parrott. London: SAGE Publications, 1996. Print. Javier, Roberto E. Jr. “Mahirap ka na nga, Malulungkot Ka pa, Mas Mahirap Yon! Pagiging Masayahin at Paraan ng Pag-agapay ng Karaniwang Pamilyang Filipino sa Harap ng Hirap.” Malay 23.1 (2010): 99-109. Print. Kachru, Braj B. “Englishization and Contact Linguistics: Dimensions of the Linguistics Hegemony of English.” English and Language Planning: A Southeast Asian Contribution. Eds. Thiru Kandiah and John Kwan-Terry. Singapore: Times Academic P, 1994. 19-49. Print. Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino. Quezon City: Ateneo de Manila UP, 2002. Print. Pe-Pua, Rogelia, and Elizabeth Protacio-Marcelino. “Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni Virgilio G. Enriquez.” Binhi 1.1 (2002): 1-40. Print. Pe-Pua, Rogelia. “Kros-Katutubong Perspektibo sa Metodolohiya: Ang Karanasan ng Pilipinas.” Binhi 2.1 (2005): 1-37. Print. Salazar, Zeus A. “Ang Kamalayan at Kaluluwa: Isang Paglilinaw ng Ilang Konsepto sa Kinagisnang Sikolohiya.” Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit. Ed. Rogelia Pe-Pua. Quezon City: U of the Philippines P, 1982. 83-92. Print. Santos, Vito C., and Luningning E. Santos. New Vicassan’s English Pilipino Dictionary. Pasig: Anvil Publishing Inc., 1995. Print. Silverio, Julio F. Bagong Diksiyunaryong Pilipino-Pilipino. Manila: National Book Store, 1980. Print. The New Filipino with English Dictionary. Manila: Encleare Foundation, 2007. Print. Wierzbicka, Anna. “Human Emotions: Universal or Culture Specific?” American

290

ANG PAGSASAKATUTUBO MULA SA LOOB/KULTURALNA PAGPAPATIBAY NG MGA SALITANG PANDAMDAMING TUMUTUKOY SA “SAYÁ”: ISANG SEMANTIKALNA ELABORASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG SIKOLOHIYA

Anthropologist 88.3 (1986): 584-594. JSTOR. Web. 28 August 2013. ---. Emotions across Languages and Cultures: Diversity and Universals. United Kingdom: Cambridge UP, 1999. Print. ---. “Language and Metalanguage: Key Issues in Emotion Research.” Emotion Review 1.1 (2009): 3-14. SAGE. Web. 1 October 2013. ---. “Overcoming Anglocentrism in Emotion Research.” Emotion Review 1.1 (2009): 21-23. SAGE. Web. 1 October 2013.

291

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941 NI

MICHAEL D. PANTE Pamantasang Ateneo de Manila

N

ang nagsimula ang motorisasyon ng transportasyong panlungsod sa Maynila sa maagang bahagi ng ikadalawampung siglo (1900-1941), maraming pagbabago ang idinulot nitó. Ang de-koryenteng trambiya at kotse ay hindi lang nagpabilis sa paggalaw sa loob ng lungsod, naging instrumento pa ito sa pagpapakalat ng mga Americanong mánanakop sa diskurso ng modernidad. Bagama’t nagamit ang diskursong ito para sa pagpapanatili ng kolonyalismo, dapat isaisip na hindi lang ang mga mananakop ang nakinabang dito. Aktibo ring iniangkop ng mga manggagawang pantransportasyon–mga empleado ng trambiya at mga tsuper ng kotse–ang konsepto ng modernidad upang makita at maipakita nilá ang kanilang sarili bílang isang grupo ng mga modernong manggagawa. Sa perspektibong sosyo-ekonomiko, naging bahagi silá ng isang lumalaking panggitnang-uri na may nakasasapat na antas ng kità. Sa perspektibong politikal, nakaugat silá ng mga modernong taktika ng pakikipagtuos, tulad ng pag-uunyon at pagwewelga, sa mga naghaharing-uri. INTRODUKSIYON Nagsimula sa maagang bahagi ng ikadalawampung siglo (1900-1941) ang motorisasyon ng transportasyon sa Maynila. Bagama’t sa yugtong ito mahalaga pa rin ang mga sasakyang gumagamit ng lakas-tao (hal. bangka) at lakas-hayop (hal. karomata), unti-unting nasapawan ang mga ito ng de-koryenteng trambiya,

292

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

bus, at kotse. Samantala, hindi mauunawaan ang pagbabagong ito nang hiwalay sa konteksto ng kolonyalismong Americano. Produkto ng Americanong industriya at impresa ang karamihan sa mga bagong moda ng transportasyon. Gayundin, malaki ang ambag ng pagbabagong ito sa ideolohikong pundasyon ng kolonyalismo: ipinasok ito sa diskurso ng modernisasyon, isang patunay diumano ng kaunlarang tinatamasa ng mga katutubo sa ilalim ng mabuting pamamalakad ng Estados Unidos. Hindi layon ng artikulong ito na suriin ang diskurso ng modernidad na tinukoy dito; bagkus, tatalakayon dito ang isa pang proseso ng modernisasyong idinulot ng malawakang pagbabago sa transportasyong panlungsod sa Maynila: ang pagusbong ng isang modernong lupon ng mga manggagawa. Tinutukoy ng katagang modernisasyon sa artikulong ito ang magkakaugnay na pagbabago sa katayuan ng mga manggagawa palayo sa nakagisnang estado at estrukturang tradisyonal. Tuon ng diskusyon ang ilang aspekto ng pagbabagong ito: sosyo-ekonomikong pagasenso, pag-oorganisa ng mga unyon at pederasyon, at paglawak ng kamalayang politikal. Nakalimita ang talakayan sa mga manggagawa ng panlupa at pampasaherong serbisyo (samakatwid, hindi kasali ang sektor ng pagmamanupaktura ng sasakyan) ng transportasyong panlungsod, isang sektor na hindi pa masyadong litaw sa literatura. Ang mismo ngang kasaysayan ng transportasyon ay hindi gaanong napapansin sa historyograpiyang Filipino, at iilang historyador lang ang nakapaglimbag na ng mga kaugnay na akda (Corpuz, de Jesus; Sta. Maria). Sa kabilâng bandá, ang sanaysay na ito ay hindi lang ambag sa kasaysayan ng transportasyon, kundi sa kasaysayan ng kilusang paggawa, isang erya ng disiplina na masasabing higit na maunlad kaysa kasaysayan ng transportasyon. Inaasahang magsisilbing tulay ang sanaysay na ito upang maitawid ang mga teoretikong balangkas mula sa kasaysayan ng kilusang paggawa tungo sa higit na pag-unawa sa kasaysayan ng transportasyon. Ilalapat sa partikular na karanasan ng mga tsuper, konduktor, at motormen ang mga teorya nina Melinda Kerkvliet, Daniel Deoppers, at Vivencio Jose ukol sa unyonismo, pag-usbong ng panggitnang uri at radikalisasyon. SOSYO-EKONOMIKONG POSISYON SA LIPUNAN Hindi biglaan ang pagdomina ng de-makinang transportasyon sa Maynila, subalit maaaring tukuyin ang unang dekada ng ikadalawampung siglo bílang simula ng pagbabagong ito. Taóng 1905 nang pasinayaan ang de-koryenteng trambiya ng Manila Electric Railroad and Light Company (MERALCO). Pinalitan nitó ang naunang trambiyang de-kabayo ng Compania de los Tranvias de Filipinas na nagsimula noong 1887 at mabilis na naging popular sa mga pasahero (Paterno 4-13, “To improve” 4). Isa

293

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pang mahalagang pangyayari sa dekadang ito ang pagdating ng kotse sa lungsod (Sta. Maria 1741) at ang pagsali nitó sa sistema ng pampublikong transportasyon. Bagama’t hindi ito kasimpopular ng trambiya dahil sa presyo nitó—mahal bumili ng sariling kotse at mahal din ang pamasahe sa mga pampublikong kotse—dahan-dahan itong naging dominante sa lungsod. Kalaunan, naging “status symbol” ang kotse. Sa mga sumunod na dekada, napunô ang mga kalye ng Maynila ng samot-saring de-makinang moda: taxi, bus, at ibá pa. Ikinatuwa ng mga Americano ang pamamayagpag ng mga de-makinang sasakyan. Nakita nilá ang pagbabagong ito bílang isang proseso ng modernisasyon ng Maynila. Nang pinasinayaan ang de-koryenteng trambiya, itinuring ito ng pahayagang Manila Times, ang pahayagang kumakatawan sa sentimyento ng mga Americanong sibilyan sa lungsod, na isang mahalagang pangyayari, “a red letter day in the history of the Philippines” (“This is a red letter day” 1). Gayunman, nanatiling mahalaga ang mga sasakyang tradisyonal tulad ng karomata at jitney. Panahon pa lámang ng kolonyalismong Español, popular na sa mga residente ng Maynila ang karomata, isang karwaheng payak at ng isang kabayo at karaniwang nagsasakay ng isa o dalawang pasahero. Samantala, pangmaramihan ang jitney na lumaganap pagpasok ng ikadalawampung siglo. Dahil sa tindi ng kompetisyon sa paghahalo ng mga bago at lumang moda ng transportasyon, nagkaroon ng tunggalian sa kalye na mailalarawan bílang “anarchic struggle” (McCoy at Roces 21). Datapwat, sa tulong ng impraestruktura at suporta ng estado, napatatag ng mga de-makinang moda ang kanilang posisyon hábang nadehado ang mga sasakyang tradisyonal. Tulad ng anupamang siyudad, mahalaga para sa Maynila ang sistema nitó ng transportasyon. Hindi lang ito susi sa malayang daloy ng tao at produkto sa lungsod, nakaaapekto ito sa ibá’t ibáng aspekto ng lipunan. Isa na rito ang aspekto ng paggawa na malinaw na nakita noong maagang bahagi ng ikadalawampung siglo. Sa tagumpay ng motorisasyon, nagkaroon ng mga bagong linya ng trabaho (tsuper para sa mga kotse, konduktor sa mga bus, atbp.) at pagtaas ng bílang ng mga manggagawa ng sektor ng transportasyon. Mula sa kabuoang populasyong 219,928 ng Maynila noong 1903. Mayroong 44,749 katao ang may trabahong nakalista sa kategoryang “trade and transport sector.” Iilan lang sa mga ito ang direktang konektado sa transportasyong panlungsod: 5,649 kutsero at 76 empleado ng tren (parehong Maynila-Dagupan Railway at ang de-kabayong trambiya) (US Bureau of the Census 2: 883, 1004). Subalit noong 1939, kung kailan 623,492 na ang populasyon ng lungsod, umabot sa 29,144 ang bílang ng mga manggagawa sa ilalim ng sektor ng transportasyon at komunikasyon. Makikita sa Talahanayan 1 ang higit na detalyadong paglalarawan ng estadistikang ito.

294

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

Talahanayan 1. Bílang ng mga empleado sa ibá't ibáng moda ng transportasyon panlungsod sa Maynila, 1939. Linya ng Trabaho

Bílang ng Empleado

Streetcar System (440) Officials

16

Agents, conductors, and inspectors

320

Laborers and other workers

104

Bus and Truck Transport (1,121) Owners and officials

110

Agents, conductors, and drivers

810

Laborers and other workers

201

Taxi Transport (1,061) Owners

26

Drivers

1,035

Horse-drawn Vehicles (4,690) Owners

1,333

Cochers and other workers

3,357

Chauffeurs (5,751) Working for private owners

3,395

Working for other employers

2,356

Pinagkuhanan: Philippine Commission of the Census I, part 3: 32.

Higit pa sa simpleng pagdami ng mga manggagawa at linya ng trabaho ang nangyaring pagbabago. Malaki rin ang naging epekto ng transportasyong panlungsod sa pag-usbong ng malayang merkado para sa lakas-paggawa at ang pag-unlad ng isang panggitnang-uri. Sa pagpasok ng ikadalawampung siglo, wala pang matibay na sistema ng malayang merkado para sa lakas-paggawa sa Filipinas, kahit sa Maynila (Bankoff 66). Nanatiling malakas ang mga tradisyonal na paraan ng pagkalap ng mga trabahador para sa mga impresa at pagawaing bayan (public works). Pangunahing halimbawa nitó ang sapilitang paggawa at coolie labor. Malaking suliranin ang kakulangang ito para sa mga Americanong nais mamuhunan sa bansa. Sa simula pa lang, intensiyon na ng mga Americano na ibasura ang ganitong sistema ng pagkalap ng lakas-paggawa na tingin nilá ay hindi angkop sa modernong sistema ng pagnenegosyo (Clark 194). At marami ang nangahas na maghanap ng mga empleado mula sa malayang merkado ng paggawa kahit hindi pa ito matatag noong panahong iyon. Isang halimbawa rito ang sektor ng transportasyong panlungsod, isang sektor ng negosyo na naging popular sa mga Americanong mamumuhunan (Gleeck, Manila Americans 79).

295

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Kung naging simbolo ng pagbabago ng sektor ng paggawa ang mga nagpapatakbo ng mga sasakyang de-motor, naging kinatawan din silá para sa papausbong na panggitnang-uri sa lungsod (Deoppers 33-34, 59-60, 88). Sa puntong ito, dapat linawin na limitado ang akses sa mga bagong linya ng trabaho, at hindi lahat ng manggagawa sa modang tradisyonal ay nakalipat sa modernong sektor. Karamihan sa mga pinalad na makakuha ng oportunidad sa bagong bukás na sektor ay yaong mga nakapasok sa pormal na sistema ng edukasyon at may maayos na antas ng literacy. Ipinagmalaki nga ng MERALCO na higit na matalino sa karaniwang manggagawa ang mga empleado nitó. Sinasabing 80 bahagdan ng mga konduktor ang káyang magsalita at magsulat sa Ingles, hábang pamilyar sa wika ang 20 bahagdan ng mga motormen (“Lookout” 1; Pante, “Ang sasakyan” 118-119). Kailangan ding pumasá sa isang eksamen ang mga motormen upang masubukan ang kanilang pisikal na lakas at antas ng edukasyon bago silá tanggapin (Board of Public Utility Commisioners 125). Ganito rin ang kaso sa mga drayber ng kotse. Taóng 1910 pa lámang, may matibay nang paninindigan ang mga opisyal ng Maynila na dapat may mahigpit na kontrol ang estado sa kung sino lang ang maaaring magpatakbo ng mga kotse. Nagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng lisensiya na nakabatay rin sa isang eksamen (Municipal Board of Manila 45-46). Kung gayon, pilîng-pilî ang mga manggagawang nakinabang sa mga pagbabagong dalá ng motorisasyon. At para sa mga napili, malaki ang kanilang naging pakinabang. Kompara sa tradisyonal na sektor ng transportasyon, kadalasang malaki ang sahod sa modernong sektor. Naging daan ito para sa pag-angat ng sosyo-ekonomikong estado ng mga empleadong pinalad na makapasok sa modernong sektor, gaya ng makikita sa isang sarbey ng Bureau of Labor (Report 66-69, 95-96) noong 1909. Sa naturang sarbey kung saan 32 kutsero at 16 empleado ng MERALCO ang nakapanayam, lumitaw ang malaking pagkakaiba ng dalawang sektor. Karamihan sa 32 kutsero ay nagtatrabaho ng siyam na oras araw-araw sa buong linggo. Isa lang sa kanila ang sumasahod nang arawan (PHP1.00/araw), tatlo ang lingguhan (PHP6.00/linggo), hábang buwanan naman para sa nátirá na may average na PHP15.80 kada buwan. Kung kakalkulahin ang naturang sahod para sa isang taon, lalabas na yaong arawan ang sahod ang may pinakamataas na kinikita (PHP360.00) hábang ang mga buwanang sumasahod ang may pinakamababa (PHP120.00-PHP336.00). Tatlo lámang sa mga nasarbey na kutsero ang may pinagkakakitaan. Para sa mga empleado ng Meralco, nahahati ang sample na 16 manggagawa sa tatlong motormen, 11 konduktor, at dalawang inspektor. Tulad ng mga kutsero, nagtrabaho silá nang siyam na oras sa isang araw, Lunes hanggang Linggo. Sumasahod

296

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

ang lahat ng PHP0.17 kada oras liban sa isang inspektor na binabayaran ng PHP51.00 kada buwan. Gayunman, kung kakalkulahin ang kanilang sahod para sa isang taon, lalabas na lahat ay kumikita ng PHP612.00 bawat taon. Malinaw sa resulta na doble ang kadalasang kinikita ng isang empleado ng MERALCO kompara sa isang kutsero. Mas matingkad pa ang sosyo-ekonomikong agwat ng dalawang grupo pagdating sa aspekto ng gastusin, gaya ng ipinapapakita sa Talahanayan 2. Talahanayan 2. Taunang gastusin (PHP) ng isang sample ng mga empleado ng de-koryenteng trambiya at ng mga kutsero sa Maynila, 1909.

Type of Expense House Rents

STREETCAR WORKERS, N=16

COCHEROS, N=32

na

na

11

Average

Range

81.63

24-120

8

Average

Range

42.75

12-90

Land Rent

2

27

18-36

0

n/a

n/a

Light

13

9.46

6-11

13

6.97

3.60-10

Drinks

7

12.57

5-36

0

n/a

n/a

Cigars

15

18.53

12-36

31

15.09

6-22

Meals

16

300.50

78-365b

18

13.27

15-365

Sickness

0

-

-

9

11

1.20-44

Laundry

9

38.55

24-48

15

27.46

4-48

Fuel

0

-

-

1

18

18

Clothing

16

31.06

20-50

32

20.46

8-40

Poll Tax

16

2

2

28

2

2

Total Cost of Living

16

445.31

206-589

32

141.17

39-420

Amusement

5

9

5-15

16

5.34

1.40-10

Tools

0

-

-

2

12.50

10-15

Land Tax

2

1.90

0.80-3

3

0.93

0.46-1.34

Books

1

10

10

1

1.20

1.20

House Repairs

1

100

100

0

n/a

n/a

Charity

0

-

-

2

5

4-6

Other Expenses

13

22.53

5-52

20

74.35

1.50-22

Total Expenses

16

473.55

216-611

32

149.70

39-441

Pinagkuhanan: Bureau of Labor, Report, 66-69,95-96.

297

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa antas ng “total cost of living,” nangangailangan ang karaniwang kutsero ng PHP141.00 upang matustusan ang kaniyang batayang pangangailangan hábang triple nitó ang halagang kailangan ng isang karaniwang empleado ng trambiya. Higit na litaw ang kaibahan ng dalawa sa aspekto ng mga gastusing hiwalay pa sa cost of living, PHP28.00 naman ang idinagdag ng isang karaniwang empleado ng Meralco. Sa mga empleado ng Meralco, PHP611.00 ang pinakamalaking taunang gastusin samantalang may isa ngang kutsero na hindi man lang gumastos ng isang sentimo lampas sa kaniyang cost of living. Halos ganito rin ang makikitang pagkakaiba sa census na isinagawa noong 1981. Lumabas dito na PHP1.78 ang average na arawang sahod ng mga tsuper sa Maynila hábang PHP1.22 naman para sa mga kutsero (Philippine Islands IV, part 1: 74-76). Bagama’t mayroon ding mga kutserong mataas ang sinasahod, partikular na yaong mga nagtatrabaho para sa mga pribadong employer (Clark 830), ang karaniwang kutsero na nása pampublikong transportasyon ay pasók pa rin sa nabanggit na paglalarawan. Kinumpirma ng sarbey na ito ang pagsusuri ni Deoppers (90-91) sa dikotomiya ng mga manggagawa sa Maynila mula 1900 hanggang 1941. Batay sa kaniyang pagaaral ng datos mula sa 1939 Census, iginiit ni Deoppers na kadalasang napupunta ang mga trabahong may mas malaking sahod sa mga laláking residenteng may mataas na antas ng literasi, mas mahabang karanasan sa pagtatrabaho, at mas matagal nang naninirahan sa lungsod. Madalas ding nása “upper circuit” ng ekonomiya ang mga trabahong ito, tulad ng makikita sa sektor ng transportasyon. Nabibílang sa ganitong uri ng trabaho ang pagiging konduktor ng trambiya, tsuper ng taxi, at, kahit papaano, mga personal na drayber. Samantala, nása kabilâng panig ng occupational spectrum ang mga kutserong karaniwang mababa o walang pinag-aralan, batà, at bagong salta sa lungsod. Bukod sa mababang sahod, mabagal din ang pagtaas nitó para sa mga kutsero. Ang karaniwang sahod na PHP30.00/buwan noong 1902, siya pa ring kinikita ng mga kutsero noong 1910 (US Bureau of the Census IV: 444-445). Malaking problema ang dis-empleo sa sektor ng transportasyon na nararanasan kahit ng mga nása “upper circuit.” Halimbawa, noong 1928, 500 sa 5,000 kasapi ng Union de Chauffers de Filipinas ang walang trabaho (Bureau of Labor, The Activities 153). Gayumpaman, malinaw pa rin ang pagkakaibá ng dalawang grupo ng manggagawa. Kompara sa average na tantos ng dis-empleo noong 1939, mas mataas ng 18 bahagdan kompara sa parehong average ang tantos ng dis-empleo para sa mga drayber ng kotse, drayber at konduktor ng bus, tsuper ng taksi, at konduktor ng trambiya (Deoppers 106-109). Ang malaking agwat ng dalawang grupo ng manggagawang pantransportasyon ay maiuugnay rin sa isang aspekto ng modernisasyon: ang pagpasok ng makina sa araw-araw na trabaho ng mga tsuper at motormen. Gaya ng sinasabi sa pag-aaral

298

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

nina Wiese at Reticker (84-94) sa kalagayan ng Estados Unidos sa maagang bahagi ng ikadalawampung siglo, malaki ang ginawang pagbabago ng motorisasyon sa sistema ng paggawa. Nangangahulugan lámang na yaong mga káyang makaunawa at magpatakbo—at makasabay sa mabilis na pagbabago—sa modernong teknolohiya ang siyang mabibiyayaan ng tumataas na tantos ng produksiyon. Samakatwid, ang modernong manggagawa ay karaniwang may maayos na antas ng pamumuhay at sapat na edukasyon o kaalaman hindi lang sa makabagong teknolohiya tulad ng makina, kundi ng mga abstraktong konsepto tulad ng pisika na nása likod ng nasabing teknolohiya. Bagama’t hindi pa rin bahagi ng naghaharing-uri, malinaw, batay sa ibá’t ibáng pamantayan, ang pagiging angat ng mga manggagawa sa mga bagong moda ng transportasyon kompara sa kanilang kapuwa manggagawa sa tradisyonal na sektor na kinakatawan ng mga kutsero (Pante, “The Cocheros” 435.) Maituturing silá bílang bahagi ng isang nabubuong panggitnang-uri. PAG-OORGANISA AT MILITANSIYA NG MGA MANGGAGAWA NG MERALCO Ayon kay Vivencio Jose (295-299), mahalaga ang panahon ng kolonyalismong Americano sa paglakas ng uring proletaryado. Isang mahalagang salik dito ang pagdami ng mga unyon na konektado sa tumitinding proletaryong kamalayan sa Maynila. Panahon ito ng paglitaw ng unang pangmanggagawang pederasyon, ang Union Obrera Democratica (UOD), na sinundan ng dalawa pa sa mga sumunod na dekada (ang Congreso Obrera de Filipinas (COF) at ang Katipunan ng mga Anak-Pawis sa Pilipinas (KAP) (cf. Kerkvliet 1992). Idagdag pa rito ang lumalaking papel ng kababaihang obrera (cf. Taguiwalo). Dapat ding tandaan na nakatulong din ang paglakas ng pormal na merkado ng lakaspaggawa upang makawala ang mga manggagawa sa mga tradisyonal na estruktura at magkaroon ng kalayaang sumapi sa mga grupong sektoral. Sa panahon ng kolonyalismong Español, maituturing na tradisyonal ang pagsasáma-sáma at pagkilos ng mga manggagawa: walang ganap na awtonomiya ang indibidwal na manggagawa na ipagbili ang lakas-paggawa niya sa isang malayang merkado; dominante ang mga labor gang at sapilitang paggawa; samantala may oryentasyong abuluyan at relihiyoso ang mga pangkat ng manggagawa. Pagpasok ng mga Americano, pumasok ang mga aspekto ng modernong pag-oorganisa: pagbuo ng mga unyon at pederasyon; malayang merkado sa lakas-paggawa; oryentasyong politikal, at kung minsan radikal; at maging militanteng pagkilos tulad ng welga (Wiese at Reticker 413-516). Mahirap makabuo ng isang malinaw na paglalarawan ng proseso ng pag-oorganisa at ang naging politikalisasyon ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon. Batay sa mga sinangguning primaryang batis, hindi matukoy kung ang mga manggagawa

299

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mismo o ang nakipag-ugnayan sa mga pederasyon o kung may mga ahente ang mga pederasyon na siyang nagpasimuno sa pagbubuo ng mga unyon sa Meralco, livery garage, at ibá pang katulad na kompanya. Sa kabila ng kakulangan sa impormasyon hinggil sa dahan-dahang pagoorganisa ng mga manggagawang pantransportasyon, malinaw sa datos na malakas ang unyonisadong puwersa nilá. Noong 1940, pinakamarami ang mga unyon ng mga manggagawa sa panlupang transportasyon sa lahat ng sektor sa buong bansa. Mula 1938 hanggang 1940, 15 bahagdan ng lahat ng unyon sa bansa ay mula sa sektor na ito. Batay sa pangingibaaw ng kabisera pagdating sa sektor ng transportasyon, hindi malayong nakabase sa Maynila ang karamihan sa mga ito. Sa kabilâng bandá, isa lámang ang unyon ng mga mangagawa sa mga pabrika ng tabako na nabawasan pa noong 1940 (Bureau of the Census and Statistics 130). Talahanayan 3. Bílang ng mga rehistradong unyon at kasapi nitó, 1938-1940. Sektor ng Transportasyon (Pambansa)

Lahat ng Sektor (Manila)

Bílang ng unyon

Bílang ng kasapi

Bílang ng unyon

Bílang ng kasapi

39

6,251

87

16.787

1939

53

9,620

157

26,344

1940

47

8,897

153

25,939

1938

Pinagkuhanan: Bureau of the Census and Statistics 129-30.

Isang balintuna na sa kabila ng pagkakaroon ng maraming unyon sa sektor ng transportasyon sa bansa at sa Maynila, hindi ang mga manggagawa nitó ang nanguna sa kilusang paggawa noong mga unang dekada ng ikadalawampung siglo. Sa halip, yaong mga nása mga pabrika ng tabako at mga palimbagan ang tumayong lider sa mga naunang pederasyon hábang maliit ang papel ng mga unyon sa sektor ng transportasyon. Gayunman, maraming mga unyon ng sektor ng transportasyon ang nakipagalyansa sa mga pederasyon at nakilahok sa kanilang mga gawain. Ilang halimbawa nitó ang Union de Chauffers de Filipinas at ang Nagsumakit, isang mutual aid group na binuo ng mga empleado ng Meralco. Kasapi ng COF ang dalawang grupong ito na lumahok din sa mga kilos-protesta ng pederasyon, tulad ng taunang rali sa Araw ng Paggawa (“Many Thousand” 1). Samantala, malaking tulong ang mga pederasyon sa mga kolektibong pagkilos ng mga manggagawa ng sektor ng transportasyon laban sa kanilang mga employer. Magandang halimbawa nitó ang mga welga sa Meralco noong 1909 at 1919. Nagsagawa ng welga noong Marso 1909 ang Guild of Inspectors, Conductors, and Motormen ng Meralco, isang kasaping unyon ng UODF. Nagkawelga bunsod ng paggigiit

300

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

ng grupo na pabalikin sa trabaho ang mga empleadong sinesante dahil sa pagiging kasapi ng UODF (“Street Car” 1). Pumutok ang welga noong 4 Marso 1909 subalit hindi ito naging epektibo sapagkat mabilis na napalitan ang mga manggagawang nag-aklas. Nagpatuloy rin lámang ang operasyon ng trambiya sa gitna ng welga (“Streetcar Strike” 1,4). Gayunman, litaw sa pangyayaring ito ang militansiya at kaisipang politikal ng mga manggagawa. Bukod sa panawagan ng pagboykot sa trambiya, hinikayat din ng mga welgista ang mga taga-Maynila na tangkilikin ang mga karomatang kakompetensiya ng trambiya. Diumano, magbibigay ng deskuwento ang mga may-ari ng karomata sa mga pasahero bílang pakikiisa sa welga (“‘Act’ and ‘Boycott’” 1). Isang mas malaking welga naman ang nangyari sa Meralco makalipas ang sampung taon. Nagsimula ito noong 23 Mayo 1919, at ayon sa mga ulat sa pahayagan, isa sa pangunahing isyu sa likod ng welga ay ang pagsesante kay Pedro Angeles; umento sa sahod; ang pagpapabalik sa trabaho ng ilang manggagawa ng car house department ng kompanya; ang pagpahintulot sa mga manggagawa na magkaroon ng leave mula sa trabaho at pagtiyak sa kanilang sahod kung sakaling silá’y magkasakit o magkaroon ng kapansanan ang isang empleado dahil sa trabaho; at marami pang ibá (“Meralco Strike” 1-2). Binigyan ang Meralco ng 24 oras para tumugon, at nang hindi natupad ang mga hinihingi, agad na ipinutok ang welga kinabukasan. Hindi malayong kasapi ng Nagsumakit ang karamihan ng mga welgista na umabot sa 520 sa unang araw (“Men Say” 1,6). Noong isinagawa ang welga, namagitan para sa mga manggagawa ang ilang kilaláng lider-obrero tulad ni Crisanto Evangelista, pangulo ng isang unyon sa sektor ng palimbagan, at ang mga pinunò ng COF na sina Potenciano Salita at Domingo Simeon. Si James Rockwell, pangalawang pangulo ng Meralco, ang naging tinig ng kompanya sa tahasang pagkontra sa welga. Upang ipaglaban ang kompanya, iginiit ni Rockwell na noong 2 Marso ng parehong taon, may nauna nang welgang isinagawa para sa dagdag-sahod. At aniya, hindi makatarungan ang welga sapagkat sapat na raw ang pasahod. Ayon kay Rockwell, boluntaryo nang nag-alok ang Meralco ng bonus na 20% para sa mga empleadong regular na pumapasok, isang alok na tinanggap lang ng 7.36% ng mga konduktor at 39.4% ng mga motormen. Itinuring ito ni Rockwell bílang patunay na nakasasapat na ang sahod para sa karamihan sa mga empleado. Iginiit din niyang isa ang Meralco sa mga kompanyang mataas magpasahod batay sa daan-daang aplikanteng regular na nitóng tinatanggihan (Kerkvliet 41-44). Nanindigan din siyang hindi makikipagnegosasyon ang Meralco sa mga tagalabas, bílang pagtukoy sa mga pinunò ng COF, na namamagitan para sa mga empleado (“Strike Hurts” 1). Pagpapadala naman ng mga pulis sa piketlayn ang tugon ng pamahalaang lokal ng Maynila. Iniutos ng alkalde na si Justo Lukban ang pagbitbit ng baril ng mga pulis

301

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

hábang binabantayan ang mga trambiyang patuloy pa rin sa pagpasada (“Strike Hurts” 1) sa simula, sinabi ng hepe ng pulisya na limitado ang welga sa mga trabahador ng planta at hindi kasáma ang mga konduktor at motormen, isang pahayag na malayo sa katotohanan. Nagkaroon din ng karahasan sa welga nang binugbog ng ilang welgista ang mga eskirol na ginamit upang sirain ang piket (“Employees and Cops” 1, 6). Ginamit ni Rockwell ang insidente bílang dahilan upang hingin kay Lukban ang pagpapadala ng puwersa mula sa Philippine Constabulary. Bagama’t tumanggi si Lukban, umabot na ang isyu sa Tanggapan ng Gobernador-Heneral. Sa ikalawang araw ng welga, iniutos na ng tumatayong Gobernador-Heneral na si Charles Yeater ang pagpapadala ng 150 kasapi ng Constabulary upang protektahan ang Meralco. Bawat isang trambiyang pumasada (“Constabulary Protection” 1). Hábang tumitindi ang pagdepensa ng Meralco sa interes nitó, lumakas naman ang paninindigan ng mga manggagawa. Sa ikalawang araw ng welga, umabot sa 600 ang mga welgista na sa puntong iyon ay dumulog na sa publiko na iboykot ang kompanya (“600 Meralco”). Kinabukasan, tumaas ang bílang sa 750. Samantala, nakiisa sa welga ang ibá pang unyon (“Men Say” 1), at ang ilan sa mga ito ay nag-abot ng tulongpinansiyal. Halagang PHP402.00 ang inambag ng mga unyon sa mga pabrika ng tabako, sombrero, at pati mga mananahi. Binanggit din ni Cefereno Tuason, isa sa mga lider ng welga, na may ilang kutsero at may-ari ng karomata ang nangakong tutulong sa mga welgista (“Strikers Get Funds”), tulad na lang ng nangyari sa welga noong 1909. Sa mga hulíng linggo na ng Hunyo natápos ang welga, isang pagtatapós na maituturing na bangungot para sa mga welgista. Noong 20 Hunyo, isang bombang iniwan sa isa sa mga trambiya ang sumabog. Isa ang namatay at marami ang sugatan. Isang dáting empleado ng Meralco ang umaming maysála at itinuro si Simeon na utak. Kalaunan, hinatulan si Simeon ng dalawang taóng pagkabilanggo. Bukod pa roon, dinakip si Evangelista para sa mga diumano’y sedisyong salitâng binitawan niya ilang araw bago ang insidente (Kerkvliet 41-44). Sa pagtatása ng kompanya sa mga pangyayari, inamin nitó na nagdulot ang welga ng pagbaba ng kíta, dagdag na gastusin, demoralisasyon ng mga empleado, at pagbaba ng produksiyon ng mga 20 hanggang 40 bahagdan. Bagama’t minaliit ng Meralco ang welga at patuloy nitóng hindi kinilala ang Nagsumakit at ang pinunò nitó (J.G. White Management Corporation 11-13), lumabas sa mga pahayag ng kompanya ang lawak ng impluwensiya ng mga manggagawa. Ayon sa mga opisyal ng kompanya, may mga kakutsabang politiko ang mga lider-manggagawa na nása likod ng welga. Inilarawan nilá ang welga bílang “purely political” at itinuro si Lukban bílang utak nitó upang pangalagaan ang ambisyong politikal ng mga kasapi ng Municipal Council (J.G. White Management Corporation 13). Tila sang-ayon dito ang mga Americanong kasapi ng midya na pumuna sa lokal na pamahalaan ng Maynila dahil sa diumano’y

302

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

pagkunsinti at paghikayat nitó sa mga manggagawa na lumaban sa mga negosyante. Binatikos si Lukban dahi sa diumano’y hindi niya pagkilos sa welgang ito na naging dahilan upang mamagitan ang Gobernador-Heneral at ipatawag ang Constabulary upang protektahan ang kompanya. Sa mga sumunod na taon, patuloy na naging sentro ng mga kritisismo ang Meralco at si Rockwell mula sa hanay ng oraganisadong kilusang paggawa dahil sa kanilang kontra-manggagawang palákad (Kerkvliet 1992, 44, at 155). Isang halimbawa na rito ang pangmanggagawang pahayagang Ang Manggagawa. Noong 1928, naglabas ito ng isang artikulong tumuligsa sa kompanya. Binatikos nitó ang Meralco bílang isang imperyalistang kasangkapang nagiging balakid sa kalayaang politikal at soberanyang ekonomiko. Inilarawan ang mga trambiya at bus ng Meralco bílang malaking banta sa kabuhayan ng maraming manggagawa sa mga tradisyonal na sektor ng transportasyon. Ipinagdiinan din na ang mga empleado ng kompanya ay kabílang sa mga pinakanaaabuso at pinakamababang grupo ng mga manggagawang Filipino (“Hindi Dapat” 18, 20). Bagama’t hindi malinaw kung mga empleado ng Meralco ang nagsulat ng artikulong ito, maaaring gamiting ebidensiya ang artikulo upang igiit na naipakilala na sa mga manggagawa ng sektor ng transportasyon ang idea ng “economic nationalism” at imperyalismo noong mga unang dekada ng ikadalawamapung siglo. Samantala, patuloy pa ring naging sakit ng ulo ni Rockwell ang mga pagkilos ng mga manggagawa. Mula 1932 hanggang 1933, nakaalitan niya ang Filipinong Labor Commissioner pagdating sa mga welga laban sa Meralco na tila bagá kinukunsinti ni Manuel Quezon (Gleeck, American Business 26), isang detalyeng tila nagsasabi na kahit papaano’y umabot ang impluwensiya ng mga manggagawa ng Meralco hanggang sa mga pinakamataas na Filipinong opisyal. Maaari nga ring igiit na sa puntong ito, nakita na ng mga empleado ng Meralco kung gaano kahalaga ang trambiya para sa pang-araw-araw na pagkilos ng kabisera. Alam nilá na kapag tumigil ang operasyon nitó, magiging sensitibo hindi lang ang pamahalaan kundi ang buong publiko. PAG-OORGANISA AT MILITANSIYA NG MGA UNYONISTANG TSUPER Bukod sa karanasan ng mga manggagawa ng Meralco, isa pang mahusay na paglalarawan ng pag-unlad ng pag-organisa at militansiya sa mga manggagawa ng sektor ng transportasyon ang kasaysayan ng Union de Chauffeurs de Filipinas (Union de Choferes de Filipinas). Itinatag ito noong 1916 (Macasaet 5-6) at kinabibilangan ng mga tsuper mula sa mga pribadong kompanya ng serbisyong transportasyon. Aktibo ang unyon sa pakikipag-alyansa sa ibá pang grupo at paglahok sa mga pagkilos ng mga pederasyon. Kabílang ang unyon sa COF (“Ayaw ng inmigrasyon ng Kongreso Obrero sa Pilipinas” 11-13), at isa ito sa mga unyong nagtatag sa pederasyong KAP noong 1929 (Partido Komunista ng Pilipinas 100-01). Isa sa mga kilaláng lider ng

303

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

unyong ito si Julian Macasaet, pangulo ng unyon noong 1927 at 1928, at itinuring na isa sa mga nangungunang lider-obrero ng kaniyang panahon (“Ang mga nakaraan at kasalukuyang lider-manggagawa” 9). Batay sa mga ulat ng Bureau of Labor, aktibong namagitan ang unyon para sa mga kasapi nitó, partikular na para sa mga tsuper sa mga livery garage, sa mga kaso ng labor dispute. Bagama’t hindi palaging pabor sa mga manggagawa ang nagiging hatol ng pamahalaan bílang tagapamagitan, hindi matatawaran ang tulong na naibibigay ng unyon upang magkaroon ng matatag na tindig ang mga kasapi nitó ’pag humarap sa proseso ng arbitration. Isang halimbawa nitó ang dalawang welgang nangyari sa Ideal garage noong Enero 1919. Noong 4 Enero, isang tigil-paggawa ang nangyari bílang pagprotesta sa pagsesante sa isang tsuper. Hindi binanggit sa ulat ng Bureau of Labor kung sino ang nagwagi sa dispute, bagama’t nagresuta ito sa pagbabalik-trabaho ng mga tsuper. Subalit bago matápos ang buwan, nagkaroon ng isa pang welga. Nanawagan ang unyon ng pagtaas sa sahod at pagbasura sa polisiyang sapilitang pagsingil ng deposito mula sa mga tsuper. Sa pagtatapós, naipatupad ang kanilang hinihinging pagbabago: limang pisong dagdag sa buwanang sahod at ang pagtanggal sa nabanggit na polisiya ng Ideal Garage. Sa parehong kaso, isang araw lang tumagal ang welga at 30 manggagawa ang lumahok (Aguilar 25-26). Sa taon lámang ng 1928, ilang kaso na ang magpapakita ng pagiging aktibo ng unyon sa pagiging tagapamagitan sa mga kasapi nitó. Sa dispute na nangyari sa Liberty Garage noong 3 Marso, apat na tsuper na pawang mga kasapi ng Union de Chauffeurs ang sinesante dahil sa pagsusugal at hindi magandang record sa trabaho. Sa tulong ng unyon, tatlo ang awtomatikong maibabalik sa trabaho batay sa desisyon ng Bureau of Labor. Sa isa pang dispute na nangyari sa Roca Garage na tumagal mula Agosto hanggang Setyembre, sampung manggagawa ang nagwelga, lahat ay mga kasapi ng unyon. Sa ngalan ng mga manggagawa, naghain ng petisyon si Macasaet para sa ilang kahingian. Bagama’t hindi nasunod ang lahat ng mga iginiit, nagkaroon ng ilang mga kompromiso ang mga welgista at ang kompanya. Samantala, sa dispute na nangyari sa Rosenberg Garage mula Mayo hanggang Hunyo, 39 manggagawa na pawang mga kasapi ng grupong “Magtanggol,” isang lokal na balangay ng Union de Chauffeurs, ang nasangkot. Isang welga ang ipinutok para tutulan ang pagbabalik sa puwesto sa isang tagapangasiwa ng kompanya. Natápos ang dispute sa isang areglong pumabor sa pagbabalik ng tagapangasiwa kapalit ng pagbabalik sa trabaho nina Layo Jose at Pablo Arpon, dalawang tsuper na dati na ring nasisante (Bureau of Labor, The Activities 17-18). Batay sa tatlong nabanggit na kaso, masasabing malawak at solido ang kasapian ng Union de Chauffers. Kung sa taóng 1928 pa lang ay mataas na ang bílang ng welgang sinuportahan ng unyon, gaano pa kayâ karami ang welgang sinuportahan nitó sa pangkalahatan? Batayan din ito upang masabing mataas ang kumpiyansa ng

304

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

mga tsuper na mamamagitan ang unyon para sa kanilang pakikisangkot sa laban ng mga manggagawa. Sa puntong ito, magandang banggitin ang karanasan ng isang welgang hindi namagitan ang unyon. Sa dispute sa Malate Garage na nangyari mula Enero hanggang Pebrero 1928, 36 tsuper ang nagwelga dahil sa pagsesante sa isang empleado. Dininig ng Bureau of Labor ang kaso na humantong sa isa pang welga. Sa pagresolba nitó, ang nakompiyut na kabuoang halagang nawala sa kompanya dulot ng welga ay 520 araw ng paggawa o PHP1,040.00 sa halaga ng sahod, at ang mga manggagawa ang sumaló sa halagang ito (Bureau of Labor, The Activities 17). Sa insidenteng ito, malinaw na natalo ang mga manggagawa. Bagama’t mahirap nang isipin ang mga maaari sanang nangyari kung nakialam ang unyon, hindi rin maiwasang makita ang malaking pagkakaiba sa natamong mga panalo sa mga kasong hinawakan ng unyon kompara sa kasong ito na wala silá para mamagitan. Sa mga hulíng taon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinuloy ng Maynila Chauffeurs’ League, Inc. ang militanteng tradisyon sa hanay ng mga organisadong tsuper. Mayroon itong 1,000 kasapi at aktibong nakipaglaban para sa mga manggagawa. Noong 1940, sumulat ito kay Pangulong Manuel Quezon upang ireklamo ang mga sasakyang kolorum at ang paggamit ng mga opereytor ng ipinagbabawal na “boundary system.” Binatikos nitó ang mga maling palákad sa mga livery garage tulad ng puwersahang pagtatrabaho ng sampung oras kada araw at kawalan ng overtime pay. Nagsagawa rin ng welga ang unyon laban sa Bacharach Motor Company (Manila Chauffeurs’ League 1-3). Ipinakita ng mga kasong ito mula sa karanasan ng mga empleado ng Meralco at ng mga tsuper ang malinaw na organisadong pagkilos ng mga manggagawa ng modernong sektor ng transportasyong panlungsod, isang tradisyong halos hindi nakita bago ang pagpasok ng ikadalawampung siglo. Mahalagang suriin ang nangyaring pag-oorganisa at ang tumitinding militansiya sa hanay ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyong panlungsod sapagkat bahagi ito ng paghulma sa isang kamalayang makauri. Ayon kay Ralf Dahrendorf (14, 24-25), batay sa pagsusuri niya ng mga klasikong teksto ukol sa usapin ng uri, nabubuo ang kamalayang makauri na tumutulak sa pagsasagawa ng kolektibong pagkilos. Aniya, dapat tingnan ang konsepto ng uri, hindi bílang isang identidad na absoluto at permanente, kundi isang kasangkapan sa pagsusuri upang unawain ang pagbabago ng lipunan (Dahrendorf 19). Sa ganitong perspektiba, nagkakaroon ng bigat sa pagsusuri ang mga organisadong gawain ng mga motormen, konduktor, at tsuper tulad ng pagbuo at pagsali sa mga unyon at pederasyon at pagsasagawa. Kahit ang nagsumakit, na halimbawa ng isang mutual aid group, ay hindi nalimitahan sa mga isyu ng kasiguruhang pinansiyal.

305

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

PAGTATÁSA Isang proseso ng modernisasyon diumano ang nangyari nang dumating sa Maynila ang mga motorisadong moda ng panlupang transportasyon noong maagang bahagi ng ikadalawampung siglo. Para sa mga Americano, naging modernisado hindi lang ang sistema ng transportasyon kundi maging ang lipunang tumanggap at gumagamit ng mga modernong sasakyan. Kaakibat naman ng modernisasyong ito ang isa pang proseso ng pag-unlad na hindi naman inasahan ng mga mananakop: ang modernisasyon ng uring manggagawa sa sektor ng transportasyon. Una sa lahat, nakatulong ang pagbabago ng transportasyon sa pagkakaroon ng isang bagong panggitnang-uri. Ikalawa, at higit na mahalaga, sa pagbabago ng estruktura ng paggawa tungo sa isang malayang merkado ng lakas-paggawa, naging daan ito sa malayang pag-oorganisa ng mga manggagawa. Marahil, wala sa hinagap ng mga Americano na magdudulot ito ng pagtindi ng militansiya sa hanay ng mga manggagawa na magsasagawa ng mga kolektibong pagkilos upang itulak, hindi lang ang mga isyu ng sahod at kondisyon sa trabaho, kundi maging ang mga usapin ng soberaniya at imperyalismo. Mahalaga ang hulíng tanong kapag isinaisip na nangyari ito sa konteksto ng kolonyalismo. Nagkaroon ng dayuhang mukha ang pang-aabusong naranasan ng marami sa hanay ng mga manggagawa; hindi kataka-taka na marami sa kanila ay inunawa ang kanilang pagkilos sa diskurso ng nasyonalismo at hindi ayon sa tunggalian ng mga uri. Walang binabanggit ang mga primaryang batis tungkol sa pag-iral ng isang pederasyon o alyansa ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon. Sa kabila ng kanilang malinaw na halaga sa ekonomiya ng lungsod, hindi nilá natapatan ang malaking papel na ginagampanan ng mga manggagawa sa industriya ng palimbagan at tabako na nanguna sa paglulunsad ng pinakamaraming bílang ng welga. Tíla kabaliktaran nilá ang mga manggagawa sa sektor ng transportasyon na minsan lang (“only occassionally”) magsagawa ng welga (Deoppers 123). Sa kaniyang artikulo para sa pahayagang Ang Manggagawa noong 1927, maging si Macasaet (3) ay naniwala na sa puntong iyon, hindi pa nauunawaan ng mga tsuper ang halaga ng pag-uunyon. Samantala, isa pang lider-obrero ang nalulungkot sa tila kawalan ng pagkakaisa sa hanay ng mga manggagawa sa kabila ng ilang dekadang karanasan sa unyonismo. Naniwala siyang ang pagkakabukod-bukod ay isang katangiang kíta maging sa mga kilaláng unyon, at ginamit pa nga niya ang Union de Chauffeurs bílang halimbawa. Diumano, bigo ang mga unyonista sa kanilang mga layunin “palibhasa’y mga kapatid din nilá ang mahihigpit nilang katunggali” (Tejada 17). Interesante ang hulíng pahayag nitó hinggil sa pagbubukod-bukod na tila nagmumula sa kalagayan ng mga manggagawa na tila katunggali nilá ang sarili nilang mga kapatid sa hanay ng paggawa. Kung susundin ang klasikong literatura hinggil sa usapin ng kamalayang makauri (class consciousness), hindi maaaring basta na

306

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

lámang ipagpalagay na bumubuo ng iisang solidong uri ang pagsasáma-sáma ng mga manggagawa sa isang partikular na industriya, tulad ng sektor ng transportasyon. Batay sa mga naipakita na sa sanaysay na ito, mayroong malinaw na pagkakaibá sa hanay na ito. Higit pa ang pagkakaibá sa ibá-ibáng antas ng kíta, gastusin, at tantos ng dis-empleo. Mas mainam sigurong suriin ang mismong organisasyon ng trabaho na kinapapalooban ng mga manggagawa. Batay lámang dito, masasabing hindi silá pasok sa klasikong depinisyon ng proletaryado sa industriyalisadong Europa noong ika-19 siglo. Sa halip na nagtatrabaho silá sa iisang pabrika nang sáma-sáma, ang mayorya ng mga manggagawang tinalakay sa papel na ito ay ginagawa ang trabaho nilá nang kanikaniya, na maaaring tingnan bílang isang salik sa mahinang ugnayan na mayroon sa pagitan nilá (Deoppers 123). Maaari ding tingnan ang kompetisyon ng ibá’t ibáng moda ng transportasyon bílang isang salik sa kawalan ng katatagan sa kanilang hanay. Gayunman, maaaring pasubalian ang argumento na ang kompetisyong ito ay naging balakid sa katatagan ng pag-oorganisa sa kanilang hanay. Tulad ng naipakita sa welga sa Meralco noong 1909 at 1919, maging ang mga kutsero ay nakiisa sa mga welgista. Nagkaroon pa nga ng mga panawagan para sa pagbuo ng isang kooperatiba sa hanay ng mga may-ari at kutsero ng mga karomata upang labanan ang imperyalistang pamamayagpag ng Meralco. Nagpapakita ito sa kakayahan ng mga manggagawa na makita ang kanilang interes na lampas sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at maunawaan ang halaga ng pagkakaisa ng mga manggagawa. Makauring pagkakaisa ba ito o produkto ng nasyonalismo? Sa kaso ng Meralco kung saan malinaw na Americano ang may hawak ng kapital, ng mismong pangasiwaan (na kinakatawan ni Rockwell), at may matibay na suporta pa sa mismong pamahalaang kolonyal, maaaring isagot na pareho. Gayunman, ang mga nabanggit na insidente ng kolektibong pagkilos sa loob ng kani-kanilang mga unyon ay maituturing na sintomas ng isang tendensiya tungo sa pagbuo ng isang mas matatag na makauring kamalayan. Tunay ngang dapat ituring ang konsepto ng uri hindi bílang isang paraan ng pagbibigay-depinisyon, kundi bílang isang terminong analitiko upang maglarawan ng isang proseso. Ang mga manggagawa ay hindi awtomatikong napapabilang sa isang uri bunsod ng kanilang hanapbuhay. Upang maging isang ganap na uri, dapat mabuklod ang mga kasapi sa isang tuloy-tuloy na kolektibong pagkilos upang makabuo ng isang pambalanang kamalayan. Ang kanilang pagsali sa mga welga, halimbawa, ay repleksiyon hindi lang ng kanilang pagkadesmaya, kundi lalo na ng tumitinding pagkakabuklod bílang grupo. Upang maiputok nang maayos ang isang welga, kailangan na mayroon nang isang sistematikong organisasyon at estratehiya sa loob ng kanilang hanay (Deoppers 123-240). Batay sa pagkilos ng mga manggagawa ng sektor ng transportasyon sa Maynila noong maagang bahagi ng ikadalawampung siglo, masasabing patungo na silá sa isang mulat na makauring kamalayan.

307

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

SANGGUNIAN “600 Meralco Men in Strike.” Manila times. 25 Mayo 1919: 1. “‘Act’ and ‘Boycott.’” Manila Times. 8 Mar 1909: 1-2. Aguilar, Faustino. Labor: Boletin Trimestral de la Oficina del Trabajo: Volumen 1, Num 1, Marzo 1919. Manila: Bureau of Printing, 1919. Anastasyo Salagubang [pseud], untitled editorial cartoon, Lipang Kalabaw 6 Hun 1923: 16. “Ang mga Nakaraan at Kasalukuyang Lider-Manggagawa.” Ang Manggagawa 30 Nob 1929: 7-9. “Ayaw ng Inmigrasyon ng Kongreso Obrero sa Pilipinas.” Ang Manggagawa 30 Hulyo 1929. Bankoff, Greg. “Wants, Wages, and Workers: Laboring in the American Philippines, 1899-1908.” The Pacific Historical Review 74. 1 (2005): 59-86. Board of Public Utility Commissioners. Reports of the Board of Public Utility Commissioners. Vol 1. Manila: Bureau of Printing, 1916. Bureau of Labor. Report of the Bureau of Labor. Manila: Bureau of Printing, 1910. --- The Activities of the Bureau of Labor. Manila: Bureau of Printing, 1930. Bureau of the Census and Statistics. Yearbook of Philippine Statistics. Manila: Bureau of Printing. 1940. Clark, Victor. “Labor Conditions in the Philippines.” Bulletin of the Bureau of Labor58 (1905): 721-905. “Congress Not Responsible.” Manila Times 27 Mayo 1919. 1. “Constabulary Protection Ordered by Yeater.” Manila Times 25 Mayo 1919: 1. Corpuz, Arturo. The Colonial Iron Horse: Railroads and Regional Development in the Philippines, 1875-1935. Quezon City: University of the Philippines Press, 1999. Dahrendorf, Ralf. Class and Class Conflict in Industrial Society. Stanford: Stanford University Press, 1959. De Jesus, Edilberto. “The Tranvia.” In Filipino Heritage: The Making of Nation, Vol. 7, The Spanish Colonial Period (late 19th Century), The Awakening, ed. Alfredo Roces, 1788-92 Manila: Lahing Pilipino, 1977. Deoppers, Daniel. Manila, 1900-1941: Social Change in late Colonial Metropolis, Quezon City: Ateneo de Manila University, 1984. “Employees and Cops are Hurt by Stones.” Manila Times. 24 Mayo 1919: 1, 6. Gleeck, Lewis. American Business and Philippine Economic Development. Manila: Carmelo & Bauermann, 1975. --- The Manila Americans, 1901-1964. Manila: Carmelo & Bauermann, 1977. “Hindi Dapat Mamalagi ang Pagsasamantala ng Meralko.” Ang Manggagawa 30 Dis. 1928: 18+.

308

MGA MODERNONG MANGGAGAWA NG TRANSPORTASYONG PANLUNGSOD NG MAYNILA, 1900-1941

Horn, Florence. Orphans of the Pacific: The Philippines. New York: Reynal and Hitchcock. 1941. J.G. White Management Corporation. “Report on the Properties of the Manila Electric Company, April 1920.” Meralco Museum and Archives. Di-nalimbag na manuskrito. Jose, Vivencio R. “Workers’ Response to Early American Rule, 1900-1935” Philippine Social Science Review 45 (1981). 285-311. Kerkvliet, Melinda Tria. Mutual Aid and Manila Unions.Madison: Center for Southeast Asian Studies, University of Winsconsin-Madison, 1982. --- Manila Workers Unions, 1900-1950. Quezon City: New Day, 1992. LeRoy, James. Philippine Life in Town and Country. New York: G. P. Putnam’s Sons, 1905. “Lookout for the Trolleys by April 1.” Manila Times. 22 March 1905. 1. Macasaet, Julian. “Ang Simulain ng UNION de CHAAFFEURS de Filipinas,” Ang Manggagawa 30 Nob. 1927; 5-6. Manila Chauffeurs’ League, Inc. “Liham kay Manuel Quezon, 22 Hul 1940.” Quezon Papers Series Vii Box 21. Di-nalimbag na manuskrito. “Many Thousand to March in Labor Parade Today.” Manila Times 1 Mayo 1919: 1. May, Glenn. Social Engineering in the Philippines: The Aims, Execution, and Impact of American Colonial Policy, 1900-1913. Quezon City. New Day, 1984. McCoy, Alfred and Alfredo Roces, eds. Philippine Cartoons: Political Caricature of the American Era, 1900-1941. Quezon City: Vera-Reyes, 1985. “Men Say They Will Stick to the End.” Manila Times 24 Mayo 1919: 1, 6. Nakalimbag. Meralco. “Estimate for Reconstruction.” Meralco Museum and Archives. 5 Hun 1944. Di-nalimbag na manuskrito. “Meralco Strike Sure, If Company Does not Yield?” Manila Times 23 Mayo 1919: 1-2. Municipal Board of Manila. Annual Report of the Municipal Board of the City of Manila for the Fiscal Year 1910. Manila: Bureau of Printing 1910. Pante, Michael. “Ang Sasakyan at lansangan bílang Paaralan: Modernisasyon ng Transportasyong Panlungsod at Lipunan sa Manila, 1900-1941. Malay 23.2 (2011). 111-126. --- “The Cocheros of American-occupied Manila: Representations and Persistence.” Philippine Studies: Historical and Ethnographic Viewpoints 60.4 (2012): 429-62. Partido Komunista ng Pilipinas. Communism in the Philippines. Quezon City; Partido Komunista ng Pilipinas. Paterno, Roberto. 66 years of Service. Pasig City(?); Meralco, 1969. Nakalimbag. Philippine Commission of the Census. Census of the Philippines, 1939. Manila: Bureau of Printing, 1940-1943.

309

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Philippine Islands. Census of the Philippine Islands Taken Under the Direction of the Philippine Legislature in the Year 1918. Manila: Bureau of Printing, 1920-1921. Sta. Maria, Felice. “Wheels.” Filipino Heritage: The Making of a Nation, vol. 7, The Spanish Colonial Period (late 19th century), The Awakening, ed. Alfredo Roces, 1737-43. Manila: Lahing Pilipino, 1977. “Street Car Men May Strike this Evening.” Manila Times. 3 Mar 1909: 1, 5. “Streetcar Strike Ineffective.” Manila Times 24 Mayo 1919: 1, 6. “Strike Hurts: Doesn’t Halt Meralco.” Manila Times 24 Mayo 1919: 1, 6. “Strikers Get Funds From Other Unions.” Manila Times 26 Mayo 1919: 1, 3. Taguiwalo, Judy. Babae, Obrera, Unyonista: Ang Kababaihan sa Kilusang Paggawa sa Maynila (1901-1941). Quezon City: University of the Philippines Press, 2011. Tejada, Isabelo. “Ang Pagkakaisa ng Bawat Uri ng Paggawa,” Ang Manggagawa 30 Abril 1928. “The Pledge of Labor,” Manila Times. 27 Mayo 1919: 4. “The Trolley Cars in Manila.” Manila Times. 8 May 1905: 5. “This is a Red Letter Day in the History of the Philippines.” Manila Times. 10 Abr 1905: 1-2. “Tinututulan ang Pisong Lisensiya sa mga Kutsero.” Ang Manggagawai 30 Ago. 1929: 16. “To Improve the Trolley Service.” Manila Times 13 April 1905: 4. “Transportation Business in Manila has Received an Impetus Through the Meralco.” Philippines Herald. 30 Sep. 1930: 3. US Bureau of the Census. Census of the Philippine Islands, Taken Under the Direction of the Philippine Commission in the Year 1903. Washington, D. C.: US Bureau of the Census, 1905. “Wants Higher Wages.” Manila Times. 28 May 1902: 1, 8. Wiese, Mildred, at Ruth Reticker. The Modern Worker. New York: Macmillan, 1930.

310

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

ANG “MALAYÀNG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA NI

JUDY TAGUIWALO Unibersidad ng Pilipinas Diliman

A

ng imposisyon ng patakarang “free trade” o malayàng kalakalan ang pangunahing instrumento ng kolonyalismong Americano sa pagpapanatili at sa patuloy na paghubog sa ekonomiya ng Filipinas bílang appendage lámang ng ekonomiya ng mga bansang kapitalista, pangunahin na ng ekonomiya ng Estados Unidos. Bunga nitó ang integrasyon ng kababaihang Filipino sa mundo ng paggawa at ang katangian ng kanilang paggawa sa panahon ng kolonyal na paghahari ng mga Americano sa Filipinas. Hindi pa man tápos ang “pasipikasyon ng Filipinas” noong 1900, inirekomenda na ng Philippine Commission sa pamahalaang Americano ang gradwal na pag-alis ng taripa sa mga produktong Americanong papások sa Filipinas. Inulit ng naturang komisyon ang rekomendasyong ito sa Kongreso ng Estados Unidos noong 1904.1 Dalawang batas ng Kongreso ng Estados Unidos na ipinasá sa maagang bahagi ng paghahari ng Estados Unidos sa Filipinas ang nag-institusyonalisa ng malayàng kalakalan sa Filipinas. Tinanggal ng Payne-Aldrich Act ng 1909 ang lahat ng taripa sa kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Filipinas pero naglagay ito ng kantitatibong limitasyon sa mga produkto ng Filipinas na papások sa America. Inalis naman ng Underwood-Simmons Tariff Act ng 1913 ang lahat ng kantitatibong restriksiyon sa pagpasok ng mga produkto ng Filipinas sa Amerika.2 Dahil sa malayàng kalakalan, nabansot ang ekonomiya ng Filipinas. Itinutok ang produksiyon ng bansa upang tugunan ang mga pangangailangan ng Estados Unidos.

311

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

At nanatiling tagapagluwas ng mga produktong agrikultural at ibá pang hilaw na materyales at tagapag-angkat ng mga tapós na produkto ng Filipinas.3 Malinaw ang paghubog sa ekonomiya ng Filipinas para sa pangangailangan ng Estados Unidos. Lumaki nang mula 16 porsiyento noong 1899, 42 porsiyento noong 1913, at 75 porsiyento noong 1939 ang bahagi ng America sa kalakalan ng Filipinas. (Tingnan ang talahanayan 3). Talahanayan 1. Kalakalan ng Filipinas sa America bílang Porsiyento ng Kabuoang Kalakalan Taon

% ng kabuoang import

% ng kabuoang eksport

% ng kabuoang kalakalan

1899 1902 1909 1913 1919 1939

7 12 21 50 64 65

26 40 42 34 50 83

16 25 32 42 57 75

Batis: Pedro E. Abelarde, American Tariff Policy towards the Philippines: 1989-1946 (King’s Crown Press, 1947), 215; Rene Ofreneo, “Labor and the Philippine Economy” (PhD diss., University of the Philippines, 1986), 40.

Ayon kina Joseph E. Jacobs at J. Bartlett Richards, sa kanilang ginawang pagaaral noong 1940, “ang inagurasyon ng resiprokal na malayang kalakalan noong 1909 ay naging dahilan ng substansiyal na pagbuti sa posisyon ng America sa kalakalang pag-angkat ng Filipinas.”4 Ang malayàng kalakalan sa pagitan ng isang bansang mahina ang ekonomiya at ng isang malakas at industriyalisadong bansa ay nagdulot ng dependency at underdevelopment para sa Filipinas, pumigil sa pag-unlad ng lokal na industriyalisasyon, at nagpatuloy sa katayuang agraryo ng bansa.5 Ang ganitong resulta ng malayàng kalakalan ay pinatotohanan mismo ng Joint Committee on Philippine Affairs sa ulat nitó noong 1938 na nagsalarawan sa papel ng malayàng kalakalan sa paghugis ng ekonomiya ng Filipinas sa halos 40 taóng paghahari ng America: Ang kasalukuyang estruktura ng ekonomiya ng Filipinas ay resulta sa malaking bahagi ng malayang kalakalan ng dalawang bansa sa nakaraang 25 taon. Ang relasyong ito ay nagbigay ng mga oportunidad sa Filipinas upang makapagbenta sa Estados Unidos ng walang buwis, ng malalaking kantidad ng mga produktong tulad ng asukal, langis ng niyog, produktong tabako, lubid, mga binordahang produkto, at mga

312

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

botones na perlas na hindi mangyayari kung walang preperensiyal na ugnayang pangkalakalan. Kayâ ang tendensiya sa Filipinas ay ang pagpapaunlad ng mga industriya ng mga produktong maibebenta sa pamilihan ng Estados Unidos sa presyong mas mataas kaysa presyong pandaigdigan sa pamamagitan ng taripa, at kamakailan, ng “quota restrictions” para sa asukal. Ang pagtaas ng produksiyon ng mga produktong pang-eksport na mayroong proteksiyon sa pamilihan ng Estados Unidos ay nagdulot ng paghina ng produksiyon ng mga produktong panluwas na walang proteksiyon at mga produktong para sa lokal na gamit ng Filipinas.6 Nagbigay ng mainam na kondisyon ang malayàng kalakalan para sa dayuhang pamumuhunan at sa pagpapanatili sa Filipinas bílang tagaluwas lámang ng mga hilaw na materyales para sa pangangailangan ng mga industriya ng Estados Unidos. Ang lahat ng pangangailangan para sa ligtas at kapaki-pakinabang na pamumuhunan ay nása Filipinas: murang paggawa, mura pero matabâng lupa, mga batas sa buwis at sapat na katatagang politikal. Pumapasok ang kapital saan man makakita ito ng pagtutubuan at hindi nagsasaalang-alang ng pambansang hangganan, kayâ may tendensiya itong mamuhunan sa mga atrasado at di-mauunlad na mga lugar kung saan ang tantos ng tubò ay mataas at ang posibilidad ng patuloy na pamumuhunan ay maganda. Ang Filipinas ay may ganitong katangian. 7 Kayâ hindi nakapagtatakang lumaki ang tuwirang pamumuhunan ng Estados Unidos sa Filipinas. Noong katapusan ng 1938, umabot sa $92 milyon ang pamumuhunang Americano sa Filipinas, mas malaki sa pamumuhunan nitó sa China ($91 milyon), at sa Netherlands East Indies ($70 milyon).8 Ang kabuoang epekto ng malayàng kalakalan sa ekonomiya ng Filipinas at sa katangian ng paggawa sa bansa ay sinuma ni Shirley Jenkins: Ang relasyon ng malayang kalakalan na naghimok sa mga prodyuser na tumutok sa iilang espesyalisadong pananim na pangeksport ay nangahulugan ng pagpapatuloy sa isang palaasa, at sa kalakhan ay, isang ekonomiyang pang-agrikultura sa Filipinas. Ang pagtatangi sa ilang produktong tulad ng asukal, kopra, at abaka ay nagtulak sa namumuhunang Filipino at Americano sa mga larangang ito

313

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

na nangangailangan ng di-sanáy na paggawa at mababang pasahod. Ang pagdepende sa produktong pamplantasyon at ang sobrang espesyalisado at di-mekanisadong agrikultura ay lumikha ng katulad na kasamaan sa buong mundo: mababang sahod, mababang uri ng pamumuhay, sa paggawa, at kawalan ng motibasyon para sa rasyonalisasyon ng produksiyon at modernisasyon ng mga teknik. Ang mga manggagawa sa agrikultura na nawalan ng trabaho ay hindi makapaloob sa isang lumalawak na sistemang industriyal at nananatiling pabigat sa isang limitadong ekonomiyang nakabase sa lupa. Samantala, ang promosyon ng mga industriyang pantahanan, tulad ng pananahi at pagboborda, ay hindi nangahulugan ng pagtaas ng antas ng sahod at sa halip ay sinamantala ang umiiral na mababang sahod.9 ANG EPEKTO NG “MALAYANG KALAKALAN” SA KATANGIAN NG PAGGAWA NG KABABAIHAN Ang pagkawasak (destruction) ng yaring-kamay (handicrafts) sa kanayunan, limitadong oportunidad sa pagpasok sa sahurang gawain na ang katangian ay mga ekstensiyon ng gawaing pantahanan, at mababang pasahod ang mga pangunahing epekto ng malayàng kalakalan sa mga gawain ng kababaihan sa Filipinas. Inilalahad ng talahanayan 4 ang partisipasyon ng kababaihan sa ekonomiya ng buong Filipinas batay sa mga datos noong tatlong sensus bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nakakonsentra ang kababaihan sa mga kategoryang walang pasahod noong 1903 at sa kategoryang serbisyong pantahanan at personal noong 1918 at 1939. Halos 71 porsiyento ang kababaihan sa ganitong mga kategorya noong 1903, mga 42 porsiyento noong 1918 at humigit-kumulang 79 porsiyento noong 1939 ng kabuoang bílang ng kababaihang 10 taon pataas. Maaaring ipalagay na kalakhan sa mga ito ay mga babaeng nakapaloob sa mga pamilyang magbubukid dahil karaniwang itinuturing na bahagi sa paggawa ng pamilya (family labor) ang magsasakang babae at batà. Lumiit ang bílang ng kababaihan sa manupaktura noong 1918—691,699 kung ihahambing sa 716,589 noong 1903. Lalo itong lumiit noong 1939 at naging 267,359 na lámang. Palatandaan ito ng patuloy na paghina ng yaring-kamay ng kababaihan sa loob ng tahanan. Noong 1903, ang “kababaihan sa sektor ng manupaktura ay kaugnay pa ng mga aktibidad ng kababaihan sa loob ng bahay katulad ng paghahabi at paglalála ng banig at sombrero para sa sariling gamit at para sa pamilihan.”10 Sabay sa paghina ng yaring-kamay ng kababaihan sa loob ng tahanan, ang malaking bahagi ng nabuksang empleo sa manupaktura ay napunta sa kalalakihan. Hábang tuloy-tuloy ang pagliit

314

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

ng bílang ng kababaihan sa manupaktura, dumami naman ang bílang ng kalalakihan doon, 337,976 noong 1939 kompara sa 252,894 noong 1918. Kayâ sa pagtagal ng kolonyal na paghahari ng Estados Unidos sa Filipinas, kumitid ang partisipasyon ng kababaihan sa modernong sektor ng ekonomiya. Nanatili ang nakararami sa gawaing walang bayad sa agrikultura, sa loob ng tahanan at sa serbisyong personal. Sa ano-anong tipo ng pagawaan nakakonsentra ang kababaihang manggagawa sa tatlong sensus? Sa taóng 1903, mahigit 48 porsiyento o halos 5,000 kababaihan ang nagtatrabaho sa mga pagawaan ng tabako at sigarilyo. Noong 1918 naman, ang kababaihang manggagawa ay nása mga pagawaan ng sigarilyo (7,591 o 52 porsiyento ng kabuoang manggagawa), bordáhan (1,925 o 93.58 porsiyento), at mga sastre (1,120 o 43.18 porsiyento). Samantala, noong 1939, halos 98 porsiyento o 111,180 babae ang nagtatrabaho sa bordáhan at patahian. Ang ibá pang konsentrasyon ng mga babaeng manggagawa ay matatagpuan sa habihan ng katutubong tela (54,487), banig (26,198), at patahian ng sombrero (20,488). Talahanayan 2. Mga Manggagawa sa Filipinas ayon sa Industriya at Kasarian, Sensus 1903, 1918, at 1939.

LAHAT NG GAWAIN, 1903 Agrikultura Serbisyong propesyonal Serbisyong pantahanan at personal Kalakalan at transportasyon Manupaktura Walang pasahod, hindi naitala LAHAT NG GAWAIN, 1918 Agrikultura Serbisyong propesyonal Serbisyong pantahanan at personal Kalakalan at transportasyon Manupaktura Hindi alam LAHAT NG GAWAIN, 1939 Agrikultura Serbisyong pantahanan at personal Serbisyong propesyonal Iba pang serbisyo Pangingisda at pangangaso Pagmimina at pagtitibag Manupaktura Transportasyon at komunikasyon Klerikal Kalakalan

Kabuoan

Lalaki

Babae

6,987,686 1,254,063 25,637 571,955 226,555 959,670 3,949,806 6,441,150 2,601,299 685,507 1,853,804 426,547 865,698 8,295 8,466,493 3,456,370 3,480,084 103,415 180,569 26,820 47,109 601,335 203,596 48,899 270,766

3,496,652 1,163,777 23,358 431,388 150,989 243,081 1,484,059 3,224,596 1,871,197 409,737 518,103 252,894 168,999 3,666 4,219,278 2,981,551 125,508 65,438 175,841 24,903 46,625 333,976 202,449 44,904 171,099

3,491,034 90,286 2,279 140,567 75,566 716,589 2,465,747 3,216,554 730,102 275,770 1,335,701 173,653 696,699 4,629 4,247,215 474,819 3,354,576 37,977 4,728 1,917 394 267,359 1,147 3,995 99,667

315

Bahagdan na Babae sa Kabuoang Bílang ng Manggagawa

Bahagdan ng Bílang ng Babae sa isang Kategorya Kompara sa Buong Bílang ng Kababaihang Manggagawa

49.96 7.20 8.89 24.58 33.35 74.67 62.43 49.94 28.07 40.23 72.05 40.71 80.48 55.80 50.16 13.74 96.45 36.72 2.62 7.15 0.84 44.46 0.56 8.17 36.81

100% 2.58% .07% 4.03% 2.16% 20.52% 70.63% 100% 22.70% 8.57% 41.53% 5.39% 21.66% 0.14% 100% 11.18% 78.98% .89% .11% .04% .01% 6.29% .03% .09% 2.35%

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Batis: Francis A. Gealogo, “Kasarian at Kabuhayan: Ilang Tala sa Kasaysayang Demograpikal ng Paggawa at Pasahod sa Pilipinas, 1903-1948.” Philippine Social Sciences Review 53, blg. 1-4 (Enero-Disyembre 1995), 48. (Nota: Pinalitan ko ang ginamit na "Pagawaan" sa orihinal ni Gealogo at ginawang "Manupaktura" na siyang orihinal sa sensus. Idinagdag ko rin ang hulíng hanayan kaugnay ng porsiyento ng kababaihan sa isang kategorya ng gawain kompara sa kabuoang bílang ng kababaihan.)

Mapapansin na ang katangian ng limitadong trabaho sa manupaktura na bukás sa kababaihan ay karaniwang ekstensiyon ng mga gawain ng babae sa bahay—pananahi, pagboborda, at paghahabi ng tela, banig, o sombrero. At nang lumiit ang oportunidad sa manupaktura noong 1939, pumaloob silá sa sektor ng serbisyong pantahanan at personal.

ANG PAGGAWA NG KABABAIHAN SA MAYNILA: MALIIT NA BÍLANG NG SAHURANG MANGGAGAWA NA KONSENTRADO SA “PAMBABAENG TRABAHO” Sa sensus ng 1903 at 1939 (walang hiwalay na datos batay sa kasarian sa sensus ng 1918), maliit lámang ang bílang ng kababaihan sa Maynila kung ihahambing sa kabuoang bílang ng kababaihan sa Filipinas na may edad na 10 taon pataas, sa ibá’t ibáng sektor ng ekonomiya: 2.82 porsiyento at 5.15 porsiyento noong 1903 at 1939, ayon sa pagkakasunod-sunod. (Tingnan ang talahanayan 5.) Mahigit 1/5 ng kababaihan sa serbisyong propesyonal sa buong Filipinas ay nása Maynila. Pagdating ng 1939, umabot ito ng 16.34 porsiyento. Halos kalahati rin ng mga babae sa gawaing klerikal sa Filipinas ay nása Maynila. Mga 3 porsiyento lámang ng kababaihan sa manupaktura ang matatagpuan sa Maynila noong 1903 at mga 6 porsiyento noong 1939. Ito ay sa kadahilanang hindi limitado sa pagawaan ang pagbibilang sa gawaing manupaktura; malaking bahagi nitó ay yaring-kamay o handicrafts na matatagpuan kahit sa kanayunan. Kung titingnan ang mga trabaho ng kababaihan sa loob ng Maynila noong 1903, mga 80 porsiyento ng kababaihan, 10 taóng gulang pataas, ay nása gawaing walang pasahod o hindi naitalâ at sa serbisyong pantahanan at personal; 14.81 porsiyento nama’y nása manupaktura; at mga 4 porsiyento ang nása pangangalakal.

316

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

Talahanayan 3. Paghahambing sa Bílang ng mga Babaeng Manggagawa sa Maynila bílang Bahagdan ng Kabuoang Bílang ng mga Babaeng Manggagawa sa Buong Filipinas at bílang Bahagdan ayon sa Industriya, 1903, 1918, 1939.

LAHAT NG GAWAIN, 1903 Agrikultura Serbisyong propesyonal Serbisyong pantahanan at personal Kalakalan at transportasyon Manupaktura Walang pasahod, hindi naitala LAHAT NG GAWAIN, 1918 Agrikultura Serbisyong propesyonal Serbisyong pantahanan at personal Kalakalan at transportasyon Manupaktura Hindi alam LAHAT NG GAWAIN, 1939 Agrikultura Serbisyong pantahanan at personal Serbisyong propesyonal Serbisyong pampubliko Pangingisda at pangangaso Pagmimina at pagtitibag Manupaktura Transportasyon at komunikasyon Klerikal Kalakalan

Kabuoan: Babae at Lalaki

Kababaihan sa Buong Filipinas

Kababaihan sa Maynila

% ng Babae na nása Maynila

% ng Babae sa Sektor sa Maynila

6,987,686 1,254,063 25,637 571,955 226,555 959,670 3,949,806 6,441,150 2,601,299 685,507 1,853,804 426,547 865,698 8,295 8,416,963 3,456,370 3,478,084 103,415 180,569 26,820 47,109 601,335 203,596 48,899 270,766

3,491,034 90,286 2,279 140,567 75,566 716,589 2,465,747 3,216,554 730,102 275,770 1,335,701 173,653 696,699 4,629 4,246,579 474,819 3,354,576 37,977 4,728 1,917 394 267,359 1,147 3,995 99,667

88,269 86 481 11,784 3,729 13,705 59,114

2.82% .025 21.11 8.38 4.93 2.97 2.39

100% .09 .54 13.35 4.22 14.81 66.97

150,327 86 120,948 6,208 172

5.15% 0.018 3.60 16.34 3.64

100% .05 55.29 2.84 .08

14,890 210 1,777 6,036

5.57 18.30 44.48 6.05

6.81 .09 .81 2.76

Batis: Census of the Philippines, 1903, 865; Census of the Philippines , 1939, 45-49

Noong 1939, mga 93 porsiyento ng kababaihan ay nása serbisyong pantahanan at personal at sa “non-gainful occupations” sa buong Filipinas. Bumabà sa 6.81 porsiyento ang kababaihan sa Maynila na nása manupaktura hábang lumaki naman ang porsiyento ng kababaihan sa serbisyong propesyonal at klerikal. Lalong matingkad ang magkakaibang katangian ng paggawa ng babae’t lalaki sa Maynila sa pagtagal ng paghahari ng US sa Filipinas. (Tingnan ang mga talahanayan 6 at 7) Mahigit doble ang inilaki ng bílang ng kalalakihan sa manupaktura noong 1939 kung ihahambing sa 1903: 45,237 at 21,291; hábang bahagya lámang ang paglaki ng bílang ng kababaihan sa parehong sektor: 14,890 at 13,075. Palatandaan ito ng mas mabilis na integrasyon ng mga lalaki sa manupaktura sa Maynila kung ihahambing sa kababaihan. Mas marami ring lalaki sa serbisyong propesyonal at klerikal kaysa babae.

317

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Samantala, lumobo ang bílang ng kababaihan sa serbisyong personal mula 11,784 noong 1903 tungo sa 120,948 noong 1939. Pansinin na 95,808 o halos 80 porsiyento ng kababaihan sa serbisyong personal ay kinakategoryang maybahay. Hindi pa kabílang dito ang 68,403 na kabílang sa kategoryang “non-gainful occupations.” Pananahi, pagboborda, paglalaba, pagtatrabaho sa pagawaan ng tabako at sigarilyo, pagkakatulong/pagtitinda ang mga bayarang gawain ng libo-libong kababaihan sa Maynila noong 1903 at 1939. (Tingnan ang talahanayan 8.) Ang mga ito ay itinuturing na mga gawaing pambabae dahil ang mga ito’y ekstensiyon ng mga gawaing pantahanan at/o nangangailangan ng partikular na kasanayan o dexterity. Talahanayan 4. Ang Bílang ng Lalaki at Babae sa Bawat Sektor ng Ekonomiya sa Maynila noong 1939.11 Pangkat ng Gawain

1939 Babae

AGRIKULTURA Serbisyong propesyonal Serbisyong pampubliko Gawaing klerikal Serbisyong personal/domestic (housewives, housekeepers) MANUPAKTURA Pangangalakal Transportasyon at Komunikasyon NON-GAINFUL OCCUPATIONS Kabuoan

86 6,208 172 1,777 120,948 (95,808) 14,890 6,036 210 68,403 218,730

PORSIYENTO NG KABABAIHAN SA KabuoanG BÍLANG NG MANGGAGAWA

1903 Lalaki

Babae

1,325 12,461 6,208 15,985 21,934 45,237 25,536 28,536 81,937 239,159

Lalaki 86 481

2,605 2,827

11,784

36,060

13,075 3,729

21,291 41,020

59,114 88,269

27,956 131,759

48%

40%

Batis: Census of the Philippines, 1903, 865; Census of the Philippines, 1939, 45-49.

Talahanayan 5. Paghahambing sa Bílang ng Kababaihan at Kalalakihan sa Manupaktura sa Maynila noong 1903, 1918, at 1939. Kasarian Babae Lalaki Kabuoan % ng Babae

1903

1918 13,075 21,291 34,366 38%

1939 9,584 25,368 34,952 27.4%

Batis: Census of the Philippines 1939, 1 part 3 (Manila: Bureau of Printing, 1940), 293.

318

14,890 45,237 60,127 25%

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

Talahanayan 6. Tipo ng trabaho ng kababaihan sa Maynila noong 1903. 1918, at 1939. Tipo ng Trabaho Mananahi (seamstresses) Tagaburda Bordadora at mananahi Tagalaba (launderers) Cigarmakers Cigarettemakers Cigar and cigarettemakers Maids Katulong (servants) Nagtitinda (merchants) Tagagawa ng kamiseta Kusinera (cooks) Guro Nars at hilot Trained nurses Physician’s attendants Manghahabi (weavers and spinners) Native textile manufacture Tagagawa ng sombrero Tagagawa ng sombrero’t payong Tagagawa ng sapatos Tagagawa ng tsinelas Tagagawa ng kamiseta Tagagawa ng tela Tagagawa ng posporo

Bílang ng Manggagawang Babae 1939

1918 6,909 4,068 2,665 4,475 12,987 6,971 7,009 821 2,809 752 581 139 73 354 907 172 115

1903 751 701

6,855

133 359 55 82

6,965 6,714 4,013 525 682 3.453 370 204 178 154 32 289

Batis: 1903 Census: 1003-1005; 1918 Census: 293-94; 1939 Census 1, part 3: 41-55 Talâ: sa datos ng 1903, kinategorya ang mga okupasyon sa kulay: brown, mixed, yellow, white at black. Ang datos sa itaas ay napapasailalim sa kategoryang “brown.” Sa datos ng manggagawa sa 1939 sensus, may tatlong kategorya ang bawat tipo ng trabaho: “owners” na tumutukoy sa mga may-ari o posisyong pangagasiwa, “operatives” na tumutukoy sa mga manggagawang may isang antas ng kasanayan o karanasan, at “laborers and others” sa pagkakategorya sa ibá pang kulang ang impormasyon o hindi maibibílang sa unang dalawa (1939 Census: Explanatory Notes, XIV). Ang ginamit kong datos sa itaas ay sumada ng dalawang hulíng kategorya: bílang ng mga manggagawang “operatives” at “laborers and others.”

GAWAING SAHURAN NG KABABAIHANG NAKABATAY SA PANGKASARIANG PANANAW Ang integrasyon ng kababaihan sa sahurang paggawa ay nakabatay sa pangkasariang pananaw sa kanila bílang sekundaryang tagagawa. Kayâ bukod sa katangian ng mga gawaing ekstensiyon ng gawaing pantahanan, dumanas silá ng mababang pasahod, naging bulnerable sa seksuwal na karahasan, at sa maraming pagkakataon ay nangailangang sabay na gampanan ang mga gawain bílang ina at ang gawaing sahuran. Noong 1903, nagkaroon ng ulat hinggil sa di-pantay na sahod batay sa kasarian.

319

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa isang impresang Aleman na gumagawa ng posporo at ng sombrero na may 620 manggagawa (400 sa pagawaan ng sombrero at 120 sa pagawaan ng posporo), kalahati ay mga manggagawang babae. Ang oras ng paggawa ay mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali at mula ala-una hanggang alas-singko ng hapon o kabuoang siyam na oras ng paggawa bawat araw. Mababa rin ang pasahod sa kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan. (Tingnan ang Talahanayan 7.) Talahanayan 7. Pasahod Batay sa Kasarian, 1903.12 Kasarian Babae Lalaki

Pagawaan ng Posporo 25-75 cents/araw 34-63 cents/araw

Pagawaan ng Sombrero 34-55 cents/araw 63 cents-$1.05/araw

Batis: Victor S. Clark “Labor Conditions in the Philippines,” Bulletin of the Bureau of Labor, no. 58, May 1905 (Washington: Government and Printing Office, 1905), 824.

Isa pang malinaw na hatian ng gawain batay sa kasarian ang makikita sa isang pagawaan ng tabako na may mga 4,000 empleado. May dalawang tipo ng tabako sa pagawaan—habana at Filipino. Tabakong pang-eksport ang una samantalang para sa lokal na pamilihan naman ang hulí. Mga lalaki ang kadalasang nagtatrabaho sa “selecting or cigar sorting departments” nitó. Karaniwa’y nakaupo silá sa paligid ng mesa. Samantala, ang mga babae (women and girls) ang eksklusibong nagtatrabaho sa pagawaan ng Filipino at nakaupo silá sa sahig. Ginagawa nilá ang pag-eempake at ang pamimilí ng dahon at stripping. Kadalasan, may kasama siláng maliliit na bata. Per piece ang pasahod. Ang karaniwang kíta ng mga lalaki ay 50 cents kada araw hábang ang mga babae nama’y 38 cents bawat araw. Sa maliliit na pabrika sa labas ng Maynila na may mga 20-30 kabataang babaeng gumagawa ng sigarilyo sa pamamagitan ng kanilang mga kamay, karaniwan siláng kumikita ng mula 10.50 hanggang 15.75 cents bawat araw.13 Lalong matindi ang pagkakaibá ng sahod ng mga sastre at mga mananahi sa mga pagawaan ng damit. Ang mga “cutter” sa mga primera klaseng sastre ay kumikíta ng $100 bawat buwan hábang ang mga regular na sastre ay kumikíta lámang ng $14.70 bawat buwan. Mga lalaki ang humahawak ng ganitong mga trabaho. Ang mga babaeng mananahi ay karaniwang kumikíta lámang ng $3.36 bawat buwan kung tuloy-tuloy ang kanilang trabaho hábang ang mga talagang sanáy na mananahi ay kumikíta ng hindi hihigit sa $8.40 bawat buwan.14 Malayò ang kinikita ng kababaihang manggagawa sa minimum na halaga para mabuhay ang isang pamilyang binubuo ng limang katao, ayon mismo sa komputasyon ni Edward Rosenberg, isang komisyoner ng American Federation of Labor na dumalaw sa Maynila noong 1903. Ayon kay Rosenberg, nangangailangan ng $105 bawat taon

320

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

para matugunan ang batayang pangangailangan sa pabahay, pagkain, tubig, at edukasyon ng isang pamilyang manggagawa.15 Ang kakapusan sa sahod ng mga manggagawang kababaihan sa panahong ito ay maliwanag na ipinakíta ng Isang Binibining Mananahi sa Tagalog na kolum sa diyaryong La Redencion del Obrero na may pamagat na “Saan Cacain ang Cuto, Cung Di sa Ulo?”: Huwag kayong magagalit, Aling Binday, kung kami’y humihingi ng dagdag sa aming gawa, sapagkat ito’y nangyayari dahilan sa kamahalan ng lahat ng kakanin, upa sa bahay, labandera, at sampu ng lahat na kinakailangan sa ikabubuhay, at kung gayon, saan kakain ang kuto kung di sa ulo. Ibig baga ninyo, na kaming mga mahihirap na halos iniubos namin ang boo naming buhay at karapatan sa paglilingkod sa inyo ay papatayin pa ninyo kami ng gutom? Babaan ninyo ang upa sa bahay, halaga ng bigas, damit, at mga iba pang kakanin at kagamitan sa kabuhayan at saka namin bababaan naman ang paghingi ng upa sa aming mga gawa.16 Hindi lámang mababang pasahod ang kinakaharap ng kababaihang manggagawa. Bulnerable silá sa seksuwal na pang-aabuso ng kalalakihang may awtoridad sa loob ng pabrika. At, ang mga walang mapapasukang trabaho ay bumabagsak sa prostitusyon: Ang mga cigarrera, sapagkat hindi sila nagkakasapisapi kung kayâ sila hindi nakapag “huelga” hanggang ngayo’y sumasahod ng kakaunting bayad sa kanilang mga gawa, at dito’y maliwanag na nakikita ang boong katotohanan ng sinasabi ng isang Gobernador, na hindi namin naalala kung kailan at saan itinalata, na aniya, ang mga “huelga” kailan pa ma’t hindi lalampas sa nakatatak na kautusan, ay siya ang tanging paraanan ng mga manggagawa upang magkamit ng katuiran sa mga may-ari ng gawaan, tangi na lámang ang “cigarrera” ang hindi nagkamit ng dagdag ngunit ang mga “tabaquero” na naghuelga ay naragdagan sa lahat ng “mena” na ginagawa nila. At hindi lámang ito ang kalagim-lagim, kungdi ang “cigarrerang” may kaunting ganda’t kaayusan, sapilitan nalalaang makatakip ng marurumi at masasamang nais ng mga may pagawaan, “maestro” at

321

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ibá pang mga natuturang pinuno ng pagawaan. At huwag na natin sabihin ang mas mga kaawaawang kababayan nating babae na sa walang sukat na mapagkitaan ng ikabubuhay, ay napipilitan na sila’y gumawa sa “fabrika” ng mga intsik. Walang lalaong karumal-dumal at kasuklamsuklam [sic].17 Dagdag na patunay sa tagibang na pasahod ng manggagawa batay sa kasarian ang resulta ng sarbey na ginawa ng Kawanihan sa Paggawa sa mga manggagawa sa Maynila noong Abril hanggang Hunyo 1909. Sa 22 tagagawa ng tabako o ang “cigar makers” na naging bahagi ng pag-aaral, apat ang babae. Dalawa sa kanila ay mga balong edad na 60 at 40 taóng gulang hábang edad 17 at 18 naman ang dalawang dalaga. Apat sa kanila ang tumuturing sa sarili na “heads of the family.” Karaniwan, mahigit siyam na oras siláng nagtatrabaho. Kumikíta ang kababaihan ng mula PHP0.40 hanggang PHP0.75 bawat araw hábang ang kalalakihan ay kumikíta ng mula PHP0.50 sa pinakamababa at PHP2.50 sa pinakamataas.18 Sa panayam sa mga kusinero at kusinera, iisa ang babae, isang dalagang edad 18. Nagtatrabaho siya ng 12 oras bawat araw sa loob ng pitong araw katulad ng ibáng kusinero. Pero kumikíta lámang siya ng PHP15.00 bawat buwan, mababa sa karaniwang PHP25.50 bawat buwang kíta ng mga lalaking nakapanayam.19 Gayunman, may eksepsiyon din sa palákad na karaniwang di-pantay na pasahod. Ang babaeng katulong ay nag-iisa sa 27 nakapanayam na mga katulong. Edad 54 siya at isang bálo. Nagtatrabaho siya nang 12 oras bawat araw sa loob ng pitóng araw at kumikíta ng PHP22.00 bawat buwan. Mataas ito sa PHP10.00 bawat buwan ng karaniwang kinikíta ng mga lalaking katulong.20 Maaaring ipaliwanag ang mas mataas na sahod na ito dahil sa kaniyang mas matagal na serbisyo at karanasan. MABABÀNG PASAHOD, MASAMÂNG KONDISYON SA PAGGAWA SA IKATLO AT IKAAPAT NA DEKADA NG PAGHAHARI NG MGA AMERICANO SA FILIPINAS Walang gaanong pagbabago sa mas mababang pasahod sa manggagawang kababaihan at bata sa ikatlo at ikaapat na dekada (1920s-1930s) ng paghahari ng mga Americano sa Filipinas. Nanatili ang mas mababang pasahod sa kanila ayon sa ulat ng Bureau of Labor. (Tingnan ang mga talahanayan 8 at 9.) Maliban sa mga manggagawa sa bordáhan, kung saan mas malaki ang buwanang kíta ng mga babae kaysa mga lalaki, sa kabuoan ay mas mababa ang sahod ng una kaysa hulí. Maaari itong maipaliwanag na mas bihasa sa pagboborda ang kababaihan.

322

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

Talahanayan 8. Arawang Sahod batay sa Kasarian, 1926. Minimum

Average

Cigarmakers P0.50 P1.49 Lalaki .33 1.05 Babae .30 .71 Bata Manggagawa sa bordahan P0.70 P1.66 Lalaki .33 1.05 Babae .50 .73 Bata P0.83 P2.50 Manggagawa sa pagawaan ng sapatos 0.50 1.06 Lalaki 0.40 0.85 Babae Bata Batis: Bureau of Labor, Labor Conditions in the Philippine Islands (September 1926) 55.

Maksimum P3.42 2.00 1.20 P4.00 2.50 1.00 P6.00 2.00 1.50

Talahanayan 9. Buwanang Sahod batay sa Kasarian, 1926. Minimum Cigarmakers Lalaki Babae Manggagawa sa bordahan Lalaki Babae Stenographers Lalaki Babae Office Clerks Lalaki Babae

Average

Maksimum

P30.00 12.00

P57.50 28.00

P85.00 45.00

P15.00 15.00 P80.00 60.00 P25.00 20.00

P59.00 36.42 P123.00 121.00 P120.00 35.00

P110.00 175.00 P200.00 175.00 P300.00 50.00

Batis: Bureau of Labor, Labor Conditions in the Philippine Islands (September 1926), 55.

Noong 1928, nagsagawa ng inspeksiyon ang Bureau of Labor para alamin ang kalagayan ng mga manggagawang babae at bata sa Maynila. (Tingnan ang talahanayan 10.) Saklaw nitó ang 542 “centers of labor” sa Maynila na may kabuoang 9,604 na babaeng manggagawa at 1,252 bata. Ginawa ang inspeksiyon sa mga pagawaan ng tabako at sigarilyo, bordáhan, pagawaan ng sapatos, sorbetesan, imprenta, shirt and underwear factories, pagawaan ng kendi, pagawaan ng sombrero, pagawaan ng botones, at pagawaan ng posporo. Binanggit ng ulat na nakakonsentra ang mga manggagawang babae at bata sa mga naturang pabrika dahil sa “katangian ng trabaho at sa mababang pasahod sa mga manggagawa.”21

323

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Talahanayan 10. Detalye ng Resulta ng Inspeksiyon ng mga Pilîng Pagawaan sa Maynila, 1928. Tipo at Bílang ng Pagawaan Tabako/Sigarilyo (40) Pagbuburda (23) Shirt factories (6) Payong (3) Kendi (9) Imprenta (24) Sombrero (6) Botones (1) Posporo (1)

Blg. ng Babaeng Manggagawang

Blg. ng Batang Manggagawa

5,552 1,787 435 47 86 84 39 100 53

927 107 36 11 19 46 7 17 8

Karaniwang Sahod/ Linggo P2.00-P5.00 P3.00-P12.00 P3.00-P18.00 P2-P4/araw P.50-P1/araw P3-P5/lingo P.50-P1/araw P1-P1.75/araw P.50-P1/araw

Karaniwang Oras ng Paggawa 9 na oras 9 na oras 9 na oras 9 na oras 8-9 na oras 9 na oras

Batis: Bureau of Labor, The Activities of the Bureau of Labor (Manila: Bureau of Printing, 1930). 31-35.

May mga partikular na sitwasyon na pinansin ng mga inspektor ng Bureau of Labor. Sa mga pagawaan ng tabako at sigarilyo, tinukoy nilá ang masikip at maruming kalagayan sa paggawa ng mga manggagawa sa “stripping work,” ang madidilim na silid-pagawaan sa mga pabrika ng payong na nakasisira sa mga mata ng mga manggagawa, at ang reklamo sa pagkahilo ng mga manggagawa sa botonesan dahil sa makikinang na botones na nakakasilaw sa mga mata. Pinansin din nilá ang diskriminasyon sa mga babaeng may-asawa sa pagtanggap ng mga bagong manggagawa.22 Walang gaanong pagbabago sa sitwasyon sa paggawa ng kababaihan at mga bata sa ikaapat na dekada ng paghahari ng Americano sa Filipinas. Sa Bulletin ng Bureau of Labor noong Disyembre 1938 na sinipi ni Kurihara, nanatili ang mas mababang pasahod ng mga babaeng manggagawa kompara sa mga lalaki. Tinukoy dito ang mga pagawaan ng tela, tabako at sigarilyo, kamiseta, kendi, at bordáhan kung saan ang karaniwang buwanang kíta ng kababaihan ay PHP8.00, PHP10.00, PHP12.00, at PHP14.00.23 Noong 1938, ang di-pantay na pasahod sa pagitan ng babae’t lalaki ay nagkakahalaga nang mas mababa pa sa tinukoy na karaniwang arawang kíta ng mga manggagawang industriyal at agrikultural na 60 sentimos. Ayon kay Ramon Torres, Kalihim sa Paggawa noong 1938, ang karaniwang arawang sahod ng mga manggagawa sa minahan, asukarera, at transportasyon ay piso hábang “libo-libong manggagawa sa mga pabrika ng tabako at mga bordáhan ay kumikíta lámang ng 40 sentimos.”24 Pansinin na nakakonsentra ang mga lalaking manggagawa sa mga pagawaang industriyal hábang mga babaeng manggagawa naman ang nakakonsentra sa mga pagawaang agrikultural.

324

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

Iniugnay ni Kurihara ang mababang kíta ng kababaihan sa kalagayang ang kíta ng main breadwinner (ang lalaki) ay hindi sapat para buhayin ang pamilya. Kayâ naitulak ang mga asawa’t anak na maghanap ng trabaho kahit na mababa ang sahod.25 Patuloy rin ang sistemang piece-rate kung saan kadalasa’y napipilitan ang mga manggagawang magtrabaho nang higit sa 12 oras kada araw kung may trabaho at nakararanas ng mga araw na wala namang natatanggap na trabaho. Ang sitwasyon na ito ay pinuna mismo ni Valeria A. Villa, ang Hepe ng Seksiyon para sa Manggagawang Kababaihan at Bata ng Kawanihan sa Paggawa noong 1938. Aniya: Ang miserableng kondisyon ng kababaihang “pieceworkers” sa ilang mga pabrika ay pinalalâ ng katotohanang hindi lahat ng araw ng linggo ay may trabahong nakalaan para sa kanila. 26 Ang sistemang piece-rate sa pagawaan ng tabako ay nangangahulugan ng pagtatakda ng tiyak na halaga sa bawat 1,000 tabakong magagawa. Ayon kay Kerkvliet, nagugustuhan ng mga babaeng manggagawa ang ganitong sistema dahil nakakapagtrabaho silá batay sa sariling bilis at ang ganitong pleksibilidad ay nagbibigay sa kanila ng panahon para asikasuhin ang mga gawaing bahay o ang pamamalengke kung kinakailangan. Pero kinilala rin ni Kerkvliet na ang pangunahing nakinabang sa ganitong sistema ay ang mga may-ari at mga amo ng pabrika dahil madaling napapababa ang sahod ng mga mangggagawa sa simpleng pagtatakda ng mas mababang kota.27 Sa mga bordáhan, ang di-pantay na sahod ng babae’t lalaki ay patuloy na umiral. Sa pag-aaral na ginawa ng Kawanihan ng Paggawa noong 1939 sa 2,810 manggagawang pumapasok sa 15 bordáhan sa Maynila, ang karaniwang sahod ng manggagawa ay PHP1.07 bawat araw. Sa 2,810 kabuoang manggagagawa, 2,336 ang babae, at 474 ang lalaki. (Tingnan ang Talahanayan 11.)

325

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Talahanayan 11. Arawang Sahod ng mga Manggagawa sa 15 Bordahan sa Maynila (1939). Sahod na Saklaw (Wage Range) Mababa sa P1.00 P1.00 at mababa sa P1.20 P1.20 at mababa sa P1.40 P1.40 at mababa sa P1.60 P1.60 at mababa sa P1.80 P1.80 at mababa sa P2.00 P2.00 at mababa sa P2.20 P2.20 at mababa sa P2.40 P2.40 pataas Kabuoan

Lalaki

Babae 43 206 82 37 16 9 24 13 44 474

1,099 653 412 36 93 4 13 15 11 2,336

Kabuoan 1,142 859 494 73 109 13 37 28 55 2,810

Porsiyento ng Babae sa Kabuoang Bílang ng Manggaawa 40.64% 30.57% 17.58% 2.60% 3.88% .46% 1.32% .99% 1.96% 100%

Batis: Bureau of Labor, “Wages in the Embroidery Industry,” Labor Bulletin, September-October 1950, 35152.

Karamihan sa mga lalaki ay stampers (178). Ang ibá ay designers (75), gutters (35), cleaners (23), perforators (17), shippers (16), packers (13), janitors (12), washers (10), at watchmen (10). Ang kababaihan naman ay pressers (382), sewers (335), button-holers (295), ironers (263), scallop cutters (108), machine operators (103), at embroiderers (101). May apat na forewoman at 90 inspector. Mahigit 40 porsiyento ng mga manggagawa ay kumikíta ng mas mababa sa piso bawat araw at higit na nakararami rito ay kababaihan: 1,009 babae kompara sa 43 lalaki. Sa kabilâng bandá, mas maraming lalaki ang kumikíta ng dalawang piso pataas, 114, kung ihahambing sa 39 babae. Ang naging resulta ng patakarang malayàng kalakalang ipinatupad ng mga kolonyalistang Americano sa Filipinas ay ang pagpapanatili sa pangunahing katangiang agrikultural ng ekonomiya ng Filipinas. Limitado at mababang antas ng manupaktura ang napaunlad sa Filipinas. Kakarampot ang mga oportunidad sa paggawa. Palagian ang naging problema sa kawalan ng mapapasukang trabaho at namamantene ang mababang pasahod dahil malaki ang suplay ng manggagawa at limitado ang pangangailangan para sa kanila. Bukod sa kawalan ng trabaho at mababang pasahod na dinanas ng mga manggagawa, babae man o lalaki, may partikular na epekto sa kababaihan ang malayàng kalakalang ipinatupad ng mga kolonyalista. Sa buong Filipinas, humina ang likhang-kamay ng kababaihan sa loob ng tahanan, tulad ng paghahabi at paglalála ng banig at sombrero. Makikíta ito sa pagliit ng bílang ng kababaihan sa manupaktura sa tatlong sensus na ginawa sa panahon

326

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

ng Americano: mula mahigit 716,589 noong 1903, hanggang 696,699 noong 1918, hanggang 267,359 noong 1939. Kayâ sa pagtagal ng kolonyal na paghahari ng mga Americano sa Filipinas, nanatili ang nakararaming kababaihan sa gawaing walangbayad sa agrikultura at sa loob ng tahanan at sa sahurang serbisyong personal o pamamasukan bílang katulong. Konsentrado sa mga pagawaan ng tabako at sigarilyo, bordáhan, ang kababaihan. Ang katangian ng limitadong trabaho sa manupaktura na bukás sa kababaihan ay karaniwang ekstensiyon ng mga gawain ng mga babae sa bahay. Hindi naiibá ang katangian ng sahurang trabaho ng mahigit 47,000 kababaihan sa Maynila noong 1939—pananahi, pagboborda, paglalaba, paggawa ng tabako at sigarilyo, pagkakatulong at pagtitinda. Bukod sa konsentrasyon ng kababaihan sa mga gawaing itinuturing na para sa mga babae, dumanas din silá ng mababang pasahod kung ihahambing sa kalalakihan, bulnerabilidad sa seksuwal na karahasan, at diskriminasyon sa mga babaeng may-asawa sa pagtanggap ng mga bagong manggagawa. Hindi rin mabuti ang mga kondisyon sa mga pagawaan: masisikip at maruruming kapaligiran sa mga pagawaan, madidilim na silid-pagawaan na nakakasira ng mga mata, at makikinang na mga botones na nagdudulot ng pagkahilo sa mga manggagawa sa botonesan. Sa mga pagawaan ng tabako, nakakonsentra ang kalalakihan sa tabakong pang-eksport at karaniwa’y nakaupo silá sa paligid ng mesa sa trabahong “cigar sorting.” Nagtatrabaho ang kababaihan sa produksiyon ng tabako at sigarilyo para sa lokal na pamilihan at nása pag-eempake at pamimilíng dahon. Nakaupo silá sa sahig at kadalasa’y may kasamang maliliit na anak. Umiral na rin ang “subcontracting” at “piece rate” na para sa kababaihang manggagawa ay nagbigay ng pagkakataon para parehong gampanan ang mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga anak hábang kumikíta sa sariling panahon at bahay. Pero malinaw rin na ang ganitong sistema ng paggawa ay naging kapaki-pakinabang sa mga may-ari ng mga pabrika dahil nakatipid silá sa sahod ng mga manggagawa. Sa kabuoan, malaking salik ang kasarian sa katangian ng gawain, sahod, at kondisyon sa paggawa ng kababaihang manggagawa sa panahon ng paglatag at pagtagal ng malayàng kalakalan sa Filipinas.

327

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

MGA TALÂ Evelyn Ansay-Miranda, “Early American Imperialism and the Developement of the Philippine Oligarchy: The Case of the Philippine Commission and the Filipino Legislative Elite, 1899-1916” (PhD diss., University of the Philippines, 1986), 140-41. 2 Amado Alejandro Castro, “The Philippines: A Study in Economic Dependence” (PhD diss., Harvard University, Cambridge, Massachusettes, November 1953), 6669; at Rene Ofreneo, Labor and the Philippine Economy” (PhD dess., University of the Philippines, 1993), 38. 3 Ibid, 40. 4 Joseph E. Jacob and J. Bartlett Richards, “The Economy and Trade of the Philippines: 1

5

6

7

8 9 10 11 12

13 14 15 16

17 18

19 20 21

A Study of Philippine Production, Foreign Trade and Government Finances with Estimates of Changes To Be Expected When the Philippine Become Independent and with Comments on Adjustment Possiblities,” Office of the Philippine Affairs of the Department of State Washington, DC, January-August 1940, 10. Miranda, 161-62, in Shirley Jenkins, American Economic Policy toward the Philippine (Stanford University Press: Stanford, California, 1954), 39. Report ng Joint Committee on Philippine Affairs na nása Ofreneo, “Labor and the Philippine Economy,” 39. Kenneth Kurihara, Labor in the Philippine Economy (Stanford, California: Stanford University Press, 1946), 11. Ibid., 11. Shirley Jenkins, American Economic Policy, 44. Census of the Philippines, 1903, 101. Census of the Philippines, 1903, 865; Census of the Philippines, 1939, 45-49. Victor S. Clark, “Labor Conditions in the Philippines,” Bulletin of the Bureau of Labor No. 58, May 1905 (Washington: Government and Printing Office, 1905), 824. Ibid., 825-26. Ibid., 823. Ibid., 841-42. “Saan Cacain ang Cuto, Cung Di sa Ulo?,” La Redencion del Obrero, Oktubre 8, 1903. Lope K. Santos, La Redencion del Obrero, Oktubre 22, 1903, 11. Bureau of Labor, First Annual Report of the Bureau of Labor, Fiscal Year 1910 (Manila: Bureau of Printing, 1911), 56-59 Ibid., 63-66. Ibid., 86-88. Bureau of Labor, TheActivities of the Bureau of Labor (Manila: Bureau of Printing, 1930), 32.

328

ANG “MALAYANG KALAKALAN” AT ANG EPEKTO SA PAGGAWA NG KABABAIHANG MANGGAGAWA

22 23

24 25 26 27

Ibid., 31-35. Kenneth kurihara, Labor in the Philippine Economy, 19. Ayon kay Kurihara ang piso ay katumbas ng US $0.50. Philippine Council, 5. Kenneth Kurihara, 19. Ibid., 19. Melinda Tria Kerkvliet, Manila Workers’ Unions, 1900-1950 (Quezon City, Philippines: New Day Publishers, 1992), 52.

329

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA NI

JEMA M. PAMINTUAN

Bisa kang til-til asin, táya ka king hueting2 (Kung ibig mong magdildil ng asin, tumaya ka sa huweteng.)

ubalit hindi alintana ng ilang Kapampangan ang babalang ito ng sawikain. Kaakibat na ng kanilang pagtatayâ sa sugal ang paggamit ng ibá’t ibáng uri ng degla sa pagpili ng numero. Degla ang katumbas ng salitâng deskarte sa mga Kapampangan at madalas itong ginagamit ng mga tumatayâ kapag kinakausap at kinokonsulta ang kobrador tungkol sa katumbas na numero ng kanilang panaginip, halimbawa, “nanaginip ako, deglahin mo nga” na nangangahulugang, “deskartehan mo nga”o kung ipapaliwanag pa “ano ang dapat kong itayâng numero batay sa napanaginipan ko?” Sa usapin ng degla, kritikal na makapaghain ng impormasyon hinggil sa ugnayan ng halaga ng tayâ at batayan ng pagpili ng numerong ipinusta—gaano ang itataas o ilalaki ng halaga ng tayâ kung “dinegla ng kobrador” o “pinadegla sa kobrador” ang mga numero? May impluwensiya ba ang pagdedegla sa halagang ipinupusta sa sugal? Sa ekonomiyang iniinugan ng mga sugalan, tulad ng purok sa Lubao na

S

330

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

pinananaigan ng huweteng, may estimasyon ng halaga ng degla sa pamilihan ng sugal na nakapagdidikta ng paraan ng pagkonsumo at maaaring nakapagpapabago ng kompigurasyon ng paggasta ng mga residenteng tumatayâ sa huweteng. Ito naman ang pauunlarin sa kabanatang ito, na magtatalakay ng empirikal na pag-aaral na isinagawa sa isang purok sa Lubao, Pampanga. Ito ang pangunahing ibig problematisahin sa pag-aaral: Paano tinutuhog ng konsepto ng degla ang pagpapagalaw sa, pamamayagpag ng, at pagpapanatili sa operasyon ng huweteng sa lipunang Filipino? At ang isang anggulo rito na maaaring tuklasin, kung masusukat, gaano nga ba ang impluwensiya ng pag-angkla sa mga degla, sa halagang itinatayâ ng mga sumusugal? Maaaring paratangang irasyonal ang paniniwala sa mga degla, subalit hindi matatawarang isa itong rasyonal at tiyak na paliwanag sa kalikasan ng pagtatayâ ng isang táong nagsusugal. Tangka rin ng saliksik na ipaliwanag ang komoditisasyon ng degla bílang aparato sa patuloy na pamamalakad ng sugal at pagpapatunay ng timbang ng paggamit nitó na may impluwensiya sa halaga ng tayâ. Gagawin ito sa pamamagitan ng komputasyon at pagsusuri sa market value ng degla na inilalako sa merkado ng lunang ginawan ng empirikal na pag-aaral, bílang patunay ng pananaig ng politika at pamumulitika, sa pagpapaliwanag ng ekonomiks ng degla. Sa pagsubok ng bisa at impluwensiya ng degla sa gawî ng pagtatayâ ng mga nagsusugal, napili bílang lunan ng saliksik ang Pampanga sapagkat ito ang itinuturing sa kasalukuyan na “Jueteng Capital of the Philippines.”3 Ang Lubao, Pampanga rin ang bayan ng tanyag na itinuturing na hari ng huweteng na si Rodolfo “Bong” Pineda.4 Isang kakilala at kapuwa mananaliksik ang nagsilbing pangunahing contact person sa pagsagawa ng etnograpikong pag-aaral. Taga-Lubao rin ang kakilalang ito at ipinakilala ako sa ilang mga residente sa Lubao na nakatrabaho ng kaniyang tatay. Sa isang purok ako nagtuon ng aking pananaliksik para sa mga buwan ng Marso at Hunyo, taóng 2010. Tatawagin ko na lámang Purok A ang nasabing lugar kung saan nagsagawa ng pag-aaral, bílang paggalang sa pangangailangan na ingatan ang identidad ng nasabing purok. Binibigyang-diin na anumang pagsusuri sa mga ihahaing datos, pagtatanghal ng interpretasyon sa nakalap na mga impormasyon, ay inaangkin at sariling paninindigan ng mananaliksik, at hindi naimpluwensiyahan o nalangkapan ng opinyon, komento o mungkahi ng mga kinapanayam. IMPORMASYON AT DESKRIPSIYON SA HEOGRAPIYA, SÚKAT, POPULASYON NG LUBAO, PAMPANGA Ang Lubao5 ang isa sa dalawampu’t dalawang munisipalidad ng lalawigan ng Pampanga, na may apatnapu’t apat (44) na barangay, at kabuoang sukat na 15,731.11

331

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ektarya.6 Taal na ikinabubuhay ng mga taga-Lubao ang pagsasáka (ang Lubao ang may pinakamataas ng produksiyon ng palay sa Pampanga), pangingisda, at pag-aalaga ng mga babuyan at manukan.7 Kasalukuyan itong nása ilalim ng pamamahala ni Mayor Mylin Pineda-Cayabyab, gayundin ng mga opisyal na lalawigan ng Pampanga na sina Gobernador Lilia Pineda (ina ni Mylin Pineda-Cayabyab) at Cong. Gloria MacapagalArroyo. Ang lugar kung saan isinagawa ang etnograpikong pag-aaral na tatawaging Purok A ay may estima na halos 120 households o pamilya, sang-ayon sa nakapanayam na purok chairman ng lugar. ANG HUWETENG SA PUROK A “Para lámang daw sa mga tamad ang pagsusugal, pero hindi para sa mga tulad kong kobrador na tatlong beses isang araw, pitong beses isang linggo, ang pangongolekta ko ng tayâ. Pinagtitiyagaan talaga namin ito para kumita,” sambit ni Mang Tony (hindi tunay na pangalan), isang nakapanayam na kobrador. Matindi ang epekto ng pagpapatigil sa operasyon ng huweteng sa pinansiyal na katayuan ng mga kobrador at empleado ng huweteng. Sang-ayon sa isang ulat, pansamantalang natigil ang operasyon ng huweteng sa ilang bayan sa Pampanga noong taóng 2005, at idineklara ni Central Luzon Police Director Chief Superintendent Alejandro na “jueteng-free” na umano ang Pampanga.8 Sa parehong artikulo na ulat ng Philippine Star noong taóng 2005, inihayag umano ni dating Rep. Reynaldo Aquino ng San Fernando, Pampanga na may 20,000 batang mag-aaral sa bayan ang hindi muna makapapasok sa eskuwelahan sapagkat nawalan ng hanapbuhay ang kanilang mga magulang, na umaasa sa huweteng.9 Idinagdag pa ni Aquino na may halos 15,000 pamilya sa distrito ang umaasa sa huweteng para kumita ng salapi, bílang mga kobrador, kabo at ibá pang empleado para sa operasyon ng sugal, samantalang sa obserbasyon naman ng dáting alkalde ng Angeles City na si Carmelo Lazatin, may halos 1,200 pamilya sa lungsod ang kumukuha ng kanilang kabuhayan sa huweteng.10 Patunay ito na ang huweteng ang isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga residente ng Pampanga. Ang pangunahing nakikibahagi sa huweteng ay ang mga ordinaryong residente ng komunidad, ang masa ng purok. Tinanong ko kay Mang Tony kung may mga tumatayâ ba sa kaniya na mga maykáyang residente, at sabi niya ay wala raw. Hindi raw siya kumakatok sa malalaking tahanan at pakiramdam daw niya ay hindi naman kailangang tumayâ ng mga naroon, at ni hindi magtatangka ang mga ito na makihalubilo sa tulad niyang kobrador, na OK lang naman daw, dahil siya mismo ay mukhang hindi rin makakapalagayang-loob ang mga nagmamay-ari ng tahanang iyon. Ani Mang Tony, pati ang mga bataà, mga mag-aaral ng elementarya, ay nahihilig din umano sa pagtayâ sa huweteng.

332

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

Ang resulta ng mga nanalong numero ay ipinapatalastas ng kobrador sa pamamagitan ng pag-iikot sa komunidad. Sa ilang pagkakataon, nagpapadala na lámang umano ito ng text message sa mga residenteng nagwagi sa halip na personal pa itong pumunta sa tahanan. MGA URI NG DEGLA SA HUWETENG Ano-ano nga ba ang pinagbabatayan ng mga numerong itinatayâ? Hindi na lámang ito limitado sa mga panaginip na laman ng anunsiyo sa mga dagli at maikling kuwento noong panahon ng kolonyalismong Americano. Kasáma sa mga salalayan ng pagtayâ ang mahahalagang petsa gaya ng kaarawan, petsa ng pagkamatay ng kaanak, pista, edad ng tumatayâ o kaanak nitó, plate number ng sasakyan, mga hugis na makikita sa kaligiran (halimbawa nitó). Madalas ding ginagawang deskarte ng mga tumatayâ ang kombinasyon ng mga numero, halimbawa, mula sa petsa ng kaarawan na itatambal sa numerong katumbas ng napanaginipan. O kayâ, petsa ng kaarawan at edad ng tumayâ, at ibá pa. Kritikal ang tungkulin ng kobrador sa paggana ng mga degla. Nangangahulugan, hindi lámang pansariling deskarte ng tumatayâ ang gamit niya ng petsa ng kaarawan, edad, at ibá pang inaalagaang numero, sapagkat ang ilan sa mga tumatayâ ay nagpapadegla sa kobrador, halimbawa, ng mainam na kombinasyon ng mga numero. Nagsisilbing tagapagmungkahi ang kobrador ng mabisang combo o kombinasyon ng tatayaang numero ng residente, halimbawa, alin ba ang mas mainam maunang numero sa listahan, ang petsa ng kaarawan o edad ng asawa? Gayundin, ang kobrador ang tagapagtukoy ng mga katumbas na numero sa panaginip o anumang imaheng ibig ipadegla ng tumatayâ. ILANG DEGLA NA ISINASAGAWA SA PAGKONSULTA SA KUWADERNO NG KOBRADOR Naniniwala ang ilang tumatayâ ng huweteng na hindi lámang “dalá ng pagkakataon” ang pagkakapanalo ng mga nabunot na numero. May posibilidad umano na may partikular na padrong sinusundan ang mga numerong nagwawagi kada araw. Ang ilan ay naniniwalang nakatadhana ito, ang ilan naman ay kumbensido sa sinasadyang pagbunot ng mga numero sa tambiyolo, gayong hindi nga ito malinaw na nasasaksihan, at hindi ito namomonitor at napapanood ng mga tumayâ (maski ng mga kobrador). Kung kayâ, ang pagsipat, pagtingin, pagkapâ ng padron sa mga numerong nagwagi na at nakalista sa kuwaderno ng mga kobrador ay malimit na ginagamit na batayan ng tatayaang mga numero. Instrumental ang mga kobrador sa prosesong ito, sapagkat hindi lámang kuwaderno nilá ang kailangan, maging ang kanilang mungkahi at mismong pagtatayâ sa paraan ng pagsuri ng tumatayâ.

333

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

SUMA-SUMA Titingnan ng tumatayâ ang notebook ng kobrador at papasadahan ang mga numerong nagwagi na noong mga nakaraang bola. Mula rito, ang gagawin ng tumatayâ, papakiramdam kung aling numero ang ipapalagay nitóng posibleng tumama sa susunod na bola. Ayon sa ilang mga nakapanayam, madalas nilang pipiliin mula sa listahan ang mga numero na matagal nang hindi tumatama. Ang ibá naman ay hihingi muna ng pagsang-ayon mula sa kobrador bago siguruhin ang tatayaang numero. DISENYO NG SAMPLE AT URI NG TINIPONG DATOS Systematic Random Sampling11 ang gagamiting metodolohiya sa pagpili ng mga kakapanayaming residente upang magarantiya na may representasyon ang populasyon ng purok. Kada ikatlong bahay ang kukuning mga indibidwal na gagamitin para sa saliksik, samakatwid, sa halos 1,200 residente sa purok, 40 ang gagamiting sample. Panel data12 ang uri ng datos na tinipon sa pag-aaral ng purok. Nagsagawa ng etnograpikong pag-aaral sa mga buwan ng Marso at Hunyo, sa parehong pangkat ng mga residente, upang makita kung may impluwensiya ang pagkakaibá ng panahon (tag-init vs tag-ulan) sa gawi ng pagtatayâ ng mga residente. Lingguhan ang naging batayang-panahon ng mga kinalap na datos upang mas tiyak ang pagsiyasat sa pagtatayâ sa huweteng ng mga kakapanayaming indibidwal. Dahil kailangan ang datos ng nakaraang pagtayâ sa huweteng, higit na madaling maakses ng mga indibidwal sa kanilang gunita ang itinaya nilá ng nakaraang linggo kaysa sa nakaraang buwan. Hindi na gumamit ng mga questionnaire sa pananaliksik sapagkat maaaring makaengkuwentro ang suliranin ng di-pagtugon o kakulangan sa pagtugon ng ilang mga indibidwal. Direktang panayam at pakikipag-usap sa mga residente ang ginamit na metodo, pagkat kinikilala na ang kainaman ng resulta ng pananaliksik ay mahigpit na nakabatay sa datos na makukuha mula sa empirikal na pag-aaral. Malaking tulong din sa isinagawang empirikal na pag-aaral ang kakayahan ng mananaliksik na makaunawa at makapagsalita sa wikang Kapampangan. Sa karanasan sa pakikipanayam, higit na komportable sa paggamit ng wikang Kapampangan ang karamihan sa mga residente. PROFILE NG MGA RESIDENTENG KINAPANAYAM AT BUOD NG MGA DATOS Ang komprehensibong deskripsiyon at talâ para sa mga nakalap na datos ay nakaayos sa pamamagitan ng mga table na matatagpuan sa mga susunod na pahina. Bagaman babanggitin din ang buod ng mga datos, may mga pie graph na katuwang ang mga ito para sa higit na biswal na artikulasyon ng mga impormasyong halaw sa mga residente, gayundin, paunang interpretasyon sa mga ito.

334

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

EDAD Ang edad ng mga kinapanayam ay mula 18 hanggang 76 na taóng gulang. Pinakamalaki ang bílang ng mga kinapanayam na may edad 25-34 na taóng gulang, na katumbas ng 30% ng kabuoang bílang, samantalang pinakakaunti ang nása edad 65 pataas (5% ng kabuoang bílang ng kinapanayam). Kung lilikha pa ng mas detalyadong eskema ng paghahati ng mga edad.13 KASARIAN NG MGA KINAPANAYAM Kumatawan sa 52.5% ng mga kinapanayam ang mga babae (21 katao), samantalang 47.5% ng mga kinapanayam (19 na katao) ay mga lalaki. ANTAS NG EDUKASYON Mula sa datos, pinakamarami sa nakapanayam (45% ng kabuoang bílang ng nakapanayam) ay nakaapak sa hay-iskul o nakatápos nitó. HOUSEHOLD SIZE O BÍLANG NG MIYEMBRO NG PAMILYA Pinakamarami sa mga kinapanayam ang may 0-5 miyembro ng pamilya, na kumatawan sa 65% ng kabuoang bílang, sumunod ang may 6-10 bílang ng miyembro ng pamilya, na kumatawan sa 32.5% ng kabuoang bílang. Isa lámang ang nása 10 pataas na bílang ng miyembro ng pamilya. HANAPBUHAY Mula sa ibá’t ibáng uri at sektor ng hanapbuhay ang mga nakapanayam na residente ng Purok Kampupot ng Lubao. Ilan dito ay nagtatrabaho sa mga manukan, nagbebenta ng load ng cellphone at nagtitinda sa sari-sari store, welder, labandera, kasambahay, kobrador, catering staff, construction worker, mananahi, mekaniko, karpintero, gasoline station staff, clerk, empleado ng isang sangay ng gobyerno, at ilan ay mga maybahay, retirado na, o walang trabaho. Bagaman nagsagawa ng dalawang saliksik, isa noong buwan ng Marso at isa noong buwan ng Hunyo, pareho pa rin ang binanggit nilang pinagkukunan ng kabuhayan. AVERAGE INCOME KADA LINGGO NG MGA KINAPANAYAM (HOUSEHOLD INCOME) Ang sumusunod na datos ay kani-kaniyang estima ng mga kinapanayam sa kanilang lingguhang kíta; may ilan na iregular ang kíta sapagkat hindi permanente ang trabaho o suweldo, tulad ng labandera, mananahi, catering staff, tindera, staff sa beauty parlor, at karpintero. Sa mga may regular na suweldo, kinompiyut na lámang ang lingguhang kíta batay sa buwanang kíta ng kinapanayam. Para sa mga walang

335

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

trabaho at housewife, kinuha na lamang ang average weekly income ng breadwinner/ punò ng tahanan (head of the household). Iyon nga lámang, kinikilala na posibleng ang problema rito, ay ang pagkakaroon ng anggulo ng pagkakaibá sa paraan/gawî ng paggasta (spending pattern/behavior) kapag walang sariling kíta ang tumatayâ; posibleng mas ipinantatayâ ang pera na sariling kíta kaysa perang bigay ng pinunò ng tahanan/breadwinner. Bagaman, napatunayan naman, batay sa kinapanayam na residente bílang 8 na kahit wala itong trabaho, umaabot sa P1,500.00 ang lingguhang halaga na itinatayâ sa huweteng. ANG MGA DEGLA NG MGA TUMAYA Pinagbabatayan na ng degla rito ang deskripsiyon nitó na tinalakay na sa nakaraang seksiyon. Saklaw ng degla ang mga anunsiyo (pagtumbas ng numero sa mga panaginip), paggamit ng mga petsa ng kaarawan na itinatambal sa ibá pang pinaniniwalaang suwerteng numero gaya ng edad (edad at birthday combo ang tawag dito ng ilang nakapanayam na tumatayâ), at ibá pang pinahahalagang petsa gaya ng pista. Sang-ayon sa mga nakapanayam na kobrador at residente, ang degla ay hindi lámang ginagamit sa pagtumbas ng mga numero para sa panaginip, o sa paglikha ng kombinasyon ng mga ito, gaya ng numero ng panaginip na itatambal sa kaarawan o edad ng tumatayâ. Kasáma rin dito ang paggawa ng ibá pang kombinasyong maaaring ipakiusap ng tumatayâ na deglahin ng kobrador, o puwede rin namang mungkahi ng kobrador—halimbawa, maaaring sangguniin ng kobrador ang kuwaderno at listahan nitó ng mga nanalo nang numero, susuriin ito, maaaring humanap ng padron, at imungkahi na pagbaligtarin halimbawa, ang petsa ng kaarawan at edad na ibig tayâan ng pumupusta. Kabílang din sa degla ang suma-suma, pitna, palundag, at ibá pang naglalahad ng kaayusan, kronolohiya, at progresyon ng mga numero na ipinaliwanag na sa nakaraang kabanata. Hindi lahat ng nakapanayam ay may degla, o naniniwala sa degla. Sa saliksik na ginawa noong Marso 2010, may dalawampu’t pitóng (27) katao o 67.5% ng kinapanayam ang gumamit ng degla sa pagtayâ sa huweteng, samantalang labintatlong (13) katao, o 32.5% ang hindi gumamit ng degla sa kanilang pagtayâ. Ito ang mga nagbibigay na lámang ng numerong tatayâan nang hindi ibinatay sa kahit ano (petsa man, panaginip, pagkonsulta sa kuwaderno ng kobrador, paghingi ng senyales sa paligid) ang ipinustang kombinasyon. Kadalasang tugon ng mga di-gumamit ng degla sa tanong na “Paano ninyo pinili ang numerong tinayaan?” ang “Wala lang” o “Kung ano’ng maisipan.” Sa saliksik naman noong Hunyo 2010, tatlumpu’t dalawang (33) katao o 82.5% ng kinapanayam ang gumamit ng degla sa pagtayâ, samantalang pitóng (7) katao, o 17.5%, ang hindi gumamit ng degla sa kanilang pagtayâ. Bagaman parehong mga indibidwal ang kinapanayam para sa buwan ng Marso at Hunyo, may

336

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

mga pagkakataon na ang hindi gumamit ng degla noong Marso ay gumamit na ng degla noong Hunyo. Subalit walang datos sa panayam na ang gumamit ng degla noong Marso ay hindi gumamit nitó noong Hunyo. Nangangahulugan, may pitóng (7) katao na hindi nagpadegla noong Marso ang hindi rin gumamit nitó noong Hunyo. MGA URI NG DEGLA Sa dalawang serye ng pag-aaral na isinagawa sa Purok noong mga buwan ng Marso at Hunyo, kadalasang ginagamit na degla ng mga residente ang sumusunod: pinahahalagahang petsa gaya ng kaarawan (maaaring sariling kaarawan, kaarawan ng mahal sa búhay), death anniversary ng kaanak, petsa ng pista, edad (sariling edad, edad ng mahal sa búhay), at panaginip. Kasáma rin ang mga senyales sa paligid na maaaring tiyak na numero gaya ng plate number ng sasakyan at ID number, o imahen na tutumbasan ng kahulugang numero gaya ng nakitang hugis ng sinulid. Bukod pa sa mga nabanggit ay ang ibá’t ibáng uri ng deglang isinasagawa sa pamamagitan ng pagkonsulta sa listahan ng mga numerong matatagpuan sa kuwaderno ng kobrador. Madalas ding gumagawa ng kombinasyon ng mga numero sa pagdedegla, gaya ng tambalan ng panaginip at petsa ng kaarawan, kaarawan at edad, panaginip at senyales sa paligid, at ibá pa. ANG VARIABLE NA PANALO/TALO (T-1) Susubukan kung may timbang ba o wala sa halaga ng tayâ ang nakaraang pagkapanalo o pagkatalo sa huweteng ng tumayâ. Bagaman maliit, o halos walang epekto ito kung kukunin ang average na bílang sapagkat 5% ng mga kinapanayam (o dalawa sa apatnapung kinapanayam) noong buwan ng Marso at 2.5% ng mga kinapanayam (o isa sa apatnapung kinapanayam) noong buwan ng Hunyo ang nakaranas ng pagkapanalo sa huweteng sa nakaraang dalawang linggo bago ang panayam. ANG VARIABLE NA PAG-AALAGA NG NUMERO Para sa saliksik noong Marso, labinlima (15) sa apatnapung (40) kinapanayam (37.5% ng kabuoang bílang ng mga nakapanayam) ay may kaugaliang mag-alaga ng numero sa huweteng. Nangangahulugan, ang mga parehong numero ang tinatayâan kada araw hangga’t hindi pa ito nananalo. Kadalasang tumatagal ang pag-aalaga ng numero ng hanggang isang buwan, sang-ayon sa ilang nakapanayam na residente. Sakâ lámang umano babaguhin ang tatayâang kombinasyon kapag nanalo na inaalagaang numero. Para sa naman sa saliksik noong Hunyo, walong (8) katao, o 20% ng kabuoang bílang ng kinapanayam ang nag-alaga ng kani-kaniyang tinayaang numero.

337

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

APLIKASYON NG BALANGKAS TEORETIKAL: ANG PAGGAMIT NG MULTIPLE REGRESSION ANALYSIS Ang multiple regression analysis ang gagamiting batayang pormulasyon sapagkat mahigit isang explanatory variable ang kasáma sa pormulasyon, na ipapakíta sa mga susunod na seksiyon. MGA SANGKOT NA VARIABLE SA NILIKHA NG MULTIPLE REGRESSION FUNCTION Ang mga Beta coefficient ( ) ay ang mga parametro ng pormulasyon, na tinatawag ding slope coefficient o partial regression coefficient. Ang 1 ay ang intercept term, nangangahulugan, ito ang average na halaga ng Tayâi kapag 0 (zero) ang katumbas ng ibá pang variable sa pormulasyon. Sinusukat naman ng 2 ang pagbabago sa average na halaga ng dependent variable o average na halaga ng tayâ; itinatanghal nitó ang direkta o net effect sa average na halaga ng tayâ ng isang yunit ng pagbabago sa kíta (income). Gayundin, ang 3 ay tumutukoy sa pagbabago sa dependent variable kada isang yunit ng pagbabago na idinudulot ng edad dito. Ganito rin ang mga paliwanag sa 4 hanggang 9—ang pagbabago sa average na halaga ng dependent variable kada isang yunit na pagbabago sa explanatory variable. Kinakatawan naman ng simbolong epsilon ( ) ang disturbance o error term. Isa itong random variable na sumasaklaw sa lahat ng ibá pang salik na nakaaapekto sa halaga ng tayâ at hindi nabigyan ng representasyon sa pormulasyon. Halimbawa, posibleng may impluwensiya rin sa halaga ng tayâ ng isang indibidwal ang mga pagbabago sa panahon, pagbabago sa mga opisyal na namumunò sa pook na pinagaaralan, at ibá pa. Tinatawag na dummy variable ang mga kasáma sa datos na kuwalitatibo, ibig sabihin, nominal. Dahil ang mga variable na ito ay tumutukoy sa presensiya o kawalan ng isang katangian, isang paraan upang bigyan ng numerikal na katumbas ang mga ito ay ang paggamit ng bílang na 1 (isa) at 0 (zero); ang 1 ay tumutukoy sa presensiya ng espesipikong katangian, ang 0 ay tumutukoy sa kawalan ng naturang katangian. Ang mga dummy variable sa pangkat ng datos ay ang Kasariani (lalaki o babae), Edukasyoni (nakatápos ng kolehiyo o hindi), Deglai (paggamit o hindi paggamit ng degla sa pagtayâ), Panalo/Taloi(t-1) (pagkapanalo o pagkatalo sa huweteng noong nakaraang linggo bago ang panayam), at Pag-aalaga ng numeroi. Bagaman ang variable na Deglai lámang ang kasáma sa pormulasyon, ang paggamit ng ibá pang dummy variable ay para sa pagtukoy ng ugnayan ng mga ito na tatalakayin sa Summary Statistics na bahagi ng pagsusuri. Sa regression na ito ay gagamit ng interaction term bílang explanatory variable. Ang interaction term ay kombinasyon ng dalawang explanatory variable. Sa paggamit

338

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

ng interaction term, isasaalang-alang ang ugnayan ng degla sa average na halaga ng tayâ. Sa pormulasyong ito, pinagsama ang degla at Ave. Tayâi(t-1) (o average na tayâ ng nakaraang linggo). Ang paliwanag sa kombinasyong ito: ang average na tayâ ng nakaraang linggo ay sumasaklaw sa ibá pang variable na kabílang sa pormulasyon, tulad ng edukasyon, kasarian, kíta, laki ng pamilya, na pawang fixed o pareho lámang ang halaga/value sa nakaraang linggo at kasalukuyang linggo ng pag-aaral. Samakatwid, masaklaw na maituturing ang explanatory variable na Ave Tayâi(t-1). Mahalagang isagawa ang pagsubok sa ibá’t ibáng kombinasyon ng mga variable, samakatwid, pagpaandar ng regression nang gumagamit ng ibá’t ibáng pormulasyon sa pagtuklas ng numerikal na katumbas ng mga beta coefficients. Anuman ang maging resulta ng regression ay isa lámang sa maraming posibilidad ng estimasyon sa ugnayang ibig ipaliwanag ng pormulasyon. Hindi pa rin ito maituturing na kongklusibo at representatibo para sa malaking bahagi ng populasyon ng Lubao, Pampanga, subalit, mahalaga pa ring paraan upang ipaliwanag ang ugnayang ibig tuklasin sang-ayon sa binuong hypothesis. Idinidiin na ang resulta ng regression ay para lámang sa apatnapung (40) kasangkot na obserbasyon sa pinag-aralang lunan, para sa isang partikular na yugto ng panahon, sa kaso ng pag-aaral, ang average na halaga ng tayâ ng mga kinapanayam sa loob ng dalawang linggong partisipasyon sa huweteng. PAGGAMIT NG STATA PROGRAM AT ORDINARY LEAST SQUARES Ang paraan ng ebalwasyon at pagsusuri ng mga resulta ay sa pamamagitan ng paggamit ng Stata program, isang software na magsasagawa ng regression ng mga datos. Isa itongstatistical package na makatutulong para sa analisis at pangangasiwa ng mga datos. May bersiyon ng spreadsheet o excel worksheet ang Stata, para sa maayos na pagkakalista at pagkakahanay ng pangkat ng mga datos na gagamitin sa Summary Statistics at regression. Tinatawag itong data editor na halos kahawig din ng Microsoft Excel spreadsheet. Ito ang bahagi ng statistical package na maglalaman sa mga nakalap na datos sa empirikal na pag-aaral. Upang mapaandar ang regression, kailangang tumungo sa statistics na bahagi ng Stata kung saan naroon ang Summary Statistics (Descriptive Statistics, Correlation and Covariances) at Linear regression command. Ang metodo ng estimasyon ng mga parametro na gagamitin sa Stata program ay ang Ordinary Least Squares (OLS). Una itong binigyang-paliwanag ni Carl Friedrich Gauss, isang Alemang matematiko, noong 1794. Isa itong pamamaraan upang malaman ang halaga o mabigyan ng estimasyon ang mga parametro (beta coefficients) sa isang regression function.

339

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

PORMULASYON AT RESULTA NG REGRESSION ANALYSIS Narito ang mungkahing batayang pormulasyon para sa pagtukoy ng kahalagahan at timbang ng paggamit ng degla sa pagtayâ sa huweteng: AVE TAYÂi = 1 +

2

Deglai +

3

Ave Tayâi(t-1) +

4

Deglai*Ave Tayâi(t-1) +

Mula sa pormulasyong ito, ang dependent variable na AVE TAYÂi= katumbas ng average na halaga ng salaping pinantayâ ng isang indibidwali sa loob ng isang linggo Ang Deglai =Ang presensiya o kawalan ng paggamit ng degla sa pagtayâ ng indibidwali; samakatwid, kung magtutumbas ng mga halaga, ang presensiya ng paggamit ng degla sa pagtayâ ay katumbas ng 1, ang kawalan o di-paggamit ng degla ay katumbas ng 0. Ang Ave Tayâi(t-1) = katumbas ng average na halaga ng salaping pinantayâ ng indibidwali sa loob ng nakaraang linggo i=tumutukoy sa indibidwal na bahagi ng populasyong pinagkunan ng datos =error/disturbance term RESULTA NG REGRESSION Dependent variable: Average Tayâi Bílang ng sample: 40 Nása panaklong (parenthesis) ang P value, na nagsasaad kung ang variable ay significant o hindi. Ang paggamit ng asterisk ay nangangahulugang significant ang naturang variable. Talahanayan 1. Resulta ng Regression (Buod) para sa Marso 2010 at Hunyo 2010. MARSO 2010

HUNYO 2010

Average Tayâi(t-1)

1.377442* (0.000)

0.9997645* (0.000)

Deglai

48.66341* (0.020)

33.3453* (0.009)

Deglai*Ave Tayâi(t-1)

-0.381126* (0.000)

-0.3994131* (0.003)

-36.5513 (0.044)

-0.1422359 (0.824)

0.9892

0.9851

-cons R-squared

340

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

Pinatutunayan ng resulta ng regression ang significance ng pagdedegla sa halaga ng average na tayâ kada linggo ng sample para sa mga buwan ng Marso at Hunyo 2010, na makikita mula sa mga P value na malapit ang halaga sa zero (0). Nangangahulugan, may mahalagang timbang ang pagdedegla sa paraan ng pagtatayâ ng indibidwal, o naiimpluwensiyahan ng pagdedegla ang halaga ng pagtayâ ng indibidwal. Marginal Effect ng Degla sa Average Tayâ Upang matukoy ang marginal effect ng degla sa average tayâ (o kung magkano ang itinataas o ibinababa ng halaga ng tayâ kapag ginagamitan ito ng degla), kailangang kunin ang partial differential ng average tayâ at partial differential ng degla, gamit ang mga numerong/coefficient na nakuha mula sa resulta ng regression. Ang sumusunod na pormulasyon ang gagamitin: PARA SA ISINAGAWANG SALIKSIK NOONG MARSO 2010: average tayâ Marso_ = 48.66341-0.381126 average tayâ (t-1) degla Mula sa pormulasyon, lilitaw na kapag ginamitan ng degla, tumataas ang halaga ng tayâ kung ang average na halaga ng tayâ ay hindi tataas sa PHP127.68325 o PHP127.68 kada linggo, para sa buwan ng Marso. Nangangahulugan, higit na mapangahas (risky) ang mga may mas mababang tayâ kompara sa mga tumatayâ ng mahigit sa PHP127.68. Sa apatnapung (40) miyembro ng sample, higit na marami ang tumatayâ ng mababa sa PHP127.68; na nása dalawampu’t anim (26) na bílang ng sample. Mas natatarget ang populasyong may mababang tayâ kompara sa mga mataas ang ipinupusta, na maaaring maghiwatig na higit na napapadalá (gullible) at nakaangkla sa pagdedegla ang mga residenteng may tayâ na hindi lalampas ng PHP127.68 sapagkat positibo ang epekto ng degla sa halaga ng kanilang tayâ (na kapag may degla, tumataas ang halaga ng kanilang tayâ). Mahihinuha na higit na naaapektuhan ng pagdedegla ang halaga ng tayâ sa populasyong may pinakamababang pusta. Ganito rin ang inihihiwatig na datos para sa buwan ng Hunyo 2010, bagaman, mas mababa ang halaga ng maximum na tayâ kung saan may positibong epekto ang degla. Kapag ginamitan ng degla, tumataas ang halaga ng tayâ kung ang average na halaga ng tayâ ay hindi tataas sa PHP83.4857 o PHP83.49 kada linggo. Sa apatnapung miyembro ng sample, higit na marami ang tumatayâ ng mahigit sa halagang nabanggit, na nása dalawampu’t isang (21) bílang ng sample. Kung lilikha ng graph ng mga datos para sa Marso at Hunyo 2010, makikita ang epekto ng degla sa mas maraming miyembro ng populasyon, at mula rito, litaw ang resultang tumataas ang halaga ng tayâ kapag ipinaiiral ng mamamayan ang pagdedegla sa pagpusta.

341

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ANG EKONOMIKS AT KOMODITISASYON NG DEGLA BÍLANG MEKANISMO SA PAGSULONG NG HUWETENG Ang kaibuturan ng paglalaro/pagtatayâ sa huweteng at ang patuloy na pagpapatakbo nitó ay pinananaigan ng degla, ng tumatayâ man, ng kobrador, ng operator/kapitalista ng huweteng, o ng mga nakatatanggap ng intelihensiya upang proteksiyunan ang sugal. Malaki ang kinalaman ng degla bílang salik na nakaiimpluwensiya sa ekonomiks ng huweteng sa purok na lunan ng pag-aaral, bílang kritikal na variable sa gawî ng pagtatayâ ng mga taga-Purok A, gayundin, sa pagsustena ng isang ekonomiyang may di-makatwirang alokasyon (o kawalan ng alokasyon) ng labis na yaman (excess wealth). Walang pinipili ang pagdedegla—umiiral ito sa alinmang sosyo-demograpiko at pang-ekonomikong katangian at datos gaya ng kasarian, laki o liit ng kíta, edukasyong natamo, bílang ng mga miyembro ng pamilya, at edad. Ngayong napatunayan mula sa pagsusuri gamit ang regression ang kahalagahan ng impluwensiya at pamumuhunan sa degla sa halaga ng tayâ ng mga kinapanayam na residente, gayundin ang mga nakalap na impormasyon mula sa mga panayam hinggil sa partisipasyon ng mga kalahok sa sugal—tumatayâ, kobrador, kapitalista, maaaring mabuo ang sumusunod na interpretasyon sa datos: Una, ang komoditisasyon ng degla/pagdedegla, kung saan inilalapat din ang gamit nitó sa interes at tunguhin ng degla ng kapitalista ng huweteng na natalakay na sa ikatlong kabanata, ang nagsusulong sa operasyon ng huweteng sa lugar (Purok A). Pinatutunayan ng matinding pagtangkilik sa degla (lalo na sa suma-suma) na hindi kinikilala ang pagiging random ng pagkakabunot ng mga numero sa sugal, na maaari ngang tumama ang mga dineglang numero, sapagkat tanggap din ang posibilidad ng manipulasyon ng resulta ng bobolahing mga numero. Hindi na lámang abstraktong bagay o idea hinggil sa estratehiya sa pagsusugal ang degla. Ang itinataas na halaga ng tayâ dulot ng pag-iral ng degla sa pagpusta para sa mga buwan ng Marso at Hunyo ay maitutumbas at maaaring tumukoy sa halaga ng degla sa merkado ng paghuhuweteng sa Purok A. At ito ang timbang ng pagsasalin ng degla sa numerikal na halaga nitó sa pamilihan o presyo nitó sa konteksto ng paghuhuweteng ng mga kinapanayam na residente—katumbas nitó ang halaga ng ibabayad ng mga tumatayâ para sa kanilang paniniwala sa bisa ng degla sa huweteng. Mahihiwatigan din na ang degla ay maitutulad sa isang komoditi na ibinebenta upang higit na sumigla ang pagtangkilik ng mga tumatayâ sa huweteng—dagdag aliw ang pagbubuo ng estratehiya sa pagpili ng numero at pakikipagkonsultahan sa kobrador para sa pinakamainam na pagpupustahang kombinasyon. Inilalako ang mismong konsepto at kultural na halaga ng degla bílang bahagi ng kabuoang makinarya ng industriya ng sugal, kung saan ang mga tumatangkilik dito ang silá ring pinanggalingan at tagapagpayaman sa nosyon ng degla. Ang implikasyon ng numerikal na halaga ng degla ay naghihiwatig

342

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

din ng pagbabago sa, o pagreredisenyo, ng padron ng pagkonsumo ng mga tumatayâ ng sugal. Ikalawa, kritikal ang tungkulin ng grassroots bílang tagapaggarantiya ng patuloy na pag-ikot ng salapi at pagkakaroon ng malaking halaga ng kíta sa huweteng, gaano man kalaki o kaliit ang halagang itinatayâ ng mga nakikibahagi rito. Nangangahulugan, nakadepende ang kíta ng huweteng sa mataas na bílang ng mga tumatayâ, na kaibá sa pagsusugal sa casino na kumikita dahil sa entrance fees at mataas na halaga ng pusta. Industriya nang maituturing ang huweteng dahil sa lawak ng operasyon nitó, at ang degla ang nagtutulak sa pag-unlad nitó. Napatunayan ng etnograpikong pag-aaral na walang limitasyon sa kíta, edad, kasarian, antas ng edukasyong natamo sa pakikilahok sa sugal—lahat ay nagiging kabahagi nitó dahil sa tradisyon ng sugal na naitatag at nakabalabal na sa komunidad. Ang kakitiran ng aksesibilidad sa impormasyon hinggil sa sugal at ang samantalang kalawakan ng network nitó, ay nakapagdudulot ng matalik na pagtangkilik ng mamamayan sa huweteng, sapagkat nalalangkapan ito ng interbensiyon ng politika. Ang pakinabang mula sa ilang panlipunang serbisyo gaya ng libreng pagpapaospital, mga pakete ng grocery tuwing Pasko (na ipinapalagay ng mga residente na nagmumula sa sariling bulsa at kawanggawa ng kanilang nilalapitan), ay katumbas ng katapatan/loyalty ng mga residente upang patuloy na suportahan ang kalakal ng sugal na pangunahing pinakikinabangan ng operator nitó. Ang pakikibahagi sa sugal ay nagsisilbing seguro (insurance) ng mga residente na sa mga panahong mahigpit ang kanilang pangangailangan ay matutugunan ang kanilang kahingian. Gayundin, nagmumula ang katapatan at suporta ng grassroots sa katotohanang ang lahat ng aspektong iniinugan ng búhay ng komunidad ay kontrolado ng mga politiko at kapitalista ng huweteng—kabuhayan at lupang sinasáka, pulisya—dahil sa gamit ng intelihensiya para sa proteksiyon ng sugal. Kapuwa nakasandal sa suporta ng grassroots ang huweteng at ang pananaig ng isang politikal na pamilya kung saan nakalalapit ang mga miyembro ng komunidad para sa pinansiyal na serbisyo. Na maaaring pag-isipan, sariling kusa para tumulong man ito o simpleng pagtupad sa tungkulin bílang naihalal na opisyal ay mayroong tiyak na napagkunan ng salaping ibinahagi sa mga nangailangan—mula sa huweteng, o mula sa lokal na pamahalaan, na mismong nakalaang badyet naman talaga dapat para sa komunidad. Kung walang grassroots, tiyak na manlulupaypay kapuwa ang operasyon ng huweteng, gayundin, higit, ang mga politiko, opisyal at miyembro ng pulisya na umaasa sa arawan/buwanbuwang kíta mula rito. Ikatlo, ang mga kobrador ang pinakamahalagang tagapagpaandar ng kalakal ng huweteng. Silá ang pangunahing lakas-paggawa sa operasyon ng sugal na nagsisilbi ring pansapo para sa lahat ng destabilisasyon, iregularidad, at kawalang-katiyakang kaakibat ng ilehitimasyon at volatility ng industriya ng sugal. Silá rin ang patuloy

343

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

na tinutugis sa mga isinasagawang raid. Planado man o hindi ang raid, doble-talim ang natutupad na layunin ng presensiya ng, at pagkakahúli sa mga kobrador: una, may maitatalâ na namang karagdagang bílang sa estadistika ng mga matagumpay na tangka ng pulisya na puksain ang sugal at rason ito upang maiparating sa mamamayan na umaandar nga ang kampanya laban sa sugal, at ikalawa, mananatili pa rin sa operasyon ang sugal sa pamamagitan ng pagbayad ng piyansa ng kapitalista ng huweteng. Ang kobrador din ang tagapangalaga ng pagbibigay-timbang sa pagdedegla sa huweteng, gayundin ang patuloy na pagkakaroon nitó ng halaga sa merkado ng sugal. Kritikal ang tungkulin ng kobrador sa pagtiyak ng gamit ng degla sa kalakal ng sugal. Bílang tagapamagitan sa transaksiyon, siya ang kumakatok sa mga tahanan ng komunidad upang mangolekta ng tayâ at magdegla kung hihingin ng tumatayâ, at siya rin ang tagapagdala ng masayáng balita at tagapagbigay ng halagang napanalunan sakaling magwagi ang tumayâ. At dahil sa maliit na kinikita mula sa pagkobra ng mga tayâ, may mga kobrador ding pumupusta sa huweteng, patunay na nakadaragdag silá sa malaking pangkat ng mga tumatayâ na patuloy na pinagkukunan ng kíta ng sugal, pagkat nakabatay lámang ang kanilang sahod sa nakukuha nilang kobra. Samakatwid, ang kapangyarihan sa pamamahala ng grassroots at pagtiyak sa masiglang partisipasyon nitó sa huweteng ay nakasalalay sa bisa ng pagganap ng mga kobrador. Ikaapat, ang kabuoang ekonomiks ng degla ay nakakabit pa rin sa mga politikal na interes na naililinya at napaaandar sa pamamagitan ng uri ng ekonomiyang itinataguyod ng kultura ng sugal; nagkakaroon ng gamit/nagagamit ito sapagkat mayroong mga kapitalista ng huweteng na itinutulak ang pagtangkilik sa degla. Mahalaga ang pag-unawa sa nosyon ng degla bílang kritikal na variable ng industriya at ekonomiya ng huweteng. Sa hulí, ang talagang nakikinabang sa pagdedegla ay ang mga kapitalista at politikong nangangalaga sa pagpapatuloy ng sugal, ang awtoridad na hinahayaan ang paglaganap nitó, samantalang pinakatinatamaan ang mga populasyong tumatayâ ng maliit na halaga, na siláng pinaka-vulnerable sa pagpapairal ng degla sa pagpusta. Nagpapadegla ang mga tumatayâ para garantiyahin ang masiglang pag-andar at produksiyon ng kíta mula sa sugal. Ang taktika ng pagpapatuloy ng sugal ay nakaangkla sa koordinasyon ng ahensiyang namamahala sa STL/huweteng sa lugar (Philippine Charity Sweepstakes Office) at ang operator/ kapitalista ng huweteng, na bahagi ng kabuoang makinarya ng pagpapagana ng degla sa lugar, dahil sa nabuo nang mga ugnayan at tradisyong inihulma ng pagtangkilik sa sugal. Ito ang kontradiksiyon sa kalakaran at moda ng ekonomiyang pinamamayanihan ng huweteng: sa hulí, hindi talaga nakadedeskarte ang indibidwal upang makaagapay ito sa alanganin at lutáng na katangian ng eskemang pang-ekonomiyang inilalarawan ng pagsandal sa huweteng.

344

ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

MGA TALÂ 1 Mula sa Philippine Folk Literature: The Proverbs, tinipon ni Damiana Eugenio (Quezon City: University of the Philippines Press, 1997), 226. 2 “Pampanga is now the country’s jueteng capital where jueteng power controls the body politic of the province and to a large degree, the country.” Mula sa “Jueteng Power in Pampanga,” Pinoy Worldwide Network, 31 December 2007. http://pinoyworldwide.speedfox.net/index2.php?option=com_content&do_ pdf=1&id=331. Accessed on 19 March 2010. 3 Si Rodolfo “Bong” Pineda umano ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman sa labing-anim (16) na jueteng lord sa bansa sa kasalukuyan. Ibid. 4

Sang-ayon kay Fray Diego Bergaño, ang kahulugan ng “lubao” ay “salir de estrecho, ut culebra de abujero, tortuga de concha, o carne de apostema,” na nangangahulugang “to come out of a strait, like a snake from its hole, a turtle from its shell, or flesh from an abscess, or tumor.” Nása Vocabulario de la lengua Pampanga en Romance, the English translation of the Kapampangan-Spanish Dictionary written by Fray Diego Bergaño of the Order of St. Augustine, first published in 1732 and reprinted in 1860. Translation by Fr. Venancio Samson, (Angeles City: Holy Angel University, 2007), 216. 5 Nása Lubao: The Cradle of Kapampangan Civilization ni Rodrigo Sicat, (Pampanga: Sangguniang Bayan ng Lubao, 2005), 15. 6 Ibid. 7 Mula sa “20,000 Anak ng Jueteng can’t enroll this sem,” ni Ding Cervantes, nása Philippine Star (Manila), 23 May 2005, 1, 3. 8 Ibid. 9 Ibid. 10 “Systematic random sampling provides a convenient way to draw a sample from a large identified population when a printed list of that population is available. In systematic sampling, every nth name is selected from the list. Usually the interval between names on the list is determined by dividing the number of persons desired in the sample into the full population.” Mula kay Berg Bruce, nasa Qualitative Research Methods for the Social Sciences, seventh edition, (USA: Allyn and Bacon, 2009),49. 11 Tumutukoy sa “data on one or more variables collected at more than one point in time.” Mula kina Gujarati at Porter, nasa Basic Econometrics (USA: McGraw Hill, 2009), 1. 12 Nása Basic Econometrics, p.55.

345

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO NI

ROLANDO B. TOLENTINO Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

N

ang magsimula ako sa pagsusuri at pagteteorya ng kulturang popular, inakala kong kinakausap ko ang mga estudyanteng nalugmok, tulad ko, sa mga karanasan ng kulturang popular. Sa mga konsepto ng etnograpiya, urban culture, subersiyon, identity information, walking the city (Michael de Cereau), post-modernismo, pluralidad ng identidad, multiplisidad ng katotohanan, at post estrukturalistang pagbása nagkaroon ng konseptuwal na balangkas para bigyan ng label ang karanasan. Parang matching tyor na exam, o anatomy test na pinagtagpo ang aktuwal sa konseptuwal. Madalas kong maramdaman sa klase, halimbawa, hinggil sa posmodernismo–eklektisismo, pluralidad ng identidad, anti-metanaratibo, at ibá pa– bílang lente ng pagdanas ng kasalukuyan, nagkaroon ng empowerment ang estudyante dahil biglang may kidlat ng epiphany sa kaniyang dinaranas. Na kahit pa guniguni ko lámang ito, kay hirap nang batakin ang estudyante lampas sa kaniya nang ginagawa. Sa akin din naman nanggaling ang metapora na hindi naman puwedeng magdala ng maso’t píko sa Megamall para literal na tibagin ang estruktura ng kapangyarihan sa pang-araw-araw. O magprotestang may megaphone, streamer, at mob sa Megamall, maliban na lámang kung unyon ito, at maging gayon, wala namang lubos na nakapapansin sa kanilang ehersisyo ng sagradong karapatan magwelga, bagkus dinidisperse ng trak ng militar at tinatanggal ang mga lider ng unyon, at nabubuwag ni Henry Sy ang Unyon. Ang espasyo ay nagpapahintulot lámang ng subersiyon sa pang-

346

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

araw-araw: pedestrian malling para gawing tawiran ang aircon na espasyo ng mall tungo sa sasakyan; window shopping na nagpaparagdag ng katawang nag-aagawan sa lamig at hindi naman pala limitless na espasyo ng mall; subkultural na formasyon, tulad ng estudyanteng nagka-cutting classes kayâ hindi na nakauniporme, pangkista, emo, ska, at ibá pa; at subkultural na praktis, tulad ng cruising, sex work, shoplifting, cellphone snatching, kidnapping, at abduction sa kalangitan ng konsumero. Namulat ang estudyante sa kalakaran ng malling, kulturang popular at limitadong aktuwal na protesta, at kontento na silá sa ganitong kamulatan bílang self-reflective gesture sa susunod niláng pagtungo sa langit, kung sasagi pa itong edukasyonal na kaalaman at kakayahan na magpababa ng tama sa kasiyahan ng gitnang uring pagdanas. Hindi rin miminsan na nagsabi ang mga estudyante ko sa pelikula sa pagtatapós ng semestre na hindi na silá makapapanood ng sine nang lubos sa idyoma ng kasiyahan, na ang kanilang nakuha sa klase ay sumasagka na sa dati ay buongbuong maligayang pagdanas ng aktibidad. O isang historian na nagsabi sa kaniyang kolum ukol sa aking papel kay Lino Brocka na kaniyang napakinggan na bakit hindi lámang mag-enjoy sa sine, bakit kailangan pang iangat ang pagsusuri sa nibel ng di-maiintindihang teorya? Sa isang bandá, may kapangyarihan din ang pag-alam sa operasyon at govermentalidad ng aktuwal na operasyon ng estado. Sa tuwirang antas, naibabalik ang pasakit at pighati sa diskurso ng karanasang binubura ng puwersa ng estado na ironic dahil naisasalin nang may hawak ng lehitimong fasismo ang karahasan ng malawakang kahirapan at korupsiyon nitó sa pribilehiyadong idyoma ng kasiyahan na produktibong lumilikha ng “docile subject” na nagkamamamayan o ang pagtanggap na lámang ng pinakamarahas na karanasan, kahit normalisado ito, bílang exceptional, at ang manaka-nakang pagdanas ng aktuwal na panlipunang pagangat, kahit kontraryo sa tunay na lagay, bílang normal at unibersal. Sa kabilâng bandá, ang kaalaman ay kalakarang depolitisasyon din dahil hindi naiaangkop sa anuman sa labas nitó. Nakapaloob ang kaalaman—pati ang mga hanay subersiyon—sa internal na dekonstruksiyon ng karanasan. Wala pang konseptuwal na balangkas para pag-ugnayin ang internal at eksternal na dekonstruksiyon ng karanasan. Lampas sa pag-alam at pagkadesmaya, ano pa ang maaaring maging tungtungan para tumumbas sa aktuwal na pagbabalikwas? Kung ang kulturang popular ay dinaranas sa idyoma ng gitnang uring kasiyahan, at ang pag-alam ay nakapagbabalikwas sa nibel ng imahinaryo ng gitnang uring pantasya, paano sisimulan ang kontraryong fantasy-production para sa aktuwal na pagbabalikwas? Kung gaya ng tinalakay ng kultural na kritikong si Neferti Tadiar, na ang fantasy-production ay ang negosasyon sa aktuwal na kapangyarihan ng mga naisantabing mamamayan at sektor, paano sisimulang aninagin at paunlarin ang pagsasalin ng pantasya tungo sa politikal na transpormasyon? Paano gagawing politikal ang pantasya?

347

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Ang kulturang popular ay ang lingguwistiko at kultural na translasyon ng gitnang uring pantasya o ang panuntunan ng pagkamamamayang nakabatay sa markers at mga mohon ng gitnang uring búhay. Gaya ng tatalakayin sa “Melankoliya at Gitnang Uri” ang estrukturang panlipunan ay may 20 porsiyentong napapabilang sa gitnang uri, gayon 80 porsiyento ay kabílang sa mahihirap at naghihikahos, at isang porsiyento lámang ang kumikita ng lampas-lampasan sa 99 porsiyento ng mamamayan. Ang gitnang uring pantasya ang sityo ng negosasyon sa pagitan ng 99 porsiyentong manaka-nakang napapagkalooban ng entry point at lakas sa aktuwal na gitnang uring karanasan, at ng isang porsiyentong aktuwal na may hawak ng pang-ekonomiko at politikal na kapangyarihan. Ang Access point ay tradisyonal, tulad ng edukasyon, espesipiko ang nursing at ICT (information, communication technology), kahit ang mga bokasyonal na kursong caregiving, medical transcription, at review school ng oral communication sa Ingles; at di-tradisyonal, tulad ng kamag-anak na OCW (overseas contract woker), pagnanakaw sa hanay ng lumpen proletaryado, paggamit sa katawan sa entertainment at sex work, at ibá pang service sector industries para kumita. Ang hinihikayat ng karanasan sa kulturang popular ay ang pagpapasulyap sa gitnang uring búhay sa hinaharap. Ang pagpupursigi sa kasalukuyan—sa kondisyon ng matinding limitasyon sa oportunidad at aktuwal na akses—ay upang maging di lámang aspirasyon kundi mantra ng kasalukuyang predikamento (na lugmok nga sa kolektibo kahit may kaantasang pagdanas sa malawakang kahirapan) ng pagpupursigi, at kung gayon, ang disposisyon ng kasalukuyang búhay bílang paratihang nagpupursigi, at ang pagtanggap sa disposisyong ito bílang normal. Ang pag-ambon ng aktuwal na karanasan sa gitnang uri ay nadadalumat bílang ang normal na kalakaran, at kung gayon, ang gitnang uring pantasya ang epektibo at makapangyarihang ethos at etika ng paggagap sa kolektibong pagdanas sa kasalatan. Pribatisado ito gaya nang matutunghayan sa libro. Epektibong mapainternalisa ng estado—sa seryalidad ng gobyernong kumukupkop sa dayuhang kapital bílang langis ng bangkarote at mangungurakot na pambansang sistema—ang kawalang-kapangyarihan ng mamamayang makaranas sa labas ng gitnang uring pantasya. Wala itong safety net para sa historikal at mayoryang naghihikahos. Maging ang aktuwal na gitnang uri ay natali na sa produksiyon ng pagkakakitahan, ang maksimisasyon ng kaniyang intelektuwal at panlipunang kapital, maging ang korporeal na kapital, para mamintana ang padaos-daos na pagluwag ng kaniyang pang-ekonomiyang kalagayan. Hinihikayat ng estado ang mga negosyo na patagusin ang gitnang uring panuntunan pati sa nagdarahop. Nakabibili ng load sa cellphone sa barya-baryang halaga. Nakabibili ng mga butil ng paminta at bawang. Lahat ng popular na produktong kosmetiko—sabon, gel, shampoo, whitener, toner, at ibá pa—ay

348

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

nabibili sa sachet. Kundi man, nakahuhulagbot ng pampormang damit sa sampayan ng ibá, ng bagong cellphone mula sa naglalakad na nagkamaling sumagot nitó sa mataong lugar, nakapapamakyaw ng cellphone mula sa mga pasaherong tinutukan sa FX, o natitiráng alahas mula sa naglakas-loob na maglakad at mamasaheros na may abubot sa katawan. Sa tindi ng soft sell—na maaari nang ituring na hard sell sa panlipunang kondisyon ng bansa—ng multimedia advertising sa media conglomorates, pati ang epektibidad ng niche marketing, araw-araw na nadidiin ang paggamit ng mga bagay na mula sa luho ay naging pang-araw-araw na pangangailangan. Paano nga ba táyo nabuhay sa panahong walang cellphone? Ang mga kabanata sa libro ay pumapaimbalot sa paksang materyal na kahirapan at gitnang uring pantasya sa neoliberalismo. Sa una pa man ay isinasaad na ang pangunahing psychical disjuncture kung saan ang kondisyon ng posibilidad ng kapangyarihan ng estado—gobyerno at malaking negosyo–ay nakapaghahari. Ang tema ng libro ay ang pag-angat sa politikal na pagsusuri sa kulturang popular bílang lunsaran ng dalawang bagay: una, ang pagtukoy sa kondisyong sumusikil sa aktuwal na materyal na kondisyon, pagwaksi sa pagiging kulang sa materyal na lagay at marka ng gitnang uring panuntunan, at kung magkagayon, ang pribatisadong paghahabol sa panahon na walang sistematikong serbisyo publiko at pagtulong na mahihita sa estado, o ang gitnang uring pantasya bílang awtokratikong sistema ng pag-eetsapuwera sa nakararami nang hindi man lámang nilá mulát na matutukoy ito; at ikalawa ang politikal na pagsusuri ng kulturang popular sa orkestrasyon ng estado ng pagkukumahog ng mamamayang naitsa na lámang mula sa barko, para lumangoy ng sarili nilá, habulin ang barko tungo sa ginintuang sunset, at kung magpakaganito man, ang posibilidad ng korelatibong pagsusuri at pagkilos batay sa analitikong perspektiba ng politikal sa kulturang popular para sa pagmumulat, pagpapakilos at pag-oorganisa ng mamamayan para sa rebolusyonaryong adhikain. 1.

KARAOKE KOERSIYON: POLITIKAL NA PROTESTA SA KULTURANG POPULAR Ilang beses kong natagpuan ang aking sarili sa open forum matápos ang panayam na nandadaot sa pagmamaniobra ng estadong nagpapahirap sa nakararami kung ano ang maaaring gawin sa nakadedesmayang kondisyon ng bansa. Noong una, madalas ay wala akong sagot. Para bang hindi pa sapat na pinagbuhusan ko ng panahon na paglimian ang pagsusuri para maging matalas ang politikal at kultural na komentaryo. Binanggit pa ng isang iskolar na guro, hindi papel ng kritiko na mag-prescribe ng solusyon sa loob ng poder ng estado. May tendensiyang pumurol ang anumang bagay na nais maging solusyon, káyang tapatan ng mas nása loob ng establisimyento na may valid points ang pagsusuri pero masyadong makitid, kundi

349

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

man walang halaga, ang preskripsiyon sa pagbabago. O maaari ding maging suntok sa buwan, magiging band-aid lámang dahil paratihang sistematiko ang antas ng kahilingan sa pagbabago. Sa kalaunan—ngayong mga panahon—ay nag-iisp na rin ako ng korolaryong metapora at trope ng pagbalikwas sa teksto-konteksto ng kulturang popular na maaaring umalingawngaw sa aktuwal na lipunan. Na tulad ng metapora, madulas at hindi lámang iisa ng tinutumbok, na ang rosas ay hindi lámang pagsisinta at pag-ibig, pagdurugo rin at katapangan, kahiwagahan at kaginhawaan. Trope naman ang mga imahen, tulad sa panitikan, na maaaring makapagbigay-liwanag at makapagpaliwang sa mas malaking kahulugan ng mga bagay at aksiyon, na ang kayamanan sa loob ng baul na itinapon ni Padre Salvi sa El Filibusterismo, halimbawa, ay ang pagkupkop sa posibilidad ng rebolusyon, ng pagkahinog ng mamamayang yaman ng bansa para sa mas mataas na rebolusyonaryong gawain. For better or worse, ang mismong búhay ni Rizal bílang exemplar ng kolonyalismong Español, at higit pa rito, ang kaniyang kamatayan sa kamay ng kaayusang nagbigay ng posibilidad sa kaniyang natatanging pagkatao ang naghudyat ng hanggahan ng repormismo, at mala-kahandaan ng mamamayan para sa rebolusyon. “Mala-” dahil epektibo ring naipása ang pamunuan ng rebolusyon mula sa ranggo ng anakpawis tungo sa lokal na elitista, na kung gayon, ang “mala-” kahandaan para sa sariling pagsasabansa ay kay dalíng inudlot ng pasahán ng namumunòng kolonyalismo, mula sa Español tungo sa mas makapangyarihang Americano. In retrospect at hindsight ang pagsusuri ng metaporea at trope sa teksto ng kulturang popular. Parang sa film class nakapanood na ang mga estudyante bago pa man silá pumasok sa klase. Alam na nilá kung paano manood ng sine kahit walang pormal na nagturo nitó. Ang inilalahok na lámang ng pagsusuri ay ang bokabularyo ng disiplina, maging ang paraan ng pagbása—pormal at kontekstuwal—sa mga pelikula. Na tulad ng pag-angat ng kulturang popular bílang mala-pormal na disiplina (may mga klase na ukol rito, ginagamit na ang mga paksa para sa pormal na papel, maging sa tesis at disertasyon pero walang mga departamento ng kulturang popular) at kahit magpakaganito, may interdisiplinaryong paraan ng pagbása at pagsusuri sa mga teksto (karanasan) sa kulturang popular. Nagmo-malling ang mga estudyante; may mga preperensiya sa tugtog na pinapakinggan, damit na sinusuot, gupit ng buhok, gimik places, modelo ng cellphones, at ibá pa; ito ang henerasyong pinakababád sa kulturang popular sa global na diin sa mga industriya ng service sector tulad ng entertainment, fashion, edukasyon, kalusugan, turismo, at ibá pa. Sobrang babád na hindi na nilá alam ang pagkulubot ng kanilang balát, pagtubo ng fungi at ibá pang blemishes na lumilikha ng de-perpektong karanasan, at ng amnesia sa anumang pasintabi sa pasákit at pighati.

350

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

Sa karaoke, etika ng partisipasyon ang paglahok ng lahat. At least once ay kailangang kumanta dahil háting kapatid naman ang bayad. Kayâ whether-you-likeit-or-not, kakanta ka kahit wala kang boses, kahit nga sapilitan kahit pa alam naman ang etikang ito bago pa man pumaloob sa karanasan ng karaoke. Peer pressure gaya ng pagpili sa karaoke bílang bonding mode ng barkada o office mates. Peer pressure na nga na pinili itong lugar, peer pressure pa rin sa loob ng lugar. At ayaw ni Peer na may nagmamaganda, ayaw kumanta. Maaari lámang magmaganda sa tampok na aktibidad sa karaoke, ang pagkanta. O kundi man, hinihikayat ang pagkulot ng mga nota, pagiging song bird na bine-belt ang lahat ng bahagi ng kanta o parang acoustic music, the-mellow-touch. Koersibo ang karaoke kahit walang nakatutok na baril. Hindi nakapapanghimok ito ng kontraryong pagkilos sa loob ng kuwarto ng karaoke o salounge. Kahalintulad ng pag-alinsunod sa kalakaran sa karaoke ang substansiya ng politikal na protesta sa kulturang popular. Hanggang guniguni lámang ito, at maraming salamat po, doktor. Walang ibáng magagawa kundi sumunod sa kalakaran. Ang politikal na protesta ay sa antas ng kamalayan lámang—pagkamulat tungo sa mas malaking konteksto ng partisipasyon at resepsiyon sa karanasan ng kulturang popular. At kahit magpakaganito, ang protesta ay hindi lubos na nagaganap: wala namang eksteryorisasyon ang guniguni maliban sa pagkibit-balikat, pag-ismid, paglampas lalo sa tono, at ibá pa na maaaring masapantaha bílang guni-guni o hindi. Malay at pakí! Ang nag-aalumpihit ay ang nása upuan, at sa utak lámang niya nagaganap ang rali. At tunay na wala ngang natigbak kahit isang bloke sa kingdom nina Sy, Gokongwei, at Ayala. Nagaganap ang pangkamalayang protesta dahil sa antas ng edukasyon hinggil sa pagdanas ng kulturang popular. Sa higit na marami, hindi masisilayan ang pagpula ng silangan dahil nga walang ibáng environment na ipinadadama sa mall maliban ang sterile na perpektong pananghaliang panahon sa mala-kahong establisimyento na nanliligaw ng aktuwal na panahon sa labas ng mall. At sa kamalayang protesta, di-lubos ang kasiyahan sa resepsiyon sa mall kahit pa ito rin naman ang sentimyento ng sinumang dumaranas sa kulturang popular. Paráting may sabit para muli’t muling tunghayan ang ideal na perpeksiyon sa ritwalisasyon ng karanasan. May hibla ang sweater ng karanasan na napapansin pero hindi sapat para hugutin ito dahil bakâ ito ang hiblang makapapagdekonstrak sa karanasan. Kayâ nananatiling lantad na hibla kahit nakakubli ito o sapilitang itinatago. Ano ang hiblang natutunghayan para lámang itago mo? Ano ang pinaniniwalaan mong hiblang bumubuo ng iyong panlipunang relasyon sa kasiyahan ng karanasan? Sa punto ng industriya ng kultura na humuhubog ng mga produkto at serbisyo ng karanasan, hindi kakatawang ang lahat ay ibinibigay tungo sa higit pang eksplorasyon ng kasiyahan ng gitnang uring karanasang makapanghihimok ng higit pang

351

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pagbababád, pagtangkilik, at kontraryong kamulatan—literasi sa konsampsiyon— ay uhay na magpapatindi ng pagnanasà sa higit pang konsumo). Na kahit libre ang malling ay hindi pa rin nakatatakas sa katawang ritwalisasyon ng konsumo: nalaláman ang bago para mapasakonsumer ito bago maluma. Retrospect din ang pagdanas ng mayorya ng mamamayan sa konsumerismo at karanasan. Napag-aralan na ng industriya ng kultura na ang kulay pula ay nakapagpapagutom kayâ ito ang kulay ng mga higanteng fastfood, o sadyang nililito ang mga disenyo ng mall para makadanas ng pagkaligaw at nang sa gayon ay mas maraming shops ang mapasadahan at mas malakas ang pagkakataong mag-impulse buying, na nása gitnang seksiyon ng shelf sa groseri ang pinaka-premium na brands dahil ito ang unang matutunghayan ng mamimíli bago matunghayan ang ibáng mas murang opsiyon sa mas di-hayag na bahagi ng shelf. Paano magpoprotesta na tungo sa higit na konsumerismo ng gitnang uring búhay at produkto? Ang politikal ay higit pang mataas na rekisito ng protesta—nanghihimok ito ng transpormasyon lampas sa sarili ng indibidwal. Na parang oxymoron ang terminong “politikal na protesta sa kulturang popular” dahil paano mo itatransporma ang isang karanasan na ang ahensiya lámang ay sa indibidwal na antas, at magpakaganito, paano mo naman gagawing radikal ang isang bagay na pinunterya ng industriya ng kultura at ng gobyerno bílang depolitisadong karanasan at pagninilalang—na pagdanas ng langit ng kasiyahan ng gitnang uring pantasya? Na hindi nga maaaring ipolitisa ang kasiyahang ito dahil ito na ang tripleng negation ng karanasan: una, ang supplanting ng manaka-naka at panandaliang kasiyahan para sa mas malaking kalakaran ng wika sa pasákit at pighati sa karanasang kahirapan at elitismo, na ang espasyo ng pagtunghay sa karanasan, tulad ng mall at sine, ay tunay na relief sa historikal at panlipunang realidad; ikalawa, ang pagpapalit ng ahensiya ng indibidwal sa pagdalumat ng karanasan sa estado na tila partnership ang isinasaad gayong wala namang pakialam ang estado kundi ang paglikha ng produktibong docile subject sa mamamayan nitó; at ikatlo, ang replacement ng karanasan sa kulturang popular sa utopia at praxis ng pagrerebolusyon. Na kahit nga magkaroon ng kritikalidad sa karanasan, ang mismong kolektibidad ng indibidwal na dumaranas nitó ay mayroon nang self-reflective na postura sa karanasan: inside out o may kamulatang panlabas sa pagpapaloob, at outside in o may kamulatang panloob sa panlabas. Isang paa ay nása labas ng pinto ng pagdanas gayong ang isa ay nananatiling nása loob. Sino ang may powers na kayanin ang sukdulang disavowal ng karanasan? Sa bansa, ang mga katutubo at mamamayan na lámang na namumuhay sa sekluded na espasyong di pa rin nababahiran ng karanasan sa modernidad, o ang mga nagrerebolusyong di-nakapasok sa mantra ng gitnang uring pantasya ang pagdanas sa kulturang popular. At kung gayon, may

352

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

kontraryong kosmopolitanismo na isinasaad ng di-pagdanas sa idyoma ng karanasan ng pambansang modernidad. Ang kontraryong kosmopolitanismo ang nagpapatunghay sa kontra-produktong kalidad ng kosmopolitanismo ng pambansang modernidad. Ang pambansang modernidad ay naaangkla sa pagdadanas ng gitnang uring pantasya bílang kalakaran para maitago ang perpetwasyon ng kahirapan at elitismo, kasáma ang korupsiyon at siste ng patronato. Ang kalidad ng kosmopolitanismo ay tungo sa pagkakaroon ng kawing sa aktuwal na may hawak ng kapangyarihang politikal at ekonomiya, at ang pagpapalaganap ng pamamatronato bílang kalakarang panlipunan. Ang panlipunang kapital (social capital) na nagbibigay-diin sa indibidwal sa pamamagitan ng network ng kakilala ang pangunahing kalakaran para sa pagnanasang kumalas/tumakas sa kasalukuyang mababang predikamento. Maghahanap ng patron na makatutulong ang mayoryang nása ibaba gayong ang mga idolo at politiko ay nangangako lámang ng posibilidad para mamintana ang gahúm ng kalakarang kosmopolitanismo. Ang masamâng balita, kung gayon, ay walang kalakarang politikal na protesta sa kulturang popular. Walang matagumpay na consumer group sa bansa, walang nagtagumpay na boykot ng mga produkto at serbisyo ng mapanupil na korporasyong nagmamay-ari nitó. Napatay si Ka Fort, ang lider-unyon sa Nestle, pero hindi naging malawakan ang panawagan para boykotin ang mga produkto ng kompanyang nagpapalaganap ng karahasan sa manggagawa at unyon nitó. Nagwelga ang manggagawa ng ShoeMart (SM) at Kowloon Siopao pero hindi napatumba ng panawagang boykot ang mga mapanupil na kalakaran ng mga negosyo. At ito ang napagtagumpayan ng negosyo, ang pagdanas sa produkto at serbisyo bílang materyalisasyon ng gitnang uring pantasya. Paano mo iisipin na mapanupil ang kalakarang sub-contracting at union busting sa SM gayong invisible naman ang operasyonalisasyon nitó sa establisimyento? Kayâ ba wala táyong nagiging kaibigang despatsadora, barista, crew, at ibá pa? Dahil naliligwak na silá bago pa man táyo magkaroon ng pantaong relasyon sa kanila, o hindi rin naman araw-araw ang pagtangkilik sa negosyong pinagtatrabahuhan nilá. Sa aking childhood memory ng pasalubong na siopao mula sa Kowloon (kahit mas personal kong naging paborito ngayon ang Ma Mon Luk, na ibá pa ring nostalgia sa mas matandang edad), o ang manaka-nakang pagma-mallingat ang panonood ng sine at pagpapalipas ng oras na blackout sa bansa, at sa ibáng pinalaki ng Disney channel, treat, panonood ng Disney film o ang pagkain ng kiddie meal na mayroong laruan mula sa pinakabagong pelikula ng Disney, ang pasalubong na mahal na Disney na damit mula sa kamag-anak na nakapagtrabaho sa labas ng bansa—paano magiging exploitive at pang-uring kaaway ang negosyong nagpapadaloy ng gitnang uring pantasya? Ang kontraryong kosmopolitanismo ay di lámang nagpapamulat

353

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

sa operasyon ng gitnang uring pantasya kundi pinapatid mismo ang pantasyang ito, nagbibigay ng alternatibong direksiyon sa produktibong fantasy-ideal na sumasaklaw sa kolektibong pagpupursigi para sa kabutihan ng nakararami. Saan mabibili, este, matatagpuan ito? Ang politikal na protesta ay matatagpuan sa labas ng karanasan ng kulturang popular. Hindi ito reaksiyon sa operasyonalisasyon ng kulturang popular, pero kabahagi rin ito. Ang kosmopolitanismo ng politikal na protesta ay pagpapadala ng agenda (fantasy-ideal) ng organisadong mamamayan para sa pagpapatupad ng hustisya sosyal, ekonomiyang kagalingan, at politikal na empowerment, mga bagay na wala sa pangunahing purview ng estado. Hindi rin ito asersiyon (kung matatawag ngang ganito) ng kasalukuyang civil society, ang paggigiit sa estado ng karapatan para sa sibil na karapatan na nakabatay sa depinisyon at kalakaran pa rin ng gitnang uring pantasya ng pagkamamamayan. Ang politikal na protesta, kung gayon, matatagpuan sa lansangan, kanayunan, kabundukan, sa mga pabrika, komunidad at paaralang nagsusulong ng kilusang mamamayan. Hindi ko iniisip na hardline ang ganitong panuntunan ng politikal na protesta. Kung iisipin, walang ibáng makakatipid sa gitnang uring pantasya kundi ang literal sa pangunahin at piguratibo sa pangalawang usapin na gawaing rebolusyon, ang pagtatalaga ng utopia ng hustisya sosyal, ekonomiyang kagalingan at politikal na empowerment para sa mamamayan, across-the-board o para sa lahat. Kung iisipin pa nga, hardline na naporma at nasubstansiya ang produktibong docile subject na mamamayan sa pamamagitan ng gitnang uring pantasya. Na gaya ng aking paliwanag, ito ay hindi maitatatwa ng simpleng pagtatatwa lámang dahil sa pananakop ng karanasan sa lahat ng espera ng modernong búhay. Na ang mismong kamalayan ay nakolonisa na rin, at hindi rin makararanas ng lunan na hubad sa karanasan, hubad sa kasiyahan. Sa karaoke, dalawa ang isinasaad ng pagbabago ng kulay ng sinusundang titik— ang kapasidad na sumabay, at ang pag-alinsabay na may lakas o tikas ng paninindigan (tandaan ang karaoke score ay nakabatay din sa lakas ng boses). Maging ang politikal na protesta ay itinalaga na lámang sa praxis ng pang-araw-araw at pagtanggap na nga sa pluralidad ng identidad at subject position. Pinasasabay ang hine-herald na identidad para sa asersiyon ng ahensiya, hindi ng indibidwal kundi ng aspekto ng kaniyang pagiging subject. Ang identity politics ay nakatalaga para bigyang-resonance ang alingawngaw ng sarili na hindi ito lubos na natimpi, kahit pa ang episodikong binibigkas nitó ay bahagi na ng script sa pagiging—at hindi kailanman magiging lubos—mamamayan. Nása domain ng kilusang mása ang imahinaryong makababaklas ng gitnang uring pantasya, nakasalig sa utopia ng pagbibigay-diin sa kontraryong kosmopolitanismong hindi binibigyang-ngalan ng gitnang uring pantasya, ang utopia ng sambayanang nakikibaka para sa tunay na ikakalaya at ikabubuti ng mamamayan nitó.

354

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

2. MELANKOLIYA NG GITNANG URI Ang melankoliya ay isang mental na estado ng pagluluksa (mourning). Ang sintomas ay depression, at mas matindi raw ito tuwing umaga. Nagigising pa nga ang may melankoliya dalawang oras bago ang normal na oras ng gising nitó. At aarangkada na naman ang depression, magnanais ulit matulog, may tendensiyang maging anorexic, at kinatatampukan ng labis na o maling pag-ako ng guilt. Sa psychoanalysis, mayroong tanging puwang ang melankoliya. Paratihin ang pagluluksa sa love object, at hindi magawang ilibing ito. Ang patay (love object) ay maaaring naunsiyaming pag-ibig (na kahit wala na ay iniisip na mayroon pa rin o ang posibilidad nitó), aktuwal na namatay na magulang (at kung gayon, hindi maibsan ang guilt kung ano pa ang dapat ginawa bago namatay ito), kamusmusan (childhood), at kung ano pang bagay o pangyayari na hindi pa handang maiwalay sa pagkatao. Sa politika, ang melankoliya ay isang sistematisasyon ng pag-aabang sa nais dumating kahit malaki ang posibilidad na hindi ito makararating. “Waiting for Godot” ang tipo nitó, tulad ng dula ni Samurl Beckett ukol sa dalawang tauhang nag-uusap ukol sa inaantay ng isa, at sa katapusan ng dula, hindi dumating ang pinakaaasam. Sa politika, táyo ay nagkakaroon ng substansiya ng pagkamamamayan sa pamamagitan ng paratihang pag-aantay. “All that we are is in the waiting” wika sa isang pelikula. Nag-aantay táyo ng tunay na pagbabago. Isang pangulong hindi magiging gahaman, hindi lubos ang pangungurakot, may kapasidad na mag-moderate ng greed. Isang pamahalaang pinahahalagahan ang serbisyo sa kaniya. Isang pamayanang ligtas sa kapahamakan, maunlad, at makatao. Isang lipunang may trabaho, katarungan, at nakasasapat na kíta para sa lahat... “Gumising ka, Maruja!” Kahit si Maruja ay hindi gigising. Paratihan na lámang nag-aantay sa pagbabago ang mamamayan. Manaka-naka, sa charity work ng gobyerno ni Gloria Arroyo, o sa sachet economy ng negosyo, ang underclass ay makararanas ng pagbubukas ng gate ng gitnang uring búhay. Panandaliang luluhod ang mga talà, at makababangon at makagaganti ang sistematikong inapi sa kasaysayan. At dahil madalang magbukas ang gate, madalas kaysa minsan, natatagpuan ng mamamayan na nag-aantay at nagaabang. Para mapabílang sa gitnang uri, ang taunang kíta ay dapat nakapaloob sa PHP251.00, PHP283.00 hanggang PHP2,045,280.00. Sa sosyo-ekonomikong katangian, ang gitnang uring pamilya ay dapat nakapasok sa lahat ng sumusunod na mga requirement: “1) whose housing unit is made of strong roof materials; 2) who owns a house and lot; 3) who owns a refrigerator; and 4) who owns a radio.” Natagpuan ng pag-aaral ng National Statistics Office na ang pangkalahatang populasyon ay gumagasta ng sumusunod: 1) pagkain, 46.58 porsiyento; 2) pabahay at pagkompune, 16.8 porsiyento 3) transportasyon at komunikasyon, 7.52 porsiyento; 4) gasolina, ilaw, at tubig, 6.95 porsiyento; at 5) edukasyon, 3.83 porsiyento.

355

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Batay pa rin sa pag-aaral, ang pinakamababang pinagkagastusan ay ang sumusunod: 1) libangan, 0.38 porsiyento; 2) ibá pang bagay, 1.04 porsiyento; 3) tabako, 1.19 porsiyento; 4) kalakaran sa bahay, 1.23 porsiyento; at 5) gamit at kasangkapan sa bahay, 1.76 porsiyento. Maging ang gitnang uri sa bansa ay hindi rin nakapaglulustay nang lampasan. May pagkakahalintulad ang kaniyang paggastos sa nakararami sa populasyon. Makitid ang gitnang uring populasyon at búhay sa bansa. Ayon sa isang pagaaral ng National Statistic Coordination Board, may dalawang porsiyentong puntong pagbabà sa populasyon mula noong 2000 hanggang 2003. Bumaba rin ng 4.6 porsiyentong punto ang bílang ng gitnang uring pamilya na may overseas contract worker na miyembro. Nauna nang lumiit ang mataas na kíta; 20 porsiyento lámang ang gitnang uri, at 80 porsiyento ay kabílang sa mababang uri. Sa anim na taon mula 1997 hanggang 2003, sa bawat 100 pamilya na nása gitnang uri, tatlong pamilya ang nalaglag sa mababang uri. Ang penomenon ng “collapsing middle class” ay nagaganap di lámang sa Filipinas kundi maging sa U.S., bumaba mula 48.2 porsiyento tungo sa 44.3 porsiyento sa nakaraang dalawang dekada. Bakit at paano nag-aastang mayaman si Juan Maralita? Astang mayaman si Juan at Juana dahil hindi silá aktuwal na mayaman. Ang asta ay artifice sa gitna ng malawakan at malalimang kahirapan sa bansa. Ito ay panlabas na posisyon dahil ang panloob ay hindi aktuwal na gitnang uri. Umaasta dahil ang substansasyon ng gitnang uri ay napatagos bílang aura (sabayang pagkalutang sa ere at pataasan ng ihi) ng kontemporaneong búhay. Mayroong melankoliya ang gitnang uri dahil sa dalawang bagay. Una, intermittent ang gitnang uring búhay, na sa isang aksidente, trahedya, matinding pagkakasakit o sabayang enrollment ng mga anak ay hindi na nakakayanang matustusan ng sariling kíta, nangungutang na kundi man nakapagsasangla at nakapagbebenta ng mga ariarian (kayâ rin hindi nakapagtataka na ang sobrang kíta ng gitnang uri ay nauwi sa mga bagay na mapeprenda: alahas, magic mike, appliances Ipod at MP4 player, at ibá pa). Seryalisadong melankoliya dahil panandalian lámang ang posisyon ng gitnang uri. Paratihang nagsisimula na naman sa sikliko ng pagtatrabaho, pagtustos sa malakihang gastos, pangungutang, pagbabayad-utang, at muling pagtatrabaho. Ikalawa, hindi naman talaga gitnang uri ang gitnang uri. Mas tukoy pa ng gitnang uri ang substansiya ng pormasyon ng mamamayan: oratiko lámang ito kahit pa ito ang lente ng pagdanas ng kasapatan, hindi kasalatan dulot ng paghihikahos. Substansiya ito na siyang bumabalot sa ubod at artifice, na kahit nga mas mababa sa gitnang uri, mas mayorya sa gitnang uri, mas hindi kaysa lubos na gitnang uri, napapastang gitnang uri ang gusto—lifestyle, kalakaran, operasyonalisasyon, tunguhin at kalidad ng buhay—ng hindi aktuwal na gitnang uri.

356

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

Melankoliya dahil paratihang ibinabalik ng pagiging di-gitnang uri—ang mayoryang underclass—ang gitnang uri. Na kahit saglit at panandalian itong nadaranas, kahit mas matagal ang kinakailangang paggawa para kumita, itinuturing na ito bílang preperensiya ng kalidad ng búhay. Ayaw ilibing dahil sino ang gustong tumanaw sa sarili sa tumpok ng basura? Ang bundok ng bansa ay tinatanaw lámang, mula sa pinakamalapit, sa tarangkahan ng tahanan. Sa loob ng tahanan, maitatatwa pa ang kahirapan. Ano pa ang kapasidad ng sarili na makapagtatwa ng kahirapan? Sa lente ng búhay ng gitnang uri, ang uring afilyasyon ay nagbabago. Nagkakaroon ng pagtatraydor (betrayal) sa uring pinagmulan (class origin) para ang identipikasyon ay pumanig sa abstraksiyon at materyalisasyon ng gitnang uri. Abstraksiyon ito dahil nga sa mas maraming pagkakataon ay dinaranas lámang ito sa malawakang antas ng pantasya, ng imahinaryong nakakamit din ang gitnang uri sa di-maláyong hinaharap. Materyalisasyon ito dahil nga sa pamamagitan ng sachet economy, charity, at casino public service, manaka-nakang napaparating ang pribilehiyadong karanasan ng gitnang uri. At ito ang kondisyon ng posibilidad para aktuwal na madanas ang gitnang uring pantasya ng mga nagdarahop. Nililikha ang gitnang uri bílang ideal. Na dahil nalikha ito ng pasismo at industriyang pangkultura bílang ideal, kahit hindi ito perpekto at mohon ay napapaniwala ang sarili sa ego-ideal na ito: ito ang panuntunan ng kontemponeong búhay, ng posibilidad ng kalidad ng búhay ng modernong mamamayan. Maigting ang kolektibong pantasya kayâ wala nang nakikítang ibáng direksiyon ng búhay sa labas ng imahinaryong ito. Tulad ng imahinaryo, ang gitnang uri ay nililikha bílang abotkamay, abot-tanaw na panuntunan. Parang kay dalíng abutin kahit hindi. May isang batà na nagsabi sa kaniyang magulang, “Sana sa mall na lang táyo nakatira.” Malamáng, ang batà ay nása loob pa lámang ng mall nang sambitin niya ito. At kakatwa na ito. Una, alam niyang temporal lámang ang saglit na kasiyahan, at ito ay wish-fulfillment pa nga dahil sa mas mabigat ang kondisyon ng materyal na kahirapan. At ikalawa, hindi pa nga patay, pinatay na ng batà ang karanasan. Dinaranas pa nga lámang niya ang kasiyahan ay nagkaroon na ito ng pagluluksa sa katiyakan ng lahat ng malling, ang pagtatapós nitó. Ang akses man sa kulturang popular ay sa pamamagitan ng gitnang uring panuntunan. Kailangang gumasta—ibig ding sabihin, kailangang tumbasan ng lakaspaggawa—para makaranas ng kulturang popular. Gitnang uring panuntunan ito dahil ito ang káyang abutin ng 80 porsiyento ng populasyon, at willing din bumabâ ng makapangyarihang isang porsiyento. Kailangan ding magtrabaho para makapagsine, makakain sa fastfood, makapanood ng laban ni Manny Pacquiao, makapagyaya ng cartoon at animal channel, magkaroon ng higit pang kultural na kapital sa capable channel na pang-animé at fashion TV, dahil hindi libre ang mga ito.

357

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Pribadong pinararanas ang akses dahil sa naturalisasyon ng gitnang uring panuntunan. Nagtatrabaho (kasáma ang pagnanakaw ng lumpen prolet) ang lahat para kumita. Ang kinita ay ginagasta, at táyong nagtatrabaho ay nagbabayad para sa pinakamalawak na libangan—nag pag-alinsabay sa pantasya ng gitnang uri. Para makapag-malling nang libre, kailangang may gitnang uring suot na gagastusin din. Para makapanood ng free channel o makapakinig sa radyo, kailangang may pambili ng appliances. Parang libre kahit hindi. Parang magaan lámang ang pagtatrabaho para matustusan ang libangan kahit hindi. Parang magaan kahit mabigat. Parang buháy kahit pamatay. Parang oo kahit hindi. Parang dahil hindi aktuwal. Ang pagpostura ng pantasya ng gitnang uri sa malawakan at maramihang idyoma ng kasiyahan ay nagsasaad din ng melankoliya. Sa gitnang uri, may sabayang realisasyon ng imahinaryo ng pag-angat at ng aktuwalidad ng mabigat na paghihirap at kahirapan. Nagpapaalam táyo sa pasákit at pighati para matagpuan ang kasiyahan. Hindi naman kasiya-siya ang pagiging KJ (kill joy) o pabigat sa grupo. Ano ang ligayang nadarama hábang kumakain ka sa mamahaling restaurant na alam mong ginagasta mo ang hulí mong pera sa wallet? Ano ang ligayang dulot ng pakikipagrelasyon kahit pa alam mo rin namang hindi ito magtatagal? O ang pinangasawa ay dahil lámang kumbinyente at hindi dahil true love? Alam pero dedma na. Dedma na para hindi alam. May ligaya sa kamangmangan ang umaastang gitnang uri. Kahilingang i-off ang switch ng aktuwalisasyon ng kahirapan para madanas ang ilang saglit na may koryente sa kuwarto, matanaw ang sarili sa salamin na buo naman at hindi asiwa, matanaw ang bundok ng basura mula sa bintanang maaari namang maisara. Ito pa lámang ay pamumulubi na dahil sa pag-aasta—na malamáng ay ito na ang realisasyon ng panuntunan—naririnig pa rin ang kalansing ng pagkahulog ng barya-baryang biyaya ng gitnang uri. Dahil napakatahimik ng kuwarto, lahat ay nag-aabang sa kalansing kayâ hindi naririnig ang kumakalam na sikmura, ang bumibigat na paglunok sa lalamunan, ang sinisikil na paghinga o ang mga ugat sa kamaong tumitigas. Sa bawat saglit ng abang búhay—ang kolektibisasyon ng 80 porsiyentong mababang uri at 20 porsiyentong gitnang uri—napapaindayog sa kompas ng tugtog ng isang porsiyento. Para walang marining, walang ibáng madaranas kundi ang nakapanghahalinang paghehele ng mga sirena ng gitnang uri. Patay na ang gitnang uri, mabuhay ang gitnang uri! 3. MATERYAL NA KAHIRAPAN, GITNANG URING PANTASYA Ang nostalgia ay isang sakit ng ”home sickness” na unang binanggit na umaatake sa mga mandaragat (sailor) na Griego. Dumaranas ng matinding kalungkutan ang

358

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

nagno-nostalgia, at ang nása isip nitó ay ang kaniyang tahanan. Ang tahanan ang sityo ng alaala, ang inaakalang angkla ng búhay. Pero ang irony nitó ay wala namang perpektong tahanan o alaala nitó. Ang kakatwa sa kasalukuyang mobilisasyon ng nostalgia sa kulturang popular ay ipinapaako ang alaalang hindi naman sa indibidwal, o hindi aktuwal na dinanas ng indibidwal. Ang kulturang popular ay may kapasidad na humulma ng ideal na mamamayan at indibidwal. Ipinapaako nitó ang menu ng serbisyo at produkto sa indibidwal bílang sa kaniya. At ang indibidwal naman inaako ito dahil ang mga tinatangkilik niyang kulturang popular–brand ng damit, cellphone model, Facebook page, at ibá pa, halimbawa–ay tagni-tagning substansasyon kung sino siya, kung ano ang halaga niya na nakabatay naman sa mga panuntunang itinakda rin mismo ng kulturang popular. Ang mas kakatwa pa rito, ang kulturang popular, sa klase ng mobilisasyon nitó ng nostalgia sa gitnang uring karanasan ng pagkabatà, pagbibinata at pagdadalaga, at pagtanda, halimbawa, ay epektibong napapatangkilik–kahit hindi aktuwal na napapabili sa mga serbisyo at produkto, puwede na muna ang literasi lámang sa menu—kahit sa abâng uri. Itong “puwede-puwede na muna” ng estado ng indibidwal na abang mahirap ay mahalaga pa ring investment ng industriyang kultural dahil inaako na ng indibidwal ang mga gitnang uring panuntunan kung paano siya maging tao at magkaroon ng modernong pagkatao. Ang kaniyang materyal na kahirapan ay napapalitan ng imahinaryo ng abot-tanaw (puwede-puwede na muna), at abot-kamay na gitnang uring panuntunan ng búhay. Ang kuwalitatibong búhay ay nadadalumat naman sa kuwantitatibong pagtangkilik sa panuntunan ng gitnang uri. Ang imahinaryo ng abang indibidwal, kung gayon, ay naka-project sa hinaharap dahil nga ang kasalukuyang materyalidad ng abang lagay ay hindi akma bílang receptacle ng gitnang uri. Ang pinabibili lang sa kaniya ay ang repormistang ethos dulot ng paniniwala at pagsasabuhay ng gitnang uring pantasya. Ito ang mirage at oasis ng materyal na kahirapan, na mayroon pang mas magandang búhay lampas nitó. Na mayroon naman, ang hindi isinasaad sa retrato, tulad sa oasis ay kung paano tutungo rito. May gintong yaman nga bang nag-aantay sa dulo ng bahaghari? O káya bang hindi tulungan ang paghele ng nakapanghahalinang pag-awit ng Ibong Adarna? Ano ang kalamansi sa sugat, ang folklorikong tugon ng mabuting prinsipe nang hindi siya ipaghele ng ibon, sa kulturang popular? Ang nangyari sa edad ng neoliberalismo ay ang pagtanggal ng welfare na aspekto ng estado, ang pag-alis ng inaasahang tulong ng mga mamamayang nawalan ng kabutihan ng búhay dulot ng masibong ekonomiyang maniobra ng pamahalaan at negosyo. Kung nawala ito, ang direksiyon ay tungo sa kaniya-kaniyang pagsagip ng sarili. Wala nang katiyakan ang búkas, o kundi man, wala nang maasahan sa gobyerno

359

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

dahil nagsisiste na ito sa sariling papel sa global na búhay—ang buksan ang landas para sa pagpasok ng dayuhang kapital, at ang pagsasabatas ng mga alituntuning kaugnay nitó. At dati nang walang pretensiyon ang negosyo na may pakialam pa silá sa kanilang empleado at mamamayan. Gawad Kalinga mode, o tax shelter sa pamamagitan ng pagtatanim ng punò o suporta sa child abuse na foundation, na pawang beautification na pinangungunahan din naman ng opisina ng mga higanteng korporasyon na naghahanap hindi lámang ng tax shelter kundi ng panlipunang branding, nang higit pa sa kanilang korporatisadong naratibo. “In the service of the Filipino people” kung bagá, na holistikong lapit dahil nga mayroon pa ring kung anong mas egalitaryong adhikain na ipinapatupad. Egalitaryo pero para kanino? Charity case ang tingin negosyo sa anumang proyekto sa labas ng kalakarang negosyo. Ipinapatupad bílang bonus lámang, o pagkatápos kumita batay sa tinarget. Kayâ walang maasahan ang abang indibidwal kundi lumapat sa kaayusan ng neoliberalismo. Pribatisado na ang gitnang uring pantasya, tulad ng pagsasapribatisado ng ekonomiya ng estado—ipinindeho na ang mga pampublikong serbisyo, tulad ng tubig, koryente, petroleum, transportasyon, at ibá pa – sa kamay ng malalaking negosyo. Ang rekurso ng abang mamamayan ay manalig na rin sa gitnang uring pantasya— ito o ano pa? Wala nang lampas pa rito. Ito na ang kaniyang light at the end of the tunnel, ang single spark sa panahon ng bagyo, ang biglang lumabas na nakatagong kuwarta nang inakalang wala nang pera. Isinusugal niya ang kaniyang kinabukasan dahil ang materyal na kasalukuyan—kasáma ng historikal na uring pinanggagalingan—ay hindi nakasasapat. Araw-araw siyang tatayâ sa huweteng, lingguhan sa lotto, peryodiko sa karera, paminsan-minsan sa casino ng gobyerno. Nadadale siya sa pyramiding scheme na get-rich-quick na modalidad na pangekonomiyang pag-angat. At pati ang mababang gitnang uri, pati nga ang mismong gitnang uri, ay nakasasanayan na rin ito. Intermittent lang ang posisyonalidad ng gitnang uri sa bansa. Hindi ito panghabambuhay, walang kontratang pinirmihan. Bagkus, mas madali pa ngang bumaba ang gitnang uri sa abang uri dahil sa klase ng panlipunang materyalisasyon ng krisis at disaster, na maging ang domestikong larangan ay naapektuhan. Nalulugi siya sa negosyong pinasok. Natatalo sa mga isinugal. Nangungutang kapag may nagkakasakit sa pamilya. Nagkakandakumahog kapag may naaksidente. Slide siya mula sa kaniyang tore tungo sa kalakaran ng kalsada o mas liblib pa, at sa poder sa labas ng opisyal na estado. At kahit magpakaganito, ang kaniyang loyalty ay sa sinumpaang nakaaangat na uri. Hindi niya kagyat na marerealisa ang estadong nouveau poor. Magkakandakumahog pa rin itong panatilihin ang kaniyang pagiging gitnang uri.

360

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

Na kahit ang isinasaad ay isang gitnang uri, sa materyalidad ng kaniyang ekonomiyang lagay, nananatiling pantasya ang ethos ng kanilang kolektibong búhay. Siláng gitnang uri ay naniniwala sa imahinaryo ng gitnang uring pantasya. At bahagi ng gitnang uring pantasya ang ilang perks ng civil society: liberal na demokrasya, People Power, citizens’ assembly, pressure politics, civil rights, at ibá pa. Dahil sa apropriyasyon ng gitnang uri sa civil society,silá ang nagtakda ng substasyon nitó sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga aktibidad na magmimitolohiya sa sibilyan na aspekto ng lipunan, na parang may papel nga ito sa pamamalakad ng pamahalaan at kontrol ng kalabisan ng negosyo. Kinarir nilá ang civil society na nawalan na ng politikal na bisa. At ang nangyari ay ang bourgeoisification ng civil society, kundi man, ang middle-classification nitó. Magkakabahay ka, pero huwag kang mag-reproductive health. Magkakabahay ka, babae, pero sa asawa mo ipapangalan ito. Tutulong pero may strings attached. Tutulong dahil may relihiyo-politikal na adyendang magtataguyod ng burges na interes. Hindi isinasaad na walang politikal na gitnang uri. Hindi magtatagumpay ang dalawang People Power nang walang masibong suporta ng gitnang uri. Ang una ay dahil silá mismo ay naetsapuwera na sa burukrata kapitalismo ni Marcos na nagbigay-pribilehiyo sa kanilang cronies. Ang ikalawa, ayon sa ilang sosyologo at siyentista ng politika, ay dahil hindi nakayanan ng gitnang uring panuntunan ang labis na pampababae, pagsusugal, at ibá pang bisyo at inmoralidad ng masang pangulo. At magtagumpay ito sa patuloy na vigilance ng gitnang uri. Kayâ silá mismo ang nakaranas ng People Power fatigue, ang inaakalang sakít sa malamyang partisipasyon ng malawakang hanay ng gitnang uri at kritikal na masa sa pagpapatalsik ng bangkaroteng pagkapangulo ni Arroyo. Kung gayon, may politikal na gitnang uring pantasya rin. Ang naging swing ng neoliberalismo ng ekonomiya ay neokonserbatismo ng politika, at ang patunay nitó ay ang neokonserbatismo ng kultura. Kulturang popular na lámang ang malawakang tinatangkilik, at dito na lámang naghahanap ng subersibong kahulugan at pagbása na taliwas sa gahum ng naghaharing uri. Akademiko ang treatment, at alam natin na walang nabago ang akademya sa praktika ng pag-iisip at pagkilos ng malawakang mamamayan. Negosyo ang nagpabuti ng búhay sa pamamagitan ng komersiyalisasyon ng mga siyentipikong pagtuklas ng akademya. Ang Weberian analysis na binabanggit sa kolum sa diyaryo ay walang katumbas na praktika ng good governance na accountable sa mamamayan. Sa aking palagay, tanging ang panlilimi ng akademya sa nosyon ng imahinaryo ng rebolusyon at sa pagtuturo nitó bílang rebolusyonaryong gawain matutumbok ang politikal na gitnang uring pantasya, isang pantasyang nakikiisa sa mas malawakan at makauring pagbabago ng lipunan.

361

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Hindi ito nakasalig sa repormistang pananaw, na mababago pa ang sistema. Kung mababago pa nga ito, nagbago na sana ito sa klase ng pressure politics na isinagawa ng gitna at abang uri. Pero makapangyarihan ang politika ng bansa batay sa makauring katangian ng namumunò nitó. Sa imahinaryo ng rebolusyon magbubukas ang alternatibong kondisyon ng posibilidad: na mayroong magagawa, may pag-asa kapag nagbubuklod ang mamamayan at nilabanan ang sistematikong kaayusang nagpapahirap—at kabahagi at kapanalig ng sistemang ito, ang kulturang popular, bumubulag, nagpapahele, nagpapabingi at nagpapapipi, at pilay sa tumatangkilik nitósa mayorya ng bansa. Kung babawasan ng gitnang uri ang pagmamahal sa kaniyang uri, magkakaroon ito ng pagmamahal sa ibá. Kung matitigil ang pagmamahal sa gitnang uring pantasya, magkakaroon ng pagmamahal ang abang indibidwal at kolektibo sa kanilang hanay. At aasa silá, hindi na sa imahen ng salbasyong inaalok ng gitnang uring pantasya, kundi sa kanila nang sarili. 4. KASIYAHAN SA KULTURA NA IMPERYALISMO Itinuturing na wala nang reli (relevance) o cache ang kultura na imperyalismo. Paano ka naman masasakop ay malayà naman ang mamamayan at bansa? Paano ba manakop ng utak at kamalayan? Wala namang mind snatchers, hindi tulad sa pelikulang science fiction. Dahil sa pagbagsak ng Berlin Wall na naghudyat diumano ng pagbagsak din ng sosyalismo, wala nang empire at imperyalismo dahil nakapagbabalikwas naman pala ang mamamayan. Pero hindi ito totoo. Ang mas mabigat at operative term pa rin ay ang “imperyalismo” ang “pinakamataas na yugto ng kapitalismo” (Lenin) na pumapatungkol sa mas matinding kalakaran tungo sa konsentrasyon ng kapital sa iilang makapangyarihang bansa; at kung gayon, mas matinding anyo ng panunupil at exploitation. Ang naunang panahon ng imperyalismo ay ang direktang kolonisasyon ng mga primitibo at may likasyaman na mga bansa. Lalo na sa nakaraang ikadalawampung siglo, matápos makalawang ulit makipagdigmaan ang mga natitira at umuusbong na kapitalistang mga bansa, naging matindi ang literal na karahasang dinanas ng sangkatauhan. Milyon-milyon ang namatay. Ang teknolohiyang pinaunlad ay tungo sa higit pang militaristang kapangyarihan upang maprotektahan ang lumalawak na interes, at pangangailangan sa mas malakihang market. Sa nakaraang siglo rin may pinakamaraming bílang ng mga bansang naging independiyente. Hindi pa ito, sa pangkalahatan, dahil sa nagbabagong-anyo ng mundo tungo sa higit na egalitaryanismo, at paggalang sa karapatang pantao at pambansang soberaniya. Ito ay mas pumapatungkol pa sa bagong taktika ng mga imperyalistang bansa na hindi naman palá kailangang pisikal at literal ang pananakop.

362

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

Na yang panatilihin ang imperyal na relasyon kahit wala na ang naunang empire, kahit nása poskolonyal na yugto na ang mga dáting nasakop at ngayon ay napalayà nang mga bansa. Ang politikal kontrol ay ginagawa, para sa Filipinas halimbawa, sa Washington, D.C., at ang ekonomiyang kontrol ay mula rin dito, at sa mga bangkong ang headquarters ay nása New York at Paris. Hindi naman nawawala ang militaristang pamamayagpag sa imperyalismo. Ang hulíng pinakamatingkad na pamamayagpag ng U.S. ay ang paglusob nitó sa Iraq, isang dáting malayang bansa. Sa Filipinas, paráting may paalaala ang U.S. sa sinusuportahan nitóng pangulo—mga pinalipad na air fighters nang mag-coup ang RAM kay Cory Aquino, ang pag-endoso ng ambassador ng U.S. kay Gloria Arroyo, at ang pagbabalik at pamamayagpag ng mga U.S. na sundalo sa Visiting Forces Agreement. Pero ang kakatwa sa kasalukuyang substansiya ng imperyalismo, sa ground level ng mamamayan, ay ang katambal na kasiyahan na nadaranas sa kultura na karanasan. Epektibong naisalin ang marahas at opresibong kalikasan ng imperyalismo sa idyoma ng kasiyahan. At nagawa ito sa pamamagitan ng proliperasyon ng mga komoditi ng industriyang pangkultura. Hollywood ang namamayagpag na cinema sa buong mundo. At isinasalin nitó ang pang-araw-araw na karanasan sa pag-ibig, pagkamuhi, pagkamatay, at pagligtas sa mundo at ibá pa, sa hegemonikong kamalayan ng U.S. Sinasabing “white Anglo-Saxon middle-class male heterosexual” ang lenteng binibigyang-pribilehiyo sa panonood ng sine, at maging sa pagbabasá ng pop novels. Na visceral táyong nakararanas ng pagibig sa pamamagitan ng isinisiwalat ng karakter na hindi hiwalay sa substansiya ng pagkatao ng pangkaraniwang dayuhang puti at mayamang bida. Isipin na lámang ang pagbabago ng panahon at pananaw hinggil sa Japanese. Matápos ang marahas na karanasan na kaugnay nilá, sa ikalawang pandaigdigang digmaan—comfort women, pagsampal kapag hindi tumungo ang mga Filipino, sanggol na inihagis sa ere at sinalo ng bayoneta, at pagwawala ng sundalong Japanese nang makubkob na silá sa Maynila—ay talaga namang galit at kinamumuhian ng mamamayan ang Japanese. Makapapatay silá ng Japanese kapag nakakita silá nitó, gaya ng nabanggit ng aking lola. Flashforward sa nakaraang hulíng tatlumpung taon. Sa pamamagitan ng ODA (overseas development assistance) ng Japan, naitayo ang maraming impraestruktura ng bansa, kasáma ang Philippine-Japanese Friendship Highway, ang kaisa-isang kalsadang bumaybay mula Luzon hanggang Mindanao; flyover at underpass; Light Rail Transit; at maging ang isa sa pinakamalaking dam sa Asia, ang San Roque. Package deal nga lang na silá ang magtatakda ng serbisyo, paraan ng paggawa, kompanyang Japanese ang gagawa, Japanese ang consultants—na kahit environmental havoc ang mga dam, halimbawa, ito pa rin ang kanilang preferred upgrade sa supply ng koryente dahil ito ang espesyalisasyon ng kanilang mga construction companies.

363

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Sa nakaraang tatlumpung taon din nagkaroon ng ground level flow ng mga babae sa Japan, entertainers na nakapag-uwi ng mga marka ng makabagong teknolohiya at perang malalapad (kayâ nga lapád ang tawag dito), at mga konsumerismong produkto. Dagdag pa ang introduksiyon ng mga unang animé sa panahon ni Marcos, pinakasikat dito ang Voltes V. Na ang conspiracy theory matápos itong i-ban ni Marcos nang hulíng bahagi ng 1970 ay nagsisipaglakihan na ang henerasyong ito, kayâ nang mag-alsa sa EDSA ng 1986 ay masayáng sumali itong pinagkaitan ng diktador ng kabuoang pagkabata. Sa U.P., may grupong pang-estudyante na Nihonggo-language exchange. Sa weekend, may nagko-cosplay o pagbihis (damit, makeup, buhok, at props) na halaw sa animation characters. May peryodikong convention na ginagawa ito sa mall. May animé channel din sa cable. Mabenta rin ang animé sa pirated DVD stalls. Hindi naman lubos naidiin ang naunang trawma sa mga Japanese sa mga librong gamit sa paaralan, kayâ walang alaala ang sumunod at kasalukuyang henerasyon hinggil dito. Tanging ang karanasan sa kultural na imperyalismo ang salin sa antas ng kasiyahan. At sa kasalukuyang henerasyon, tunguhin ng kultural na imperyalismo ang kultural na integrasyon sa bawat yugto ng búhay ng indibidwal (life cycle). Noong batà pa, pinapanood na nilá ito, ginagamit na yay ang mga Disney at cartoon channels. Kilalá na nilá ang mascots ng fastfood outlets bago pa man silá makapagbasá. Marunong na siláng mag-play sa computer o pindutin ang DVD player. Nostalgia ang diin ng konsumo sa kultural na imperyalismo. Na sa pag-aabot nilá ng teenager at young adult, kahit alam na nilang karumal-dumal ang kolesterol at junk food quality ng fastfood, hindi pa rin silá titigil. At bakit naman? Sa tuwing kumakain silá, unconsciously ay nasasambit din ang masasayáng alaala noong dinadala silá ng magulang at lolo at lola nilá sa fastfood at mall. Minsan ay tinanong ko sa klase kung ano ang kanilang “soul food” o pagkaing nagpapa-relax sa kanila. Hindi iisa ang sumasagot na french fries, na mayroon pang childlike variety ang pagkain nitó–isinawsaw sa catsup at ice cream, ang ibá ay mayonnaise, ang ibá ay inuulam. Na sa pagtanda nilá at pagiging sariling magulang, ire-reproduce nilá ang cycle ng pagnanasà at konsumo. Dadalhin nilá ang kanilang mga musmos sa fastfood para madanas ang kasiyahang nadanas nilá noong silá ay minsang naging batà. Nanonood táyo ng sine dahil may personalisadong nostalgia itong nahihimok kahit pa maramihan táyong nanonood. Nakikinig táyo ng musika at may naaalaala at nararamdaman táyo. Nagsusuot táyo ng retro na damit, o naninigarilyo at ginugunita ang karanasang naidulot ng seduksiyon sa advertising. Hip ang sigarilyo, counterauthority, at rebelyon sa diin ng sterile na pangangalaga sa katawan. Minsan ka lang mabuhay!

364

INTRODUKSIYON SA GITNANG URING PANTASYA AT MATERYAL NA KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO

At kahit ang mga bagay na ipinagkait sa indibidwal sa kaniyang kamusmusan o kabataan, tulad ng laruan, damit, trip to the zoo, at ibá pa ay isinasaalang-alang din ng industriyang pangkultura. Ayon sa designer ng Sanrio, ang deprivation ng mga batàng walang pambili ng produkto ng Hello Kitty ang siyang batayan kung bakit mabenta pa rin ang kanilang produkto sa matatanda. Napagkaitan ang indibidwal sa isang panahon, at sa panahong may kakayahan na itong bumili, bibili ito with a vengeance. Kung kasiyahan ang itinatampok, ang alaala ng karanasan sa mas mabigat at malawak na sakop ng pasakit at pighati ang binubura. Hindi hip ang pagiging party pooper o KJ. Na kahit na nakaw ang cellphone, bakâ pa nga may namatay sa pagsanla nitó sa stall sa Greenhills, ay may cellphone pa rin na magagamit bílang lunduyan ng kasiyahan, hindi ng anumang alaala ng pasákit at pighati—kung bakit nagpapalit ka ng cellphone, dahil lumang modelo ba ito, nanakaw o naiwala ito? Ang soft selling ay nangyayari dahil mas nakakukumbinsi ito ng preperensiya at pagpili ng indibidwal. Hindi rin ito hiwalay sa mga ekonomiko at politikal na polisiya mula sa mga gobyerno at malalaking negosyo. Ang imperyalistang globalisasyon ang kalakarang nagpapabiyaya sa maraming malls na itinatayô, itinatampok ang mga produkto at serbisyong matatagpuan sa ibáng bansa sa isang bandá; at ang dahilan kung bakit sampung porsiyento ng populasyon ng bansa ay nagtatrabaho sa labas ng bansa, na dahilan pa rin para sa higit na konsumo. Kayâ ang paglaban sa kultural na imperyalismo ay hindi lang sa antas ng pangaraw-araw at kamalayan: pedestrian malling at window shopping na hindi ipinapakita ang mall developer, wala pang successful na boycott ng mga produkto at serbisyo sa bansa, wala pang nabalikwas na kalakarang pang-estado ang pinakaradikal na term paper na isinumite sa klase. Politikal na pagkilos ang katugunan—sa antas ng indibidwal, ang pagtaas ng kamulatan, at pag-ugnay nitóng mataas na kamulatan sa kilusang mása tungo sa mobilasyon at organisasyon. Ang ginawa ng pagtampok sa kasiyahan sa kultural na imperyalismo ay gawing pang-araw-araw na lámang ang kalidad ng pagbabalikwas gayong wala namang sistematikong nababago sa sistemang kalakaran. Ang binubura ng kontemporaneong kultural na pagsusuri ay ang panlipunang politika (social politics) para paboran ang politika ng pang-araw-araw (politics of everyday life). Sa mga pagsusuri ng kulturang popular, lalo na ang urban na kultura, ang diin ay sa mga kalakaran ng pang-araw-araw na pagbabalikwas. Paano maituturing na pagbabalikwas ang mga pagkilos at kaisipan kung ito ay adaptasyon lámang ng namamayaning gahum, tulad sa krisis ng politika at ekonomiya? Ang pangangailangan sa panlipunang politika ay magtitiyak sa pang-uring pagsusuri sa kultural na imperyalismo at ang galamay nitó sa kulturang popular. Bago maimapa ang antas ng pagbabalikwas, kailangan munang imapa ang kapangyarihan.

365

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

At sa pagmapa ng kapangyarihan matutunghayan ang taláb at purol ng mga pagbabalikwas sa pang-araw-araw na politika. Sa bigat ng papansinin ng kultural na imperyalismo—kahit pa ang imahen ay ang maligayang tagabuhat at kargador–ay hindi nakasasapat ang pagplantsa ng subersiyon sa pang-araw-araw. Kinakailangan ng mas masaklaw na politikal na pagsusuri bílang tunay na kahandaan sa politikal na transpormasyon—ang pag-imagine at pagkilos tungo sa mundo sa labas ng imperyalismo. Tungo sa isang kultura na naninilbihan sa interes ng sambayanan.

366

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS* EULALIO GUIEB III** S A L I N N I P.Y. KIMPO NI

MGA TINIG MULA SA LAYLAYAN, ARTIKULASYON NG MGA DISLOKASYON Orihinal na Tekstong Tagbanwa

Salin sa Filipino1

Pariho intea ka papel Anin, Manggud Maberay na ako naglepad Ng ka lupa’t tane; Ya pag git ko ka Deingeran Anin, Manggud May bibit ko amanangaran.

Kung tulad lang ako ng papel Anin, Manggud Matagal na akong lumipad Lumipad mula lupa't tane Pag-alis ko sa Deingaran Anin, Manggud Bitbit ko ang aking pangalan.

Inaalingawngaw nitóng mga taludtod ang anin (hapding nagmumula sa kaibuturan ng kaluluwa) ng isang Tagbanwa sa isang liblib at baybaying pamayanan sa Hilagang Palawan. Ang kaniyang anin, na inihahandog sa kaniyang mangguad (isang pinahahalagahang kaibigan na mas malapit kaysa kahit sinong kasapi ng pinakamalapit na kaanak), ay ang anin din ng kaniyang lahi. Isa itong hindi-masukat na dalamhating hatid ng sunod-sunod na dislokasyon, parehong heograpikal at simboliko. Nangangahulugan ang paglipat mula sa isang tane (umbok ng lupa) tungo sa isa pa na naglalakbay silá palayo mula sa Deingaran, isa sa kanilang mga

367

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

pinagmulang lugar. Bukod sa bawat paglalakbay ay katumbas ng pagsasabunot ng bahagi ng kanilang kaakuhan bílang lahi, ang bawat paglalakbay ay katumbas din ng pag-eempake ng kailang mga pangalan, kabílang na ang bawat piraso ng kanilang kulturang materyal na kakayanin nilang dalhin. Ito ang kailangan nilang gawin, upang panatilihin ang kung anumang nátitirá sa kanilang kaakuhan. Napipilitan siláng lumipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa, ngunit hindi talaga nilá nililisan ang kanilang lugar. Maaaring nawawala ang pisikal na lugar, ngunit nanatiling buo at hindi natitinag ang pagkakabatid nilá ng lugar kung saan silá nakabuo ng kanilang mga kaakuhan. Ilan lámang ang mga ito sa mga linya ng komposo na inawit ng isang Tagbanwang pinunò, edad 63, sa Taytay, Hilagang Palawan. Ang komposo ay isang tradisyonal na uri ng panitikang pabigkas sa Filipinas at kahalintulad ng corrido ng Mexico. (Simmons 1957) Kadalasan, isa itong maikling piyesang pasalita na inaawit ng mga karaniwang tao sa mga pampublikong lugar sa kahit anong oras at kahit anong araw. Nakagugulat na ang komposong inihandog sa sulating ito ay umaabot sa halos apat na oras ang haba. Kadalasan, naglalaman ang komposo ng mga kuwento ng krimen at pasyon na naganap sa pamayanan; mga sakuna, trahedya, alitang domestiko, at ibá pang pangyayaring itinuturing na mahalaga sa at para sa mga kasapi ng komunidad; o kayâ ay mga mensaheng may didaktikong katangian (mga pamantayang moral, paniniwala sa relihiyon, atbp.). Noong kasagsagan ng diktaduryang Marcos, iwinawagayway ng komposo ang mga paglabag sa karapatang pantao, madalas ng mga militar; mga isyu ng pang-aagaw ng lupa, mga buhay ng mga bayani ng tao, mga pinakasariwang paglusob ng mga puwersang rebolusyonaryo laban sa pamahalaan, at ang pinakamahalaga, ang mga kampanyang politikal na sinimulan ng ilang pangkat upang ilunsad ang tiyak na hangarin. Sa madaling sabi, ang komposo ay parang isang ulat sa balita, o kayâ isang maikling notisya ukol sa mga partikular na pangyayari. Sa ilang halimbawa, may estruktura, tugmaan, at padron ang komposo na popular sa mga tao. Sa karamihan nga ay gumagamit ang mang-aawit ng komposo ng iisa at parehong ritmo at padrong musikal para sa lahat ng kaniyang mga komposisyon; tanging ang mga bersong naratibo ang nagbabago. Ang komposong inihandog sa sulating ito ay isinulat at inawit ni Melecio A. Ledesma. Si Tay Mecio, na siyang tawag kay Ledesma,3 ang pinunò ng Ya Boscies ca mga Catutubo o Magnetes ca Sitio Yucal (Ang Tinig ng mga Tribu sa Sitio Yacal), na siyang kaugnay ng Nagkakaisang mga Tribu sa Palawan o NATRIPAL, ang isa sa mga pangkalahatang samahan ng mga katutubong pangkat sa Palawan.4 Isang islang lalawigan sa timog-kanluran ng Filipinas ang Palawan. Matatagpuan sa gitna ng isla ng Mindoro at Hilagang Borneo, ang Palawan ang pinakamalaking

368

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS

lalawigan ng bansa kung pag-uusapan ang lawak ng lupa, na siyang nása 14,896.3 km2. (NSO 1996) Binubuo ang Palawan ng 1,769 pulo at munting pulo, na karamihan ay may mga iregular na baybayin. Tinatayang 650 kilometro ang buong haba nitó, at nása humigit-kumulang 425 km dulo-sa-dulo ang pangunahing isla. Napaliligiran ito ng Dagat Timog Tsina sa hilagang-kanluran, at ng Dagat Sulu sa silangan. (PPDC 1997) May lapad na 40 km. ang Palawan sa pinakamalapad nitóng punto. (Eder at Fernandez 1996) Mayroon itong populasyon na 640,486 noong taóng 1995. Ang bílang na ito ay 18 beses na mas malaki kaysa populasyon nitó noong 1993. (NSO 1995) Marami ang tumuturing sa Palawan bílang “last frontier” ng Filipinas dahil sa mga angkin nitóng likás na yaman. Ilang katutubong pangkat ang naninirahan sa Palawan: (1) ang Pala’wan o ang Palawan, isang lahing nagkakaingin na nakatirá sa katimugang kabundukan; (2) ang Batak, isang lahing naghahanap ng pagkain sa kagubatan at nakatirá sa gitnanghilagang bahagi ng pangunahing isla; (3) ang Molbog, mga nagkakaingin Muslim at karamihan ay nása Balabac, ang isa sa pinakatimog na isla ng lalawigan; (4) ang Kuyunon, ang itinuturing na nakatataas sa mga katutubo sa Palawan; (5) ang Agutaynen, na orihinal na matatagpuan sa Agutaya sa kapuluan ng Cuyo sa hilaga; (6) ang Sama, na may pagkakahawig sa mga pangkat na naninirahan sa baybay sa Hilagang Borneo; at (7) ang Tagbanwa, isa sa mga nalalabing pangkat na gumagamit pa rin ng kanilang sariling silabikong pagsusulat. (Eder at Fernandez, 1996; Peralta, 1991) Kabílang sa ibá pang mga migranteng pangkat-etniko na nakakalat sa lalawigan ang mga Apayaw, Blaan, Ga-dang, Ibanag, Ifugaw, Ilongot, Itawis, Kalagan, Kalinga, Magindanaw, Mamanwa, Manobo, Mëranaw, at Tausug. (Peralta 1991) Nahahati sa apat na subgroup ang mga Tagbanwa ng Palawan: ang mga Tagbanwa ng Aborlan na karamihan ay mga nagtatanim at nag-aani ng palay at matatagpuan sa gitna at timog Palawan; ang mga Kalamyanen na karamihan ay nakasalig sa dagat at naninirahan sa kapuluang Calamianes sa hilaga; ang Tandulanon; at ang Silananon. Nakatirá ang mga Tandulanon at Silananon sa mga baybayin at parehong umaasa sa yamang pandagat at panlupa. Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa baybayin sa hilagang-kanluran at hilagang-silangan ng pangunahing isla ng Palawan. (Peralta, 1991) Umaayon itong sistemang nomenklatura sa mismong pag-uuri ng naturang lahi. Tagbanwang Lupa (mga Tagbanwang umaasa sa lupa); Tagbanwang Dagat (mga Tagbanwang nakasalig sa dagat); at Tagbanwang Pampang (mga Tagbanwang naninirahan sa baybayin; nakaasa sa dagat at lupa).5 Batay sa estadistika ng pamahalaan noong 1990, kinakatawan ng tatlong pangunahing pangkat etnolingguwistika (ang Palawan, Batak, at Tagbanwa) ang sampung porsiyento (10%) ng buong populasyon ng isla. Patuloy na nababawasan

369

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ang kanilang mga bílang, at sa gayon ay naging minoridad ang mga pangunahing katutubong kultural na pamayanan ng Palawan sa sarili nilang tinubuang lupa. (Dumagat, 1996) Isang Tagbanwa Tandulanon si Tay Mecio. Nakakalat sa mga baybayin ng Malampaya Sound sa bayan ng Taytay, Hilagang Palawan ang mga kasapi ng katutubong pangkat na kinabibilangan niya. Napilitan nang lumipat paloob ang ilan sa kanila, papalayo sa mga baybayin at papalapit sa mga bundok. Sa kasalukuyan, karamihan sa kanila ang nakatira sa Sitio Yakal, Barangay New Guinlo6 sa Taytay, pagkatápos siláng malinsad ng mga Bikolanong lumipat sa lugar. Isang pamayanan ng pagsasaka ang Sitio Yakal na matatagpuan mahigit-kumulang tatlong (3) kilometro mula sa kabisera ng barangay. (Rivera, 1997) Nása baybayin ng Malampaya Sound ang kabisera ng barangay. Itinuturing na isa sa pinakamayamang pangisdaan ng bansa ang Malampaya Sound. Nakaharap ito sa Dagat Timog Tsina, at may lawak na 24,400 ektarya. (Estudillo, et. al., 1987) Pinaliligiran ng sampung barangay ang nasabing lawas ng tubig. (Rivera, 1997) Tinatantiya ng Palawan Office of Southern Cultural Communities ang bílang ng mga pamilyang Tagbanwa sa Taytay sa apatnapu’t dalawa (42), o may kabuoang populasyong dalawang daan at tatlumpu (230) para sa taóng 1995. Kinakatawan ng bílang na ito ang 1.62 porsiyento ng tinatáyang 14,183 na populasyong Tagbanwa sa Palawan para sa parehong taon.7 Pinamagatang Mga Tagbanwa ca Malampaya (Ang Tagbanwa ng Malampaya), kinakatawan ng komposo ni Tay Mecio ang kasaysayan ng Tagbanwa Tandulanon na naninirahan sa mga baybayin ng Malampaya Sound. Ang komposo ni Tay Mecio ang paggigiit ng mga pag-aangking historikal ng Tagbanwa Tandulanon sa nasabing masaganang yamang tubig. MULING PAGTANAW SA ISANG PAMAYANAN, MULING PAGSASAPI SA ISANG PAMAYANAN Pagkatápos dalawin ang Malampaya Sound noong 1924, idineklara ni Gobernador Heneral Leonard Wood ang nasabing lawas ng tubig bílang “fish bowl” ng Filipinas. (HDPP 1953) Ngunit hindi ginawa ang etiketa, na isang pag-aakda ng lugar ni Gobernador-Heneral Wood, bílang isang papuri. Bagkus, isa itong paanyaya sa mga negosyong komersiyal na samantalahin ang mga yaman ng Sound. Mula dekada 1920 hanggang kalagitnaan ng dekada 1950, pinagpasa-pasahan mula sa isang umuupa patungo sa susunod ang mga karapatan sa naturang pangisdaan. Naitalâ ang maramihang pangingisda noong dekada 1950 noong ginawaran ng konsesyong makapangisda ang San Diego Fishing Enterprises na nakabase sa

370

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS

Maynila, na sa madalîng sabi ang nakapagtatag ng monopolyo at monopsonyo ng mga bunga ng nasabing lawas ng tubig.8 Idagdag pa ang pagpasok ng mga migrante, na karamihan ay mula sa mga rehiyong Bisaya at Bikol, at naging lunan na ang Sound ng mga alitan sa paggamit ng likás na yaman. Itong panloloob sa Sound ang sadyang naglagay sa mga Tagbanwa Tandulanon ng Taytay sa laylayan. Ang komposo ni Tay Mecio ay isang pakikisangkot sa nasabing laban na bawiin ang espasyong dati ay sa kanila. Tinutukoy ng komposo ang mga sitio, barangay, banwa, at islang itinatag ng kanilang mga ninuno, na ang ilan ay nása pangalang Tagbanwa: Malinet, Malauton, Gamao, Bambanan, Baulao, Taganibong, Abongan, Old Guinlo, New Guinlo, Yacal, Tabuan, Alacalian, Manamok, Bungot, Impatsian, Talog, Baong, Pancol, Colon, El Nido, Liminangcong, Cataban, Caniolan, Maget, Alutaytay, Yabeng, Bato, Calabocay, Binga, Alimanguan, Malateclatec, at Deingaran.9 Nililista din ng kanta ang mga pinagmumulan ng kabuhayan ng mga Tagbanwa Tandulanon bago silá nalinsad ng mga manloloob ng Malampaya Sound. Kabílang sa mga ito ang pangingisda gámit ang botoy at balay (panà), paglukso mula sa isang wakat (mataas na bahagi ng mga ugat ng bakawan) tungo sa isa pa sa paghahanap ng ibá pang lamáng-dagat tulad ng kalongon (isang uri ng krustaseo); at ibá pang domestikong gawain sa kanilang mga baybayen (baybayin), tulad ng pagtatanim ng lawinga (isang uri ng lamáng-ugat). Sa pamamagitan ng pagtutukoy sa mga lugar na itinatag ng kanilang mga ninuno, at sa paglalarawan ng uri ng kabuhayang nakukuha nila mula sa mga yaman ng Malampaya Sound, nagiging isang naratibong historikal ang komposo ni Tay Mecio ng mga lugar na hinablot mula sa kanila ng isang sistemang tunay siláng tinanggalan ng lunan. Dagdag pa, ginugunita ng komposo ni Tay Mecio ang mga dinanas na realidad na siyang nagbigay ng batayan sa karamihan ng kamalayang kaakuhan ng pamayanan:

371

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Orihinal na Tekstong Tagbanwa

Salin sa Filipino

Litsie ako ananakan pa Manggud Mabubulang ka mga higenan Anin Data ko moko lipatan Ya kanila a istorya A kanila a na mga napasaran Ka tandol ka baybayen Anin, Manggud Bokid, kapatagan o kalumonan.

Noong ako ay nagbibinata pa Manggud Nang buhay pa ang mga magulang namin Anin Hindi ko nalilimutan Ang kanilang mga kuwento Ang kanilang mga karanasan Sa tandol, sa aplaya Anin, Manggud Sa bundok, sa kapatagan, o sa iniwanang kaingin

Ang halaga ng tula bílang kasangkapan upang hulmahin ang kaakuhan ng isang tao ay nailalantad ng mga sumusunod na sipi: Orihinal na Tekstong Tagbanwa Ya sistime ka erekay lito Pinanobli ka ki ina Anin Data malipatan lito Maski ako mahalang na

Salin sa Filipino Ang sistema ng aking erekay10 Na minana ko sa aking ina Anin Hindi ko ito malilimutan Kahit ako ay matanda na.

Lan ya kanila a kasaysayan Porke naka sulat ba lan Naka sulat ba ka degan Anin Ka popotokon ka intanen.

Iyan ang kanilang kasaysayan Dahil nakasulat iyan Nakasulat sa dibdib Anin Sa puso ng lahat.

Datoy dakal a moko pasar Kami intia tribu ka Palawan Ya kaman a betala Manggud Data moko intendian Ka mga dayuhan.

Walang maraming nakauunawa Kami lang lahat na tribo ng Palawan Sa aming wika Manggud Walang nakaiintindi Sa mga dayuhan.

372

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS

Kung tutuusin, ang composo ay isang ideolohikal na muling pagtanaw sa isang nawalang pamayanan. At sa proseso ng paggunita, ang mga Tagbanwa Tandulanon ng Taytay, Palawan ay nakikisangkot sa muling pagsasapi sa mga kasapi ng pamayanan. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pakiramdam ng pagiging kasapi sa pamayanan, kahit naisagad na ang naturang pamayanan sa laylayan, nagagawa ng composo ni Tay Mecio na muling buuin ang kasaysayan, at kasáma nitó, ang kaakuhang hinahangad na ibalik ang mahalagang ginagampanan ng pamayanan sa diksursibong pagbubuo ng kanilang lipunan at kasaysayan. Sa gayon, tumatayông historyador si Tay Mecio na may mga sariling hangaring isinusulong sa pamamagitan ng kaniyang komposo. Ang naturang historikal na pagaangkin sa mga yaman ng Malampaya Sound ang humihirang sa komposo ni Tay Mecio bílang isang makirot na piyesang politikal ng panitikang binibigkas. PAGLALARAWAN SA NAKARAAN, PAGLALARAWAN SA HINAHARAP Tulad sa kahit anong yamang bukás sa lahat at madaling makuha, mga malalaking negosyo ang karamihan sa mga gumagamit sa Malampaya Sound. Kadalasan, ginawaran ng pambansa at lokal na pamahalaan ng awtoridad ang mga pribadong grupong ito, sa mga paraang legal o hindi, upang katasin ang mga yamang-tubig. Laging naiiwang talunan ang mga maliliit na mangingisda. Ang mga paggawad ng konsesyon sa malalaking kompanya ang nagdulot ng malawakang pagkatas ng yaman, lalo mula dekada 1920 hanggang dekada 1950 (Jacinto, 1995). Noong dekada 1970, nagdeklara ng isang “closed season” sa Malampaya Sound. Pinahintulutan ng nasabing polisiya ang “paggamit lámang ng mga simpleng kasangkapan tulad ng mga sibat at handline.” Ngunit nang malaon ay pinalitan ng pambansang pamahalaan ang polisiya sa paggigiit ng mga sustenance fisher (mga nangingisda para may makain). Binago ang depinisyon ng “sustenance fishing” upang isáma ang paggamit ng mga gill net at koral ng isda, na laganap na ginagamit noon ng mga sustenance fisher. Noong 1995, nagprotesta ang mga kasapi ng Malampaya Sound Fisherfolk Association (MSFA) laban sa pagtatayô ng isang sea ranch project, sapagkat isasara nitó ang mga pangisdaan ng Sound sa mga sustenance fisher. Nalaman ng MSFA na naitayô ang isang dike para sa mga palaisdaan sa Malampaya Sound, diumano’y sa pag-aproba ng alkalde ng Taytay na si Evelyn Rodriguez. (Arquiza, 1997) Noong 1997, ipinagbawal ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) ang napipintong operasyon ng nasabing proyekto dahil nabigo ang mga tagapanukala ng proyekto na magpása ng kinakailangang environmental impact assessment. Ipinapahiwatig lámang ng mga pangyayaring ito na ang Malampaya Sound ay isang lunang pinaglalabanan ng parehong mga pambansa at lokal na pamahalaan,

373

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

mga nagnanais umupa, mga tauhang politikal, mga sustenance fisher, at ibáng sektor na maaaring may pakikisangkot sa nasabing yaman. Sang-ayon sa konsepto ng operasyon ng lunan, nakatayâ mismo ang Malampaya Sound, isang tagpuan ng mga proyekto at isinusulong na hakbang bílang bahagi ng mga tiyak na estratehiya, at isa ring pakay ng mga pagtataya para sa hinaharap. Ngunit naisantabi sa laylayan ng pagbubuo sa Malampaya Sound bílang nililikhang espasyo ang mga Tagbanwa Tandulanon. At ang komposo ni Tay Melecio ang siyang naggigiit sa lunan ng mga Tagbanwa Tandulanon sa diskurso ng Malampaya Sound. Bahagi ng diskursong ito, na siyang nakapaloob sa komposo, ang konsepto ng dagat ninuno, na siyang kahalintulad ng lupaing ninuno. Matagal nang paksa at pakay ng pakikipagbuno ng mga katutubong lahi ng Filipinas ang pagkilala sa dagat ninuno. Natalakay ang konsepto ng dagat ninuno sa isa sa mga pakikipag-usap ng awtor na ito kay Crissy Guerrero, project manager ng NATRIPAL, isang araw noong 1997. Sinabi niyang tinutulungan ng NATRIPAL, sa pakikipagtulungan sa Philippine Association for Intercultural Development (PAFID), ang mga lokal na kasaping pamayanan na iguhit ang kanilang mga ancestral domain (lupaing ninuno). Binanggit niyang ang konsepto ng “dagat ninuno” ay pinag-aaralan na sa Coron, isang isla sa hilagang bahagi ng Palawan kung saan isinama ng mga Tagbanwa Calamianes ang mga dagat na pinangingisdaan nilá mula pa sinaunang panahon bílang bahagi ng kanilang mga ancestral domain. Hindi maipagkakait na tinutumbok ang konsepto ng dagat ninuno sa teksto ni Tay Mecio. Itinataghoy ni Tay Mecio ang dagat ninunong ito, ang pagkasira nitó sa mga kamay ng pag-unlad sa panghihimok ng mga kapitalista: Orihinal na Tekstong Tagbanwa Ya kaintanan dana Ing lito Mapabayan ya mangad lito Ka Malampaya o Palawan Anin, Manggud Ing lito inapabayan Ya katan Ya indarmal dana Anin Intaon dana y maski ono man

Salin sa Filipino Wala na ang lahat Kung ito, Kung mapababayaan ang yaman dito Sa Malampaya o Palawan Anin, Manggud Kung ito ay mapababayaan Natin Wala na ang ating bukas Anin Sa mga darating na panahon, wala na kahit anuman.

374

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS

Hinihikayat din niya ang nakababatang henerasyon ng mga Tagbanwa na bigyang boses ang tinig ng kanilang mga ninuno: Orihinal na Tekstong Tagbanwa Mga manak kamo ba Kamo mag aral ka kawat Kawat kito kaken a pobwatan Anin Dawalan mi lito Anin, Putol, Manggud

Salin sa Filipino Mga anak ko Pag-aralan rin ninyo ang aking ginagawa Tulad nitong aking ginagawa Anin Tingnan mo ito Anin, Putol, Manggud

Tahumonan mo ako maka kito Ka kaken a sistima Kawa Kawa ya mag tan ka lito gitara Anin Mag garay garay ka menta Ka kasaysayan ka banwa Anin, Manggud Ka kaleran ka Malampaya.

Tulungan mo ako rito Sa aking kalagayan Ikaw Ikaw ang humawak nitong aking gitara Anin Awit-Awitin kahit minsan Ang kasaysayan ng banwa Anin, Manggud Saloob ng Malampaya.

Binibigyang-diin ng laban ng mga Tagbanwa Tandulanon para bawiin at panatilihin ang kanilang dagat ninuno ang tawag para sa pagkakaisa ng mga katutubong pangkat na kinakaharap ang parehong pakikipag-buno: Orihinal na Tekstong Tagbanwa Belag intia ako ya may keteg Anin, Mangguad Ing beleg kita a intanan Kito ka Malampaya a rohal.

Salin sa Filipino Hindi lang ako ang may lakas Anin, Manggud Kundi tayong lahat Dito sa lugar ng Malampaya.

PAGGIGIIT SA LOKAL NA KAALAMAN, MULING-PAGGIIT SA KAPANGYARIHAN Tinitingnan ng pag-aaral na ito ang artikulasyong kultural ng mga katutubong pamayanan sa pamamagitan ng kanilang panitikang pabigkas sa ibá’t ibáng uri nitó bílang mga lehitimong bukal ng historikal na datos. (Scott, 1985; Maceda, 1997) Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga tinig na ito mula sa babâ, maaari nating mapagaralan ang mga posibleng legal an implikasyon ng usaping ito, at makapagsisimulang lumikha ng mga tiyak na isyung pampolisiya ukol sa nasabi at sadyang kinakailangan

375

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

nang malutas na hinaing ng mga Tagbanwa Tandulanon ng Palawan at ibáng katutubong kultural na pamayanan na kinakaharap ang parehong suliranin. Sa kaso ng komposo ni Tay Mecio, iginigiit niya ang isang historikal na pag-aangkin sa isang lugar na matagal nang naging kaharian ng karamihan ay mga pribadong kompanya at proyekto ng pamahalaan. Kahit ang mga samahang pangmasa at mga non-government organization na nakikiisa sa mga layunin ng mga marhinalisadong grupo tulad ng mga mangingisda ay may pagkukulang tungkol sa mga ancestral claim ng mga katutubong kultural na pamayanan na nakatirá sa mga baybaying komunidad. Naglalahad ng pagkiling laban sa mga pangkat tulad ng kay Tay Mecio ang ganitong uri ng mga gawaing pagpapaunlad sa kanilang kani-kaniyang project site. Halimbawa, ipapakita ng isang madaliang pagsisiyasat ng karamihan sa mga management plan ng mga yamang-tubig na hindi kasáma ang mga pag-angkin ng dagat ninuno ng mga katutubong kultural na pamayanan sa framework nilá sa paggamit ng yaman at sa implementasyon ng mga programa at proyekto sa baybayin. Ang komposo ni Tay Mecio ay isang pagsusuri ng developmental framework na sinusunod ng mga gumagamit ng yamang-baybayin na kabílang sa parehong panig ng politikal na ispektrum. Isa itong pagsusuri kung paano silá patuloy na isinasantabi ng mga estrukturang pribado at ng estado. Isa rin itong pagsusuri kung paanong ang mga alternatibong estruktura at sistemang inilalagay ng mga sumasalungat sa nauna ay patuloy na isinasagad sa laylayan ang mga katutubong tao. Isa itong pagsusuri kung paano silá ginawang walang-lunan at walang-kapangyarihan. Ngunit hindi lámang isang pagsusuri ang komposo ni Tay Mecio. Isa itong paggigiit ng isang karapatan: ang karapatan ng mga pamayanang baybayin sa isang lunan, at ang karapatan niláng manatiling buháy. Sa proseso ng paggigiit sa dagat ninuno, hindi lámang dinadalumat ng komposo ni Tay Mecio ang isang pamayanan; dinadalumat nitó ang isang pamayanang lumalaban upang panatilihin ang sarili nitó. Ang lumilitaw sa hulí ay ang muling pag-aakda ng komposo ni Tay Mecio ng kanilang lunan at kaakuhan. Ang pag-akda sa isang lunan ay ang angkinin ito at igiit ang kaalaman sa lunang iyon. Isinasaayos ng kaalaman ang kapangyarihan, at ang pagtalakay sa kung sino ang may-akda sa isang lunan ay ang pagpuna sa mga relasyon ng kapangyarihan at pakikisangkot sa isang laban para sa kapangyarihan. Ipinapalagay ng mga ganitong dinamika sa pagitan ng kapangyarihan at kaalaman ang pagharap sa mga politika ng representasyon at produksiyon ng mga lunan. Ang kultura ay tungkol sa ganitong pakikisangkot. Na dapat lámang, dahil ang malaking bahagi ng kultura ay ang produksiyon at sirkulasyon ng mga kahulugan. Sa ngayon, ang produksiyon ng lunan sa pamamagitan ng pag-akda sa isang lugar ay isang ideolohikal na pakikisangkot na nagpapahintulot sa diskursibong konstruksiyon ng kaakuhan na maaaring magluklok at magtanggal ng kapangyarihan sa hulí.

376

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS

Kung ang kawalang-lunan ay kawalang-kapangyarihan, ang komposo ni Tay Mecio sa gayon ay isang hakbang upang bawiin ang kapangyarihan. Sa pagsunod sa teoryang panlipunan ni Derek Gregory (1994), hindi lámang komentaryo sa búhay lipunan ang komposo ni Tay Mecio. Isa itong tunay na panghihimasok sa búhay lipunan, sa ating kontemporaneong búhay lipunan. MGA TALÂ * Ang papel na ito ay bahagi ng tesis na kasalukuyang ginagawa na may pamagat na “Lunan, Kaakuhan, at Kapangyarihan sa Texto ng mga Komunidad Kostal sa Hilagang Palawan,” para sa digring Master sa Arte sa Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. ** Ang awtor ay isang mag-aaral ng Master sa Arte sa Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon, Filipinas. Nagtuturo rin siya ng Panitikan ng Pilipinas at malikhaing pagsulat sa Filipino sa parehong unibersidad. Kasapi siya ng Kalupunan ng Tambuyog Development Center, at kasapi ng Young Critics Circle at Katha, isang organisasyon ng mga Filipinong mangangatha. 1 Ginawa ko ang salin sa Ingles ng teksto, at ng ibá pang sipi ng awit na ginamit sa papel na ito. Ngunit, ang pagsasaling ito ay ikatlong bersiyon na dahil ibinatay ko ito sa salin sa Filipino na ginawa ng mang-aawit na Tagbanwa mula sa kaniyang orihinal na tekstong Tagbanwa. Kayâ, sa sunod-sunod na mga pagsasalin dito, maaaring mawala ang ilang kahulugan mula sa orihinal na teksto. Nauunawaan kong isang malikhaing gawain ang pagsasalin, at nais kong bigyan ng diin na hindi layunin ng mga pagsasaling ito na maging malikhain. Isinalin ang mga ito bílang literal o tapat na gabay sa orihinal na teksto. 2 Bagaman ang mga salitâng ito ay halos may pagkakatulad sa wikang Ingles, sinadya kong iwasang isalin ang mga ito. Para mapanatili nitó ang bahagyang pagkakaibá ng mga salita, sa kahulugan, simbolo, at lahat ng pagbibigay-kabuluhan na taglay ng mga ekspresyong ito. 3 Tay ay isang terminong Tagalog bílang paggalang. “Tatay” ang salitâng-ugat nitó (Ama). Kadalasan, ginagamit itong pantawag sa mga táong kabílang sa mga nakatatanda sa komunidad; gayunman, sa mas tiyak na gamit nitó, sinisimbolo ng termino ang isang lalaki na iginagalang ng mga kasapi ng komunidad. Ang lingua franca sa Baong, Taytay, Palawan, na kinaroroonang na bayan ni Tay Mecio, ay Tagalog. Tinatawag din siya ng kaniyang kinasasapiang pangkat etniko ng Tay bago ang kaniyang pangalan, ngunit tinatawag din siya gámit ang ibáng termino ng paggalang sa kanilang sariling wika. May sari-sariling termino ang ibá’t ibáng etnolingguwistikong pangkat sa Filipinas na pantawag sa kanilang mga iginagalang na kalalakihan at kababaihan.

377

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

4

5

6

7

8

Inihalal si Tay Mecio sa hulíng bahagi ng 1997 bílang kasapi ng kalupunan ng mga direktor ng NATRIPAL. Nilikom ko ang heograpikong sistema ng klasipikasyon noong 1997 hábang nagbibigay ako ng maliliit na impormal na panayam sa mga Tagbanwa na tinirhan ko sa isla at bayan ng Taytay at Linapacan. Maidagdag ko rin, gayunman, na nagtatalo ang mga antropologo kung ang mga ganoong subpangkat, di lámang ang mga Tagbanwa kundi maging ang ibá pang etnolingguwistikong pangkat ay talagang kumakatawan sa naiibáng etnolingguwistikong pangkat o nagkakaibáibáng kultura lámang nitóng mga katutubong komunidad pangkultura. Tingnan ang James F. Eder at Janet O. Fernandez, Palawan at the Crossroads: Development and the Environment on a Philippine Frontier (Lungsod Quezon, Ateneo de Manila University Press, 1996). Gayunman, napansin ko na ang bawat subpangkat ng mga Tagbanwa ay gumagamit ng ibá’t ibáng wika na hindi nauunawaan ng ibáng subpangkat. Ang New Guinlo ay dáting tinatawag na Baong. Pinalitan ang pangalan nitó noong 1960, ngunit marami pa ring mamamayan, sa pamahalaan at sa ibá pa, ang patuloy na tumatawag ditong Baong. Gayunman, sa mga opisyal na rekord at datos ng pamahalaan, tinatawag na ito sa bago nitóng pangalan. Maaari itong maging isang magandang simula sa pag-aaral sa kultura at magkaroon ng sulyap sa tensiyong ideolohiko sa pagitan ng sentro at ng mga nása paligid nitó. Nagbibigay rin ang pangyayaring ito ng pahiwatig kung paanong ang isang partikular na espasyo ay nabubuo sang-ayon sa politika, heograpiya, at kultura. Hindi ipinakikita sa estadistikang nakalap ko mula sa Palawan Office of Southern Cultural Communities ang ibá’t ibáng subpangkat ng mga Tagbanwa. Pinagsámasáma silá sa pangkalahatang klasipikasyon na “Tagbanwa.” Dahil dito, naging mahirap ang pagtáya sa populasyon ng Tagbanwa Tandulanon sa Taytay, o sa buong probinsiya ng Palawan. Bukod dito, ang datos na inilahad ay maaaring hindi eksakto sa bílang: ika-80, maláy ang Palawan Office of Southern Cultural Communities at ang National Statistics Office sa di tumpak na estadistika ng kanilang datos ukol sa senso ng populasyon ng mga katutubong komunidad pangkultura. May komposo ang mga Kuyunon na tumatalakay sa suliranin at pakikipaglaban ng mga mangingisda noong 1950s, ang panahon ng kalakasan ng mga komersiyal na gawain ng San Diego Fishing Enterprises sa Malampaya Sound. Inawit ng 60 taóng gulang na si Alfredo Tabangay ng Pamantolon, Taytay, Hilagang Palawan, binubuo ang komposo ng limang saknong na may apat na taludtod, at labindalawang pantig bawat taludtod. Nakapagsagawa ako ng dokumentasyon nitó noong Mayo 1995 at isinama ko sa mga kuhang video sa dokumentaryong

378

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS

9

10

may pamagat na Palawan, isang produksiyong video noong 1995 ng Tambuyog Development Center. Gayundin, gumawa rin ako ng pag-aaral sa parehong komposo sa isang papel na may pamagat na Lunan, Kaakuhan at Pakikibakang Mangingisda sa Composo ng Malampaya, 1996. Nagbibigay ang komposo ng isang naratibo ng tunggalian ng mga mangingisda at ng malalaking negosyo. Ngunit higit dito, ang komposo ay isang paninindigan sa kahalagahan ng kanilang kasaysayan. Nahihimok nitó ang mga tao, at mga iskolar gaya natin, na igiit ang oral na panitikan bílang isang lehitimong dokumentong pangkasaysayan. Nása proseso pa ako ng pagkolekta sa mga lumang mapa at mga dokumento upang matukoy ang eksaktong kinaroroonan ng mga pook na ito na binanggit ni Tay Mecio sa kaniyang komposo. Ang ilan sa mga pangalan na ginamit niya ay hindi na ginagamit sa mga mapa at mga print na inilalabas ng mga tanggapan ng pamahalaan. Nagbigay-daan ang aking pananaliksik sa ilang dokumentong nagpapakita sa kinaroroonan ng ilan sa mga pook sa dati nitóng mga pangalan. Gayunman, nangako si Tay Melecio na may luma siyang mapa ng Malampaya Sound na kaniyang iginuhit batay sa kaniyang perpektiba. Muli, gusto kong maniwala na ang pagkakaibá-ibáng ito ng perspektiba—mula sa guhit ng mga mapa hanggang sa pagsasateksto ng mga naratibo ng interpretasyon sa kasaysayan—na madalas ay maaaring salungat, kayâ, naglalarawan ng uri ng tunggalian sa ideolohiya at kapangyarihan na sangkot sa diskursibong pagbuo ng espasyo, lipunan, identidad, kasaysayan, at kaalaman. Ang “erekay” ay ang ibá pang anyo ng panitikang oral sa Palawan. Nagkakaroon ng palitan ng mga berso at mga naratibo ng dalawang may matalas na pananalita ukol sa isang tiyak na paksa.

SANGGUNIAN Arquiza, Yasmin. 1997. Fishy Business, Unesco Sources 91 (Hunyo): 13. Barnes, Trevor J. at James S. Duncan. (Mga Ed.). 1992. Writing Worlds: Discourse, Text and Metaphor in the Representation of the Landscape. London at New York: Routledge. Cohen, A.P. 1985. The Symbolic Construction of Community. London: Travistock. Dumagat, Faye L. 1996. “Palawan’s Indigenous Peoples and Their Ancestral Domain.” Nása Indigenous Peoples of the Philippines: Knowledge, Power and Struggles, Proceedings of the UGAT 18th National Conference (Oktubre 17-19, 1996), La Trinidad, Benguet. Lungsod Quezon: Ugnayang Pang-aghamtao, Inc. Duncan, James and David Ley. (Mga Ed.). 1993. Place/Culture/Representation. London at New York: Routledge. Eder, James F. at Janet O. Fernandez. 1996. Palawan at the Crossroads: Development

379

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

and the Environment on a Philippine Frontier. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Estudillo, Ruben A., Cielito L. Gonzales, at Jose A. Ordoñez. 1987. “The Seasonal Variation and Distribution of Zooplankton, Fish Eggs and Fish Larvae in Malampaya Sound. (1-43), The Philippine Journal of Fisheries 20 (1& 2): EneroDisyembre. Lungsod Quezon: Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Fox, Robert B. 1982. Religion and Society among the Tagbanuwa of Palawan Island, Philippines. Manila: National Museum. Gregory, Derek. 1994. Geographical Imaginations. Cambridge MA at Oxford UK: Blackwell. Historical Data Papers of Palawan (HDPP). 1953. Manuskrtito. Jacinto, Eusebio Jr. R. 1995. “Historical Narratives of Taytay, Northern Palawan.” Nása A Compilation of PRA Studies on Taytay, Northern Palawan, Tambuyog, PRA Research Team. Lungsod Quezon: Tambuyog Development Center. Keith, Michael at Steve Pile. (Mga Ed.). 1993. Place and the Politics of Identity. London at New York: Routledge. Lefebvre, Henri. 1974. The Production of Space. Donald Nicholson-Smith, trans. Oxford: Basil Blackwell (rprt 1994). Maceda, Teresita Gimenez. 1996. Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Awit, 1930-1955 (Voices from Below: History of the Communist Party of the Philippines and the Socialist Party of the Philippines Through Songs, 1930-1955). Lungsod Quezon: University of the Philippines Press at UP Center for Integrative and Development Studies. National Statistics Office. 1996. Provincial Profile: Palawan. Manila: NSO. 1995. Census of Population, Report No. 2-72 D: Socio-Economic and Demographic Characteristics, Palawan. Manila: NSO. Office of Southern Cultural Communities-Palawan. 1997. Tribal Communities of Palawan: Population Distribution and Tribal Settlements. Lungsod Puerto Princesa. Manuskrito. Palawan Provincial Development Council (PPDC) 1997. Draft: Provincial Physical Framework Plan/Comprehensive Provincial Land Use Plan, Province of Palawan, Planning Period 1993 to 2002. Peralta, Jesus T. 1991. Briefs on the Ethnic Groups: Indigenous and Migrants to Palawan. Nása Bountiful Palawan. Manila: Aurora Publications, Inc. Rivera, Rebecca A. 1997. Fishers in Distress: Network Analysis of Palawan Fishers’ Problems and Issues. Lundayan Journal, Special Issue. Lungsod Quezon: Tambuyog Development Center. Scottm William Henry. 1985. Cracks in Parchment Curtain and Other Essays in

380

MULING PAGGIGIIT NG MGA KATUTUBONG LUNAN SA TEKSTONG TAGBANWA: ISANG HALIMBAWA NG DAGAT NINUNO SA FILIPINAS

Philippine History. Lungsod Quezon: New Day Publishers. Simmons, Merle E. 1957. The Mexican Corrido as a Source of Interpretative Study of Modern Mexico (1870-1950). Bloomington, Indiana: Indiana University Press (rprt 1969). Soja, E. 1989. Postmodern Geographies: The Reassertion of Space in Cultural Social Theory. London: Verso.

381

SILABUS NG KURSONG KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

SILABUS NG KURSONG KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON PAMAGAT NG KURSO:

KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

BÍLANG NG YUNIT:

Tatlong Yunit (Tatlong oras kada linggo sa loob ng 18 linggo, o 54 na oras.

PAGLALARAWAN NG KURSO

Tinatalakay sa kurso ang mga proseso ng komunikasyon nang may diin sa kaibahan ng pag-iisip, pag-unawa, pagdanas, at pagdamá bunga ng sari-saring kulturang pinag-uugatan ng mga tao, komunidad, o pangkat na nagpapalitan ng impormasyon. Binibigyang-diin ng kurso ang papel ng mag-aaral bílang edukadong propesyonal na tumatayong tagapamagitan sa kaalaman, kultura, at pamumuhay ng mga lokalidad na kaniyang kinalalagyan at ng higit na malawak na daigdig na kaniyang kinabibilangan. Sa pamamagitan nitó, makakapag-ambag ang mag-aaral sa pagdodokumento ng pamumuhay sa kaniyang kinaroroonan hábang maingat na tinitimbang kung alin sa mga impluwensiyang banyaga ang nararapat palaguin sa sariling pamayanan at kung alin sa mga sariling kalakaran at paraan ng pamumuhay ang dapat panatilihin, payabungin, at itanghal sa labas ng sariling komunidad.

MGA LAYUNIN NG KURSO:

(L1) Lumikha ng mga kasangkapang pangkomunikasyon sa anyong pasulat at pabigkas na nakapagpapahayag ng isa o magkakaugnay na kaisipan para sa ibá’t ibáng pangkat ng tao na may magkakaibang kultura; (L2) Sumulat ng papel pananaliksik tungkol sa isang suliranin, kaisipan, o paksaing intrinsiko sa sariling pamayanan at maitanghal ang resulta ng pag-aaral nitó sa isang presentasyon; (L3) Gamitin ang angkop na teknolohiyang makakatulong sa pagbuo ng mga awdyo-biswal na presentasyon para sa mga aplikasyong pangkomunikasyon; (L4) Mabatid na bawat salita, pahayag, kaisipan, diskurso at ibá’t ibáng teksto—pampanitikan man o hindi—ay mayroong higit pa sa isang kahulugan; (L5) Matukoy ang mga ekonomiko, politikal, panlipunan, at kultural na mga salik na tumutulong sa pagbabago-bago ng kahulugan sa isang teksto; (L6) Masuri ang implikasyon ng mga ugnayang pandaigdig sa pagpapatupad ng mga patakaran sa antas na lokal; (L7) Itanghal ang mga pamamaraan at kalakarang lokal bílang kapantay ng mga sistemang pandaigdig.

383

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

BALANGKAS NG KURSO: LINGGO

PAKSA & MGA GAWAIN Nakapaloob sa panaklong kung anong layunin ng kurso ang natutugunan ng bawat gawain

Paraan ng Ebalwasyon

1

Pagpapakilala sa Kurso • Higit na detalyadong paglalarawan sa kurso: ano ang maaaring asahan, paano naiiba ang kurso sa mga kaugnay na asignaturang nakuha dati, kung ano-anong kasanayan ang inaasahang taglay ng mag-aaral para sa kurso, atbp. • Pagpapakilala sa mga gawaing aasahan sa klase, batayan ng marka at ang mga tinatayang petsa ng pagsumite sa mga gawaing ito. • Pagpapaalala ng mga tuntunin at disiplinang aasahan sa loob ng silid-aralan.

Partisipasyon sa klase: Tawagin isa-isa ang mga mag-aaral at bigyan ng isang salita na kailangang bigyan ng depinisyon at/o halimbawa.

Paglalatag ng mga depinisyon (L4, L5, L6, L7) PANGUNAHING TERMINOLOHIYA • Komunikasyon • Malayuning komunikasyon • Kultural na malayuning komunikasyon • Ekonomiya • Politika • Lipunan • Kultura • Konteksto • Ideolohiya • Pluralismo/Maramihan

2

KATUWANG NA MGA SALITA • Wika • Lahi • Relihiyon • Kasarian • Seksuwalidad • Uring Panlipunan • Heograpiya • Identidad • Bayan • Nasyonalismo • Representasyon • Diskurso • Pamamaraan • Disiplina

Konseptong Kritikal 1: ARALING PANGKAUNLARAN (L1, L5, L6, L7) Nakaugat ang konsepto ng malayuning komunikasyon sa Araling Pangkaunlaran (Development Studies)

384

SILABUS NG KURSONG KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

LINGGO

PAKSA & MGA GAWAIN Nakapaloob sa panaklong kung anong layunin ng kurso ang natutugunan ng bawat gawain

2-3

KONSEPTONG KRITIKAL 2: GITNANG-URI (L1, L2, L4, L5, L6, L7) • Ang pagpapatuloy ng kolonyal na burukrasya sa mga tungkuling inaasahan sa gitnang-uri o SANGGUNIAN: Benedict Anderson, Imagined Communities: Reflections on the Origin and Spread of Nationalism. NY: Verso, 1991. • Kasaysayan ng gitnang-uri sa Kanluraning Europa: ang magsasakang naging edukadong propesyonal o SANGGUNIAN: López, A. Ricardo, and Barbara Weinstein, The Making of the Middle Class: Toward a Transnational History. Duke University Press, 2012. • Kasaysayan ng gitnang-uri sa Filipinas: ang panginoong maylupa na naging negosyante at ang gitnang-uring naghahari-harian o SANGGUNIAN: Ronald M. Glasman, “Excurses on the Third World and its Class Balance,” The Middle Class and Democracy in SocioHistorical Perspective. Brill, 1995, 336-366. • Ang gitnang uri sa konteksto ng kaunlarang pambansa: ibá’t ibáng halimbawa sa Asya The New Revolution. Routledge, 2013. • Ang gitnang-uri at ang produksiyon ng mga tekstong pangkomunikasyon o Rolando B. Tolentino, “School ID at ang Pakiwaring o Renato Constantino, “Revolution and Compromise.” Ika-11 kabanata ng A History of the Philippines ni Constantino, 1975. o Zeus Salazar, “Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag.” Mula sa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan, Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan nina Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez at Vicente Villan, mga patnugot. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 2000, 55-65. . Mayroong kopyang matatagpuan sa http://bagongkasaysayan.org/ downloadable/ zeus_003.pdf. o Mga sanaysay sa Almanak ng Isang Aktibista ni Rolando B. Tolentino • MGA MUNGKAHING BABASAHIN NA TATALAKAYIN SA KLASE: o Rolando B. Tolentino, “School ID at ang Pakiwaring o Renato Constantino, “Revolution and Compromise.” Ika-11 kabanata ng A History of the Philippines ni Constantino, 1975. o Zeus Salazar, “Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag.” Mula sa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan, Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan nina Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez at Vicente Villan, mga patnugot. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 2000, 55-65. . Mayroong kopyang matatagpuan sa http://bagongkasaysayan.org/ downloadable/ zeus_003.pdf. o Mga sanaysay sa Almanak ng Isang Aktibista ni Rolando B. Tolentino

385

Paraan ng Ebalwasyon

DEBATENG DI-PORMAL: ANG GITNANG URI. (Annex 1)

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

LINGGO

PAKSA & MGA GAWAIN Nakapaloob sa panaklong kung anong layunin ng kurso ang natutugunan ng bawat gawain

4

KONSEPTONG KRITIKAL 3: SANAYSAY (L1, L2, L3, L4, L5, L6, L7) • Ang sanaysay bílang kasangkapan ng subersiyon • Ang sanaysay bílang testamento ng paninindigan ng gitnang-uri • Ang sanaysay bílang pundamental na estruktura sa lahat ng uri ng komunikasyon • MGA SANGGUNIAN: o Michel de Montaigne, Essays. unang inilathala noong 1580, pinagmulan ng salitâng ‘essay’ o Rachel B. DuPlessis, “f-Words, An Essay on the Essay,” American Literature. 68:1,1996, 15-45. o Edward Said, “The World, the Text and The Critic,” The World, the Text and The Critic. Harvard University Press, 1983, 31-53. • MGA MUNGKAHING BABASAHIN NA TATALAKAYIN SA KLASE o E. San Juan, Jr., “Kasaysayan, Sining, Lipunan: Ang Politika ng Panitikan sa Makabagong Panahon.” Kritika Kultura, Vol. 24, 2014, 239-247.

UNANG PROYEKTO: IMPORMASYON GALING SA GITNANG URI (Annex 2)

5

ANG ANYO NG SANAYSAY NA PORMAL (L1, L2) Makakatulong kung tatalakayin muna ang mga rekisitos sa pagsulat ng sanaysay. Annex 3. Hábang binubuo ng mga mag-aaral ang kanilang mga sanaysay, balikan ang mga tuntuning ito. Maglaan din ng oras sa klase para sa mga indibidwal na konsultasyon. • Estruktura • Punto de-bista • Tono • Three-part theme • MGA SANGGUNIAN: o Tracy Chevalier, Encyclopedia of the Essay. London: Fitzroy Dearborn, 1997. o Klaus, Carl H. & Ned Stuckey-French, Essayists on the Essay: Montaigne to Our Time. Iowa: University of Iowa Press, 1997. o Foster, Patricia & Jeff Porter, Understanding the Essay. New York: Boradview, 2012. o Campbell, Kimberly Hill & Kristi Latime, Beyond the FiveParagraph Essay. Sternhouse, 2012.

SANAYSAY: ISANG SISTEMA, MAGKAKAIBANG MMMAGKAKAIBANG KULTURA (Annex 3)

ANG PAPEL PANANALIKSIK (L1, L2) • Pananaliksik at ang ibá’t ibáng aplikasyon nito sa komunikasyon • Anyo at mga bahagi ng Papel Pananaliksik • Sa bahaging ito, mahalagang pag-isipan na ang magiging paksa para sa pangwakas na papel • MGA SANGGUNIAN: o Redman, Peter & Wendy Maples, Good Essay Writing: A Social Sciences Guide. London: Sage, 2011. o Jacobs, Jerry A. Specialization in the Research University. Chicago: University of Chicago Press, 2014. o Modern Language Association of America, MLA Handbook for Writers of Research Papers. 2009. o Barrett, Estelle & Barbara Bolt, Practice as Research: Approaches to Creative Arts Enquiry. I.B. Tauris, 2014.

386

Paraan ng Ebalwasyon

SILABUS NG KURSONG KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

LINGGO

PAKSA & MGA GAWAIN Nakapaloob sa panaklong kung anong layunin ng kurso ang natutugunan ng bawat gawain

Paraan ng Ebalwasyon

6

PAG-UNAT SA ANYO NG SANAYSAY (L1, L2, L3, L4) Ipaliwanag kung paano naipapamalas ng mga sumusunod na anyo ang mga batayang konsepto ng pagsulat ng sanaysay: • Balita • Komentaryo • Ulat pantelebisyon/panradyo • Dokumentaryo • Patalastas • Batas • Blog • Iba pa • MGA SANGGUNIAN o Timothy Corrigan, The Essay Film: From Montaigne, After Marker. New York: Oxford University Press, 2011. o Charles Warren, Beyond Document: Essays on Nonfiction Film. Middletown CT: Wesleyan University Press, 1996. o Jay David Bolte, Writing Space: Computers, Hypertext, and the Remediation of Print. Routledge, 2001.

PANGKATANG ULAT: KAALAMANG PAMPAMAYANAN (Annex 4)

7

PANANALIKSIK: ETIKA (L4, L5) Nakapaloob ang panaliksik sa mga pundamental na prinsipyong pang-etika na gumagabay sa disenyo at implementasyon ng pananaliksik sa lahat ng aspekto nito lalo na pagdating sa mga sumusunod na paksa: • Pagsangguni ng impormasyon mula sa iba • Pag-eksperimento sa tao, hayop, at kapaligiran • Mga eksperimentong may kinalaman sa gamot, sakit, at mga bawal na gamot • Paghingi ng paalam sa mga taong nakakapanayam, pinagkukunan ng datos • Mga etikal na suliranin sa paggamit ng impormasyon mula sa mga pampublikong website gaya ng YouTube, Wikipedia, Tumblr, Facebook, Twitter, Instagram, Ask, Wattpad, atbp. • MGA SANGGUNIAN o Robert Klitzman, Human Research Safe. Oxford, 2015. o Mark Israel, Research Ethics and Integrity for Social . Sage, 2014. o Joly, Yann & Bartha Maria Knoppers, Routledge Handbook of Medical Law and Ethics. Routledge, 2014. Ethics and Education Research. Sage, 2014.

Partisipasyon sa klase: Tawagin isa-isa ang mga mag-aaral at bigyan ng ibá’t ibáng sitwasyong nagpapamalas ng etikang problematiko

387

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

LINGGO

8-9

PAKSA & MGA GAWAIN Nakapaloob sa panaklong kung anong layunin ng kurso ang natutugunan ng bawat gawain PANANALIKSIK: MGA PARAAN (L4, L5, L6, L7) Paraan ang tawag sa isang serye ng mga hakbang o partikular na estratehiya na magiging batayan ng bagong kaalaman. Kompara sa pamamaraan na pawang nakatutok sa sintesis ng mga impormasyong nalikom mula sa ibá’t ibáng paraan, nakatutok ang paran ng pananaliksik sa paghanap ng mga partikular na tugon na sasagot sa mga partikular na tanong. • Paraang Kuwantitatibo/Quantitative o Survey o Estadistika o Eksperimento • Paraang Kuwalitatibo/Qualitative o Panunuring Historikal o Pakikipanayan o Etnograpiya o Naratolohiya Maaari ding magtalakay ng higit na espesipikong mga paraan lalo na kung ang miyembro ng klase ay may magkakaparehong larangan at nakatanggap ng angkop na paghahanda sa mga pundamental na kaisipan ng paksang ito sa Senior HS. Halimbawa, kung ang mga mag-aaral ay lahat kumukuha ng kurso sa pagka-Inhinyero, maaaring magsama ng diskusyon sa ibá’t ibáng optimization methods at higit na espespikong estadistika na ginagamit sa kanilang larangan. • MGA SANGGUNIAN o Trochim, William, James Donnelly & Kanika Arora, Research Methods: The Essential Knowledge Base. Cengage, 2015. o Shields, Patricia M. & Nandhini Rangarajan, A Playbook for Research Methods: Integrating Conceptual Frameworks and Project Management. Stillwater, OK: New Forums, 2013.

388

Paraan ng Ebalwasyon

PANUKALANG PAPEL (Annex 5)

SILABUS NG KURSONG KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

LINGGO

PAKSA & MGA GAWAIN Nakapaloob sa panaklong kung anong layunin ng kurso ang natutugunan ng bawat gawain

10-11

PANANALIKSIK: MGA PAMAMARAAN (L4, L5, L6, L7) Pamamaraan ang pangkalahatang katawagan sa proseso ng pagsasagawa ng pananaliksik kabílang na ang mga paraang gagamitin upang isagawa ito. Binibigyan ng katuturan ng mga pamamaraan kung paano kokolekta ng datos at impormasyon at ang estratehiya ng pagproseso sa mga ito upang bumuo ng kaalaman. • Teorya: pagtalakay sa mga pundamental na kaisipang nagdomina sa edukasyon ng nakaraang siglo o Marxismo o Panunuring Sikolohikal o Femenismo at Araling Pangkasarian o Estrukturalismo o Post-estrukturalismo o Postkolonyalismo o Ekofeminismo • Pananaliksik Pang-agham o Paraang Siyentipiko/Scientific Method o Empirisismo • Pananaliksik Pang-Agham, Panlipunan, at Pang-Humanidades o Uri, Kasarian, Relihiyon, Edad, Edukasyon o Konstruksiyong Kultural o Nasyonalismo • Pananaliksik Pangkultura o Literasing Biswal o Literasing Pangmidya • MGA SANGGUNIAN: o Bagele Chilisa, Indigenous Research Methodologies. London: Sage, 2012. o Berryman, Mere, Suzanne SooHoo & Ann Nevin, Culturally Responsive Methodologies. Emerald Group, 2013. o Margaret Elizabeth Kovach, Indigenous Methodologies: Characteristics, Conversations, and Contexts. Toronto: University of Toronto Press, 2010.

389

Paraan ng Ebalwasyon

BALANGKAS NG PAPEL (Annex 6)

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

LINGGO

PAKSA & MGA GAWAIN Nakapaloob sa panaklong kung anong layunin ng kurso ang natutugunan ng bawat gawain

12-13

IBANG ASPEKTO NG MALAYUNING KOMUNIKASYON: Pagsasalin at Pag-aangkop (L1, L4, L5, L6, L7) • Mula sa orihinal na wika patungo sa ibang wika o Ingles Filipino / Filipino Ingles o Wikang Rehiyonal Filipino at/o Ingles / Filipino at/o Ingles Wikang Rehiyonal • Mula sa isang anyo, midyum at teknolohiya patungo sa ibang anyo, midyum at teknolohiya: paano maaaring isalin ang isang kaisipang isinulat para sa isang paraan ng paglalahad at pagpapahayag papunta sa ibang anyo, ilang halimbawa: o Isang kaisipan na isinulat para sa saligang-batas papunta sa isang text message o Isang tanong sa isang pulong ng unyon ng mga manggagawa na kailangang pangatwiranan sa may-ari ng kompanya o Isang ulat ng krimen sa diyaryo sa isang naratibo para sa isang dulang panradyo • MGA SANGGUNIAN: o Lawrence Venuti, The Translation Studies Reader. NY: Routledge, 2012. o Dennis Cutchins, Laurence Raw& James M. Welsh, Redefining Adaptation Studies. Scarecrow Press, 2010. o Linda Hutcheon, A Theory of Adaptation. NY: Routledge, 2006.

PRAKTIKAL NA APLIKASYON (Annex 7)

14-17

Presentasyon (L1, L2, L3, L4, L5, L6, L7) • Hahatiin sa mga pangkat na may dalawa hanggang apat na kasapi ang mga mag-aaral ayon sa mga paksa, kaisipan at/o usapin na kanilang sinasaliksik • Bibigyan ang bawat mag-aaral ng 5 hanggang 10 minuto para magbigay ng presentasyon tungkol sa kaniyang pananaliksik at tatalakayin ang resulta ng kanilang pananaliksik. Depende sa paksa at disenyo ng pag-aaral, maaaring talakayin ang ilan sa kumbinasyon ng sumusunod: o Suliraning tinatalakay o Halaga ng pag-aaral o Pagsusuri ng mga kaugnay na pag-aaral o Mga paraan at pamamaraan ng pagsasagawa ng pag-aaral o Batayang teoretikal o Mahahalagang datos na nakalap at ang interpretasyon nito o Buod ng isinagawang pag-aaral o Rekomendasyon para sa pagpapatuloy ng pag-aaral • Tandaan na ehersisyo pa rin ng kakayahan ng mag-aaral ang presentasyon. Tutukan ang mahahalagang kaisipan, ng pagbubuod at paglalagom, at pagmumuni-muni sa isinagawang pag-aaral. Pagkakataon ito para sa mag-aaral na makakuha ng puna, komento, o mungkahi sa kaniyang guro para sa pagrerebisa ng kaniyang papel.

UNANG BORADOR (Annex 8a)

Paglalagom at Pagpasa ng Pangwakas na Papel (L1, L2, L3, L4, L5, L6, L7)

PANGWAKAS NA PAPEL (Annex 10)

18

390

Paraan ng Ebalwasyon

PAG-UULAT: PRESENTASYON NG PANANALIKSIK (Annex 8b)

SILABUS NG KURSONG KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

BATAYAN NG MARKA REKISITOS

BAHAGDAN

Debate

5%

Proyekto

5%

Maikling Sanaysay

10%

Pangkatang Ulat

10%

Panukalang Papel

10%

Balangkas ng Papel

5%

Praktikal na Aplikasyon

5%

Unang Borador

10%

Pag-uulat/Presentasyon

15%

Pangwakas na Papel

25%

KABUOAN

100%

SANGGUNIAN Anderson, Benedict. Imagined Communities: Reflections on the Origin and Spread of Nationalism. NY: Verso, 1991. Barrett, Estelle & Barbara Bolt. Practice as Research: Approaches to Creative Arts Enquiry. I.B. Tauris, 2014. Berryman, Mere, Suzanne SooHoo & Ann Nevin, Culturally Responsive Methodologies. Emerald Group, 2013. Bolte, Jay David. Writing Space: Computers, Hypertext, and the Remediation of Print. Routledge, 2001. Brooks, Rachel, Kitty te Riele & Meg Maguire. Ethics and Education Research. Sage, 2014. Campbell, Kimberly Hill & Kristi Latime. Beyond the Five-Paragraph Essay. Sternhouse, 2012. Chevalier, Tracy. Encyclopedia of the Essay. London: Fitzroy Dearborn, 1997. Chilisa, Bagele. Indigenous Research Methodologies. London: Sage, 2012. Constantino, Renato. “Revolution and Compromise.” A History of the Philippines ni Constantino, 1975. Corrigan, Timothy. The Essay Film: From Montaigne, After Marker. New York: Oxford University Press, 2011. Cutchins, Dennis, Laurence Raw & James M. Welsh. Redefining Adaptation Studies. Scarecrow Press, 2010. DuPlessis, Rachel B. “f-Words, An Essay on the Essay,” American Literature 68:1,1996. 15-45.

391

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Foster, Patricia & Jeff Porter, Understanding the Essay. New York: Boradview, 2012. Glasman, Ronald M. “Excurses on the Third World and its Class Balance,” The Middle Class and Democracy in Socio-Historical Perspective. Brill, 1995, 336-366. Goodman, David & Richard Robison. The New Rich in Asia: Mobile Phones, McDonald’s and Middle Class Revolution. Routledge, 2013. Hutcheon, Linda. A Theory of Adaptation. NY: Routledge, 2006. Israel, Mark. Research Ethics and Integrity for Social Scientists: Beyond Regulatory Compliance. Sage, 2014. Jacobs, Jerry A. In Defense of Disciplines: Interdisciplinarity and Specialization in the Research University. Chicago: University of Chicago Press, 2014. Joly, Yann & Bartha Maria Knoppers. Routledge Handbook of Medical Law and Ethics. Routledge, 2014. Klaus, Carl H. & Ned Stuckey-French. Essayists on the Essay: Montaigne to Our Time. Iowa: University of Iowa Press, 1997. Klitzman, Robert. The Ethics Police?: The Struggle to Make Human Research Safe. Oxford, 2015. Kovach, Margaret Elizabeth. Indigenous Methodologies: Characteristics, Conversations, and Contexts. Toronto: University of Toronto Press, 2010. López, A. Ricardo, and Barbara Weinstein. The Making of the Middle Class: Toward a Transnational History. Duke University Press, 2012. Modern Language Association of America, MLA Handbook for Writers of Research Papers. 2009. Montaigne, Michel de. Essays. Unang inilathala noong 1580. Redman, Peter & Wendy Maples. Good Essay Writing: A Social Sciences Guide. London: Sage, 2011. Rolando B. Tolentino, “School ID at ang Pakiwaring Gitnang Uri.” Pinoyweekly.org, 24 Enero 2007. Said, Edward. “The World, the Text and The Critic,” The World, the Text and The Critic. Harvard University Press, 1983, 31-53. Salazar, Zeus. “Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag.” Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan, Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan nina Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez at Vicente Villan, mga patnugot. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 2000, 55-65. . Mayroong kopyang matatagpuan sa http:// bagongkasaysayan.org/ downloadable/zeus_003.pdf. San Juan, E. Jr. “Kasaysayan, Sining, Lipunan: Ang Politika ng Panitikan sa Makabagong Panahon,” Kritika Kultura, Vol. 24, 2014. 239-247. Shields, Patricia M. & Nandhini Rangarajan. A Playbook for Research Methods:

392

SILABUS NG KURSONG KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Integrating Conceptual Frameworks and Project Management. Stillwater, OK: New Forums, 2013. Tolentino, Rolando B. Almanak ng Isang Aktibista. Trochim, William, James Donnelly & Kanika Arora. Research Methods: The Essential Knowledge Base. Cengage, 2015. Venuti, Lawrence. The Translation Studies Reader. NY: Routledge, 2012. Warren, Charles. Beyond Document: Essays on Nonfiction Film. Middletown CT: Wesleyan University Press, 1996.

393

A

ng AKLAT NG BAYAN ay bahagi ng isang pangmatagalang proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang masimulan ang maaaring ituring na “Aklatan ng Karunungan” (Library of Knowledge) na magtatampok sa kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng paglikha at saliksik. Sa ilalim ng proyekto, muling ililimbag ng KWF ang mga katangi-tanging pag-aaral sa wika, panitikan, at kultura ng Filipinas; isasalin ang mga mahusay na akda mula sa mga wikang katutubo, panitikang-bayan man o bagong malikhaing pagsulat; isasalin ang mga dakilang akdang banyaga; ipasusulat o tatangkilikin ang mga bagong pag-aaral pangkultura; at ilalathala ang mga mahusay na tesis at disertasyon hinggil sa wika at panitikan ng bansa.